Dear Future Me

17 04 2007

Date: April 17, 2027 

Dear Future Me – 48 years old, 

Wala akong gaanong magawa sa opis ngayon.  Kaysa naman mag-bunot ako ng buhok sa ilong dito sa opisina, okay na ‘yung sulatan na lang kita.  Sana tama ang naging desisyon ko para mapunta ka kung asan ka man ngayon sa panahon mo.   ‘Yung pagpupursige ko at paggi-gym ko araw araw.  Sana di ka pa obese. Ilan na ba ang anak mo ngayon?  Sana nagkaroon ka ng anak, baka kasi bugok ang tamod mo.

Malamang nasa mid-life crisis ka na ngayon.  Nakakalbo ka na din siguro.  At least natupad na ’yung matagal mo nang pangarap na maging kamukha ni Bruce Willis.  Hindi ka man naging porn star, na ’yun naman ang unang wish mo sa buhay, at least pang-Hollywood ka na.    Sana naman, sa ‘yong panahon at edad, may sarili ka nang tsikot saka nabili mo na din ’yung dream house mo para kay Judith.  Sa US ka na ba ngayon?  Sana naman wala na kayo sa apartment sa Muntinlupa.  Nakakabad-trip ang mga manyak na higad don na bigla na lang mahuhulog sa hita ko galing sa bubong.  Bastos talaga.  Akala siguro nung mga tadong higad na ’yun e higad din ang pototoy ko.  Baka naman sa Laguna na din kayo nag-settle down? Ayaw kasi ni BebeKo sa Laguna, gusto niya maging ispokening inglis ang kanyang mga anak paglaki, tunog banyaga.  ’Yung duduguin sa ilong ’yung mga lola ng mga bata sa kaiinglis.  May pagka-salbahe din kasi si BebeKo kung minsan.  (Ha! Ha!)   

Nagtuloy ka ba maging abugado? Okay lang kung di ka nagtuloy.  Di naman sasama ang loob ko sa ’yo.  Life is too much precious to spend studying law.  Kung namamasyal na lang kayo ni Judith o kaya nagpapagulong-gulong sa Tagaytay Highlands, it’s worth the time pa.   Sana mature ka nang tao ngayon sa ‘yong sariling paraan.  ‘Wag ka nang nagkakamot ng betlogs mo in public places.  Hindi na cute ’yun.  Baka pagkamalan kang malibog na senior citizen, ikulong ka pa.  At sana hindi ka na uto-uto ngayon.  Ikaw na ‘yung nagsasamantala at nang-uuto.  

Musta na si Mommy?  Stay to be her Superman.  Ikaw ang inaasahan niya to be strong and to be there for your siblings.  Don’t fail her.  Alagaan mo siya tulad ng pag-aalaga niya sa ‘yo nung sipunin at supot ka pa lang.  Kung may pagkukulang man in the past, bury the hatchet.  Be grateful for all the things that matters.  

Nagkukulitan pa rin ba kayo ni Judith?  Tuloy niyo lang ‘yan.  Don’t take yourself seriously, nobody else does.  Nire-wrestling ko nga kagabi si Bebe ko, ‘yung puputok na ‘yung baga niya kasi di na makahinga.  Enjoy ‘yun.  Parang suspense thriller.  Nakakaganti din naman si Bebe ko sa akin.  Nung linggo nga, habang pinapanood ko ’yung delayed telecast ng Pacquiao vs. Solis fight.  Pinupulbos na ni Pacquiao si Solis.  Ganado kaming manood tapos biglang nag-text si Bebe saka sinabi na na-knock out ni Pacquiao si Solis sa 8 round.  Nawala na ‘yung suspense.  Hayuf.  

Regards mo din ako kay BebeKo.  Alagaan mo siya ng husto.  Mahal na mahal ko ’yan.  Andami na niyang pagtitiis sa ’yo kahit gago ka.  I expect you to be a good husband to her and good father to your kids.  Enjoy your time together.  Hold her hands and watch the sunset by the beach.  Don’t forget to kiss her always before you go to sleep.  Watch movie dvd’s together with pancit canton on the side.  Gaze stars at night and weave dreams from your past unfulfilled.   

From, 

PastMe – 27 years old 

Advertisements