Happy Bertdey Mommy Wildflower

19 09 2007

Mommy, 

Espesyal sa kin ang araw na ’to kasi last payment ng motor kong si Hulog, pag-uusapan ng mga bosing ’yung tungkol sa promotion ko, saka siyempre hapi bertdey sa babaeng unang nagmahal sa ’kin, nag-alaga at naghugas ng aking pwet.  Bale dalawa na nga kayo ni BebeKo ang pedeng gumawa ng testi na pogi nga ako.  Hehe.  Biruin mo nga naman, after more than 25 years nagbunga din ’yung paghihirap mo sa kin.  Heto at marunong na akong magbayad ng buwis sa bansa.   Alala mo pa ba ’yung paghihila-hila mo sa talukap ng mata ko hangga’t hindi ko naaayos ’yung pagsulat ko ng letter A na sabi mo ay parang binagyong bubong?  I know you messed up a little as a struggling mother then.  Pinapakain mo nga daw ako ng lugaw na may pira-pirasong pahina ng diyaryo kasi sabi ng mga amigas mo pampatalino raw.  Ayan tuloy, nahilig ako sa pagbabasa ng Tiktik, Remate, Bulgar, Toro atbp.  At may side epeks pang kasama.  Paminsan-minsan, bigla na lang akong napapaatungal ng kanta out of the blue.  Di na ba pwedeng i-reverse yon?  Di ko din makakalimutan ’yung pagpapadipa mo sa kin sa munggong may asin with hardbound books in the open arms.  Akala mo titino ako ’no?  Wehehe.  Anong panama ng pagtuturo ng nanay ni Rizal sa ’yo.  Wala.  Pero in perness dahil dun, na-appreciate ko ang virtue of patience.  Study first before anything.  At di na ako magpapahuling nagjajakol.   

Our life is a soap operatic roller coaster ride.  Sinasabi mong nagi-guilty ka no’ng panahong pinaampon mo ako nung elementary pa lang ako.  Okay lang ’yun Ma, sobrang enjoy nga akong ubusin ’yung pagkain ng pamilyang tinirhan ko.  Nung nagka-sore eyes pa ako e buong kaangkanan nung umampon sa akin ang nahawa.  E di magkakamukha na kami.  Pamilya Pulamata.  Hehe.  Ang importante binawi niyo pa rin ako in the end. 

You are a wildflower.  ”She faced the hardest times you can imagine”, sabi nga ng kanta ni Martin.  You were a free and gentle flower in the wilds.  I understand you Ma.  Gusto kong isipin na maganda ang Mommy ko kaya madaming betlogs ang nahumaling.  Si Jackie Onassis nga [na idol mo obviously] nag-asawa ulit ng mamatay si JFK pero minahal pa rin ng tao.  Disi-siyete kaming lahat na magkakapatid, sangkaterbang pakakainin pero napalaki mong educated at mabubuti [ako lang yata ang sira ulo].  Hehe.  Ang importante masaya tayo.  Sinong pamilya ang kayang bumuo ng iba’t-ibang kulay ng Olympics logo?  Tayo lang.   Dami mo na ngang hirap sa ’min.   

Di ko alam kung talagang malambing at emosyonal ang mga Bikolana o talagang ultimate iyakin ka lang.  At dahil iyakin ka, heto pinadalhan kita ng sandamakmak na pera pambili mo ng maraming tissue paper.  Kahit ngumawa ka ng ’sky is da limit’ okay lang Ma, we have the money to buy lots and lots of tissue papers.  Hehe.  Biro lang po.  Labs you forever Mommy ko, your son Superman.

Advertisements

Mga Tugon

Information

66 responses

19 09 2007
MARU

waaah! theme song ko rin yan, parekoy! kasi wild din flower ko. nyahaha! hapi bertdey mommy! 😀

19 09 2007
badoodles

@maru cheers sa mga wildflowrs… Let her cry, For she’s a lady
Let her dream, For she’s a child, Let the rain fall down upon her
She’s a free and gentle flower, Growing wild

ayan, napaatungal pa ako. wala kang kupas mare, nauna ka na naman sa post ko.

19 09 2007
antuken

forever 1st placer si maru…

lumalabas ang pagka-sweet mo pag pamilya ang pinaguusapan… nai-inspire din ako sumulat ng ganito… next week ang berdey ng mudra ko eh…di naman sya marunong mag-internet… wehehe…

i was a sweet and thotfool child once, paiwan-iwan pa ng mga card sa bedside table ng parents saying sweet nahthings… kaso mo growing up with 3 older brothers na non-stop kantiyaw pag nalaman ang mga sinusulat ko, parang namatay ang sweetness at thoughtfulness ko… hehehe

19 09 2007
badoodles

@antuken bumabawi lang sa mga kakulitan hehe. sweetness ko is in da blood. hehe, tunog diabetic e. advans hapi bertdey sa mommy mo! neber too late to show them they are loved.

19 09 2007
gbert

buti naman nanay mo nagsasabing pogi ka, yung nanay ko kahit anong pakiusap ko at bayad sabihin lang na pogi ako di matitinag.. haha pero mahal din naman ako nun, 28 na ko pinagpaplantsa pa ko at pinaglalaba, kaya nung birthday nya binilhan ko ng washing machine na installment na hanggang ngaun binabayaran k0 pa.. haha yung sayo, sulat mo palang na to oks na oks na.. puwede ka na nyang mabatukan sa kakulitan sabay hug ng pasasalamat.. happy birthday kay mommy wildflower.. 🙂

19 09 2007
badoodles

@engr haha! bayaran mo daw muna ung washing para ultimate pogi ka na. binilhan ko nga din si mami ko ng washing last year 6 months payable. aun mas mahal na nya ung washing machine ngaun kesa sakin. 😆

19 09 2007
auee

I was going to say “I wish my boy would grow up just like you”… Then I remembered I should be careful what I wish for!
🙂

Funniest & most touching tribute to your number 1 wildflower. Happy birthday to her.

19 09 2007
badoodles

@auee hahaha! careful indeed. sakit nga talaga ako ng ulo nung bata pa. pero mas masaya pag may makulit ka na. tapos kasing bait ko pa. wahahaha!

19 09 2007
tim ang

nabasa na ba to ng mommy wildflower mo? pag nabasa na niya, kiss mo siya sabay hug.

19 09 2007
joice

birthday din ng nanay ko nung 14. at namiss ko na sya ng sobra. 4 years na kame di nagkikita… di nya ko nakita mag-attend ng js prom, maggraduate sa highschool at magsabit ng aking mga medals [bwahaha] mag-enroll sa college, mabuhay sa dorm, mag-debut, atbp. sana naman pag graduate ko sa 2009 eh kasama ko na sya. 🙂 kung minsan sasabihin ko sa kanya, “ayoko na po mag-aral, nay”, tatawa lang sya. akala nya ata nagjojoke lang ako.

kung totoo man ang nakasulat sa entry na ito, hmmm. goodluck naman sa nanay mo. ang galeng nya! haberdey sa kanya! 🙂

at belated haberdey sa aking mahal ng mama! [pang mexican series accent]

nga pala, kamukha ng nanay ko si sharon cuneta, pramis! 🙂

19 09 2007
joice

yung tatay ko, palaging sinasabi sa aming 3 magkakapatid na babae, “ang papangit nyo. wala kayong sinabi sa nanay nyo.”

sweet ng tatay ko no.

20 09 2007
camilleeee

ayyyyy…ang sweet nman…. hapi birtdey sa mami mo kuya….
(waaaa may naalala tuloy ako), penge tisyu kuya ha. 😀

20 09 2007
Chi

happy birthday sa mommy mo, she is superwoman to have produced a “superman” son like you 🙂

20 09 2007
Maldito

Happy bday sa nany mo!!he he he…ang sweet naman.na miss ko tuloy si mother earth..kahit na nilalampaso niya ako sa sahig pag lasing umuwi ng college ok lang..vicky bello is still around…hehhehehe…hapebeday agen sa kay mama wildflower…hehhee

20 09 2007
Paris

nice read. Happy birthday to your mom. Ang ganda ng tribute mo 😀

20 09 2007
badoodles

@tim ang oo. pinadala ko sa card ung edited version. hehe. hindi kasi kasya.

20 09 2007
badoodles

@joice belated haberdey sa inyong mama’. ung nanay ko naman kamukha ni angelina jolie na may hang over. hehehe. joke. nung kabataan nya kamukha nya si jackie onassis.

20 09 2007
badoodles

@camilleeee lam ko naalala mo si mama mo. cheers sa mga ina!

20 09 2007
badoodles

@chi salamat. gusto ko nanag maniwala na good son nga ako. but m striving to be a better man for my mommy, siblings and bebeKo.

20 09 2007
badoodles

@maldito salamat naman. welcome sa pagtambay dito. 😉

20 09 2007
rowjie

wow! ito nanaman ang iyong letter writing! i really enjoy this! and this time for your mom naman! really inspiring! happy bday to her! 🙂

20 09 2007
badoodles

@paris once in a while masarap din makipagkulitan sa mga nanay. kung hindi dun sa isang gabing nakalimut sila… hehhe, wala tau ngayon. [nanay: umaygad, ilang beses ko nang sinabing ayaw ko na, heto bontes na naman.] 😆

20 09 2007
gasti

hehe! uu nga masaya talaga magbasa ng mga letter na gaya nito. haberday sa iyong butihing wildflower…alam ko naman na proud na proud siya sayo sa kung ano na ang narating mo. pang that’s my boy.

20 09 2007
antuken

happy birthday nga pala sa mommy mo…

naalala ko lang, sinabi kse ni joice na kamukha ng mommy nya si sharon cuneta… 1 time meron kami activity, mga mothers and daughters… to get to know each other and have fun na rin, you have to say your name and someone na kamukha mo (artista, model, someone famous, ika nga)… tapos sabihin lahat ng names at kamukha daw ng mga nauna sa yo…

ang magaling at laging bida kong nanay, kamukha daw nya si sharon cuneta (favorite nya kse yun), shempre ang nagmamagaling na anak (sa mga s-l-o-w, ako yun, hehe) sinabi ko, kung ang kamukha daw ng mommy ko ay si sharon cuneta, ibig sabihin lang nun kamukha ko si kc concepcion (hahaha, mangarap!) shempre tawanan ang lahat, pero meron isang magaling, imbes na sumama sa tawanan ang sinabi: hindi, si frankie ang kamukha mo (aww)

20 09 2007
pepe

mwah to your mom!
am sure she is so happy right now…

20 09 2007
rhiana13

Naks… senti mode…

20 09 2007
badoodles

@gasti sinabi mo pa dude. minsan nagseselos tuloy ang ibang kuya kasi nasasabi ng mami na ‘my son, my only son’… hindi naman obvious na peyborit.

20 09 2007
badoodles

@antuken kalog ung punchline. okey na sana may humirit pa kasi. hehe. ayos. ibig sabihin kung ung nanay kong mukang si angeline jolie, ako ung ampon nilang negro galing aprika, nanay ko. hehe.

20 09 2007
badoodles

@pepe salamat sa pakikitambay sa mga sayad ko. 😉

20 09 2007
badoodles

@rhiana13 hala mam, wala akong subject load ngaun. hehe. di ko makikita ang aking makukulit na estudyante na manang mana sa kanilang cute na titser na si ako.

20 09 2007
jojie

happy birthday kay mommy wildflower.. ang mudra ko para namang tiger lily 😆

21 09 2007
gerrycho

huiiiii! mas makulit nga talaga ang family nyo 🙂 nakakatuwa ang pagkasweet mo sa mother mo badoodles hehe, nababambo ka pa rin ba nya?!… Happy Birthday ulit sa Mommy mo… and Happy Mother’s Day na rin sa kanya, coz she’s one of the mother who deserves to have the occasion celebrated all year round.

21 09 2007
badoodles

@jojie tiger lily. mukang mga ligaw na halaman mga mommies natin. pano kaya pag tinatawag nila tau, ‘anak kong makahiya, talahib wer u na’, late na kau sa iskul. whehee.

21 09 2007
badoodles

@gerrycho thanks dude. hindi pa naman ako nahahampas ng bamboo, walis tingting pa lang. un e katakot takot na habulan muna. pag hingal na si mami saka pa lang ako magpapapalo. haha!

21 09 2007
kotsengkuba

happy birthday sa mommy mo… nanay ko nag-birthday nung 15 kaso hanggang ngayon hindi ko padin natatawagan. pinadalan pa naman nya ko ng sangkaterbang chichacorn, butong pakwan at ponkana juice drink nung dumating ang mag-ina ko dito.

dami talagang nakakarelate sa wild flower na’yan. may lyrics ka ba ng jasmine flower ni kenny G? hahaha =P

sabi sa mulan (rouge?) “the flower that blooms in adversity is the most rare and beautiful.” wala lang

21 09 2007
earthlotus

tsk tsk tsk.. wag ka lang talagang papahuli ng buhay sa nanay mo. wahaha. ^_^

hmm.. balang araw, makakaganti din ako sa pag-aarugang ginawa sa akin ni mama..

kakatouch! ^_^

21 09 2007
rhiana13

sayang sir… meron kayo load sir… ask nila sir yung contact number nyo… 🙂

21 09 2007
badoodles

@kotsengkuba wow, di hindi na malamig gabi mu jan pare. ako nga din hinihintay ko ung padalang native na manok sakin ng nanay saka si inday, este ung isang bayong na sitaw. hehe

21 09 2007
haze

makes me want to go home to my mommy and hug her tight. na touch ako sa sinulat mo badoodles! may mga natitira pa palang mga lalaki na ubod ang mahal sa nanay nila.

haburdey sa mommy mo!

she’s lucky to have a great son like you.

o/t: magandang gawan ng libro ang life story ng nanay mo at ang mga pinagdaanan niya. 🙂

21 09 2007
badoodles

e@ rthlotus it’s pay bak time pag nagkatarbaho ka na. dapat ung isang buwang sahod mo bigay mu lahat sa kanya.

21 09 2007
badoodles

@rhiana13 may load ako? yehey, may pambili na naman ako ng pancit canton saka pirated dvd. at may makukulit na naman akong estudyante. 😆

21 09 2007
badoodles

@yagidudz peyborit kasi kaya ganun. ung commandment ni God na honor ur mader en pader, nasa unahan ako ng pila. ano nga pala ibig sabihin ng o/t obertaym?

21 09 2007
antuken

sabi ng iba, look for a guy that loves his mother so much, kse daw ang mga ganun, masarap din magmahal… ganun ka siguro…hehehe

21 09 2007
badoodles

@antuken wahaww! totoo yan. hehe, plus 1000 pogi points yan. na-reciv mo na ba ung suhol ko sau? hehe.

22 09 2007
antuken

haha. suhol? anong suhol? ;p kung may pinadala ka, hindi ko natanggap. padala ka ulet. hehehe.

ang iba naman ang comment, nagiging mama’s boy daw pag ganun. plus he’ll never love you as much. o pili ka ng theory na gusto mo. hehe

22 09 2007
chuvaness

as always, entertaining ka talaga magsulat…nakakatuwa, nakakaiyak, nakaka touched…lahat ng emotion naramdaman ko sa entry mo na ‘to…keep it up! 😀

PS
happy bday kay mamu wildflower…mag bloom ka pa ever! 😀

22 09 2007
badoodles

@antuken i prefer d former theory pandagdag pogi points. hehe… i equally labs both my parents. ganun siguro tau pag pinoy – familycentric.

22 09 2007
badoodles

@chuva highness kala ko sasabihin mo, packingsheet ala na bang iba gusto ko naman ung nakaka-high, nakakatakot or laglag underweyr. hehe. biro lang po. tnx por ur support eber. nakakalaki ng ulo 😎

22 09 2007
earthlotus

hmm.. honga noh.. hehe. ^_^ sige sige..

kaso, pag nagttrabaho ako sa cityhall eh laging “it’s payback time” ang drama. wahehe. ^_^ lahat sa kanya eh!

hmm..

23 09 2007
badoodles

@earthlotus ganun lang sa umpisa. tapos unti unti ka na ding magtabi para sa sarili mo. hehe

25 09 2007
haze

ibig sabihin po nun eh off topic 🙂 naks! you learned something new!! wehehehe

26 09 2007
Maldito

idol..i added you sa blogroll ko…kakatuwa tumambay dito.palagyan din kita ng rebolto katabi ni gasti…he he he

26 09 2007
jp

pano magpost ng comment gamit ang wordpress account ko? o dapat ba may sarili muna akong blog bago makapagpost as a wordpress member? kasi nakikisulat lang ako sa wordpress ng kaibigan ko. check the link.

nagtuturo ka pala? saan? kelan? bakit parang ang dami mong ginagawa? software engr ka pa at the same time nagd-dj din sa jam? huwaw!

26 09 2007
badoodles

@haze salamat. dami talagang bago sa kin dito sa blogging community. hehe. 😉

26 09 2007
badoodles

@maldito. tnx marami. i added you up too as well. salamat sa pakikipagtambay. 😉

26 09 2007
badoodles

@jp depende un sa restriction na ginagawa nung site owner kung san ka nagpopost ng comment. some requires a wordprss account, some don’t [like mine].

uu software engineer ung day job, callboy kay bebeKo pag gabi. haha! joke onli. pag saturday, i teach .net sa isang int’l college, next year sa dela salle – paiba-iba depende sa invitations. and no, i don’t dj sa jam, mga barkada ko un though i was an ex-dj for starfm and campusradio then.

astig ung site na codedmushroom, sau ata un eh, pareho ng istilo sa angelfire account mo.

26 09 2007
bernardumali

Another astig artik. galing!

26 09 2007
badoodles

@bernard di mo ba halata – full blown nosebleed tagalog nako ngayon? salamat sa suhestiyion mo.

27 09 2007
jp

sa friend ko yan. contributor ako.

curious kasi ako nagpopost kayo kasama avatar niyo.

sang de la salle ka magtuturo?

big time ka pala! 😆

close pala kayo ni tim tayag?

28 09 2007
badoodles

@jp automatic na lumalabas na ung avatar. kilala mo tim? ebri week nagkikita-kita para lang magkwntuhan ng pekpek jokes. di ko alam na sikat sya kc wala naman akong cable. bago ko lang nakilala.

big taym kanto boy kamo. hehe. di ko pa alam kung sang dela salle nila ako dadalhin. confidential muna baka maudlot malaman nilang siraulo pala ako. ehehehe.

1 10 2007
jp

Hmmm… So dapat email ko na gamit ko sa wordpress ko ang ilalagay ko sa email para lumabas avatar ko? Then again, wala pa akong avatar. Bakit ko pinoproblema yan? 😀

Si Tim una kong nabasa nung nafeature siya sa FHM, tama ba? Tapos lumabas siya sa Men’s Room kasama si RJ Ledesma. Ngayon ko lang nalaman nung kinasal si RJ na Lasallian pala tong mokong to. Kaya pala berde ang utak. Hehehe…

Good luck at animo! May laro pa sa Huwebes. Ang bait kasi ng Ateneo sa amin. 😆

2 10 2007
badoodles

@jp haha! hinirit nyo na nung last few minutes ala na nagawa ateneo.

di ko pa nakabanggaan rj. maybe deyr in diff circles now. tim’s like a regular guy who’s into strip club jokes kaya pareho lang kami ng likaw ng bituka. haha!

2 10 2007
jp

layo na pala ng usapan dito. one of these days, pasama naman sa gimik ni tim. para makakuha din ako ng tips kung pano mag-stand up. naiinggit na ako kina rex navarette at ron josol. dapat ako din. hehehe…

2 10 2007
badoodles

@jp no probs. busy sila ngaun sa jacktv laffapalooza – as judges. u might catch up the grup as well.

8 10 2007
jp

laffapalooza? yan ba yung college stand up? overqualified na ako para don. overage. pero pasok pa yung college student na requirement. hehehe…

23 08 2008
anakngpiso

waw naman nakakatats…. pati mga tears ko naiiyak… hehe-glesy the great

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: