Who’s Your Mommy Now?

30 07 2007

Parami na ng parami ang pagkakataon na babae na mismo ang nangda-dump ng kanilang boypren.  Obserbasyon ko lang.  Pauwi na ko nang makasakay ko sa bus ang isang lalaking bine-breyk ng siyota.  Paano ko nalaman?  Sobrang ingay ng traffic jam kaya ini- speaker mode niya ang kanyang cellphone.  Di ko po sinasadyang makinig.  

”Does that mean gudbay?” [singhot si lalake] 

“Der’s sambadi mor deserving to ur love” [sub-dialogue:  breyk na tayo kasi isa kang iyaking matsing] 

“Pede bang second chance?” [ungas ka sabi na ngang ayaw na sayo di mo pa ma-gets] 

“Hmm… ahh…ohhh… sori choppy ang linya… bye. Klik!” [parang may kalambutsingan si babae on d ader syd of the world] 

Ngrrt… ngrrt… Ayan di na makahinga si lalake.  Barado na ilong.  Iiyak iyak kasi alam naman nyang ercon ’tong bus.   

Pinays are becoming straightforward bitch nowadays.  That’s okay.  They should be.  Tapos na ang panahon ng ‘crying ladies’. In pak, if we’re going to trace the history of our women, true Pinays are not really the Maria Clara types.  Maria Claras are the women of Spain.  They are not ‘our’ women.  Bahagi ng kolonisasyon ng Espanya ang i-typecast ang ating mga kababaihan bilang mahinhin, tahimik at nagtatakip ng bunganga gamit ang pamaypay pag natatawa o nauutot.   

Ang tunay na Pinay ay ang mga babaeng nagpahanga kay J. Rizal sa kanilang tapang tulad ng mga ‘Kadalagahan ng Malolos’.  Hindi sila takot ipahayag ang kanilang ‘feelings’.  Si Gabriela Silang din ang orig na aggressive foxy beyatch.  Di pauuto.  Kung paniniwalaan ang mga salaysay sa Code of Kalantiaw,  humahawak din ang mga babae ng mataas na katungkulan sa mga tribu.  Sila ang mga amazonang palaban.  Pag di ka nila trip, siguradong gigripuhan ka ng leeg.  At kung di nga tayo nasakop ng iba’t ibang dayuhan at napanatili ang ganitong sistema, malamang matriyarkal ang istruktura ng ating lipunan.  At malamang tayo ding mga lalake ang kinakabayo ng mga kababaihan at nagrereklamo ng reyp.  Nilalatigo tayo sa pwet sabay tanong pa ng ’Who’s your mommy now? Ha?  Who’s yawr mommy now?!”.  Whew.  What a wonderful world.





Harry Potter and the Order of the Phoenix: A Retard’s Review

23 07 2007

What do some Europeans think of Pinoys?  My London immigrant ex-classmate in law school Ross [who broke my bespren’s heart for a bigger foreynjer dick] was told, “You’re english is awkward and phoney”.  Don’t worry Europeans, the feeling is mutual.  We hate listening to you either.   Nung nanood nga ako ng Harry Potter and the Order of the Phoenix, di ko maintindihan ‘yung mga last lines para tuloy akong nagpi-fill in the blanks sa mga dialogues [excuse my being a retard].  Heto ang mga linyang di pumasa sa aking very discriminating sense of hearing: 

Lord Voldemort:  You are weak Hari Potah… [nakng potah ka din, bakit ba kelangan mong magmura?] 

Ron:  Wash your problem Harry?  Wash your problem!?  [sige nga ikusot mo nga] 

Dolores Umbridge:  Harry, you know deep down yourself, you deserve to be [garbled enunciation]…[ah… you deserve to be an honor student? A wakokok? Ewan.  Sana nilagyan na lang ng print dialogue sa baba] 

Marami pang iba siyempre.  Ngayon lang kasi ako nanood ng seryosohan.  Previous Harry Potter movies, naglalambutsingan lang kami ni BebeKo sa sinehan kasama ang kunsintidor kong brader-in-law [”Sige mag-kiss lang kayo, di ko kayo isusumbong”]  Hehe.  Manonood sana talaga kaming dalawa ni BebeKo as I understood it, kaso nung nasa Alabang na, nagdalawang isip di daw niya dala ’yung kumot niya.  Hala naku, pede ko naman siyang painitin sa sine.  Naka-jacket po kasi ako.  Hehe.. 

Naexcite ako masyado dun sa chant na pampatilapon ng kalaban.  Sinusubukan ko nga sa boss kong si Gardo pag tumatalikod gamit ko ang signing pen. 

Me:  Stupefy! 

Boss: [sabay lingon]  Ginagawa mo? 

Me:  Bos, practice lang ng fencing.  Hehe. 

The Order of the Phoenix is the fifth installment of the Harry Potter series which grossed about $44.8M in the opening day, the best single-day gross for a movie.  The Order of the Phoenix shows the powerplay between Dumbledore and the Wizard authorities over the looming return of Lord Voldemort.  As the bureaucrats slowly seizes power over the Hogwarts school, Dumbledore has the group ‘Order of the Phoenix’ behind him plus the student army formed by Harry Potter.   

Ober all, lumabas kami ng mga opismeyts kong ’di gaanong satisfied.  Nabangga ko pa tuloy ’yung artistang si Ryan Agoncillo sa Greenbelt3.  Buti na lang mas malaki ako kaya di umangal.   

Pansin ko, sumasabay na din sa galing ng Pinoy movies ang mga banyaga.  The usual ending in a Pinoy movie where authorities are 5 minutes late in the scene, ganung-ganun din sa Harry Potter.  Nagsidatingan ang mga miyembro ng Order of the Phoenix nung patapos na ang ‘battle royale’ nina Harry Potter, Dumbledore vs Lord Voldemort.  Sarap ngang bigyan ng ‘Dumating Pa Kayo’ Award ‘tong mga order of the penixes na ‘to.  Pero siyempre kung pinulbos na nila si Voldemort, ‘ala nang Harry Potter 6 and 7.  Hehe…The Half-Blood Prince film is scheduled to be shown on November 21, 2008 and the Deathly Hallows in 2009.





The Penis Monologue

16 07 2007

Women have sixth sense.  Lakas ng pang-amoy kung nagsisinungaling ka o hindi.  Early in my relationship, I can’t lie to MyBebe.  As a psychologist, she knows.  She said that generally, a right-handed man is lying when he keeps on glancing sideways to his left while explaining.  And so with a left-handed man who keeps on glancing sideways to his right.  That’s science.  But even after mastering the art of not glancing to my left (I’m right handed), she still knows.  I don’t know if it’s gut feeling or that clitoris has extra sensor that measures wavelength sort of a polygraph test. 

“Ano na naman ‘yang ginagawa mo sa banyo?”. 

“I’m taking a leak..” [shouts] 

“No you’re not.  I know what you’re doing. Nagjajakol ka na naman.” 

Packing sheet.  Why do I get cornered always?  I’ve been in a relationship for quite some time and have moved in to BebeKo’s apartment just last year.  Moving in means getting rid of my boyhood attachments to watching discovery channel (aka that channel 101 in wee hours of the morning that showcases human copulation), and ditching my reading materials on the field of human exploratory behavior (read: FHM).  MyBebe caught me reading porn once and I explained I just borrowed it from an MMDA guy standing along Ayala Av [one in a million chance but still is true].  She gave me that smoldering look I just wished the ground  opened up and swallowed me whole.   

May mga chances na kahit wala kang ginagawa, ikaw pa din ang may kasalanan.   

“What have I done?” 

“I saw you with another girl.” [sobbing] 

“Where?” 

“In my dreams.  And she’s only wearing white panty and bra and she’s cuddling you…” 

What da.  How do you defend yourself in that situation?  What would I say?  “Ah, I’m sorry?  I won’t do it in your dreams again.  Wag na u magalit, pleaze.”  Instead, I just said:  “Maybe it’s you.” 

“Nooo!  I don’t have a white bra.” 

Sigh.  Women. They’d pick you up for a fight just for the heck of, well… picking up a fight.  I tell you, they are bullies by nature.  And I don’t know why, but we love them even more… 🙂





Transformers: There’s More Than Meets The Eye

9 07 2007

Choosing between watching a friend’s impeccable portrayal in the play “Three Unsent Letters” at the Virgin Labfest in CCP Complex and watching Transformers, I’ve got to watch the Transformers!  Plus, I was warned the former has some graphic scenes, and no self-respecting man would want to watch his friend’s public display of balls.  [Sorry, Al] Ma-shock pa si BebeKo mamaya at sabihing ‘Are those your kind of prens?’. 

The Transformers, like any Michael Bay film has the signature fusion of humor and action [like my peyborit ultimate laugh out movie Bad Boys II].  The point of views is a real crack up as one frame shows testosterone-charged Sam (Shia LaBeouf ) struggling to score over hot chick Mikaela (Megan Fox) then suddenly transitions to looming war games in Qatar between Scorponok (evil robot) and US soldiers.  Well, sex and war have same objective:  to score. The good robots in the movie are led by Optimus Prime, astig na pangalan kaso tunog gatas ng mga nag-uulyanin.  The decepticons or bad robots are led by master Megatron, no relations to ate Shawie pero parehong malaki ang panga.   

Transformers is the invasion of robots from planet Cybertron.  Mga bulalakaw silang nahuhulog galing kalawakan.  They’re called autobots because of their ability to adopt to an unfamiliar territory and their power to mimic features of any object they want and ‘transform’ it into an advanced fighting machine.   Isipin mo na lang kung dito nahulog sa Pinas ‘yung mga autobots na ‘yun.  Pag sa may bandang Quiapo nahulog at ginaya ’yung mga pirated DVDs dun, wala sigurong gagawin ’yung autobot na ’yun kundi magtatalon-talon.  Por life.  Kung sa may bandang Raon naman na sikat na bilihan ng mga synthethic crying vaginas [’yung pag dinudutdot mo ay humahalinghing], siguradong ang labas non ay isang advanced RoboPekpek – ang tagapagtanggol ng mga naaaping pekpek.  Lalamunin nya ang lahat ng mga manyak sa Metro Manila [which comprises of 95% of the male population, tayo naman ung upper 5%, hahaha!].  Kung si BumbleBee naman dito nahulog siguradong BumbleJeep ang kalalabasan nun, at pagpipilitan ng mga call center boys [‘yung mga taga-sigaw sa terminal ng jeep] na pagkasyahin ang tatlong dosenang pasahero.   

Sige kasya pa! Kasya pa!
[Kahit one-inch na lang ’yung natitirang space sasabihing kasya pa, tarantado talaga ’yang mga call center boys na ’yan].   

May emote scene din sa Transformers.  Nung pinagpira-piraso ni Megatron si Jazz – isang modified Pontiac Solstice in three-seconds, nalungkot ako bigla kasi kamukha ni Jazz si Hulog, ’yung  motor ko sa probinsiya.  Hulog ang tawag ko dun kasi hulugan in three years, saka hulog ng langit na din sa ’kin.  Dami na naming pinagsamahan nun. Kung paano ako nakakauwi ng bahay ng madaling araw kahit sobrang wasted na ako, I owe it to him.  Pag nagti-trip din akong mag-stargazing over a bottle of Red Horse sa Buntun Bridge, [second longest bridge sa Pinas] pede kong gawin anytime dahil always redi si Hulog.  Nag-email nga kahapon si Kuya, nakita daw niya si Mommy  umiiyak at hinahaplos-haplos si Hulog sa garahe.  Miss na din talaga ako ng Mommy ko.  Miss ko na silang lahat. 

Moral lesson ng movie is ‘There is more than meets the eye’.  Pag ginawa mo siyang bugtong, masasagot din ‘yan ng makulit kong pamangkin na si Duday.  Sasabihin no’n ay muta.  But seriousli, there are hidden meanings to a person or person’s act or way of life.  Kahit naman mukhang pokpok material si Mikaela (Fox) ay  maabilidad sa kotse.  Kaya di lahat ng may big boobs e walang brain cells.  Or something like that.





Your Name Determines Your Destiny

2 07 2007

May pagkabingengot ang mga Pinoy.  Kaya mahilig tayo sa mga pangalang inuulit tulad ng Nene, Toto, BekBek, TonTon para matawag natin ‘yung tao ng dalawang beses.  Noynoy naman ang tawag sa akin noong panahong ang titi ko ay tinatawag pa lang na ‘little bird’ at di pa ko tinutubuan ng kilo-kilong pubic hairs.  Ang ibig sabihin ng Noynoy sa Bicol ay ‘bunsong makulit’.  Dahil sa pilosophy sa psychology na ‘your name determines your destiny’, unconsciously I have lived by my name’s meaning.  Sa lebel ng kakulitan, andun siguro ako in between the thin line of being genius and insane.  Genius ‘kuno’ dahil marunong na ako in terms of serious decision-making tulad ng anong uulamin sa umaga.  One time, five years old ako ng pinabili ako ng tuyo sa tindahan nina Aling Mameng.  Dahil wala silang tuyo, nagpasya akong tumawid sa super highway para bumili na lang ng itlog sa tindahan nina Aling ‘Marunong Managalog’.  Gulat sina Papa saka Mommy.  Though bumilib yata, pinag-promise ako na ‘wag na ‘wag ko na daw uulitin ‘yung pagtawid sa super highway.  Minsan naman pinabili ako ni Lola ng mantika.  Dahil gusto kong bumili ng babol gam, inihian ko ’yung supot saka binalik sa kanya.  Malabo na rin ang mata ni Lola kaya hindi napansin agad.  Siguro nung kumukulo na ’yung ’mantika’ saka lang naamoy na mapanghi pala.  

At dahil na rin siguro sa kakulitan ko, kung anu-ano pa ang binansag sa akin.  Iba pang ’pet peeves’ sa akin ay ’little monkey’, ’kulaspiro’, ’pulungkutoy’, at ’kutitubs’, ewan ko ba parang mga pangalan ng mga bagong recruits ng kampon ng kadiliman.  Siguro lang sa sobrang tuwa o inis kaya kung anu-ano ang pinapangalan sa akin.  O dahil may pagkalaitera din ang Mommy ko noon, ako ’yung nakatanggap ng bad karma.  Mahilig magpangalan si Mommy ng mga kapitbahay namin tulad ng Rositang Ulikba, Lusing Duling, Anita Laki-Mata, Tersing Bad Breath, atbp.  May kagandahan kasi si Mommy no’n, pero ngayon, pag nagkakaroon ng katuwaang ’intellectual debate’ sa bahay at natatalo na si Kuya, nandadaya at tinatawag niya si Mommy ng Tina Dalawang Ipin.  Foul ’yun sa debate dahil isa itong logical fallacy [ano’ng kinalaman ng ipin sa legitimacy ng presidency ni GMA?], ‘yun ang sinasabing argumentum ad hominem [o argument directed to the person].  Siyempre hurt si Mommy, at maglilitanya na naman na wala man lang siyang anak na gustong mag-isponsor ng kanyang ngipin.  [Nag-drama na, lagot].   

Aside from the fact na nakukyutan ang mga Pinoy sa mga salitang inuulit ang daglat sa mga pangalan ng tao, pati private parts pinagkatuwaan din.  Andiyan ang kili-kili, bulbol, pekpek, titi, suso, dibdib, atbp.  Nung childhood years ko, tinatakot ako ng mga kapatid ko na paglaki ko, dahil nga ang pangalan ni papa ay Manolo at ako’y junior, ang magiging tawag sa akin ay Uncle Mani-Maning.  Asar ako dahil katunog ng parte ng female genitalia.   Magiging buzzword ang aking pangalan sa mga sex education classes: 

Teacher:  Class, what do you call the part at the upper portion of the pudendum and between the labia majora and labia minora? 

Class:  Mani-Maning! 

Hindi na lang sinagad-sagad ang pagiging bahagi ko ng female genitalia.  Clit na lang kaya pangalan ko?  O Fellatio kaya.     

Mommy:  Fellatio, anak, nag-igib ka na ba ng tubig? 

Me:  Hindi pa po Mommy, nakapila pa po kasi si Kuya Cunnilingus saka ate Syphillis.   

Nakng baog na dilis naman ‘to.   

Sa psychology, may mga existing research na nagsasabing ang pangalan ng tao ay nag-dedetermine ng kanyang kinabukasan.  Ang mga may pangalang patawa tulad ng Inday Bote, Potenciana, o Maximiana ay nagiging inferior o lower ang status sa society.  Ang mga cool namang pangalan ay mas mahaba ang buhay ng 3-4 taon [pangalang Love, Joy, Sunshine] kumpara sa mga pangalang kahindik hindik tulad ng Candido, Gollum, Ismigol, atbp.  Ang mga may pangalang Ana, Elizabeth o Emma ay less likely na kukuha ng engineering o mathematical courses di tulad ng mga pangalang Abigail, Ashley atbpang less feminine names.  Ang mga may pangalang likeable ang tunog ay mas mataas ang binibigay na grade kaysa sa ibang less-likeable ang pangalan na kapareho lang naman ang galing.  Hmm… kaya siguro mababa grades ko.

 

*Pahabol:  Sa aking mga cute na prens sa blogroll, may bago na akong tahanan:  kwentongbarbero.com.  paki-update na lang ako sa inyong blogroll.  Tenk u marami!