Crazy People Don’t Know That They Are Crazy

25 06 2007

Madaling ma-stress out ang babae in terms of relationship issues.  Sinugod kasi sa bahay si BebeKo kagabi ng isang babaeng may sayad at hindi niya alam na may sayad.  Convincing kasi ‘yung babae.  Asawa daw niya ako at matagal na niya akong pinaghahanap.  Kung saan saan na siyang lupalop napadpad sa kahahanap sa akin.  May kasama pang galit galit epeks sa harap ng mala-diyosa kong asawa at sinabing ilabas daw ako.  Hayblad si BebeKo, nawala ang pagiging psychologist, kaya nilabas naman ‘yung kitchen knife saka chopping board, balak yatang gawing sizzling adobo chunks ‘yung claimant.  Turns out, may tililing ‘yung babae, naisip ko baka napagtripan siguro ng mga sunog baga boys sa kanto na ako ang itinuro.  Tapos na ang gulo at explanations pero nahirapan pa rin akong lambingin si BebeKo.  Outside the kulambo na naman.

Hindi na bago sa akin ang mga taong maluluwang ang turnilyo.  All through out our lives with MyBebe, napapaligiran na kami ng mga ‘yan.  Sa mental hospital ang apprenticeship ni BebeKo nung college.  Kakaiba nga panliligaw ko kasi pag nagka-cutting class ako, tinutulungan ko siya na magpakain ng mga pasyente.  Sa paliligo, nakikita ko na de tabo ang pagpapaligo pero dun sa mga silent aggressive types, binubuksan yung garden hose saka itinututok na lang.  Sabay na ring malilinisan ‘yung kulungan nila.  Two in one.  Tawag nila sa akin noon ay Dadi Cesar Montano at si BebeKo ay si Charlene Gonzales.  [Minsan lang magsabi ng totoo ang mga baliw kaya pagbigyan niyo na ako].  Nagpapakyut pa lang ako nun, karibal ko na sa atensiyon ang mga baliw.  Meron ’yung nagpapakyut ako kay BebeKo,  biglang agaw eksena ‘yung isang baliw tapos pinakita ‘yung titi niya tapos nagtikol pa sa harapan  namin.  Bad trip talaga.  Madapacking sheet, kung di ka ba naman magulat sa ganun, pero si BebeKo sanay na.  Sa psychology, huwag daw kutyain o kagalitan agad.  To do that  can be more damaging to their self image.  Self image?  E kung matamaan ang mata ko sa pagpusitsit ng sperm nung gagong ’yun, mabulag pa ako.  Pero dapat daw pinagsasabihan na lang  din na parang normal na tao. 

Naisip ko tuloy kung paano ko ipe-phrase ’yung sasabihin.  “Okay, puwede bang pagkatapos mong magsalsal diyan, umalis ka na sa harapan namin?”. 

Minsan naman, hiningan ako ng barya nung isa, toll gate daw.  Binigyan ko naman.  Malay ko bang lulunukin nung tarantadong ’yun. [Hehe!  Nakaganti rin ako].   Binabawi ko sabi niya di na daw pwede.  Bangko daw siya, hintayin ko na lang daw magkainteres.  

 Before, pag namamasyal naman kami sa public places, naaawa si BebeKo sa mga baliw kaya binibigyan niya ng pagkain.  Okay lang ’yun, ang ayaw ko lang ’yung niyayakap pa niya. Nagsasalubong kilay ko lalo na pag ako’y under matapobre-mode.  Kulang na lang dalhin niya sa salon tapos ipa-relax pa ’yung buhok saka ipa-pedicure ang paa.   Ipinapaunawa naman niya sa akin na walang gamot ang pagkabaliw dahil hindi organic ‘yung cause ng pagkabaliw.  The only thing she could do is give them love and care to bring them back to their senses.    Iniisip ko na nga rin minsan, kaya niya lang siguro ako ginusto ay dahil may pagka-sira ulo din ako [self-pity na ‘to].  Though she assures me, “Be, kung natanggap ko ‘yung pagiging malikot mo, ‘yun pa kayang pagiging sira ang ulo mo”.  Sabay kurot sa tagiliran.  Ayos.  Balik na naman sa kwarto ito. 

Advertisements

Mga Tugon

Information

39 responses

25 06 2007
cat

ay sa amin, ang mga buang kinakatakutan talaga. Gumagala sila sa daan at hindi dinadakip ng mga pulis. Hindi mo naman masisisi ang mga tao(isa ako doon) kasi yung mga buang sa amin kahit hindi ka mag ieye contact sa kanila, kung wala sila sa katinuan nila, hahabulin ka at siguro papatayin din, hindi ko alam, basta nakakatakot ang mga buang sa amin.

nonetheless, nirerespeto ko pa rin ang may mga mentally disabled person, hindi sila dapat bastusin.

25 06 2007
badoodles

hi catz, the trick there is wag mo silang tignan point blank. parang nagmomodel ka lang sa daan habang nakatayo sila on the side tapos may hawak pa silang bato. haha! [para atang suspense thriller, di ka nga mabato, aatakihin ka naman sa nerbios]

mahirap pa nun, pag bigla kang sinunggaban, di mo sila pedeng ikaso kasi walang criminal liability ang mga bu-ang.

25 06 2007
bernard

hmmm.. parang gusto kong i – assess ang sarili ko kung anong level ko. hehehe biro lang. wala naman akong kris aquino syndrome na nakakarelate sa lahat ng bagay.
sa akin, mahirap talagang gamutin ang sakit na yan, at hanggang ngayon misteryo kung paanong nawawala sa katinuan ang isang tao, ‘pakahelpless, naisip ko rin, mas masakit sa mga mahal sa buhay nila ang makita silang ganito. sila ang mas nasasaktan. hay! napaisip tuloy ako. shit. ang hirap isipin. nakakabuang!

25 06 2007
badoodles

hahaha! teka hinay hinay lang. mahirap ngang biglang nagmumuni-muni, parang tama ka jan – nakakabuwang.
😆

25 06 2007
Chi

hahaha.. kaya pala compatible kayong dalawa kasi siya’y psychologist at ikaw ay parang pasyente na niya. joke 🙂

for what it’s worth, it’s good to know na you support her principles despite the fact na minsan it does annoy you. i hope her career won’t get in the way of your relationship. 🙂

26 06 2007
badoodles.wordpress.com

hi mommy chi, napaka-symbiotic nga ng relationship namin. i have learned much from MayBebe. di niya siguro un alam [kasi ayaw kong ipahalata] pero she gave me all the reason to be a better man.

26 06 2007
pepe

sweet naman ng bebe mo…pero teka, para yatang convinced ako na talagang ‘kinalikot’ mo yung ‘tifus’ na yun no? *peace*
hugs to yur bebe. wow, what a noble profession!

26 06 2007
badoodles

nyahaha! yaiks. kaw talaga pepz, kung anu-ano naiisip mo. 😆 malikot lang ako nung pre-BebeKo times. ngayon behave na.

26 06 2007
feng

hahaha, talagang natuwa ako ng todo sa entry mong ito. napaka-candid pero may sense. you reminded me of another male blogger, his name is DaddyForever. kakaaliw ang mga entries, pero sweet if you read between the lines. 🙂

good thing your back inside the kulambo. aba, mahirap ang laging nasa labas, papakin ka ng lamok. 🙂 ganyan lang talaga ang mga babae, we can be nasty, but we can also be sweeter when we knew how much our Hubs are sincere with their sorrys and valid explanations. 🙂 stay in love forever with your BebeKo. 🙂

26 06 2007
badoodles.wordpress.com

tenk u tenk u feng. sarap naman ng appreciation mo, pumapalakpak na naman ang mala-elepante kong tenga. baka lumpad nako nito 😆 . mahanap nga din ung daddyforever. pinoy din ba un?

yep, sana nga palaging sweet. kung minsan kasi pahirapan, pero kung minsan todo naman ang bagsak ng sweetness blessing. 🙂

26 06 2007
bambit

first of all, let me apologize because i think i sent you email in Cebuano, thinking that you were. Now that I’ve read this post I can’t imagine why I would think that.

I agree with everything you said, especially since I spent 10 days in a neuropsychiatry in cebu ward back when i was a teen-ager. I wanted to become a mormon and my parents coulnd’t understand why so they put me in there.

26 06 2007
BananaMatronix

“Nagsasalubong kilay ko lalo na pag ako’y under matapobre-mode.”

OH YESSSSS. I CAN SO RELATE!

one time (at band camp) while driving papuntang shang, may lumapit saking scary crazy person habang nakastop ung car sa redlight. shempre, nilock ko kagad lahat ng doors and all that other jazz. ikot pa ren ng ikot si crazy person sa car ko, tapos nung nag green na ung light, she launched herself sa harap ng path ng car! OMG SOBRANG GASGAS BRAKES KO DAHIL SA KANYA! AURGH!

mga pestengyawa.

btw, diane ung name ko. hinde dianne. bakit ba palaging gusto niyo may extra “n”? mas cool ba yun?

27 06 2007
bebenibadoodles

there is something about the other side of the human psyche that fascinates me. when i am with them, i feel useful and needed. somehow nagkakaroon ng purpose ang buhay ko.

weird but true…

but anyway, as for that woman who kept insisting that you are her husband, i wish she would somehow find the man she is looking for.

but you know, for the first time, i understood why you keep insisting that i lock the door…

27 06 2007
badoodles

hi bambit, it’s ok 😆 i have a cebuano barkada anyway so he gave me a rough translation plus my mother is from the visayan region so i understood it quite good. im still figuring out how to reply you in perfect cebuano. give me ten years. he he!

27 06 2007
badoodles

hi diane, hahahaha! ‘nga no, stubborn kasi attention span ko. tulad ng di ko pa din memorize ung traffic lights. red is stop, green is go. sino na nga ulit ung magii-stop ung bus o ako? ha hihi!
patawa naman anecdote mo. pansin ko nga din daming wang-bu dito sa manila. lalo na sa luneta pagala-gala.

27 06 2007
badoodles

bebeKo, hapi bertdey to me. papakain ako ng sago’t gulaman sa opis, saka apa ng ice cream. haha!

know ur busy handling ur training academy today. u can do it! break deyr legs! nyahahaha!

27 06 2007
bebenibadoodles

i am currently island hopping between butuan, cagayan de oro, bacolod, cebu and vigan… nyahaha! making my name known all over the philippines…

27 06 2007
Vince

kuy, ma-swerte ka sa asawa mo, hahah! Buti di sya nababaliw sa iyo? 😀

27 06 2007
badoodles

go bebeKo, make ur bebe proud. sori if i cant bring u to capone’s. it’s my first gig n m all palms and betlogs sweaty.

27 06 2007
badoodles

brader Vince. too late na nyang nalaman na factory defect ako. bait ko kasi before, parang angel na di makabasag pinggan.

but m always striving to be a better man.

ngapala, di ko pa alam kung anu ung ‘i am balong’?

27 06 2007
Eks

Try to live within walking distance from NCMH(Mental) tapos psychiatrist pa tatay mo sa doon na may general practice sa bahay every sunday… hehehe Sundays are Crazy Days.

28 06 2007
badoodles

hi eks. wow! we have a semi-charmed kind of life – pedeng pang hbo series. u must have rich ideas on the lives on ‘the other side’.

28 06 2007
gilbert

Hi. kakatuwa at kakatwa ang blogposts mo. Belated happy birthday. My warm regards to bebemo. 🙂

28 06 2007
badoodles

thanks sa pagdaan gilbert yt. kala ko si engr na gilbert, gulat ako buti naman napadaan ka. makakarating kay BebeKo, mejo bad mood nga kasi lumabas ako kagabi with my opismeyts on my impt day. labyu bebeKo.

28 06 2007
Flori

ang kyut naman ng ligawan ninyo! unusual pero hindi talaga makakalimutan. iyon nga lang dapat 13 years old muna mga apo niyo bago ikuwento ang full version kapag sasagutin niyo na ang tanong na, “paano kayo niligawan ni lolo?”

belated happy birthday at isang magandang araw sa bebemo 😀

29 06 2007
gbert

kala ko ako din yung nagcomment.. hahah. eto yung engr na gbert.. hanep ka pare, ayus tong post mo, as usual… di ako natawa, humagalpak ako sa tawa.. ahahaha buti naman kamo nadistinguish ka naman ng isme mo na mas matino ka kesa sa mga pasyente… ok ok yung sira ulo tau minsan, wag lang yung tinotopak.. haha

29 06 2007
badoodles

moshi moshi flori, ahihi. oo nga, r-13 ang aming mga pakyut scenes. ackshuli, nag-dirty finger pa ko ng palihim dun sa siraulong nagtikol di ko na lang sinabi sa post. bale r-18 na. heb a gud day!

11 02 2012
Nika

Sangat bnrguea, sangat bermanfaat. Tunay na kapaki-pakinabang, Labis kapaki-pakinabang. Saya tunggu artikel bermutu selanjutnya. Naghihintay ako para sa susunod na artikulo ng grado. Sukses, Pak Dokter!!! Tagumpay, doktor!

29 06 2007
badoodles

gin-gin-gineerrr! musta pareng gbert. anong pnagkakaabalahan natin ngaun aside from dating wonderwoman? hehe. mahrap makipagbreyk jan, pag nagalit ibibitin ka ng patiwarik sa solar system. 🙂

29 06 2007
Paris

As much as possible, iniiwasan ko sila. Di dahil nandidiri ako, kasi natatakot ako na baka may gawin na lang sila na kakaiba. Pati nanghahabol sila minsan.

Nice story telling ü Nakakaaliw.

29 06 2007
badoodles

hi paris, tama ka diyan. doble alerto ang kailangan, iba pa din ang nag-iingat. salamat sa dalaw. balik ka ulit ha. hehe! ten chu…

3 07 2007
Nemcy

Bads, bertdei mo nung 26th? Wow! Sorry, late ako bumati… hapi beerday!

Hmmm… pwede ko kayang gawin yung baliw eksena sa lalaking gusto kong guluhin ang buhay? Nyahahaha! Joke lang. As if kaya ko…

Learned something ah… there’s such a thing pala as Kris Aquino Syndrome! Hehehe!

3 07 2007
badoodles

nemcy, nung 27th last week betday ko. antay ko nga ung bati mo ngayon lang dumating 😥

salamat sa bati… may balak ka palang manggulo ah… sabihin mo na lang sa ‘kin, babatukan ko un. hehe!

4 07 2007
Tinapay

Bruz, another crack up entry. Hahaha.

When you said that she said she tolerates you being “makulit” or magulo or something sa banda huli ng entry na ‘to, ano yon? Meaning infidelity o talagang malikot ka lang talaga? =P

5 07 2007
badoodles

tin, bebeKo accuses me of being unfaithful because i look at billbord pictures and she dreams i’m with someone else. how crack is that. m always peytful to her. :mrgreen:

5 07 2007
Tinapay

Nyahahaha. Awww. How sweet.

6 07 2007
badoodles

yep, very sweet. undeniably crazy and sweet. 🙂

11 09 2007
peter

ang hirap ng sinaryo na ganung kuya may nag sasalsal sa harap nio na baliw tapos poise parin ung bebemo habang ikaw ay na nginginig na sa kakaisip ng gagawin mo for sure ma susuntok mo ng mala manny pakyaw yung may sayad.. hehehe :))

1 08 2008
ms.L

nung maliit p aq..meron d2 samen lalaking me edad n n me diperenxa pag iisip” nkakatakot xa kse nghahabol xa at plage nkalabas pututoy nya..1st time q mkakita ng pututoy sa edad n 6..nandiri aq..buti n lng kinuha n xa ni Lord,Huh!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: