My 2007 Year Ender Shoutout

28 12 2007

Bago ako magpaputok ng watusi, shoutout ko lang muna sa lahat ng mga naging bahagi ng pakikipagkwentuhan, bolahan atbp dito sa Kwentong Barbero, salamat sa suporta in wan wey or anoder.  Special mention sa mga resident tambays na sina:  

Antuken, best wishes sa nalalapit na pagpapakasal, wag matutulog sa hanimun, be prepared, be very prepared | Anukayayun, sa pagiging magaling na blogger at sa lahat lahat alam mo na ‘yun | Bebe Ni Badoodles, sa pagmamahal, pag-intindi, pagluluto ng masarap na pancit canton, tinola at sa TLC | Broken Man, tama ka, it’s a wonderful world | Camilleeee Shy Girl, salamat sa pagpapaalala that it’s always good to return to innocence | Chillidobo, sa kakulitan at adding spice to life | Christianne Medina, kahit medyo busy sa work at lablife | Chuvaness , sa pakikipag-noseblidan.  Peyborit ko na nga ‘yung linyang ‘at its finest’, pang-mayaman ang dating | Earth Lotus, sa walang sawang pakikipagkulitan | Engineered Gbert, sa pagiging magaling na engineer | Gasti, sa pakikipag-gastihan | IceYelo, for all the things that matters alam mo na ‘yun, gasgas na linya pero classic pa din | Invisible Blog,  welkam sa bagong tahanan sa WP | Jeckyll 27, sa constant na pakikipaglitan ng kuro-kuro kahit saan man mapadpad ang usapan | JP Nash In A Flash, sa pagbibigay ng sports update sa mundo ng basketbol, wrestling at tumbang preso | Kotseng Kuba, maligayang paglalakbay sa mundo ng hopia | Kwentong Walang Kwenta, sa words of wisdom | Lenggai,  sa serbisyong totoo | Liday Ken Ragsak – ukis ti saba, maysa nga nalaing nga ilocano daytoy agyamannak lakay | Maruism – salamat sa panandaliang aliw, patawa, at pagiging lababol | Me Myself Saka Aders – sa patuloy na pagsuporta | Pasakalye – cheers sa pagbabagong image,  hulsam na ba ? | Pep up With Pepe – sa pagiging totoo | Renewed Soul – sa kasiyahan | Short Term Effect – sa panandaliang kalimot | at kay Smokin Rabbit Hole – idol, parang local version lang ni Seinfield sa galing.   

Salamat din sa Smart Lahattxt, sa nakaimbento ng rice in a box, sa gotohan sa panandaliang pagpawi ng gutom, sa nangholdap sa kin for teaching me d greatest lesson that in this life we always have to deal with lunatics.  Salamat sa ‘Tatlong Itlog’, sa Marimar at kay Papa Jesus for the gift of life. 

AT SA INYO, sa lahat ng aking mga bagong nakilala, nakakwentuhan, nakapitikan ng tenga, maraming maraming tenk yu.  Isa itong taon ng masayang paglalakbay.   At sa pagsasara ng tsapter na ‘to, paalam sa isang masayang alaala.  Sa pagbubukas ng panibagong taon,  cheers sa panibagong kakulitan, bagong makikilala sa blogging community at makikitambay sa Kwentong Barbero. Hapi New Year sa lahat!

Advertisements




Last Song Syndrome

26 12 2007

Ang weird kapag tinamaan ka ng last song syndrome o LSS.  ‘Yun ‘yung parang wala ka sa sariling sumisipol sipol ng kantang huling napakinggan.  Earworm ang common term sa ingles ng LSS.  Tapos na ang kasalan pero kumakanta pa din ako ng ‘Tan-tan-tanan… Tan-tan-tanan..’.  Hanggang sa maglabing-labing kami ni BebeKo ay sumisipol pa din ako.  Buti nga di ako sinabihan ng ‘Ahm… wala bang fast version nyan ?’.  Pumasok na ko sa opis, nagbreyk, pumila sa carinderia.  ‘Tan-tan-tanan… Tan-tan-tanan…’ pa rin  May kasama pang pakadyot-kadyot ‘yun.  Kala ko nga sisigaw ‘yung cashier sa kin ng ‘Guard!  Guard’.  Salubong na ‘yung kilay ng cashier, kala mo any moment biglang tatakbo dahil may isang manyak na sumisipol.  Patay malisya na lang ako na, ‘Sori Miss, kala ko caterpillar kasi ako’.   

Wala ka nang magagawa pag tinamaan ka ng LSS.  Parang hardwired na sa utak mo ‘yung kanta katulad ng unconscious na pagpikit at pag-utot. ‘Inpektious’ sabi nga.  Buti pa nga ‘yung pekpek pag naimpek may gamot, eto wala talaga.  Tiyak na maghapon ka nang ngangawa ng chorus ng kanta.  Suspetsa ko ‘brain glitch’ ito na hindi napaghandaan ni God nung hinulma niya ang tao galing sa dakot ng lupa [ano kaya ginamit ni God para bumuo ng clay ng tao, tubig kaya o ihi?  Wala lang, napaisip lang.  May mga tao kasing amoy ihi].   

Apekted ka din sa choices of music ng mga bus o dyipni drivers.  Nung bumiyahe nga ako galing ng probinsiya pabalik ng Maynila, tuloy tuloy na nagpapatugtog ng ‘new wave’ ‘yung driver ng bus ng dose oras.  Pagkababa ko tuloy ng bus, para akong nahypnotize na umuusal ng kanta ng AHA, ‘Take on me… Teyk me on.. I’ll be gone.. in a day or two-wuhuuu!’.  Putek, anong panama ng sandosenang boses ipis sa mundo sa pagngawa ko.  Wala. 

Ang LSS pa naman yung tipong pasipol-sipol in da wrong place, in da wrong taym.  Kasarapang nanonood kami ng laban ng Ginebra tapos biglang birit si pareng Eli ng ‘It’s raining men.  Aleluya,  it’s raining men’.  Patay.  Ansama tuloy ng tingin nung ‘Tatlong Itlog’ sa kanya.   Heto pa ang ibang LSS ng mga kaibigan:   

– Si pareng Nelson na kumakanta ng ‘To the left.. To the left’ ni Beyonce na binibirong tatadyakan sa betlogs nung receptionist. 

– Si pareng Abjil na nagbabawas sa CR habang sumisipol ng ‘Kapit kamay… Di kita iiwan, sa paglakbay’ ni Yeng Constantino 

Posible ring coping mechanism ng tao ang LSS.  Pampakalma pag stressed out.  Malamang pag stressed out si president GMA dahil sa sandamakmak ng problema ng bansa, napapasipol siya ng kanta ni Annie Batungbakal o kaya Sang Linggong Pag-ibig ni Imelda Papin. 

Ikaw, na-last song syndrome ka na ba?  Anong sinisipol-sipol mo dyan?





Committed

18 12 2007

Lahat naman tayo may bahagi sa buhay natin na kelangan na talagang mag-pamilya.   Kung kelan, depende ‘yun sa threshold ng kalibugan.  Kung kaya pang idaan sa pagtitikol, bakit hindi.  Wag ka lang mawili sa pagsasariling sikap dahil baka pag kelangan mo nang mag-asawa, mamya pakiramdam mo e nagiging ‘unfaithful’ ka na sa sarili mo kapag nakikipag-shoot-dat-bol ka sa iba.  At pagkahaba-haba man ng prusisyon, heto at redi na kami ni BebeKo na makipag-exchange gifts ng singsing sa isa’t-isa.  Pag naisuot na sa kin ‘yung wedding ring, malamang maraming holdaper na ang magkakainteres na lagariin ang daliri ko.  


Redi na nga ang lahat.  Church preparations.  Hotel rooms.  Reception.  Wedding cake, etc etc.  Heto na nga ‘yung moment na sinasabi kong kumakalabukab na kakabakaba ang pakiramdam.  Nakatayo na ako sa harap ng altar ng cathedral habang hinihintay ang bride na si BebeKo.  Di ko madescribe ‘yung pakiramdam.  Basta halo-halong emotions: senti, may kaba, parang nauutot na parang kakabagin atbp.  Nagrerebolusyon nga ‘yung tiyan ko, para ngang gustong makipag-chat sa akin pampalipas oras.  “Ngowwrk… Ngerk… Iutot mo na ako please”.  Siraulong tiyan, ayaw makipagcooperate, may sariling yatang mundo.  Inaliw ko na lang muna ang sarili na magmuni-muni kesa ibulsa ang kamay at maglaro ng pototoy.  Heto ang mga laman ng isip ko:  


1.  Dapat sinusunod ang mga nakakatanda.  Alala ko noon, sabi ni Lola, “Apo wag kang titikim ng mani, nakakaadik yan”.   Kala ko bluff, may malalim palang kahulugan ‘yun.  Kaya ng makatikim ako ng pekpek, dun ko lang naintindihan ang wisdom ni Lola.  Aba’y totoo nga, nakakaadik nga.  

2.  Walang tabo sa hotel.  Pag tumae, pedeng gamitin ang tumbler ng Tokyo Tokyo bilang tabo.   Ingatan ang tabo.  Kung hindi, mawawala ito at makikitang gamit-gamit ng room boy na humihigop ng malamig na orange juice.  

3.  Huwag mangulangot sa simbahan dahil kelangang makipag-sheyk hands sa pari pagkatapos ng misa.  Lalong hindi dapat mangulangot dahil kelangang hawakan ang pisngi ng bride pag sinabi na ng pari ang ‘You may now kiss the bride’.    

Mamya, tumunog na ‘yung pinto ng cathedral hudyat ng pagbubukas.  Sa labas, putukan ang fireworks [di sa amin ‘yun, may celebration yata sa labas].  Espesyal dahil si pareng Ice, isang dabest na kaibigan ang nagbukas ng pinto.  Tan-tan-tanan… Tan-tan-tanan… dahan-dahang nagmodel-modelan si BebeKo sa aisle ng simbahan.  Muntik ko nang di makilala, kasi mukang racoon ‘yung mata sa meyk up. Kala ko tuloy sa ibang kasalan ako napadpad [Biro lang].  Pero seriousli, iba pala talaga ang pakiramdam ng kinakasal. 


Nung gabing ‘yun, nadiskubre kong may tear duct pala ako.  Kunyari naman napuwing ako kaya nagpunas ng panyo.  Sobrang mahal ko ‘tong babaeng ‘to.  Ay lab ebriting abawt her.  ‘Yung pagyakap niya.  Pagsimangot.  Paghalik.  Smile pa lang niya, ulam ko na.  Hindi ko alam kung ano nakita nya sa ‘kin [besides pagkakaroon ng mahabang titi] para mahalin din nya ako.  Everything is a puzzle.  In this lifetime, somebody’s waiting to complete you.

* Photo1:  Sinusundo ko na si BebeKo kina Daddy at Mama, Photo2:  Promise ng ‘one love in a lifetime’ sa harap ni Papa Jesus, Photo3:  Post-Reception picture [change costume] ilang minuto bago maglabing-labing





License To Wed

10 12 2007

Civil wedding sana namin ni BebeKo nu’ng June sa probinsiya pero dahil nga childhood dreams niya ang maglakad pagong sa gitna ng simbahan, naging December para makapag-ipon ng maipapakain sa mga kung sinong ‘hu u ba?’ na iimbitahin.  Sabi ko nga baka pwede namang mag-packed lunch na lang ang mga bisita, ayaw ba naman.  Kung pwede lang naman. Haha.  Hirap magpakasal ngayon, di tulad nung panahon ni Eba saka Adan.  Lambutsingan to da max agad, wala nang rece-reception na nangyari.  Ang handa nga lang nila ay isang epol na naging mitsa pa ng pagiging makasalanan ng mundo [at di ko pa din makuha ang logic na naging makasalanan ang bilyon-bilyong tao dahil sa pagkagat sa epol na ‘yan].  

Pero kahit sabihin pang conservative ang Pilipins, nire-recognize ng ating batas ang pagiging natural na malibog ng mga Pinoy.  In pak, Article 34 ng Family Code of the Philippines, ang pagsasama ni lalake at babae as live in pakners for a minimum of 5 years ay ground for exemption para kumuha ng marriage license bago magpakasal.  In short, di na kelangan ng lisensiya para maikasal.  Sayang, dapat no’n pa lang nag-living together na kami para nakasama sa exemption.  Ang ganitong pagpapakasal ay tinatawag na ‘ratification by marital cohabitation’. May natira pa palang latak ng istak knowledge kahit papaano ‘yung pag-aaral ko ng abogasya no’ng nakaraang taon.    

Sa Muntinlupa na kami nag-apply ng lisensiya sa kasal.  May kasamang seminar pa ‘yun.  Eksaktong bagong sunog ang cityhall kaya dun kami malapit sa bangketa ng palengke kina-counselling.  Habang inihahanda kami ng mga marriage counsellors sa buhay may asawa, may sumisigaw ng ‘Kangkong! Kangkong kayo diyan.  Limang piso lang’.  Kala ko kangkang, papakyawin ko na sana. Haha. Pansin ko parang mga abnoy na frustrated comedians ‘yung mga marriage counsellors.  ‘Yung una isang government employee, anlakas manlait ng mga nagseseminar [nakatsinelas kasi ‘yung iba, tapos ‘yung iba buntis na]. ‘Yung pastor naman, nag-ooffer ng catering package.  Napaka-profound nga ng natutunan ko dun.  ‘Yung nars naman nagturo kung paano magsuot ng condom.  Watda. Ineexpek ko sana ‘yung medyo mahirap naman.  Halimbawa, tuturuan ‘yung mga babae pano isuot yung condom kay mister gamit ang pilikmata.  Mga ganun.

Pagkatapos nun, mga papers naman sa simbahan ang inasikaso namin ni BebeKo.  Tatlo ang magiging pari namin sa kasal.  Si Archbishop, si Fr. Rannie na dean ng San Beda college of law na isa din sa outstanding philosophers of the century at saka isang kamag-anak na pari.  Di ko na kinulit si BebeKo kung bakit kelangang tatlo, para di halatang engot ako sa religious churba churba.  Inisip ko, baka siguro mas malakas ang signal ng prayers pag tatlo ang pari.  ‘Wow!  Three bars, anlinaw nga’, baka mapatalon pa si San Pedro sa tuwa.  Nung pinuntahan namin si Archbishop para kuning pari sa kasal, medyo nakangiwi ako.  Baka kasi maalala nya ako at ‘yung kalokohan ko nung college.  Curious lang naman ako e.  Kasama si pareng Ice, tinanong ko si Archbishop ng, ‘Monsignor, nakakaramdam din ba kayo ng makamundong pagnanasa?  Anong ginagawa nyo pag ganun?’ [read:  Monsignor, pag nakakita kayo ng seksi, nagtitikol din ba kayo?] na sinagot naman ni Archbishop ng ‘Syempre naman.  Tao din kami’.  Pagkatapos nun, hindi na kami muling pinaapak sa Archbishop’s Palace. 

Pero mabait talaga si papa Jesus.  Sa lahat ng katarantaduhan ko sa buhay, binigyan pa nya ako ng mabait na BebeKo – my soulmate, bespren forever, saka wrestling partner.  Papa Jesus, I owe you much.  Pramis, magpapakabait nako.