Kuya’s Unsent Letter to Bunso

6 08 2007

Dear Bunso, 

Hapi 18th Birthday.  Dalaga ka na.  As promised, lisensiyado ka nang kumerengkeng sa mga boys na umaaligid – aligid sa ’yo.  Though kahit naman nasabi ko sa ‘yo ‘yun, baka makasapak pa rin ako ng kung sinumang kumag na mambobola sa ‘yo.  Deep down in the heart of every kuya, a bunso will always be bunso forever.    

Ambilis ng panahon.  You’ve now grown into a beautiful lady.  Dati ’butt of jokes’ ka lang sa usapang magkakapatid dahil ikaw lang ang maitim.  Sige na nga, morena.  Sabi ni Mommy, kung meron mang magkakagusto sa ’yo, e tiyak foreigner ’yun na mahilig sa iguana at exotic foods.  

Nami-miss ko nga minsan ’yung mga kakengkoyan mo.  ’Yung mga expressions mong ’ngek!’, ‘toink’ saka ‘hala naman kasi’, mga nagpapangiti sa ‘kin pag naaalala ko.  Naka-save din lahat ng ’lab yu’ saka ’ingat’ na text messages mo kahit paulit-ulit mo lang fino-forward.  Lam ko namang nagpapadagdag ka lang ng allowance, style mo bulok, mana ka nga sa ‘kin.   

Biro lang.  I know you’re sincere.  Promise ko sa ‘yo, I’ll do everything para mapagtapos ka.  Kahit magtrabaho ako bilang pornstar, gagawin ko ’yun para sa ’yo.  Kahit wala na si Papa, you never complained how hard life have become.  I’m sorry if sometimes I mess up as a father figure to you.  Pag nagpapaalam ka for an overnight in your classmate’s house, di ko alam kung ano ang criteria ko para payagan ka.   Kung minsan, binabase ko na lang sa alignment ng bituin sa kalawakan o toss coin na lang para madali.  Pers taym ko ‘to bilang head of the family.  I know you understand. 

First year nursing ka na.  Di ko alam bakit ‘yon e takot ka naman sa dugo.  Pero sana di mo nakuha ’yung idea na mag-nursing dahil dun sa mga porn mags ko na may mga babaeng nakasuot ng maiikling damit pang nars.   You don’t have to pressure your self in your academics too.   Si kuya mo e talagang born achiever, walang extra effort [nakow, nagyabang na naman].  Kahit lasing na pumapasok sa klase, kayang mag-recite kahit nakapikit.    

Heto ako wasted over Red Horse with some close prens.  Nagde-daydream pa din kahit hating gabi na.  I’m here gazing over the stars and chasing dreams.  Nami-miss ko na kayong mga kapatid ko saka si Mommy.  Isang buwang sahod ko ’yang pinadala ko pam-blow out mo.  I-treat mo lahat ng classmates mo or i-rent mo ang buong resort para walang manyak na makapasok.  You only get one debut, make it memorable.  Don’t worry about me, mangungutang na lang ako kay BebeKo ng pamasahe papasok sa opis.  Take care, kuya labs you always. 

Advertisements

Mga Tugon

Information

131 responses

6 08 2007
junanteola

hirap ngang maging kuya! i don’t have a sister, but we have “adopted” my sister-in-law’s niece and treat her as such… katakot kaya, specially when she suddenly turns secretive at di na umuuwi on time. at may friendster pa!

oist, thanks for leaving a comment sa blog ko. and for letting me know about the address change. astig! kwentongbarbero.com na talaga.

tagal ko din nawala.

6 08 2007
singkongpipe

your sister is sure lucky to have you as a big brother…

6 08 2007
nelo

nice one pareng badoodles..kuyang kuya ang dating..mabuhay ka!

6 08 2007
haze

ang sweet mo naman na kuya.. sana nagkaroon ako ng kuya. hirap rin noh pag dependent sa iyo ang mga nababata mong kapatid.

kaya mo yan badoodles! mahal ka ng lil sis mo. 🙂

and i sure pag nakaroon ka na rin ng little badoodles eh, oks na oks ka. 🙂

haburdey na lang kay little sister mo.

6 08 2007
EDS

ang sweet… pwede po bang maging kuya na rin kita???

6 08 2007
lllredlll

kakainggit sis mo. Ako nga bunso only girl pa pero ako pa unang nag work kesa sa 2 kong utol. Debut ko non, 12 katao lang bisita ko na mga barkada ko, nag inuman nalang kami, parang debut na lalaki eh.. Asar talaga!

6 08 2007
bebenibadoodles

Bebeko lagi mo ako tinatanong kung napapatawa ba ako ng mga posts mo and i always answer you with a resounding: “Oo na, sige na mahal na kita. Ayan ha, tayo na.” Then we end up laughing like crazy.

Although i saw this coming and medyo alam ko na yung content, mas nakakaiyak pa rin pala pag mag isa na lang at babasahin ang laman ng puso mo para kay bunso.

Heartwarming ito sobra! I appreciate how much you have cared for my brother noong panahong mas close ka pa sa kanya kesa akin, but this one makes me want to cry. Tama lang na sobrang mahal ka ng kapatid mo because you deserve all the love in the world!

6 08 2007
chillidobo

dapat patayuan ka ng monumentong nakahiga… napaka-down to earth at loving mo pala badoodles. Saludo sa yo si chillidobo

6 08 2007
badoodles

@doc jun antagal mo namang nag leave op absens. parang nag-tour around d world ka ata ah. hehe… welcome back!

6 08 2007
badoodles

@singkongpipe siya lucky sa akin, ako kaya? sana lucky din sa kanya. hiling ko lang sana wag lang ung biglang magtatanan nakow kakapunin ko ung kung sinomang kumag na un.

6 08 2007
badoodles

@nelo kaya nga pre. mas madali ung kaw ang inaalagaan kesa ikaw ung nagwowori. pag babae ang bunso kelangan gud example ang kuya. kung naging lalaki sana si bunso di sana may ka-side kick na ako sa inuman. hehe.

6 08 2007
badoodles

@haze salamat marami. isipin ko na lang kaya ko to. 😆 pasasaan ba’t makakatapos din si bunso. tapos siya naman ang tutulong sa aming mahal na mommy.

6 08 2007
badoodles

@EDS sure manyur. tnx por luking up to me kahit minsan mas marami akong kasutilan. hehe.

6 08 2007
badoodles

@lllredlll mas ayos nga yang celeb mo. importante u always hav fun n things u do.

6 08 2007
badoodles

@bebeKo wow. ala ako masabe. sige na nga, uwi ako maaga. miss na naman kta. hehe.

6 08 2007
badoodles

@chillidobo haha. sige pagawa ako ng monumento ko ung sumisipa ng betlog ng kabayo tapos may engraved stone na ‘kick ass kuya’ of the world. itabi ko dun sa monumento ni bonifacio. baka maging tourist spot. :mrgreen:

6 08 2007
cga

naaaaaaaks. ganda ng letter ah! haha. nakaka-relate ako, may mga kuya din akong kasing-loko mo. hindi nga lang sumusulat kahit sa blog. nainggit tuloy ako hehehehe

6 08 2007
badoodles

@clare hahaha. kaso unsent letter. di talaga expresib ang mga kuya but we labs our siblings more than they know. pag nalalasing aun saka lang lumalabas ang senti side.

7 08 2007
lante

mabuhay kayong mga Kuya!

ako rin may kuya tulad mo. nag abroad siya para pag aralin ako sa law school.
pirs yir palang ako, may binagsak na ko. siyempre mega explain na kesyo mahirap at may topak prof ko. second year sumali ako sa frat. muntik na kong mamatay sa hazing. naospital ako sya lahat gumastos. third year ko, lumipat ako skul. di na kasi ako tinanggap. di abot sa QPI. pero tuloy parin suporta nya. hirap ng law school… akala ko kasi matalino ako.

ewan ko dyan sa kuya ko. para syang stage brother. ung bang yung gusto nya gawin na di nya kaya, pinapagawa sakin. nakita nya na may potensyal ako kaya nya ako pinu-push.

pero grateful ako. proud ako sa kanya. etong ngang review ko na naman para sa bar, sya lahat gumastos. sana pumasa ako para matapos na kalbaryo nya. para sa kanya to.

mabuhay kayo!

7 08 2007
A Z R A E L

kung nagkataon siguro na may kapatid ako na babae, protective din siguro ako. kaso mo puro kami lalaki. ako ang panganay, ako dapat ang magiging gabay nila. baliktad.. ako ang ginabayan nila, at inaakay sa tuwing uuwing lasing noong bata pa kami. mabuhay ang mga kuya! lols

7 08 2007
chona

hi. i have 3 older brothers also. at lahat sila mabait din gaya mo. ang masarap mo pa, never sila naging kj. malimit nga kami-kami magkasama nagi-inom. lalo na ngayon na lahat kami kumikita na ng pera. i can’t remember how i got into your blog. nag-bloghop lang ako from my SIL’s blog… i’m a newbie at this kse… palagay ko, magiging regular visitor mo na ako… funny kse laman ng blog mo… it reminds me so much of bob ong (of bobongpinoy.com fame) who was such a hit in the late 90s and early 2ks… have a nice day!

7 08 2007
nelo

sinabi mo pa pre! ayoko rin ng nag wo-worry..buti na lang lalaki yung bunso ko kapatid..side-kick ko sa paglalaro ng ps 2 saka tinuturuan ko ng mga da-moves sa tsiks 😀 buti na lang hindi uso ang magarbong debut kapag lalaki…tamang inom lang solb na.

7 08 2007
Raymond Lee Quijano

wala akong kapatid na babae pero itong sulat na ito… tagos sa puso ng mga kuyang kagaya ko. (naku po..)

7 08 2007
haze

bigay mo yan sa kapatid mo… 🙂

7 08 2007
Jinoe

I treat my sister the same way. Dati nag-aaway din kmi. Pero our parents really reared us to love and respect each other kasi dalawa lang kami. Yung nga lang magastos mag-alaga ng kapatid na babae. Ang daming kakikayan sa buhay.

7 08 2007
jojie

ancute.. 😀

7 08 2007
sawn

galeng mo talaga tol…. walang ka kupas kupas mag sulat….. tagos…. kaya bihira ang hindi bolero pag ganyan ang talent…

nyahahahahaha! jok lang. alam ko naman na sensitive ka… at mapag mahal. (sabay bawi!)

7 08 2007
badoodles

@lante we’re on the same boat pare. though ako i hev to stop law skul in my senior year becoz of bunso. kung nagkataon pala sabay taung magba-bar dis year. pero i’l be der dis sept to support u guys!

7 08 2007
badoodles

@pareng az kaka-relate ako jan. cheers sa mga kuyang makukulit!

7 08 2007
badoodles

@chona salamat for da bloghop. balik ka ulit. mas ok nga ung ganyang closeness ng mga magkakapatid. buti nga kahit medyo naghigpit ako ng konti, still, di pa din nawala ung pagiging honest ni bunso [ i hope ]. be visiting ur blog too. 😉

7 08 2007
badoodles

@pareng nelo kung ako din lang mas gusto ko ung bunso din na lalaki. di ka mag-aalala kung itanan man ng gf nya. but with my bunso naman, iv learned to be more responsible and a better kuya to her.

7 08 2007
badoodles

@pareng raymond paminsan-minsan lang tau magsenti pero hebigat. haha!

7 08 2007
badoodles

@haze ayaw. 😉 malalakas lang loob namin pag nakainom. pag wala na ispiritu ng alak, we’re d regular pagalit galit epeks na kuya. saka mahirap din pag na-spoiled.

7 08 2007
badoodles

@pareng jinoe – da man dat chicken built. siguro sa apat na gamit natin sa banyo [tootbrush, razor, sabon, tutpaste] e mga bente siguro ang sa kanila. dami nga nun.

congrats ngapala to ur father for da presidential award.

7 08 2007
badoodles

@jojie ako ba un? ay male. ung post pala. tenk yow. 😎

7 08 2007
rowjie

hehe… nice. i like posts like these talaga. actually mukhang funny yung dating ng letter pero pag binasa mo seryoso eh. Galing!

Btw, just a little tribute for your blog po… 🙂

http://rowjie.wordpress.com/links/blog-trip-kwentong-barbero-and-other-badoodle-stories/

7 08 2007
badoodles

@sawn pag di makuha sa pakyut, daanin sa bola. hehe. salamat. salamat.

7 08 2007
earthlotus

tulad mo.. isa rin akong kuya..

hahaii.. amhirap maging kuya.. tapos dalawa lang kayo..

7 08 2007
badoodles

@earthlotus buti nga kau pare 2 lang. alang gaanong hassle. kami disi-siete lahat. wahoo!

7 08 2007
badoodles

@rowjie salamat sa tribute for taking time [aka blogtrip ni rowjielogy]. haha! ako naman napag-tripan mo. ten q ulet. seriousli. :))

7 08 2007
chona

disisiete???!!! ay grabe… totoo ba yan? nung bata pa ako, i always wanted four kids pagka-turn ko na mag-pamilya… kahit ngayon naman eh… 4 kse kami magkakapatid… ayoko kse ng 1 lang… kse may kasabihan na may pagka-autistic daw ang solong anak… atsaka andami nagiging ugali (na di maganda)… hehehe… pag dalawa, okei lang din… pag tatlo naman… kawawa naman daw yung nasa gitna kse middle child syndrome naman daw… eniwei, sa ngayon, maka-1 lang ako, masaya na ako… eniwei, wala pa mashado laman ang blog ko… sabi ko nga… newbie ako… leave a message in my tagboard na lang din when you do visit… ;p

7 08 2007
badoodles

@chona yep. hahaha! kakaiba no? ganun talaga siguro pag taga probinsiya tapos lagi pang brownout. un lang ang hobby ng mommy saka papa ko noon. cheers! and wlcome to da blogging community!

8 08 2007
princess_y

awww. im so envious of your little sister. shes very lucky to have you. ako may kuya but i am more like an ate to him 😦

8 08 2007
earthlotus

umaygad! disi-siete? as in 17? @_@

wow! kami 2 lang talaga.. pero kung kasama yung mga half brother eh tyak.. aabot kami ng 40++ hehe.. ^_^ muslim kasi eh..

adik noh?

8 08 2007
Salve

ang sweet mo naman kay bunso, kuya! wish i had a kuya, too… nice one, badoodles!

8 08 2007
badoodles

@princess_y haha! isip bata din pala kuya mo. ganun din ako dati. but since wala na si papa, i head to take the responsibility of taking care of my younger siblings.

8 08 2007
badoodles

@earthlotus ok ung sa inyo kasi parte ng customs. kung bibilangin ko naman ung mga tinamaan ng pilyong spermz ni papa sa labas, aabot siguro kami ng trenta. 😆

8 08 2007
badoodles

@salve patago lang na sweet. di naman kasi kaming mga kuya expresib pag walang ispiritu ng alak. 😉

8 08 2007
jasonO

Hi.. this is my first time to leave a comment.. nabasa ko lahat ng entries mo sa blog.. kundi laugh trip e sobrang nakakarelate ako…

sobrang natouch kasi ako sa letter mo, recently I resigned in Accenture though I know may mas career ako dun.. its because of my two younger brothers that will enter college next year at yung isa gusto talaga magpiloto.. so isa din ako sa “supurtahan-taka'” club…

mahirap na fulfilling maging isang kuya… mahirap kasi minsan di natin alam kung saang lupalop ng bulsa natin hahanapin ang pantustos sa pampaaral nila… fulfilling kasi kapag nakita natin sila na grumaduate na.. kunsuelo na lang if they will graduate with flying colors….

ngayon di lang pala ako nagiisa… anyway 5 years na lang etong sacrifice ko… sila muna bago ako…

thanks for this very inspiring letter…

8 08 2007
badoodles

@pareng jasonO tama ka jan. parang bigla tayong naging tatay ng wala sa oras. sarap nga pakiramdam na alam mong dey look up to u n someday dey want to be like u. cheers sa mga ‘kick-ass’ kuya in da world!

8 08 2007
dhez

touch naman ako, actually db sa totoo lang ang sarap ng feeling pag nakakatulong ka sa kapatid mo lalo pa kung bunso db? lalo na kung inaapreciate nila lahat ng efforts at sacrifices mo, para lang mabigyan sila ng magandang kinabukasan… hai… kuya badoodles.. Mabuhay ka! 🙂

9 08 2007
badoodles

@dehz uu nga. un na ung pinakapaconsuelo bilang kuya. ung naapreciate nila ung efforts mo para iprovide ang kanilang kailangan. 😉

10 08 2007
pepe

awwwww, i love you tonyo!
i can relate really…
am sure yur bunso will go places…dun ba sya sa solana din at nag nurse sa St Paul eh 🙂

hugs

10 08 2007
pepe

oys tonyo! si lante na yan is my younger bro! just for your info!
ikaw ang pinaguusapan namin nung umuwi ako…and we’re laughing our heart out! o ano, uwi ka na ba sa cagayan this december para mag inuman tayo!

10 08 2007
badoodles

@pepe kala ko binaha ka na. antagal mu nawala. yep she’s in tugue.

haha… di ko alam stage brother ka pala. i thnk ur bro is gud, gut feeling ng isang ex-law student. baka magkta kami sa sept bec il be at the bar ops to support my brads and batchmates. kung nagkataon sabay pa pala kaming magte-teyk ng bar ngayong taon.

11 08 2007
buday

Hello,

ang swerte naman may kuya kagaya mo….. hehehe….di ko kasi na feel ang pia pa feel mo sa sis mo, i’m also the eldest kaya naka depende din minsan sa akin mga kapatid ko…. but not all the time hah.

thank you pala sa pag drop by sa site ko.

ciao!

theladybehind

11 08 2007
badoodles

@buday it’s payback naman kasi. we’re taking turns helping the younger siblings sa dami naming disi-siete. parang domino epeks and it’s my turn. masarap na mahirap. n it’s d best lesson iv learned in life.

11 08 2007
princess

kuya ako yung nawawala mong kapatid.. mas bata pa ako sa bunso mong kapatid..

hehe..

ang sweet namang kuya nun.. mangilan-ngilan na nga lang siguro sila sa mundo

11 08 2007
badoodles

@princess kaw nga… may resemblance ung avatar mo kay bunso pag pinaitim ng mga 50%. hehe. lahat naman ng kuya mabait. tago nga lang. 😉

11 08 2007
joice

akala ko para sa akin ang first 3 paragraphs ng sulat. hahaha. ganyang ganyan din ang linya sa akin ni kuya, at lahat ng iba ko pang kapatid. hahaha.

ancute ng entry na ito, kuya. hehehe.

11 08 2007
cheska

thanks for the visit and i think you’re one cool kuya. i’ll add you to my links, k? i like your stories.

12 08 2007
Des

aba. badoodles. ou payborit ko yung linya sa coach carter. pambihira!. sikat ka pala! ang ganda ng blog mo ahh. ang tagal na nito. pinahanga mo talaga ako. napakabait mong kuya. ganyan din siguro ang kuya ko sakin. (yata) haha. 🙂

12 08 2007
alphasensei

sana may kuya rin ako. 😦

13 08 2007
badoodles

@joice if u go insyd the mind of a kuya, nakow daming worries nyan sa mga bulinggit na kapatid. kung minsan off bounds na ung pagiging strict namin kc meron din kaming personal struggles lyk kung paano ung pagdidisiplina sa kapatid na di naman sana sila magrerebelde. 😉

13 08 2007
badoodles

@cheska thanks for the visit too. i also added u up in my list. 😉

13 08 2007
badoodles

@des ten q. ung linyang un sa coach carter ang pinaka-point of view ko din sa buhay. parang part ata yun ng poem na child of the univers, basta parang ganun.

dont wori, ganyang ganyan mag-isip ang mga kuya.

13 08 2007
badoodles

@alphasensei dont u wori, we can always be ur kuya in the blogging community. 😉

13 08 2007
joice

at dahil ako lang ang maitim sa aming magkakapatid, talagang minsan akong nabansagang “mangyan” ng sarili kong kuya. ang sweet no? haha. nga pala, may survey ako sa blog ko. sagot ka naman. thanksyou.

14 08 2007
maiylah's snippets

ang sweet naman … swerte ng little sis mo! ‘lam ko alam niya how lucky she is! 🙂
maraming salamat sa pagdaan mo sa blog ko, ha! appreciate it po.

14 08 2007
badoodles

@joice haha. idol naman yang kuya mo. nag-fill up nako ng form mo. tinaktak ko pa. 😉

14 08 2007
badoodles

@maiylah’s snippets thanks for dropping by too. 😎

15 08 2007
ptvj

na-touch naman ako sa letter mo sa sister mo. nakakatuwa, kasi iyong pagiging “morena” ng bunso namin ang favourite topic namin pag binubwisit namin siya. hehehe. wala naman siyang magagawa, 2 ate at 1 kuya ang mga kalaban niya =P

15 08 2007
badoodles

@ptvj uu nga. nakakatuwang balikan mga moments na ganun. marami naman kaming magkakapatid kaya kanya-kanya namang kampihan. majority winds este wins pala 😉

17 08 2007
kotsengkuba

lang’ya naman tong una kong nabasa sa blog mo, napuwing na naman ako habang tumatawa… laway siguro ‘yon 😛

20 08 2007
badoodles

@kotsengkuba haha! yaan mo na pare ko. special treat ‘to kasi minsan minsan lang akong paka-senti.

22 08 2007
didee

awwww… so nice naman… 🙂

il be writing my own letter to my nagdadalaga sisteret next year. 🙂
Kuya/Ate ang role ko sa kanya, haaaay kung pwede ko lang ibigay lahat ng needs nya… 🙂 She’s one of the reasons that keeps me going. 🙂 (now im missing her 😦 )

Kudos to all the Kuya’s and Ate’s out there! And as for you, your sister is blessed to have you as a financer…. este wonderpul kuya pala hehehe 🙂

23 08 2007
luisa

hi..my first time here but I’m glued..addicted, I should say… keep it up.. and thank you for the visit..

23 08 2007
badoodles

@didee lalo pa’t alam mong they are also striving in their studies so they won’t fail our expectations, yun un e.

23 08 2007
badoodles

@luisa wow naman, rugby kasi ginamit ko kaya sticky ‘tong site. biro lang. m plattered that u liked it. exchange links?

7 09 2007
pazing

koya, naiyak ako dito sa entry na to! pagkatapos kong humagalpak ng tawa sa iba mong posts, pagdating dito, ngumangalngal ako ng iyak!

ang bait mo palang koya. sana naging koya din kita! 😀

7 09 2007
badoodles

@pazing haha! lahat naman ng kuya mabait. i will always be ur koya. 😉

10 09 2007
shang

ang sweet naman….

10 09 2007
merl gwapa

wow hanep ang bait mo naman, sana ganyan din mga kuya ko ha ha ha, na touch ako dun ah

10 09 2007
shang

…lumabas ang pagka-sweet nila minsan…..pero pag salubong na ang kilay…lumayo kana baka upakan ka….heheheh :]

13 09 2007
camilleeee

bat kaya pag bunso, lalabs ng ebrebadi?… (ehem) 😀

13 09 2007
badoodles

@camilleeee uu nga. may special magik. bunso ka din ba?

13 09 2007
camilleeee

ha…
ah..
eh……

opo kuya (namumutla)

13 09 2007
badoodles

@camilleeee wow. haha. espesyal. ako din bunsong lalake naman pero kala mo head of the family kung umasta. hehe.

13 09 2007
camilleeee

espesyal ba kamo?….sus, eh kung “makalambing” nga mga kapatid ko sa kin, puro “utos dito, utos dun” eh. waaaaaa. gsto ko na nga putulan ng mga kamay at paa ang mga yun eh. jukkkk! (wak sana mabasa nina ate to, plis lang!)

kuya ok nga eh, kesa nman matulad ka sa iba. (na walang ibang alam kundi, “pagpapasaway” lang)

13 09 2007
badoodles

@camilleee haha! salamat naman. hackshuli, pambawi ko lang un ngayon sa mga ‘utang’ and misgivings ko in da past. 😉

14 09 2007
camilleeee

ganun pala pag bumabawi kuya, nasesenti hehe 🙂

22 09 2007
randomdemeanor

haayy..buti pa lil sis mo..mahal na mahal mo noh?? (inggit mode)

@llredlll=pareho tau..huuhuh..bunso ako nag volunteer na mag stop sa pag aaral kasi kailangan makatapos yung isa dahil walang kwenta yung isa..nung debut ko last year..haay..music students nang hand..nagcotillion na parang may ililibing at nag play ng orchestra at nagprepare ng cake at portrait ko na dinrowing ng kaibigan..touch ako dun..pero dahil nga sa kahirapan, walang pormal na debut ang nangyari..pero masaya na ko dun..

Yung isang walang kwenta ang npakagaling sa kalokohan kong kuya…nung kids kami 3 ng ate ko ay mahal nya kami..yun bang pag may nangaaway sa amin ng ate ko…utol Boy ko ang bahala..manghihiram talaga ng mukha sa aso ang fart na palaaway nayun..

Pero nung lumaki kami..kami na yata ng ate ko ang manghihiram ng mukha sa aso…jinujudo nya kami dalawa kapag you know …masyadong complicated na ang magsalita at minsan akala mo kung sino syang matino na nagsesermon…amah..hirap sabihin pero ang hirap na maging proud sa kanya as in mahirap…gustuhin mo man di mo syang pwedeng maipagmalaki..

swerte ng kapatid mo..

22 09 2007
badoodles

@camilleeee pag nalalau ka kasi sa mga kapatid mo, naaalala mo ung mga kakulitan, pati ung pagsasapakan dahil sa remote control, kaya nakaka-miss.

22 09 2007
badoodles

@random demeanor trust that ur brother will find his way in realizing the things he has done. mahirap esp. ang mga kuya matataas ang ihi kung minsan – be da first to reach out, humility conquers all. i know ur hurt ksi deep insyd kahit ayaw mong aminin u still care for ur brother. di ka naman masasaktan kung ala ka nang pakialam sa kuya mo[nagsermon e, hehe]. basta un, try to find a way to be at peace with ur siblings, sino pang magtutulungan kundi kau kaung magkakapatid. 😉

22 09 2007
camilleeee

ay koreeekk ka jan kuya. though kami nman ng mga sis ko nglalambingan lng nman thru pulling each other’s hair off hehe. :-))

eyy random, di pa huli.
balibaliktarin man natin, kuya mo pa din sya.
lucky u, meron kaw kuya.. ako ala. 😦

22 09 2007
badoodles

@camilleeee katuwa kaung maglambingan. sabagay mga kapatid kong babae ganyan din. pagtapos nilang mag-away, ininterbyu ko nga. pagkatapos magsubunutan, magaan daw ang feeling. hehe.. 😉

22 09 2007
camilleeee

ay uu kuya… gaan nga feeling, parang bang feel mo….sapakan na nmannnnn heheh 😀

22 09 2007
badoodles

@camilleeee hahaha! awat na. maubos na buhok ng kapatid. 😉

23 09 2007
randomdemeanor

yeah…i know ganun talaga mga kuya (matataas ihi..wahahhah..joke) i still care and love him..hate ko lng talga sya pag nagiging high na utak nya

pero ngayon ..nakikita ko naman effort nya para magbago…lately nga kinunan ko sya ng action shot habang nasa beach kami…AT..ehem…may blog ako dedicated sa kanya…nababasa na ni camilleeee un..pwede mo ring basahin para FYI sa history (charing)..

tanju sa mga advices nyao camillee and badoodles..eba talaga may kuya at ate sa blogosphere…ek ek ek ek ek

23 09 2007
badoodles

@random actually hev read it olredi, just taking time before mag comment ako dun sa post mo baka kasi ma-out of tangent ako. but by the content, i know u still r yearning for dat old kuya u once hed, and by that i know u love him and waiting for him way back to ur heart. 😉

24 09 2007
randomdemeanor

*Sandamakmak na tissue* sana gets mo na comment ko
BOW!

24 09 2007
badoodles

@random demeanor wahhh…. napaiyak na naman kita? lagot. senti mode ako dat tym.

24 09 2007
camilleeee

lagot kuya, npaiyak si random.

random, sana tuloy tuloy na pagreach mo sa kuya mo.

26 09 2007
badoodles

@camilleeee ah… eh…. lagot nga. sobra ba ako mag-senti? hehe.

27 09 2007
randomdemeanor

kung anong galing mo mag senti ganun ka rin kakulit..hehehehh..nagmimistulang baliw ang taong nagbabasa ng mga posts mo. (kasama na ko ‘dun)….tawa..iyak..tawa..iyak..gulat…tawa…haayyy…parang nag-o-audition tapos yung role ay si Sisa..hekhekhek…

27 09 2007
Maldito

reach lang ng reach…kung indi na ma reach baka nag iba ng sim….yani!!magtrabaho ka!wag kang mag blog lang ng blog diyan!kung ma block to ng IT dahil sau, patay ka saken!

27 09 2007
badoodles

@random sabayan mo ng sundot ng ice cold beer siguradong laugh trip to da maxx yan. haha. 😉

27 09 2007
badoodles

@gr8 maldito nakow nagalit na, hehe. tatawag na yan sa i.t. dept ng sayksasia.. hala ka 😉

10 11 2007
raquel

nakakaiyak naman… naalala ko tuloy ang kuya ko nasa korea siya ngayon. kasing bait mo din siya,lahat ginawa niya para makapag-aral at masuportahan kami kasi wala ng trabaho noon ang papa ko. may pamilya na siya ngayon kaya lahat gagawin ko din para matulungan siya.

12 11 2007
badoodles

@raquel beri gud. saka andun na din ung tiwala ng kuya mo sau na di mo sila bibiguin for all its worth. importante lang saming mga kuya ay yung ok din ang estado ng mga kapatid in d future. 😉

21 11 2007
dayah

ang gara na blog entry….

nakakatouch……

bigla tuloy akong nalungkot kase d ako mabait sa kapatid kong bunso, well mabait, patago nga lang, d nya alam na mabait pala ako sa kanya…….

kaya agree talaga ako dito sa sinabi mo na ito…..

“lahat naman ng kuya mabait. tago nga lang. ;)”

asteeg talaga blog mo…….

nakakarelate ako……….

mabuhay ka…..

22 11 2007
maktub

with this post you just made me realize a lot of things.. hehe.. thanks! =) you sound like gago… pero mabait na gago hehe =) peace… keep it up!

29 11 2007
Geselle

super lucky and family mo to have someone like u. keep it up!

30 11 2007
badoodles

@dayah tama ka. aku din dati hindi expresib baka kasi umabuso. but later on, i realized, di pala okey kung ganun ang mindset. basta love ur siblings like its ur last day to be wd dem. ganun.

30 11 2007
badoodles

@maktub yep mabait na gago, parang siraulong matino ganun. hehe. hirap explain but uv got me ryt. 😉 tnx

30 11 2007
badoodles

@geselle super lucky? haha! bago bago lang naman ako nagkaroon ng change of heart. kala ko nga na-bypass surgery ako at mukang bumait ng konti. konti lang. haha!

18 01 2008
marie

wheeee,whaaaaaaaaa, wow ganda aman!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! swerte naman tlga ni bunso,kainggit super,ang gling ng story,nka2touch sa lhat ng mga kuya,hope gnyan kuya ko skin!it’s nice,touching and somewhat memorable,sana sa debut ko mktanggap rin ako ng ganyang letter from kuya. grabe,your story talaga.

badoodles: @marie hwaw! andami mo namang exclamation point. pwede bang ipaconvert sa cash yan ng mapagkakitaan? hehe. malay mo, u just don’t know what’s in store for u in da days to come. every day is a miracle in progress. 😉

25 02 2008
wenG"GaY

Grabe ka ang lupeeeeeeet ng kabaitan mo dude!
Sana mameet kita at mkapagpa-autograph sayo minsan….

badoodles: @wenggay mabait? hehe, cyempre kuya eh. autograph? un ba ung tinatanong ung favorite color, dish, saka motto? hehe. joke.

11 03 2008
WenG"Gay

Sana I have a brother like you..
oist next time pag na-reincarnate tayo sana brother na kita!
dumami sana and “badoodles” sa earth..keep rockin
ung AUTOGRAPH ko ha!hehe

badoodles: @weng”gay sige we’re brothers forever. ano ba balak mo sa next life mo? gusto ko kasing maging hippoppotamus sa next life ko? kaw ba? sige na, maghippoppotamus ka na din para maging magkapatid talaga tayo. 😉

18 05 2008
ako?oo

aww how sweet , i wish a do have a brother too.. ;(

ikaw, u hev me – pinoy big brother

20 09 2008
The 2008 Philippine Blog Awards » Blog Archive » Best Single Post Finalists

[…] Personal:ILoveYouDaddy Personal:IsItTimetoWriteABookorNot Personal:Kuya’sUnsentLettertoBunso Personal:Forthyshort-timebliss Personal:Abad,anongpangalanmo? Personal:UnsentLetter […]

21 09 2008
anakngpiso

alam kong di mo na to mababasa… pero di ko mapigilang magcomment.. pwede bang magpa-ampon sayo? kahit kapatid sa labas lang okay na… lintek kasi tong mga kuya ko eh, ni pisong walang ulo di man lang ako mabigyan!!!

grabe katats naman yan…

isa pa pala.. nars din kapatid mo… aba aba nakahanap na naman ako ng kadugo..;glesy the great

25 09 2008
marvieluz

huwaw. your sister is lucky to have you.
awwwww.. kaya pala nakasali sa best single post eh! haha.

sana may kuya din akong katulad mo. 😦
ate ako pero.. di ko pa naman naeexperience yan.
malapit pa lang. HAHAHA.

newbie here. 😀
i’ve bookmarked your page! 😀

badoodles: @marvs hehe. tagal ko nang post yan, last year pa yata. hiya nga ako sobrang mushy. di na ako magba-blog ng nakainom.

1 10 2008
Zhey

*crayow emote* parang kinurot ang puso ko… haaay…

badoodles: @zhey heto naman ung kurot na pisikal. uhrm… 😆

16 10 2008
aia

tutulo na sana luha ko pero biglang bumalik. eheheh! hindi ko naranasang magkaroon ng kuya na kuya talaga. ansaya siguro. ehehehehe!

16 11 2008
lei

awwwww! sayang ngaun ko lang to nabasa.. sige, maghahalukay pa ako ng mga post mo dito. haha.
anyway, lahat naman yata ng kuya ganyan.. lalo na sa bunsong kapatid.. asar nga ako minsan sa kuya ko eh.. overprotective ang loko, pati mga tumatawag para mambola sa akin eh binabara sa telepono. haha. (as if naman meron. lol.) pero kahit naghahabulan lang kami ng suntok at panaksak araw-araw nun bata pa kami.. love ko yang lokong yan. sya lang naman kasi ang nagiisang kuya ko.

badoodles: @lei ngayon sana mas maintindihan mo sya. mahirap din maging kuya kala mo. worried kami pero hindi namin pinapakita.

21 11 2008
Lei

sus! ano ba kasing dapay iworry sa mga manliligaw? napansin ko pang unfair minsan eh.. kaming mga bunso super kung i-guard ng mga kuya pero kayong mga kuya kayo.. ok lang kahit ligawan nyo lahat ng magaganda sa school/ lugar nyo. haha. sa madaling sabi, kayo pwedeng lumandi, kami hinde. lol.

badoodles: @lei hahaha. sabi nga ang magnanakaw galit sa kapwa magnanakaw. alam na kasi namin ang likaw ng mga bituka ng mga yan, kaya ganun kami magprotekta. sori na, pero ganyan na talaga kami…

27 01 2009
livingstain

hay naku ang kapatid kong bunso magdedbut na din, 2nd yir nursing muka ding iguana este makakapangasawa pala ng iguana este ng mahilig sa iguana at exotic food…

dati bale wala lang sya sa akin pero ng akoy lumayo hindi ko din pala kaya…

ganda ganda ng gawa mo, namiz ko tuloy sya… lov you bunso.

6 04 2009
kheed

oist! naalala ko dun yung kuya ko uh, hindi dahil sa pinadalhan nya ko ng pipay para sa debut ko haha, ganyang ganyan din kasi sya, pafather figure, di kasi namin madalas kasama si tatay, kaya sya na ang umako.. Miss ko na utol ko.

27 08 2010
nikehikespike

Everyone seems to have Nike’s at the tip of their tongue. I know atleast 99% of you own or are currently even wearing a pair of Nike’s. Even big girls with abnormal shoe sizes like 22 are all over the place with Nike’s right this minute. Due to the figure four that they have over the footwear community, who wouldn’t have a pair or three. If you have any information on the history of Nike besides what we have, please provide it here: Nike shoes

9 10 2014
i

Thanks very nice blog!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: