Lessons from the Dead

20 08 2007

Adik sa soap opera ang mga Pilipino.  ‘Wag ka nang magtaka kasi meron ‘tong malalim na dahilan.  Kung ano ang anyo ng demokrasya natin ngayon, nabuo ito dahil sa isang magulong ‘love triangle’.  Sa libro ni Conrado De Quiros na Dead Aim, umiikot ang mundo nina Ninoy, Cory at Imelda sa tema ng pagmamahal, galit at paghihiganti.  Walang gaanong nakakaalam na minsang naging escort ni Imelda itong si Ninoy sa isang charity ball.  Hot chick probinsiyana si Imelda noon.  Inaamin naman ni Ninoy na nagka-crush siya kay Imelda.  Pero kung bakit di sila nagkamabutihan, sinasabi lang ni Ninoy na “She’s too tall for me”.  Pero kung si Imelda ang tatanungin, alam niya kung bakit di siya niligawan.  Wala siyang maipagmamalaking breeding at wala din siyang pera.  Isang probinsiyanang nagbakasakali at sumali ng beauty contest sa Miss Manila, di niya inaasahang magku-krus ang kani-kanilang landas.  Pero mas pinili nga ni Ninoy ang isang tagapagmana ng hacienda.  Si Cory Aquino.  Tulad ng isang soap operang napapanood na may sound epek epeks pa ng Pers Lab Neber Dies, alam mo na na ‘yung isang karakter na naapi at nasaktan e magbibitaw ng linyang “Babangon ako’t dudurugin ang mga taong umapi sa ‘kin”.  Basta parang ganun. 

Hindi imposibleng nagustuhan nga ni Imelda si Ninoy.  May ‘thing’ kasi si Imelda sa mga pa-bad-boy epeks.  Laking kanto at Manila boy itong si Ninoy.  Ang tawag nga sa kanya ni Nick Joaquin [national artist for literature], ay batang siga.  Pero para sa isang pusong nasaktan, may ‘knight-in-shining-armor’ na magpapakyut.  Dobleng brusko at mahangin pa.  Isa sa mga mambabatas sa kapulungan noon at nakakitaan na ng kumpiyansa [at kayabangan] na magiging presidente balang araw, nakita ni Ferdinand Marcos si Imelda sa isang cafeteria.  Basta na lang lumapit at nagpakilala.  Hindi naman nabastusan si Imelda sa ganun.  In pak, na-impress pa nga.  Hiya naman daw itong si Imelda.  Kasi naman hindi daw siya ‘prepared’.  Nakapambahay kasi saka tsinelas lang.  Na love-at-first-sight si Marcos and right there and then ay nagpropose na pakasalan si Imelda. 

Hindi nga tinantanan ni Ferdie si Imelda.  Araw-araw may three red roses na natatanggap si Imelda.  Matapos ang labing-isang araw na pagpapakyut ay kinasal ang dalawa.  Ang lupet.  Kung nagkataon na nakasabayan kong lumaki itong si pareng Ferdie, sa kanya dapat ako nagpaturo ng ‘da moves’.  Nagpatuloy ang aktibong political career ni Ferdie habang si Imelda ay all-out support na tagakanta sa mga political rallies ng asawa.  Sa isang panig naman ay ang pagpayagpag ni Ninoy na naging pinakabatang mayor, pinakabatang senador [two weeks underage na muntik pang ma-disqualify] at sanay naging pinakabatang presidente ng Pilipinas.   

Naging presidente si Marcos.  Nasarapan sa aircon sa Malacañang kaya di na nagbalak umalis.  Nagdeklara ng martial law para ma-extend ang paggamit ng aircon kaya nagkaroon ng matitinding kaaway.  Isa dun si Ninoy.  Pero dahil under military regime noon, lahat ng kontrapelo ay kinukulong.  Nakulong si Ninoy sa Fort Bonifacio ng matagal na panahon.  Nagka-heart problem at na-confine sa Philippine Heart Center.  Ayaw niyang magpagamot dun dahil si Imelda nga ang nagpatayo.  Alam ko may halong tampo ‘yun.   

Nung May 8, 1980, isang surprise visit ang ginawa ni Imelda kay Ninoy sa hospital.  Ang sabi sa diyaryo, kinausap ni Imelda si Ninoy kung gusto niyang sa Amerika na lang magpagamot.  Pero iba ang iniisip kong pag-uusap ng nangyari: 

Imelda:  Una kang naging akin Ninoy. 

Ninoy:  Ipagpatawad mo.  Kahit wala ka na, ikaw pa rin ang nasa isip. 

Imelda:  Sinungaling mong puso! 

Nagpagamot nga si Ninoy sa Amerika at dun na rin nanirahan kasama ang pamilya.  Nagpumilit bumalik sa Pilipinas at binanggit ang katagang ‘the Filipinos are worth dying for’.  Sa bandang huli ay na-assassinate.  Makasaysayan ang mga sumunod na pangyayari tulad ng Edsa revolt habang ang buong mundo ay nakatutok sa soap operang ito.  At kung bakit di pa rin nareresolba ang kaso ng assassination ni Ninoy hanggang ngayon, marahil magandang tignan ang anggulong ‘love triangle’.  Wat yu think?

Advertisements

Mga Tugon

Information

69 responses

20 08 2007
dimaks

noon bata pa ako, sikat ang pelikulang tulad ng “bukas, luluhod ang mga tala” at iba pa. parang ganito rin ang tema ng istorya na inilahad mo pareng badoods! ang galing ng plot hehehe. sana dinagdag mo ang line na ito:

“Sanay wala nang wakas” at “hihintayin kita sa langit”

20 08 2007
tim ang

pwede ng gawing soap opera ang love square nila ninoy, cory, imelda at ferdie.
gusto kong magkakopya ng Dead Aim. 😀

20 08 2007
gbert

wahahaha.. ang lupet ng script mo.. puwedeng ibenta sa mga movie producers, may twists ang kuwento eh.. haha

21 08 2007
Ms. Red

Galing galing! magandang pang tele-babad yan, love triangle and politics. lols

21 08 2007
A Z R A E L

sobra akong na-absorbed sa kwento mo pareng badoodles. hindi ko tuloy alam kung totoo o hindi ang nabasa ko lol. tama ang sinabi nila, magandang storyline ‘toh at papatok pag isina-pelikula. natawa ako dun sa part na “nasarapn sa aricon kaya di na nagbalak umalis ng malacanang”.. kaya siguro hanggang sa kinalalagyan ni macoy ngayon, eh naka aircon pa rin sya lol

21 08 2007
nelo

historian ka rin pala pareng badoodle 😀

ngyon ko lang nalaman na type pala ni ninoy si imelda..o baka naman nabarbero mo lang ako. ibang klaseng babae pala ang tipo nila..mukhang may sayad na si imelda ngyon eh.

21 08 2007
sayko

yun eh!! Walang sinabi ang mga tinuturo sa skul. Pamalit kay Ginoong Zaide tsaka ang kanyang butihing anak na kumokopya din ng newspaper clippings para gawing libro! Whahaha

21 08 2007
pepe

amazing tonyo!
you can be a script writer pare ko!
galing! sana mabaso to ni kris aquino hahahahaha!

21 08 2007
badoodles

@pareng dimaks tamang tama un pang finale’ ung hihintayin kita sa langit. anong binatbat ng mga soap opera ngaun hehe.

21 08 2007
badoodles

@tim ang lumang libro na un nung college ko unang nabasa pero may nakita ako sa ayala library sa makati isang kopya.

21 08 2007
badoodles

@engr gbert alala mo nung sinabi mong sana biyayaan ako ni papa jesus ng malikot na utak, parang nasobrahan yata ako ngayon. nyahaha..

21 08 2007
badoodles

@ms red tapos dagdagan pa ng sapakan scene nina marcos at ninoy kasi nga nagseselos ung isa. hm… nice.

21 08 2007
badoodles

@pareng az oo nga no 😆 . nice observation. kaya pala ung dome ni marcos e isang malaking refrigerator.

21 08 2007
badoodles

@sayko un lang sigurong libro ni de quiros na dead aim saka dance of the dunces ang masasabi kong binasa ko from page to page. ung ibang socio-political books kasi parang wala lang. alam ni de quiros pano ungkatin ang mga motives ng mga imprtanteng karakter sa pulitika.

21 08 2007
badoodles

@pepz nyahaha. ano kaya itsura ni kris kung si ninoy saka imelda nagkatuluyan. malamang sabog ang bibig parang borgy manotoc.

21 08 2007
badoodles

@pareng nelo totoo un pare ko. naging ms manila nga rin sa imelda kasi dinis-qualify ung nanalo. ang kwentong barbero lang jan ung romantic dialogue ni ninoy saka imelda sa phil heart center. 😉

21 08 2007
Ms. Red

kailangan may continuation yan. pede bang maikalat sa buong cyber world (syempre copyright sayo, hehehe) ?

21 08 2007
jojie

oh my gulay… kaya pala isnaban to the max ang mga junakis nila, may juicy na nakaraan.

21 08 2007
nelo

ahh totoo nga…haay bahala na sila sa buhay nila..mukhang pera din pala si ninoy? wehehhe!

mabuti na lang hindi ko nanay si imelda 😀 ansagwa

21 08 2007
badoodles

@ms red no probs, sure manyur.. 😉

21 08 2007
badoodles

@jojie astig naman yang blue hair mo. mali, rollers ata yan hehe, nawala tuloy ako. oo nga e, di ko pa napanood na magkakasama yang mga yan.

21 08 2007
badoodles

@nelo not to disgrace the dead, sakin importante lang kasi malaman ung ader syd nila, without their undercoat. [serious daw e, hehe] tao din naman mga yan, parang si rizal playboy.

21 08 2007
auee

twisted tale, interesting & intriguing… hit ito sa takilya -> you should sell it to VIVA films or kay Mader Lily
😛

21 08 2007
badoodles

@auee twisted and wicked. puro what if’s. natuloy pa kaya ang martial law kung si imelda saka ninoy ang nagkatuluyan? or destined talaga maging pers lady si imelda kasi lucky charm siya sa mapapangasawa.

naiisip ko mano po 8. hehe. nakow di na ako makakatambay sa embassy bar hahantingin ako ni manotoc.

21 08 2007
haze

kung ganito lang ang style ng mga history books natin, siguro topnotcher na ako sa phil history na subject namin sa skul. pag ganito ang mga kwento mas nakaka-gana mag aral eh. para ka lang nakiki-“epal” sa buhay ng iba.

galing mo badoodles!!

bravo!! (para bang andun ka lang at gumawa ng blow-by blow account ng nangyari)

21 08 2007
badoodles

@haze kaya nga no. boring na nga history amboboring pa ng mga history titsers natin. pede naman lagyan ng konting palabok sabay sundot ng konting moral lessons. ayos di ba.

21 08 2007
brokenman

wow dude ok na ok sa script! ha ha ha…

wala bang part 2?

21 08 2007
badoodles

@brokenman hahaha! ayos ba? ala na e. yan lang nakayanan ng kakulitan ng brain cells ko. by chance ko nga lang nabasa ulit ung dead aim ni conrado de quiros kasi yosibreyk sa tabi ng ayala library.

21 08 2007
chona

i used to read de quiros’ column sa inquirer. at gusto ko ang pagsusulat nya. kaso mo nagpalit ng dailies sa bahay — star na… so natigil na ang pagbabasa ko… hindi ko nabalitaan yang libro nya na yan… may tinda pa ba sa mga bukstore nyan? makapaghanap nga…

pano nga pala nagkasabay yang si ninoy at macoy kay imelda? if i remember it right, anlaki ng age gap ni ninoy at macoy… meaning, anlaki rin ba ng age gap ni imelda at macoy? di kse ako mashado nakikinig sa history nun eh… wala akong idea… hehehe

kwela ulet ng artikulo mo…

21 08 2007
chona

nga pala… wat’s ur email add? email mo naman saken… pwamis i wont’ send spam… (at virus) meron lang ako ibang email na natatanggap na gusto ko isend sa yo… kakatawa kse…

22 08 2007
Salve

baka nga nandun sa “love triangle” ang sagot sa assassination ni ninoy.sure naman na maraming lihim itong si ate meldy. at marami din syang weird ideas. napanood mo ba yung dokyu na imelda? entertainig sya. 😀

22 08 2007
badoodles

@chona lumipat ka na pala sa the newspaper u read fr cover to cover. pareho pala tau ng peyborit columnist, lupit kasi magsulat – analytical essay with literary prowess. sige send ko na lang sau e-mail address ko. 3 years older si ninoy kay imelda while marcos is 12 years older kay imelda.

di ko sure kung meron pa sa natl bukstor, un ngang sa ayala library binibili ko sabi isang kopya na lang daw un.

22 08 2007
badoodles

@salve yep. weird nga e. meron ding comedy show sa US ang title is ‘our maid imelda’ nakita ni bebeKo sa youtube nakakatawa daw, asian ung gumanap di ko alam kung pinay din.

22 08 2007
bernardumali

astig, magandang pangtelenovela yan. may substance. ano naman kaya ang nakaraan ni lucio tan at ni imelda? pwedeng pang sequel hmmmm watchathink!?

22 08 2007
badoodles

@bernard umali di ko alam yan ah. r u serious, meron din ba sila nakaraan. lam ko lang pareho silang nagsapalaran sa manila. hmm. nice.

22 08 2007
bernardumali

hehehe wala, pero ngayon baka si lucio tan ang ma assassinate, re : tan properties na binabawi ng marcoses.

22 08 2007
badoodles

@bernard i see. oo naalala ko na. un nga pala ung nagtestify ba si bongbong na parte ng lucio tan businesses e pag-aari ng marcoses.

22 08 2007
karlo mikhail

Funny story. I’ll add on this after my examinations.

23 08 2007
gladita

pano kaya kung si kris at bong2 nagkatuluyan? sina noy2 at imee pwede pang humabol. wahaha! magaling pare ko. 🙂

23 08 2007
layla aka. ellie

swear? totoo yan? o kathang isip mo lang?

sa bagay, ang pulitikang Pinoy ay isang soap-opera na di kailanmang magmamaliw.

23 08 2007
badoodles

@karlo yep. a good ice breaker. m impressed with ur site. very insightful and provokes the nationalist in me.

23 08 2007
badoodles

@gladita mare malabo un. sabi ng opismeyt ko, nung nagdi-date pa lang tong sina kris saka paolo bediones [myembro ng marcos clan] at nagtatawagan pa sila ng ‘cupcake’ e di din nagkatuluyan bec of deyr family’s past. di siguro uso sa kanila ung bury da hatchet.

23 08 2007
badoodles

@ellie totoo. pramis. but den again this is just one of the many sides of the stories depending on who’s point of view is considered.

23 08 2007
karlo mikhail

Thank you for the complement. This post fascinated me so much I ended up rummaging our house’s old news archives.

23 08 2007
badoodles

@karlo haha! u wait til i post about the marcos sex scandal. it totally blew me away. hu says sex scandal isn’t so 70’s?

23 08 2007
Imelda, Ninoy and a bizarre love triangle « Postcard Headlines

[…] insinuates that a love triangle between Ninoy Aquino, Cory Aquino and Imelda Marcos existed in Lessons from the Dead. First, he starts with the preliminary details: Walang gaanong nakakaalam na minsang naging escort […]

23 08 2007
...sommer...

…hi…nakiraan at nakibasa lang…2 working days ang binuno ko para mabasa buong blogs mo…whew!!hehehe! gleng gleng!:)

23 08 2007
badoodles

@sommer hapi bertdey. hmmm.. malapit na mag tour ah. di mo na sana binasa ung kaluma-lumaang archive ingliserong pakyut pa lang ako nun. kulit din ng mga posts mo, madaling basahin kalog.

23 08 2007
Nemcy

Bads, loko-loko ka talaga! But true, we pinoys are suckers for love triangles, tragedies and triumphs in the end sa mga pelikula. Nakakaloka!

Kathang-isip o researched ang anggulo mong ito, loko ka! Pano kung ipahanap ko ng mga Marcoses at ipa-assasinate? Hmmm… pero sisikat ka na naman nun ah! Hehehe…

At pag nagkita kayo ni Ninoy sa kabilang buhay, confirm mo ha? Tapos pakitanong na rin ba’t siya pumayag na di daw bihisan ng clean and crisp pamburol clothes. Sabi-sabi ng mga matatanda sa paligid ko nun, kaya daw di maresolba yung assassination ni Ninoy kasi suot pa rin daw n’ya ang damit nung pinatay siya. Gumanti kaya rin si Imelda da’l inapi siya, pwedeng sabi nya ililibing kang madungis, at ako, eto, buhay at fabulosa!

Oh-ha!

23 08 2007
badoodles

@nemcy di na siguro wala nang clout ang mga marcoses para balatan ako ng buhay. saka maingat naman ako sa personal info ko hehe, [sigurista e]. tagal na kitang di naka-kulitan ah. pati ung post mo 2 weeks ago pa un hehe.

beri obscene ang pagkamatay ni ninoy walang sinabi ang reality tv. panood ko nga sa the probe kagabi tumaas ung kaisa-isang balahibo ko.

23 08 2007
...sommer...

…kulit kasi kaya kahit luma n binasa ko na din…
…starlet pa lang ako sa pagbloblog hindi gaya mo, veteran actor na…
…sana nag bertdey ko na…yahooo!!!…

24 08 2007
  Imelda, Ninoy and a bizarre love triangle by The Philippines According to Blogs

[…] insinuates that a love triangle between Ninoy Aquino, Cory Aquino and Imelda Marcos existed in Lessons from the Dead. First, he starts with the preliminary details: Walang gaanong nakakaalam na minsang naging escort […]

24 08 2007
badoodles

@sommer just enjoy ur ride. nakakaadik magblog pag tulad nating makukulit mag isip. 😉 god bless to ur oral exam.

24 08 2007
chillidobo

wattastory… sana kunin ni mother lily ang rights o kaya ni wilma galvante tapos eh gawin nilang teleserye. taob lahat ng foreign soaps dito. Nice one badoodles. naka-isa ka na naman sa kin. clap-clap

24 08 2007
badoodles

@chillidobo mas twisted ung ‘our maid imelda’, spoof ni imelda after her downfall and in denial state, palabas sa u.s.. meron un pare sa youtube katuwa nga e.

link nga pala kita pare. tnx

25 08 2007
karlo mikhail

karlo haha! u wait til i post about the marcos sex scandal.

I heard about that but I’m not yet acquainted with the details. I’ll wait.

25 08 2007
badoodles

@karlo yep. just gathering some more details on it. give me a month. 😉

26 08 2007
ellie m.

sa totoo lang, nakakapagod nang manood ng longest running soap opera.

“Philippine Politics”.

27 08 2007
badoodles

@ellie m. may mga episodes na predictable. parang history repeats itself, ung mga personalities lang nagbabago. hehe.

6 09 2007
pazing

may natutunan ako ngayon, hmm baka nga love triangle. hehe.
naaliw ako sa mga posts mo! walang humpay ang paghagikgik ko dito!

6 09 2007
badoodles

ganun. penge ng curly tops. hehe. salamat sa pagbloghop. 😉

7 09 2007
pazing

^ haha! heto at bumisita ulit, pampatanggal ng stress mga posts mo. 🙂 thanks din sa pagvisit sa blog ko!

7 09 2007
badoodles

@pazing thenx u. ung blog mo patawa din. 😉

11 09 2007
Pam

Haha! Although I am not a fan of them, but this made me think about the origin of soap operas! 🙂 I enjoyed the tidbits about politics… 🙂 Keep on writing!

29 02 2008
tagadagat

dami ko natututunan sau ahh.. fm betlogs to brief to war to lab story? at kay madam at ninoy pa? lupet! ano na lang kung sila ngkatuluyan? di mas churvanes si kris? waaah!!!

badoodles: @tagadagat tama ka, malamang kung si imelda ang naging nanay ni kris, 80’s pa lang naimbento na ni kris ang salitang ‘haller’ saka ‘ur so kakainis talaga’. hehe.

29 02 2008
mai

di nga totoo ba talaga un? totoo? di nga? sure? pramis? totoo ba talaga ung nasusulat sa dead aims? o trip trip lang gawan ng ibang meaning? di nga? talaga lang ah… prang kwentong barebero lang talaga… di nga totoo ba talaga un? pero mas maganda ang kwento ngaun… di ko na kailangan manod pa ng prison break o kaya hero…. philippine tv presents one of the exciting chapter of the philippine telenovela… We, Our family against the world… i mean the people… main cast the first gentleman and the president also starring the first family, and crush ng bayan mr jun lozada…

ok blog mo lagi mo po ako napapangiti at napapahalakhak galingan mo pa lalo kalokohan mo po

badoodles: @mai oo totoo un. di nga. talaga. totoo. sureness. pramis. ska kwentongbarbero na din.

4 03 2008
tagadagat

Bwahaha! badoodles bakit si mai parang di talaga maniwala sa kwento mo? as if Duhh??? owwwsss??? trulash??? kulang na lang mag conduct ng nationwide survey! wahaha!! sabagay ako din nalilito na pero dahil idol kita hige, niwala ako kahit sabihin mo mas malaki ang bwan pag nasa US ka! hehehe

badoodles: @tagadagat kaya nga e. ako? na future king ng japan [oo, gusto ko kasing maging hapon], ayaw paniwalaan. sige ka mai, pag naging hari ako, gagawin kitang aalipin. ipapalinis ko sau buong palasyo gamit ang springmaid tootbrush.

17 08 2008
rollchan

one word:

ZAIDO!

hehe. 😀

pwede rin Dyesebel.

wekekekeke. 🙂

2 08 2009
senior

dead na si cory

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: