Betlog Diaries 1: Jeepney Rush Hour Blues

4 09 2007

Ang hirap pag siksikan sa jeep.  Kailangang ipitin ang betlogs mo para magkasya ang ibang pasahero at nang makalarga na.  Sana na-foresee ni Papa Jesus ang ganitong krisis sa Pinas para ginawa na lang niyang detachable ang betlogs ng mga Pinoy.  ’Yung pagsasakay ka na lang, isu-shoot mo na lang betlogs mo sa backpak mo o kaya makisuyo ka kay mayLabs na itago muna sa kanyang shoulder bag.  Saka mo na lang ulit ikabit pagbaba ng dyip.  [Isipin mo na lang ang mga magiging typical phone conversation sa opis:  ”Mahal, naiwan ko ’yung betlogs ko sa bag mo.  Wag mo kalimutan dalhin pag-uwi ha.  Ay lab yu.  Mwamwa”.  Hehe. ]  

Kung di ba naman kasi isa’t kalahating adik itong mga barker sa terminal ng dyip at FX.  Pinipilit na magkasya ang sampung pasahero sa pang-waluhan.  Wa epeks ’yung naririnig ko sa radyo na ’Isipin mo na lang mag-isa ka’ kasi ramdam kong kalahati lang ng pwet ko ’yung nakasampa sa upuan.  Sinisigaw pa ng mga barker na ito na ’Sige kasya pa ang dalawa, kasya pa’, e kitang kita namang ’sangdangkal na lang ang natitirang espasyo.  Pano na lang kung sumasaydlayn ’tong mga ’to na mambugaw ng chicks diyan sa may Cubao?  “Sige kasya pa ang dalawa, kasya pa. O bakante pa ’yung butas sa may tenga, isa pa dyan.  Sa may butas ng pilikmata, pede pa yan.  Dali at bibiyahe na sa langit”.  Langya namang kaadik-adikang mga barker na ‘yan.  Di mo alam kung nanadya o talagang nawalan na ng common sense.  Buti at di rin naging waiter sa high class restoran ang mga barker na ‘to.  Ang tino ng candle light dinner deyt kasama si myLabs mo biglang lalapit saka sasabihing “Kasya pa dalawa sa table 3, esmyuski tabi lang po”.  Nakow kung nagkataon tragedy ang labas ng date mo minus one thousand pogi points agad.  Reminder na ‘yan na wag kang gagamit ng credit card sa date.  Dahil nga likas na malalakas ang boses ng mga ’yan, baka isigaw pa sa ’yo na“Sir! Yur credit card exceeded it’s limit sir!  No more balance Sir”.  Haha.  Habaan mo na lang ang pasensiya at baka mahila mo ang kanyang esophagus sa galit, maging kriminal ka pa ng wala sa oras.   

Kung di naman siksikan sa dyip, mamalasin kang makasabayan ang mga may putok at sa magkabilaan mo pang tumabi na di mo alam kung sa’n nila hinuhugot ang lakas ng loob na isampay ang kamay sa hawakan at magpahangin ng kilikili. Nakng tokwa talaga.  At pag dinoble naman ng malas, nakakasabayan ko pa sa dyip ang mga bumbay na yuppies papuntang Makati.  Dear God, wala ka bang suggestion box diyan nang masulatan kita na magpaulan ka naman ng sandamakmak na tawas at matamaan ang mga bumbay na ’to.  Kahit 40 days lang na tuloy tuloy na umuulan ng tawas, tulad nung ginawa mo kay Noah noon at nang makatikim naman kami ng sariwang hangin dito sa Manila. 

Advertisements

Mga Tugon

Information

60 responses

4 09 2007
MARU

nyahaha! sana magkaroon din ng detachable na wekwek! hehehe! para pwede ko ipahiram na lang dun sa mga wala. hayss… nabubulunan ako dito sa entry mong’ ‘to, parekoy! as usual, lafftrip! 😆

4 09 2007
badoodles

@maru pambayad utang ko dun sa erofleyn post mo. napatawa mo din ako dun mare. ok na wekwek un ah. parang usapang ‘oy pahiram ng wekwek mo, masikip pa ung sayo weh’. bad. hahaha 😆

4 09 2007
chillidobo

hi badoodles! may response ako sa post mong ito. nagpost ako sa kin, daan ka na lang.

4 09 2007
A response to Badoodles’ Betlog Diaries 1 « A n g B l o g n i C h i l l i d o b o

[…] A response to Badoodles’ Betlog Diaries 1 4 09 2007 * Alay ‘to kay Badoodles  […]

4 09 2007
badoodles

@chilli boy kinabahan ako bigla dun sa alay kay badoodles, kala ko mamamatay na ko. wehehe. beri gud observation pare ko. galing.

4 09 2007
Salve

tatawa na lang ako! HAHAHAHA!

4 09 2007
badoodles

@salve ayos ba? hehehe. kulit e.

4 09 2007
kengkay

ay ano ba yun, dun sa blog ko, ika nga ni maru, wekwek, dito naman betlogs — sa blog ko ba ikaw pumara ng dyip, hehe!

4 09 2007
badoodles

@kengkay malamang. ala naman siguro taung balak gawing uso ang discussion ng wekwek saka betlogs, mukang ‘chance cosmic encounter’ lang. hehe. exchange links?

4 09 2007
BananaMatronix

maging uso kaya yung pagnanakaw ng betlogs sa dyip? hahaha! para sa mga naghahanap ng mas malaki o mas epektib. eh diba? benta kagad un sa mga nagviviagra! solb!

kawawa ka naman. di ko na namimiss ung mga jipjip na yan eh. dito kasi, walang jip. pero miss ko pa ren tricycle! hay.

4 09 2007
badoodles

@diane nakow ang diosa ng SAP ngaun lang nagparamdam. busy eh? di ako pede sa tricy, mahanginan lang ako dun ng konti, tulogsky na.

4 09 2007
...sommer...

…hehehe! buti na lang pala walang jeep dito or else…anghit kasi ang pabango ng mga tao dito e…useless na ang tawas!!!;p…

4 09 2007
tiamy

Kung ikaw sa jeep ang problem mo, ako sa bus. Tuwing pumapasok ako sa bus, palaging punuan na. Wala ibang choice kundi tumayo. Kapag may bababa, hindi ko alam kung san ko ipopoint e…pwede dun sa nakaupo, or dun sa dadaan. Kung detachable lang nga yun, malamang hinawakan ko na lang at itinaas para hindi malamog. hahhaa..

4 09 2007
badoodles

@tiamy for the love of the succeeding generations of pinoy, haha!, kelangan nating pangalagaan ang ating betlogs. ayos ah, hawak hawak na lang. baka pede ding gawing key chain para mas portable. 😉

4 09 2007
badoodles

@sommer kalat na din ba bumbay diyan sa US of Ey? gagalit nga sa kin ung mga kaopismeyt kong bumbay kasi ayaw nila ng taong mabango – hindi daw natural. ako pa ngayon ang gross ang amoy. wakokok. hehe.

5 09 2007
chuvaness

naaliw ako

may purpose yun kaya hinde detachable…eh kung ma-misplace mo…o eh pano na yun? hahaha

i remember nun college, pahirapan umuwi…maulan, brownout,hirap sumakay ng jeep, may girl na naka mini saleslady yata sa SM yun, siksikan na sa loob ha may sabit pa tapos sakay pa din sya, eh meron mamang tulog na nakabukangkang as in wide open talaga…etong si girl akala nya space pa yun (kase nga madilim) mega kandong sya kay manong and mega sinisiksik nya yung pwet nya pilit na pinagkakasya…hahahah…ang sagwa sagwa! si manong nagising ng di oras!

5 09 2007
Chi

pinaka ayaw ko pag nakasakay ako sa public transportation sa pilipinas eh yung mga inconsiderate na lalaki na alam na ngang masikip eh todo bukaka pa sila. though alam kong uncomfortable sa mga lalaki na i-close ang legs nila pag nakaupo, sana man lang eh may limit din sila sa pagbukaka nila, diba.

agree din ako sa mga nakakasabay ko before na mag BO lalo na pag nasa FX. i mean, di naman siguro mahirap na magfreshen up muna (kahit man lang magpunas ng pawis) bago sumakay sa FX or jeep.

yun lang.

5 09 2007
nelo

mapababae mapalalaki meron talaga mga walang pakisa mundo kapag nakaupo sa jeep..

yung mga lalaking malalaki ang tyan laging nakabukaka tapos yung mga girlaloo naman eh naka sideways naman pag upo…matagal ka na nakatuwad hindi pa rin umaayos sa pag upo.

5 09 2007
gbert

hahaha tol, problema ko yan pagpapunta ako ng opisina na uwian naman ng nakakarami, eh lrt, mrt ako lagi, siksikan talaga na nagkakahandahalo halo na ung amoy, universal na kamo ang amoy na tipong my worldwide unity in smell sa loob ng tren.. eh ako bagong ligo at pabango tapos pagdating ng opis, parang wala ding pinagkaiba. yung tungkol sa betlogs, kahit siguro detachable ayoko siguro idetach, mahirap na magkawalaan, makakalimutin pa naman ako.. wahaha

5 09 2007
...sommer...

…wala pa po ako dun e…dito pa lang ako sa kuta ng mga bumbay mismo!!hehehe!! at wag ka, compliment pa pala daw sa mga anak ng putok pag cnasabihang mabaho sila…para sa kanila, mga taong everyday naliligo at mabango e mga putakets!;p…

5 09 2007
badoodles

@chuvaness hahaha! nagising ang manoy ni manong este si manong nagising. pilyang sm girl pala yan ha. [ung babae pa sinisi e, hehe]

hmmm… yang mg sm gels na yan, may pagkamahalay e. pansin ko, anlalagkit nila tumingin sa kin pag nadadaan ako sa sm. hehe, muka pala akong shoplifter. hay naku! kung anu-ano tuloy naiisip ko.

5 09 2007
badoodles

@chi musta na? di ko mabuksan blogspot ngaun naka-filter sa opis, nanganak ka na ba? parang may nakita akong ur in love again ung pers two paragraph lang nabasa ko. ayw mag-render ung page sa blogspot kaya bitin di ko nabasa lahat.

5 09 2007
badoodles

@nelo yan din complain ko sa buhay. buti sana kung kasinseksi ng bebeKo o ni j.lo kahit humilata pa siya sa sasakyan, uki lang.

5 09 2007
badoodles

@engr he he. blessings mo na sa iba un ng makaamoy naman sila ng amoy sanggol. breath of fresh air, ika nga. musta bekeyson? mukang gusto mo na ulit bumalik sa US of ey ah.

5 09 2007
pepe

hoy sobra ka! anti indian ka talaga! hmp
boypren ko pa naman indian! their smel is due to the curries they eat parend tonyo…just like the thai/koreans/japanese na amoy ginseng ang hininga.hehehehe

6 09 2007
badoodles

hahaha! sabi ko na nga violent reaction si pepe. sige na nga, mabango ang bumbay. pano ung kaopismeyt kong bumbay expat sabi mabaho daw ako kasi nagko-cologne. 😉

7 09 2007
Chi

yup, gave birth last august 29. di natuloy yung cs ko kasi napaaga ang pag lalabor ko. nagmamadali lumabas yung baby ko so napa normal ako ng di oras. anyway, in love ako ulit.. totoo yun.. 🙂

7 09 2007
badoodles

@chi congrats for the new born. excited pa pala lumabas si baby mo. e di nakatipid. sana pag meron na din si bebeKo normal delivery din.

7 09 2007
Flori

ah nangyari na sa akin ang masundot ng tuhod sa puwet dahil sa pagpupumilit sumiksik sa dyip. sabi kasi nung drayber may isa pa raw eh isa’t kalahati ako 😛

takte. may naisip ako sa post ko pero dahil ina-assume ko na hindi malisyoso (tulad ko) ang mga nagbabasa dito, di ko na babaguhin. nyaha!

7 09 2007
earthlotus

mwahaha.. 😀 ang malupet dun eh yung pang-10 lang eh napapagkasya ang 15 katao.. mwahaha. 😀

kaadikan ng mga barker nga naman!

sa sta mesa marami nyan, lalo na pag yung TUNGAW yung nasakyan mo!

7 09 2007
badoodles

@flori anong post un? sige na, sabihin mo na. hehe. sa ‘reyna ng sablay’ ba?

7 09 2007
badoodles

@earthlotus tama ka diyan. diyan din ako madalas last year sa may parteng legarda ata un [hehe di ko na maalala], nakikitambay sa condo ng barkada nung ala pa akong matuluyan.

8 09 2007
kotsengkuba

nung nasa dorm pa ko dito samin, secluded area kaya kapag pasukan sa umaga siksikan kung siksikan talaga sa bus. minsan talagang butt to butt na kayo. tayuan na yun ha. talagang di mahulugang harayom. sabi nga nung isang workmate ko kung babae sana ang kagitgitan nya e ok lang kaso lalake din.

nung winter, pahirapan sa pagligo kaya puro mga amoy pawis na kulob ang kagitgitan mo. amoy panis na laway ang buong bus.

yung mga kunduktor naman mga bibo rin, marunong magsalansan ng mga taong nakatayo kaya puno kung puno ang bus.

badoodles, hirap ako maka-entry sa site mo. alam mo na, china blocked the blogger’s nightmares kaya eto at nagpoproxy pako na sobrang bagal mag-load makarating lang sa barberya mo. nagself-hosting narin ako at blocked narin ang wordpress domains dito.

8 09 2007
antuken

i could totally relate sa post na to re:pinagpipilitan ng mga barker na madami pang kasya eh kung tutuusin lagi namang kalahating pwet na lang ang pwede… ang nakakatawa pa, pag di ka sumakay at dun ka sumakay sa susunod, sila pa ang may temang magalit…

ako, kapag ang sinisigaw talaga “DALAWA NA LANG, AALIS NA” or kahit nga 3 na lang, haysus, di talaga ako sasakay, kahit na male-late pa ako… hehehe… antrafik ng biyahe everyday ano! kawawa naman yung half butt-cheek ko… yung isang half, ngimay na kse talaga namang pinagpipilitan na kumasya yung pwet sa upuan at yung other half, naka-hang… dupang talaga ng iba… ang evil twin sister ko nga na may katarayan lumalabas lalo na pag mainit ang panahon, ang una nya agad tinatanong, yung drayber: “Ma, ilanan ba to?”… at pag ang sagot nya ay sablay sa sinisigaw ng barker/dispatcher nakakarinig ng: “marunong ba kayong magbilang? ang sabi ng drayber (whatever number sinabi ng driver) lang to!” taray no?
haay, weekend na ulet… pahinga! (galing nga lang pala ako pahinga—nagkasakit ako eh), eniwei, have a funfilled weekend!

8 09 2007
undextrois

ayos ito ! haha bebetlogins lol! teka ilan beses mo pinanood ang gladiator movie?

8 09 2007
Ms. Red

next time pag may naka sabay kang mga bumbay, magsindi ka ng posporo,,,, magugulat ka nalang bigla sila liliyab. hehehe!

8 09 2007
badoodles

@kotsengkuba sa opis namin, ini-encourage mga empleyado na mag-enrol ng yoga. suspetsa ko para kaya nila kahit anong position makasakay sa mrt.

langya namang mga tsekwa yan, ipapatuli ko mga yan e. di bale repapips pede ka namang mag-subscribe sa feed ko by email. saka kaw na lang palagi naming dadalawin sa bago mong blog site. kasama pa ako sa ‘super pinoys’ blogroll mo. ka-lebel ko na pala ngaun sina sassy lawyer saka batjay ex-supot. naupdate ko na blog link ko sau pre.

8 09 2007
badoodles

@antuken ako mukang mahaba ang pasensiya in da outsyd pero kumukulo na in da insyd. hehe. hindi naman. basta pede pang pagpasensiyahan pinagpapasensiyahan pa, wag lang ung abuso talaga na isang oras na terminal ayaw pang umarangkada. un ung tipong naglalabas nako ng balisong.

pag nasa taray mode din si bebeKo, anlakas din magparinig nun. ako na lang sumasaway para makabawi ako dun sa mga times na uminit ung ulo ko sa mga barker n driver. singit ko lang, kahapon pala, pers taym kong nakasakay sa jeep na ung driver e mabait. tinatalakan na siya nung MMDA e di na pinatulan. wala lang. gusto ko lang kwento sau. bumilib kasi ako weh. hehe 😉

8 09 2007
badoodles

@undextrois limang beses pare. ung ung talagang tinutukan ko, iba pa ung by chance nakita ko palabas. ngaun ung ‘300’ naman ung recent peyborit.

8 09 2007
badoodles

@ms red bagong avatar ah. hackshuli di naman lahat amoy kulob, ung iba masakit lang sa ilong. pungent ika nga. tin-ry ko na yan pag yosibreyk, ayaw tumalab, malakas siguro kapit ng mantika.

10 09 2007
ellie m.

hay naku. talaga nga naman. jeepney rides. parang Bar exams. High blood pressure aabutin mo!

kahapon, pauwi ako galing Bar Ops. Shucks, sarap demandahin ng “Breach of Contract of Carriage” yung driver. Kung magdrive, parang walang bukas.

10 09 2007
badoodles

@ellie hahaha! da travails of a student of law. buti ka pa, pumunta na ng bar ops por dis year, ako weh, hopfuli makapunta last sunday ng bar. 😉

10 09 2007
shang

hahhahha….kahit saan ka mapadpad me reklamo ka …ever d ka prin nagbabago…;)

10 09 2007
haze

naku badoodles! isama mo pa yung mga kasama sa jeep eh umagang umaga papunta ka pa lang ng opisina, fresh na fresh ka sa pagkaligo sabay katabi mo eh para bang nakipagsapalaran na sa rally at ni bahid ng pabango eh wala. nagsusumigaw na ang amoy pawis. ayan, nawalan na ng silbi ang johnsons baby cologne mo dahil kumapit na sa iyo ang amoy pawis. kainis! kung nde amoy pawis, amoy basang twalya na naiwan sa sahig ng ilang araw o pwede ring amoy ng aso nang hindi pa naliligo ng isang linggo.

haay, the perils nga naman of public transpo… kahit sa taxi no one is spared.

11 09 2007
auee

Muntik na kayong magkapareho ng “wish” ng high school classmate ko… Sana daw yung genitals ng lalaki isa sa mga daliri at yung genitals ng babae nasa balikat. Para pag gusto na, sasabihin mo lang “HOY, HOY” while “tapping” her shoulder with your “ari”.

DEMONIC IDEA! 🙂 I like the way you think, mate.

12 09 2007
Jake The Miserable

Tulad nga ng sabi nila, “UPONG 7 PESOS LANG PO.”

Kamalas-malasan nga naman kung halimbawang 10 pa lang ng umaga e amoy-4pm na ‘yung mga makakapiling mo sa loob ng jeep.

Taena rakenrol ang mga halimbawa mo ah. Rak on!!!

12 09 2007
Jon Cabron

anim na araw isang linggo akong laman ng pampasaherong bus ar jip.. haays andaming kwento talaga dyan.. kalimitan mababahong kwento nga!

12 09 2007
gasti

pareng badoodle..nakapaglipat nako dito sa wordpress 😀 pa-change na lang ng link ha! same title pa rin.

12 09 2007
badoodles

@shang kung ung dating amoy kambing e nagrereklamo sa amoy, abay seryosohang usapan na nga to. ito’y isang national issue na di dapat pinagsasawalang bahala. yaan mo na muna ung plunder case ni erap, mas apekted ako dito.

12 09 2007
badoodles

@haze karumal-dumal ang iyong description mare. napapaisip ako. hehe.. kuhang kuha mo ung description ko sa tsikot ng opismeyt kong tamad – amoy basang trapo.

12 09 2007
badoodles

@jake the miserable – uu nga nakakabadtrip isipin kaya dinadaanan na lang sa kwentong kwela.

12 09 2007
badoodles

@auee mate, okay un. un ung tinatawag talagang public display of apektion. tiyak magbabago ang kama sutra positions.

12 09 2007
badoodles

@jon cabron sau ko nga nakuha ung ideyang magsulat ng ganun. pero so far, ala pa namang betlog na sumasampa sa balikat ko tulad nung kwento mo.

12 09 2007
badoodles

@gasti ok ba wordpress? hehe. tagal mo din bago bumigay sa kakulitan namin. welcome sa wordpress. ahhu!! ahuu! [pang 300 movie chant]

14 09 2007
gerrycho

huwaw! badoodles! 🙂 may party pala dito! ngaun lang ako nagawi…
i’ll be visiting more!

15 09 2007
badoodles

@gerrycho salamat sa pakiki-party. bloghop ka lang anytime, ur welcome here, dis is ur haus too.

26 09 2007
jp

May nagsabi nga sa akin, kapag ang Pinoy nag-landing sa Korea, amoy kimchi ang Korea. Kumbaga ito ang ‘aroma’ niya. Napaisip tuloy ako, ano ang amoy ng Maynila sa mga banyaga pagdapo nila sa NAIA?

26 09 2007
badoodles

@jp amoy kili-kili haha! hinde siguro, amoy bibingka saka pinipig. huwaw, mubango. hehe.

28 11 2007
charleskorner

hahaha dito sa gitnang silangan tinatanong pa ng mga opismate kong bumbay kung ano ang gamit ng tawas? sabi ko para sa kilikili nating lahat kasi masakit kung sa ilong ito ilalagay.

13 12 2007
spottedwhittie

Mas swerte kmi dto sa province dahil kalesa mins of transpo nmin. Minsan sumakay friend ko sa calesa kung saan naksakay 2 magandang nurse na pamunta sa Cagayan Valley Medical Center. May LBM friend ko kaya papunta rin dun. habang tumatakbo ang kabayo, katikok, katikok, d mapigilan ng friend na mapautot ng malakas. Sigaw yung kutsero, fukinenam nga kabayu, kinnam mu mana gare mula nga kamosi. hekhek. swerte friendko.hekhek

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: