New Home

13 06 2006

Maliban sa pagkakatul ko noong trese anyos pa lang ako [kasinungalingan.  disisais na akong nagpatuli], isa pa sa liberating experience ko ang unang araw sa trabaho dito sa Maynila.  Sakay ako ng dyip mula sa tinutuluyang boarding house sa Sta. Ana papuntang Boni, tapos bus mula Boni papuntang Makati Avenue papuntang Exchange Building.  New joiner ang tawag sa unang pasok naming mga bagong recruit.  Para akong batang bagong tuli ulit sa excitement.  Tuwang tuwang nilalanghap ang polusyon mula sa tambutso ng dyip at makipagsabayan maglakad kasabay ng iba pang yuppies sa Makati na suot ang bagong leather shoes at bagong kula na puting polo.  Kala mo big time na din ako.  Gayang gaya ko din ‘yung paglalakad na komang ng mga Tsinoy businessmen habang pinag-uusapan nila kung ilang stock shares ang bibilhin.    

Bagong mundo ito sa ‘kin.  May mga bagong salitang dapat intindihin.  City Service ang tawag sa mga taga timpla ng kape at orange juice.  
Nakipagkilala din ako sa mga new hires.  ‘Yung isa, binati ko at sinabi kong may  kamukha siyang artista, si Bitoy.  Ang sabi, ”Bitoy who?” na parang nainsulto pa. Hindi nila kilala si Michael V samantalang kadulu-duluhan ng liblib na baryo namin nakakapanood ng ‘Yari Ka!’. 
Tagalog kami sa bahay pero parang ‘lost in translation’ ako dito.  Pag bagong gupit, ang sinasabi ay bagong tasa.  Inuuto talaga ako ng mga kasama ko.  Ano ‘yun, ulo tapos ginamitan ng sharpener?  Ang pekto sa amin ay tao, dito ay komang.  Ang banban sa amin ay masarap na isda na pinausok, dito ang ibig sabihin ay di marunong mag-shoot ng basketball.  At pag sinabi nilang ‘Nakain ka na ba?’, hindi rumerehistro sa utak ko.  Sabi ko na lang, ‘Hindi ako nakain.  Buong buo pa ako, sinong kakain sa akin? Whatta promdi me.
Advertisements

Mga Tugon

Information

16 responses

5 06 2007
BananaMatronix

cencia na mennnnn. alam mo naman, city life eeeee. hahaha.

thank god wala na ako sa acn.

6 06 2007
badoodles

wowee! di malapit ka nang maging big tym ngaun. ako kasi naka bonding pa for a year. haha!

11 06 2007
Yre

Wow men! di mo na gets kun ano yung nakain ka na? hahahaha

12 06 2007
badoodles.wordpress.com

yre, di nga e. bago bago lang kasi ako nakalabas ng bundok. hahaha! weird no? pero alam ko na ngaun. pati ung naulan saka nautot, alam ko na din.

17 09 2007
pazing

“Tinanong nila ako ng ‘Nakain ka na ba?’”

napahagalpak talaga ko diyo ng tawa! hahaha
koya, di ko pa rin tapos suyurin ang blog mo, marami pa kong dapat basahin. aliw na aliw ako!

17 09 2007
badoodles

@pazing nung mga unang posts, serious pa ako sa inglisan. pero mas nakakatuwa pala ung natural na kulitan. 😉

18 09 2007
pazing

koya, pansin ko nga kahapon habang binabasa ko mga unang posts mo. mantakin mong naubos ko lahat yon! hehe. seryoso ka sa mga posts mo dati. ngayong kengkoy na. 😀

18 09 2007
badoodles

@pazing hahaha! plastik pa kasi ako nun.

23 09 2007
randomdemeanor

ako din…kung babasahin mo earlier posts ko…echuchengs na naubus ko lahat ng napulot kong English words .Drama-epek para kunwari daw englisera ang sumulat..(charing).

Eh..habang nagbabasa din ako ng mga blogs na nasa blogroll ko (especially kay Badoodles..uuuyyy)…little by little ..I am starting to understand why people are engaged in blogging: MASARAP magblog.

Parang nag rirelease ng masamang hangin..eheheheh..sarap sa feeling!!!

23 09 2007
badoodles

@random yep at masarap makipagkulitan sa internet esp. with like-minded pipol na bihira kang makakita in real life.

24 09 2007
randomdemeanor

korak!!

24 09 2007
badoodles

@random arf!

24 09 2007
randomdemeanor

doggy??..joke lng..hehehhehe..napapansin kong parang nagkakaroon na ng IM dito sa blog mo..hehehhe

26 09 2007
badoodles

@random haha. uu nga eh. sabagay okay na ‘to para pede mo lang icheck kung may ‘message of the day’ ka. heheh.

27 09 2007
randomdemeanor

ganun na nga nangyayari sa akin…at least may dahilan na ko para magtrabaho..wahahahaah..joke lng Bosing…syempre trabaho pa rin yung una…tapos bloggin pag break time…haayy..ganda ng buhay night shift!!!!

22 11 2007
maktub

this is unsolicited… pero.. I Hate Micheal V.!! I just so fucking hate him…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: