Shit Happens

22 10 2007

May mga araw talaga na parang juma-jackpot ka ng kamalasan.  It happens.  Ganyan talaga mambatok si Papa Jesus, biglaan.  Pakiramdam ko sinabihan niya ako ng “Hoy! Kaw naman, nakakalimot ka na ah”.  Ewan ko ba.  Wa epeks ‘yung prayers ko na gawin na lang na installment ang kanyang mga pagsubok tsurba sa akin.  Papa Jesus, credit card na saka bumbay na papayb-six ang uso ngayon.  Pakiramdam ko nga parang buminggo ako sa ‘series of unfortunate events’ dis week.  Nag-obernayt inuman kami nina pareng Nap nung Huwebes kasi may dalang ‘abalin’ na pulutan sina pareng Ryan.  ‘Abalin’ ang tawag  sa larvae stage ng salagubang na sinasangag hanggang magkulay brown – exotic food naming mga Ilocano.  Nakalimutan kong may allergy nga pala ako dun pag sinabayan ng Red Horse.  Madaling araw nang magising akong kamot ng kamot.  Pagpasok ng opis kinaumagahan, hindi lang betlogs ko ang pulang-pula.  Umalsa din pati paa, kamay saka mukha ko, para akong naging kuya ni Jollibee.   

Mabilis namang naagapan kasi dinala ako sa clinic.  Binigyan ng pers ayd saka prescription ni doktora ng sandamakmak na Loratadine ‘yung mukang birth control pills.  Tinatanong nya kung ano ‘yung pinagkakain ko kaso di niya maintindihan kaya sinabi ko na lang na hipon.  Nagpayo si doktora na ‘wag daw muna akong magkakain ng malansa.  Putek, buti ‘yun lang ‘yung malansang bawal sa ‘kin.  Iniisip ko tuloy pano na lang kung may mas malas pa sa ‘kin na magkaroon naman ng allergy dahil sa pekpek.  ‘Pag tinanong ng  “Pucha pare bakit maga ‘yang nguso mo?”.  Pailing-iling na sagot “Allergic kasi ako sa pekpek pare”.  Tsk. Tsk.   

Dahil nga biyernes, tipikal na lunch out naming opismeyts magbabarkada sa Glorietta, walking distance lang naman sa Stock Exchange.  Paborito na namin ‘yung ‘Lechon Macau’ sa Food Choices, sa may second level lang – lechon baboy na may giant kangkong toppings with garlic rice.  Solb na naman.  Di pa ko nakakadighay nang parang may higanteng umutot.  Anlakas.  Nabulabog ang mga kopols na kanina lang ay binibilang namin kung ilan ang mga nagho-holding hands while walking.  Takbuhan ang mga tao.  State of terror.  Binalot ng higanteng abo ang Glorietta.  Zero visibility.  Takbuhan na rin kami.  Ang madapa tanga.  Nagbagsakan ang mga pintuan.  Di kami makalabas pero takbo pa rin.  Hanap ng ibang daanan.  Sa wakas bukas ang papuntang LandMark.  Seyb.  Parang isang prank lang ang lahat.  Wala akong kamalay-malay na isang balitang pambansa ang nangyayari.  Naging malinaw lang kung gaano kaseryoso nung nasa opis na kami at pinapanood ang flash news sa Kapuso tv.  Buti na lang at buhay ako.  Lalo tuloy akong naniniwalang masamang damo nga talaga ako. 

May isang computer programmer na namatay.  Nakakabadtrip lang kasi bakit kaming mga matinong nagtatrabaho,  mga walang sinasagasaang ibang tao ang kailangang madamay sa kung anong ginawa ng mga bwakananginang mga yan.  Pwede ba kong manisi ng iba? Di ko alam.  Gusto ko lang sumigaw, magpakyu, at magmura.  Dahil pagkatapos ng ‘shit happens’ na ganito, kelangan ituloy ang buhay.  Get up from the rubbles, clean your wounds, learn from the lessons and move on. 

Advertisements

Mga Tugon

Information

76 responses

22 10 2007
jp

La pa palang nagcocomment dito. Hmmm… First! lolz

Parang feeling ko walang excitement sa buhay ko kasi nung kasalukuyang pumutok ang Glorietta, ako’y nasa bahay mahimbing na natutulog. Then again, pasalamat na rin ako at malayo ako sa ground zero at baka mag-tiling bading ako. Nyahahaha!

Yeah, tama. Move on. Let the investigators do their work. They’ve got a job to do, we’ve got our own.

23 10 2007
auee

My friend emailed me on Saturday about this. Then another friend told me they lost 3 officemates in the bombing. Kinikilabutan ako hanggang ngayon.

Dapat sa mga bobong yan i-summary execution. Kung gusto nilang magte-terrorise bakit hindi sa bahay nila GMA or nila Cory? Or nila Enrile? Or nila… basta you get my drift.

Hindi ka nag-iisang nagagalit sa senseless action na ito.

You are lucky to be alive.

23 10 2007
MARU

waaah! hindi ko na matyempuhan ang unang slut este slot sa pagkokomento a. hmp!

pareng badoodles, nung pinapanood ko ang news na yan nung friday…nagtayuan talaga lahat ng buhok ko as in lahat ha, pati pubes, i swear. parang hindi kaya ng kakarampot kong utak ang isipin na NAKAYANAN nung may pakana ang gawin yung ganun pagpatay sa mga inosente.

gas! peborit mall ko pa naman ang glorrieta. teka, musta na pala ang allergy mo sa keps errrrr sa malansa? sana hokey ka na.

23 10 2007
kotsengkuba

Locked said (in a Lost episode where Boone died), “Boone was a sacrifice the island demanded.” Then there was Michael who killed Anna Lucia and Libby just so he could have his son Michael back.

This Me, Myself and I philosophy is the root of all evil. Mga taong walang pakialam sa mga masasaktan just so they could have what they’re fighting for. Nandun ka pala nung naganap ‘yung pagsabog na’yun. Shit happens, but life will go on. Mga pinoy pansit eating mader hamper sila.

Nung nalaman ko sa isang blogger ‘yung balita, inisa-isa ko kagad ‘yung mga pangalan. I was relieved to know that I don’t know any of them. God bless sa mga may kagagawan nyan.

23 10 2007
Maldito

Buti naman bossing at hokey ka..pasalamat ka nlang allergy lang at indi bomba ang sumabog sa katawan mo…Bwseit nga yang mga bobong nagpasabog..kung plotical lang naman ang motibs nila bakit indi nalang sa senado ang pasabugan?dah!!!!!!lets look on the bryter side of the bed na..dami nang cowshit baka indi ko kayanin.hhehhe

23 10 2007
didee

tagal2x ko din di nkabalik dito ah .. 🙂 hello badoodles 🙂

yeah shit happens, but ur still alive and that’s what counts 🙂

23 10 2007
antuken

buti na lang, di ka nadisgrasya. my brother & SIL were supposed to be there at the time din. buti na lang hindi sila natuloy.

advise re: allergy, take ka muna anti-histamine para ma-enjoy mo pagkain. hehe. meron din ako friend, keber nya kung allergic sya, may gamot naman daw. hehe. (pero meron din iba, pwede matigok dahil sa allergic reaction. ingat na lang next time)

23 10 2007
badoodles

@jp yep. pinalipas ko muna ung usok sa tenga ko bago ako nag-post. sumadsad daw ng bahagya ang piso dahil sa glorietta bombing. tau na naman ang apekted. pati pekpek nagmahal na rin.

23 10 2007
Jason O

ung programmer na namatay is from STI Fairview… name nya is Maureen De Leon… grabe sobrang masaklap ang pangyayari… I heard from our Dean at STI Fairview na last two months lang e pumunta sya dun and asking for some advice for her career.. now ganyan ang nangyari… sobrang affected din ang Dean namin.. hopefully wala namang mangyaring ganyan sa future students ko… : ( may she rest in peace…

23 10 2007
coldman

“tau na naman ang apekted. pati pekpek nagmahal na rin.” hahaha! natawa ako dito! I’m glad at safe ka. Good luck sa allergy!

23 10 2007
badoodles

@mareng maru kaya nga. sigurado akong iiyak ka kunsakaling kasama ako sa nabomba. wala nang mag-a-update sa blog na to.

hokey na back to normal. pede na ulit kumain ng malansa basta walang red horse o beer na kasama [saka walang kateybol] hehe.

23 10 2007
jeckass

andun ka pala sir badoodles..buti na lang hindi ka napasama sa nasabugan..naisip ko nga na malapit ka lang din dun dahil sa stock exchange ka nagtatrabaho..aleluyah samanalaykum at ligtas ka.

23 10 2007
badoodles

@kotsengkuba anong season na nga pala lost ngaun – naka 3 na ba? alala ko lang kasi badtrip ung barkada ko sakin ung kinwento kong mamamatay si michelle rodriguez. hehe, wala nang natirang hot chik sa isla. shit happens talaga.

23 10 2007
badoodles

@maldito may update balita kagabi. mukang methane galing sa imburnal ang dahilan. at least nakabawas ng galit kung totoo man. but the fact remains na may namatay dahil hindi nakita ang possible hazard ng systema ng kanilang sewerage.

23 10 2007
badoodles

@didee helo didee, mustasa na u. tnx por bisiting da site ageyn, i know how busy we all are. heto nga under training ako sa microsoft but still tries to update d blogsite para makipagkulitan. hehe.

23 10 2007
badoodles

@antuken thank mare por da advice – tiyak magagamit ko yang best practice na yan. pede naman pala. offense mode agad para di na atakihin ng allergic reaction. hehe. di ko naisip yown.

23 10 2007
badoodles

@jason o stier ka pala bro. turo din ako dun prior my current work. hirap ng ganun. in a blink of an eye – lahat ng taon na pinaghirapan mo mawawala lang na parang bula. lykwise to my past n present students.

23 10 2007
badoodles

@coldman tnx bro. kun sakaling kinuha ako ni papa Jesus, kaw na bahala mag-update sa blog na to. hehe. ita-time capsule ko na lang ung username saka password. hehe.

23 10 2007
badoodles

@jeckass yes bro. i’m awake, alert, alayb, enthusiastic… kung sakaling nasabugan ako sayang naman ang intelliggence brain cells ko at lahat ng natutunan ko sa pagba-blogging kakalat lang pala sa imburnal.

23 10 2007
badoodles

@auee hirap ng ganun. kami nga din kabado kasi ung isang kaopismeyt namin humiwalay pa at nagsukat-sukat muna ng damit sa bayo. buti alang nangyari sa kanya at nakatakbo din.

23 10 2007
kotsengkuba

di ko lang alam kung anong season na pero dinadownload ko lang kase sa torrents.. naka-line up ang season 3 ngayon pero tinatamad pa ko mag-download.

nababadtrip kase ako dun sa season ender ng season 2. nabihag sila jack, kate at sawyer dahil ipinagkanulo sila ni michael para makuha nya ang may sa malignong si Walt. Shit happened 😀

23 10 2007
kotsengkuba

ei badoodles, matanong ko lang. domain lang ba ang pag-aari mo sa kwentongbarbero.com at wala kang hosting tapos naka-custom dns ka lang sa wordpress.com? nagtataka kase ko kung bakit di ko ma-access dito ang site mo. shit happens LOL 😀

23 10 2007
bingskee

totoo nga siguro na ang masamang damo matagal madedo, ‘no? kadaming serye ng mga kamalasan pero nakaligtas ka pa rin?? he he jowk (baka naman mapagkamalang assuming) eneweiz, ang masasabi ko lang, masamang-masama ang budhi ng mga gumawa nun (kung meron at totoo man). mas masama pa sa masamang damo, dee vah?

pero teka, di ka naman pinaglihi sa pusa? 😀 o baka nasa bloodline nyo? 😀

23 10 2007
drew

shit happens talaga, buti na lang you live to tell the tale. sana naman mahuli yung gumawa (pero duda ako), para di lang maging isang footnote yan sa mahabang listahan ng unsolved crimes sa history ng pinas.

24 10 2007
badoodles

@kotseng kuba hanestli, ako din nabadtrip. dalawang araw kong pinanood straight ung season 2 tapos walang closure sa season ender kaht pa-epek lang. pero papanoorin ko pa rin season 3 bili na lang ako sa quiapo pag meron na, mas mabilis sa bittorrent. hehe.

24 10 2007
badoodles

@bingskee samingwika, parang di yan ung dati mong blogsite ah. anyhoot, may sa pusa nga siguro ako – bale 3 lives na lang natitira. hehe, ginawang computer games.

lam ko meron ding ibang dumadaan sa sangkatutak na kamalasan tulad nang sa akin – kaya advise ko na lang – shit happens talaga, accept it and just mov on.

24 10 2007
badoodles

@kotsengkuba wordpress pa rin ang may ari. naka-map lang yung web address na kwentongbarbero.com sa badoodles.wordpress.com, asa advance settings ng wordpress – ung bilihan ng kung anu-anong credits. pag nakaluwag luwag e iho-host ko na lang sa sarili kong computer. hehe. or tulad ng sayo.

24 10 2007
badoodles

@drew putek pre, sana andito ka at nakita mo kung pano na naman ako bumangka sa usapang lasing. all attention nga ung mga sunog baga boys kasi with action pa ung kwento ko. walang wala si fpj.

24 10 2007
cdy173

i agree shit happens po talaga but that what makes life more colorful ika nga..

btw, ilocano po pala kayo saang part po kayo ng ilocandia?

24 10 2007
bebe.must.be.crazy

hello badoodles! tanong ko lang, nagbagsakan ang mga pintuan? parang lockdown ba yan? nakow po buti nakahanap kau ng daan. or sinarado nila ung way to glorietta 2? grabe naman tlga, madalas pa man din ako magkape dun, nakakatakot. buti na lang at safe kau. nakakalungkot naman dun sa mga nabiktima.

ps. ilocano din ako, pero nde ko alam yang abalin. hmmm? masarap ba? hehehe. mukhang caviar ng mga ilocano. hahaha!

24 10 2007
badoodles

@cdy173 north – sa may cagayan valley but my roots in d pader syd is in pangasinan. sa ilocos ka ba?

24 10 2007
badoodles

@bebemustbecrazee elow long taym no hear ah. sinarado nung iba ung pintuan. meron namang bumigay ung mga pinto. tnx por da concern.

wow! ilocano ka din pala. hmmm, masarap depende sa expertise nung magluluto. alam ko lang un ung pulutan ng mga ilokanong lasinggero. hehe.

24 10 2007
Rhiana13

sir, andun pala kau nun… nabalitaan ko nga dito yan eh… buti nalang nagabsent yung sister ko last friday, lapit din kasi sya dun… tama nga, shit happens talaga good thing walang nangyari…

24 10 2007
kotsengkuba

nakanangpakers.. galig kaming shanghai kanina for a meeting, nung pauwi na kami nagkukwentuhan kami ng mga intsik kong kasama. sabi sa susunod naman daw ipasyal ko sila sa pilipinas, bidabidahan na sana ko kaso anaknangpaksyet bigleng umere ang balita sa radyo tungkol sa glorietta2 bombing.. gusto ko sanang magtulug-tulugan kaso kakagising ko lang nun sa sasakyat. bwiset!!!

25 10 2007
kenzo

murahin mo ang mga bwakananginang yon ng” okinayu amin!”

hehehe mabuhay ang ilokano ;p

25 10 2007
cdy173

Taga Pangasinan ak, Nakapan akon dyay Cagayan Valley idi ubbing ak,taga Tuguegarao ngamin ni Papa (tama ba spelling?marunong ka rin ba mag-ilocano?) )

25 10 2007
bai

sayang di ka namatay..joke! di ka pa kukunin ni lord kasi pag mangyari yun daming mag suicide na members dito. wala na kasi kaming mababasa na articles like this. ehhee keep on writing bai!

25 10 2007
gasti

swerte ka pa rin tsong..mabuti na lamang at walang nadale sa inyo…wala na talagang safe na lugar ngyon..tsk tsk..nakatapos ba kayo kumain? sayang naman kung naiwan yung lechon macau..sarap nga yun!

shit happens talaga..pero kakaiba ngyon dahil shit daw yung sumabog…wadapak! andami na nga nag iimbestiga eh wala pa rin makuhang final na decision.

25 10 2007
badoodles

@miss rhiana tama ka. ano, tanong nga pala ni pareng jeff kung ilan binigay mu sa kanya sa sql class. alam nya kasi mataas kaso 81 ata nakalagay naghahabol ng scholarshit. di ko naman binigay ung ym mo.

25 10 2007
badoodles

@kotsengkuba putek, baka isipin may plano kang paikliin yung lifespan ng mga intsik. ‘welcome to da pilipins! u will not get old’. aga kang matetepok. hahaha! ayaw ko ding caught in dat kind of situation, nagbu-blush ako. last time nagblush ako nung nahuli akong nagtitikol ng nanay ko. nakngpakers talaga.

25 10 2007
badoodles

@kenzo wen ngarud lakay. okina da amin. nagsisinnulong latta kuman ta adda pay mabuya pagpinnustaan. putek, nangangalawang na ilocano ko, wat is da happening in da world… 😉

25 10 2007
badoodles

@cdy173 ney, taga-tugue nak. anya nga barangay ni papang mu ngay… either ytawes or ybanag ni papang mu ah. bikolana si mami ko tapos ilocano si papa. para fair, tagalog ang salita sa bahay. tulad nung tagalog na nababasa sa filipino textbook nung elementary. bihira ang tagalog-speaking species dun kaya pagsalta ko dito sa menila e hwaw! ebribadi speaks tagalog.

25 10 2007
badoodles

@bai di bale bai pag nangyari un, ipapamana ko na sayo ang aking secret black buk na naglalaman ng tips and tricks nang da moves pang-chiks saka ang aking pinakaiingatang kama sutra collections. hehe.

25 10 2007
badoodles

@gasti dpende kung saang lechno macau tsong. kasi dun sa north park na kainan, putek lumalangoy sa mantika ang lechon nila kaya hindi rin masarap. pag kagat mo sa lechon e nagtatalsikan ang mantika. short cut to death ika nga.

nag-iisip nga din ako, kunsakaling totoong shit sa imburnal ang dahilan, hwaw, ganun pala kapowerful ang shit… kayang magpataob ng buong mall.

25 10 2007
dhez

oo nga tlgang mka2pag mura ka, biro mo wlang kamalay malay.. bigla nlng ngyari tong trahedyang ito… pustahan baka maging unsolve nanaman ang ending dyan, hay..let’s just pray nlng.

25 10 2007
badoodles

@dhez nakakabadtrip talaga. lahat ng pinaghirapan mo, mga laman ng brain cells mo kakalat lang pala sa drainage. kumusta naman yown.

25 10 2007
Rhiana13

sino pong pareng jeff?

25 10 2007
Rhiana13

nagadu gayam nga taga tuguegarao ittuy… hehe

25 10 2007
cdy173

taga abulog ni papa…parehas ta gayam tagalog na ang kinalakhan bolinao kasi si mama kaya tagalog din gamit namin sa haus para lahat nagkakaintindihan..

nga pala simula ng mapadpad ako dito sa WP eh nagbabasa na ako ng post mo..brilliant writing manong!ur one of my favourite blogger!Keep it up

25 10 2007
Krisjasper

after series of malas.. swerte naman kasunod nyan.. @ least buhay ka pa, dats ur first luck.

26 10 2007
TRISH

“Impossible situations can become possible miracles.” 🙂

parehas din pala tayo, ako naman ilokana. magkaiba nga lang tayo ng allergy, ikaw sa “abalin” ako naman sa alcohol! haha

26 10 2007
gerrycho

pambihira nandun din pala ikaw?!
malaking issue talaga ang glorietta bombing na yan syet!…

its really sad for the victims, they can no longer clean their wounds nor learn from the lessons… 😦

26 10 2007
badoodles

@rhiana13 si jeff arroyo ung taga-convergys.

wen ngarud man, ittoy ta lang gayyam amin agkikinnita. 😉

[translator robot: oo nga, at dito pa tayo nagkukulitan] ngiting paling

26 10 2007
badoodles

@cdy173 abulug yun. hwaw, mabain nak ta awan mapidot nga moral lesson ittoy. kayat ko kuma agsurat ti adda moral lesson na kasla snow white and d seben dwarvs.

[robot translator: hiya naman me kasi walang moral lessons dito kahit pa-epeks lang. gusto ko ung mga may moral lesson tulad ng snow white and d seben dwarvs kaso pag ako nagkwento mukang magiging bastos ang kalalabasan. hay naku 😉 ]

26 10 2007
badoodles

@krisjasper promise? ano kayang swerte un? hwaw! sana umulan ng sandamakmak na pekpek galing langit.

26 10 2007
badoodles

@trish ako ung ilokanong pilit. sarap din kasi magsalita ng ilocano – astigin. nag-uusap kami nung kaopismeyt kong ilocano – apay ngata ta agpaltos ti butuk ngay? di ko alam ilocana pala ung manager namin. packing sheet. ngayon, anlagkit nya nang tumingin sakin. ow no.

26 10 2007
badoodles

@gerrycho kaya nga. nagpadala ako sa suggestion box ni papa jesus na gawing 3 lives na lang ang mga tao tulad ng super mario bros. pag nasabugan ka, oops may 2 lives pa ko.

26 10 2007
twiger

can’t help but laugh! 😆

buti na lang walang pekpek allergies ang boyfriend ko, sa hipon lang. hahaha…

grabe yung post mo. pero you are still lucky you were saved from that tragedy.

26 10 2007
Krisjasper

hehe.. loko..

26 10 2007
badoodles

@twigerly ganyan lang talaga. no choice kundi tawanan ang problema. tutal lahat naman ng tao namomroblema, hayaan naman nating porblemahin ng problema ang tao. hala naku, anu ba un.

26 10 2007
alphasensei

natawa ako sa madapa, tanga. akalain mo bang bigdeal na “laro” pala yun eh noh. :p

26 10 2007
Rhiana13

sir haha wen ngarud man… si jeff arroyo ba? hindi 81 ang grade nya sir line of 9+ something iun, mataaas binigay ko sa kanya baka naman typographical error na sa encoding iun… pasabi naman pa 2nd check sa registration yung grade nya kasi mataas sya dun sir. sayang naman, nga pala sir yung asp.net na may built in IIS na Visual Studio 2005 Professional Edition iun sir dba? 🙂

26 10 2007
earthlotus

good thing eh buhay ka pa! ang masamang damo nga naman oh! haha. ^_^

manong baboodles, buti yan lang ang problema mo.. mas malala ang akin eh, bwakanang inang text messages yan na nagkalat.. (muslim kasi ako) pati ako sa amin eh pinagtatanung kung totoo ngang bobombahin namin yung septic tank nung trinoma at gamol..

hala? wahaha. ^_^ adik di ba? pero ganyan ang buhay, ayos lang yun! may thrill kahit paminsan-minsan. haha. ^_^

27 10 2007
monaco

nandun ka pala nun. buti na lang swerte ka pa rin. kung natuloy kami sa glorietta that day, malamang kasama ko sa minalas. malas kasi ako sa lahat ng bagay eh. buti na lang umiral ang pagkatamad ko and i stayed home.

27 10 2007
badoodles

@alphasensei kaya nga. ngayon pa lang nag-sink in yung reality na pede pala akong naisabay sa maagang byahe papuntang ‘oder dimension’. kung minsan kelangang maging paranoid kung gusto mo talagang humaba ang layp. buti sinwerte pa din. 😉

27 10 2007
badoodles

@rhiana wow good news yan. sige sasabihin ko kay pareng jepoy.

tama ka un nga un… may built in na iis na siya pero for test purposes lang un, hindi pang actual deployment, kasi kekelanganin mo talaga na may iis installation ung computer. 😉

27 10 2007
badoodles

@earth lotus gusto ko sanang sabihin na sakyan mo na lang kaso hanestli kung ako un putek mababadtrip talaga ako. try mo tong mga generic kong sagot epektib sa mga kupal: ‘dapat kasi hindi pinapayagang pag-asawahin ang magpipinsan – tingnan mo tuloy kaw ang kinalabasan’.

27 10 2007
badoodles

@monaco yan ang mga pagkakataong ‘saving grace’ ang pagiging tamad. heckshuli, natutulog lang talaga ako after lunch kaso ewn kung anong kakulitan ang pumasok sakin at magpakalat-kalat pa sa mall.

27 10 2007
Rhiana13

Sir, gumawa na ako ng letter sa info address ko kay mam nancy regarding grade baka nde pa nya nakukuha pasabi kay jepoy gumawa na ako ng letter sabihin nya kay mam nancy check yung email nya pag napadpad kau sa info… thanks sir… ganun ba for testing lang, sir nagmamacromedia flash ba kau? pwede ba maglink ng database dun, nalilito kasi ako kung saan platform ko gagawin yung website na pinapagawa sa akin eh… haaayz

29 10 2007
eds

hi badoodles..lamo nung nabalitaan ko yan naisip kita agad kse nga lam ko madalas ka sa glorietta then silip agad ako dito to check kung may new post ka..wala? at now lng ako uli nakasilip..di man tyo magkakilala personally pero nag-alala rin kaya ako for you..imagine,mawawala yung isang bisyo ko? it’s true..bisyo na kita..hehe.. thank GOD you’re safe. pa-kiss nga…muah…

8 11 2007
Chi

kaya nga sabi nila diba, when it rains, it pours. nabalitaan ko rin yang nangyari sa glorietta 2. nasa hospital ako nun (nung nahospitalize si gavin) nung may nag text sa akin at tinatanong kung wala naman daw bang nasugatan sa family ko sa manila. kahit na sandamakmak ang kamasalan mo eh at least nagagawa mo pang gumising sa umaga, diba. 🙂

8 11 2007
badoodles

@chi pagkat tayo’s magkasama, laging mayrong umagang kayganda… lalalala! hehe napakanta tuloy ako. buti we’re all good. continuous pa din naman investigation, meaning dami na sumawsaw, mas marami mas masaya

21 11 2007
BURAOT

weheheheh! kamalas naman nung lalaking me allergy sa pekpek.

22 11 2007
meldee

hello po..thank God po at ur safe…may misyon pa po kc kayo sa mundo at un ay “MAG_INSPIRE” sa mga taong nawawalan na ng dahilan pra ngumiti (naks!puwera biro po..)…

mga bwicit tlga ang kung cnu mang mga hayop n gumawa nyan…kunyari p clang di nila ma-detect chuva ang dahilan ah meron b namang gasul n ganun kalakas!..hay, mga bobita salongga!!!hehehe ..

anyways, nbsa q po, pangasinan kau, same here, mangatarem po…yahuu!!!am really proud sa lahi natin khit lagi nila taung nirirefer as kuripot…

God bless your works and CONGRATULATIONS po pla sa wedding nyo…

naimbag nga aldaw kabsat!

22 10 2008
CactusHead

hello. bagong “FAN” lang ako. aliw na aliw ako. nagulat ako na saktong isang taon na nakalipas nung napublish ung blog na to. at medyo can relate din kasi ako. di kami tumuloy non sa glorietta e. tapos ung sinabi mo pang namatay na programmer, grabe! programmer-kuno kasi ako. grabe no, 1 year ago na yun. ang bilis. anyway, gusto ko lang sabihing gogogo at salamat sa nakakatuwang babasahin. =D

badoodles: @cactushead hindi ko rin mapapansin na one year na pala kung di mo rin pinaalala. accenture ka no?

25 11 2012
Marcy

TFC is? more expensive than GMA Pinoy TV but TFC has better resolution and few commercials than GMA….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: