War For Peace

29 11 2007

Number wan na nakakabadtrip sa buhay ‘yung bigla kang nabibitin.  Sarap pa naman ng yosi breyk kasama ang barkada.  Perpek na lamig ng paligid, humidity, wind velocity at altitude sa baba ng Makati Stock Exchange.  Mamya biglang may nagpaputok sa mismong katabing Manila Peninsula Hotel.  Putek, eto nga ‘yung sinasabi nila kaninang umaga na magkukudeta na.  Nautot pa sa takot si pareng Abdiel.  Nasira na ang perpek moment.  Bad trip di ko na inubos ‘yung yosi.  Nagtatakbuhan na ang mga taong nagra-rally. Pers taym kong makakita ng nagwewelgang pilay na ambilis kumaripas ng takbo.  Sayang di ko nadala yung video cam, siguradong patok ‘yun pag na-upload ko sa youtube.  

Live na nagco-cover ng balita ang ABS-CBN chopper.  “Tara kaway tayo para makita tayo sa tv,” sabi ko sa mga uto-uto kong prens.  Pano na lang kung pinatulan kami ng ABS-CBN.  “Ahh, ako po si Doris Bigornia, heto ang live coverage sa Makati.  May limang unggoy na kumakaway, mukhang tuwang-tuwa sila sa nangyayari”.  Haha.  “Sana gumawa tayo ng banner na kartolina na may nakasulat na ‘Hi to my prens, family and kapitbahay.  Heto binobomba na kami, ansaya.”, dagdag ng isa pang siraulo kong barkada na si pareng Nathan.   

Balik kami sa opis para magtago sana pero redi na palang mag-evacuate mga kasama namin.  Sinabihan ako nung isang bosing na hanapin ‘yung immediate boss ko.  “Sa lower ground tayo dadaan, sabihan mo si boss mo na wag magpanic ha”, kulit sa akin.  Mabait naman akong sumunod kaya tumawag agad. “Boss, asan ka na?  Nagkukudeta na dito.  Andami nang tora-tora na lumilipad.  Papasabugin nila ang buong Makati.  Sabihin ko raw sa ‘yo, WAG KANG MAGPANIC HA?! WAG KANG MAGPAPANIC!!!”.  Haha.  Ewan ko ba lalo namang nagpanic.  Sira ulo talaga si boss. 

Palabas na kami ng harangin ng sekyu.  Delikado na raw lumabas.  Seryoso si manong guard.  Convincing kasi namumula ang mga pimples sa galit parang si Hellboy.  Parang gusto ko tuloy bawiin lahat ng pinakain ko sa kanyang libreng Jollibee meals mula nung January pa.  Nagbitiw na lang ako ng isang makabagbag damdaming verbal threat:  “Putsa pre, tirisin ko yang pimples mo, makita mo”.  Mamya, pinayagan na din kaming lumabas.   

Maayos ang evacuation.  Going to Ayala triangle ang lahat na parang mga langgam na sunod-sunod.  Pero dahil likas na matigas ang ulo ko, mula Paseo nag-U turn kami ng mga barkada ko pabalik ng LandMark galing Dela Costa.  Di pa kasi ako nakakakita ng Hummer na pang-giyera kaya gusto kong makiusyoso.  Nakakita naman ako.   

Wats my teyk on dis?  Bitin.  Sobrang pikon.  Wala man lang totoong bakbakan.  ‘Yung tipong matira matibay.  Mula pa nung Oakwood Mutiny, wala man lang nasaktan kahit isang guhit ng galos sa pwet.  Para ka lang nanonood ng boksing na nagpipitikan ng tenga.  Sabi sa balita, nagwalkout itong si Trillanes.  Ang alam ko, babae lang ang mahilig mag-walkout.  Ano kaya mga pinagsasabi nya?  “Asar na me [tampo].  Hurt na me.  Dito na lang me sa Manila Pen magpapalipas ng sama ng loob”.  Tapos ‘yung mga sundalo ng gobyerno naman, “Trillanes, Kainis na u.  Lumabas na u diyan.  Now na.  As in.  Kundi tatapunan ka namin ng tear gas na para kang nagmarathon movie ng Maalala Mo Kaya”.  Hay nakow, parang ganon na nga nangyari, puro satsat.  Ang alam ko, inevitable ang giyera para magkaron ng katahimikan once and for all.  Kelangan talaga ng bloodshed.  Kung sa video games nga, para makapagpatayo ka ng isang great civilization, kaylangan mong ubusin ang kalaban.  Kung nagkabarilan sana, tapos nanalo si Trillanes e di nagkaroon ng military takeover.  E di tapos na.  O kaya naman nadedbol si Trillanes.  Panalo ang gobyerno, back to normal ang lahat.  The end.  Lahat makakapagtrabaho ng matino.  Ewan mukang desensitized na ko sa mga nangyayari kaya nadedemonyo na ‘tong utak ko.  Bahala na sila sa buhay nila.  Magtitikol na lang ako.    

Advertisements

Mga Tugon

Information

59 responses

30 11 2007
MARU

sobrang OA sa lahat talaga ng OA! eh gusto lang naman ni Trillanes na umorder ng crispy pata at magpalamig sa loob ng 5-star hotel eh halos magka giyera na sa makati. Tena talaga!

30 11 2007
dimaks

baka pwedeng i-consult ke madam auring kung saan ang susunod na invasion.

30 11 2007
Jayvee Sacramento

the effect of the rally wasn’t quite good. three org parties in our school were cancelled because of trillanes’ actions.

30 11 2007
noime

sobrang kinabahan ako nung akala ko marami nang mamamatay dahil sa ginawa ni Trillanes. pero wala lang.

gusto ko maging katulad ni ate BebeMo. pero nalilito pa ako kung ano talagang course kukunin ko. tsk. ;]

1 12 2007
Lenggai

ok na yung di nagkapatayan… me kras ako dun sa isa sa mga taga-Magdalo na kasama namin sa hotel eh… hahaha!!! pero pramis, nakakainis yung overkill. oh well, that’s pinoy politics for yah!

1 12 2007
kengkay

wehehehe… siguro ganyan di lang gusto ni trilla boy, ang mag yosi at mag kulampungan sa manila pen kaso mo naman e biglang may nautot din ayun akala nila e baril kaya sugod ang mga sundalo, ahahaha…

1 12 2007
Choji

bwisit na trillianes na yan! wla nnman magawa sa buhay at ginulo nnman ang sambayanang noypi! Wla tuloy zaido nung gabi ksi puro balita….
*ubo* *ubo* ekskyusmi po!

1 12 2007
jeckyll27

oist, ikaw siguro yung nakita kong tinatawanan yung pilay sa stock exchange..ansama mo..hahahaha…nakakabitin nga yung ganyang eksena, mas masarap pang magpaputok na lang ng sari-sarili nating baril..bwahahaha!

1 12 2007
bebenibadoodles

Hi Noime…. mag Psychology ka.

Hala, makialam daw ba. Hehehehe… nung sa school pa kasi ako naghahasik ng lagim este nagta trabaho pala, andaming bumilib sa pagka lukaret ko kaya ayun nagsisunod sa yapak ko at nag enrol ng Psychology. Impernes eh marami na sa kanila ang graduate na at di ko na alam kung asan sila ngayon.

1 12 2007
sharif_mardan

sadyang may mga sayad na ang gobyerno ngayon. ewan ba, nagiging OA na rin sila masyado. etong si trillanes naman eh mukhang namimihasa sa walk-out walk-out at kung anu-anong pakulo, ewan ko sa kanila lang ah..

pero minsan, sa kabila ng kaguluhang nangyayari, matatawa ka na lang kasi nagiging OA na rin yung iba, instead of kumalma, nagppanic.. as if naman may magagawa silang matino kapag nagpanic, am i right? (or left)

hmm. ayos sa sidetrip ah, haha. ^_6 buti hindi pitik-baya* yung ginawa nilang away, tapos ulet-galaw. wahaha. ^_^ 100 pitik yun ah!

nyahahaha. @_@

1 12 2007
badoodles

@maru apekted nga mga hotel e. ung oakwood hotel pinaikli na sa pangalang Ascott dahil sa mutiny. pano kaya ang manila peninsula hotel, baka magiging manila penis.

1 12 2007
badoodles

@dimaks malamang shangri-la makati kasi bumubuo sila ng pormang inverted triangle. hmmm. conspiracy theory.

1 12 2007
badoodles

@jayvee sacramento kahit nga ung kadulu-duluhang iskul sa alabang, na-cancel din. buong makati paralyzed. kami lang ata sa stock exchange ang business as usual. nagkakabombahan na buong makati di pa din kami umaalis.

1 12 2007
badoodles

@noime nababadtrip na nga ako kasi palaging paepeks. parang nagpapatintero na nagtatakutan. okey psychology na course, napatino nga ako ni bebeKo. hehe

1 12 2007
jp

Dahil kay Trillanes, marami tuloy ang hindi nakapag-enjoy ng long weekend dahil may curfew. Bwahahaha!

Parang adik lang. Magw-walkout, tapos magpapahuli din pala. He will face the consequences daw. E nung bago nga siyang nag-walk out, nagf-face the consequences na nga siya. Ngayon, dumoble/triple pa kaso niya. Hindi pa tapos yung sa Oakwood, may contempt of court na siya, may Manila Pen pa.

Balak ata mag-check in ni Trillanes sa lahat ng hotel sa Makati. Pustahan ano ang sunod. Pera ko sa Mandarin. Hehehe…

1 12 2007
jp

Oo nga pala, nalimutan ko lang banggitin. Naglalaro ka pala ng Civilization? Nagpapasalamat ako sa Civ3, dahil doon pwede na ang victory condition na culture. Pwedeng hindi mo na ubusin lahi ng mga kalaban mo, panalo ka pa. Peace-loving kasi ako. Dominance by assimilation. Hehehe…

Nalaro ko na rin Civ4 pero kelangan ko pa ata iupgrade ulit PC ko para lang mapagana yung laro ng mahusay. Ano feedback mo don sa bagong Red Alert?

1 12 2007
badoodles

@lenggai hwaw! kau ung nagcocover nun ano? dapat kasi suntukan na lang. matira matibay.

1 12 2007
badoodles

@kengkay hehe, pede rin. malay mo ang pinagmulan ng gulo ay yung simpleng utot pala ng kaopisina ko. warning shot! warning shot daw! utot lang pala.

1 12 2007
badoodles

@choji asan nga pala nagsuot si zaido? kung kelan may gulo sa makati, di nagpapakita. gusto nya lang kalabanin ung mga amasonang seksi. haha

1 12 2007
badoodles

@jeckyll hindi ko naman tinawanan kasi bad un. nagulat lang ako kasi parang si da flash. onli in da pilipins. san ka pa.

1 12 2007
badoodles

@bebenibadoodles tandaan mo pa ba, ayaw mong patawag ng bs psycho – hehe, dapat bs psych.

1 12 2007
badoodles

@sharif mardan asteeg! yan ba ang muslim name mo. ayos ah. di pa diyan matatapos ang lahat. power play yan e. hanggat meron pa ung isa, d cycle goes on and on.

1 12 2007
badoodles

@jp hehe. basta si jp na nagsalita kinig na lahat e.

sige pusta ko shangri la makati.

1 12 2007
badoodles

@jp oo dati naglalaro ako bago nasabak sa pukpukang trabaho. di nako updated ngayon – hehe old skul counter strike boy. red alert ung comand n conquer ung bago di ba?

1 12 2007
drew

Bakit lagi ka na lang malapit sa bombahan at putukan??!! 🙂

1 12 2007
camilleeee

mauubos na lang ata hotel sa pilipinas, ayaw pa rin matuto ni trillanes.

kung tutuusin, pede naman sya mag artista. dun pede sya mag’shooting’ 24/7. exposure lang ata gusto nya eh.

ewan ko lng si…. guingona …..

pede rin kaya siya, kuya? 🙄

1 12 2007
jp

Nasan ang aking mga tagapag-pakinig? 😆

May bagong labas ang Red Alert. Hindi ko pa nalalaro pero nakakita na ako sa mga net cafe.

2 12 2007
gladita

hay naku, parang mga bakla yang sina trillanes at mga sundalo dyan sa manila. walang kagalugalus kung mag-stand off. mga walang binatbat yan dito sa promdi. bakbakan na dito ang labanan…sa bundok nga lang sila. 😀

2 12 2007
phot

mr. badoodles, anu ung magtitikol? hahahah;D

2 12 2007
xienahgirl

noime
tama si ate BeBeniBadoodles
mag pyschology ka na.
🙂
parang nung isang araw lang
sabi ko magnursing ka diba?
haha

***
tamang kapraningan lang
ginawa ni trillanes
pero ang cool nga lang nun pagpasok
ng tangke sa manilaPen
parang tanga lang
haha
sino magbabayad nun ngayon?
tsk tsk
sa palagay ko may discount card si
trillanes sa mga hotel
next time nga raw sa victoria court naman.
🙂

2 12 2007
badoodles

@drew kaya nga bro. di lang pala ako lapitin sa chiks, pati pala disgrasya. haha. tinititigan ko nga ung maitim kong pwet kagabi sa salamin. suspetsa ko may balat na nagtatago dun di ko nga lang makita. haha!

2 12 2007
badoodles

@camilleeee ako neutral ground lang ako. wala akong kinakampihan sa dalawa. gusto ko lang merong mnalo para tapos na ang laban hindi na pinahahaba. kahit nga sa labing labing – ayoko nang drama drama, banat agad.

2 12 2007
badoodles

@jp kame. kameng lahat. sige try mo tapos feedback naman jan. baka sakaling maresurrect ang aking ‘game brain’

2 12 2007
badoodles

@gladita sinabi mo. mas idol ko pa ung mga taga-iskwater, nagkatitigan lang ng masama bukas meron nang bumulagta. bad ko sori po.

2 12 2007
badoodles

@phot ang pagtitikol ay yung pagbabawas ng excess libog sa katawan. hehe.

2 12 2007
badoodles

@xienahgirl asan ka ng kailangan ng sambayanan ng superhero? 😆 laki pala ng nasira million worth of damages. pag bumili ka pala ng chandelier sa divisoria tapos nilagay mo sa hotel nagiging milyons ang halaga. haha.

3 12 2007
gerrycho

mali talaga naman kasi ang approach ni trillanes eh.
dapat sana inexercise nya yung rights nya sa senate — may venue na sya eh…

hayay na frustrate ng husto…

“kung nafru-frustrate magmasturbate” 😀 haha! aahh…

3 12 2007
gasti

planado talaga yan! kakainggit si trillanes libre accomodation sa manila pen…sayang lang kasi sinira nila yung lugar..matagal na renovation yan at sino naman ang magbabayad? natural gobyerno na kukuhanin sa tax nating mga cute..taena talaga! andaming kups sa mundo..

nga pala pareng badoodles nagpalit nako ng link..pa-edit na langs a blogroll ha. thanks.

3 12 2007
jojie

ay naku sinabi mo pa! mga introboys! ampft!

3 12 2007
phot

ahaha.. nays meaning! yeah! hahahha.. 😀

3 12 2007
badoodles

@gerrycho don sa batibot tau na tau na, mga bata sa batibot, mahilig magbatibot. kung anu ano na tuloy naiisip ko..

3 12 2007
badoodles

@gasti lipat bahay ka na. sige. update ko na blog link ko para sau.

3 12 2007
badoodles

@jojie introboys? magaling lang sa umpisa? haha

3 12 2007
badoodles

@phot yeah yeah. 😉

3 12 2007
Geisha

Asus! Had i known na uulitin lang pala nya ang ginawa nya sa Oakwood sana nood nalang ako ng x-rated! cheeeeehhhh..sayang lang ang pagtingin ko sa kanya! kung dati nung oakwood mutiny ay crush ko ‘sya ngayun hindi na! hindi dahil sa ginawa ‘nyang “history repeats itself” kundi dahil sa receding hairline ‘nya. He he he!

3 12 2007
Geisha

oi balita ko sa Sogo daw next ‘nyang target! ingat ka badoodles:)

peace!

5 12 2007
Chi

nabalitaan ko nga toh sa new eh. sa totoo lang, papansin masyado ang mga politicians sa pilipinas.

5 12 2007
Krisjasper

Sana kinumpleto na lng nila.. sana pumunta rin sila sa swimming pool at dun nag underwater barilan.. para kunwari James Bond.

5 12 2007
badoodles

@geisha impatso lang pala yang nararamdaman mo. tru lab waits. haha!

5 12 2007
calvin

badtrip talaga yan. baket thursday pa ginawa. 2 thursday na ng basketball tournament namin ang nauudlot dahil sa ulan. dahil dyan sa kudeta na yan naudlot ulit kung kelan medyo ok na yung panahon. badtrip! sana friday na lang tapos umaga pa lang bago mag alas-nwebe para walang pasok sa opisina.

5 12 2007
tukmol

Actually pre ikaw tlga target ng mga rebeldeng yan. nbasa nila kc tong blog mo.
Sumbong kta boss mo, nanjan ako mmya MSE. Hehehe.

5 12 2007
badoodles

@chi di na lang sila magmahalan saka magbigayan tutal pasko. sabay hagis, ‘trillanes hetong granada pamasko para sa yo with luv n care’. hehe.

5 12 2007
badoodles

@krisjasper gusto ko nga din minsan maligo dun sa artipisyal falls ng manila pen kaso naglagay na ng babala, “unggoy lang naliligo dito”. sayang, baboy kasi ako nung past life ko.

wala man lang maka-trillanes na nagpapassby dito sa site na to. sayang sarap pa naman sanang magdebatehan. ung kumpare ko maka-trillanes langya, pinutakti ako ng hate messages sa text.

5 12 2007
badoodles

@calvin kung hindi bad weather e bad temper kalaban mu. ung futbal nga din namin panay postpone, ulan na ng ulan. buti sana kung pekpek ang nahuhulog sa langit, di naman. binabalik lang ung polusyon na ginawa natin.

5 12 2007
badoodles

@tukmol spy! spy! loko wag mokong isumbong ikakadena kita sa tabi ng iced tea cooler. haha! anong gagawin mo dito brownbag na naman? o magmemeryenda ka sa penthaus ng turon saka hot mami na malamig. 😉

5 12 2007
antuken

sa glorietta bombing, andun ka… tapos dito sa manila pen, malapit ka rin… katakot pala magdi-dikit sayo… at mukhang lapitin ka ng disgrasya… hehehe… oi, ilang tulog na lang… anlapit na… 🙂

6 12 2007
badoodles

@antuken ung susunod na putukan siguradong ako na mismo gagawa. haha!
kaya nga e. kaya nga lapit na kasal prepared na lahat, ako wala pang suit. hehe, magka-cram na lang. impressd ngako kay bebeKo, plantsado na almost.

9 12 2007
karen

in-add ko po kayo sa link ko 😛

10 12 2007
badoodles

@karen slamat karen carpenters. add din kita. 😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: