Who’s Your Mommy Now?

30 07 2007

Parami na ng parami ang pagkakataon na babae na mismo ang nangda-dump ng kanilang boypren.  Obserbasyon ko lang.  Pauwi na ko nang makasakay ko sa bus ang isang lalaking bine-breyk ng siyota.  Paano ko nalaman?  Sobrang ingay ng traffic jam kaya ini- speaker mode niya ang kanyang cellphone.  Di ko po sinasadyang makinig.  

”Does that mean gudbay?” [singhot si lalake] 

“Der’s sambadi mor deserving to ur love” [sub-dialogue:  breyk na tayo kasi isa kang iyaking matsing] 

“Pede bang second chance?” [ungas ka sabi na ngang ayaw na sayo di mo pa ma-gets] 

“Hmm… ahh…ohhh… sori choppy ang linya… bye. Klik!” [parang may kalambutsingan si babae on d ader syd of the world] 

Ngrrt… ngrrt… Ayan di na makahinga si lalake.  Barado na ilong.  Iiyak iyak kasi alam naman nyang ercon ’tong bus.   

Pinays are becoming straightforward bitch nowadays.  That’s okay.  They should be.  Tapos na ang panahon ng ‘crying ladies’. In pak, if we’re going to trace the history of our women, true Pinays are not really the Maria Clara types.  Maria Claras are the women of Spain.  They are not ‘our’ women.  Bahagi ng kolonisasyon ng Espanya ang i-typecast ang ating mga kababaihan bilang mahinhin, tahimik at nagtatakip ng bunganga gamit ang pamaypay pag natatawa o nauutot.   

Ang tunay na Pinay ay ang mga babaeng nagpahanga kay J. Rizal sa kanilang tapang tulad ng mga ‘Kadalagahan ng Malolos’.  Hindi sila takot ipahayag ang kanilang ‘feelings’.  Si Gabriela Silang din ang orig na aggressive foxy beyatch.  Di pauuto.  Kung paniniwalaan ang mga salaysay sa Code of Kalantiaw,  humahawak din ang mga babae ng mataas na katungkulan sa mga tribu.  Sila ang mga amazonang palaban.  Pag di ka nila trip, siguradong gigripuhan ka ng leeg.  At kung di nga tayo nasakop ng iba’t ibang dayuhan at napanatili ang ganitong sistema, malamang matriyarkal ang istruktura ng ating lipunan.  At malamang tayo ding mga lalake ang kinakabayo ng mga kababaihan at nagrereklamo ng reyp.  Nilalatigo tayo sa pwet sabay tanong pa ng ’Who’s your mommy now? Ha?  Who’s yawr mommy now?!”.  Whew.  What a wonderful world.

Advertisements

Mga Tugon

Information

77 responses

30 07 2007
MARU

yey! ako ang una!

yan ang tunay na PINAY…hindi palulupig. sa panahon ngayon… hindi na dapat iniiyakan ang lalaki. lalaki lang ‘yan!

30 07 2007
bebe

Isang interesting trivia na nabasa ko:
Kung tutuusin contradicting si Rizal (kaya mas maka-Bonifacio ako, hehe), sinabi nya sa mga nobela nya na ang mga babaeng Filipina ay dapat na mahinhin at konserbatibo, pero kung tutuusin eh mas pinili naman nya ang mga babaeng Alemanya, those who speak their minds at liberated.

Wait, connect ba sa topic mo?! bwahaha. wala lang.

30 07 2007
Nemcy

True. Nabuksan din ang isip ko about Rizal nung 3rd yr high school dal sa Noli, at lalo nung college da’l sa Rizal course ko na anti-Rizal yata ang prof ko nun. Anyway, I really like your entry. Women are not just for housewives nor for displays. May utak din kami kahit wala kaming muscles. Hindi naman namin sinasabing dapat kami ang “powerful” or baka may mamilosopo pa dyan on equality na sana umihi na rin kami ng patayo. Oh well, mahirap talaga kapag ang kausap (o mag-comment) ibang ulo ang ginagamit.

Peace.

30 07 2007
nelo

babaero si Rizal! gusto nya ata tikman lahat ng lahi sa mundo…wehehehe!

sa pagkakaalam ko naman lamang pa rin ang mga kababaihang nababaliw at niloloko ng lalaki…worse yung iba payag pa na may kasalo..

pero gusto ko yang idea mo na ..”Whos your mommy now?!” oh yeah!

30 07 2007
badoodles

@maru palaban! palaban! [wid matching sound epek epeks];) mas okay na din ung ‘those who speak their minds out’ kesa ung walang kibo sa tabi, di mo alam kung ano ba talaga problema.

30 07 2007
badoodles

@christianne maka-boni din ako pero ung pagiging babaero mas idol ko si rizal. ahihi. 😆 siyempre naisingit ko ung promis ko last week na kasama sa cast of characters ng post ko ngaun ung mga spanish.

30 07 2007
badoodles

@nemcy tnx por liking it. dat’s what i’m hoping to. kabado nga ako baka ma-misunderstand as offensiv. sabi nga ng company pres. namin na babae ‘play like a man, win like a woman’.

may nabasa nga din ako nung college yung rizal without the undercoat yata un or veneration without understanding [on heroes]. di ko nabasa lahat kasi duguin ang ilong ko sa mga malalim na inglis pero good books to read pa rin.

30 07 2007
badoodles

@nelo nakow andito ang kapareho ko ng likaw ng bituka. k lang din sakin ung ‘hus ur mami’ minus ung latigo sa pwet.

30 07 2007
haze

amen sa iyo badoodles! sa panahon ngayon nde na uso yung mga babae eh yung oo na lang ng oo, submissive ba. matatalino na ang mga tao ngayon. nde na pwedeng gaguhin.

pero nakakaawa naman yung lalaki… sana nag usap na lang sila ng gelpren niya sa bahay para hindi naman siya wa-poise.

gabriela silang rocks!! siya nga ay isang one foxy beeyotch! rawr! 🙂

30 07 2007
badoodles

@yagidoodz hindi ko nga alam kung maaawa ako dun sa lalake o mababadtrip. para kasing nasingahan ako sa polo. hatchoo! nakow! wag naman sana akong tamaan ng colds ngaun. 😉

31 07 2007
Raymond Lee Quijano

who’s my mommy now? i think maru is my mommy now *tsup tsup tsup*

31 07 2007
Salve

Alam mo ba na ang pag-e-eavedrop sa mga conversations sa public transpo ay isa sa mga pinagkukunan ng ideas ng mga kwentista (fiction writer po)? May plot ka agad! Haha!

Anyway, mabuhay ang mga Pinay! Di pwede ang kimi, lalo na sa syudad. Di ka mabubuhay nyan.

Nice observation, badoodles! 😀

31 07 2007
badoodles

@foobarph lagot ka kay cat. wahaha!

31 07 2007
badoodles

@salve wow! ibig sabihin may potential akong maging kwentista. yehey. mamya mag-i-eavesdrop naman ako sa kapitkwarto namin, naririnig ko kasi kagabi humahalinghing na parang kabayo. ahihi.

31 07 2007
KIARA

Hahaha…

31 07 2007
brokenman

iba na talaga ang mga babae ngayon. girl power daw eh! nice blog pre!

31 07 2007
badoodles

@KIARA He he he… 😉 [May kasama pang emoticon yan ah.]

31 07 2007
badoodles

@brokenman tnx pre.

31 07 2007
bebe

haha! oo nga noh?! in fairview, eh naisingit mo pa rin un sinabi mo, anjan ang spaniards! hahaha!

btw, pinapaimbestigahan kita ngayon. hahaha. pinapahanap kita sa mga friends ko na nasa MSE. bwahahaha! we’ll see kung malalaman ko na kung sino ang person behind badoodles a.k.a. eric quake. 🙂

1 08 2007
Raymond Lee Quijano

@badoo – naku po, si cat? ate ko yun! diba ate cat? paki kumusta mo na lang kami sa fafa mo. ^^

1 08 2007
Chi

women nowadays are more aggressive. di mo ba napapansin na in most cop/crime movies or tv series eh yung mga lieutenants/captains eh mga babae. women can now make the first move kung gusto nila, if they want to break-up, if they want to have a date or if they want to get laid. with feminism on the rise, di na uso ang maria clara effect. in my case, it never bothered me na ako mismo nag aya sa asawa ko to get married. kung tumanggi siya, at least i could have save myself from wasting my time on a relationship na wala naman palang purpose, diba. i was straight forward with what i want and in return he respected me for standing for what i believe.

1 08 2007
badoodles

@bebe nakow, ala-nancy drew ka pala ha. sabihin mo ung pinakamalakas mag ingay sa hapon pag meryenda taym sa penthouse ako un. 😉

1 08 2007
badoodles

@raymo hm… parang walang nababanggit si cat na ate ka niay [hehe, malicious]. sige tol maniniwala na ako, basta maniwala ka din na ako si superman. yey!

1 08 2007
badoodles

@chi astig! isa kang orig na pinay! parang naalala ko nga si bebeKo na nagpahaging din non na pag di ko pinakasalan before siya mag bente nuwebe e maghahanap na lang siya ng ibang bebeNiya. ahihi. natakot ako siyempre.

1 08 2007
Raymond Lee Quijano

@badoodles – don’t worry, sa atin atin na lang yun

1 08 2007
gladita

magaling, magaling magaling! ikaw badoodles ay isa sa mga kakaunting ‘enlightened’ na mga pinoy. hehehe…saludo ako sayo at nakikita mo ang katotohanan. i dont know much about history but based on what i’ve read, code of kalantiaw is only a legend. but that’s another story. hehehe

1 08 2007
bonniefazzyoo

ano kaya ang ugali ng mga pilipina before the spanish colonization? yung mga tipong princess urduja na nakasakay sa kawayan na bit bit ng mga guys. na-imagine ko lang na mas bitchy pa siguro sha kay cleopatra. hehe!

1 08 2007
badoodles

@raymond isa kang smooth criminal. hahe he! basta web developer sweet lover.

1 08 2007
badoodles

@gladita yehey! napabilib din kta. tingin ko nga din tsismis lang ang code of kalantiaw pero magre-research pa ako sa phil natl library baka may iba pa akong mahanap na ebidins.

1 08 2007
badoodles

@bon natumbok mo parekoy. sabi sa kwento [code of kalantiaw] pag sinabi ng babaeng tumalon ka e walang atubiling tumatalon ang lalake. buti di pa naimbento ang skyway noon saka high rise buildings kundi lagot ang mga ninuno nating de-betlog non.

1 08 2007
bebenibadoodles

bebeko…. sinabi ko ba yun? nyahaha… di ko maalala eh… sowee po.

1 08 2007
badoodles

@bebeKo nakow nagka-amnesia ka myLabs. kunyari di ko pinansin pero kinabahan ako nun ah. late na po me uwe, nagmi-miting pa ang mga bosses ipapatapon ata kami sa cebu.

1 08 2007
Raymond Lee Quijano

@badoodles – aruu kuuu puu..

1 08 2007
badoodles

@foobarph balita ko gumagawa ka na ng village ngaun. hehem.. may balak magpadami ng sangkatutak ng lahi. haha!

2 08 2007
joiceeeee

ang saya dito. pero tama. tama. wuu.

2 08 2007
nelo

pre! pinasa ko na sayo ang sumpa! check my new post 😀

2 08 2007
Flori

Aba kung ganun, napapanahon na upang ako’y makibaka! Flori d’beyotch is coming, humawi kayo at sambahin ako!

Pero seriously, ano nga ba ang tingin ng Pinoy sa mga Pinay na palaban?

2 08 2007
badoodles

@joiceeee weeeee! talagang kelangang madaming eeee e. para tuloy akong nakakita ng celebrity nyan. haha! ‘ge tambay ka lang ulit dito pagkatapos ng exam mo ha.

2 08 2007
badoodles

@pre uh nuh! wahhhh… dami ko nang utang na tags. sige ipo-postdate ko na lang tapos hanapin nyo. yehey!

2 08 2007
badoodles

@flori go flori! go flori! ang iyong mga alagad ay naghihintay sau sa anumang utos. 😆

2 08 2007
Flori

Hunwahahahahahhaha kung gayun, mga alagad bigyan niyo ako ng LALAKEH!!! nyahahahahahaha!

2 08 2007
badoodles

@flori masusunod kamahalan. hetong baboy ramo! nyahaha… [juk unli]

2 08 2007
Raymond Lee Quijano

@badoodles – kanino mo naman nabalitaan yan? ^_^

2 08 2007
chillidobo

hay, tama ka. may kakayahan na rin silang mag-dominate sa mga kalalakihan. Alam nila ang ating weakness. Pag wala sila puro na lang tayo “kapalaran”

2 08 2007
rowjie

sa bagay… mukhang okay naman kung magiging straight forward tayo sa mga tao sa paligid natin. pero it’s in the manner na rin kung paano natin sasabihin. as much as possible sana, yung hindi makakasakit ng damdamin or kung di talaga maiiwasan, yung paraan na maiiwasan ang away…

2 08 2007
badoodles

@raymond haha! wala nanghuhuli lang. m referring to ur foobarph village.

2 08 2007
badoodles

@chilidobo sawing palad talaga aabutin natin nyan. kung walang babae tapos wala pang palad, pano na lang. 😉

2 08 2007
badoodles

@rowjin-e yan si rowell, pang yahoo best answer ang sagot. i agree. sabagay di naman kelangang makasakit ng damdamin por daseyk of being straightforward.

2 08 2007
brokenman

pre, paano maglagay ng “color” sa reply box? 🙂 thanks.

2 08 2007
badoodles

@pareko panong kulay? ung text mismo o ung reply box ang iba ang kulay? pag text, lagay mo lang ito: [less than sign] font color=”red” [gr8ter dan sign] __ __ __ [less than sign] /font [greater than sign]. dun sa blanks mo ilalagay ung text na gusto mong maiba ang kulay. pag reply box mismo, kelangan marunong ka ng cascading style sheets [na nakakalito aralin] or maghanap ka na lang ng template tulad ng ganito na nag-iiba ung reply box pag blog owner ang gumagamit.

2 08 2007
auee

I often ask hubby that — “who’s your Mommy!” with a slight smack on his bum — seems to like it, too.
😛

Kaya lang lagi nyang sagot “nanay”… bad trip.

2 08 2007
badoodles

@auee haha! pag ako naman nagtatanong kay bebeKo ng hu’s ur daddy now? e sinasagot nya din ako ng ‘tatay ko siyempre’. hay naku, natatawa na lang ako.

2 08 2007
tim ang

tama ka. di na uso ang mga maria clara ngayon. kelangan na ring makipagsabayan ng mga babae sa mga lalaki.

3 08 2007
Flori

huhuhuhu napaka-bestial naman niyan, alagad! hindi pa naman ako ganun kadesperada 😛 at kung gusto ko ng baboy ramo, hindi na ako maghahanap sa kalayuan… i can even name a few nyahahahahahaha! magagalit mga tao sa paligid ko nito hehehehe…

3 08 2007
badoodles

@tim yes yes yow! mas ok nga pag low maintenance[anu to chassis ng sasakyan?]. 😉 ebribadi’s hapi.

3 08 2007
badoodles

@flori wahaha 😆 biro lang po. kala ko kasi genie ako. pag di naiklaro ang wish e sangkatutak na kapalpakan naiga-grant na hiling.

3 08 2007
chillidobo

buti nanjan pa rin sila no? additional na palad. 2 sets are better than one ‘ika nga

3 08 2007
dimaks

may naalala akong video netong “who’s your mommy” bwahahahah.. baka meron ka rin nun badoodles. ako wala akong objection sa amazona, basta sweet lover.. weehaw!

3 08 2007
badoodles

@chillidobo haha! basta ba hindi nasa lq mode ung taga-assist kundi pisak betlog [pba po ung pinag-uusapan namin. hehe.]

3 08 2007
badoodles

@dimaks di ko alam na may ganun. sa youtube ba un kapatid? ma-search nga, wala sa collection ng mga scandals ko un ah.

3 08 2007
jod

wait. kung straightforward siya, hindi ba dapat wala siyang ginawang excuse like “choppy ang linya.”

hindi ba mas straightforward ang sagutin niya ng “there are no second chances and i’m leaving you na.” ?

wala lang. natanong ko lang.

nagkumento at dumaan!

4 08 2007
kurokuroko

salamat sa pagbisita sa aking blog. at nakatutuwang tumutulong ka sa mga estudyante ng barobayin elem. school. 🙂

4 08 2007
dhez

nku, korek ka dyan.. sa panahon ngyon girls should be straight forward, at sabihin wat’s on our minds! pero sympre hanggat kaya sabihin, in a nice way parin.. salamat sa comment pala! 😉

4 08 2007
dhez

ay pahabol lng, pde link kita? kulit kse ng entries mo eh!! tsalamat! 🙂

4 08 2007
jojie

parang yung iko-comment ko pareho na ng nasa taas. LOL! 😀

5 08 2007
cga

ang sabi ng feminist teacher ko at nung Rizal teacher ko, sa totoo lang, si Maria Clara ay matapang at rebelde. Pumasok siya sa kumbento labag sa kalooban at utos ng ama niya dahil ayaw niyang pakasalan si Linares. Nagsasabi rin siya ng opinyon niya kahit hindi ito hinihingi. At may kalandian din siya kung babasahin mo ang Noli na naiintindihan ang mga simbolo. May kalokohan din talaga si Rizal pero may point nga yung mga guro. Nalinawan din kami.

Hehe. Kulit ng entry mo ah. Uy, tag kita ha. Nasa clarechronicles.wordpress.com (Tag you’re it!)

5 08 2007
Jovi

Kumusta na Pareng Badoodles? Sensya na ngayon lang nakadalaw. Anyhoodles, sayang nasakop tayo ng kung sino sinong dayuhan, e di sana matriarchal ang society natin ngayon. Ang dami sigurong dominatrix na nagkalat sa daan. Ang saya sana di ba? 😉

6 08 2007
badoodles

@jod nga no, di ko napansin ung subtleties na un. o baka madumi lang talaga utak ko kung anu-ano naiisip ko.

6 08 2007
badoodles

@dhez mas prefer ko din siguro ung ganun, on a personal note. tenk u sa link up. i linked u up too.

6 08 2007
badoodles

@jojitah ung kay jod din ba? ahihi.. utak malibog lang siguro ako. pero i swear, [may pa-swear swear pang nalalaman], narinig ko talaga ung halinghing. baka lang naka-take ng cough syrup overdose. hmm..

6 08 2007
badoodles

@clare dami ko ding natututunan dito ah. di ko alam un o baka nag-cutting class na naman ako nung rizal subj. wow. though by common knowledge when we refer to maria clara unang naiisip mahinhin. tenx por added info. 😉

6 08 2007
badoodles

@jovi elo mare. ang saya sa pinas pag ganun. tapos ala nang mangingibang bansa kase masaya nga dito. tapos ala nang brain drain. tapos gaganda ang ekonomiya ng pinas. yahoo! astig nga di ba?

6 08 2007
badoodles

@kurokuro tenk u din bosing.

6 08 2007
cga

badoodles, masaya naman ako may natutunan ka hehe kasalanan ng mga naunang titser yung mahinhin na tingin kay maria clara eh. at least ngayon may bago na.

ayan naedit ko na yung web address mo sa link. tag ka na!

6 08 2007
badoodles

@clare ten chu clare. ayan na-tag na aku. hmmm… pers taym ko ‘tong mag-meme kunsakali. kelan ko ipo-post? secret. haha! hopfuli magawa ko ds weekend 😉

13 12 2007
cha

ayus ang nagpost nito.. nakakatuwa mga sulat mo ehe.. apir tayo! haha

@cha apir tayo! acheche. haha

23 01 2008
may baliw

hahahahaha uu nga noh kakaibA ka kua…. ang relihiyon kasi na dinala ng mga epanyol ang nagshape kay maria clara eh…. bakit nga ba maraming mas ang mga lalaki eh sila rin tong mga mamahihina magdala mga duwag kase kadalasn ng mga nagsusuicide lalaki di takot mamatay pero takot suungin ang problema ang tanga noh??? samantalang kami takot mamatay pero mas madalas kmi ang nagsasakripisyo para masolutionan ang problema, kita mo mga ofw mas madami mga babae. kadalasan negative thinking sila, kala mo laging tama porket mas malakas sila kaya babae ang kinakawawa. ang babae masunurin sa dios me hiya itranspose mo un siguro konti nalang mga pinoy puro matino ang natira, kase todas lahat ng mga bulok

badoodles: @may baliw kung guro mo ako at yan ang sagot mo sa recitation, malamang mapapa-applause ako ng perpek! way to go, sago.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: