The Choices We Make

26 09 2007

In our lifetime, we jump from one work to another, approximately 5-7 times. San galing statistics ko?  Wala lang.  Napanaginipan ko lang.  Malay mo totoo.  Kung minsan hindi ka lang sigurado sa pinili mong gawin kaya ka palipat-lipat.  “Ayaw ko nang gumiling-giling, pagod na ako”, sabi ng potmaker.  Sabagay, para ka ngang nagbibilot ng malaking kulangot kung ganyan trabaho mo.  Ako nga, magkakaalmoranas na sa walong oras na pag-upo sa harap ng computer.  At pag Pinoy ka na nasa ibang bansa, kadalasang may dalawang full time job ka pa. 

Hindi ako nagtuloy maging sundalo o kaya mag-abugado.  Sa pagsusundalo,  kasama kasi sa job description ang kumitil ng buhay, mahina loob ko sa ganun.  Small time ipis killer lang talaga ako.  Iniisip ko nga kung pano ang payroll sa pagsusundalo.  Baka sabihan pa ako nung mga taga-payroll, “Tatlo pa lang nabaril mo, pano ka mapo-promote nyan?”.  O kaya, “Hala, may nabaril kang inosens, salary deduction ‘yan”, na para ka lang nakabasag ng pinggan.   Sa pag-aabugado naman, may pagkakataong dedepensahan mo ang isang kriminal [bawal kasi ang pumili ng kliyente].  “Injection your honor”,  isisigaw ko dun sa korte na rereplayan naman ako agad ng “Injection oberul”.  Packing sheet, bakit kaya injection eh di naman ako duktor. 

Software engineer ako ngayon with deep industry expertise working on Microsoft.Net platform.  Problema ko lang ang hirap i-explain sa pamilya ko kung ano ang ginagawa ko para kumita di tulad kung sundalo o abugado ka.  In plain words, kami ‘yung gumagawa ng mga ‘bleeding edge’ business technologies.  Ang mga kliyenteng nakaka-rubbing elbows ay ‘yung mga nasa Fortune 500 companies.  Pero ang suspetsa pa rin ni Mommy, macho dancer ako sa isang strip club dahil sa napaka-unholy hour kong magtrabaho. 

 ‘Pag nagre-reunion nga ang mga barkada kong sundalo o classmates sa law iskul, ako lang ‘yung odd man out.  “Di sundalo, di abugado, ano ito?”, napagti-tripan pa akong gawing bugtong pero ok lang.  May ilang colonel din sa training camp ang na-frustrate sa ‘kin noong di ako nagtuloy magsundalo, ‘yung mga naging tatay-tatayan ko kasi ako ‘yung parating number 1 sa physical and academic trainings.   Sa law school, si Dean Letty Aquino na nanay ni gifted child Fr. Aquino na isa sa top 1000 philosophers of the millennium in the world, ayaw akong payagang huminto sa law school.  Kakalawangin daw utak ko ‘pag huminto [hehe, dati na pong may kalawang].    

Last Sunday, nag-take ng bar ‘yung mga classmates ko sa law school.  Kasama sana ako kung di ako huminto last year.  Daming what if’s.  Indeed, what we do today affects who we are in the future.  Nag-attend pa din ako ng bar operations sa Dela Salle para suportahan ang mga kaibigan at kaklase.  Ang bar exam ang pinakaprestihiyosong exam sa Pinas.  Enjoy mag-attend kasi ‘yung kahabaan ng Taft sarado sa dami ng tao, media, at bandang nagpe-perform.   ‘Yun lang din ‘yung pagkakataong pwede kang magtatatakbo ng hubo’t hubad ng walang manghuhuli sa ‘yong pulis.  Ginawa ko nung college ‘yun pero hinuli ako ng sekyu.  Ang reklamo sa ‘kin, public scandal with oversized betlogs.  Hehe.  ‘Kaw, what do you do for a living? 

Advertisements

Mga Tugon

Information

88 responses

26 09 2007
Salve

ako, i do what i love to do. kailangan gusto ko talaga yung trabaho bago ko pasukan. secondary na lang ang salary, basta ba tama naman sa qualifications mo ang ibibigay sayo. kung nagkataong mataas ang offer or beyond your expectation, parang bonus na lang yun sakin.

26 09 2007
badoodles

@salve di ba u love writing, inline din ba dun ung current career mo ngaun?

26 09 2007
Salve

oo, inline na ding matatawag. taga-imbento ako ngayon ng mga “kasinungalingan” (kadalasan) para maka-convince ng mamimili. 😀

26 09 2007
badoodles

@salve m looking from ur blog kung kaw ung nagsusulat sa advertising kaso di ko na makita, maybe i read it somewhere. pero sarap siguro sa advertising, ung mga kakulitan mo nababasa ng mga tao.

26 09 2007
gbert

pareho tayong unholy hours nagtatrabaho.. minsan nakakaduling humarap sa computer pag masyadong inaantok.. at ang masaklap dun eh matutulog sa araw, mainit. pero kung ginawang pang-araw lang yung work ko, wala akong magiging reklamo, for now.. hehe mahirap magkasakit sa baga kung araw-araw puyat.

26 09 2007
badoodles

@gbert shifting ka din ba sa work? ganun talaga pag yung client mo e nasa ibang time zone in another part of da world. daanin na lang sa ‘u make me complete’ vitamins saka sangkatutak na kape in diff. flavors.

26 09 2007
auee

hay pareho tayo ng sentimyento… Nung nag-start na kong mag-work, Nanay ko laging sinasabi yung anak ng kapitbahay daw namin (sa probinsya) sa bangko nagtatrabaho. Bakit daw kaya di ko subukan dun? At the time e nasa isang maliit na software house ako. After 3 months pinadala na ko sa Australia, then sa US naman, etc etc.

Tumigil na Nanay ko nang kababanggit dun sa kapitbahay namin. Instead paminsan-minsan tinatanong nya kung ano ginagawa ko (software testing). After a while di na din nya tinatanong, sinasabi na lang nya ang work ko e sa “computer”. Short and simple para sa mga kapitbahay na usisera.

Originally gusto ko talagang maging psychiatrist, chismosa kasi ako by nature.
😛

26 09 2007
badoodles

@auee hirap talaga mag explain no hehe. sayang nga ung tatay kong sumalangit di ko alam kung proud un sa pinaggagawa ko ngaun e di pa naman nun alam kung ano ang computer. tsk. pag tinatamad akong magexplain sa tanong kung anong work ko, uu na lang ako. ‘callboy ka ba? ‘ oo na.

26 09 2007
pepe

am here in india as the department head of sales and marketing of one of the biggest MNC in thailand! tulad din kita, nagkakalyo ang pwet sitting infront of my comp from 9 to 6 pm…dito, walang overtime! magovertime ka man, wala namang bayad! sigh!

26 09 2007
badoodles

@pepe lykwise. otiway din. hev mixed thoughts on going abroad bec i will sure do miss my brothers and sisters and ebrithing that is pinas.

26 09 2007
Chi

i never liked working unless it involves changing diapers and playing with my kids. sabi nga ng husband ko, tamad daw ako… except sa pagiging nanay – kaya ginawa ko ng career ang pagiging mommy ko. although, sa dami ng gastos, wala akong choice kundi bumalik sa pagiging working mom. naiiyak nga akong isipin na in a few more weeks, tapos na ang hiatus ko sa pagiging stay-at-home mom at kelangan ko ng bumalik sa papaging high-paid utusan (in short, admin assistant ng pinakatamad na tao sa buong mundo) ng mga kano.

26 09 2007
antuken

buti ka nga, kaya ka nagn-night shift dahil sa mga kliyente mo abroad. ako no choice. manufacturing ang linya ko – factory worker, ika nga. shifting talaga. every week palit ng shift. babago-bago pa lang nasasanay ang katawan ko sa pang-gabi, tapos na pala ang week at babalik na ulet sa day shift. eto lang ang hate ko sa trabaho ko. at mga taong matitigas ang ulo. minsan nga nagsisisi ako baket ako umalis ng qa at lumipat sa production. at least ang mga chemicals at instrumento, hindi nagrereklamo. halu-haluin mo man sila, painitin, palamigin. deadma. hihintayin mo lang ang reactions na kelangan mo. sa production. puro reklamo ng tao. pagod na. baket ganito, baket ganyan. at ang pinakamasaklap, sabay-sabay umaabsent ang mga tao. pano tatakbo ang linya? buhay nga naman. haay.

26 09 2007
joice

i live a perfect life, kung may ganun man. wala lang… pag bata pa, sabi nga ni rico robles, “make a life muna bago make a living”.

teka lang di ko pa nababasa yung post mo. teka muna.

26 09 2007
Maldito

Were the same..Graveyard din.Hay mabuhay ang nescafe!!Buti nalang at indi pa block ng I.T ang wordpress, kung block to, cguradong tulog na ako pag wala si boss dragonita..Hirap to stay awake…stay alive..ah ah ah ah..stay alive…(familiar no?)he he he.

27 09 2007
randomdemeanor

wweeehheheehh…magkasunod kami ng comment ng opismeyt ko ah…Maldito..nakabawi ka na ba?! wajajaja.a.aa..anywie..panglibingan talaga ang shift namin…ganito talaga callboy at callgirls…(sa call cnter poh)…at least kau lahat cguro nakagraduate na ng college ..ako??..haay..eto..tinitiis na tawaging “BATA” ng mga ka opis meyts ko (pwera kay Maldito, kokey ang tawag nya sa akin)..kasi nga pinakabata ako sa kabatch namin dito sa …kahit di nakatapos ng college, nag volunteer ako magtrabaho para di lalong lumaki utang…being here is not my choice,, but an urgent decision na ako lng talaga ang makagagawa…pero kahit mahirap..okey lng basta makita mo pamilya na gumiginhawa kahit konti…sabi nga “lintik lng ang walang ganti”..hehehehh…pero dont worry mga kuyas and ates..babalik naman sa pag-aaral…ngayon gusto ko na ang Photography..in line kasi sa work ko..’yun lng ang magandang bagay sa work ko…tapos na po ang aking kwento…salamat sa pagbasa ….BOW.

27 09 2007
randomdemeanor

hindi ako umiinom na kape…nandidiri ako sa amoy…pramis!! kaya kahit halos maglaglag na’ko sa upuan dahil sa matinding antok, tubig nlng para panay CR ako…wag lng talga yung kape…

27 09 2007
gasti

hehe! ganyang ganyan din ako dati pag tinatanong ako ng nanay ko kung ano trabaho ko..isasagot ko na lang “sa computer” para hindi na masyadong mag explain..dati nag programmer din ako kaya lang naburaot ako sa uber demanding na kliyente..alam ko mahirap yan kasi walang pinipiling oras..minsan pag uwi mo nag iisip ka pa rin ng solusyon sa ginagawa mong program..saka hindi na mawawala ang overtime.

masakit talaga sa pwet ang ganitong trabaho…

27 09 2007
chillidobo

gusto kong bumili ng mold o panghulma ng six packed abs para isusuot ko twing magwowork ako, pambihira, kain-upo lang kasi dito. at least, kung lumaki yung tyan ko (ang saklap, di man lang dahil sa serbesa) eh nakahulma sya into six packed abs steeg!

pag tinatanong ako kung anong work ko, ang sagot ko “sa isang software development group”…..kasi kung si gasti lang at yung boss namin ang nandun eh software development duo lang yun, so nung nandun na ako eh group na kami hehehe buti na lang natutunan ko magblog

27 09 2007
camille

buti kayo may work. ako ala. though, dati meron ako 😉
(taga solb ng rubik’s cube) hehe .
pero ok ang may work, ako nga nkakafeel ng ‘sense of responsibility’ nung meron pko work eh.

opo tama kayo, irresponsable nko ngyon. hehe

27 09 2007
badoodles

@chi haha! ako din, plano ko nga pag may anak na din, ako ung magiging house husband. ang hirap magtrabaho sa opis. pag ung beybi lang aalagaan sa bahay, ikakandado ko lang sa ref na puno ng pagkain, okey na. tapos.

27 09 2007
badoodles

@antuken siguradong expert ka na nyan sa pag-eevaluate ng mga ‘rasones de mani’ ng mga tao mo. ‘mam trapik’, ‘mam nagkasakit’, ‘mam namtay ung lola ko’, hehe. pang isang daang lola mo na yan ah. 😉

27 09 2007
badoodles

@joice enjoy mo muna while u hev the luxury of ur youth. tama nga ung ganyang klaseng outlook – always looking in d bryter side para pag napasabak ka na sa rat race ng corporate ladder, yakang yaka mo na lang. 😎

27 09 2007
badoodles

@maldito kaya nga preferred ko din wordpress kasi clueless pa lang ang it department namin. pero kahit filtered, gagawa at gagawa pa din ng paraan. anong ginagawa ng hidemyass.com saka cantbustme.com pam-proxy. hehe.

27 09 2007
badoodles

@random opismeyt pala kau. di kaya may hidden desire kau sa isa’t isa. nakupow, ginawan na ng lab team. hehe. biro lang. ok nga yang ganyan, nagpupursige. ako nga nun gusto ko nang maging call center boy kaso di pa uso nun yan kaya taga-sigaw lang ako sa terminal ng bus at fx. hehe.

27 09 2007
badoodles

@gasti tama ka diyan, ung tipong nanonood ka na ng tv, may lumilipad pa ding tanong sa isip mo. pag nasagot mo na saka ka biglang sisigaw ng ‘yessss!’ in da middle of da nyt. buti na lang di pa kami binabato sa bubong ng mga kapitbahay.

27 09 2007
badoodles

@chilli magbasa ka lang ng patawa blog, magkaka-abs ka na. kaya tignan mo ako… hehe, wala pa din…

pang tatluhan lang pala team nyo. hehe, okay ‘yan. sa min sa sobrang dami, di ko matandaan ung pangalan ng iba [300++]. kung minsan, sinasabi ko pakibigay mo nga to kay negrong malaking mata. ayun, naiintindihan naman. hehe.

27 09 2007
badoodles

@camilleeee enjoy wat ur doing at d moment. di na mauulit yan. hehe. minsan lang mangyari yang mapahinga ka out of the humdrums of work.

27 09 2007
camilleeee

yea rayt kuya, i’ll be leaving for *toottt* soon din nmn
& by dat taym, hataw ulet 😉

27 09 2007
earthlotus

huwaw.. haha.. @_@ oversized betlogs? nyahaha. ^_^ adik adik adik!

pangarap kong magtrabaho sa microsoft! haha. @_@ awhii.. hmm..

harhar, pano kaya pagdepensa mo sa kliyente mo nun? nakakapraning! haha. @_@

27 09 2007
...sommer...

…sayang hindi mo natapos/tinapos ang law…jowa ko din umiyak nung nakita namin sa balita about bar exam…hindi kasi sya nakapagbar this year.:(
..ako nga nagpakahirap ng limang taon para maging therapist, ang kinabagsakan e secretary at telephone operator sa brokerage company. goodluck naman, imbes na hospital setting e nasa office ang beauty ko.;p
…nagaral ka ba SLU?

27 09 2007
islander

andun ka pala last sunday. an saya no? pero mas masaya pag ikaw na nag-bar. sabagay, di naman habulan ang pagba-bar. pasasaan ba’t dun din ang tungo mo.

nice blog you have! at nakita yata kita nung mag review kami sa UP. 🙂

27 09 2007
badoodles

@camilleeee wat u mean? hibernate ka muna updating ur blog?

27 09 2007
badoodles

@earthlotus microsoft is good if u enjoy technology challenges. engross aku ngaun on working with gps-enabled mobile technology sa pocketpc’s and smartphones.

haha. sa swabe kong pagsisinungaling, i can’t go wrong defending my client. hehe. dey won’t give me d ‘best brief’ twice kung di ko sila nalulusutan hehe.

27 09 2007
badoodles

@sommer slu ako – sa cagayan valley. cicm din un.

thriving ang mga therapist ngaun ah, kaso sa ibang bansa ata. nagpakunsulta nga ako before sa isang specialist tungkol sa pacute kong tendonitis, konting pisil lang, libo na.

27 09 2007
badoodles

@islander andun ka din? e di nakita mo akong nagtatakbo labas pwet? hehe. nung bandang 430 pm na may gulo dun, sa min un.

mukang malabo na. andaming priorities na nagbago. top on the list ang maging mabait, masteral sa ateneo, tapusin ung schooling sa masachussets it grad school. packing sheet, mawawalan nako ng social layp.

27 09 2007
antuken

haha, not just social life ang mawawala sa yo. pati pera. gastos ng mga gusto mo. hehe. pero nungka, kung magawa mo, saludo ko. hehe

28 09 2007
randomdemeanor

wahahhhaha…labteam??? wajahahahahah..adik!!!…

28 09 2007
Maldito

Gumamit na ako ng proxy..nahuli pa rin ni boss..Kaya sang damakmak ang memo at disc. action ko..he he he.pang hall of fame.Pero indi pa ako na end of contract..ako yata ang sought after agent of all times.hahaha….adik.

labteam..dati pa yun.ngaun indi na.Im way too cool for her…suicidal..suicidal..but i know its over…o beautiful gurls…he he he. Cute yan si yani..

Indi na nagtatanong nany ko kung ano work ko…nagatataka nga ako if concern ba siya saken nasa malayo ako or indi?he he he..

28 09 2007
randomdemeanor

@Maldito :

HAhahaha..maldito ka talaga!! Oh cge na..cute na ako kung cute…(yabang mode)…kaya isa ka mga toys ko..wahahahha..sagutin mo na ‘yung
“Tanong..Tanong ..36 Q’s”…

@Badoodles:

Kaw rin…sana sagutin mo din “Tanong..Tanong ..36 Q’s”… “calling the attention of” kayu dun sa post kong ‘yun…kaya sana pagbigyan mo..heheheh..fles..

28 09 2007
jeckass

hi badoodles. pa-link ha. daan ka rin minsan sa blog ko.
OT:
ang trabaho ko dati eh indexer (document analyst), pag nagtatanong ang nanay at mga kaibigan ko, ang sagot ko lang eh “gumagawa ng index card!” tapos ang usapan.

28 09 2007
gladita

ang boboring ng mga trabaho nyo! hehehe…ako lng naman ay isang hamak na empleyado ng gobyerno. wala namang makulimbat kasi wala namang mananakaw na pera sa opisina. internet lang at oras ninanakaw ko. nahihiya lang sigurong magtanong ang nanay ko kung bakit napunta ako sa ganitong trabaho e chem eng naman ako. panay mga nurse at seaman yung mga friendship ko at ako lng yata ang natirang mahirap. hehehe…paki ko, e masaya naman ako. ika nga eh, i’m making a life not just a living. charing! 😀

28 09 2007
badoodles

@antuken ung sa masachussets e sponsored naman daw ng kumpanya, kaya sige agad dagdag lang siguro sa bond. hehe. mukang magastos nga grad skul, hopfuli next year kaya na… ang pagiging mabait ang magastos, tyak na katakot takot na therapy sessions kelangan ko dun. :mrgreen:

28 09 2007
badoodles

@random maysa kupido pa naman ako kung minsan pag nag-love match. hehe

28 09 2007
badoodles

@maldito looks like ur living up to ur name. kaw siguro ung mag-mu-mute ng phone sa kliyente saka sisigaw ng ‘u packingsheet sanamabeets’. hahe.

28 09 2007
badoodles

@camilleeee tanong na 36, dami naman yan. baka forbidden questions yan ma-hotseat ako. hehe. sige check ko.

28 09 2007
badoodles

@jeckass buti di ka kinukulit kung pano nyo ginuguhitan ung linya sa index card. ‘ahh, gumagamit kami ng protractor saka blue bolpen’. hehe. ayos. i added u up too. heckshuli nadaan nako, bagong blog mo. welcome to the blogging community.

28 09 2007
badoodles

@gladita nun asa denr pako, panay uwi ko ng cocomban tapos ginagawa kong eroplanong papel. hehe. jok lang, ung mga may sulat na sa kabilang side lang ung inuumit ko para gawing scratch paper. ewan bakit din ako napasok dun di naman ako forester pinagbibilang pa ako ng mga puno sa gubat. buti na lang kalbo na gubat kaya madali na lang bilangin. heehe.

28 09 2007
camilleeee

kuyaaa, si random.. si random ang salarin!

pis pis tayo random 😉

28 09 2007
imustnotfail

Gusto ko nga pong maging tulad niyo eh, software engineer.

29 09 2007
randomdemeanor

wahahahaha…camilleee…..aamin ako..waheheheh…marami kaming ganyan dito….yung iba..di na nga minu-mute eh…diretso nalng sabi sa customer..”nakakaines ka nang punyeta ka ha…bobo ka talaga”

customer: what?
randomdemeanor: that means we apologize for the inconvenience this has caused you
customer: ok
randomdemeanor: okeyhin mo mukha mo jan!!!..
customer: huh?
randomdemeanor: yeah..john..that’s your first name right?…and your last name is…

heheheheheheheeehehh

29 09 2007
randomdemeanor

@badoodles:

ahahahah. ….bukod sa pagiging software eng…..pagiging kupido pala side line mo ah…hahahhahaha..

29 09 2007
Maldito

Natawa ako sa line mong “u packingsheet sanamabeets”…Gagamitin ko kaya to sa boss ko?ang tindi kasi ng tunog eh!!!nakapraktis na ako kanina kaya yakang yaka na..featured ka dun sa bagong post ka..hahahaa..

29 09 2007
randomdemeanor

awat na…kigolets ka maldito!!! nagiging chat room na itong blog ni Badoodles…maawa tau sa ating IDOL!!!

Ms. Weng oh…c Maldito cgeg Blog..parang hangal..

ENAP is ENAP!!!!!!!!!

1 10 2007
drew

di rin madali magtrabaho sa labas ng pinas, demanding ang ibang lahi, saka may ugali pa tong mga borabs na sumigaw pagkausap mo kahit normal ang usapan,kaya minsan uunahan mo nang sigawan sila bago ka nila unahan,palakasan lang ng loob. Sa telecom ako dito kaya araw araw gitgitan para makagawa ng engineering plans, walang pinagiba sa trabaho ko dyan sa pinas na tinakasan ko dahil lahat ng kasama ko nagabroad nang lahat!

PS.
Maraming salamat sa blurb mo sa site ko, astig ng pink rabbit! One of these days babawi din ako!

1 10 2007
badoodles

@drew bro baka may ugaling talsik laway yang mga borabs jan padalhan kta ng industrial strength glass mask two gives lang. ingatan mo pwet mo jan balita namin mahilig mandale ang mga arabo ng pinoy. hehe. biro lang.

1 10 2007
jp

At sa dee arneyow ka pala nagaaral? Double agent ka pala. 😆

Bakit naman don? Mas matinong computer school pa AMA kesa sa kanila. Makakarinig ako ng angal mula sa komentong kong ito. 😆

Ako nga ang simple-simple ng trabaho ko, pinapakumplika ko pa job title ko. Content provider. San ka pa, writer lang yan na pinaganda. Ang rason ko naman, online naman trabaho ko, kelangan dapat techie din job title ko. Hehehe…

2 10 2007
badoodles

@jp haha. di pa sigurado kung sa ateneo o dela salle – still weighing ung mas convenient sa sched.

heckshuli iv taught olredi ama saka sti tig-one year. nagka-campus tour na nga ako. hehe. outreach ko na lang siguro un considering hindi fair ang playing field for them, ako na lang secret weapon nila. next year naman il test the waters for la salle.

2 10 2007
jp

ah… ganon ba? good luck na lang. 😀

2 10 2007
badoodles

@jp tnx bro. tambay ka lagi

8 10 2007
kai

hi..nice blog..

10 10 2007
ca

did you go to CSU before?

I know Fr. Aquino. I am a CSUan. 🙂

11 10 2007
badoodles

@ca yezzzz. may kilala akong ca, ung maputi na prens ni jv zingapan. kaw ba un?

11 10 2007
badoodles

@kai nice blog to u too. makulit din. 😉

11 10 2007
ca

yeah i know jv z. LM ka ba?

13 10 2007
badoodles

@ca nope. st. louis ako. nag-LLB ako sa csu.

15 10 2007
ca

Hmm…I think I know you. Isa ka ba sa “three musketeers”? Ung isa e taga SPU at ung isa e CSU. Ikaw ba ung nagbigay ng, watchamacalit parang magazine ng school niyo na may autograph?

15 10 2007
badoodles

@ca yezzz. see, i remember u. pornograpik memory talaga ako. hehehe. isa ako dun sa notorious na tatlong itlog. haha! crossroads. dito pa tau nagkabanggaan. musta na layp?

15 10 2007
ca

small world huh! 🙂

okay naman. life is good! although nakakabuwang din kung minsan. i like your blog huh. nakakatuwa. i hope you still remember how i admired you as a writer. pero actually ang laki ng pinagbago ng style mo. but i like it better now…mas spontaneous pero may sense pa rin at amusing. lumabas pa ung pagiging bastos mo na hindi ko nakita nun. hahaha…

16 10 2007
badoodles

@ca hahaha! epekto ng polusyon ng maynila. ebribadi has a dark syd. eto na siguro ung akin. ewan, nagka-diarrhea lang ako one time then pag gising ko nawalan nako ng political opinion sa katawan. pipol change. just keep d old memories na lang. i lyk myself den, burning wid passion and idealism. but i lyk myself more now. i value relationships wid pipol rather than what’s d news and opinion of d day. stay cool. see u soon.

19 10 2007
Chronicles of Kotsengkuba » What do I do for a living?

[…] This is my nose-bleeder response to a post by Badoodles in kwentongbarbero.com Kotsengkuba | Rhetorical Questions, Work | Trackback | RSS Feed […]

1 11 2007
istarfish

tumatakbo ka ng hubad pag may bar-ops? as in oblation? joke ba ito or kapatid kita? hmm..

13 11 2007
Lenggai

Naknang… Ngayon lang ako nakakita ng ganito karaming comment sa post!!! Shet. Dumugo na mata ko sa kababasa, dinrag ko na lang sa dulo para makapag-comment ako. Hehe.

Ako… Obviously… Isang TV mogul… Sikat na artista… Tinitilian. =)

Dami ko na ring naging trabaho noon. Pero sa TV lang ako tumagal. May hidden extrovertism (is there such a word?!) ata ako.

22 11 2007
maktub

astig.. writer ka pala talaga… =) Im an ACAD Designer… in short… tracer LOL nyeta.. yung ginagawa ko e isang cors lang sa college dati… wapak!

30 11 2007
narz

ang ganda naman ng website u. pwede textback para maging friend tayo? nobelista po ako na taga mindanao

30 11 2007
badoodles

@istarfish haha! ako ung nasa bandang huli, nakikisaling pusa. cyempre labas pwet lang, mejo conservatib. ginawa mo din yown?

30 11 2007
badoodles

@lenggai haha! naku-curious ako jan sa may avatar mo? ano yan, ung man in a barrel na nabibili sa baguio? pag tinanggal ung barell bubulaga ang tarugo. ako nga din hirap ding makapag-keep up sa kwentuhan. anhaba, parang may kapehan.

30 11 2007
badoodles

@maktub acad? autocad ba un? wapak.

30 11 2007
badoodles

@narz wow nobelista? yan ba ung gumagawa ng pocketbook. sitoy ka pala, nasa dugo ang pagiging writer. excited naman akong makameet ng nobelist.

30 11 2007
Lenggai

lol! natawa ako dun ah… actually, bulul yan badz… yung rice god/dyos dyosan ng mga ifugao… eto yung nasa mga kubo-kubo sa tam-awan village sa baguio… kinunan ko kahit mataas… for some reason, naaastigan ako sa kanya… hehe

6 12 2007
horny me

maski anong klase job mo. k lng. basta isipin mong ambunan nman kmi dito. hehe. kita kits tyo kla kit.

8 12 2007
badoodles

@horny u sino u? felix da cat? maeng malibog? lysander tikol. sirit na!

3 01 2008
kimmys

hay speaking of work at papalit palit ng work. my first job was in sales sabi ko ayoko na ng sales pero wala dito sales na naman ako sa new job ko. hay gusto ko nga ng kakaiba pero wala sales magnet ata ako. nakakapagod. gusto ko na ulit umalis… :c

badoodles: @kimmys mahirap ba sales? gusto ko kasing ibenta ung mga yate ko sa manila bay, saka ung welcome rotonda. hehe, adik na corny joke ko. cheers!

21 02 2008
tagadagat

aruu!! kaya pala di pako na po promote! lamok pa lang napapatay ko?! Teka…san ka ba dadaan memya? bwahaha!!! jowke!

badoodles: @tagadagat sa ayala av, bakit hahantingin mo ko? hehe. daan ako dun para kumain ng pisbol. masarap kasi ang pisbol sa ayala, lasang usok ng dyip.

29 02 2008
tagadagat

magkalapit lang pala isla natin badoodles. hindi na kita hantingin kase sabi nila (sino kaya sila?) lab thy naybur daw. wahehe…

badoodles: @tagadagat saang isla ka ba? singapowr o japan? ako kasi ang may ari ng buong isla ng luzon. hehe.

4 03 2008
tagadagat

badoodles pareho lang tayo ng isla madalas lang tina tapon tapon ako pag sawa na ang mga ka tribu ko sa mukha ko. Wari ko lang madalas eh nagkakasalisi tyo. sinusundan mo ba ko? wehehe.. from isabela nasa makati na din ako pag me tumirador sayo tyak ako yun! wahaha!

badoodles: @tagadagat sige pag tinirador mo ako, patatamaan kita ng bazooka saka pupulbusin kita ng b1 bomb. kala mo ha. haha! joke.

15 03 2008
tagadagat

haha! badoodles ganda bago isla ko, pasyal kau bebemo at least pag naligo kau dito wala ka kasabay na kalabaw aso at baboy di tulad sa karayan! haha!

10 07 2008
Ulan

kakatawa. sana noon ko pa to nabasa. okay lang yan. you don’t have to explain to your sundalo and abogado friends what you do. i’m sure dudugo lang mga ilong nyan if you try to explain it to them. hahaha! malapit-lapit na rin ang bar exams. i don’t know anyone who will be taking it na. tanda ko na rin pala. but, it’s true, sobrang saya pag bar season. ilang taon akong nag bar ops and sometimes gusto kong gawin ulit. by the way, i’m into legal IT.

16 01 2009
Romulo Salcedo

sa IT din ako, gaya ni salve, i do what i love to do…
d2 me now sa syd,aus sa awa naman ng dios ay di ko kailangan mag-2nd job
nakakaraos naman kahit pano at nakakakain pa sa oras.
8:30-5:30 so di ko na kailangan magtimpla ng kape masyado, unlike nung
nasa college pa, puyatan talaga sa paggawa ng case studies
hmm, about bebe, wala e, mahirap makakita dahil bihira ang nagkakagusto sa nerd.
mas ok kasi ang conversation kapag via keyboard, nakaka-relate ako.
about sitting in front of the pc all day, oo nakakangawit nga, dapat mag-gym
salamat sa mga kwento mong nakakaaliw, keep up the good work.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: