My Wife Never Farts

28 08 2007

Ladies will always be ladies.  Meron silang mga bagay na ginagawa na pasikreto.  Pa-girl sabi nga.  Nakita ko na maglinis ng tutuli si BebeKo, maglagay ng epek-epeks sa mukha saka matulog ng labas ’yung puti ng mata pero ni minsan di ko pa siya narinig na umutot.  Kung minsan naku-curious tuloy ako kung umuutot din ba ang babae at kung umuutot man, tunog ‘ka-blob’ din ba o pa-tweetums na parang nagbebenta ng pandesal sa umaga, ‘yung ‘put-put’.   

Mag-iisang taon na din kaming nagsasama sa iisang bubong ni BebeKo.  Nakita na niya ang mala-kalabaw kong pwet sa itim, mala-gubat na pubic hair saka narinig ang paghilik kong kala mo umaatungal na butanding.  Ganun talaga sa boys, wala na ’yung best foot forward tulad nung nanliligaw pa lang na pa-cute epeks.  Lumalabas din ang tunay na kulay pero ’yung dating pagiging makulit andun pa din.  Kung noong nanliligaw pa lang e talagang ‘gwaporms’ kala mo James Bond wannabe, ngayon nakikita na lang ako ni BebeKo na paikot-ikot ng bahay butt-naked kala mo nakawalang anak ni King Kong.  Binibilisan ko na nga lang ’yung pagtakbo para di masagwa kasi kung pa slow-mo e nakow, mapapamura ka ng ’watdapacka is wrong with you?’. 

Inisip ko na baka ’pag umutot ako in her presence, mawawala ’yung inhibitions niya at maririnig ko na din siya na bigla na lang uutot.  Ang babae kasi palaging conscious na baka turn off ang kanilang ginagawa kahit gusto pa nating makita ‘yung totoong sila.  At ginawa ko ngang ‘magpahangin’ habang nanonood si BebeKo ng paborito niyang soap opera.  Hehe, ayun, sinapak ako ng remote. 

Pinakain ko na din si BebeKo ng itlog, kamote, lumang peanut butter at iba pang pampautot in the hope na magkalat din siya sa harapan ko pero she always finds ways na makaiwas na maamoy ko ang ’galit ng kalikasan’.  Iniisip ko nga minsan na baka nga galing talaga sa ibang planeta si BebeKo at nautusan ng kanilang pinuno na hanapin si George Clooney para magpadami ng lahi.  Kaso naligaw sa Pinas, kala niya siguro si George Clooney ‘yung may brown kinky hair sa goatee.  Hehe, sinuutan ko na siya ng helmet at di ko na nga pinakawalan. 

Hindi ko na nga siguro maririnig umutot si BebeKo.  Sa isang banda, nakikita ko ’yung best effort niya na palaging ’hot chick’ sa aking paningin.  ‘Pag sinusundo ko nga lang sa opis nila ‘pag gabi,  naaaninag ko pa lang siya sa malayo, tigas na tigas na ako.  Iniisip ko, hanggang pagtanda namin, hindi magbabago ‘yung naramdaman ko nung sinagot niya ako.  And it will always feel like our first dates forever. 





Lessons from the Dead

20 08 2007

Adik sa soap opera ang mga Pilipino.  ‘Wag ka nang magtaka kasi meron ‘tong malalim na dahilan.  Kung ano ang anyo ng demokrasya natin ngayon, nabuo ito dahil sa isang magulong ‘love triangle’.  Sa libro ni Conrado De Quiros na Dead Aim, umiikot ang mundo nina Ninoy, Cory at Imelda sa tema ng pagmamahal, galit at paghihiganti.  Walang gaanong nakakaalam na minsang naging escort ni Imelda itong si Ninoy sa isang charity ball.  Hot chick probinsiyana si Imelda noon.  Inaamin naman ni Ninoy na nagka-crush siya kay Imelda.  Pero kung bakit di sila nagkamabutihan, sinasabi lang ni Ninoy na “She’s too tall for me”.  Pero kung si Imelda ang tatanungin, alam niya kung bakit di siya niligawan.  Wala siyang maipagmamalaking breeding at wala din siyang pera.  Isang probinsiyanang nagbakasakali at sumali ng beauty contest sa Miss Manila, di niya inaasahang magku-krus ang kani-kanilang landas.  Pero mas pinili nga ni Ninoy ang isang tagapagmana ng hacienda.  Si Cory Aquino.  Tulad ng isang soap operang napapanood na may sound epek epeks pa ng Pers Lab Neber Dies, alam mo na na ‘yung isang karakter na naapi at nasaktan e magbibitaw ng linyang “Babangon ako’t dudurugin ang mga taong umapi sa ‘kin”.  Basta parang ganun. 

Hindi imposibleng nagustuhan nga ni Imelda si Ninoy.  May ‘thing’ kasi si Imelda sa mga pa-bad-boy epeks.  Laking kanto at Manila boy itong si Ninoy.  Ang tawag nga sa kanya ni Nick Joaquin [national artist for literature], ay batang siga.  Pero para sa isang pusong nasaktan, may ‘knight-in-shining-armor’ na magpapakyut.  Dobleng brusko at mahangin pa.  Isa sa mga mambabatas sa kapulungan noon at nakakitaan na ng kumpiyansa [at kayabangan] na magiging presidente balang araw, nakita ni Ferdinand Marcos si Imelda sa isang cafeteria.  Basta na lang lumapit at nagpakilala.  Hindi naman nabastusan si Imelda sa ganun.  In pak, na-impress pa nga.  Hiya naman daw itong si Imelda.  Kasi naman hindi daw siya ‘prepared’.  Nakapambahay kasi saka tsinelas lang.  Na love-at-first-sight si Marcos and right there and then ay nagpropose na pakasalan si Imelda. 

Hindi nga tinantanan ni Ferdie si Imelda.  Araw-araw may three red roses na natatanggap si Imelda.  Matapos ang labing-isang araw na pagpapakyut ay kinasal ang dalawa.  Ang lupet.  Kung nagkataon na nakasabayan kong lumaki itong si pareng Ferdie, sa kanya dapat ako nagpaturo ng ‘da moves’.  Nagpatuloy ang aktibong political career ni Ferdie habang si Imelda ay all-out support na tagakanta sa mga political rallies ng asawa.  Sa isang panig naman ay ang pagpayagpag ni Ninoy na naging pinakabatang mayor, pinakabatang senador [two weeks underage na muntik pang ma-disqualify] at sanay naging pinakabatang presidente ng Pilipinas.   

Naging presidente si Marcos.  Nasarapan sa aircon sa Malacañang kaya di na nagbalak umalis.  Nagdeklara ng martial law para ma-extend ang paggamit ng aircon kaya nagkaroon ng matitinding kaaway.  Isa dun si Ninoy.  Pero dahil under military regime noon, lahat ng kontrapelo ay kinukulong.  Nakulong si Ninoy sa Fort Bonifacio ng matagal na panahon.  Nagka-heart problem at na-confine sa Philippine Heart Center.  Ayaw niyang magpagamot dun dahil si Imelda nga ang nagpatayo.  Alam ko may halong tampo ‘yun.   

Nung May 8, 1980, isang surprise visit ang ginawa ni Imelda kay Ninoy sa hospital.  Ang sabi sa diyaryo, kinausap ni Imelda si Ninoy kung gusto niyang sa Amerika na lang magpagamot.  Pero iba ang iniisip kong pag-uusap ng nangyari: 

Imelda:  Una kang naging akin Ninoy. 

Ninoy:  Ipagpatawad mo.  Kahit wala ka na, ikaw pa rin ang nasa isip. 

Imelda:  Sinungaling mong puso! 

Nagpagamot nga si Ninoy sa Amerika at dun na rin nanirahan kasama ang pamilya.  Nagpumilit bumalik sa Pilipinas at binanggit ang katagang ‘the Filipinos are worth dying for’.  Sa bandang huli ay na-assassinate.  Makasaysayan ang mga sumunod na pangyayari tulad ng Edsa revolt habang ang buong mundo ay nakatutok sa soap operang ito.  At kung bakit di pa rin nareresolba ang kaso ng assassination ni Ninoy hanggang ngayon, marahil magandang tignan ang anggulong ‘love triangle’.  Wat yu think?





Boxing World Cup: Philippines versus Mexico

13 08 2007

Di lang sa kalye magaling makipagbasagan ng mukha ang Pinoy.  5-1 ang panalo ng Pinas sa Boxing World Cup kahapon sa Sacramento, California pinalabas sa ABS-CBN.  Sarap sanang sabayan ng ice cold beer at sizzling sisig kasama sina pareng Nap pero dahil Linggo, iskedyul ko bilang boytoy at masahista ni BebeKo.  Dikitmata ako sobra sa laban di tuloy ako makapag-concentrate sa pagpisil-pisil kay BebeKo.  Nagreklamo na tuloy.  “Ano ba?  Anus ko na yang dinidiinan mo.”  Hehe.  Sori po. 

Some women think about sports in the point of view of a relationship.  Alala ko tuloy sabi ng ate Donna ko minsan nanonood kami ng boxing.  “Kanina pa sila yakapan ng yakapan.  They seem to like each other”.  And women have observations without an easy answer.  “Bakit pinisil nung coach ‘yung pwet ng boksingero niya.  Are they going steady?”.   Sabi ko na lang, “Hinde sis, ibig sabihin nun good job”. And when one boxer approaches apologetically the other one after a fight, “Tignan mo, I think yellow trunks is asking for the cellphone number of black trunks”.  Ang kulet ng ate ko, sarap i-plaster ng packaging tape tapos ikandado sa bodega para magtanda. 

Dalawang magkasunod na unanimous decision pabor sa Pinas  ang pinakita nina Diosdado Gabi saka Michael Domingo.  Ang totoy na si AJ Banal naman ang nagpataob sa kalaban sa ikatlong laban at ikatlong round.  Kumpiyansa ang pagkapanalo dahil last minute replacement ‘yung kalaban na si Jorge Cardenas na parang hinugot lang sa kung saan.  Sabi ng sports commentator, kargador daw ’yun sa pier.  Kaya naman pala, ang hina ng suntok parang kumain lang ata ng kanin na pinatak-patakan ng toyo.  Desperado ang Mexico na maka-iskor sa pang-apat na laban dahil 3-0 na ang standing.  Si Z Gorres ng Pinas  ang katapat ni Eric Ortiz para sa IBF Intercontinental super flyweight.   Nakow ginawang wrestling ng dalawa ang laban, para tuloy riot sa Tondo na may pagulong-gulong epek epeks pa.  Karate-stance itong si Gorres na binigyan ng bukol sa ulo si Ortiz na kasinlaki ng betlog ng higante.  Sapat na humiliation na ’yun para sa isang boksingero na magmukhang ’walking dick’.   

Di ko inaasahan ‘yung pagkapanalo ni Gerry Peñalosa dahil mukhang bagsak ito sa scorecard ng mga judges.  Saka tagal na ding nagbo-boxing nitong si Gerry,  di pa ako nagsasalawal napapanood ko na siya sa tv. Isang kaliweteng kawit sa ribs ang pinakawalan niya na naging dahilan para mag-rock the boat ang batang si Gonzales.  Si Gerry ang pinakamatandang Pinoy boxer ngayon na world champ.   

Groge naman itong si Boom-Boom Bautista laban kay Daniel Ponce De Leon, ‘yung mukhang supot na tadtad ng tattoo.  Sinubukan ni Boom-Boom kung talagang matigas nga ang ulo niya dahil nakipag-toe-to-toe kay De Leon kahit pinayuhan na siya ng manager na wag na wag gawin.  Ayun, gumulong-gulong ang eyeball na parang nag-e-explain ng ‘the moon travels around the Earth’.  Mangiyak-niyak tuloy sa pagkatalo.  Okay lang ‘yung Boom, lahat naman ng bagay may pers taym. 





Kuya’s Unsent Letter to Bunso

6 08 2007

Dear Bunso, 

Hapi 18th Birthday.  Dalaga ka na.  As promised, lisensiyado ka nang kumerengkeng sa mga boys na umaaligid – aligid sa ’yo.  Though kahit naman nasabi ko sa ‘yo ‘yun, baka makasapak pa rin ako ng kung sinumang kumag na mambobola sa ‘yo.  Deep down in the heart of every kuya, a bunso will always be bunso forever.    

Ambilis ng panahon.  You’ve now grown into a beautiful lady.  Dati ’butt of jokes’ ka lang sa usapang magkakapatid dahil ikaw lang ang maitim.  Sige na nga, morena.  Sabi ni Mommy, kung meron mang magkakagusto sa ’yo, e tiyak foreigner ’yun na mahilig sa iguana at exotic foods.  

Nami-miss ko nga minsan ’yung mga kakengkoyan mo.  ’Yung mga expressions mong ’ngek!’, ‘toink’ saka ‘hala naman kasi’, mga nagpapangiti sa ‘kin pag naaalala ko.  Naka-save din lahat ng ’lab yu’ saka ’ingat’ na text messages mo kahit paulit-ulit mo lang fino-forward.  Lam ko namang nagpapadagdag ka lang ng allowance, style mo bulok, mana ka nga sa ‘kin.   

Biro lang.  I know you’re sincere.  Promise ko sa ‘yo, I’ll do everything para mapagtapos ka.  Kahit magtrabaho ako bilang pornstar, gagawin ko ’yun para sa ’yo.  Kahit wala na si Papa, you never complained how hard life have become.  I’m sorry if sometimes I mess up as a father figure to you.  Pag nagpapaalam ka for an overnight in your classmate’s house, di ko alam kung ano ang criteria ko para payagan ka.   Kung minsan, binabase ko na lang sa alignment ng bituin sa kalawakan o toss coin na lang para madali.  Pers taym ko ‘to bilang head of the family.  I know you understand. 

First year nursing ka na.  Di ko alam bakit ‘yon e takot ka naman sa dugo.  Pero sana di mo nakuha ’yung idea na mag-nursing dahil dun sa mga porn mags ko na may mga babaeng nakasuot ng maiikling damit pang nars.   You don’t have to pressure your self in your academics too.   Si kuya mo e talagang born achiever, walang extra effort [nakow, nagyabang na naman].  Kahit lasing na pumapasok sa klase, kayang mag-recite kahit nakapikit.    

Heto ako wasted over Red Horse with some close prens.  Nagde-daydream pa din kahit hating gabi na.  I’m here gazing over the stars and chasing dreams.  Nami-miss ko na kayong mga kapatid ko saka si Mommy.  Isang buwang sahod ko ’yang pinadala ko pam-blow out mo.  I-treat mo lahat ng classmates mo or i-rent mo ang buong resort para walang manyak na makapasok.  You only get one debut, make it memorable.  Don’t worry about me, mangungutang na lang ako kay BebeKo ng pamasahe papasok sa opis.  Take care, kuya labs you always.