Conversations with God II

30 10 2007

Dear Papa Jesus, Di man obvious, pero in my insyd [balun-balunan, pati atay] excited na nga ako sa nalalapit kong church wedding kay BebeKo.  Kung sakali, ito pa lang ‘yung unang beses na parang hindi nasisilihan ang pwet ko pag-upo sa pewter.   Sori po kung gawain ko nung college ang tumakas sa first Friday mass pagkatapos magpacheck ng attendance kay Chaplain.  Mali kasi ‘yung reinforcement strategy ng mga religious schools.  Ang tendency ng mga bata ay magmatigas ng ulo.  Dapat reverse psychology na lang.  “Bawal pumasok sa simbahan, ang papasok, pipitikin ang titi hanggang mamaga”.  Sarap.  Saka paniwala ko kasi, malulusaw ako pag nabasa ako ng Holy Water.  Panay nga ilag ko eh na parang si Neo ng The Matrix.  Pero kahit pala may pagka-Gremlins ugali ko, hindi naman totoo ‘yun.   

Saka Papa Jesus, salamat nga pala at di mo ako binulag sa kajajakol ko.  Lam u na, raging testosterone boy at his sexual prime.  Ebri hour yata, pekpek lang talaga ang nasa isip ko lalo pa’t hot chic ‘yung titser kong galing UP nung pers year ko.  Grade A meaty packing sheet.  Sori po, expression lang.  Pero totoo po bang napamura kayo minsang may nahuli kayong nagsusugal sa bahay ng daddy mo?  Kung ako ‘yun, hahagisan ko sila ng labentador saka sinturon ni Hudas. 

Kahapon napadaan ako sa isang christian bookstore.  Narinig yata kitang bumulong ng “Welcome anak, matagal na kitang hinihintay” kaya tumambay muna ako.  Na-browse over ko ‘yung libro ni Helen Keller – ‘yung inspirational writer na nabulag pagkabata.  Siya pala ‘yung nagsabi ng “The best and most beautiful things in the world cannot be seen or even touched.  They must be felt within the heart”.  Galing, nakaka-inspire talaga.  Pwede din po ba akong maging inspirasyon sa iba ng hindi nabubulag?  Pansin ko kasi ‘yung mga nagiging sikat na inspirational writer kung hindi bulag ay quadriplegic na nagpi-paint gamit ang crayola sa bibig.  Pero ikaw po, kung anuman ang balak mo sa ‘kin, sabi nga, thy will be done.  Kung gusto mo nga akong gawing mala-ET na uutal-utal, owkey lang.  Bahala na ang sangkatauhan na mag-translate kung anuman ang message mo.  “Kwek… kow… kwek-kwek”.  Hehe.  Hindi pala ganun.  Si Donald Duck pala ‘yun.  Okay lang ‘yung tunog ET para hindi obvious pag napapausal ako ng “Ngat nget mo” sa mga ayaw maligo.  Although ‘yung isang ngongo nagkakaintindihan kami.  “Ngat nget mo rin”, sabi sakin.  Hehe. 

Paynali nga, magiging legal na ang pagsasama namin ni BebeKo in the eyes of law and in yours.  Pina-block na namin ‘yung schedule sa simbahan.  Nagpalagay din kami ng choir for additional charge of 500 pesos.  Pede kayang mag-request ng song number dun na pamperya para mas masaya.  Joke onli. Kitakits po.





Shit Happens

22 10 2007

May mga araw talaga na parang juma-jackpot ka ng kamalasan.  It happens.  Ganyan talaga mambatok si Papa Jesus, biglaan.  Pakiramdam ko sinabihan niya ako ng “Hoy! Kaw naman, nakakalimot ka na ah”.  Ewan ko ba.  Wa epeks ‘yung prayers ko na gawin na lang na installment ang kanyang mga pagsubok tsurba sa akin.  Papa Jesus, credit card na saka bumbay na papayb-six ang uso ngayon.  Pakiramdam ko nga parang buminggo ako sa ‘series of unfortunate events’ dis week.  Nag-obernayt inuman kami nina pareng Nap nung Huwebes kasi may dalang ‘abalin’ na pulutan sina pareng Ryan.  ‘Abalin’ ang tawag  sa larvae stage ng salagubang na sinasangag hanggang magkulay brown – exotic food naming mga Ilocano.  Nakalimutan kong may allergy nga pala ako dun pag sinabayan ng Red Horse.  Madaling araw nang magising akong kamot ng kamot.  Pagpasok ng opis kinaumagahan, hindi lang betlogs ko ang pulang-pula.  Umalsa din pati paa, kamay saka mukha ko, para akong naging kuya ni Jollibee.   

Mabilis namang naagapan kasi dinala ako sa clinic.  Binigyan ng pers ayd saka prescription ni doktora ng sandamakmak na Loratadine ‘yung mukang birth control pills.  Tinatanong nya kung ano ‘yung pinagkakain ko kaso di niya maintindihan kaya sinabi ko na lang na hipon.  Nagpayo si doktora na ‘wag daw muna akong magkakain ng malansa.  Putek, buti ‘yun lang ‘yung malansang bawal sa ‘kin.  Iniisip ko tuloy pano na lang kung may mas malas pa sa ‘kin na magkaroon naman ng allergy dahil sa pekpek.  ‘Pag tinanong ng  “Pucha pare bakit maga ‘yang nguso mo?”.  Pailing-iling na sagot “Allergic kasi ako sa pekpek pare”.  Tsk. Tsk.   

Dahil nga biyernes, tipikal na lunch out naming opismeyts magbabarkada sa Glorietta, walking distance lang naman sa Stock Exchange.  Paborito na namin ‘yung ‘Lechon Macau’ sa Food Choices, sa may second level lang – lechon baboy na may giant kangkong toppings with garlic rice.  Solb na naman.  Di pa ko nakakadighay nang parang may higanteng umutot.  Anlakas.  Nabulabog ang mga kopols na kanina lang ay binibilang namin kung ilan ang mga nagho-holding hands while walking.  Takbuhan ang mga tao.  State of terror.  Binalot ng higanteng abo ang Glorietta.  Zero visibility.  Takbuhan na rin kami.  Ang madapa tanga.  Nagbagsakan ang mga pintuan.  Di kami makalabas pero takbo pa rin.  Hanap ng ibang daanan.  Sa wakas bukas ang papuntang LandMark.  Seyb.  Parang isang prank lang ang lahat.  Wala akong kamalay-malay na isang balitang pambansa ang nangyayari.  Naging malinaw lang kung gaano kaseryoso nung nasa opis na kami at pinapanood ang flash news sa Kapuso tv.  Buti na lang at buhay ako.  Lalo tuloy akong naniniwalang masamang damo nga talaga ako. 

May isang computer programmer na namatay.  Nakakabadtrip lang kasi bakit kaming mga matinong nagtatrabaho,  mga walang sinasagasaang ibang tao ang kailangang madamay sa kung anong ginawa ng mga bwakananginang mga yan.  Pwede ba kong manisi ng iba? Di ko alam.  Gusto ko lang sumigaw, magpakyu, at magmura.  Dahil pagkatapos ng ‘shit happens’ na ganito, kelangan ituloy ang buhay.  Get up from the rubbles, clean your wounds, learn from the lessons and move on. 





All That Boob Tube BooBoos I

15 10 2007

Naprito na yata ng satellite radiation ang brain cells ng mga tao sa likod ng tv industry.  Nanonood kasi ako sa bus papasok sa opis ng Umagang Kay Ganda, ‘yung morning show sa ABS-CBN.  Di ko alam kung bakit Umagang Kay Ganda ’yun tapos ang binabalita ‘yung tungkol sa nasaksak, adik na nagwala, saka nagkabanggaan na sasakyan.  Seryoso kaya sila?  Kasi di ko makita asan ‘yung ‘Kayganda’ dun.  Anong ini-expect kaya nilang expression ng nanonood:  “Wow! May nagbanggan na isang ten-wheeler saka padyak sa Binondo.  Pitpit ‘yung ten wheeler.  Cool”.  “’Yung mama natagpuang lumulutang sa Pasig River, para lang daw nagsa-sun bathing, nakakatuwa naman”.  Weirdo.  Iniisip ko pano na lang kaya sasabihin nung nagrereport sa scene of the crime: “Isa pong katulong tinurbo ng mga manyak sa pwet, abangan ang detalyeng ‘yan mamaya sa pagbabalik ng Umagang Kay Ganda!”.  Sabay ngiti bago mag-commercial.  Hanep.   

Uso na din sa mga morning show ‘yung pinapakita sa may ibaba ng tv ‘yung temperatura sa iba’t ibang bansa.  Nakow, bakit kailangan ‘yon e ano ngayon kung mainit sa Sidney at Tokyo.  Pa-uso ba yan in preparation for a high-tech future.  Baka ba in the near future pati temperatura sa ibang planeta ipakita na.  “Tignan mo below zero degrees pala ngayon sa Jupiter, anak ko, kelangang magdala ka ng jacket pag bumili ka sa Jupiter ng suka ha”.   Madapacking sheyt. 

May mga commercial naman na mukang ang nag-conceptualize e laging naiiwan ang utak sa higaan.  Sabi ni Boy Abunda magiging at home ka pag kinain mo ‘yung Argentina carne norte.  Tangek, pano naging at home ‘yun e Argentina nga ‘yun.  Kung sinabi sanang ‘masarap ang carne norte fresh galing sa saksakan sa Tondo, at home ka sa sarap’.  ‘Yun maniniwala talaga ako.  Saka ‘yung commercial ni Kris Aquino tungkol kay Ninoy sa Goldilock’s.  Hanggang ngayon di ko pa rin ma-connect kung pano napasok ‘yung heroism sa icing ng cake.  Teka, hulaan ko.  “Ang cake ay parang bayani, nilalagyan ng kandila”.  ‘Yun ba ‘yun?  Putek… Hmmm… conspiracy theory talaga. 

Parang di na nga pinag-iisipan ‘yung ibang palabas ngayon.  Di tulad ng mga gawa ni Mars Ravelo, may mga hidden meanings na mind-fucking talaga.  Tulad ng Darna, sabi sakin ni pareng Stephen, kwento daw talaga ‘yun tungkol sa droga.  Kasi pag sumisigaw si Darna ng ‘Ding, ang bato!’, saka pa lang siya nakakalutang sa alapaap.  Hanep ang kwento di ba?  Hehehe. 





Bad Boys Get Sick

8 10 2007

Suspetsa ko supot ang tatay ko.  Andali ko kasing mahawaan ng sore eyes.  Tag-ulan na pero humabol pa din ako sa pagsusuot ng pekeng Ray Ban.  Saka ang mahal pa nung gamot, ‘yung Vigamox, napa-limang daan agad ako samantalang mas epektib naman ‘yung pagbabad ko sa mata ko gamit ang sariling ihi when I weyk up in da morning.   Libre pa nga ‘yung ihi, pareho din namang hydrochloride solutions.   

Andali ko pang dapuan ng colds and flu, saka bronchial churba.  Sari-saring adult vaccine na ‘yung tinurok sa ‘kin nung company doctor namin.   Opo, kahit masamang damo nagkakasakit din.  Naka-schedule pa ako at the end of the month for anti-Hepa A and B kasi mahilig akong magkakain ng kwek-kwek saka chicken skin sa kanto-kanto.  Ang sarap kasi ng bawal.  Dati tinataguan ko nga si doktora kasi kung anu-anong medical examination ang ina-administer sa akin noon.  Meron ‘yung dumaing lang ako ng tiyan, inultra-sound na ako.  Sabi ko, butchog lang talaga ako pero di ako buntis.  Kailangan daw kasing i-rule out ang possibility ng pancreatic disorder.  Pancreas, di ba tinapay ‘yun na nilalagyan ng mantikilya?  Hehe…  Anlamig pala ng ultrasound, ‘yung gel na nilalagay, anlikot ko nga sa higaan kasi malakas ang kiliti ko pag bandang parallel sa bulbol.  Wehehe… Aysus.  Sobrang kiliti ko e muntik ko na ngang matadyakan sa panga si doktora.  Wapak!  Haha! Sanay na nga din sa kakulitan ko ‘yun lalo na pag napapasigaw ako ng ‘Huwag pow, doktora, maawa ka po.  Virgin pa po ako.’  Wehehe.  Senior citizen na si doc, ‘wag malikot ang imajineysion. 

Minsan, tinimbang timbang ni doktora ‘yung betlogs ko for my annual medical checkup.  Hanggang ngayon, di ko alam ang misteryong bumabalot kung bakit nya ginagawa ‘yun.  Tinimbang nga ba ako ngunit kulang?  Ibebenta kaya niya betlog ko?  Gagawin kaya niyang bala ng tirador?  Pinipisil niya ba para malaman kung hinog at pede nang ihalo sa kanyang morning salad?  Masunurin kasi akong bata, kaya wala nang tanong-tanong.  Umiikot ikot na lang ‘yung mata ko sa pigil na kiliti na parang nagdedemo ng ‘the moon travels around the earth’.  Pag magtatanong ako, e pabiro akong nilalagyan ng packaging tape o salonpas sa nguso.  Kung minsan, kahit wala akong scheduled ‘maintenance’, napapatambay na lang kami dun ng mga opismeyts ko sa clinic.  Isa pang sira ulo kong opismeyts si pareng Abdiel, nanghihingi ng gamot para sa kanyang problemang puso.  Naks!  Di ko alam kung ultimate naïve ung nars at ni-refer siya sa Philippine Heart Center.  Pero ‘pag ‘yung isang nars ang natsatsambahan, di makapuntos si pare.  Binibigyan siya ng nars ng Imodium sabay sabing, “Nakupo ser, itae mo lang ‘yan.  Mawawala din ‘yan”.  Hehe. 

Gusto ko pang humirit magpa-vaccine ng anti-rabies kasi andaming asong galisin sa ‘min pag nakikipagbonding sa mga sunog baga.  Ang problema, para ma-avail ko ng libre ‘yung vaccine under medical benefits, dapat nakagat na ko ng aso bago mabigyan ng bakuna.  Ano ‘yun, ibig sabihin kelangan ko munang ipalapa ang aking maitim na pwet sa aso bago ako bigyan ng bakuna?  Wakanang, wag na po, salamat na lang po.





Conversations with God I

1 10 2007

Dear Papa Jesus, Sensiya ka na kung di ako nakakapag-pray lately.  Dami kasing opis work kaya pag-uwi sa bahay, pagkasampa ko pa lang sa higaan ng ten seconds e umaatungal nako ng hilik.  Pero come to think of it, di ba siya pa ‘yung isang litanyang pakikinggan mo out of those billions and billions of prayers ebri second in da whole wide unibers.  [Tanong ko lang, nag-pi-pray din po ba ang mga aliens? May ‘Indineym of the father’ din po ba silang nalalaman?]  Nakakapraning naman pala ‘yang trabaho mo Papa Jesus.  Meron ka din bang ‘prayers department’, ‘yung mga anghel na tagasalansan ng prayers parang tulad dun sa nakita ko sa post opis.  Bawi na lang ako ng maraming prayers next time.  ‘Yung prayers ko last month, ‘yun na lang din po ‘yung prayers ko ngayon.  Hehe, the ultimate Juan Tamad po ba ako?  Sori po, kahapon naman, nung may nakasalubong kami na mga poreynjer chicks sa Glorietta, e napausal naman ako ng prayer before meals.  “Bless me O Lord, for these thy gifts, which I am about to receive…”  Madapacking sheet, hindi pala ako ‘yun, ‘yung mga barkada ko lang na makukulit ‘yun.  Hehe, Pramis. 

Papa Jesus, tanong ko lang, pag naging kaluluwa ba ako e tatanggalin mo ba ang titi ko?  Napagkwentuhan lang namin nung opismeyt kong si Abdiel kahapon.  I am upset.  Really.  Tsk!  Sabi niya kasi kahit mga anghel wala na din daw pekpek kasi wala nang gamit ‘yon sa langit.  E bakit po tinawag na langit ‘yon kung wala na rin pala silang pekpek?  Nagbibiro lang po.  Pero kung gusto mong sagutin, okey lang din. 

Sori nga pala nung panahong may LQ tayo.  Pano naman kasi, bago-bago pa lang akong nanunumbalik magsimba [sa pangungulit na rin ni Fr. Bernie, na spiritual adviser ko slash FHM borrower na di marunong magsoli on time aysus!] binigyan mo agad ako  ng sandamakmak na pagsubok sa buhay.  Pede bang gawin mong installment ang pagsubok para di naman ako nagugulat?  Por dis month maholdap ka muna, next month ma-reyp ka ng sangkatutak na chicks naman.   

Alam mo ba ‘yung wish ko?  Sana in your time, makakulitan naman kita sa inuman.  Nabasa ko kasi ‘yung kinonvert mong wine ‘yung tubig na inumin ng mga tagasunod mo.  Baka kako mahilig ka rin sa inuman with smoking hot sisig na pulutan.  Hapi hour ngayon sa Alabang 120 lang isang bucket.  Hehe.  Biro lang po ulit.  Alam kong nakukulitan na kayo sa ‘kin pero di pa po ako lasing, nakainom lang.  Kaya ko pang mag-math.  2 times 2 equals 8.  Sana ‘wag kayong magsawa sa pag-iintindi sa kin. Amen.