War For Peace

29 11 2007

Number wan na nakakabadtrip sa buhay ‘yung bigla kang nabibitin.  Sarap pa naman ng yosi breyk kasama ang barkada.  Perpek na lamig ng paligid, humidity, wind velocity at altitude sa baba ng Makati Stock Exchange.  Mamya biglang may nagpaputok sa mismong katabing Manila Peninsula Hotel.  Putek, eto nga ‘yung sinasabi nila kaninang umaga na magkukudeta na.  Nautot pa sa takot si pareng Abdiel.  Nasira na ang perpek moment.  Bad trip di ko na inubos ‘yung yosi.  Nagtatakbuhan na ang mga taong nagra-rally. Pers taym kong makakita ng nagwewelgang pilay na ambilis kumaripas ng takbo.  Sayang di ko nadala yung video cam, siguradong patok ‘yun pag na-upload ko sa youtube.  

Live na nagco-cover ng balita ang ABS-CBN chopper.  “Tara kaway tayo para makita tayo sa tv,” sabi ko sa mga uto-uto kong prens.  Pano na lang kung pinatulan kami ng ABS-CBN.  “Ahh, ako po si Doris Bigornia, heto ang live coverage sa Makati.  May limang unggoy na kumakaway, mukhang tuwang-tuwa sila sa nangyayari”.  Haha.  “Sana gumawa tayo ng banner na kartolina na may nakasulat na ‘Hi to my prens, family and kapitbahay.  Heto binobomba na kami, ansaya.”, dagdag ng isa pang siraulo kong barkada na si pareng Nathan.   

Balik kami sa opis para magtago sana pero redi na palang mag-evacuate mga kasama namin.  Sinabihan ako nung isang bosing na hanapin ‘yung immediate boss ko.  “Sa lower ground tayo dadaan, sabihan mo si boss mo na wag magpanic ha”, kulit sa akin.  Mabait naman akong sumunod kaya tumawag agad. “Boss, asan ka na?  Nagkukudeta na dito.  Andami nang tora-tora na lumilipad.  Papasabugin nila ang buong Makati.  Sabihin ko raw sa ‘yo, WAG KANG MAGPANIC HA?! WAG KANG MAGPAPANIC!!!”.  Haha.  Ewan ko ba lalo namang nagpanic.  Sira ulo talaga si boss. 

Palabas na kami ng harangin ng sekyu.  Delikado na raw lumabas.  Seryoso si manong guard.  Convincing kasi namumula ang mga pimples sa galit parang si Hellboy.  Parang gusto ko tuloy bawiin lahat ng pinakain ko sa kanyang libreng Jollibee meals mula nung January pa.  Nagbitiw na lang ako ng isang makabagbag damdaming verbal threat:  “Putsa pre, tirisin ko yang pimples mo, makita mo”.  Mamya, pinayagan na din kaming lumabas.   

Maayos ang evacuation.  Going to Ayala triangle ang lahat na parang mga langgam na sunod-sunod.  Pero dahil likas na matigas ang ulo ko, mula Paseo nag-U turn kami ng mga barkada ko pabalik ng LandMark galing Dela Costa.  Di pa kasi ako nakakakita ng Hummer na pang-giyera kaya gusto kong makiusyoso.  Nakakita naman ako.   

Wats my teyk on dis?  Bitin.  Sobrang pikon.  Wala man lang totoong bakbakan.  ‘Yung tipong matira matibay.  Mula pa nung Oakwood Mutiny, wala man lang nasaktan kahit isang guhit ng galos sa pwet.  Para ka lang nanonood ng boksing na nagpipitikan ng tenga.  Sabi sa balita, nagwalkout itong si Trillanes.  Ang alam ko, babae lang ang mahilig mag-walkout.  Ano kaya mga pinagsasabi nya?  “Asar na me [tampo].  Hurt na me.  Dito na lang me sa Manila Pen magpapalipas ng sama ng loob”.  Tapos ‘yung mga sundalo ng gobyerno naman, “Trillanes, Kainis na u.  Lumabas na u diyan.  Now na.  As in.  Kundi tatapunan ka namin ng tear gas na para kang nagmarathon movie ng Maalala Mo Kaya”.  Hay nakow, parang ganon na nga nangyari, puro satsat.  Ang alam ko, inevitable ang giyera para magkaron ng katahimikan once and for all.  Kelangan talaga ng bloodshed.  Kung sa video games nga, para makapagpatayo ka ng isang great civilization, kaylangan mong ubusin ang kalaban.  Kung nagkabarilan sana, tapos nanalo si Trillanes e di nagkaroon ng military takeover.  E di tapos na.  O kaya naman nadedbol si Trillanes.  Panalo ang gobyerno, back to normal ang lahat.  The end.  Lahat makakapagtrabaho ng matino.  Ewan mukang desensitized na ko sa mga nangyayari kaya nadedemonyo na ‘tong utak ko.  Bahala na sila sa buhay nila.  Magtitikol na lang ako.    





Meet The Parents

27 11 2007

Maliban sa pagde-defense ng thesis saka pagsagot sa tanong na ‘kelan ba talaga masasapul ng asteroid ang mundo?’, isa pang nakakakabang experiens ‘yung pagharap sa magulang ng maylabs opyurlayp.  Para ka ring sumali sa isang talent show na kinakaliskisan ka ng  buhay ng panel of judges na simbangis ni Simon Cowell.  “Anong alam mo sa buhay?  Anong ipapakain mo sa anak ko, bato?”.  Hindi po.  Betlogs ko po.   

Muwi kami ni BebeKo sa probinsiya namin nung Linggo para hingin nga ang kamay ni BebeKo.  Kabado nga ako kasi baka seryosohin kamay lang talaga ang ibigay.  Hindi naman ako nabigo kasi may kasama namang legs saka katawan.  Haha. 

Buti na lang at wala tayo sa makalumang panahon na ang mga namamanhikan ay hinahanapan ng dote o ‘yung ari-arian tulad ng lupa, at bank account.  Pano na lang pala kung hinanapan ako ng account.  “Ahh, meron po akong limang prenster account, saka multiply account din po.  Meron din akong fixed asset, ‘yung ari ko po mismong nakadikit”.    Sabi noon ang babae, hindi nililigawan sa kalsada, kelangang sa bahay.  Kaso mo, di ka nga naman tanggap sa bahay kaya wala kang choice kundi ibalik sa kalsada ang pagmamahalan.  Alala ko tuloy nung nililigawan ko pa lang si BebeKo, magsasalubong kami nyan sa palengke na kala mo di magkakilala sabay palitan ng ‘lab notes’ na walang tingin tingin kala mo negosasyon ng Mafia na nagbibigay ng ransom note.  At nakasulat nga in bold letters gamit ang Estabilo Boss, “Mamyang gabi sa bodega, tabi ng basura, iwan mo ang isa pang lab notes o irog”.  Hay nakow, nakakatawang alalahanin ang nakaraan. 

Siyempre naman hindi makulay ang lab story kung walang kumokontra.  Ayaw talaga sa ‘kin ng Mama ni BebeKo.  “Anong gusto mo sa lalaking ‘yan playboy?  Itsura pa lang, adik yan, adik”, laging pa-discourage epeks ni Mama kay BebeKo.  Huwat ?  Ako adik ?  Tong itsurang ito ?  Hindi kaya ako marunong mag-marijuana. Shabu lang.  Haha !  Hinde.  Biro lang.  Hindi talaga.  [hitit hitit buga] Sobrang relihiyosa din ang Mama ni BebeKo.  Nung nanliligaw pa lang ako at nakakatuntong na sa bahay nila, palaging nakabantay sa min, kala mo anytime bigla akong tubuan ng sungay kaya nakahandang buhusan ako ng holy water.  Mama, water proof na kaya ang mga cute debils ngayon.  Di ka kasi nanonood ng Youtube. 

Makapal na din mukha ko ngayon.  Dati kasi tito saka tita lang ang tawag ko, ngayon nakiki-Mama saka Daddy na rin ako.  Nung nanliligaw pa lang kala mo di makabasag pinggan na nakaupo sa kasuluk-sulukan ng sala, ngayon pakalat-kalat na ako sa kanilang bahay na naka-shorts na lang at nakasampa pa ung paa kong amoy dedbol na isda sa rocking chair habang pumipindot-pindot ng channel sa remote.  Haha, ang kulay kalabaw, pinturahan mo man, lalabas at lalabas pa rin ang tunay na kulay [salawikain ba ‘yun ?  Parang ang tunog gawa gawa ko lang ah]. 

Siyempre por dat time being, hiwalay muna kami ng tulugan ni BebeKo.  Di pa alam nina Mama at Daddy na ‘living together’ mode na nga kami ni BebeKo dito sa Maynila.  Unless one day, bigla siyang mangalikot ng internet at mabasa ‘tong blog na to.  Salamat, buti na lang mabait ang diyos at inimbento ang tinatawag na ‘generation gap’.





Pickup Lines

19 11 2007

Sabi ng mga barkada kong pabling, epektib talaga ang pick up lines.  ‘Yung tipong dadaan ka sa isang bar, may hot chick na umoorder ng tequila sabay singit ka ng, “Miss, mabilis ka siguro sa puzzle no?  Kasi kasisimula pa lang ng araw ko, nabuo mo na agad”.  Sabay pakita ng killer dimple at ngiting pusa.  Oo, parang pusang gustong makipaglambutsingan sa bubong magdamagan.  Ngyawwrrr! Kelangan lang daw ng konting tapang ng dibdib sabay swabeng confidence, tiyak  90% accuracy na mapapangiti ang chick.  Heto pa ang ibang pick up lines na pinagyayabang ng mga kabarkada ko: 

  • Miss, hindi ka pa ba napapagod?  Maghapon ka na kasing tumatakbo sa isipan ko. 

  • Mahilig ka ba sa crayola?  Ikaw kasi nagbibigay kulay sa buhay ko. 

  • Exam ka ba? Gusto na kasi kitang i-take home! 

  • Me lisensya ka ba? Coz you’re driving me crazy. 

  • Naniniwala ka ba sa love at first sight? O gusto mong dumaan ulit ako? 

Iniisip ko lang bakit kelangan pa-cute ang mga pick up lines.  Ang alam ko, ang gusto ng ibang babae, ‘yung may pagka-maginoong medyo brutal.  Dapat ganito: 

  • Hey, para ka namang kulangot, you’re playing hard to get. 

  • Peyborit fud mo ba ang Alpo?  You’re bitchier than my dog. 

  • Para kang kuto,  I can’t get you out of my head. 

Pero ako, hindi ako naniniwala sa mga pick up lines.   Hindi ko naman nadaan si BebeKo sa mga pakyut-cute na ganyan.  Nilaro-laro ko lang  ‘yung pendulum sa harap ni BebeKo sabay sabing ‘Repit apter me…’  “Ampogi ni Badoodles…  Kamuka siya ni George Clooney…”  Mga 100 times siguro na pinaulit-ulit ko sa BebeKo ‘yun sabay suklob sa kanya ng helmet.  Hanggang ngayon, naniniwala pa rin siyang kamuka ko nga si George Clooney.  Oo, kung minsan si Tom Cruise naman.  Tsk tsk, nakakabulag talaga ang pag-ibig. 

Wala lang.  Huling pagbabalik tanaw sa pagkabinata.  Ang pagbabalik tanaw na ito ay hatid sa inyo ng Rhea Rubbing Alcohol – di lang pampamilya pang isports pa.





Sitting Beside Poverty

12 11 2007

Pag buhay Maynila patibayan ng sikmura.  Ang mahina ang diskarte nahoholdap.  Mula nang maholdap ako sa aircon bus, sirang plakang advice sakin ng mga kumpare ko, mag-ordinary bus na lang.  At least dun small time holdaper lang.  Pag aircon sakyan mo mga de-granada saka de calibre 45 ‘yung itututok sa ‘yo.  Pag ordinary bus naman, kutsarang pinatalim lang o bolpen na nagtatae ang malamang itutusok sa tagiliran mo.  Okay na ‘yun.  Kaso pag tinira naman ako ng holdaper ng bolpen Flash News agad – isang lalaki tinira ng bolpen na nagtatae sa kili-kili kritikal ang kondisyon ngayon sa ospital.  At pag natuluyan pa, ano na lang sasabihin ko kay San Pedro sa kanyang Records book ng cause of death.  Death by crying bolpen?  Nakakahiya kaya ‘yun, permanent record ko na sa langit ‘yun.  Sobrang tangengot ko naman pag nangyari sakin ‘yun.  Pero dahil nga masunurin din akong kaibigan, nag-oordinary bus na nga ako pag-uwi. 

Mahirap sumakay sa ordinary bus, most lykly ang makakatabi mo kung hindi taong grasa e hitit-rugby boys.  Ang hilig ko pa namang makipagkwentuhan with a total stranger para di mapanis ang laway.  Ang hirap kausap pag rugby boys.  Kung kwentuhang Marimar kaya ko pang sabayan pero pag dumating na sa puntong “Pare, ano kaya itsura ni God?” o kaya analysis tungkol sa totnakan ng mga asong kalye sa gabi, nagsa-shutdown bigla ang brain cells ko diyan.  Sa unang tanong, ang alam ko lang, malayong magkamukha si God saka Cristina Aguilera.  Dun sa pangalawa, matagal ka nang diyeta malamang nang-iinggit ang mga asong kalyeng ‘yun.  “Awooo!  Di ka ba naiinggit?  Ha?  Awoooh… dog-style to men”.   

Nasa bandang Alabang na nang may sumakay na tatlong dalaginding na gusgusin.  Tantiya ko nasa edad katorse hanggang disi-sais – ‘yung dalawa buntis, ‘yung isa bungal kamuka ni Chitaeh.  Malamang pag babae ka tapos kamuka mo si Chitaeh di ka talaga mabubuntis kahit pa mga lasenggong duling na manyakis makakita sa ‘yo.  Maingay kaya halatang durog ‘yung dalawa.  Tumabi sa ‘kin si bungal, maingay habang kumakanta ng ‘To da lep, To da lep” ni Beyonce sabay iling iling ng ulo.  Putek, baka maglalaglagan ang mga kuto.  Kung mamalasin ka naman.  Mamya nahiya yata kaya bumalik sa tabi ng mga kasama na nakasalampak sa gilid ng pintuan ng bus.     “Tangena, hwag ka nga sakin tumabi ambaho mo”, saway nung medyo nakakatanda sa grupo.  “Ikaw kaya amoy tae.  Hahaha!”.  Sa kabila ng kahirapan, may sense of humor pa din.  ‘Yung isa may hiya, “Tumahimik nga kayo mga abnormalayts kayo, baka pagkamalan tayong magnanakaw”.  Parang bumilib tuloy ako dun sa isa. 

Panay singhot ni bungal sa plastik na hawak.  Gutom na siguro.  Sinaway ng isa, “Ampotah, wag ka nga dito mag-rugby”.  Pasimple kong inabot ‘yung isangdaang piso dun sa sumaway kanina saka pabulong na sabi,  “Pangkain mga kids”.  Pamasahe ko pa sana ‘yun bukas.  Utang na lang ulit ako kay BebeKo.  Nakita agad ni bungal kaya tumabi ulit sa ‘kin, “Baket siya lang kuya, ako din”, lango ang mata habang dinudutdot ang braso kong malaki [talagang siningit pang sabihing malaki].  “O teka andumi mo baka kumapit sa polo ko, hirap kayang labhan yan”.  Inabot ko ang singkwenta pesos.  Putek talaga, nakikilan pa ako.  Daig pa nito ang MMDA boys.  

“Ambait mo naman kuya.  Lam mo kuya, kamuka mo ‘yung ex-boypren ko”.   Ngiti lang ako.  “Basurero ‘yun”.  Toink.    Langya, mukang basurero pala ako.  May future sa comedy ‘tong batang ‘to.  Ako si Dolphy tapos siya naman ‘yung side kick na pinapalo sa ulo ng diyaryong nakarolyo.  Gusto ko ngang sampolan kaso wala akong dalang martilyo.   

Pero ang totoo, sobrang apekted ako kasi mga murang edad pa lang sila, alam mong wala nang direksiyon ang buhay.  Bad trip ako pero di ko alam kung sinong dapat sisihin kung bakit may ganitong mga taong napapabayaan.  Gusto ko ngang suntukin ‘yung bintana ng bus sa di maipaliwanag na galit kaso napag-isip isip ko masakit din ‘yun. Wag na lang. 





What Men Can’t Do

5 11 2007

May mga babaeng nagrereklamo, ‘bakit ang lalake pedeng mangaliwa pero ang babae hindi pwede?’.  Tanggapin na natin ‘yun.  Ganun talaga.  Pero di lang naman babae ang nado-double standard sa lipunan.  Ayon sa aking masusing pakikipag-inuman, bar room story telling, at kung sino-sino pang nakakakwentuhan – rich, poor, doctor, meyor, meron din naman kaming di pwedeng gawin na ok lang gawin ng mga babae.   

Tulad na lang sa pangalan.   ‘Pag babae ang gumamit ng panlalakeng pangalan tulad ng ‘Billie, Ian, Jordan’  e ang cool pakinggan.  ‘Pag nakikipagkilala, “Hi, I’m Billie and dis is my foxy fren Ian, we’re wondering if we can fuck your brains out”.  Nakakalibog pakinggan.  Pero pag boys at ang pangalan namin ay pambabae, “[in big deep voice]  Hi I’m Jenifer and dis is my pren pareng Susan.  Ahh.. we’re wondering if we can fuck your brains out?”  Tangena di ko alam kung di pa kayo tumakbo sa takot.   

Ang babae pedeng magpasama sa kaibigang babae sa CR.  ‘Girl, powder tayo sa CR.  Retouch kita’.  Ayos lang, bonding moment ng mga babae.  Pero pag kami, ‘Pare, samahan mo nga akong juminggel sa CR.  Pa-assist ha’.  Pucha, di ba nakakakilabot-bulbol pakinggan?   

Hot chic ang babaeng naka-t-back.  Isipin mo na lang kung kami naman ang naka-t-back.  Ang hirap nun, kelangan ng sandamakmak na talent para balansehin ‘yung betlogs namin.  At hindi pwedeng ‘yung dalawang itlog ang naka-‘sakay’ sa t-back, siguradong nakalaylay ‘yung isa.  Hindi ba mas unfair ang mundo sa min?  Hem ay rayt chocolayt?   

Kaya payo ko, let’s accept things we can’t change, sabi yan ni St. Francis of Assissi.  Ang aangal pupunta sa hell.