Bad Boys Get Sick

8 10 2007

Suspetsa ko supot ang tatay ko.  Andali ko kasing mahawaan ng sore eyes.  Tag-ulan na pero humabol pa din ako sa pagsusuot ng pekeng Ray Ban.  Saka ang mahal pa nung gamot, ‘yung Vigamox, napa-limang daan agad ako samantalang mas epektib naman ‘yung pagbabad ko sa mata ko gamit ang sariling ihi when I weyk up in da morning.   Libre pa nga ‘yung ihi, pareho din namang hydrochloride solutions.   

Andali ko pang dapuan ng colds and flu, saka bronchial churba.  Sari-saring adult vaccine na ‘yung tinurok sa ‘kin nung company doctor namin.   Opo, kahit masamang damo nagkakasakit din.  Naka-schedule pa ako at the end of the month for anti-Hepa A and B kasi mahilig akong magkakain ng kwek-kwek saka chicken skin sa kanto-kanto.  Ang sarap kasi ng bawal.  Dati tinataguan ko nga si doktora kasi kung anu-anong medical examination ang ina-administer sa akin noon.  Meron ‘yung dumaing lang ako ng tiyan, inultra-sound na ako.  Sabi ko, butchog lang talaga ako pero di ako buntis.  Kailangan daw kasing i-rule out ang possibility ng pancreatic disorder.  Pancreas, di ba tinapay ‘yun na nilalagyan ng mantikilya?  Hehe…  Anlamig pala ng ultrasound, ‘yung gel na nilalagay, anlikot ko nga sa higaan kasi malakas ang kiliti ko pag bandang parallel sa bulbol.  Wehehe… Aysus.  Sobrang kiliti ko e muntik ko na ngang matadyakan sa panga si doktora.  Wapak!  Haha! Sanay na nga din sa kakulitan ko ‘yun lalo na pag napapasigaw ako ng ‘Huwag pow, doktora, maawa ka po.  Virgin pa po ako.’  Wehehe.  Senior citizen na si doc, ‘wag malikot ang imajineysion. 

Minsan, tinimbang timbang ni doktora ‘yung betlogs ko for my annual medical checkup.  Hanggang ngayon, di ko alam ang misteryong bumabalot kung bakit nya ginagawa ‘yun.  Tinimbang nga ba ako ngunit kulang?  Ibebenta kaya niya betlog ko?  Gagawin kaya niyang bala ng tirador?  Pinipisil niya ba para malaman kung hinog at pede nang ihalo sa kanyang morning salad?  Masunurin kasi akong bata, kaya wala nang tanong-tanong.  Umiikot ikot na lang ‘yung mata ko sa pigil na kiliti na parang nagdedemo ng ‘the moon travels around the earth’.  Pag magtatanong ako, e pabiro akong nilalagyan ng packaging tape o salonpas sa nguso.  Kung minsan, kahit wala akong scheduled ‘maintenance’, napapatambay na lang kami dun ng mga opismeyts ko sa clinic.  Isa pang sira ulo kong opismeyts si pareng Abdiel, nanghihingi ng gamot para sa kanyang problemang puso.  Naks!  Di ko alam kung ultimate naïve ung nars at ni-refer siya sa Philippine Heart Center.  Pero ‘pag ‘yung isang nars ang natsatsambahan, di makapuntos si pare.  Binibigyan siya ng nars ng Imodium sabay sabing, “Nakupo ser, itae mo lang ‘yan.  Mawawala din ‘yan”.  Hehe. 

Gusto ko pang humirit magpa-vaccine ng anti-rabies kasi andaming asong galisin sa ‘min pag nakikipagbonding sa mga sunog baga.  Ang problema, para ma-avail ko ng libre ‘yung vaccine under medical benefits, dapat nakagat na ko ng aso bago mabigyan ng bakuna.  Ano ‘yun, ibig sabihin kelangan ko munang ipalapa ang aking maitim na pwet sa aso bago ako bigyan ng bakuna?  Wakanang, wag na po, salamat na lang po.

Advertisements

Mga Tugon

Information

42 responses

8 10 2007
jeckass

niyay..ako kahit kelan di pa nakakagat ng aso, kaya todo iwas ako sa mga askal. nung nasa college ako may check-up din sa amin ng betlogs. pinapahubad yung brep tapos uubo ka sa harap ng doktora. sabi nung klasmeyt ko, pinipiktyuran daw yung titi, sinasabay yung click ng kamera sa ubo para hindi halata..napailing nga yung doktora nung nakita yung akin eh..tapos pinatuwad din kami sa harap niya…haha..enjoy..

8 10 2007
badoodles

@jeckass haha! nice conspiracy theory. ubo sabay klick. baka ung picture ng betlogs natin e tinatago ng gobyerno sa isang data warehouse. gagamitin nila para ma-trace ang lahi ni lapu-lapu.

dapat pinatuwad mo din ung doktora para tabla. 😉

8 10 2007
jeckass

dapat nga sir badoodles eh, kaso nung tumawad na ako sobrang layo na niya sa akin. natakot yata, baka raw may masamang hangin na lumabas. hahaha

8 10 2007
jojie

ako tinanong ko si mudra kung supot si papu, kasi mutain ako.. heniway gudluck sa kung ano-aning medical chovarloo na iyong pagdadaan.

8 10 2007
badoodles

@jeckass baka may naalala siya sa kanyang nakaraan. nagsenti muna sa sulok. 😉

8 10 2007
badoodles

@jojie salamat sa concern. buti di binawasan allowance mo nung tinanong mo un. 😉

8 10 2007
gasti

ako rin di ko alam kung tuli tatay ko kasi ayoko naman syang bosohan habang dyumidyinggel sa banyo.

never pa ko nagpamedical..yung tinitimbang ang betlogs o pinapatuwad hindi pa talaga..kaya virgin pa ko dyan sa mga tests na ganyan.

8 10 2007
Maldito

hahaha..nung pers taym ko nang humubad sa harap ng mga nars gusto kong magwala..sabay sumbong kay bhe ko na may iba nang nakakita sa mala adonis kong katawan..na shocked talaga ako kasi indi ako sanay maghubad na may maraming ilaw..dapat dim light lang..hahhaa…swerte ng mga nurse no?sa mga gurls kaya ano pnapagawa sa kanila? Pinapaubo din ba sila sabay click sa boobs?tsk tsk tsk….i dont wanna miss a thing..haha

8 10 2007
antuken

hahaha. maldito, halos same thing lang. pinapatuwad din kami. kaya nga lang imbes na yung betlogs tinitimbang, pinipisil-pisil boobies habang nakahiga ka. tapos tatanungin ka kung may masakit ka nararamdaman habang pinipisil-pisil nya boobies. good thing, sa mga annual medila exams na na-experience ko, doktora lagi.
mag-vitamins ka badoodles. walang kinalaman ang pagiging supot ng erpat mo sa pagiging sakitin mo. hehehe.
hawahan mo naman ako ng sore eyes. nang makapagpahinga naman sa work. hehehe.
na-experience ko na rin makagat ng aso. sa binti. mga 4 or 5 yrs old pa lang ako. di ako pinaturukan ng anti-rabies. tinapalan lang ng lola ko ng bawang ang binti ko. dapat pala yun pahiran lang ng bawang. ako tapal. for about a week. kaya ang nangyari, nasunog ang skin. kaya’t di na ko magiging flawless ever. haay.

8 10 2007
antuken

*medical exams pala (di man lang nag-spell check, sus)

8 10 2007
badoodles

@gasti mixd peelings. dodoble ang kulubot mo sa betlogs sa kaba.

8 10 2007
badoodles

@maldito parang ibang dim light yang sinasabi mo. yan ba ung kwartong may salamin sa ceiling saka may libreng maliliit na sabon sa banyo? 😎

8 10 2007
badoodles

@antuken ano ba tawag sa mga ganyang doktor na tagapisil ng boobs? baka kasi may future ako jan. pag ginagawa akong masahista ng bebeKo, kahit magdamag ala akong reklamo. tuwa ko pa. 😉

8 10 2007
jp

Ibang klaseng masahe na ginagawa niyo e. nyahahaha!

Na-physical na rin ako ng ganyan. Yung ka-batch ko na nasa Fujitsu, nag-physical bago makapasok. Biniro namin ‘anal probe’. Wahehehe…

Pacquiao-Barrera post-fight analysis mo nasan? O paunahan na lang tyao. Hehehe…

Gusto ko POV ng nanood sa free tv. 1pm pa lang, tapos na sa PPV. Nung umalis ako ng bahay ng kaibigan ko mga 1:30, napadaan ako sa isang tindahan, national anthem pa lang. Sa dami ba naman ng commercial. Hehehe…

Balak atang isapaw ng GMA panlaban sa UAAP. Ito namang Studio 23, 4pm na sinimulan ang laro. Yoko na ring umangal dahil at least nakahabol ako sa Araneta. Galing pa akong Molino para lang kay Pacquiao. Hehehe…

8 10 2007
badoodles

@jp delikado yang mga ‘anal probe’ na yan, minsan web cam ang gamit. kita lawit mo sa buong mundo, hehehe. conspiracy theory..

ala akong pacquiao-barrera post makikigulo na lang sa inyo. free tv lang ako kaya pinagtiisan ko ung sandamakmak na commercials [sabay off ng celpon baka may sutil na magtext ng result ng laban]. para ko na ding napanood ng live, hehe.

8 10 2007
kotsengkuba

naalala ko nung una kong nagpamedical dito for health clearance bago ma-aprub yung work permit ko, aba’y muntik na kong maghubo sa harap ng doktora samantalang i-ultrasound lang pala ang tyan ko. napangisi nga ang matandang doktor dahil tanggal na ang belt ko.

linsyak, sabi kase ng mga kakilala ko nagpipitikan din daw ng itlog sa medical dito. buti nalang hindi.

9 10 2007
Chi

nung nabasa ko yung about sa pag weweigh sa balls mo naalala ko tuloy yung isa episode sa cartoons na Family Guy – yung doctor inaccuse ng rape ni Peter during a prostate exams. :))

9 10 2007
Banana

hmmm, naalala ko rin ang physical exam ko when i came here abroad.. lalaking doc naman yun. kinabahan nga ako nun kase i was only 20 years old at buti may bra at panty naiwan lol. at ang comment ng arabong doktor (company doctor) “you have a very nice skin” niyahaha! di nakapigil si dok at may side comments pa.. heniways, salamat dok 😀

9 10 2007
Kiko Matsing

Ako naman nung bago magpunta sa middle east meron din physical exam bago umalis, meron akong nakasabay na mga babae na papuntang japan, naulinigan ko sila na nag-uusuap at galit na galit dahil talaga daw pinahubad sila nung doktor at pinaalis lahat ng saplot nila sa katawan. Nauna pa daw makita ni dok yung kanilang pinakatago-tago kesa sa mga boypren nila.

Pero siyempre nung turn ko na para i-check up ni dok, tanong na lang siya kung may luslos ako at wala nang hubarang naganap. 🙂

9 10 2007
badoodles

@kotseng kuba pare hinay hinay lang. mukang excited kang ipakita ang iyong ‘fixed asset’ kay doktora. hehe. jok onli.

9 10 2007
badoodles

@chi ung parang spin off ng simpson’s un di ba? di pa ako nakakapanood nun, though sabi ng opismeyt ko ‘wickedly hilarious’ din daw.

9 10 2007
badoodles

@banana hehe, napa-umaygad pala kay allah si doktor ng dahil sau. buti di mo biniro ‘kaw naman doc, u r mejo maniac ha, bad yan’.

9 10 2007
badoodles

@kiko hehe. mga duktor talaga dami ding kakulitan.

9 10 2007
argel

antaray naman ni doktora! ako nga din kakasakit ko lang, nagpunta ko sa afp hosp sa vluna kaso mga anak lang daw ng sundalo pwedeng gamutin..ang choosy nila kainez veneracion..naka skinny army pants pa naman ako.. napadpad ako sa east avenue tapos naghanap ng duktor,y ung duktor dun masungit tapos pinisil-pisil lang yung braso ko ,350 agad singil..pina-blood count pa ko at na-injectionan, buti na lang gwapo yung med tech sabi ko tuloy “ohmygod, i hate blood”..lagnat lang pala sakit ko, inabot ng 2000 peysos yung niresetang gamot..punyetang antibiotic, 100 isang capsule..

9 10 2007
auee

Naubos na yun mga indigenous bacteria ko from Pinas kaya kelangan ko nga din ng hepa vaccines. Di na kakayanin ng system ko ang isaw next time na mauwi ako.

re: rabies
loko pang-biktima lang yun talaga 😛
Eto tip na natutunan ko nung college ako, kung makagat ka, ikulong nyo agad yung aso for observation. Kung mamatay ang aso, putulin ang ulo at ilagay sa freezer. Yun ang part na kelangan para malaman kung mauulol ka din.

10 10 2007
khonz

swerte nmn ni doctora sa PE mo…sana nilagay nya nalng sa weighing scale, ay hindi mas masarap kng manual. 😀

10 10 2007
pepe

hahahaha!
you never run out of topic no? you are amazingly talented!
guddu ka talaga ko wahi! 🙂

10 10 2007
pepe

kainis! naiimagine ko tuloy bayag mo! ewwwwwwwwwww….hehehehe!

10 10 2007
badoodles

@argel muka ka daw kasing mayaman kaya taga sa presyo. 😉

10 10 2007
badoodles

@hi auee! ganun ba un talaga? kaya pala, di man lang inexplain sakin. salamat ha.. hehe. pati ako natuwa sa aking pagiging ignoramus. hahaha!

10 10 2007
badoodles

@khonz hehe. wag nya lang pitik-pitikin ang betlog ko at baka maglakad si doc ng walang ulo. 😉

10 10 2007
badoodles

@pepz wahi makulit lang talaga ako.

10 10 2007
kengkay

hay, dito nga pati wetpaks ano, hahaha. yung asawa ko kahit anong gawin nung doctor ayaw nya talaga tumuwad, ready syang makipagbuntalan. so sa takot ng mga doctor, wiz na lang. pwede naman pala e, huh. eh sempre, kami namang mga girlash, kailangan bumukaka, ahayyy.

10 10 2007
badoodles

@kengkay pede naman palang daanin sa takutan. hehe. nice. masubukan nga minsan kung epektib sakin.

11 10 2007
kotsengkuba

mas aso kami dating nakakagat ng kapitbahay, pano ba naman nakakaena na nga sa loob ng bahay pumasok pa ang lekat na bata at ginalit, ayun sakmal ang pwet nya.

tapos nga namatay ang aso, kaya dinala namin sa doktor for checking kung mauulol ang nakagat nun pala e nilason lang ang aming aso. tapos itong mga pulis daw sa kalye e hiningi pa ang katawan ng aso at kinain. hahaha. wala na kami update kung buhay pa ang mga nasabing pulis.

13 10 2007
badoodles

@kotseng kuba wow. tsalap. malamang kumakahol kahol ng ngaun ung mga pulis pare ko.

13 10 2007
TRISH

sir badoodles, sorry po i just dont get it. ano po ba koneksyon ung pagiging supot ng tatay sa pagkakaroon ng sore eyes very often? haha. di ko lang talaga alam eh….salamat 😉

14 10 2007
Paurong

betlogs daw. usapang betlogs.

15 10 2007
badoodles

@trish sabi ng urban legend, pag mutain daw o palaging may sore eyes – supot ang tatay. di ko alam ang connect pero dahil siguro sa pag supot e sandamakmak ang kupal kaya di makakita ng maayos ang batang ginawa. alang scientipik basis yan ah.

15 10 2007
badoodles

@paurong ha? ah… oo.

21 11 2007
BURAOT

wehehehe. supot eh no! sabi daw kapag uhugin ang isang tao saka mutain, yun, supot ang tatay! hmmmnnn… ang tatay ko din siguro…

15 09 2008
evista for

tweaks evista evista animated

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: