Meet The Parents

27 11 2007

Maliban sa pagde-defense ng thesis saka pagsagot sa tanong na ‘kelan ba talaga masasapul ng asteroid ang mundo?’, isa pang nakakakabang experiens ‘yung pagharap sa magulang ng maylabs opyurlayp.  Para ka ring sumali sa isang talent show na kinakaliskisan ka ng  buhay ng panel of judges na simbangis ni Simon Cowell.  “Anong alam mo sa buhay?  Anong ipapakain mo sa anak ko, bato?”.  Hindi po.  Betlogs ko po.   

Muwi kami ni BebeKo sa probinsiya namin nung Linggo para hingin nga ang kamay ni BebeKo.  Kabado nga ako kasi baka seryosohin kamay lang talaga ang ibigay.  Hindi naman ako nabigo kasi may kasama namang legs saka katawan.  Haha. 

Buti na lang at wala tayo sa makalumang panahon na ang mga namamanhikan ay hinahanapan ng dote o ‘yung ari-arian tulad ng lupa, at bank account.  Pano na lang pala kung hinanapan ako ng account.  “Ahh, meron po akong limang prenster account, saka multiply account din po.  Meron din akong fixed asset, ‘yung ari ko po mismong nakadikit”.    Sabi noon ang babae, hindi nililigawan sa kalsada, kelangang sa bahay.  Kaso mo, di ka nga naman tanggap sa bahay kaya wala kang choice kundi ibalik sa kalsada ang pagmamahalan.  Alala ko tuloy nung nililigawan ko pa lang si BebeKo, magsasalubong kami nyan sa palengke na kala mo di magkakilala sabay palitan ng ‘lab notes’ na walang tingin tingin kala mo negosasyon ng Mafia na nagbibigay ng ransom note.  At nakasulat nga in bold letters gamit ang Estabilo Boss, “Mamyang gabi sa bodega, tabi ng basura, iwan mo ang isa pang lab notes o irog”.  Hay nakow, nakakatawang alalahanin ang nakaraan. 

Siyempre naman hindi makulay ang lab story kung walang kumokontra.  Ayaw talaga sa ‘kin ng Mama ni BebeKo.  “Anong gusto mo sa lalaking ‘yan playboy?  Itsura pa lang, adik yan, adik”, laging pa-discourage epeks ni Mama kay BebeKo.  Huwat ?  Ako adik ?  Tong itsurang ito ?  Hindi kaya ako marunong mag-marijuana. Shabu lang.  Haha !  Hinde.  Biro lang.  Hindi talaga.  [hitit hitit buga] Sobrang relihiyosa din ang Mama ni BebeKo.  Nung nanliligaw pa lang ako at nakakatuntong na sa bahay nila, palaging nakabantay sa min, kala mo anytime bigla akong tubuan ng sungay kaya nakahandang buhusan ako ng holy water.  Mama, water proof na kaya ang mga cute debils ngayon.  Di ka kasi nanonood ng Youtube. 

Makapal na din mukha ko ngayon.  Dati kasi tito saka tita lang ang tawag ko, ngayon nakiki-Mama saka Daddy na rin ako.  Nung nanliligaw pa lang kala mo di makabasag pinggan na nakaupo sa kasuluk-sulukan ng sala, ngayon pakalat-kalat na ako sa kanilang bahay na naka-shorts na lang at nakasampa pa ung paa kong amoy dedbol na isda sa rocking chair habang pumipindot-pindot ng channel sa remote.  Haha, ang kulay kalabaw, pinturahan mo man, lalabas at lalabas pa rin ang tunay na kulay [salawikain ba ‘yun ?  Parang ang tunog gawa gawa ko lang ah]. 

Siyempre por dat time being, hiwalay muna kami ng tulugan ni BebeKo.  Di pa alam nina Mama at Daddy na ‘living together’ mode na nga kami ni BebeKo dito sa Maynila.  Unless one day, bigla siyang mangalikot ng internet at mabasa ‘tong blog na to.  Salamat, buti na lang mabait ang diyos at inimbento ang tinatawag na ‘generation gap’.

Advertisements

Mga Tugon

Information

82 responses

27 11 2007
camilleeee

modern na pla ang kalabaw ngayon. marunong na humawak ng remote control. hahah! juk po kuya :lol

can’t imagine mukha mo kuya nung humarap ka sa kanila. hehe. sguro parang na-eebs tas yung ebs, bumabalik, di makalabas 😆

pero…. ang ‘asset’ ha.. fixed talaga 😀 😆

27 11 2007
lilmiz

naks naman.. pinakita mo na ang tunay mong kulay (gray yun dba? kulay ng kalabaw pero pag maputik brown ata wahaha).. eh so nibasbasan na naman kau? weee kasalan na! congrats kuya! 😀 sana di mauntog si bebemo wahaha joke 😛

27 11 2007
gerrycho

wahaha! tag hirap talaga pag magpapakilala na sa parents — i mean malamang sa hindi ang lalaki eh magiging as protective din sa anak nyang babae 😀

hinihintay na namin yung mga reception pics yey!

28 11 2007
bunz2605

katuwa naman. em so happy 4 u.
add po kta sa rolyo ko.. teeway po! 😀

28 11 2007
antuken

ay grabe, ilang linggo na lang. im sure busy-busyhan kayo ni bebemo ngayon.
ako ni hindi ko na-experience maligawan. nung unang beses nga na pumunta ang antuken ko sa amin, ang pakilala ko lang: ma, si antuken. tapos nung umalis na ang boypren ko, ang tanong ng nanay ko: boypren mo ba yun? sabi ko, oo. tanong nya: baket di ka man lamang nililigawan ata. sabi ko: di na uso yun. 🙂 at sunod-sunod na ang litanya ng mga tanong. hehe.
congratulations to you & best wishes to your bebe. 🙂

28 11 2007
Krisjasper

IDOL!!!!

parang kwento ni Shrek yang post mo. hehe..

28 11 2007
Lenggai

Badz! In fairview… kinilig ako sa post mo… hehehe!

Pagdasal mo lang na hindi blogger sina Tito at Tita… o yung mga chu-chu n insan ni Bebe Mo… Kungdi… tsk, tsk, tsk!!! 😉

28 11 2007
Jep

ayus! malapit na ang kasalan! kabado na si manong badz! heehee!

congrats po!

28 11 2007
angmahalay

badz buti p ikaw cmple lng ang mga tanong syo ng parents ni bebe mo ako noon muntik n maihi at atakihin s puso s takot, kasahan k b nman ng baril ng tatay ng gf mo e feeling mo last day mo n s mundong ibabaw.neway best wishes nlang s inyo ni bebe mo and congratz!!!humayo kayo’t mg parami!!

28 11 2007
gbert

Ayos tol, reading ready na ang kasalan ah… di ko pa naiimagine ung sarili ko sa ganyang sitwasyon lalo na’t mahirap nga yan.. eh tatay nga ng gf ko di ko pa nakikita.. baka ngayong pasko makita ko na rin.. pero matinding atake sa puso to pag nagkataon… best wishes in advance..

28 11 2007
TRiSH

“Anong alam mo sa buhay? Anong ipapakain mo sa anak ko, bato?. Hindi po. Betlogs ko po. ” –>> haha! panalo! naaliw ako :p

congratulations! God bless your love and marriage!

28 11 2007
kairell

ayus yung papakain mo manong badz, haha panalong-panalo. muntik na akong matumba sa kinakaupuan ko ng mabasa yun.. hahaha 😀
neway, congratz bro and goodluck!

28 11 2007
ilocano

congrats lakay! nakakarelate ako. buti nga sayo parents lang, e ung sa baket ko buong angkan, nasa isang compound lang kasi sila. ang malufet, isang team sila ng mga basketbolista at sila ang champion sa bayan namin sa promdi. in short, malalaking tao, lalo akong nanliit. maitim na nga, nanliit pa. wala na, tuluyan na akong di makita.

IT ak met gayam, pugiit nga nangisit ti ubet na. awan pay ti diaper idi panawen ta.

28 11 2007
cdy173

Buti at may pagkamodern na sa inyo Dun kasi sa amin uso pa rin ang dote..hahanapan ka ng kalabaw,araro,lupa,baboy at kung anu-ano pa tapos kelangan bigay ka rin ng pera sa parents nung babae …di ko sure if tinatanggap nila friendsrer acct 😉 or betlogs kaya 😆

pano ba yan hihintayin naman namin blog mo bout sa adventures ng wedding prep,ung kasal mismo at syempre ang exciting sa lahat-honeymoon… 😉

tantantanan…tantantanan..

28 11 2007
chuvaness

BADOODS! Wahaaw namanhikan na! Hinde ka man lang ba nagsibak at nag igib?? LOL…

Congrats sa inyo ni bebemo!

28 11 2007
bruhilda

lahat naman ng magulang sa simula kontra pelo talaga pero pag tumagal hay naku mamahalin ka na nila ng sobra. kunwari epek lang mga yun. best wishes po…

28 11 2007
bebenibadoodles

Ang Badoodles… kala mo kung sinong siga sa kanto. Si Mama ko lang pala ang katapat. Alala ko pa nga noon, naghahanap ka ng padrino para samahan ka. Kaya lang bakit ganoon, parang mas labs ka na yata nila sa bahay kesa akin.

28 11 2007
jojie

buti naman sinama ang legs at katawan at hindi ginawang installment. Ngayon yung kamay, next year na lang yung legs, yung katawan pag milyonaryo ka na. hahahaha!

28 11 2007
west_angelo

nyaha! sa kin nung hiningi ko kamay ng ina ng aking mga anak sabi sa kin ng nanay: hihingin mo pa eh mas nauna mo na kunin di lang kamay!….:-)

congratz po and best wishes!!

28 11 2007
chillidobo

Yahooo!!! Dats our man! Di uurong sa laban. Grabe Badoodles, daig pa nyang experience na yan yung kakalabanin mo yung boss/master sa “Kontra” Hirap maging appealing sa kanila no? dapat para napadali eh kumuha ka ng petisyon..yung pirma-pirma ba, papirmahin mo kami tapos sabihin mo “Eto po yung mga taong naniniwala sa kagwapuhan ko, bilib na po ba kayo?” Sige parekoy! More power sa paa mo…ilibing mo na! hahaha

28 11 2007
Maldito

wetwew!!congrats….sana kasama din sa kasal mo ang mga kalabaw na may kulay…ako din….pinalala mo masamang karanasan sa mga nanay…sabi kasi nila mother in laws are the descendants of hitler…kaya hala….prepare for battle.

28 11 2007
badoodles

@camilleeee di lang kaba + takot + nerbyos. meron ding action + comedy + drama. hehe. ok na, ebriting jas fell into place.

28 11 2007
badoodles

@lilmis ako ung albino na kalabaw – hayuf sa puti endrser ng papaya soap por men. ‘gumamit na ng papaya soap por men, pati betlogs ko pumuti parang penoy.’ try it n ul see. hehe.

28 11 2007
badoodles

@gerrycho reception pics yey! hirap nga dun kasi ako ung ikakasal aku din fotographer. watda. owtei picture piktyur!

28 11 2007
badoodles

@bunz2605 anung blogsite mo? para mai-add din kita. 😉

28 11 2007
badoodles

@antuken niligawan ka nya thru body language di mo lang maalala. haha ganun pala yun mare, andaming nilalakad na papers kala mo mag-aabrod e. dun pa lang sa distribution ng inviites putek kapagod na. swerte ni eba at adan walang ganun nung panahon nila.

28 11 2007
kengkay

meet the parents… akala mo lalake lang kabado pag ganyan? babae rin. matuk mo si kengkay e aleman ang in laws… awsss, di kami magkaintindihan kasi di sila marunong mag ingles. at sempre, si kengkoy pinagalitan nung nanay nya kasi daw bakit daw dun ako natutulog sa kanya e meron naman daw sa bahay nya na guest room. errrmmm.. nagdrama si kengkoy na sa sofa bed daw sya natutulog. gulat ako na ganun pa rin sila ka tradisyonal…pero labs ko na sila at labs na nila ako… ganun lang yun 🙂

28 11 2007
dhez

naks nmn.. namanhikan nrin sya.. 🙂 naga pala maikwento ko lang, may nagahahap yata sa frndster account mo e.. pano ba naman na kuhang isearch sa bahay ko… cnu kaya un? congrats ulit! 🙂

28 11 2007
badoodles

@kj idol! uwi ka ha atend? hehe. si shrek part 4 na sequel.

28 11 2007
badoodles

@lenggai hahaha! parang bourne ultimatum na naging love story ang siste. waw nman, kaw kelan mo idedetalye ang iyong lab story? 😉

28 11 2007
coldman

Natuwa namn ako ng sabihing mong at home ka na sa bahay nila, at least madadagan sila ng bagong mabait na anak. Naks! Congrats po! =)

28 11 2007
jeckyll27

asyuswal, makikisawsaw sa comments dahil napatawa mo na naman ako..hahaha..naranasan ko ring kamuhian ng nanay ni gf ko.hahaha..kala mo binabalatan ka habang nakatingin sa iyo eh kulang na lang budburan ako ng asin para kilawin na..niyehehehe..astig kang kalabaw sir badoodz, papindot-pinodt na lang sa remote..haha

28 11 2007
badoodles

@jep uu nga manong. palapit ng palapit ang judgment day. muling bubukas ang langit at sasalubungin ako ng mga nagkakantahang anghel na may higanteng pekpek. hwaw. can’t wait. ay mali stag party pala un. hehe.

28 11 2007
badoodles

@angmahalay tatandaan ko ang advise mong mag-multiply. gusto mo gamitan ko pa ng square root saka algebraic equation. haha!

28 11 2007
badoodles

@gbert nakow tyak yon botong boto sau yown. mas nahirapan pa nga ako kay mama ni bebeKo kaysa kay daddy. salamat kay pareng generoso at napoleon brandy. 😉

28 11 2007
badoodles

@trish panalo ba. haha! kala mo pupurgahin kung makaasta. baka mabadtrip sakin, ‘anong ulam? pritong betlog na naman? wala na bang iba’

28 11 2007
badoodles

@kairell hehe. cyempre jok lang un. baka sa kangkungan na ako pupulutin. haha!

28 11 2007
xienahgirl

ayun.
nabasa ko rin
comment ng BebeMo.
hahaha.
ang cute
🙂

lagot ka talaga
kapag natuto si mommy at daddy
ni BebeMo maginternet
baka kamay na lang iuwi mo
wala ng katawan.
hahaha

28 11 2007
Krisjasper

yeah uuwi ako.. basta sagot mo airfare ha? hehe..

28 11 2007
badoodles

@ilocano maragragsakan nak nga talaga lakay ta nagadu gayam ilocano ittoy online. ammum met ittoy tarbaho tau, inglis ken tagalog kakadwam. nu maminsan swerte adda met taga-baguio ken pangasinan.

28 11 2007
badoodles

@cdy173 wen garud. excited ti batillog ku. wehehe. kunak lang. sige keep u updated.

28 11 2007
badoodles

chuvaness sayang nga excited pa naman ako gawin un. dahil sa gripo at gasul, nagbago ang course of history ng panliligaw. pano kaya kung di naimbento ang mga arkiteks. baka pati bahay ipagawa sakin. hehe.

28 11 2007
badoodles

@bruhilda siguro nga. parang obstacle race, pag bumigay ka agad e di wala kang premyo. buti na lang di ako bumitaw sa pagsubok. ngayon para akong nanalo ng lotto. haha!

28 11 2007
badoodles

@bebeKo hahaha! pansin mo din ba? cyempre nakita naman nina daddy na responsable akong tao – pag wala nang lamang matador ung baso niya, pinupuno ka agad-agad. hehe. seriousli labs ko din naman sina daddy saka mama. pati mga kapatid mo. lam ko iiyak ka na naman pag binanggit ko to, pero nami-miss ko ung moments na magkkasama tau nina cecil kaht sandali lang un.

28 11 2007
badoodles

@jojie sinabi ko kasi na nasa akin ‘yung mapa ng golden buddha kaya pumayag din ibigay sakin ng buo. hehe.

28 11 2007
badoodles

@west_angelo mukang ganun nga din ang nangyari. hehe, di ko na lang inamin kasi baka gawing bulalo ang pira-piraso ng katawan ko.

28 11 2007
badoodles

@chillidobo haha! uu nga no. parang katulad dun sa impeachment. injection ur honor, andito na ang aming petition to marry. hehe.

28 11 2007
badoodles

@maldito ok naman na. da dust has settled down. and m d best man standing. buti na lang natakot ung ibang nauna sa akin na nagpakyut kay bebeKo kundi, hindi kami nagkatuluyan. saving grace pa din si mama.

28 11 2007
badoodles

@xienahgirl matagal-tagal pang panahon un. pag-aaral kung pano magtext ang inaatupag ni mama ngayon. mukang kinilig ka sa lab story namin ah.

28 11 2007
Iskwatera

hay hangsweet nio tlgang dalawa…hahaha! Best wishes.. kainggit.. sana aq din next..haha… well.. gusto ko umeksena sa buhay nio, sisigaw aq don sa kasal nio na tututol aq.. pero kapag tinanong kung bakit. .wala lang.. gusto ko lang.. basta tutol lang ako..haha.. masabi lang na may eksena ako, kung baga sa pelikula, may script din ako..hahaha.. jOke

28 11 2007
MARU

i hate this post! i hate this post! (echoos!)

kasi naiinggit ako 😦 natigok na lang mga parents ko wala man lang may namanhikan sa amin kahit joke lang. wala man lang may naninindigan para suckin, para sa puri kong ginutay-gutay.

mwehehehe! drama ko. di talaga bagay ang drama suckin.

pareng badoods! BEST WISHES sa inyo ni mareng bebe. kakainggit tandem nyo!

28 11 2007
badoodles

@kj yaman mo diyan e. baka ung pamasahe mo e buong gastos ko na un sa kasal. hehe

28 11 2007
badoodles

@coldman naging at home, nasobrahan naman. sobrang close na nga namin pati ung mga lamok nila sa bahay, sarap na sarap na putaktihin ako. malinamnam ang aking dugo! huwaw!

28 11 2007
badoodles

@jekyll haha! buhay natin, parang layp. weder weder sabi nga. sige pag tatay na din tayo at nililigawan na ang anak, nakow makakaganti rin tayo. hehe

28 11 2007
badoodles

@iskwatera sige sige para mas masaya parang yung kay michael v – yari ka! awr!

28 11 2007
badoodles

@maru mare salamat. yaan mo kasama ka saming conversation pagkatapos naming maglabing labing on our honeymoon. haha!

28 11 2007
charleskorner

hilarious talaga ang mga kwento mo. sama na kita ng masundan pa namin ang inyong lab story. congrats at hawak mo na agad ang remote kontrol. heheh

28 11 2007
aKDa

hehe. ang kulet nung palitan ng notes.. ^_^

28 11 2007
shelley

badoodssss! wahehehe may bago ka na palang post…lolz Congrats sa inyo ni BebeMo!! May u both live happily ever after…Shrek style….nyahahahaha.. tama c kengkay..kinakabahan din kaming mga girlaloo sa mga ganyang meet the parents…hahaha ako kinabahan ako ipakilala ang boypren ko noon…ang mader ko eh uber sungit at suplada…wahehehehe ayun sa kawagasan…nde kami nagtagal..lolz

naiinggit na naman ako..ang dami na ng mga kakilala ko na sinasakal..ay kinakasal pala…mwehehehe another adventure in ur layp will be starting…goodluck sa inyong 2 ni BebeMo..sana nde na talaga matanggal helmet ni BebeMo til the end…hehehe

uyy alala ko u like bad boys II…hehehe papalabas cya now sa crime/suspense 9pm… nyahaha =)

29 11 2007
ilocano

naayatanak to pay nga ilocano gayam datoy nalaing nga sumurat panggep iti biag na. iprisintak koma dyay panganay ko nga flower girl mo ngem baka haan nga magna. hehe

details mammet ti kasar mo ta umay mi buyaen.

29 11 2007
Geisha

hindi ko pa binasa post mo..heheh ala pang time so far..

just to inform you pre na na link ko na site mo sa post ko!hehehe

ciao!

29 11 2007
pepe

🙂
ang sarap nga siguro ng ikakasal ano?
Cguro hihimatayin si papa at mama kung i uwi ko bf ko at sabihan sila ‘magpapakasal na po kame’ sigh!

congrats at gud luck pare!

29 11 2007
eNocH

haha! yung buong family ng bebe ko ayaw din sa akin, isa lang kasi akong hampas-lupa! haha! hinayupak sila, lalo ko silang aasarin! hehe!

goodluck dude!

29 11 2007
noime

hangsweat niyo naman. haha. (pagpawisan daw ba.)
ayun. 🙂

goodluck sa inyo. hehe.

kuya, psychology ba kinuha ni ate BebeMo?

30 11 2007
auee

hay salamat natawa ko nang malakas for the day/night… okay ang parting words mo.

30 11 2007
badoodles

@charles sinabi mo. kapalmuks na nga ako ngayon eh. haha

30 11 2007
badoodles

@akda pag naaalala ko nga yun ngayon, natatawa na lang. parang, ‘nalagpasan namin yon?’. anhirap kaya nun, parang fugitiv. buti na lang labs na labs ako di bebeKo n vice verse.

30 11 2007
badoodles

@shelley talagang hindi mo naman binasa lahat ng posts ko ha. haha. uu napanood ko nga nung umuwi kami sa probinsiya. dito sa manila, wala kaming cable, free tv lang ako. ok na ung para maiwasan ang pagbabad sa tv. di lang kasi ako couch potato – tv maniac pa.

30 11 2007
badoodles

@ilocano sige lakay, isaganak lattan ajay stroller ah nu mandi na kayat ni ubing mo nga magna. haha. imbaga ngarud ajay videograper, iupload na kanu ijay youtube ti coverage na. ukis ti saba, kunak madi ah, maamwan ti entero nga lubong nga adda asawa kon. 😆

30 11 2007
badoodles

@geisha tnks sa link up. na link na din kita. 😉

30 11 2007
badoodles

@pepe haha! di pa redi mga yown. bka habulin ka ni papa mo ng taga. 😆

30 11 2007
badoodles

@enoch haha! mahirap yan. kelangan nang tumaya ng sandamakmak na lotto tickets.

30 11 2007
badoodles

@noime yap. psychologist si bebeKo. ako naman ang kanyang poging pasyente. e tinamaan ng pana ni cupido kaya wala siyang choice kundi magpakasal saken. 😉

30 11 2007
badoodles

@auee sus! dalawa lang taung natawa dun. hehe. wala ka bang best wishes message saken aka dos n donts sa buhay mag-asawa. sige na, nang maambunan naman ako ng wisdom ng experiences mu. haha

1 12 2007
menggay

waaahhh…nakaka kilig naman yun kUya!!!!!! ehehhee 🙂

1 12 2007
badoodles

@menggay kilig to da bones ba. musta na lablife nagkabalikan na ba?

1 12 2007
jp

Congrats, dude. Tama, unahin muna ang honeymoon bago trabaho. Ang trabaho hindi naman mawawala kapag naghoneymoon ka. 😆

1 12 2007
badoodles

@jp oo. naubos ko na nga ung vacation leave ko kakaayos ng kasal. sabagay once lang to in a lifetime kaya worth it. hindi na ko makakapag leave until march.

31 12 2007
SsEcNiRP-->aUtHoRiTy..(///.T)

,,,.ahahaha,, ayh gudluck nlng sa inyu ng bEbEmU BrO!!,,., nAkS,, !!!!!!!

kHaPoN, BiNaSa q At pRoNt Op mY “PiNkMmHaL AnD BeLAbiD nA LoLa,, LaM mU ‘nu NaNgYaRi, hinDi Q PLa nailAgaY unG “Hearing Aid nYa”.. TaZ AuN, iNuLiT Q Na nMn.. PoR Da SeCoNd tAyM ArOuND, tAs etO lUpEt!!, NaRNig pLa nG sIsTer kung npka inday-”Genius”,, aun!! tawa nang tawa… eh jApEYk uNg nGiPiN NyA, nALaGlAg pAlA Sa kAkAtAwa..,.,.NaGmUkHa tUlOy sYaNg KaPtid ni LoLA pAg WaLa uNg Ngipin NyA!!!!! ahhAhAhAhA….,,,anlakaslakas tLga ng tawa Q… hahahahahahaha….. PaTi PiTbUll NaMiN NkisAmA Nrin…aWoo Ng aWOOOOO!!!…
d’ EnD…

SOwi huH qng nkp-humurless qng MgKwEnTa…un lang kc nakaya ng brainless mind ko… hahahahhaa…
nagmamahal,
sSEcnirP—>authority…(///.T)

badoodles: @ssec huwaw! mindblowing ung anecdot mo, may upper caps en lower caps pang epeks. tnx for droping by 😉

13 01 2008
jeremiah

ang ganda naman im press ako.hehehe^_^

badoodles: @jeremiah san ka naimpress? sakin o sa parents…? 🙄

12 10 2008
fibby

ayos.. ang ganda!

9 01 2009
keith abella

astig!! ang cute!! jajaa.//

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: