My Wife Never Farts

28 08 2007

Ladies will always be ladies.  Meron silang mga bagay na ginagawa na pasikreto.  Pa-girl sabi nga.  Nakita ko na maglinis ng tutuli si BebeKo, maglagay ng epek-epeks sa mukha saka matulog ng labas ’yung puti ng mata pero ni minsan di ko pa siya narinig na umutot.  Kung minsan naku-curious tuloy ako kung umuutot din ba ang babae at kung umuutot man, tunog ‘ka-blob’ din ba o pa-tweetums na parang nagbebenta ng pandesal sa umaga, ‘yung ‘put-put’.   

Mag-iisang taon na din kaming nagsasama sa iisang bubong ni BebeKo.  Nakita na niya ang mala-kalabaw kong pwet sa itim, mala-gubat na pubic hair saka narinig ang paghilik kong kala mo umaatungal na butanding.  Ganun talaga sa boys, wala na ’yung best foot forward tulad nung nanliligaw pa lang na pa-cute epeks.  Lumalabas din ang tunay na kulay pero ’yung dating pagiging makulit andun pa din.  Kung noong nanliligaw pa lang e talagang ‘gwaporms’ kala mo James Bond wannabe, ngayon nakikita na lang ako ni BebeKo na paikot-ikot ng bahay butt-naked kala mo nakawalang anak ni King Kong.  Binibilisan ko na nga lang ’yung pagtakbo para di masagwa kasi kung pa slow-mo e nakow, mapapamura ka ng ’watdapacka is wrong with you?’. 

Inisip ko na baka ’pag umutot ako in her presence, mawawala ’yung inhibitions niya at maririnig ko na din siya na bigla na lang uutot.  Ang babae kasi palaging conscious na baka turn off ang kanilang ginagawa kahit gusto pa nating makita ‘yung totoong sila.  At ginawa ko ngang ‘magpahangin’ habang nanonood si BebeKo ng paborito niyang soap opera.  Hehe, ayun, sinapak ako ng remote. 

Pinakain ko na din si BebeKo ng itlog, kamote, lumang peanut butter at iba pang pampautot in the hope na magkalat din siya sa harapan ko pero she always finds ways na makaiwas na maamoy ko ang ’galit ng kalikasan’.  Iniisip ko nga minsan na baka nga galing talaga sa ibang planeta si BebeKo at nautusan ng kanilang pinuno na hanapin si George Clooney para magpadami ng lahi.  Kaso naligaw sa Pinas, kala niya siguro si George Clooney ‘yung may brown kinky hair sa goatee.  Hehe, sinuutan ko na siya ng helmet at di ko na nga pinakawalan. 

Hindi ko na nga siguro maririnig umutot si BebeKo.  Sa isang banda, nakikita ko ’yung best effort niya na palaging ’hot chick’ sa aking paningin.  ‘Pag sinusundo ko nga lang sa opis nila ‘pag gabi,  naaaninag ko pa lang siya sa malayo, tigas na tigas na ako.  Iniisip ko, hanggang pagtanda namin, hindi magbabago ‘yung naramdaman ko nung sinagot niya ako.  And it will always feel like our first dates forever. 

Advertisements

Mga Tugon

Information

81 responses

28 08 2007
pepe

hahaha! yur so weird tonyo ha! na pinagiisipan ba talaga kun bakit walang tunog ang utot ni misis! may ‘class’ kase kami no?

“Pinakain ko na din si BebeKo ng itlog” kala ko you missed the pronoun “ko”! hahahaha!

28 08 2007
badoodles

@pepz mas delikado ung ‘silent whisper’ ganung ganun ung nagpasabog sa hiroshima saka nagasaki. 😉

28 08 2007
MARU

nyahaha! ayus! usapang – utot. kinilig ako dun sa last two sentences ng last paragraph. haysss…

28 08 2007
nelo

haha! kala ko rin kung anong pinakain mo eh…

astig yun ah napigilan yun utot? nice descriptions din about yourself..haha! binenta mo na yung sarili mo..

pareng badoodle..ang swerte mo nga naman talaga kapag ganyan ang araw-araw mong tanawin. congrats and best wishes…balang araw mauutot din yan sa tabi mo 😀

28 08 2007
...sommer...

…makikialam ulit.:)…
…ako kasi, pag umutot na ako sa harap/tabi/likod ng jowa ko it only means one thing…hindi ko na sya love. kaya kahit gaano kahirap ikubli ang tunog (minsan pati amoy!;p) talagang gagawa ako paraan…malay mo baka ganun din Bebe mo…;)

28 08 2007
badoodles

@mareng maru uu nga. ke-aga aga parang gusto ko nang umuwi at magpakyut kay BebeKo.

28 08 2007
badoodles

@sommer ganun pala un. parang ayaw ko na tuloy malaman kung ano ung sound epeks ni bebeKo. 😉

28 08 2007
Mithi

Ankulet nitong entry nato pero somehow naging about love mo pa din sa kanya sa dulo. Naks.

28 08 2007
jojie

e baka hindi lang ututin ang bebe mo. e ako ang dighay at utot parang pareho. wahahahaha!

oist! pwede po ba kayong mai-link sa bahay ko? 😀

28 08 2007
badoodles

@mithi pede bang pantapat sa otom – mithi love team? hehe

28 08 2007
badoodles

@jojiehottie sure manyur. 😉

28 08 2007
dhez

anu reaction niya ung maamoy niya utot mo? Uy kilig naman ako sayo, kasi love na love mo sya! ang LUFET!!!!

28 08 2007
sawn

naalala ko dati pinapatawa ko habang kumakain ng itlog. napautot din! walang kawala!

28 08 2007
auee

baka pag sakal – ahh kasal na kayo saka sya “gaganti”
😛

29 08 2007
camilleeeeee

hehehehhhh.. kyut pla ng hilik mo kuya, “umaatungal na butanding” waaaaahhh

29 08 2007
bebenibadoodles

“Iniisip ko, hanggang pagtanda namin, hindi magbabago ‘yung naramdaman ko nung sinagot niya ako. And it will always feel like our first dates forever.”

—> your post is supposed to be funny, but these last two sentences make
me want to cry. touched lang ako… i know how much i am loved, but it
is always nice to be reassured. as i’ve told you this morning, you know
how much of an attention seeker i am…
—> love you so much… and that’s how it stays for the rest of my life!

29 08 2007
badoodles

@dhez medyo nasasanay na ngayon sa pagiging ‘stubborn ututin’ ko. tinatanong lang ni bebeKo kung nagkapalitan ba kami ng magulang. 😉

29 08 2007
badoodles

@pareng sawn kelangan ata banye-banyerang itlog para wala na talgang kawala kaso nun baka masuffocate ung buong compound namin. hehe.

29 08 2007
badoodles

@auee haha! baka hanimun pa lang sabihin sakin na: “utot pala gusto mo, hetong utot” ka-blob. whatta.

29 08 2007
badoodles

@camilleeeeee parang pasigaw tawag ko sa yo ah. hehe. pag nasa lucid interval lang. kung minsan naman parang baka. 😉

29 08 2007
badoodles

@bebeKo tenk u sa fhm. enjoy na ung moments of reading ko pag nakaupo sa puting trono. labyu.

kaw lang nakapagpatino sa kin. ur my reason in dis lyf. syempre laging may foreverrrrrrrrr!

29 08 2007
bebenibadoodles

foreverrrrrrrr saka syempre yung… i can’t live without you. Saksakan na tayo ng corny pero ayos lang… masaya naman!

29 08 2007
gladita

hoy nilalanggam kayo! hehehe…hot chick meets hot *ick. 😀

29 08 2007
camilleeeee

hehe, kuyaaaa, kelangan talaga pasigaw kasi bingengot ako eheheheee.. pero nice post kuya ha, kinabagan na nmn ako dto hehe. 😉

29 08 2007
badoodles

@bebeKo foreber talaga yan. kahit pinausukan moko ng katol kagabi at nangamoy tinapa ako, labyu. hahaha! kala mo di nagkikita weh. hahahaha!!

29 08 2007
badoodles

@gladita haha! muka tuloy akong malaking hotdog nyan.

29 08 2007
badoodles

@camilleeee [mil – mil – mil echo epeks] salamat at nag enjoy ka sa pakikipagkulitan sa min. 😎

29 08 2007
antuken

funny… funny… funny… grabe, natatawa talaga ako sa mga posts mo… kahit ang simpleng utot, nagagawa mong mapag-usapan (andami na ng nag-comment sa post na to eh)…

yung kakambal ng nanay ko, kwento nya, yung mister daw nya, kapag kunyari nautot siya while in bed na, talaga naman tatayo si mister sabay pagpag ng kumot… dun na nga lang sa kwento na yun ng tita/ninang ko natatawa na kami, what more dito?

baka naman umuutot lang din se bebemo, kaya nga lang walang sound… or baka sumisimple ng pag-labas ng kwarto or paglayo ng konti sa yo para umutot… hehehe

baka naman diyosa si bebemo, hindi umuutot… hehehe…

ang sweet nyo… kainggit!

29 08 2007
badoodles

@antuken sinabi mo pa. hehe. ewan nga bat nacurious ako bigla.

tanong ko na ren bakit antuken? un tipo bang mahanginan lang ng ercon gusto nang matulog. ganun kasi ako weh. hehe.

29 08 2007
badoodles

@pareng nelo salamat por da regards abot na un hanggang sa wedding ko pare. ngaun ko lang nabasa ung comment mo, tumalbog ata kahapon di ko nabasa.. hehe.

29 08 2007
antuken

mahanginan ng aircon? wishko… hirap ako matulog sa aircon (bukod sa antuken ako, eh lamigin pa)… mas enjoy ako sa elektrikpan… MASA kse ako, kaya antuken —-> masandal lang tulog na (hehehe)… yun ang term of endearment namin ng papabols ko… kse dati nung di pa kami nagpapa-cute sa isa’t-isa, lagi kaming tulog sa service namin… tsaka college pa lang talaga, antuken na ako… isipin mo, nagi-inuman kami, middle ng inuman, tatayo ako at pupunta ng kwarto para matulog… tapos after mga 1 hour (minsan more pa), babalik ulet para makipag-inuman… hehehe

29 08 2007
badoodles

@antuken haha! sasabihin ko nga sana mahanginan lang sa elektrik pan. ganun pala kau mag-inuman ha, may half taym breyk. ayos. tenk u. 😉

29 08 2007
antuken

ako lang yung may break… kaya nga ayoko ng inuman sa labas eh… hehehe, pag bar ang pinuntahan namin, asahan mo yung byahe pauwi, knock-out ang beauty ko… kaya nga yata ayaw ako payagan ng boyf ko makipag-inuman sa iba eh… haay (pero matigas ulo ko.haha)

29 08 2007
badoodles

@antuken hehe. si bebeKo kahit magmatigas ulo bawal inom. ako lang exempted to the rule. daya no? hehe

30 08 2007
dimaks

mukhang posible yung sabi ni jojie, “dighay at utot parang pareho”.. naiba lang ng outlet, lol.

hindi kaya, may art of control sila kaya hindi mo nawi-witness?

30 08 2007
badoodles

@pareng dimax malamang malakas nga ang art of control. worry ko lang e hirap nun. paniwala ko kasi ung mga ganun ‘bottled up’ ang sentimiento e pag sumabog, ultimo langgam damay .

30 08 2007
haze

ang sweet nyo naman badoodles!! kinikilg ako!!

kasalan na!! ehehehe

30 08 2007
badoodles

@haze yehooo0! haha! ipon pa kami ng ipapakain dun sa mga mag-aatend ng reception.

30 08 2007
joice

haha 🙂 yun naman yun. naisip ko din, hindi pa rin yata ako nautot pag kasama ko papa ko. hmmm. baka ganun talaga. nako, parehas na parehas na linya. shet. hahaha. ayaw nga nya nagsasabi ako ng tae eh. di daw bagay saken. adek.

kyut kyut nyo naman ng bebemo. goodluckers.

31 08 2007
antuken

plano nyo na rin pala magpakasal… i suggest attend kayo ng bridal fairs… makakakuha ka kse ng big discounts… minsan 30% off pa… meron bridal fair sa sep 1-2 sa picc… kalimitan kse mga suppliers andun, no harm in going… minsan lang may fee… nung minsan nag-attend ako nung july (o june ata yun) parang 40 pesoses ang fee… pero marami magaganda offers… kaya lang next year pa ako e, kaya di muna ako nag-commit, humingi lang ako ng mga brochures/flyers… try nyo mag-attend, marami pa tuloy kayo mapapagpilian…

31 08 2007
A Z R A E L

may gf ako dati nung college. syempre dalaw si azrael sa bahay at nagpapakyut. eh sinisipon ako, sa sobra tawanan namin lumabas sipon ko at tumalsik sa lamesa. pinagtawan ako ni ex-gf. sa sobra nya halakhak… NAUTOT SYA..

taena sino ngayon ang mas katawatawa lol

31 08 2007
tim ang

pinakilig mo ko sa utot. haha.

31 08 2007
badoodles

@joice baka ganun nga talaga nature ng girls as against sa boys. pag kasama ko kasi barkada ko din or sunog baga boys, typical na ung ginagago namin ung isa’t isa.

31 08 2007
badoodles

@yagidoodz nakow pagkamamahal pa din un, pang dibisoria lang kaya ko. wehehe. wow malapit ka na din pala. next year nga din sana kami kaso di na makaantay ung betlogs ko. hehehe. 😉

31 08 2007
badoodles

@azrael hayup. pedeng pamalit dun sa post ko ung comment mo pare. natawa ako. seriousli. di ka lang dj, matulis na komikero pa. 😉

31 08 2007
badoodles

@tim ang ang mahiwagang si tim ang… pen name mo ba yan pare?

dis is my utot lab stori.

1 09 2007
chuvaness

hahaha

umuutot din..discrete lang..dinadahan-dahan baga…minsan itina-timing sa tugtog…wahahhahha

1 09 2007
badoodles

@chuva saktong saktong isabay yan sa beat ng ‘itaktak mo… takatakatak. itaktak mow-wow-ho. ‘ dapat may top ten list ako ng kantang panakip butas ng utot. tulad ng tigidong.. ah… isip isip.

1 09 2007
ZJ

Ngyahahahaha!
Sana may English version ka nito para mabasa ng asawa ko… this one cracks me up and I’m sure he’ll find this post hilarious! More… more…!

1 09 2007
badoodles

@ZJ thanx for liking it. i was originally writing in english kaso due to requests and [change of heart also], i started posting in the vernacular. saka mas ok pala ako pag tagalog. 😉

1 09 2007
ikabon

ang lakas mo pa lang humilik. next time na maglalabas ka ng sama ng loob at may nakarinig sabihin mo ringtone lang yun.

2 09 2007
chuvaness

Sir Bads, ayos yung TOP TEN LIST ahh….sama mo dun yung HOW GEE ha…

tanan taaananaaan HOW GEEE!! tanan taaananaaan HOW GEEE!! 😀

2 09 2007
thet

LOL LOL LOL

umuutot din kami…tahimik nga lang. ako nung minsan umutot fiancé ko, sinabayan ko din pero alang tunog…amoy na lang… silent killer! wala naman aksi akong “microphone”. di na napigil eh..usually, lalabas pa ko ng room pag magpapa”GAS”

pero hindi ako umamin nun…LOL

pero tama ka..ladies will always be ladies.

2 09 2007
alphasensei

ang last few lines ay nakakatouch at nakakamove. in tagalog, nakakahipo at nakakagalaw.

hehe.

2 09 2007
dimaks

mahirap pag ganung pati langgam ay damay.. lalo na ngayon, malakas na isyu ang global warming.

2 09 2007
PinoyBlurker » Blog Archive » links for 2007-09-02

[…] My Wife Never Farts « kwentong barbero . com […]

3 09 2007
badoodles

@ikabon di ko pa nga malalaman na humihilik ako kung di pa ako nakatulog sa bus. sa sobrang lakas, pati ako nagising. pers taym kong narinig sarili kong hilik. gross.

3 09 2007
badoodles

@chuva highness uu nga. how-jee [ka-blog]. di halata. para ka lang disco dj, nagmi-mix ng dalawang awit.

3 09 2007
badoodles

@thet yessss. ang bottom line n lang siguro is for us men to accept and celebrate our ladies’ ‘uniqueness’. kung ayaw talaga iparinig ang tunog ng careless whisper, di ok. baka magulat kami tunog bumbero pala, trauma ito. hehe. juk unli.

3 09 2007
badoodles

@alpha hanggang ngayon ay nahhihiwagaan pa din ako sa blue green analogy.

3 09 2007
badoodles

@pareng dimax parang napanood ko nga na nakakabutas ng ozone layer ang utot. tutuo ba yown?

4 09 2007
zoul1380

oo nga pansin ko nga yan.. sa mga girls… gnon ba tlga?

4 09 2007
badoodles

@zoul pansin mo din. ladies are always a wonderful mystery. exchange links?

4 09 2007
kengkay

oo nga, bakit kayong mga lalaki, di nyo mapigil? pano naman si queefing, huh 😀

4 09 2007
badoodles

@kengkay si queefing ang bagong object of attention ko ngaun. hehe

5 09 2007
Chi

they say that one is ready for marriage when both parties are comfortable to fart in front of each other. ang asawa ko kasi ututin pero i dont complain. sabi nga diba sa wedding vows, “for better or for worse”.

5 09 2007
badoodles

@chi ibig sabhin di nya pa ako labs? hwahhh… kaya nga chi nagtaka ako kasi kau yata ni waswit mo e sabay pa mag-cr. hehe. hackshuli, m excited na mixed emotion na din kasi baka ganun ung next chapter of our laybs ng bebeKo. 😉

7 09 2007
Flori

ang kyut nyo naman ni bebemo. hehe kinikileeeg ako!!! –> ambakla 😛

7 09 2007
earthlotus

ibang asa isip ko kanina dun ah.. haha.. ^_^

pinakain mo na kasi kamoh ng itlog yung bebemo.. wahaha.. 😀

pareng badoodle, hambak na nga pala. buhay na nga pala ako ulet. wahaha.. 😀

yaan mo, next time mapapautot din yan sa sa**p… wahaha.. 😀 peace tayo! \(^_^)/”

7 09 2007
badoodles

@flori ayos ka mareng flori. kaw kelan mu naman kami kikilitiin ng labstory na mahaba-haba asyd from brief moments of encounters mo with ur ‘very special prens’.

7 09 2007
badoodles

@earthlotus pano na ung si aguil mo? ung napapautot sa ‘happiness’ e tinatawag pala nilang ‘queefing’ ayon kay kengkay.

10 09 2007
Dnamra",

hahaha! umutot din ang babae… actually may kulay nga and utot nila.. ung nga lang diko nakita, pero narinig ko loudly… karamihang kulay ng utot nila ang “PINK” kc iniipit nila kaya nagi2ng kulay pink… kaya pag umutot cila… pppppppppppppiiiiiiinnnnnnnnk!!!

10 09 2007
merl gwapa

Hay naku Lord kung narinig nyo at naamoy ang utot nya ay ma papamura ka, pero na sanay na kame sa mokong na yan “utotizer yan”. Baka fina flash ni misis ang utot nya ha ha ha ha

11 09 2007
gasti

pareng badoodle.. nakapaglipat na ko ng blog. pa-change na lang ng link..hehe!

11 09 2007
earthlotus

ayun, dedo na si AGUIL. adik kasi eh. haha.. ^_^

hmm.. natatawa pa din ako sa kapag naiisip na may napapautot sa sarap. wahaha.. ^_^

15 10 2007
teenmistress

uu.. ganyan talaga kaming mga girls.. super conci kapag guys ang kasama.. minsan nga kahit tropa lang yung guy.. hehehe

30 10 2007
shannonxj

ASSSSTIIIGGG! You lucky bastard! TOl, nakakatawa ka. hahaha.. Ayos! Care for a link Exchange?

23 08 2008
glesy the great

pirstaym reader lang… lumobo sipon ko sa kakatawa… hala natanong ko tuloy kung babae ba ako… eh kasyi parang sumabog na bulkan din ung farty ko eh… hehe… buti na lang nadapa ako sa site na to…

4 12 2008
My Wife Is A Gangster « kwentong barbero .com

[…] nag-asawa na kayo, dun niyo lang talaga makikilala ang isa’t-isa.  Malay ko bang gangster pala ang ugali ng misis ko.  Bago kasi kami kinasal, di ko man lang siya […]

11 04 2009
kox

nakakatawa n nakakakilig.. patambay po.. 🙂

13 05 2010
MY WIFE IS A GANGSTER from KWENTONGBARBERO.COM « Chitobakamo’s Weblog

[…] ang isa’t-isa.  Malay ko bang gangster pala ang ugali ng misis ko.  Bago kasi kami kinasal, di ko man lang siya narinig na umutot.  Noong honeymoon namin, wala pa mang walong oras kaming mag-asawa, nagpakawala siya ng utot […]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: