The Choices We Make

26 09 2007

In our lifetime, we jump from one work to another, approximately 5-7 times. San galing statistics ko?  Wala lang.  Napanaginipan ko lang.  Malay mo totoo.  Kung minsan hindi ka lang sigurado sa pinili mong gawin kaya ka palipat-lipat.  “Ayaw ko nang gumiling-giling, pagod na ako”, sabi ng potmaker.  Sabagay, para ka ngang nagbibilot ng malaking kulangot kung ganyan trabaho mo.  Ako nga, magkakaalmoranas na sa walong oras na pag-upo sa harap ng computer.  At pag Pinoy ka na nasa ibang bansa, kadalasang may dalawang full time job ka pa. 

Hindi ako nagtuloy maging sundalo o kaya mag-abugado.  Sa pagsusundalo,  kasama kasi sa job description ang kumitil ng buhay, mahina loob ko sa ganun.  Small time ipis killer lang talaga ako.  Iniisip ko nga kung pano ang payroll sa pagsusundalo.  Baka sabihan pa ako nung mga taga-payroll, “Tatlo pa lang nabaril mo, pano ka mapo-promote nyan?”.  O kaya, “Hala, may nabaril kang inosens, salary deduction ‘yan”, na para ka lang nakabasag ng pinggan.   Sa pag-aabugado naman, may pagkakataong dedepensahan mo ang isang kriminal [bawal kasi ang pumili ng kliyente].  “Injection your honor”,  isisigaw ko dun sa korte na rereplayan naman ako agad ng “Injection oberul”.  Packing sheet, bakit kaya injection eh di naman ako duktor. 

Software engineer ako ngayon with deep industry expertise working on Microsoft.Net platform.  Problema ko lang ang hirap i-explain sa pamilya ko kung ano ang ginagawa ko para kumita di tulad kung sundalo o abugado ka.  In plain words, kami ‘yung gumagawa ng mga ‘bleeding edge’ business technologies.  Ang mga kliyenteng nakaka-rubbing elbows ay ‘yung mga nasa Fortune 500 companies.  Pero ang suspetsa pa rin ni Mommy, macho dancer ako sa isang strip club dahil sa napaka-unholy hour kong magtrabaho. 

 ‘Pag nagre-reunion nga ang mga barkada kong sundalo o classmates sa law iskul, ako lang ‘yung odd man out.  “Di sundalo, di abugado, ano ito?”, napagti-tripan pa akong gawing bugtong pero ok lang.  May ilang colonel din sa training camp ang na-frustrate sa ‘kin noong di ako nagtuloy magsundalo, ‘yung mga naging tatay-tatayan ko kasi ako ‘yung parating number 1 sa physical and academic trainings.   Sa law school, si Dean Letty Aquino na nanay ni gifted child Fr. Aquino na isa sa top 1000 philosophers of the millennium in the world, ayaw akong payagang huminto sa law school.  Kakalawangin daw utak ko ‘pag huminto [hehe, dati na pong may kalawang].    

Last Sunday, nag-take ng bar ‘yung mga classmates ko sa law school.  Kasama sana ako kung di ako huminto last year.  Daming what if’s.  Indeed, what we do today affects who we are in the future.  Nag-attend pa din ako ng bar operations sa Dela Salle para suportahan ang mga kaibigan at kaklase.  Ang bar exam ang pinakaprestihiyosong exam sa Pinas.  Enjoy mag-attend kasi ‘yung kahabaan ng Taft sarado sa dami ng tao, media, at bandang nagpe-perform.   ‘Yun lang din ‘yung pagkakataong pwede kang magtatatakbo ng hubo’t hubad ng walang manghuhuli sa ‘yong pulis.  Ginawa ko nung college ‘yun pero hinuli ako ng sekyu.  Ang reklamo sa ‘kin, public scandal with oversized betlogs.  Hehe.  ‘Kaw, what do you do for a living? 





Happy Bertdey Mommy Wildflower

19 09 2007

Mommy, 

Espesyal sa kin ang araw na ’to kasi last payment ng motor kong si Hulog, pag-uusapan ng mga bosing ’yung tungkol sa promotion ko, saka siyempre hapi bertdey sa babaeng unang nagmahal sa ’kin, nag-alaga at naghugas ng aking pwet.  Bale dalawa na nga kayo ni BebeKo ang pedeng gumawa ng testi na pogi nga ako.  Hehe.  Biruin mo nga naman, after more than 25 years nagbunga din ’yung paghihirap mo sa kin.  Heto at marunong na akong magbayad ng buwis sa bansa.   Alala mo pa ba ’yung paghihila-hila mo sa talukap ng mata ko hangga’t hindi ko naaayos ’yung pagsulat ko ng letter A na sabi mo ay parang binagyong bubong?  I know you messed up a little as a struggling mother then.  Pinapakain mo nga daw ako ng lugaw na may pira-pirasong pahina ng diyaryo kasi sabi ng mga amigas mo pampatalino raw.  Ayan tuloy, nahilig ako sa pagbabasa ng Tiktik, Remate, Bulgar, Toro atbp.  At may side epeks pang kasama.  Paminsan-minsan, bigla na lang akong napapaatungal ng kanta out of the blue.  Di na ba pwedeng i-reverse yon?  Di ko din makakalimutan ’yung pagpapadipa mo sa kin sa munggong may asin with hardbound books in the open arms.  Akala mo titino ako ’no?  Wehehe.  Anong panama ng pagtuturo ng nanay ni Rizal sa ’yo.  Wala.  Pero in perness dahil dun, na-appreciate ko ang virtue of patience.  Study first before anything.  At di na ako magpapahuling nagjajakol.   

Our life is a soap operatic roller coaster ride.  Sinasabi mong nagi-guilty ka no’ng panahong pinaampon mo ako nung elementary pa lang ako.  Okay lang ’yun Ma, sobrang enjoy nga akong ubusin ’yung pagkain ng pamilyang tinirhan ko.  Nung nagka-sore eyes pa ako e buong kaangkanan nung umampon sa akin ang nahawa.  E di magkakamukha na kami.  Pamilya Pulamata.  Hehe.  Ang importante binawi niyo pa rin ako in the end. 

You are a wildflower.  ”She faced the hardest times you can imagine”, sabi nga ng kanta ni Martin.  You were a free and gentle flower in the wilds.  I understand you Ma.  Gusto kong isipin na maganda ang Mommy ko kaya madaming betlogs ang nahumaling.  Si Jackie Onassis nga [na idol mo obviously] nag-asawa ulit ng mamatay si JFK pero minahal pa rin ng tao.  Disi-siyete kaming lahat na magkakapatid, sangkaterbang pakakainin pero napalaki mong educated at mabubuti [ako lang yata ang sira ulo].  Hehe.  Ang importante masaya tayo.  Sinong pamilya ang kayang bumuo ng iba’t-ibang kulay ng Olympics logo?  Tayo lang.   Dami mo na ngang hirap sa ’min.   

Di ko alam kung talagang malambing at emosyonal ang mga Bikolana o talagang ultimate iyakin ka lang.  At dahil iyakin ka, heto pinadalhan kita ng sandamakmak na pera pambili mo ng maraming tissue paper.  Kahit ngumawa ka ng ’sky is da limit’ okay lang Ma, we have the money to buy lots and lots of tissue papers.  Hehe.  Biro lang po.  Labs you forever Mommy ko, your son Superman.





Betlog Diaries 2: 8 Crazy Things About My Life

12 09 2007

Bakit otso?  Hindi ko alam kay Chuck en’ Clare  en Pepe na nag-tag sa akin at wala ding kinalaman ang otso sa haba ng etits ko o sa aking lucky number.  Here’s 8 nutty things about me: 

1.   Kung anu-anong trabaho pinasok ko para makagradweyt.  Madiskarte sa buhay at kayang mabuhay sa tagilid na lupa.  Naging disc jockey sa Campus Radio saka Star FM gamit ang diplomang Made in Recto.  Undergrad pa kasi ako nun.  Sa radio kami nag-meet ni BebeKo nung college.  Best female guest dj kasi siya.  Nung year-end top twenty countdown, nag-propose ako sa kanya on-air.  Di ko alam na patay na patay na pala siya sa akin dati pa kaya sagot siya agad ng u-oh.  Haha! 

2.  Naging corps commander sa ROTC.  Na-expel lahat ng ka-batch kong officers dahil sa hazing at ako lang natira.  May pagka-sutil pa ako nun.  Pinapagulong ko sa field ang mga kadete pag may tantrums ako like nawala ‘yung scientific calculator ko o kaya nababato ako at gusto ko lang matawa.  [Kaya di ako makapaniwala pag sinasabi nilang ako daw ang pinakamabait na corps commander in da whole wide world] 

3.  Nagtrabaho bilang waiter sa Rose Garden, isang low class prostitution den nung hayskul pa lang.  Pang-gabi ang schedule ko sa halagang trenta pesos magdamag.  Minsan, tinawag akong ‘kulangot’ ng isang lasing na humihingi ng ice bucket.  Badtrip ako kaya bago ko muna binigay ’yung ice cubes, kinaskas ko muna sa betlogs ko para subukan ko kung talagang malamig.  Anlamig nga.  Hehe.  Lesson in life:  Be nice to waiters.  Be very nice. 

4.  Kahit adik mga barkada ko nung college, never tried doobie at all.  Not even once.  Never even joined frat groups. Kahit pa ‘yung limang barkada ko e presidente ng kung anu-anong frat.  Paniwala ko kasi ang mga sumasali ng frat ay duwag.  Sabi nga ni Conrado De Quiros, “they are like mosquitoes, they are brave when they’re in droves”.   

5.  Naging presidente ng student council sa college of law.  Sa law school ko din naranasan maging Best Brief twice [hindi ‘yung sinusuot na sumusuporta sa betlogs, ‘yun ‘yung tawag sa pleadings ng korte]  dahil sa pagiging natural na sinungaling sa courtroom.  Naka-rubbing elbows ko din si Joan De Venecia, miyembro ng UP debate society na naging bar topnotcher noong 2006.    

6.  Muntik na akong maging sundalo.  CAFGU kasi si Papa tapos kalahating taon na din akong nagte-training sa kampo [Camp Upi, Gamu].  Iyak ng iyak si Mommy with matching sikip ng dibdib epek epeks kasi ayaw niya talaga pero kino-convince ako ng mga kapatid ko na tumuloy para meron naman daw silang kapatid na de kanyon.  Nag-teyk a breyk muna ako for a year para pagbigyan si Mommy.  Na-deploy naman agad sa Mindanao ang mga kasabayan ko [kasagsagan noon ng Abu Sayyaf].  Nabaril ng Abu ’yung ka-buddy ko at inuwing dedbol sa amin.  Buti na lang di pala ako nagtuloy.  Six feet below da ground na sana ako ngayon.  Di ko din sana naramdaman kung pano mainlab  at maranasan mag-blog at makipagkulitan sa internet. 

7.  Currently working as software engineer sa Makati Stock Exchange.  High tech promdi.  Natutuwa ako sa elevator kasi sanay lang ako dating sumasakay sa kalabaw.  Pag walang kasabay, tumatalon-talon ako sa elevator at biglang napapakanta ng ’takatak mo’.  Marunong akong makisama ke sunog baga boys man o senior executives.  Pag senior execs at di ako maka-ride on, dinadaan ko na lang sa usapang theory of relativity saka the medici phenomenon. 

8.  Pag may sobrang pera, nagpagti-tripan kong manlibre ng Jollibee super meal o Starbucks kape sa sinumang pulubi o mukang gutom na palaboy-laboy sa daan.  Sabay kwentuhan na din ng buhay buhay.  Mas okey na ‘yun kesa tumeybol ka ng pokpok sa Cubao.  Mga mukha na ngang ewan, di pa marunong mag-handle ng conversation.  Anong akala nila sa ming boys, pekpek lang ang habol?  Hehe.  Biro lang.  Pekpek lang talaga habol namin.  Hala naku!  Hehe. 

Never had regrets sa katarantaduhang pinaggagawa ko sa buhay ko.  Life is short.  Enjoy the ride.  You only pass this journey once so live it.  Laugh at your mistakes but never be afraid to cry.  Now, I’m tagging the following:  bebeKo [diyosa ng kaning lamig], brokenman [by reading this, u are estopped],  sawn [8 kamanyakan, sige na wak ka na bagumbuhay], chillidobo [hot, hot, hot] , nelo [boy tulis], si Chuck ulit [hehe, okay lang un 8 crazy things naman ‘to], earthlotus [boy tulis2], maru [hmm… can’t wait to read urs] .  Okay lang kahit di kayo sumagot.  May kilala naman akong voodoo doctor.  Biro onli.  ‘Yung iba, welcome din makipagkulitan sa tag na ‘to.

*Shoutout to Al and Tim Tayag,  mga guardian angel  at devil ko sa kakulitan para sa kanilang pagbabalik sa ‘Sup Radio – ‘the only morning radio show at night’ sa Jam 88.3 which airs Monday to Thursday, 9-midnight.  Kinig kayo.





Betlog Diaries 1: Jeepney Rush Hour Blues

4 09 2007

Ang hirap pag siksikan sa jeep.  Kailangang ipitin ang betlogs mo para magkasya ang ibang pasahero at nang makalarga na.  Sana na-foresee ni Papa Jesus ang ganitong krisis sa Pinas para ginawa na lang niyang detachable ang betlogs ng mga Pinoy.  ’Yung pagsasakay ka na lang, isu-shoot mo na lang betlogs mo sa backpak mo o kaya makisuyo ka kay mayLabs na itago muna sa kanyang shoulder bag.  Saka mo na lang ulit ikabit pagbaba ng dyip.  [Isipin mo na lang ang mga magiging typical phone conversation sa opis:  ”Mahal, naiwan ko ’yung betlogs ko sa bag mo.  Wag mo kalimutan dalhin pag-uwi ha.  Ay lab yu.  Mwamwa”.  Hehe. ]  

Kung di ba naman kasi isa’t kalahating adik itong mga barker sa terminal ng dyip at FX.  Pinipilit na magkasya ang sampung pasahero sa pang-waluhan.  Wa epeks ’yung naririnig ko sa radyo na ’Isipin mo na lang mag-isa ka’ kasi ramdam kong kalahati lang ng pwet ko ’yung nakasampa sa upuan.  Sinisigaw pa ng mga barker na ito na ’Sige kasya pa ang dalawa, kasya pa’, e kitang kita namang ’sangdangkal na lang ang natitirang espasyo.  Pano na lang kung sumasaydlayn ’tong mga ’to na mambugaw ng chicks diyan sa may Cubao?  “Sige kasya pa ang dalawa, kasya pa. O bakante pa ’yung butas sa may tenga, isa pa dyan.  Sa may butas ng pilikmata, pede pa yan.  Dali at bibiyahe na sa langit”.  Langya namang kaadik-adikang mga barker na ‘yan.  Di mo alam kung nanadya o talagang nawalan na ng common sense.  Buti at di rin naging waiter sa high class restoran ang mga barker na ‘to.  Ang tino ng candle light dinner deyt kasama si myLabs mo biglang lalapit saka sasabihing “Kasya pa dalawa sa table 3, esmyuski tabi lang po”.  Nakow kung nagkataon tragedy ang labas ng date mo minus one thousand pogi points agad.  Reminder na ‘yan na wag kang gagamit ng credit card sa date.  Dahil nga likas na malalakas ang boses ng mga ’yan, baka isigaw pa sa ’yo na“Sir! Yur credit card exceeded it’s limit sir!  No more balance Sir”.  Haha.  Habaan mo na lang ang pasensiya at baka mahila mo ang kanyang esophagus sa galit, maging kriminal ka pa ng wala sa oras.   

Kung di naman siksikan sa dyip, mamalasin kang makasabayan ang mga may putok at sa magkabilaan mo pang tumabi na di mo alam kung sa’n nila hinuhugot ang lakas ng loob na isampay ang kamay sa hawakan at magpahangin ng kilikili. Nakng tokwa talaga.  At pag dinoble naman ng malas, nakakasabayan ko pa sa dyip ang mga bumbay na yuppies papuntang Makati.  Dear God, wala ka bang suggestion box diyan nang masulatan kita na magpaulan ka naman ng sandamakmak na tawas at matamaan ang mga bumbay na ’to.  Kahit 40 days lang na tuloy tuloy na umuulan ng tawas, tulad nung ginawa mo kay Noah noon at nang makatikim naman kami ng sariwang hangin dito sa Manila.