Sitting Beside Poverty

12 11 2007

Pag buhay Maynila patibayan ng sikmura.  Ang mahina ang diskarte nahoholdap.  Mula nang maholdap ako sa aircon bus, sirang plakang advice sakin ng mga kumpare ko, mag-ordinary bus na lang.  At least dun small time holdaper lang.  Pag aircon sakyan mo mga de-granada saka de calibre 45 ‘yung itututok sa ‘yo.  Pag ordinary bus naman, kutsarang pinatalim lang o bolpen na nagtatae ang malamang itutusok sa tagiliran mo.  Okay na ‘yun.  Kaso pag tinira naman ako ng holdaper ng bolpen Flash News agad – isang lalaki tinira ng bolpen na nagtatae sa kili-kili kritikal ang kondisyon ngayon sa ospital.  At pag natuluyan pa, ano na lang sasabihin ko kay San Pedro sa kanyang Records book ng cause of death.  Death by crying bolpen?  Nakakahiya kaya ‘yun, permanent record ko na sa langit ‘yun.  Sobrang tangengot ko naman pag nangyari sakin ‘yun.  Pero dahil nga masunurin din akong kaibigan, nag-oordinary bus na nga ako pag-uwi. 

Mahirap sumakay sa ordinary bus, most lykly ang makakatabi mo kung hindi taong grasa e hitit-rugby boys.  Ang hilig ko pa namang makipagkwentuhan with a total stranger para di mapanis ang laway.  Ang hirap kausap pag rugby boys.  Kung kwentuhang Marimar kaya ko pang sabayan pero pag dumating na sa puntong “Pare, ano kaya itsura ni God?” o kaya analysis tungkol sa totnakan ng mga asong kalye sa gabi, nagsa-shutdown bigla ang brain cells ko diyan.  Sa unang tanong, ang alam ko lang, malayong magkamukha si God saka Cristina Aguilera.  Dun sa pangalawa, matagal ka nang diyeta malamang nang-iinggit ang mga asong kalyeng ‘yun.  “Awooo!  Di ka ba naiinggit?  Ha?  Awoooh… dog-style to men”.   

Nasa bandang Alabang na nang may sumakay na tatlong dalaginding na gusgusin.  Tantiya ko nasa edad katorse hanggang disi-sais – ‘yung dalawa buntis, ‘yung isa bungal kamuka ni Chitaeh.  Malamang pag babae ka tapos kamuka mo si Chitaeh di ka talaga mabubuntis kahit pa mga lasenggong duling na manyakis makakita sa ‘yo.  Maingay kaya halatang durog ‘yung dalawa.  Tumabi sa ‘kin si bungal, maingay habang kumakanta ng ‘To da lep, To da lep” ni Beyonce sabay iling iling ng ulo.  Putek, baka maglalaglagan ang mga kuto.  Kung mamalasin ka naman.  Mamya nahiya yata kaya bumalik sa tabi ng mga kasama na nakasalampak sa gilid ng pintuan ng bus.     “Tangena, hwag ka nga sakin tumabi ambaho mo”, saway nung medyo nakakatanda sa grupo.  “Ikaw kaya amoy tae.  Hahaha!”.  Sa kabila ng kahirapan, may sense of humor pa din.  ‘Yung isa may hiya, “Tumahimik nga kayo mga abnormalayts kayo, baka pagkamalan tayong magnanakaw”.  Parang bumilib tuloy ako dun sa isa. 

Panay singhot ni bungal sa plastik na hawak.  Gutom na siguro.  Sinaway ng isa, “Ampotah, wag ka nga dito mag-rugby”.  Pasimple kong inabot ‘yung isangdaang piso dun sa sumaway kanina saka pabulong na sabi,  “Pangkain mga kids”.  Pamasahe ko pa sana ‘yun bukas.  Utang na lang ulit ako kay BebeKo.  Nakita agad ni bungal kaya tumabi ulit sa ‘kin, “Baket siya lang kuya, ako din”, lango ang mata habang dinudutdot ang braso kong malaki [talagang siningit pang sabihing malaki].  “O teka andumi mo baka kumapit sa polo ko, hirap kayang labhan yan”.  Inabot ko ang singkwenta pesos.  Putek talaga, nakikilan pa ako.  Daig pa nito ang MMDA boys.  

“Ambait mo naman kuya.  Lam mo kuya, kamuka mo ‘yung ex-boypren ko”.   Ngiti lang ako.  “Basurero ‘yun”.  Toink.    Langya, mukang basurero pala ako.  May future sa comedy ‘tong batang ‘to.  Ako si Dolphy tapos siya naman ‘yung side kick na pinapalo sa ulo ng diyaryong nakarolyo.  Gusto ko ngang sampolan kaso wala akong dalang martilyo.   

Pero ang totoo, sobrang apekted ako kasi mga murang edad pa lang sila, alam mong wala nang direksiyon ang buhay.  Bad trip ako pero di ko alam kung sinong dapat sisihin kung bakit may ganitong mga taong napapabayaan.  Gusto ko ngang suntukin ‘yung bintana ng bus sa di maipaliwanag na galit kaso napag-isip isip ko masakit din ‘yun. Wag na lang. 

Advertisements

Mga Tugon

Information

139 responses

12 11 2007
Saudi Prince

isa itong site na lagi ko nabibisita dahil sa pagiging totoo sa lahat ng naiblog mo. Kudos, I am a fan of yours. You’re doing great in writing and its really moving… the last piece “Rode on a Bus and Sat Beside Poverty” napakalalim ng sense ng kwento but admirable trait na hayaan mong maholdap ka openly under the premise of kindness, hehe. good luck and please write more.

12 11 2007
MARU

“‘yung isa bungal kamuka ni Chitaeh. Malamang pag babae ka tapos kamuka mo si Chitaeh di ka talaga mabubuntis” —malamang sabog din yung tumira dun kay “kamuka-ni-chitaeh”. tsaka malamang tinakpan ng kalendaryo ng Tanduay na may piktyur ni katrina halili ang mukha nun habang nagtitirahan sila.
Diyan ka bibilib sa pagiging madiskarte ng mga pinoy pagdating sa kalibugan. Kahit nakatira sa kariton ang mag asawa eh nakaka-apat pa na anak. Minsan iniisip ko kung paano sila nagkakayarian eh wala man lang sila privacy.

“Bad trip ako pero di ko alam kung sinong dapat sisihin kung bakit may ganitong mga taong napapabayaan.” —— Sa ganang akin, nasa magulang talaga nakasasalay ang kahihinatnan ng anak.

12 11 2007
badoodles

@saudi prince hwaw naman pareng neo, baka maniwala na akong sensible nga akong tao. baka naman kainuman kita naglolokohan na tayo. hahaha! biro lang. salamat pare. dami kong nakikita dito sa menila na pulos bago sakin.

12 11 2007
badoodles

@maru un nga naiisip ko mare pero tignan mo anong klaseng utak meron mga magulang nun. ayokong magjudge kasi di naman sila books. iniisip ko, makakakaya ko kayang pabayaan ung mga kids ko pag meron na din akong mga anak. kaw din, lam ko dami mo nang sacrifices para sa anak mo. di ko talaga maisip na kaya nilang pabayaan. pramis.

12 11 2007
phot

mr. badoodles, pinapasaya nyo ang malungkot na bata tulad ko. Ü
nakakatuwa naman ikaw. sasabihin ko din sa papa ko na sa ordinaryong bus na lang sumakay kasi natengga din ang isangdaan nya na dapat baon ko. tsk3. salamat po sa advice. Ü

12 11 2007
badoodles

@phot haha! katuwa ka naman.

12 11 2007
Culture Shiok! OFW

Pers taym ko po dito…. at mukhang madadalas. Hindi naman madaling kalimutan… Kwentong Barbero dot com 😉

12 11 2007
iceyelo

Ampotah Nonoy hehehe. Ngayon lang ako nakabisita dito. Mustah na? Mabait ka pa din eh noh? kaya nga hanggang ngayon Idol Pa din kita. whehehehe.

12 11 2007
tim ang

ang taray ni Saudi Prince, nakakapagtagalog. wala lang.

natawa ako sa tatlong babae, pwede ng Filipino version ng Destiny’s Child.

12 11 2007
antuken

disturbing minsan talaga ang ganyan. ako, sa pagb-byahe ko, marami rin ako nakikitang mga singhot-rugby boys. minsan nga kitang-kita na ng mga pulis, wala pa rin ginagawa. kakaawa sila. kaya nga ang advise ko malimit sa mga mapupusok kong kasama sa work, ingat lagi. madali gumawa ng baby. mahirap magpalaki. magpa-aral. malimit nga ngayon ang raket ng mga bata sa jeep, habang naka-stop, sasakay tapos isa-isang inaabutan ng envelop ang mga pasahero. asking for some money. ako, i never give money. i give them food instead. mahirap na. baka sa rugby lang ulet mapunta ang konting perang maibibigay ko (kuripot ako, hehe).

natawa naman ako sa siningit mong ‘braso kong malaki’. haha. sino ba pinapayabangan mo? hehehe.

12 11 2007
Saudi Prince

@tim ang –di lang po tagalog, I can also speak ilonggo at arabic jejeje. sa riyadh po ako -kaya Saudi Prince…thx

12 11 2007
iceyelo

Antuken, wag ka maniniwala jan kay nonoy. tiyan lang niyan malaki. hehehe. Joke lang rexxy

13 11 2007
Chi

di lang sa pilipinas ganyan ang situation. mas malalala pa nga yata sa mga bansa sa africa at war-ravaged middle east. pag nanonood ako ng discovery channel, lagi kong naaabutan yung episode nila sa civil war spreading all over africa causing hunger, drought and sandamakmak na sakit. nakakaguilty tuloy gumastos ng pang mcdo habang isang pirasong french fries eh pinag aagawan nila. at sa tanong mo kung sinong may kasalanan kung bakit may mga taong napapabayaan, eh malamang sila yung may sahod na maraming zero sa dulo at mala 5-star hotel ang bahay pero malamang walang aamin at magtuturuan lang sila. pero meron naman tayong magagawa eh. and since maraming nagbabasa ng blog mo eh mag aadvertise na rin ako. if you guys wanna be part of ending world hunger, visit: http://www.freerice.com/index.php – ang taong busog makes a difference in the world 🙂

13 11 2007
Lenggai

Madalas akong nakakainterbyu ng mga ganyan, nakakaawa kung sa nakakaawa, pero lam mo, mas bilib pa rin ako dun sa mga hindi nagiging defeatist ang attitude… Lemme eksplain… Oo na’t kasalanan ng magulang kung bat sila wala sa skul, kasalanan ng lipunan kung bat feeling nila ok lang na nakikipagtirahan ka @ age 14, pero may mga bagay kasing nakokontrol mo, may mga bagay na hindi… yung external factors: parents, lipunan, media, PGMA, ako… di nila makokontrol. Sarili nila, kaya nilang kontrolin. Sabihin man nating walang naggaguide sa kanila na good example, kung gusto nilang ma-improve ang sarili nila, they CAN find a way. May mga yumayaman na mahirap. May talagang malas na wala talagang kapera-pera. Wag silang mag-inarte na porke mahirap sila, wala nang pag-asa… Life can be good… It’s all in the attitude, dude… Bakit si Manny Villar?! (honestly? mahirap siya talaga?!)

13 11 2007
angmahalay

idol badoodz ang lufet mo tlaga!!!1st tym ko mag comment pro lagi ako ngbbsa ng mga writings mo…haaaaaaayy naku nkk awa tlaga ang mga batang nabangit mo s story mo..dami ko din nkkta na mga gnyan nung nsa manila p ko..tlagang npka daming mga bata ang lulong sa rugby and solvent..sna my gawing action ang government ntin regarding sa problem n yan..hndi ung pro kurakot ang alam..d nila alam every peso na binubulsa nila 10 children ang nag sa-suffer…keep up the good writings idol badoodz!!god bless!!

13 11 2007
Krisjasper

Kawawa naman sila.. Sana may hope pa.

Na depress ako sa post mo.. Inom muna ako ng Citalopram tablets ko…

13 11 2007
witchy

oi… ganda dito ahh…

13 11 2007
angel

kahit papano, narealize ko na mswerte pa rin ako kase may mga magulang pa ko na tumutustos ng pag-aaral ko at nabibigay pa ang luho ko.

13 11 2007
jeckass

sana makasabay din kita sir badoodles sa bus. biyaheng makati to alabang din ang sinasakyan ko. pag may nakita kang payat na mukhang nagra-rugby at butas-butas ang damit pero gwapo, ako yun. bigyan mo rin ako ng pera pero sana lampas isandaan naman..hehehe

astig ka talaga sir. you never fail to make us laugh while instilling the real hardships of life. we live in a goddamn country. at sobrang sakit isipin na dahil sa kahirapan ng buhay, nawawalan ng patutunguhan ang ibang kabataan natin. i just hope that through blogs, people will get involve and take actions about this, and that includes me. keep it up badoodz!

13 11 2007
bruhilda

sa tanong mo kung sinong dapat sisihin kung bakit may mga ganitong taong napapabayaan? kanino nga ba? sa lipunan? sa mga tamad na tao na walang ibang ginawa kundi mag-antay ng grasya? sa mga magulang? sabihin na nating ang pagdidisiplina ay nagmumula sa tahanan. sa bahay tayo unang natototo bago sa eskwelahan. pero pano kung mali ang pagpapakali ng magulang sa anak? dahil iba din ang nakalakihan nila at yun ang alam nilang tama. hindi din natin sila masisisi. kung iba ang pananaw nila sa buhay. mahirap kasing mag judge ng isang tao na hindi natin alam ang pinagmulan at kinalakhan.

maraming kabataan ngayon ang naliligaw ng landas maraming nabubuntis ng wala sa tamang panahon kundi naman nagiging adik at iba pa. kadalasan hindi na nila iniisip ang magiging konsekwensya ng kanilang ginagawa basta ang alam nila masaya at kuntento na sila sa buhay nila. minsan nahirap talagang sagutin ang tanong na sa iba ay ipinagwawalang-bahala lang. 🙂

13 11 2007
cdy173

It is a pity talaga na almost everywhere dito sa ating country ay may makikita kang napapariwarang mga kabataan.Madalas nga pag nakakakita ako ng mga ganito naaalala ko kaagad ang anak ko at i told to myself na di ko hahayaang mapariwara ang aking anak and I will do my very best para ma-guide sya even in a very early age.
Maraming mga factors kung bakit may naliligaw ng landas.Of course family is one kasi sila dapat ang gumagabay sa mga bata at nagtuturo ng tama,ang society na ginagalawan natin kung saan nagkalat ang mga bad influences, the government,etc.Madami pwedeng sisihin but I still believe that everyone is responsible to his action.Choice pa rin natin kung magpapakapariwara ba tau o live a meaningful life despite all the hardships and problems..
Great to know that meron pa ring tulad mo na concern at willing tumulong sa kanila..Pag naging hampas lupa ako hahanapin kita..abutan mo rin ako ha.. 😉

13 11 2007
gasti

ang gara nga ng mga pulubi ngyon eh dati sa may ilalim ng tulay sa cubao mga 5pm ng hapon siguro yun nakakita ako ng pulubing nagtitirahan..tapos andaming nagkalat na punas sapatos kids…pag tinanong mo yung karamihan sa kanila galing probinsya at nakipagsapalaran sa Maynila..kala kasi nila madali ang buhay dito.

13 11 2007
McRey

Nyahahaha…

Astig! Irreplacable pa ang kinakanta… Siguro nasa The Fort din si “bungal” noong konsert ni beyonsay….

Nyahahaha… Buti nga ikaw nakikilan ng pera, ako pagkain! Grabe nakakatroma yun, baliw pa naman yung humamblot ng porkchop ko…

Okay lang naman kasi matatapos na rin ako…pero pwede namang sabihin: “Akin na lang porkchop mo!” sabay kindat parang si Pussy ng Shrek.

13 11 2007
badoodles

@culturshiok salamat sa pagbisita d peymous ofw vet in singapore. welkam, welkam.

13 11 2007
badoodles

@iceyelo langya bro dito pa tau nagkabanggaan ulit. tagay muna fpj. hahaha! ok ung site mo may buk rebyu pa. ok yan. lam mo namang frustrated buk reader ako. salamat sa pagpapahiram ng angels n demons nung panahong pancit canton pa lang kaya kong bilhin. link u up.

13 11 2007
badoodles

@tim ang muka nga. mga baluga itsura naalala ko tuloy bigla ung bunso naming kapatid. hehe.

13 11 2007
dhez

alam mo bilib n tlga ako syo.. everytime na binibisita ko ang tahanan mo e… wlng way na pinapasmile mo kmi sa mga sinusulat mo… ayos yan…. cge, sulat lang ng sulat! 😉

13 11 2007
badoodles

@antuken hahaha! baka lang may nakatingin. ako din nagbibigay ng fud kung may extra money pambili ng jolibee. at least kahit minsan matikman din nila ung peyborit kong sundae saka super meal. 😉

13 11 2007
badoodles

@ice yelo tado. kaw nga din lumalaki na tiyan. katakawan sa chiks. haha!

13 11 2007
badoodles

@chi asteeeg! maglalaro ka lang sa site na yan may charity works pa. san ka pa. hehe. tnx por sharing us d site. maglaro nga din ng makaproduce ng panlugaw. 😉

13 11 2007
badoodles

@lenggai beri well said. kaya nga bumilib ako dun sa isang pulubi kasi given d kind of environment [or situation] dey hev, naiisip pa nya kung pano ung pulicly acceptable behavior. may choice pero walang opportunity. kung tau nga na medyo nabiyayaan ng konti anhirap pang makahanap ng oportunidad, naiisip ko pano na kaya silang walang walang wala talaga.

13 11 2007
badoodles

@angmahalay we’re caught in a trap na parang d only way to go is down. wala lang. worries ko lang. is der something so wrong wid the system? di ko alam. sana may sagot si madam auring.

13 11 2007
badoodles

@krisjasper ano un anti-depressant?. anyhoot,. swerte ka dude, ur in a different place and worlds apart sa atin.

13 11 2007
badoodles

@witchy welkam, welkam sa talakayang nakow naging seryosohan na. wala bang intermission number jan? haha!

13 11 2007
badoodles

@angel what we hev we shuld be tenkful about. parang ayaw ko na tuloy mag ordinary bus. it’s sooo. depressing. 😉

13 11 2007
badoodles

@jeckass anung nangyari sa avatar mu? nagtransform ba.

baka nagkakasabayan tau sa bus di lang natin alam. nabasa ko sa time, ang mga mobile society’s [we’re we are currently at] dun mataas ang crime, apathy, panty etc. umaygad is dis me? naging seryosohan na to ah. nakow.

13 11 2007
badoodles

@bruhilda in pernes sobrang apekted taung lahat ah. anhahaba ng commens natin pantapat sa post. hahaha! rytly said bru.

13 11 2007
badoodles

@cdy173 ako dun ganyan naiisip ko. pag nagkapamilya na din, id make gud para wala nang madagdag na bad elements sa lipunan. i will be a super hero. 😉

13 11 2007
badoodles

@gasti kaya nga, bakit sila dito nagsisiksikan sa manila eh rat race dito. sa probinsiya, may limang piso ka lang buhay ka na. ang hilig magsapalaran hirap kaya dito.

13 11 2007
badoodles

@mcrey baka nga. andun sa labas ng da fort nakikidinig na lang saka taga turo ng cr. to da lep! to da lep! bakit nga ba toda left? frustrated MMDA ba si beyonce?

13 11 2007
badoodles

@dhez apekted nga ako ngayon diinadaan ko na lang sa patawa para less depressing ung thought. hay naku layp parang buhay. 😉

13 11 2007
MARU

ampft! seryosohan na nga! at mukang may iyakan pa yata na mangyayari dito. nasa Kwentong Barbero ba akesh? naninibago ako a. teka…isang intermission muna. Pakornihan muna:

Sa isang restaurant:

Waitress: How do u want your eggs, sir?
American: Scrambled please….
Chinese: Sunny side up please….
British: Boiled please…
Pinoy: Ala eh, hawakan mo na lang, OK na! 😆

13 11 2007
Jep

ambaet mo sir badoodz! avid reader den ako ng blog mo pero sinasampal talaga ako ng mga writings mo. reality talaga. sana lahat ng tao, tulad mo mag isip. kwela pero ambaet. tuloy nio lang yan sir badoodz!

13 11 2007
badoodles

@maru yesss! hahaha! go go maru! kala ko magtatambling tambling ka na para maibsan ang kalungkutang namamayani sa bawat isa. at ang betlogs joke na yan ay hatid sa inyo ng pulboron ni maru – masarap, mabango, kagat labi pa. 😉

13 11 2007
badoodles

@jep baka naman estudyante kita. nagpapadagdag ka ng grades haha! salamat pareng jep. di naman ako mabait talaga. ewan ko lang. siguro nga. hehe.

13 11 2007
Salve

Kakalungkot, pero nasa lahat ng sulok yata ng Pilipinas ang kahirapan. Di ko alam kung sinong sisisihin–magulango gobyerno. Ewan!

Si Darna na lang siguro at si Superman. hehehe

13 11 2007
badoodles

@salve superman saves d day. bakit ako? hahaha!

13 11 2007
ikabon

makasabat nga po. pipiliin ko sa batman. may kasabihan nga tayo “bahala na si batman”. hehe

ayus po talaga jkayo badoodles magsulat. parang binalutan ng siyensa’t agham ang dating.

13 11 2007
earthlotus

tsk tsk tsk, kaawa-awang nilalang.. haishh..

tama ka ser badoodle. tsk tsk tsk..

sayang, sayang ang kinabukasan nila.. pero kahit anong gawin naten, di yakang mabago ng tuluyan ang buhay nila.. asa magulang nila yun, asa pagpapalaki sa kanila na rin…

pero ewan ko lang, marahil, isa sa mga rason eh ang kahirapan kaya nagiging ganun na ang ilan sa kanila..

nakakaawa.. nakakaawang pinoy. tsk tsk tsk.

13 11 2007
badoodles

@ikabon uu kay batman nga dapat. kakaiba ka naman magdescribe – may pinaghalong siyensiya, sibika at kultura ka pang nalalaman. para naman akong subject sa greyd iskul nyan. 😆

13 11 2007
xienahgirl

ang bait mo naman
100pesos?
magra rugny na rin ako sa tabi mo
haha

ako rin kapag nangti trip
sumasakay ako ng ordinary bus
mga katrabi ko naman
mga construction workers
haha
diosko
gabi na amoy araw pa rin
tsaka
talaga hardcore makatitig yung mga ganon
parang hubad na ako sa diwa nila
haha

kung di lang ako nagtitipid e

13 11 2007
camilleeee

kuya, pag naging bungal ako aabutan mo din ako 100? teheee 😀

di na lang sguro tayo magsisihan, gawin na lang sguro nating ‘eye opener’ ang mga ganitong eksena. na pede tong basehan on making d ryt choice.

13 11 2007
phot

di mo po ako iwe welcome mr. badoodles? >.<
haha.. arte ko. tnx nman natuwa kau saken.. hihi..

13 11 2007
Saudi Prince

Sir badoodles –one day isang araw pa lang ako nawala ang lalim na ng diskurso dito parang maze na may tendency mawawala ako sa flow pag di ko binasa lahat. Well enjoyed ko rin po mga thoughts ng reders mo dito at very active community. Ganun talaga ang magaling pinag piyestahan ng mga langaw.. peace to d world po!

serisouly, it all boils down sa sinaunang salawikain –“education begins at the four corners of our homes”. Kung ang lugar na ating tinitirhan ay di matatawag na home then pag-labas mo sa bahay na yan the real problems begin. Kung ganun ang trend plus we have CORRUPT government (wala na ba mas masahol pa itawag sa kurap?) kaya ang batang lumaki sa ganitong environment will strengthen his life wrongly, being with bad side of the fens –nandun na kawatan, adik, killer, lahat na lang matututunan -then mag-aasawa siya ng sweetie pie na galing din sa ganung world not alien to him kaya they beget another generation of mga tulad nila.

tulong…malalim na itooo… but lahat yan circle of life na dapat palyed well by the home and government to look after the society. hay naku pagod na ako…bukas naman ulit.

Salamat -Saudi Prince

13 11 2007
angmahalay

idol badoodz pwede sakin mo nlang bigay ung money mo ibibili ko ng mighty bond at ididikit ko ang mga ilong ng mga rugby children pra magsara, pra di na cla makasinghot ng rugby tutal ayaw nman nila ng fresh air e…

13 11 2007
antuken

intermission number (parang usapang matindi dito eh), kumbaga half time show time:

2 pinoy gays in a car in LA, when a kano cuts & swerves along car path…

gay1: pakyu, as-hole!
kano: s*ck my d*ck!
gay2: sister, itabi mo, nakikipag-areglo. 😉

13 11 2007
coldman

ngayon ko lang napagtanto na dakila pala ang loob mo. Ang daming pera ha?! hahaha!

14 11 2007
aimiff

Maximus Rexx, bakit di mo gawing libro ang mga kwento mo dito? para naman may kalaban si BOb Ong! idOl na kita!

14 11 2007
kengkay

nakakatawa na kakalungkot na nakakapikon… ang buhay pinoy, bow 🙂 pero sana mas marami ang nakakatawa na nakakataba ng loob ano?

14 11 2007
alphasensei

keri ko lang sumakay sa hataw bus pag hindi puno. pag puno, di ko ma-take, lalo na pag “scented” na ang mga tao.

14 11 2007
Maldito

boss badoods…mahirap din ako….sana pag malyo pa ang sweldo magksabayan din tayu sa bus..hingan kita ng pera..pang allowance bukas..ahehhee…mukhang pulubi din kasi ako…naka dress up lang ng kunti..golden heart ka pala badoods…amen.idol ko na si baluga!!bagong beyonce ng pinas!!

14 11 2007
badoodles

@camilleee di lang isandaan, ninoy pa.

beri gud recitation. i giv u one point. 😉

14 11 2007
badoodles

@phot welkam, welkam phot phot! parang pandesal ah, yan ba talaga tawag sau? ayan may red carpet pa. 😉

14 11 2007
badoodles

@saudi prince magaling yung mga nagbabasa dami ko din natututunan. makakahanap din tau ng solusyon jan. someday we know.

14 11 2007
badoodles

@angmahalay beri gud idea, minsan nga magdala ako ng epoxy. parang imajiin ko tuloy janitor fish tagalanghap ng carbon dioxide.

14 11 2007
badoodles

@antuken hahaha! ayos ang intermission jok jok joke taym matapos ang seryosohang baliktaktakan. wahoo! fyt fyt ulit.

14 11 2007
badoodles

@coldman dude hindi aman. may times na di rin ako nagbibigay lalo na ung kitang kita namang malalakas pa sa kalabaw.

14 11 2007
badoodles

@aimiff hahaha! layo naman ng comparison kay bob ong. mas pogi naman ako dun. haha! biro lang.

14 11 2007
badoodles

@kengkay natumbok mo ung mixed nuts pakiramdam ko. un nga un. in d end, der r still things to be thenkful about.

14 11 2007
badoodles

@alphasensei hahaha! scented? ginawang kandila. nice one.

14 11 2007
badoodles

@maldito kaw? mahirap? baka ikaw pa hingan ko ng tong. haha! peace yo.

14 11 2007
tim ang

akala ko ba one night lang si beyonce dito? mukhang may bus tour pa yata siya dito sa manila.

15 11 2007
Onllarena

Nice blog…

The best part nong mamigay ka ng 100 php heh heh heh.Keep your being kind hearted nakakahawa kasi yan heh heh heh.

Cheers!

15 11 2007
Abad

hello sir, naghahanap ako ng blogs from tuguegarao when i chanced upon your site. Pero asa manila ka pala, at least dito ka galing. I’ll link your site, hope it’s ok.

Napakaganda ng post na ito, matatawa ka pero may saysay saka malalim na mensahe. parang..parang wowowee.

15 11 2007
badoodles

@tim ang oo, beyonce-pulubi version.

15 11 2007
badoodles

@onllarena oo. iniisip ko kasi babalik sakin ten-fold. bale 10% per annum interest. sisingilin ko kasi si God. wehehe. nagkwenta daw.

15 11 2007
badoodles

@abad haha! reminds me of me. gradweyt nako sa kaiiskul hop. tnx por d bisit. link din kita.

15 11 2007
phot

yan po talaga tawag sakin Ü
nung bata pa daw kasi ako ututin ako eh. ayun.
hehe.. waw.. special!! ^_^

15 11 2007
parpol

hello, nice naman ng blog mo :), last night ko lang to navisit and nakakatuwa, pati mga old posts mo binasa ko na pero di pa tapos, dami eh hehe.. anyway, may gus2 din ako ishare na story.. sensya na kung mahaba, sa email ko lang ksi yan nakuha haha share ko lang kasi parang similar sa nangyari sayo 🙂

Author: Unknown

— Start —

Ever since I was diagnosed to have a possible heart enlargement in the last APE, I exerted more effort to do physical exercises. I do jogging during week days and do long – ride mountain biking every Sunday.

But this Sunday is a special Sunday to me. While I was on my way to the mountains of Busay (Cebu) hoping to strengthen my heart by this exercise, instead, I personally encountered a heart-breaking scene that changed me.

I already passed the Marco Polo Plaza (formerly Cebu Plaza Hotel) when I decided to stop to buy bananas at a small carinderia located along the road. I haven’t taken any solid food that morning so I need fruits to have the needed energy to get to my destination – the mountain top. I am almost done eating with the second banana when I noticed two children across the street busily searching the garbage area. “Basureros” I said to myself and quickly turn my attention away from them to sip a small amount of water. I cared less for this kind of children actually; to make it straight, I do not like them, and I do not trust them even more. You see, several times I have been a victim to this kind of children who are pretending to be basureros looking for empty bottles and cans when in fact the ‘plangganas’ , ‘kalderos’, and ‘hinayhays’ are their favorites.

I remember one afternoon while I was watching a Mike Tyson fight when I noticed that the TV screen suddenly became blurred. I checked outside and saw two young basureros running away with my newly installed antenna.

Hatred may be a little bit stronger word to describe my feeling towards these basureros, but I do not like them honestly not till I met these three children.

I was about to embark on my bike again when I heard one of the two children, a girl of about 7 or 8 of age saying aloud to the other , a 12-yr old boy , ” kuya si dodong kuha-a kay nag-sige’g tan-aw sa mga nagkaon, mauwaw ta” (kuya si dodong kunin mo kasi tumitingin sa mga kumain, nakakahiya), only then that I noticed a small boy standing near to me biting slightly his finger. He’s a few inches shorter if compared to my 5-year old son (but I knew later that he’s also 5 yrs. Old). Though he did not ask for food from anyone in the carinderia, the way he looked at the customers who were eating was enough to convince me that he was intensely craving for it. The older boy then quickly crossed the street and gently pulled out the little one who politely obeyed. As I watched the two crossing back the street to the garbage area, I heard the tindera saying ” Lo-oy kaayo nang mga bataa uy, mga buotan ra ba na” (kawawa naman yung mga batang yun mababait pa naman). I learned further from the carinderia owner that the children are from a good family, both parents were working before, and that their father got a stroke 3 years ago and became partially paralized and their mother died of heart attack while their father was still confined at the hospital. The parents were still in their early forties when the catastrophe happened, and the children became basureros since then to meet their daily needs and for their father’s medication.

Deeply moved by what I heard, I went to a nearby bakery and bought 20 pesos worth of bread and gave it to the children who initially refused including the little boy. ” Sige lang noy, salamat na lang, magpalit lang nya mi kung mahalinan na mi” (sige lang po, salamat na lang, bibili na lang po kami mamaya kung makabenta na kami) the young girl said to me. I explained that they need to go home because it started to rain. ” Naanad na man mi ani ” (nasanay na po kami)the girl answered again. Again, I explained that the rain can make them sick and if they’ll become sick there’s no one to take care of their father. Upon mentioning their father, they nodded and acccept the bread but I noticed that the older boy did not eat. When I asked him if he does not like the kind of bread I bought for them he smiled but as he’s about to explain, the little girl, who is the more talker of them interrupted, Domingo man gud ron ,noy, basta Sabado ug Domingo hapon ra siya mokaon kami ra ang mokaon ug pamahaw pero dili na pod mi mokaon inig hapon, si kuya ra. Pero basta Lunes ngadto sa Biyernes, kay klase man , si kuya ra sad ang seguro-on ug papamahaw, kami hapon na sad mi moka-on Pero kung daghan mi ug halin mokaon mi tanan.” (Linggo po kasi ngayon, pag sabado at lingo hapon lang po sya kumakain, kami lang po ang kumakain ng agahan pero di na po kami kakain pagdating ng hapon si kuya lang po. Pero pag lunes hanggang biyernes, kasi may pasok, si kuya lang po nag-aagahan, kami hapunan lang pero kung marami kaming benta kami pong lahat kumakain) she continued. “Ngano man diay ug mokaon mong tanan, bahinon ninyo bisan ug unsa ka gamay?” (bakit kung kumain kayong lahat, hati-hatiin nyo na lang kahit kunti lang ang pagkain?) I countered.

The young girl reasoned out that their father wanted that her older brother to come to school with full stomachs so he can easily catch up the teacher’s lessons. “Inig ka trabaho ni kuya mo undang na man mi ug pamasura, first honor baya na siya” (pag nagkatrabaho si kuya, hihinto kami sa pamamasura, first honor kasi sya) the little boy added proudly.

Maybe I was caught by surprise or I was just overly emotional that my tears started to fall. I then quickly turned my back from them to hide my tears and pretended to pick up my bike from the carinderia where I left it.

I don’t know how many seconds or minutes I spent just to compose myself; pretending again this time that I was mending by bike.

Finally I got on to my bike and approached the three children to bid goodbye to them who in turn casted their grateful smiles at me. I then took a good look at all of them especially to the small boy and pat his head with a pinch in my heart. Though I believe that their positive look at life can easily change their present situation, there is one thing that they can never change; that is, their being motherless. That little boy can no longer taste the sweet embrace, care, and most of all, the love of his mother forever. Nobody can refill the empty gap created by that sudden and untimely death of their mother. Every big event that will happen to their lives will only remind them and make them wish of their mother’s presence.

I reached to my pocket and handed to them my last 100 peso bill which I reserved for our department’s bowling tournament. This time they refused strongly but I jokingly said to the girl ” sumbagon teka ron kung di nimo dawaton” (suntukin kita dyan pag hindi mo tinanggap yan). She smiled as she extended her hand to take the money. ” Salamat noy makapalit gyud me ron ug tambal ni papa ” (salamat po, makakabili kami nito ng gamot ni

papa) she uttered. I then turned to the small boy and though he’s a few

feet away from me, I still noticed that while his right hand was holding the half-filled sack, his left hand was holding a toy? a worn out toy car.

I waved my hands and said bye to him as I drove towards the mountains again. Did he just find the toy in the garbage area or was the toy originally his – when the misfortune did not took place yet? – I did not bother to ask. But one thing is crystal clear to me, that inspite of the boy’s abnormal life, he has not given up his childhood completely. I can sense it from the way he held and stared at his toy.

My meeting with those young basureros made me poorer by 100 pesos. But they changed me and made me richer as to lessons in life are concerned.

From them, I learned that life can change suddenly and may catch me

flatfooted. From them, I’ve learned that even the darkest side of life cannot change the beauty of one’s heart. Those three children, who sometimes cannot eat three times a day, were still able to hold on to what they believe was right. And what a contrast to most of us who are quick to point out to our misfortunes when caught with our mistakes. From them, I’ve learned to hope for things when things seem to go the other way.

Lastly, I know that God cares for them far more than I do. That though He allowed them to experience such a terrible life which our finite minds cannot comprehend, His unquestionable love will surely follow them through.

And in God’s own time they will win.

— End —

sabi ko sau mahaba eh haha, sorry, delete mo na lang kung gusto pero read mo muna ha 😛 (pilitin ba ^^).. cge bye, keep up the good work na lang mr. badoodles 😉

15 11 2007
antuken

ay ginawang blog entry. received that email also.

15 11 2007
bentot1380

nice blog bosing!
napadaan lang po…
na-click lang galing don sa blogniinday heheheh…

comment ko lang don sa dalawang rugby girls na buntis,

kung may dala kang pagkain, chichirya, atbp, pagkain na lang ang ibigay sa kanila kasi kung pera, pambili lang nila ng rugby ulit yun diba…

16 11 2007
chuvaness

you are always entertaining. na touched ako, natuwa at naligayahan na may mga tao palang gaya mo…anlaki mo mag bigay ng TIP..isang daan. whahaha.

napapa LSS tuloy ako ng to da lep to da lep….ahahahahha

16 11 2007
Misyel

Bumalik tuloy sa akin ang eksena noon habang sumasakay-sakay ako ng bus, madami ka ngang mae-encounter na ganyang eksena. Hayyzz, ang bait mo naman para abutan sila ng pera at 100 pesoses ha, hehe… Wish ko lang di napunta sa drugz ang pera na yun.

Ang sarap tumambay dito, nakaka-alis ng problema 🙂

16 11 2007
badoodles

@phot pilyo nman parents mo. pano yan malaki ka na e di malaking phot – ka-boom na tawag sau. haha. biro lang!

16 11 2007
badoodles

@parpol hwaw ang haba! beri moving as well. tinmaan ako right thru. tnx for d share.

16 11 2007
badoodles

@bentot no wori bentot nakita ko naman isang punong bote pa yung rugby nila. nakow, kinunsinti eh. ngano next time magdala ako ng kaning lamig saka tuyo na tira nung almusal just in case.

16 11 2007
badoodles

@chuvaness heckshyuli, bente lang sana ang ibibigay ko kaso baka taasan ako ng kilay sabihing ‘helow? mahal na kaya bigas ngaun.’

16 11 2007
badoodles

@misyel nakita ko naman dun sa pinagbigyan kong isa dat she’s mature enough wats d ryt thing to do wid d money. malaki na pala isandaan? hindi ko alam. haha! ibig sabihin big taym na nga ako. wahaha! joke onli.

16 11 2007
dimaks

ang malupit sa ganito, pati yun konduktor na mapanghi e biglang mapapasandal sayo habang nangongolekta ng pamasahe. yikes talaga yun.. hehe.

16 11 2007
badoodles

@dimaks welkam bak pare! das dat mean for gud? ang nagbabalik blogging community na si dimaks.

16 11 2007
jojie

napakaswerte mo mr. badoodles. aba, minsan lang maikumpara sa isang basurero ha. 😉

16 11 2007
phot

sa kabutinghang palad mr. badoodles, wla pa namang nakakaisip nyan. Thank God. 😀 hehe.. ;P

16 11 2007
parpol

@jojie..di ko naman po nicompare si mr. badoodles sa basurero 😦 .. dun po sa tao na tumulong sa mga basureros.. hehe 😛

16 11 2007
parpol

ay mali yung comment ko haha sorry jojie..amp..erase2x, paki-ignore ng mga comments ko lolz..

16 11 2007
antuken

ey, ni-tag kita. bisita ka saken at nang malaman ang detalye. 🙂

16 11 2007
gerrycho

sa mga ganitong sitwasyon ka magtatanong… pano nga ba ang tamang pagtulong sa kanila… ang bigat na topic nyan…

16 11 2007
shelley

ang bait mo naman…sana makasabay din kita sa bus…treat mo ko pamasahe..hahaha

pwede ba kita add sa tag ko sa site ko?hehehe tnx tnx! =p

17 11 2007
pepe

i wouldnt be surprise if you’re so blessed pare!
keep up the good deeds!
pro next time, give them tinapay k?

hugs!

17 11 2007
monaco

iba ka talaga badoodles!

by the the way, I have something for you in my blog,

http://keyboardmonologues.blogspot.com/2007/11/amazing-bloggers.html

18 11 2007
Jayvee Sacramento

maganda ang intensyon mo na makatulong pero mas maganda kung wag mo silang bigyan ng pera, sana eh binigyan mo na lang sila ng jollibee o dinala mo sila doon sabay abot ng pera. ganun ang ginagawa ko. hindi ako nagbibigay ng pera. pero pag may dala akong tsibog, inaabutan ko yung mga bata.

rule of thumb yan sa public economics. mas mataas ang utility at mas optimal kasi pag binigyan mo ng pera pero mas socially and politically sound na bigyan sila ng pagkain. ang pagkain kasi ay merit good. mas gusto mong kinokonsumo ito ng mga batang kalye dahil mas nakakabuti ito para sa kanilang katawan kasi yang pera mapapambibili pa nila ng mas maraming rugby. papasalamatan ka pa nyan dahil araw-araw silang high. eh ang pagkain mapapasalamatan ka nyan dahil busog sila.

pero kawawa naman yang mga bata. yung ibang magulang din kasi mga tarantado eh pinagtatrabaho ang mga anak sa kalye habang sila nagpapalaki ng ari sa bahay.

18 11 2007
jp

For the first time, ‘speechless’ ako. Sa sobrang dami ng gusto kong sabihin, hindi ko alam kung pano sila sasabihin.

First and foremost, alam ko traumatic na sa iyo sumakay ng aircon na bus. Still, for a few pesos per kilometer, mas kumportable naman ang sakay mo at di mo langhap ang polusyon ng EDSA. Oo nga pala, hindi kaya ng MRT ang biyahe mo? Mas mahal pero mas mabilis.

Besides, prof ka na ata ngayon. Kaninong offer kinagat mo? In the demand ka ata at pinagaagawan ka. Hehehe…

Tama ang sabi ng iba. Mas maigi na pagkain ang ibigay mo. Kasi hindi mo alam kung alin sa kanila ang lehitimong pulubi, alin ang sindikato. Ako lang ba ‘to o mas marami akong nakikitang pulubi na putol ang mga bisig nila. Ito na ba bagong modus ng mga sindikato?

Speaking of bagong raket, iba na ngayon. May ilan na rin akong nasasalubong na humihingi ng limos o ‘pamasahe’ todo porma. Isang beses, hindi ako makahindi. Pero nung dumalas na, napaisip na ako. High tech na ng mga pulubi ngayon.

Another thing. It’s no use playing the blame game. The goverment could only do so much. Hindi nila kayang isa-isahin ang lahat ng pulubi sa Pilipinas at damitin silang lahat. Magpasalamat na lang tayo na we are better off than most people.

Speaking of better off, at least wala tayo sa North Korea na brainwashed tayo na kahit asin lang ang kainin natin ok lang basta masaya si Kim Jung Il, o hindi kaya sa Africa na literal wala na talagang makain mga tao doon.

Kaya sa mga umaangal sa estado ng ating bansa, magpasalamat na lang tayo na hindi tayo Bangledesh o Darfur sa hirap, o di kaya parang Iran na ang gobyerno ay sobra na kung mapanghimasok.

Yun lang na muna. Sa susunod na yung ibang obserbasyon. Partida, speechless ako sa lagay na ito. Hehehe…

19 11 2007
lilmispasaway

koya, isa ka sa mga idol ko dito sa blogosphere 🙂 .. dahil sayo napilitan akong gumawa ng blog ahehe.. ni-add kita sa blogroll ko, fyi 😀 .. keep doing what ur doing, ayt? *beso-beso* ;))

19 11 2007
junanteola

tuwing may lumalapit sa akin na namamalimos, di ko pa rin talaga malaman kung magbibigay o hindi. a part of me says i should be kind, while the other cautions that it might not be the best thing to do. pero give in ako kaagad sa mga bata at sa matatanda.

yeah.. nasa mga magulang ultimately ang responsibilidad para maituwid ang paglaki ng kabataan. pag nagkataong iniluwal(?) ka ng di matinong magulang, patay kang bata ka!

19 11 2007
noime

napaka-suwerte ko na pala. halos mga kasing-edad ko na sila pero di ako nagpapaptira (hehe) at tumitira ng rugby. Alam ko kasi na walang patutunguhan ang ganon. haay. naaawa ako sa kanila.

19 11 2007
lilmispasaway

oo nga naman, may point ka din sir junanteola.. pero meron din po akong gustong ipoint hehe, kung irresponsable ang mga magulang hindi nangangahulugan na magiging panget ang paglaki ng kanilang mga anak.. hindi lang naman sa mga magulang nakasalalay yun eh, madaming factors talaga at naniniwala ako na pwede gawan ng paraan.. kagaya na lang sa esteyts, may social services sila na tumutulong sa mga kabataang katulad nyan, bakit di pwede magawa satin?.. or pwede rin na magsikap ang mga batang yan para maiba naman life nila no kasi kung hindi , malamang mauulit na naman yan sa susunod na henerasyon nila.. haay, nakaka-sad naman ang post na to 😦

19 11 2007
karol

badoodles! hehe. as usual, nakakatawa na naman. pero nakakalungkot din, ano. babae pa, tas buntis. haaay…

19 11 2007
badoodles

@jojitah on second tot, tama ka jan. 😉

19 11 2007
badoodles

@phot wag lang may siraulong biglang nag-isip. lagot. 😉 in perness, kyut naman pangalang binigay sau.

19 11 2007
badoodles

@antuken hwaw! tagal ko nang di nata-tag. sige, sige bisitahin kita mare.

19 11 2007
badoodles

@gerrycho dude, di mo ba nakikita putok na ilong saka tumbong ko. hebigaten nga eh. :mrgreen:

19 11 2007
badoodles

@shelly by all means, go go! sige add din kita sa blogroll ko. 😉

19 11 2007
badoodles

@pepe dami nang hugs yan ah. san ba, sa betlogs? haha biro lang.

19 11 2007
badoodles

@monaco salamat marami por being one of ur amazing bloggers. uu nadaan na nga pala ako di pa ako nagpapasalamt sau. em beri plattered like platter. tnx marami.

19 11 2007
badoodles

@jayvee sacramento in da haus! daming tots nyan kelangan ko munang i-process. but i got ur point. sakin kasi as a general rule, di talaga ako nagbibigay sa mga nanlilimos lalo na kung sinlaki naman ng bakulaw – kaya pang magtarbaho ng mga un. ako ung mismong nagbibigay kahit hindi manghingi kasi alam ko ung gutom – galing ako dun eh. [hwaw! parang politiko]. sabi nga sa pelikulang shooter ‘dis country is made up of hevs and hev nots’. wala lang, nasabi ko lang. hahanapan ko muna ng connection. pero seriusli uv got d gem of thoughts. m considering it.

19 11 2007
badoodles

@jp pare ko, speechless ka pa ng lagay na yan. hindi nna nga ako tinawagan ng dela salle, may nagtimbre sigurong manyakis ako. di naman talaga ako manyakis – lapitin lang. haha!

may na-meet na din ako tulad ng sinasabi mo. kala mo executive sa makati pero nanghihingi ng love offering. magkano kaya ang dapat ibigay kung hate offering ang gusto ko?

tnx dude.

19 11 2007
badoodles

@lilmispasaway waw naman. dumadami na ang species nating pinoy bloggers. tenk, hello world daw? hehe. 😉

19 11 2007
badoodles

@docjun may pormula nga ako 80-20. 80% ng mga patapon na tao sa lipunan galing sa 20% ng mahihirap. wala lang. gusto ko lang lagyan ng percent-percent para tunog intelektwal. 😉

19 11 2007
badoodles

@noimee dat’s bec u hev a choice and d opportunity para maging isang mabuting tao sa lipunan. lucky us. 😉

19 11 2007
badoodles

@lilmis tama ka jan, nakakalungkot. and surprisingly, pinaka-mindo boggling post. dami nag-komment. ibig sabihin der s always a part of ourselves na gustong baguhin ang lipunan for d better. 😉

19 11 2007
badoodles

@karol nakow, antagal bago bumisita. heniways, na-miss ka naming lahat. 😉

20 11 2007
jp

80-20? Scientific theory yan of efficiency. Sabi daw, sa isang oras o sa isang chunk ng timeline/gantt chart, 20% efficient ng oras nagagamit ng mabuti, yung 80% nauubos kaka-blog, chat, email, telebabad, punta cr, liwaliw, extended lunch, power nap, etc. 😆

Kala ko may ibang schools pa na lumapit sayo? Punta ka Benilde. Pag sinabi ng estudyante na, “Sir, I’ll do anything.” Literal yan. Huwag lang lalaki magsabi sayo niyan. 😆

Kambyo lang ako. Tumitino na ang CSB. Kaya wag na silang ismolin. Ganda ng bagong building nila.

Speaking of love offering, may lumapit sa akin isang araw binibigay daw parang painting ni Jesus sa bato. Maayos naman pagkakagawa so kinuha ko. Kala ko libre.

Sabay pinilit na mag-donate ako. Bigay ako bente. Aba, tumawad pa. SIngkwenta daw! Hanep sa raket.

Umagang-umaga bad trip ako at may dala akong puting bato (parang marble naman) papuntang school. Dalawang oras pa biyahe ko non.

Ito pa pala isang tip na natanggap ko mula sa kaibigan kong nasa NGO. Huwag daw bumili mula sa mga child labourers at huwag din silang bigyan ng limos. Bakit? Kasi masasanay sila sa ganon. Iniisip nila na kumikita pala sila sa ginagawa nila, itutuloy nila. Tsaka, ang punto nga doon, child labour yon. Bawal sa batas yon. At least sa UNICEF universal statute.

Still, the IDEAL (with emphasis iyan) is that kung matino ang social welfare system ng isang bansa, doon dapat sila pinapadala para may magaalaga sa kanila.

Kung may iishare pa ako dito sa topic na ito, ipopost ko na lang ulit sa susunod.

22 11 2007
maktub

ambait mo kuya .. 🙂 good karma!

23 11 2007
rhiana13

Naks naman sir, the good samarithan… =)

26 11 2007
bangketa|streak

ahah natawa ako sa mag description eh pero muhkang may halong pagmamahal ang pag describe..ahah ang sweet ng dating eh..!!..

30 11 2007
badoodles

@jp dami kong natutunan sau. applicable din pala sa gantt chart ung 80-20. tado ka na-guilty pa tuloy ako. hehe.

tumawag din ang benilde. di ko nga alam kung niloloko lang ako kasi palaging ‘sir r u interested to lecture on saturdays?’. putek, ganung ganun din sa canlubang e wala namang nangyari. nagdadalawang isip din ako kung magtuturo pa din by jan 2008. kasal ko kaya ng dec e extended honeymoon period yown. haha!

30 11 2007
badoodles

@maktub oo. un nga din iniisip ko. bale by 2010, dpat malaki na interest nun pag bumalik sakin. haha. wakokok.

30 11 2007
badoodles

@rhiana13 hehe. di ba nga nanlibre ako non ng mcdo? haha, wala ka na pala sa info non. 😉

30 11 2007
badoodles

@bangketa streak long time no hear. kala ko nakalimutan mo na ako weh.

1 12 2007
jp

Ganon ba? Unahin mo muna yung honeymoon mo. May next term/next school year pa naman para magturo ulit. 😀

1 12 2007
badoodles

@jp most lykly ganon nga siguro gagawin ko. lets see.

7 12 2007
thrish

pangalawang beses ko na ata dumaan dito, pero eto na kauna-unahang comment ko..

sana isang beses makatabi kita sa bus..
“kuya, reader ako sa blog mo, enge pang-kain”

anyway, di pa rin talaga maalis sa isip ko na may possibility na ikaw ay isang kamag-anak, katropa, kaano ano ni bob ong.

~napadaan.

8 12 2007
badoodles

@thrish pero dapat magmuka ka munang gusgusin para merong ‘awa factor’ hehe.

di ko kamag-anak si bob. di ko pa din siya nababasa dahil natatakot akong malaman na baka totoo ngang magkapareho kami. pero alam ko hindi. malayo namang ma-sex appeal ako dun. haha! biro lang. institusion naman ung si bob.

14 12 2007
disipoo ni badoodles

amf.. di ako makatawa ng mabuti sa pc shop. talaga palang nakakahiya tumawa ng mgisa lalo pag tahimik at andami tao…waaaaah. hehe. ps. post ka naman ng pic mo papa!! gusto ko nakakagat labi hahah.

14 12 2007
disipolo ni badoodles

amf.. di ako makatawa ng mabuti sa pc shop. talaga palang nakakahiya tumawa ng mgisa lalo pag tahimik at andami tao…waaaaah. hehe. ps. post ka naman ng pic mo papa!! gusto ko nakakagat labi hahah.

@disipolo di bagay sa kin kagat labi, parang kumekerengkeng na si batista ang labas

8 02 2008
byterslair

that’s why, i don’t like big cities. buti pa dito s’min kahit mahirap hindi ganon ka worst at ka desperado ang buhay.

badoodles @byterslair tama. mahirap dito, pag pumalo na sa isang daang piso ang ‘budget meter’ mo, di ka na makagalaw. ur broke and u belong to d poverty line. e sa probinsiya, sa isang daang piso kasama ka pa sa antas ng mayayaman. hayzz [kamot ulo]

3 06 2008
koi@thai

natawa talaga ako sa mga lenguwaheng binitawan mo rito,, maski na malungkot ako sa office dito sa Bangkok, bigla akong natawa,, keep up ! koi@thai

15 02 2009
4 10 2014
Boom Beach Cheats Iphone

I like the helpful information you provide for your articles.
I’ll bookmark your weblog and take a look at once more here regularly.
I am reasonably certain I will learn a lot of new stuff
right right here! Good luck for the next!

9 10 2014
sexy girlfriends

Hmm it looks like your blog ate my first comment (it was extremely long) so I guess I’ll just
sum it up what I wrote and say, I’m thoroughly enjoying your blog.
I as well am an aspiring blog writer but I’m still
new to the whole thing. Do you have any tips and hints for rookie blog writers?
I’d really appreciate it.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: