All That Boob Tube BooBoos I

15 10 2007

Naprito na yata ng satellite radiation ang brain cells ng mga tao sa likod ng tv industry.  Nanonood kasi ako sa bus papasok sa opis ng Umagang Kay Ganda, ‘yung morning show sa ABS-CBN.  Di ko alam kung bakit Umagang Kay Ganda ’yun tapos ang binabalita ‘yung tungkol sa nasaksak, adik na nagwala, saka nagkabanggaan na sasakyan.  Seryoso kaya sila?  Kasi di ko makita asan ‘yung ‘Kayganda’ dun.  Anong ini-expect kaya nilang expression ng nanonood:  “Wow! May nagbanggan na isang ten-wheeler saka padyak sa Binondo.  Pitpit ‘yung ten wheeler.  Cool”.  “’Yung mama natagpuang lumulutang sa Pasig River, para lang daw nagsa-sun bathing, nakakatuwa naman”.  Weirdo.  Iniisip ko pano na lang kaya sasabihin nung nagrereport sa scene of the crime: “Isa pong katulong tinurbo ng mga manyak sa pwet, abangan ang detalyeng ‘yan mamaya sa pagbabalik ng Umagang Kay Ganda!”.  Sabay ngiti bago mag-commercial.  Hanep.   

Uso na din sa mga morning show ‘yung pinapakita sa may ibaba ng tv ‘yung temperatura sa iba’t ibang bansa.  Nakow, bakit kailangan ‘yon e ano ngayon kung mainit sa Sidney at Tokyo.  Pa-uso ba yan in preparation for a high-tech future.  Baka ba in the near future pati temperatura sa ibang planeta ipakita na.  “Tignan mo below zero degrees pala ngayon sa Jupiter, anak ko, kelangang magdala ka ng jacket pag bumili ka sa Jupiter ng suka ha”.   Madapacking sheyt. 

May mga commercial naman na mukang ang nag-conceptualize e laging naiiwan ang utak sa higaan.  Sabi ni Boy Abunda magiging at home ka pag kinain mo ‘yung Argentina carne norte.  Tangek, pano naging at home ‘yun e Argentina nga ‘yun.  Kung sinabi sanang ‘masarap ang carne norte fresh galing sa saksakan sa Tondo, at home ka sa sarap’.  ‘Yun maniniwala talaga ako.  Saka ‘yung commercial ni Kris Aquino tungkol kay Ninoy sa Goldilock’s.  Hanggang ngayon di ko pa rin ma-connect kung pano napasok ‘yung heroism sa icing ng cake.  Teka, hulaan ko.  “Ang cake ay parang bayani, nilalagyan ng kandila”.  ‘Yun ba ‘yun?  Putek… Hmmm… conspiracy theory talaga. 

Parang di na nga pinag-iisipan ‘yung ibang palabas ngayon.  Di tulad ng mga gawa ni Mars Ravelo, may mga hidden meanings na mind-fucking talaga.  Tulad ng Darna, sabi sakin ni pareng Stephen, kwento daw talaga ‘yun tungkol sa droga.  Kasi pag sumisigaw si Darna ng ‘Ding, ang bato!’, saka pa lang siya nakakalutang sa alapaap.  Hanep ang kwento di ba?  Hehehe. 

Advertisements

Mga Tugon

Information

77 responses

15 10 2007
menggay

hahaha… may punto ka dUn ahh.. 🙂

Oo nga ano tsk! tsk tingnan mo napaisip din ako hekhek

15 10 2007
kotsengkuba

nilalagay nila ang temparature ng iba’t-ibang bansa para masabing “world class” at “pang-international” ang show.

baka kaya Umagang Kay Ganda ang title e para i-brainwash ang mga tao na ‘yan na ang natural na eksena sa pilipinas at ito na nalang talaga “kahulugan” ng maganda kaya makuntento ka na.

ganun ‘yon. ehehehe 😛

15 10 2007
gasti

uu nga pre..di talaga akma yung mga shows ng dos..umagang kay ganda dati meron pang magandang gabi bayan tapos panay karumal dumal na krimen naman ang balita..

pati sa commercial basta may maisingit lang na issue ipapasok na..
napaisip ako bigla dun sa darna ah..kelangan nga ng bato para makalutang sa ere..potek! shabu pla yun haha!

15 10 2007
MARU

nakow! 5:30 pa lang ng umaga eh nakabukas na yung tv namin sa Umagang Kay Badtrip ng ABS-CBN. wala kami magagawa eh iisa lang ang nakukuhang tsanel ng tv namin. tama ka, araw araw ganun na lang ang pinapakita … mga katawang chop-chop, banggaan and etc. Nakakasawa nga naman.

15 10 2007
badoodles

@menggay tama naman di ba? hehe, naengkanto ata ako ngaun at kung anu-ano napapansin ko. 😉

15 10 2007
badoodles

@kotseng kuba curious lang ako anong pinagkakaabalahaan mong panoorin jan sa tsina. pasok din ba ang pinoy stations jan o naka-filter din.

15 10 2007
badoodles

@gasti tignan mu nga e di hindi lang pala ako ang naka-obserb na ganun ung palabas.

hehe, pero ung tungkol kay darna pare totoo un. totoong kwentong siraulo lang un. hehe.

15 10 2007
badoodles

@maru anong tawag mu dun? umagang kay badtrip. hahaha! ayus.

15 10 2007
kotsengkuba

@badoodles.

wala akong napapanood na tagalog dito kase wala akong cable subscription. di tulad yung mga binisita kong friends fries sa hangzhou meron sila. nakalimutan ko kung anong pangalan nung cable subscription. sarimanok cable ata, hehehe

nung nasa company dorm ako pinapanood ko star mandarin na puro taiwanese ang programs. tapos channel V (puro chinese mtv rin) pero enjoy naman ako (don’t worry, hehehe).

ngayon CCTV channels lang ang available sa TV namin. merong english, CCTV9 pero puro chinese documentaries ang mapapanood. minsan yung news nila. minsan paulit ulit.

ngayong naka-uwi na sila misis, balik internet hopping na ulit ako. download ng movies, nood ng you tube. boring na buhay. pero kahit papano nakasurvive naman ako for almost 1.5 years na.

ngayon mukhang maglalagi nalang ako sa shanghai at ang ganda pala dun. mura pa ang tren. 15RMB lang yung sa parang bullet train to shanghai. sa nakalipas na 1.5 taon, hindi talaga ko naglalalabas kaya anbano ako pagdating ko sa shanghai kasama pamilya ko.

Ngayon winter na ulit, malamig na naman. Literally and figuratively, hahaha. blog entry na ata ‘to.

15 10 2007
badoodles

@kotseng kuba hehe. ayos, tagay mo muna para enjoy ang kwentuhan.

hehe. buti alang bloopers na nangyari nung namasyal kau. lost in translation adventure yan.

15 10 2007
jojie

kumusta naman yung commercial ng chichirya na may tagline na “beauty is just a skin dip”

15 10 2007
kotsengkuba

hay nako, sinabi mo. alam mo bang yung punta namin ng shanghai e hindi planado dahil hindi pa naman ako napupunta ng shanghai if not for the airport. ayun, pumunta kami ng days hotel para lang kumuha ng mapa ng shanghai. hahaha.

in the end successful parin ang paglalakbay at ang dami namin napuntahan. not to mention the tawaran portion sa mga bangketa at underground market.

15 10 2007
badoodles

@jojie pano naman kaya pag mata ng dried pusit ang binebenta – beauty is in the eye of the beholder. hahaha! koolit.

15 10 2007
kotsengkuba

@ jojie (pa-epal badoodles ha :P)

ang hinahabol kase ng mga tv ads e ‘yung retention power ng mga catch phrase kaso minsan, makapag-phrase lang kahit malayo na sa hugot sige lang. pero aminin mo kumagat sa utak mo ‘yung phrase kaya nai-comment mo dito. hahaha.

tanda nyo yung walang kwentang commecial dati:

arthur’s legaspi towers and taft avenue. accepts made to order pants and barong finished within 6 hours.

15 10 2007
badoodles

@kotseng kuba sure pare [tagay ulit]. part owner ka na din ng blogsite na ‘to. may days hotel din pala jan – un bang parang clover na kulay yellow ang logo – jan kasing hotel palagi nagistay bebeKo.

15 10 2007
antuken

kaya nga ako, di na mashado nanonood ng tv… pero sobrang natawa naman ako sa theory mo about darna… galeng… hehehe

15 10 2007
kotsengkuba
15 10 2007
TRISH

hahahaha! you never cease to make me laugh when i read your entry…snicker 😉

15 10 2007
tim ang

kumakagat kasi ang masa sa mga ginagawa nila kahit hindi ang sagwa. gets mo?

15 10 2007
argel

nako, oo nga yung mga ads ngayon anoh? eh kasi yung mga nagcoconceptualize naman, di mo rin masisi kasi ang may control nyan ay mga kliyente kaya wala sila magawa kundi sundin ang mga ideas ng mga kliyente..weird noh? sana di na lang sila humingi ng tulong sa ad agency, di pa sila magbabayad..hay, wag ka mAg-alala pag gradweyt ko bilang isang advertising major, gagawa ako ng bigating ads ahihihi kaya ipagdasal mo na grumadweyt ako para ebribadi hapi

16 10 2007
nanskii

matagal ko na ding himutok yang lecheng title na yan ng morning show na yan! umagang kay ganda…kahit ang balita tipong paslit halinhinang ginahasa ng apat na adik at ginawang ashtray ang kaselanan.

16 10 2007
Maldito

Nako. Kaya indi na ako nanunoud ng tv eh..imbes na ma inform ka pinapa bobo kapa lalo.and i hate boy abunda and xris. they both SUCK..hahhaha,,,,kung ano man yung pwdeng isuck kayo na bahala..basta nasusuka ako pag sila ang nasa tv…bagay sa kanila ilagay sa national geographic..kung pano sila laplapin ng leon o pano sila durugin ng elepante…ayan, pwde na ibalita sa umagang kay ganda.swak na swak sa kunting zonrox..hehhee

16 10 2007
badoodles

@antuken lalo kang matatawa pag nakita mo expression ni pareng stephen habang kinukwento sakin yan. putek pati ako gustong maniwala. hehe.

16 10 2007
badoodles

@kotseng kuba oo yan nga yun. international hotel pala yan. clover daw, sunrise pala.

16 10 2007
badoodles

@trish wehehe! buti naman nag-eenjoy ka sa pangungulit ko. 😉

16 10 2007
badoodles

@tim ang hindi ko gets.

16 10 2007
badoodles

@argel gud lak saung adhikain. naway magtagumpay ka.

16 10 2007
Rhiana13

haha.. edi dapat pinapalitan nila yung title umagang kay sama… hahaha…

16 10 2007
badoodles

@naskii wapak! tama ka jan. andami namang pedeng title pang morning show: ‘nag-toothbrush ka na ba? ‘, ‘hugutin na papa’, patikim ng mantikilya etc…

16 10 2007
badoodles

@maldito hehe… cool ka lang. puso mo.

16 10 2007
badoodles

@his miss rhiana, di pa ba umuusok tenga mo jan sa spicy foods ng brunei. hehe. may pinoy stations din ba jan?

16 10 2007
otep

minsan pag maaga din ako magising.., i mean pag umaga na ko matulog min san nakakapanuod pa ko ng Umagang Kayganda?

hindi ko lang lubos maisip, ano kaya ang kinaganda ng asong humuhila ng sasakyan ng ABS CBN.., kaaawa nga.. ito talagang si Kim na anak ni Lito Atienza, hindi ko alam kung malapit sa hayop o talagang natutuwa s’yang nakikitang nahihirapan yung mga animal na pini-feature n’ya..

kaya natatawa na lang ako pag-natutuka s’ya o nakakalmot ng hayop na nahahawakan n’ya..

hay naku..

ano kaya kayganda dun?

mag-unang hirit ka nalang… hehehehe matutuwa kapa kay Love and everything…

syensya na kapuso ako..

16 10 2007
badoodles

@otep hehe. pareho lang tayo. mas malinaw kasi ang signal ng gma.

16 10 2007
tiamy

Kaya siguro “Umagang Kay Ganda” kasi pasalamat daw tayu at nagigising pa tayu tuwing umaga. Pasalamat tayu at hindi tayu ang nasaksak, chinop-chop-chop at itinatapon sa ilog. Siguro yun ang something positive about it.

Mula nung nawala yung Breakfast sa Studio 23, nagswitch na ako sa Umagang Kay Ganda. Nasusuka na ako sa Unang Hirit. Puro sayawan at piyesta.. Napaka jologs na…

16 10 2007
jp

kaya nga late na ako nagigising. kaso talo dahil hindi ko naabutan ang baseball playoffs. o kundiman, nakakatulugan ko. ambagal kasi ng laro. 😆

euro club football sa madaling araw naman pinapalabas. hinihintay ko pa lang matapos ang ads, tulog na ako. 😆

besides, bakit ka pa magt-tv, may net naman.

17 10 2007
gerrycho

wierd nga din kung tutuusin yung mga traffic news kasi bihira lang itong maging significant. i mean mayroon bang nanood dun at sinabing “nakupo! malalate ako ngaun!”

isa pa yung kidney care ni boy abunda… at bakit sya humahalakhak sa dulo ng commercial?

17 10 2007
Rhiana13

haha.. grabeh, amuy plang ng brunei spicing spicy na.. haha.. meron din, nagpunta ako one time sa filipino restaurant.. grabeh, isang meal ng tapsilog B$6.00 pag convert 188 pesos na sakalaing nabibili ko lang dyan sa halagang 40 pesos… tsk tsk tsk… mamumulubi pa ata ako lalo dito… hehe

17 10 2007
badoodles

@tiamy ok din ung breykfast, cool. sayang wala na. hehe, ultimate jologs kasi ako kaya unang hirit ako. pansin ko nga pang jologs un kasi pag binabati ko ung opismeyt kong ‘elow may kamuka kang celebrity – si love anover’, sabi sakin ‘sino yown?’.

17 10 2007
badoodles

@jp qualifying na ba sa euro? yehey let d games begin. buti pinaalala mo bro, di nako nakakapunta sa futbol match ng company namin. di na tuloy ako nakakasali sa basagan ng ulo. nakaka-miss hehe 😉

17 10 2007
badoodles

@gerrycho di ko pa nakikita ung kidney care ni boy abunda. may huling halakhak pa. putek, kala ko muka siyang almoranas, isa pala siyang malaking kidney.

17 10 2007
badoodles

@rhiana ok lang sau kase babae ka. pag nag-bruneiyuki pala ako di ako mabubuhay jan, gusto ko kasi ung kalde-kalderong kanin. ingats ka po palagi jan miss rhiana.

17 10 2007
bai

hahaha agree ako sa mga sinasabi mo bai! wlaa tlagang umagang kayganda..umagang patayan mapapanood mo sa pagbukas pa lang ng tv. galing mong observant sa totoo lang..ehhe ayos bai! keep on writing

17 10 2007
badoodles

@salamat bai. kaya nga keaga-aga nambubulahaw ng patayan. public serbis pala tawag dun di ko alam. hehe

17 10 2007
jp

qualifying parin para sa euro 08. puro england lang ata pinapalabas sa star sports. hehehe…

group eliminations na sa uefa. 2-0 na man u. yahoo!

taga-cebu ka diba? kaya pala laking putBULERO ka. hehehe…

17 10 2007
Rhiana13

hahaha… ayus lang iun, lipat ka nalang sa pasta mas mura.. haha… geh po sir rex, salamat.. buti nalang wala akong tv dito.. haha..baka mahawa din ako sa mga newscaster na yan, baka maprito din utak ko… haha

18 10 2007
badoodles

@jp go man u! man u! hehe. wala lang. gusto ko lang sumigaw. di ako cebu, m from d north pero matakaw ako sa danggit pag nag-uuwi si bebeKo pag nagtripping sa iloilo.

18 10 2007
badoodles

@rhiana pasta yoko nun pang rich n famous lang un. m proud native in da outsyd and in da insyd. hehe.

19 10 2007
Krisjasper

hehe… Funny, but true… I’ll read some more.

19 10 2007
myepinoy

Bro, malinaw na malinaw pa sa sikat ng araw ang obserbasyon mo sa mga pinuputik ng mga utak ng mga tao sa TV at komersyal.

Putek talaga. Bakit kasi marami pa ring nanonood eh. Kung wala na sana, di wala na saysay ang mga bulok nilang ideya. ha ha ha ha.

19 10 2007
berdengmansanas

ahehehe. ang saya saya naman ng blog mo

19 10 2007
badoodles

@krisjasper salamat sa iyong pagtambay. u know ispik tagalog? u don’t? i give u nosebleed tagalog. hehe. biro lang. salamat ulit.

19 10 2007
badoodles

@myepinoy free tv kasi kaya kelangan broad ang base ng audience – masa daw. ang iniisip ko lang di kaya masyadong underestimated ang brain cells ng masa kaya kung anu-ano na lang din pinapakita..

19 10 2007
badoodles

@berdeng mansanas

ahehe. ansaya saya naman ng blog ko. hehe. tnx por ur tambay.

20 10 2007
Krisjasper

oo naman.. hehe…

20 10 2007
iya

dapat nasa umagang kay ganda ako ng araw na yan kaso lang nagkasakit ako. eh di sana kung andun ako may maganda sana sa umaga. hahaha. :P~~

but yea, i agree with you. puro masama naman nababalita. kaya i rarely watch the news. ina-alta-pression lang ako pag nanonood ako ng balita eh.

21 10 2007
auee

Pwedeng maki-Kris bashing na? 😛

Naalala ko lang years ago I saw her promoting a skin whitener… Common, mestizang intsik sya ‘no!

21 10 2007
badoodles

@krisjasper i tot ur a poreynjer n sambadi’s playing me reindeer games. hehe. u tambay always here bro.

21 10 2007
badoodles

@iya uu nga. hehe dapat talaga andun ka.. tnx for dropping by.

21 10 2007
badoodles

@auee tama ka jan. mag-eendorse ng produktong pampaputi e dati na siyang maputi. kung sana si whitney tyson un tapos pumuti di maniniwala pa tayo. nakow, sila tuloy nagmumukang katawa-tawa.

21 10 2007
r_rdust

tama ka dyan…at lahat ng commercial d2 sa pilipinas i kinonek sa pamilya…mula tutpayst hanggang kotse. kaya di mawala ang family extension sa isang bahay…darating ang araw…ang pamilyang DIMAGIBA ng commercial ng taheebo dadami na!!! WHATEVER!!!…HEHEHEHEH

22 10 2007
badoodles

@r_rdust hahaha! nice observation… at least on da gud sayd naman tong napansin mo – ang connek ng pagiging hobbyist natin sa pagbuo ng pamilya sa mga commercials.

24 10 2007
Salve

hindi yata mapawalan ng abs-cbn yung term na “umaga” sa morning show nila. di ba dating “mgandang umaga bayan” yun, tapos naging “magandang umaga pilipinas.” pati nga yata yung term na “bayan” masyado silang attached. ginawa pang three times a day! meron nang “magandang umaga bayan,” nagkaron pa ng “magandang tanghali bayan” tapos may “magandang gabi bayan” pa! sino bang “napaka-creative” na nag-isip nun?

kris aquino is irritating na. lahat yata ng produkto, may tv ad sya. sana tantanan nya na paggamit sa mga kamag-anak nya sa pag-eendorse. kaya di ko binibili mga ini-endorse nun eh. 😀

25 10 2007
monaco

you have a point there, pre. lam mo naman sa local tv natin dito sa pinas, basta mabenta, pasok. kahit wlang sense. lalo na abs cbn! for the service of the filipino daw! sinong niloko nila? mga ungas! akala yata lahat ng nanonood ng tv eh low IQ! for the service of our profits kamo!!!!

27 10 2007
Rhiana13

Sir, gumawa na ako ng letter sa info address ko kay mam nancy regarding grade baka nde pa nya nakukuha pasabi kay jepoy gumawa na ako ng letter sabihin nya kay mam nancy check yung email nya pag napadpad kau sa info… thanks sir… ganun ba for testing lang, sir nagmamacromedia flash ba kau? pwede ba maglink ng database dun, nalilito kasi ako kung saan platform ko gagawin yung website na pinapagawa sa akin eh… haaayz 🙂

31 10 2007
blackhart

napakahusay namang maglimi ng mga palabas at patalastas… may punto nga naman, umagang kay ganda tapos mga di magagandang pangyayari ang ibinabalita… curious ako sa patalastas ni Kris tungkol kay Ninoy at sa Goldilocks ah… di ko alam un… 😛

1 11 2007
badoodles

@salve sabi nga ng nakaututang dila ko na si nanskii [boy kulit] e ‘napakapayak’ ng kanilang pag-iisip. baka may subliminal messages ang mga yan, kelangang idecode. hmmm… another conspiracy theory. 😉

1 11 2007
badoodles

@monaco hehe. puso mo pare. tama ka dun. di ko pa rin ma-gets kung pano naging public serbis ung magbalita ng dalawang adik na nagsaksakan. siyempre pag may saksakan may mamamatay. nothing new. pag napanood ni bebeKo yan, baka sabihin pa nyang ‘and so?’. hehe.

1 11 2007
badoodles

@rhiana ok na daw miss rhiana ung grades ni pareng jepoy, nagkamali ata si miss grace. di ako nagmamacromedia flash pero pag gumamit ka nun, kelangan mo ng scripting [javascript] aside from actionscript para mag-hook ung program mo sa isang database. additional work.

1 11 2007
badoodles

@blackhart sandali lang na pinatalastas un. abay kaylalim naman ng iyong tagalowg, nais kong arukin. hehe biro lang. naalala ko ninoy’s day yun nung pinalabas ung commercial ni kris sa goldilocks..

7 11 2007
ninong

e kasi raw… “basta’t tayo’y magkasama… laging mayroong umagang kay ganda”

para siguro di na nila kailangan gawan ng theme song. hehe.

kaya di na rin ako masyadong nanonood ng tv… masakit sa ulo.

7 11 2007
badoodles

@ninong ironic kasi pakinggan. umagang kay ganda tapos mga dedbol sa banggaan. sabay kumakanta pa ng basta’t tayo’y magkasama. sumalangit na nga eh. hehe. anyhoot, dat’s lyf ako’y isang ordinaryong tagapanood lamang.

8 11 2007
Chi

ang objective naman talaga ng mga tao behind the tv industry eh humakot ng audience, at lahat ng paraan gagawin nila, mapanood lang sila. nung nag aaral pa ako eh gumawa ako ng paper about subliminal propagandas behind commercials. just imagine kung paano nakokontrol ng media ang utak natin kahit na kung tutuusiin eh napaka absurd ng ways nila.

8 11 2007
badoodles

@chi sabi ko na nga ba totoo yang subliminal messages na yan. ung enervon tungkol sa sex, etc at marami pang iba. galing galing.

11 11 2007
Lenggai

tama mga observation mo, at kahit ako na umiikot ang buhay (at pitaka) sa mundo ng telebisyon, hindi sa lahat ng pagkakataon eh agree ako sa mga ipinapalabas namin…

kung wala kasi ang ratings, wala ring suweldo.

manood ka na lang kasi ng unang hirit, at least di ka naman lilinlangin nun… “sa unang hirit, nangunguna ka…” mapa-bad news o good news pa yan! hehehe

12 11 2007
badoodles

@lenggai hwaw. ang totoo nyan labs ko talaga unang hirit [haha! biglang bumalimbing]. pre-unang hirit days pa. ip ay remember it tayt, sa gma ata nagsimula mga erli morning shows. dati pag nagbubukas ka kasi ng tv ng madaling araw yung rainbow colors na may tooooooot pa ang lumalabas.

13 11 2007
Lenggai

shet. batang uhugin pa ako nun ah… flying house pa lang ata natatandaan ko nun, tsaka yung kantang: it’s where you belong, GMA… It’s where you, you, you, it’s where you belongggggg!!!!

15 08 2009
sammy

iwan q……….. dqo getzzzz!!!!!!!!!!!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: