Boxing World Cup: Philippines versus Mexico

13 08 2007

Di lang sa kalye magaling makipagbasagan ng mukha ang Pinoy.  5-1 ang panalo ng Pinas sa Boxing World Cup kahapon sa Sacramento, California pinalabas sa ABS-CBN.  Sarap sanang sabayan ng ice cold beer at sizzling sisig kasama sina pareng Nap pero dahil Linggo, iskedyul ko bilang boytoy at masahista ni BebeKo.  Dikitmata ako sobra sa laban di tuloy ako makapag-concentrate sa pagpisil-pisil kay BebeKo.  Nagreklamo na tuloy.  “Ano ba?  Anus ko na yang dinidiinan mo.”  Hehe.  Sori po. 

Some women think about sports in the point of view of a relationship.  Alala ko tuloy sabi ng ate Donna ko minsan nanonood kami ng boxing.  “Kanina pa sila yakapan ng yakapan.  They seem to like each other”.  And women have observations without an easy answer.  “Bakit pinisil nung coach ‘yung pwet ng boksingero niya.  Are they going steady?”.   Sabi ko na lang, “Hinde sis, ibig sabihin nun good job”. And when one boxer approaches apologetically the other one after a fight, “Tignan mo, I think yellow trunks is asking for the cellphone number of black trunks”.  Ang kulet ng ate ko, sarap i-plaster ng packaging tape tapos ikandado sa bodega para magtanda. 

Dalawang magkasunod na unanimous decision pabor sa Pinas  ang pinakita nina Diosdado Gabi saka Michael Domingo.  Ang totoy na si AJ Banal naman ang nagpataob sa kalaban sa ikatlong laban at ikatlong round.  Kumpiyansa ang pagkapanalo dahil last minute replacement ‘yung kalaban na si Jorge Cardenas na parang hinugot lang sa kung saan.  Sabi ng sports commentator, kargador daw ’yun sa pier.  Kaya naman pala, ang hina ng suntok parang kumain lang ata ng kanin na pinatak-patakan ng toyo.  Desperado ang Mexico na maka-iskor sa pang-apat na laban dahil 3-0 na ang standing.  Si Z Gorres ng Pinas  ang katapat ni Eric Ortiz para sa IBF Intercontinental super flyweight.   Nakow ginawang wrestling ng dalawa ang laban, para tuloy riot sa Tondo na may pagulong-gulong epek epeks pa.  Karate-stance itong si Gorres na binigyan ng bukol sa ulo si Ortiz na kasinlaki ng betlog ng higante.  Sapat na humiliation na ’yun para sa isang boksingero na magmukhang ’walking dick’.   

Di ko inaasahan ‘yung pagkapanalo ni Gerry Peñalosa dahil mukhang bagsak ito sa scorecard ng mga judges.  Saka tagal na ding nagbo-boxing nitong si Gerry,  di pa ako nagsasalawal napapanood ko na siya sa tv. Isang kaliweteng kawit sa ribs ang pinakawalan niya na naging dahilan para mag-rock the boat ang batang si Gonzales.  Si Gerry ang pinakamatandang Pinoy boxer ngayon na world champ.   

Groge naman itong si Boom-Boom Bautista laban kay Daniel Ponce De Leon, ‘yung mukhang supot na tadtad ng tattoo.  Sinubukan ni Boom-Boom kung talagang matigas nga ang ulo niya dahil nakipag-toe-to-toe kay De Leon kahit pinayuhan na siya ng manager na wag na wag gawin.  Ayun, gumulong-gulong ang eyeball na parang nag-e-explain ng ‘the moon travels around the Earth’.  Mangiyak-niyak tuloy sa pagkatalo.  Okay lang ‘yung Boom, lahat naman ng bagay may pers taym. 

Advertisements

Mga Tugon

Information

35 responses

13 08 2007
MARU

hahahaha! kahapon lang talaga ako nakakita ng ganun kalaking betlog este bukol. yung bukol ni ortiz kulang na lang bolbits at betlog na talaga! 😆 ang saya!

13 08 2007
badoodles

@maru and da first place goes to maru! [echo] ano mare, lagi kang una sa listahan ko ah. tumbok na tumbok kung kelan ako nag-u-update. 😉

patawa nga e. pede palang magkaroon ng bukol na ganun kalaki.

13 08 2007
nelo

haha! pareng badooodles akalain mo nga namang pareho tayong nag update ngyong araw..pareho pang tungkol sa world cup! 😀

grabe nga yung bukol na yun..nakakatakot na nakakadiri..buti nga itinigil na yung laban. sayang din yung kay boom boom..sana man lang umabot sya kahit 2 rounds..pasaway kasi eh

13 08 2007
badoodles

@nelo parehong-pareho likaw ng bituka natin. kumpletos rekados nga sana kung naging 6-0 win. anong bansa naman kaya ang magiging challenger next world cup..hm..

13 08 2007
nelo

haha! uu nga eh adik ka rin pala sa boxing…malamang hindi na mexico kalaban ng pinas..2009 pa raw gaganapin eh…pwede rin ang Japan o kaya Puerto rico ang susunod na makalaban.

13 08 2007
chillidobo

yung tv namin hindi fan ng boxing. kay nelo na lang ako nakabalita tungkol sa laban. natuwa naman ako at llamado ang pinas all in all.

13 08 2007
jojie

e parang ako yung ate mo pag nanonood ng boksing, pakiramdam ko lagi may badingang nangyayari. LOL!

13 08 2007
sawn

nanghihinayang talaga ako kay bombom. sige lang… ganun talaga ang buhay.

13 08 2007
pepe

hmp, malay ko ba sa boxing na yan!
tsaka bat puro pangit ang mga boxers! di ko masikmura si pacqaio (check spelling pls)…pero hotie yun UK guy na indian! hehehe!

13 08 2007
sariayamencius

Patawa naman yung mukhang kargador. Laking kahihiyan dinulot sa bansa nila. Malamang bawiin ang citizenship nun pag uwi sa kanila.

Ayos dito sa site mo ah, pwede po ba tumambay?

13 08 2007
badoodles

@chillidobo lam ko pinapanood mo pare. kasabay un ng daimos saka voltes v sa kabila. hehe.

13 08 2007
badoodles

@jojie ang kulit nga e. pag maingay manood sinasabihan kong matulog na. pag di ko naman kasama manood tinatawag ko para samahan ako. weird.

13 08 2007
badoodles

@pareng sawn ako nga din. minalas na naunahan kasi siyang napuruhan. charge it to experience na lang. 🙄

13 08 2007
badoodles

@pepe kaw talaga pepe. hehe. wala kang kupas 😉 idol ko ung si manny kaht pilipit dila maglaro ng deal or no deal. sigaw ng sigaw ng ‘noodle! noodle!’ di tuloy sila magkaintindihan ni kris aquino.

13 08 2007
badoodles

@sariaya op kors. sure why nots.

13 08 2007
dhez

kainis naman! hindi ko napanuod ung laban, syang hindi ko nakita tuloy ung bukol na un.

13 08 2007
badoodles

@dhez describe ko na lang sau. parang ung nilalagay sa soup number 5, o kaya imajinin mo ung pandesal na nasobrahan ng pampaalsa 😉

13 08 2007
chona

s-l-o-w ako… di ko na-gets agad yung comment mo kay manny na ‘noodle! noodle’… after mga 6 seconds, chaka ko na-gets… hahaha…

ako hindi nanood ng boxing, wala ako hilig e… pero ang boypren ko boxing fanatic… ang napanood ko lang eh yung re-cap nina korina… kawawa naman talaga yung itsura nung si boom boom… parang nakakita ng stars at birds na umiikot ikot… nag-dvd marathon lang ako =p

13 08 2007
badoodles

@chona biro din lang yan nung barkada ko. dont wori, ako din di ko nakuha agad. dapat all support ka sa boypren mo para masaya 😉

13 08 2007
dimaks

nsa youtube na ba ang mga laban na yun? hehehe.

13 08 2007
Fowl

magaling talaga ang mga pinoy…

14 08 2007
gbert

sayang, di man lang ako umabot ng pinas bago ang laban na yan.. pagbalik na lang ng pinas hanapin ko sa quiapo yung laban.. natawa ako dun sa noodle ah.. wahahaha

14 08 2007
EDS

Natawa ako sa pag-imagine syo, habang dikitmata sa boxing nagmamasahe ka sa bebe mo…Hahaha… Ganyan na ganyan din gawain ni hub ko… Huhu… Miss ko tuloy… 😦

14 08 2007
badoodles

@pareng dimaks sana may mabuting puso na mag-upload. nakta ko lang dun ung si luningning ng wowowee. boxer’s haven talaga ang mindanao. da best.

14 08 2007
badoodles

@fowl cheers para sa magagaling nating boksingero. ds s da best milestone in our boxing history.

14 08 2007
badoodles

@gbert sayang pare. da best pa namang sabayan ng ice cold beer saka fried chicken.

14 08 2007
badoodles

@EDS sweet naman yan. baka bigla mong pauwiin ah. 😉

14 08 2007
tim ang

mas maganda na natalo si boom boom. at least, natututo siya. bata pa naman siya. actually, mas magaling siya kay manny. polished na kasi ang style niya. unlike manny, bara-bara.

14 08 2007
badoodles

@tim ang uu nga. pero parang andaling puruhan nitong si boom boom. ung last fight nya tumba rin sa canvass. buti na lang nakatayo pa.

16 08 2007
chona

di ko hilig boxing pero sinusuportahan ko naman boyf ko kahit papano… tulad na lang nung last boxing match ni manny… he was at work, eh di tinext ko na lang sa kanya results… hehe… fresh from the radio pa yun ha…

16 08 2007
badoodles

@chona hehe. bilib nako. alala ko din ung laban na un. asa puerto galera kami nanonood tapos tinext naman sa kin ni bebeKo in advanced ung result. haha. sutil.

29 08 2007
jp

kaya nga ako pinapatay ko ang celphone (o iniiwan ko siya sa isang malayong lugar) habang may laban at hindi ako nanonood ng pay per view. para iwas spoiler. hehehe…

29 08 2007
badoodles

okay na ‘best practice’ yan pare magamit nga din.

29 08 2007
jp

erratum lang: kung may ppv naman at libre, bakit ko pa papalampasin. siyempre, don na ako sa live… at libre.

kaso parang nakakalugi din. ang tagal mong hinintay yung pac-mor iii ng walang commercial. matatapos lang pala in three rounds. mas mahaba pa laban ni viloria e. hehehe…

29 08 2007
badoodles

@jp kaya nga e. mas lalu kung sa sine pa panonoorin. naligo ka’t lahat biglang tapos na. di man lang hinabaan pordaseyk na kunyari nahirapan. hehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: