Dear Future Me

17 04 2007

Date: April 17, 2027 

Dear Future Me – 48 years old, 

Wala akong gaanong magawa sa opis ngayon.  Kaysa naman mag-bunot ako ng buhok sa ilong dito sa opisina, okay na ‘yung sulatan na lang kita.  Sana tama ang naging desisyon ko para mapunta ka kung asan ka man ngayon sa panahon mo.   ‘Yung pagpupursige ko at paggi-gym ko araw araw.  Sana di ka pa obese. Ilan na ba ang anak mo ngayon?  Sana nagkaroon ka ng anak, baka kasi bugok ang tamod mo.

Malamang nasa mid-life crisis ka na ngayon.  Nakakalbo ka na din siguro.  At least natupad na ’yung matagal mo nang pangarap na maging kamukha ni Bruce Willis.  Hindi ka man naging porn star, na ’yun naman ang unang wish mo sa buhay, at least pang-Hollywood ka na.    Sana naman, sa ‘yong panahon at edad, may sarili ka nang tsikot saka nabili mo na din ’yung dream house mo para kay Judith.  Sa US ka na ba ngayon?  Sana naman wala na kayo sa apartment sa Muntinlupa.  Nakakabad-trip ang mga manyak na higad don na bigla na lang mahuhulog sa hita ko galing sa bubong.  Bastos talaga.  Akala siguro nung mga tadong higad na ’yun e higad din ang pototoy ko.  Baka naman sa Laguna na din kayo nag-settle down? Ayaw kasi ni BebeKo sa Laguna, gusto niya maging ispokening inglis ang kanyang mga anak paglaki, tunog banyaga.  ’Yung duduguin sa ilong ’yung mga lola ng mga bata sa kaiinglis.  May pagka-salbahe din kasi si BebeKo kung minsan.  (Ha! Ha!)   

Nagtuloy ka ba maging abugado? Okay lang kung di ka nagtuloy.  Di naman sasama ang loob ko sa ’yo.  Life is too much precious to spend studying law.  Kung namamasyal na lang kayo ni Judith o kaya nagpapagulong-gulong sa Tagaytay Highlands, it’s worth the time pa.   Sana mature ka nang tao ngayon sa ‘yong sariling paraan.  ‘Wag ka nang nagkakamot ng betlogs mo in public places.  Hindi na cute ’yun.  Baka pagkamalan kang malibog na senior citizen, ikulong ka pa.  At sana hindi ka na uto-uto ngayon.  Ikaw na ‘yung nagsasamantala at nang-uuto.  

Musta na si Mommy?  Stay to be her Superman.  Ikaw ang inaasahan niya to be strong and to be there for your siblings.  Don’t fail her.  Alagaan mo siya tulad ng pag-aalaga niya sa ‘yo nung sipunin at supot ka pa lang.  Kung may pagkukulang man in the past, bury the hatchet.  Be grateful for all the things that matters.  

Nagkukulitan pa rin ba kayo ni Judith?  Tuloy niyo lang ‘yan.  Don’t take yourself seriously, nobody else does.  Nire-wrestling ko nga kagabi si Bebe ko, ‘yung puputok na ‘yung baga niya kasi di na makahinga.  Enjoy ‘yun.  Parang suspense thriller.  Nakakaganti din naman si Bebe ko sa akin.  Nung linggo nga, habang pinapanood ko ’yung delayed telecast ng Pacquiao vs. Solis fight.  Pinupulbos na ni Pacquiao si Solis.  Ganado kaming manood tapos biglang nag-text si Bebe saka sinabi na na-knock out ni Pacquiao si Solis sa 8 round.  Nawala na ‘yung suspense.  Hayuf.  

Regards mo din ako kay BebeKo.  Alagaan mo siya ng husto.  Mahal na mahal ko ’yan.  Andami na niyang pagtitiis sa ’yo kahit gago ka.  I expect you to be a good husband to her and good father to your kids.  Enjoy your time together.  Hold her hands and watch the sunset by the beach.  Don’t forget to kiss her always before you go to sleep.  Watch movie dvd’s together with pancit canton on the side.  Gaze stars at night and weave dreams from your past unfulfilled.   

From, 

PastMe – 27 years old 

Advertisements

Mga Tugon

Information

15 responses

27 04 2007
junanteola

man! you can write! these posts are hilarious, and easy to empathize with. kanina pa ako tawa ng tawa, nakakatakot na at baka sabihin nila, “tsk tsk… doktor pa naman yan, sayang!” 🙂
i’m adding you to my blogroll.

27 04 2007
badoodles

Ha! Ha! thanks doc. mga kainuman ko lang na sunog baga boys ang nakaka-appreciate ng kakulitan ko. kaw palang ang kapitapitagan (saka bilibabol) na nagsabi nyan. i appreciate it, it means d world to me. He.. he.

di na rin ako magpatumpik tumpik pa. i’ll be adding you to my blogroll. bawal ang violent reaction. di ka pede magreklamo. Ha! Ha! thanks ulit. happy weekend.

1 06 2007
qimadra

… kakatuwa naman posts mo, nakakatanggal ng boredome! bka may future ka sa pagsulat.. bat di mo itry… magsasara na daw mga publishing company bukas! ha! ha!

1 06 2007
badoodles

nyahaha! natutuwa naman ako’t natutuwa ka qimadra. un na rin ang pantanggal ko ng pressure dto sa work. okay na ako dito sa tarbaho ko, nakakabili naman ng pancit canton saka pirated debede sa quiapo. hahahaha!

9 06 2007
Nemcy

Ang galing! Hindi naman pala masamang kausapin mo minsan ang sarili mo eh… 😉

12 06 2007
badoodles.wordpress.com

haha! sana nga, nemzy, sana nga. kabado nga ako baka magka-bipolar disorder ako sa pinaggagawa ko. hindi malayong isang araw, pati butiki tinatanong ko kung ano ang kanyang future plans. hahaha!

14 06 2007
Nemcy

Well, if that next level weirdness comes may excuse ka na… artist ka kamo or gifted. You tend to hear whispers or understand animal language. Hehehe. Malay mo kumita ka pa ng extra dun 😉 Hehehe.

10 08 2007
qimadra

ui, masarap kaya kausapin sarili mu lng! hehe careful nga lng sa mga makakarinig ng conversation nyu!! LOLS!

10 08 2007
badoodles

@qimadra sa wakas nabuksan ko na din ung blogsite mu. nung una ko kasing attempt, ayaw. nakakatuliro rin kausapin ang sarili mamyan unexpected ung sagot magulat ka pa. hahihi!

20 11 2007
JoyJoy

idol na kita promise…hehe! dati si bob ong lang idol q ngaun nadagdagan na..galing nio kasi pareho sa pagsusulat.. sana ganyan din aq kagaling..hehe.. puro pagtutula lng alam q, minsan q na sinubukang magsulat.. iilan lng ung mgaganda..haha.. pwede po ba patingin ng pics nio? san po ba nakalagay..gus2 kita makita khit sa picsl ng..hehe

22 11 2007
maktub

i like this post very much… ewan… hehe… parang aning.. pero, wth.. ang galing =)

25 01 2008
jepoy

baket 48 yrs old ? retirement age u na ba to???

badoodles: @jepoy hehe. hindi. gusto ko lang. sabi life begins at 40. siguro by dat tym e muni-muni mode na ako tungkol sa buhay buhay.

29 01 2008
jepoy

korak at that time debut na ng bebeko jr mo

lagot ka kc dami na guys wholl make aswang to her hahaha

ako din I beliv in that cliche (tama ba?)

kaya kayod me habang maaga para pagdating ng edad na yan e petix petix na lng

12 09 2008
marissa

heheheh talaga npuntah me dito ang hinahanap koh nkakatakot… mas malala pa pala ang mababasa koh hahaha. elow guyz…add nyo naman me lonely eh… hahaha

12 09 2008
marissa

here my email add marixz_candaza

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: