Betlog Diaries 2: 8 Crazy Things About My Life

12 09 2007

Bakit otso?  Hindi ko alam kay Chuck en’ Clare  en Pepe na nag-tag sa akin at wala ding kinalaman ang otso sa haba ng etits ko o sa aking lucky number.  Here’s 8 nutty things about me: 

1.   Kung anu-anong trabaho pinasok ko para makagradweyt.  Madiskarte sa buhay at kayang mabuhay sa tagilid na lupa.  Naging disc jockey sa Campus Radio saka Star FM gamit ang diplomang Made in Recto.  Undergrad pa kasi ako nun.  Sa radio kami nag-meet ni BebeKo nung college.  Best female guest dj kasi siya.  Nung year-end top twenty countdown, nag-propose ako sa kanya on-air.  Di ko alam na patay na patay na pala siya sa akin dati pa kaya sagot siya agad ng u-oh.  Haha! 

2.  Naging corps commander sa ROTC.  Na-expel lahat ng ka-batch kong officers dahil sa hazing at ako lang natira.  May pagka-sutil pa ako nun.  Pinapagulong ko sa field ang mga kadete pag may tantrums ako like nawala ‘yung scientific calculator ko o kaya nababato ako at gusto ko lang matawa.  [Kaya di ako makapaniwala pag sinasabi nilang ako daw ang pinakamabait na corps commander in da whole wide world] 

3.  Nagtrabaho bilang waiter sa Rose Garden, isang low class prostitution den nung hayskul pa lang.  Pang-gabi ang schedule ko sa halagang trenta pesos magdamag.  Minsan, tinawag akong ‘kulangot’ ng isang lasing na humihingi ng ice bucket.  Badtrip ako kaya bago ko muna binigay ’yung ice cubes, kinaskas ko muna sa betlogs ko para subukan ko kung talagang malamig.  Anlamig nga.  Hehe.  Lesson in life:  Be nice to waiters.  Be very nice. 

4.  Kahit adik mga barkada ko nung college, never tried doobie at all.  Not even once.  Never even joined frat groups. Kahit pa ‘yung limang barkada ko e presidente ng kung anu-anong frat.  Paniwala ko kasi ang mga sumasali ng frat ay duwag.  Sabi nga ni Conrado De Quiros, “they are like mosquitoes, they are brave when they’re in droves”.   

5.  Naging presidente ng student council sa college of law.  Sa law school ko din naranasan maging Best Brief twice [hindi ‘yung sinusuot na sumusuporta sa betlogs, ‘yun ‘yung tawag sa pleadings ng korte]  dahil sa pagiging natural na sinungaling sa courtroom.  Naka-rubbing elbows ko din si Joan De Venecia, miyembro ng UP debate society na naging bar topnotcher noong 2006.    

6.  Muntik na akong maging sundalo.  CAFGU kasi si Papa tapos kalahating taon na din akong nagte-training sa kampo [Camp Upi, Gamu].  Iyak ng iyak si Mommy with matching sikip ng dibdib epek epeks kasi ayaw niya talaga pero kino-convince ako ng mga kapatid ko na tumuloy para meron naman daw silang kapatid na de kanyon.  Nag-teyk a breyk muna ako for a year para pagbigyan si Mommy.  Na-deploy naman agad sa Mindanao ang mga kasabayan ko [kasagsagan noon ng Abu Sayyaf].  Nabaril ng Abu ’yung ka-buddy ko at inuwing dedbol sa amin.  Buti na lang di pala ako nagtuloy.  Six feet below da ground na sana ako ngayon.  Di ko din sana naramdaman kung pano mainlab  at maranasan mag-blog at makipagkulitan sa internet. 

7.  Currently working as software engineer sa Makati Stock Exchange.  High tech promdi.  Natutuwa ako sa elevator kasi sanay lang ako dating sumasakay sa kalabaw.  Pag walang kasabay, tumatalon-talon ako sa elevator at biglang napapakanta ng ’takatak mo’.  Marunong akong makisama ke sunog baga boys man o senior executives.  Pag senior execs at di ako maka-ride on, dinadaan ko na lang sa usapang theory of relativity saka the medici phenomenon. 

8.  Pag may sobrang pera, nagpagti-tripan kong manlibre ng Jollibee super meal o Starbucks kape sa sinumang pulubi o mukang gutom na palaboy-laboy sa daan.  Sabay kwentuhan na din ng buhay buhay.  Mas okey na ‘yun kesa tumeybol ka ng pokpok sa Cubao.  Mga mukha na ngang ewan, di pa marunong mag-handle ng conversation.  Anong akala nila sa ming boys, pekpek lang ang habol?  Hehe.  Biro lang.  Pekpek lang talaga habol namin.  Hala naku!  Hehe. 

Never had regrets sa katarantaduhang pinaggagawa ko sa buhay ko.  Life is short.  Enjoy the ride.  You only pass this journey once so live it.  Laugh at your mistakes but never be afraid to cry.  Now, I’m tagging the following:  bebeKo [diyosa ng kaning lamig], brokenman [by reading this, u are estopped],  sawn [8 kamanyakan, sige na wak ka na bagumbuhay], chillidobo [hot, hot, hot] , nelo [boy tulis], si Chuck ulit [hehe, okay lang un 8 crazy things naman ‘to], earthlotus [boy tulis2], maru [hmm… can’t wait to read urs] .  Okay lang kahit di kayo sumagot.  May kilala naman akong voodoo doctor.  Biro onli.  ‘Yung iba, welcome din makipagkulitan sa tag na ‘to.

*Shoutout to Al and Tim Tayag,  mga guardian angel  at devil ko sa kakulitan para sa kanilang pagbabalik sa ‘Sup Radio – ‘the only morning radio show at night’ sa Jam 88.3 which airs Monday to Thursday, 9-midnight.  Kinig kayo.

Advertisements

Mga Tugon

Information

79 responses

12 09 2007
pepe

hmp! nung tinag kita, di mo pinansin ang beauty ko!
kukulamin kita!
No.5 is so wow! san ka ng law pare!
I have never done no.8…am looking forward to do it here in india…mas nakakatakot yata ang mga pulubi dyan sa maynila.
no.7 is so hilarious…oys marunong din akong smakay ng kalabaw…syempre may payong! hahahaha…

great post as usual from my pareng tonyo!

12 09 2007
auee

You had me in stitches. Hayy buti na lang may kwentongbarbero at kwentongtambay para lagi akong nangingiti hehe LIBRE mo naman
😛

Ito ang pinaka-entertaining na sagot sa tag na ito. I still have to do mine pala… Gayahin ko revelations mo ha. I’ll dig out my past “credentials”, too.

Question lang… naglagay ka ng ice sa “bollocks” mo?? Di ba masakit? UYYY leading questions.

12 09 2007
antuken

hmnn… rj fm pinapakinggan ko habang nakahiga na at patulog na eh… sige, mag-jam 88.3 nga ako to listen to tim’s kakulitan ulet…

i have a cousin who works at MSE also, baka nakakabanggaan mo sya (ay correction, asawa pala ng cousin, hehe)

yung lesson in life mo (#3)— i live by that rule also! sobra… hehehe, kaya ang tinatarayan ko mga masusungit na saleslady lang o di kaya crew ng mga fastfood… di naman na nila mamu-murder ang pagkain ko, andun na sa counter agad eh… hehehe…

comment lang na walang kwenta, ang frat — group na yun di ba, hindi ba redundant kapag frat groups? (hehe, nangungulit lang)

13 09 2007
sawn

oi! pre, na tag din kita sa “hate most” ba yun? para may mabasa naman akong mga ayaw mo. di ko na alam saan galing yun, at pano nag simula. pero oks lang, medyo nauso na ata ang piramiding sa bloging… hehehe. ilan na ba downlines mo? pre? swerte naman ng mga uplines mo.

13 09 2007
kotsengkuba, ang kubang alipin ng proxies

anak ng syetters 😛 ito na ata ang craziest crazy meme na nabasa ko sa isa’t-kalahating bwan ng bloglife ko. kakaiba sa lahat ng kakaiba.

meron bang online radio ang Jam88.3? para naman marinig ko ang boses behind those two guardians sa banner mo.

13 09 2007
gasti

haha! kakatapos ko lang masagutan yung isang tag eh tag na naman..pero syempre sasagutan ko rin yan…next week ko na lang ipo-post 😀

ang lulupit ng mga revelations mo pre! hanga ako sa iyong sipag at tyaga…

ipapadala ko sa magpakailanman ang post na to para madaming ma-inspire…hahaha!

13 09 2007
camilleeeee

hahah!! laglag panga ko sa ‘yo kuya 😀 😀

13 09 2007
badoodles

@pepe naalala pa ung utang ko. wehehe. cyempre gagawin ko un kaw ata kauna-unahang nag-tag sakin [nung panahong pag sinasabing meme, ang pagkakaintindi ko lang ay suso ng Mommy ko].

13 09 2007
badoodles

@auee uu. lalong kumulubot ung betlogs ko nung nilagyan ko ng ice cubes. parang pinulikat sa lamig. uy, dinadaan ako sa cross examination ah. hehe.

13 09 2007
badoodles

@antuken ako din. baka kasi pagdiskitahan ung pagkain ko. nahilig din ako sa rj pag gabi, ung pampatulog music nila na may boses ng dj na malaki – parang pag di ka natulog e tatakutin ka ng mumo.

13 09 2007
badoodles

@pareng sawn lagot, sige magpaparami ako ng pinagkakautangang meme. hehe. ano ung uplines saka downlines pre?

13 09 2007
badoodles

@kotseng kuba salamat pre. parang gusto ko nang mag-senti. kahit harangan ka ng sangkatutak na filter, binibisita mo pa din site na to.

ung dalawang kumag na un e inglisero. di bale nosebleed naman sila sa tagalog ko. kwits lang. hehe.

13 09 2007
badoodles

@gasti ganun lang talaga sa buhay. basta di ikaw ung unang nag-aapak, okey lang. hehe. babantayan ko nga kung sasagot ka ng kulit tag na to.

13 09 2007
badoodles

@camilleeeee buntis ka daw? y? baket? hehe. biro onli.

salamatsky sa pagtambay.

13 09 2007
chillidobo

wa ako ma-say. bakit mo naman ni-reveal lahat parekoy haha. 😀

13 09 2007
MARU

patay tayo neto! gusto ko na sana ibaon sa limot ang mga katarantaduhan ko noon dahil hindi na sya nababagay sa anumang image ko ngayon. mapipilitan akong halungkatin ang mga kahindik-hindik kong mga wento. bigyan mo muna ako ng sapat na panahon, parekoy. mga isang taon siguro eh pwede na at masasagot ko rin ang TAG mo. wahihi!

13 09 2007
camilleeee

waaahhhhh kuya, uu buntis ako, pero ‘gang ngyon hina-hunting ko pa kung sino tlga ama nito! (tawang praning) 😀 heheee

ay kuya, link kita ha.

13 09 2007
bebenibadoodles

At paano pa naman ako makakapag deny bebeko, i announce daw ba sa madlang tao ang iyong proposal… eh di sige umamin ang reyna ng kaning lamig! Hahaha…

Natatawa pa rin ako pag naaalala ko yun. Kasi ba naman lahat na ng tao sa station alam na nanliligaw ka… ako na lang ang hindi!

13 09 2007
badoodles

@chillidobo kaya nga delikado pag na-tag ako. lumalabas lahat ng kalansay sa baul. pre ung sau, intayin ko un.

13 09 2007
badoodles

@maru hina ko naman sau mare. pakaaabang-abangan ko pa naman. tsk! tsk! hehe. sige teyk ur taym kung di ka nakokonsensiya. hehe.

13 09 2007
badoodles

@camilleeee ayan, momorize ko na pangalan mo, double l, quadruple e. hehe. na-link na din kta. thanks. 😉

13 09 2007
badoodles

@bebeKo ganun talaga, para pag sakaling binasted mo, di rin halata. wehhehe. sigurado ka bang na-flush mo ung ahas kagabi? baka pag mag poo poo ako, biglang tuklawin betlogs ko. haha!

13 09 2007
antuken

tried listening last night sa jam… sa 30 mins na nakinig ako (10-1030pm), ni hindi ko narinig ang mga boses nina tim… sus, pinatay ko na lang at natulog na ako… ay mali, nagbasa pala muna ako bago natulog…

kweschon, tonyo ba ang pangalan mo at ang tawag ng iba sa yo eh tonyo? hehe

13 09 2007
badoodles

@antuken except pala wednesday kasi hang out nights namin un kung saang lupalop kami dalhin ng aming paa. usually nagpapalitan sina al saka tim on diff days tapos may kasama silang dj na babae.

board name ko dati un sa radyo. kung anu-ano tinatawag sakin kaya ok lang.

13 09 2007
antuken

hang out nights… haay, kaka-miss ang ganyan… ang hirap kse pag dito ka sa probinsya, wala na mashado gimik… kung meron man, sa bahay na lang… sabagay, mas mura ang gimik, plus, no need to worry how i’ll get home… hehe

13 09 2007
kotsengkuba

hahaha.. ganun talaga ang mga jologs na myembro ng fans club.. kahit harangin ng mga sikyu, lulusut at lulusot parin.

13 09 2007
badoodles

@antuken kung ako lang, ayaw ko ding maglalabas. hehe. kung di lang kasi adik kakwentuhang tong mga to. wag mung sabihn tong picture nila at di ko pa bayad ng san mig light. wehehe. mas tipid nga pag uwi na lang sa bahay, sabay tulog na lang.

13 09 2007
badoodles

@kotseng kuba fans club ka diyan. wehehe. at nakalusot ka ulit. in da speed of light.

14 09 2007
joice

cute naman nito.

hmmm, sana eh mag-dj din si papa tapos magpropose din sya sa akin on air. tapos eh sasabihin nya sa nanay ko: “kahit bente pa lang tong anak nyo, at bente nuebe na ako, eh anak nyo pa rin to.”

huh? anu daw?!

p.s. feeling ko mahal na kita! bwahahaha!

14 09 2007
chuvaness

huwaw!

DJ-Corps-Waiter-SC Pres-CAFGU-Engineer-Good Samaritan

San ka pa!? Wala kang kupas!!

14 09 2007
drew

Itatanim ko sa kukote ko na kung sakaling mag-inuman tayo, hinding-hindi ako hihingi ng ice sayo… Pipilitin kong tunggain yung gin ng walang yelo. 😀

14 09 2007
earthlotus

napapamura ako habang binabasa ko entry mo. haha. ^_^

kumag ka, buti na lang di ako naging customer mo nun sa bar na pinagta-trabahuhan mo. haha. ^_^ kundi lasang betlog yung yelong sineserve mo. haha. ^_^

at talagang tumatalon talon ka eh noh habang asa elevator? wahaha. ^_^ ayos ayos, itakitakitakitakitakitakitakitak tak tak mo! wahaha. *iniimagine kung anu imahe mo habang ginagawa yun! wahaha.

tama tama tama, pekpek lang talaga ang habol ng mga pumipick up ng mga pokpok sa cubao. wahaha. ^_^ hmm..

14 09 2007
badoodles

@joice nakow walang pera ang mga radio dj. pang bachelor lifestyle lang talaga yown. ur young so stay sweet n byutipul por der’s wonderful things in store for u ebriday. 😉

14 09 2007
badoodles

@chuvaness manyak na makulit na pakyut na may ginintuang puso rolled into one – san ka pa? wehehe. ayos description mo sakin ah.

14 09 2007
badoodles

@pareng drew pramis di kita ija-jack ass basta kaw taya saka peram ng mga german porn collections mo. wehehehe.

14 09 2007
badoodles

@earthlotus tawagin daw ba akong kulangot e ano na lang siya – kulangot na sinlaki ng scented candle. wehehehe. pag may biglang kasabay naman ako sa elevator e biglang seseryoso naman na kunyari nagpapagpag ng slacks. plastik. 😉

14 09 2007
undextrois

pareng betlog kahanga-hanga pala ang mga karanasan mo sa buhay , bakit nde ka gumawa ng isang sariling talambuhay ? LOL 😉 naks!saludo ako syo!

anong kompyuter language ang gamit mo s PSE?

pwde ba tayo magpalitan ng blagroll links?

hasta-luego.
f!nch

14 09 2007
badoodles

@undextrois sure. depende sa business need. currently sa .net ko ginagawa sa sharepoint.

14 09 2007
brokenman

estopped na nga ako dude. sige, ire-reveal ko na ang pinakatago-tago kong kabaliwan sa buhay. napatawa na naman ako ng entry mo. he he he

14 09 2007
gerrycho

ang lupit naman ng mga experiences ni badoodles… napanisip tuloy ako kung ilan taong ka na… wehe!

14 09 2007
bebenibadoodles

Na flush ko naman yung snake bebeko kaya lang hanggang ngayon panic at praning mode pa rin ako. Ewan ko ba, sino ba naman kasi matinong tao ang hindi maga freak out pag may na meet kang ahas face to face habang naglilinis ng bahay. Malamang wala!

15 09 2007
pilosopong bugoy

pare, salamat sa comment! manunuod ako ng 1st major concer ng SUGARFREE sa 29th sa music museum. nuod din kayo. suportahan natin sila ebe at ang mga musikerong Pinoy. Ayos. salamat!

15 09 2007
pilosopong bugoy

salamat!

15 09 2007
badoodles

@brokenman sige dude nang makabasa din kami ng confessions ng isang alagad ng batas [law student ba o lawyer]. hehe.

15 09 2007
badoodles

@gerrycho bente otso na pare ko pero sa lahat ng ‘firsts’ na sinubukan ko sa buhay, i think i have already lived my lifetime.

15 09 2007
badoodles

@bebeKo sori po kagabi, sinamahan ko lang mag-‘bilyar’ sina pareng nap. yoko namang iwanan ung mga kumag na un baka mapa-trobol.

15 09 2007
badoodles

@pilosopong bugoy welcome sa aking tambayan. sakto sahod na nun. salamat sa invit. sana makapunta kami ng mga kakulitan ko.

15 09 2007
pazing

lalo akong humanga sayo koya… 🙂
buti na lang talaga at napadpad ako dito sa balay mo

16 09 2007
gerrycho

for a 28 you sure did a lot badoodles! 🙂
be visiting more often… wehe!

17 09 2007
badoodles

@pazing tnx u. kelangan ko talagang dumiskarte sa buhay kung hindi, gutom abot ko. 😉

17 09 2007
badoodles

@gerrycho wag ka magsawang dumaan at makipagkuklitan samin pre. 😉

18 09 2007
gasti

pareng badoodles..nasagutan ko na rin ito 😀 hehe!

18 09 2007
badoodles

@gasti ayos, nabasa ko na. natawa ako sa boksingan blues nyong magkapatid. haha!

18 09 2007
joice

echolalia pero natatawa pa rin ako. hahaha

19 09 2007
chillidobo

parekoy nasagutan ko na yung 8 crazy things… reunion na to ng mga kalansay !!!! hahaha

19 09 2007
earthlotus

nasagutan ko na rin ito! wahaha.. ^_^

19 09 2007
badoodles

@joice am i painting you a happy smile now? wehehe. tnkx. 😉

19 09 2007
badoodles

@chillidobo di ko alam kung ako nagmana sa inyo o kau nagmana sa kakulitan ko. ewan ko ba. natatawa na lang… 😆

19 09 2007
badoodles

@earthlotus bakit nga ba kinakain ung chicken feet ala naman akong manguyang laman.

sige bro ampunin ka namin pag nasira ung elektrik pan namin. wehehe. jok onli.

20 09 2007
BananaMatronix

di mo ko ni-tag. teka lang, uupo lang ako sa isang tabi at iiyak muna. ='(

21 09 2007
badoodles

@diane huli ka! yehey! na-tag ka na. 8 crazy things about bananamatronix. 😉

21 09 2007
earthlotus

seseryosohin ko ito.. papaampon talaga ako senyo! wahaha. ^_^

daddy badoodle? wahaha.. ^_^ natatawa ako dito na parang aanga-anga.

21 09 2007
badoodles

@earthlotus haha! ayos, sige anak mag-aral ka ng mabuti ha para may baon ka. hehe.

24 09 2007
blogOloco

totoo ba ang number 8 mo. isa ka palang dakilang Filipino sana dumami ka

24 09 2007
badoodles

@blogOloco dumarami ako pag umuulan. hehe. it’s not something i do for them. it’s more for myself. ganun siguro talaga pag galing ka din sa hirap. 😉

27 09 2007
5 “Craziest Me” In My Life « M A R U I S M

[…] pag nai-salvage ako after this entry…kasalanan ‘to ni Badoodles na nag tag sa akin. Hmp! Yan ha pare, bayad na ako sa yo. Limang kabaliwan lang ang pwede ko iladlad sa […]

29 09 2007
cga

haha! napagbigyan mo din ah, sa wakas!

1 10 2007
badoodles

@clare uu nga, paynali nakagawa din ako ng tag. antagal ko nang utang yan, nagkainteres na nga 😉

31 10 2007
blackhart

wow!!! kasarap naman mag trip… talagang manlibre ng jollibee… san ka ba nadaan? makadaan minsan? although di naman ako mukhang pulubi… mas lamang na nasobrahan… 😀

like ko ung kwento ng ROTC… pangarap ko kasing maging officer noo, unfortunately, hinadlangan ako ng aking ina.. huhuhu!!! tapos tinaggal pa ang CAT ng 4th year high, pinalitan ng walang kawenta-wentang GSP… haaay naku…

so, nag aral ka ng law, wow naman… pangarap ko ding maging lawyer, kaya lang di ako mahusay makipagdebate… haaayyy ulit… 🙂

1 11 2007
badoodles

@blackhart hi, welcome! welcome! lagalag kasi ako kaya walang definite na pinupuntahan [hehe, para namang aabangan talaga].

ok din mag-aral ng batas, pagalingan na pambobola. kelangan lang meron kang ‘moral flexibility’, tipong ke kriminal o yung complainant ung napunta sau, kelangan mo paring idepensa ang kaso. 😉 welcome ulit.

29 02 2008
tagadagat

badoodles smol world pala tayo! napadapo din ako nun sa camp upi, di kaya ikaw yung hinarass harass ko nun? wahehe! buti naman di ka natuloy sa law tingin ko di ka sinungaling (uhmm, konti,,?). Mas maganda yang gingineer mo sabi nga ang ginginir erek lang ng erek! Wahaha!

badoodles: @tagadagat anong ginawa mo dun sa kampo? may katagpo kang boypren ano? hehe. oo kaming mga gingineer hindi lang erek ng erek. tigas na tigas din. tigas saing, tiga luto. tigalinis. 😉

4 03 2008
tagadagat

aba badoodles di ko alam kamag-anak mo pala si madam auring? bat alam mo kina tagpo ko boypren ko dun??? me bolang kristal ka ba? wahehe

badoodles: @tagadagat syempre alam ko lahat ng mga yan. ako yung naninilip pag naglalambingan kaung dalawa ng boypren mo. dun sa kubo, remember? hehe. hinde. hula ko lang. may pagka-psychic kasi ako, gusto mo hulaan ko kulay ng mata mo. black no? na may pagkabrownish… tapos may puti puti sa paligid. hehe.

10 03 2008
tagadagat

nalito ko badoodles dami kubo sa cp Upi, alin ba dun sinilipan mo? hehehe… niwala nako kaw talaga modern version ni nostredamus na predik mo brown mata ko at me puti pa sa gilid-gilid? gleng gleng talaga!!

badoodles: @tagadagat alam ko ding meron kang isang nanay at isang tatay. biro mo yun, ang galing ko talaga. oo gamit ko lang ang takip ng kaserola namin at nakikita ko na ang future.

15 03 2008
tagadagat

hahaha! kaya pala lagi hilaw luto bebemo ninanakaw mo takip kaserola nyo eh, wehehe!jowke!

29 03 2008
» Blog Archive » 5 “Craziest Me” In My Life

[…] pag nai-salvage ako after this entry…kasalanan ‘to ni Badoodles na nag tag sa akin. Hmp! Yan ha pare, bayad na ako sa yo. Limang kabaliwan lang ang pwede ko iladlad sa […]

badoodles: @hoy maru antagal na nitong larong tag-tagan natin ah. nakailang ikot ba tong pingback sa mundo at ngayon lang dumating? ganyan ka kalakas sakin ha, pati pingback mo kinakausap ko..

4 01 2009
ako

napadaan lang po!

31 10 2009
nairda

astig naman………….no what?? para kang si bob ong… natawa ako ha..astig!!

31 10 2009
nairda

sana dami ka pang kwntong barbero para madaig mo si bob ong!!!

21 06 2011
joshy

sir badudels… talaga? naging dj ka sa campus radio? yung dating baranggay LS ngayon> astiiiiigggg…. 😛

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: