License To Wed

10 12 2007

Civil wedding sana namin ni BebeKo nu’ng June sa probinsiya pero dahil nga childhood dreams niya ang maglakad pagong sa gitna ng simbahan, naging December para makapag-ipon ng maipapakain sa mga kung sinong ‘hu u ba?’ na iimbitahin.  Sabi ko nga baka pwede namang mag-packed lunch na lang ang mga bisita, ayaw ba naman.  Kung pwede lang naman. Haha.  Hirap magpakasal ngayon, di tulad nung panahon ni Eba saka Adan.  Lambutsingan to da max agad, wala nang rece-reception na nangyari.  Ang handa nga lang nila ay isang epol na naging mitsa pa ng pagiging makasalanan ng mundo [at di ko pa din makuha ang logic na naging makasalanan ang bilyon-bilyong tao dahil sa pagkagat sa epol na ‘yan].  

Pero kahit sabihin pang conservative ang Pilipins, nire-recognize ng ating batas ang pagiging natural na malibog ng mga Pinoy.  In pak, Article 34 ng Family Code of the Philippines, ang pagsasama ni lalake at babae as live in pakners for a minimum of 5 years ay ground for exemption para kumuha ng marriage license bago magpakasal.  In short, di na kelangan ng lisensiya para maikasal.  Sayang, dapat no’n pa lang nag-living together na kami para nakasama sa exemption.  Ang ganitong pagpapakasal ay tinatawag na ‘ratification by marital cohabitation’. May natira pa palang latak ng istak knowledge kahit papaano ‘yung pag-aaral ko ng abogasya no’ng nakaraang taon.    

Sa Muntinlupa na kami nag-apply ng lisensiya sa kasal.  May kasamang seminar pa ‘yun.  Eksaktong bagong sunog ang cityhall kaya dun kami malapit sa bangketa ng palengke kina-counselling.  Habang inihahanda kami ng mga marriage counsellors sa buhay may asawa, may sumisigaw ng ‘Kangkong! Kangkong kayo diyan.  Limang piso lang’.  Kala ko kangkang, papakyawin ko na sana. Haha. Pansin ko parang mga abnoy na frustrated comedians ‘yung mga marriage counsellors.  ‘Yung una isang government employee, anlakas manlait ng mga nagseseminar [nakatsinelas kasi ‘yung iba, tapos ‘yung iba buntis na]. ‘Yung pastor naman, nag-ooffer ng catering package.  Napaka-profound nga ng natutunan ko dun.  ‘Yung nars naman nagturo kung paano magsuot ng condom.  Watda. Ineexpek ko sana ‘yung medyo mahirap naman.  Halimbawa, tuturuan ‘yung mga babae pano isuot yung condom kay mister gamit ang pilikmata.  Mga ganun.

Pagkatapos nun, mga papers naman sa simbahan ang inasikaso namin ni BebeKo.  Tatlo ang magiging pari namin sa kasal.  Si Archbishop, si Fr. Rannie na dean ng San Beda college of law na isa din sa outstanding philosophers of the century at saka isang kamag-anak na pari.  Di ko na kinulit si BebeKo kung bakit kelangang tatlo, para di halatang engot ako sa religious churba churba.  Inisip ko, baka siguro mas malakas ang signal ng prayers pag tatlo ang pari.  ‘Wow!  Three bars, anlinaw nga’, baka mapatalon pa si San Pedro sa tuwa.  Nung pinuntahan namin si Archbishop para kuning pari sa kasal, medyo nakangiwi ako.  Baka kasi maalala nya ako at ‘yung kalokohan ko nung college.  Curious lang naman ako e.  Kasama si pareng Ice, tinanong ko si Archbishop ng, ‘Monsignor, nakakaramdam din ba kayo ng makamundong pagnanasa?  Anong ginagawa nyo pag ganun?’ [read:  Monsignor, pag nakakita kayo ng seksi, nagtitikol din ba kayo?] na sinagot naman ni Archbishop ng ‘Syempre naman.  Tao din kami’.  Pagkatapos nun, hindi na kami muling pinaapak sa Archbishop’s Palace. 

Pero mabait talaga si papa Jesus.  Sa lahat ng katarantaduhan ko sa buhay, binigyan pa nya ako ng mabait na BebeKo – my soulmate, bespren forever, saka wrestling partner.  Papa Jesus, I owe you much.  Pramis, magpapakabait nako.

Advertisements

Mga Tugon

Information

52 responses

10 12 2007
madbong23

congrats bro, nawa’y maging matiwasay ang inyong pagsasama. ilan bang anak ang balak ninyo ha?

@madbong tenks bro. anak? bahala na kung ilan ang kayang i-accomodate ng itlog ni bebeKo. sana parang katulad ng jeep sa makati – pedeng sampuan. hehe. pwede na sigurong tatlo ang minimum – papangalanan ko silang green zaido, blue zaido saka red zaido.

10 12 2007
MARU

nakow! am sure nakaka-relate dito si sawn tsaka si antuken. daming cheche-bureche magpakasal sa simbahan. pare, buti nakayanan mong wag maasar sa dami ng kelangan daluhan muna para maikasal sa simbahan.
nways, aabangan ko na lang ang mga susunod mong mga entries….mula kasal…reception..hanggang honeymoon — aabangan ko. 😀 best wishes!

@maru si sawn wala nang kawala. ako meron pang chance. dugo at pawis ang magpakasal, kaya dapat lang talaga na may hanimun sa huli. best wishes? pwede ako mag-wish? sige wish ko sa hanimun, kagat labi position. uu mare – idadagdag ko ang kagat labi position sa aking world kamasutra collections.

10 12 2007
Maldito

ay ang daming magpapakasal….kuya bads…..pano mo malalaman na ready ka na magpakasal?lols….parang wala sa isip ko eh..masarap maglaro…..lols.

@maldito pag may nakilala ka nang pedeng mautangan big time. hehe, seriousli, u can never be redi sabi nga nila. sakin, habang mura ang bigas, mag-asawa ka na.

10 12 2007
eMi

congratz poh 🙂

@emi tenks u marami

10 12 2007
lilmiz

awww.. dami nga magpapakasal this year at neks year. ano ba meron? lolz.. congratz ulit kuya.. naway habang buhay kayo magmahalan at pagpalain ni papa jesus 🙂 at sana magkaron kayo ng madaming lil badoodles 😀

@lilmiz kelangan nang magpakasal para humabol sa kalendaryo. baka matuyo ang itlog ni bebeKo mahirap na. sana nga maraming lil badoodles para marami akong kalaro ng sumpit.

10 12 2007
mine

awwww wedding fever pala sa WP ngaun… congratz po 🙂

… inimajin ko tuloy mag suot ng condom using pilik mata! nyahaha

@mine tinamaan ng horny bug mga bloggers ng wp ngayon kaya anlilibog magpakasal [hehe sawn].

10 12 2007
gladita

Congrats! Nasakal…err…nakasal ka rin pala sa wakas. Pakabait ka ha. Uy, paki change nga ng link ko dyan. http://www.promdiliving.com na po me.

@gladita oo papakabait ako. at ilang new year’s resolution ko nang sinabi yan. haha. sige palitan ko link mo – ok ang branding makakarelate ako

10 12 2007
MisyeL

COngrats sa inyo ni bebemo, hehe.. Aabangan namin yung entry mo sa inyong engrandeng kasal. 🙂

@misyel oo engrande ang handa. sandosenang baka saka mansanas. gugupitin ko pa nga lang ung mga piktyurs.

11 12 2007
jp

May aasikaso na sa kasal at reception niyo? Bakit ngayon ko lang naisip magrecommend ng wedding planner? 😆

Anyway, good luck sa inyo. Sana nawa’y mistulang Ironman matches ang mga wrestling bouts niyo. Let’s get it on! Hehehe…

@jp ‘let’s get it on!’ saka ‘say my name beets’. usapan namin ni bebeKo hanggang round 12 ung wrestlingan. der is no 3 knockdown rule.

11 12 2007
Pryss

oh gosh,sana ako din makalakad-pagong heheheh…di ka na ba maa-agaw sa bebeMo badoodles?hihihi…

sana makapag-post ka ng pics ng wedding mo,saka pagbalot mo na rin ako ng natirang handa ha?…

best wishes sa inyo and may you live happily ever after…wag ka papabugbog ha? nyahahahah!!!!!

@pryss di na pedeng agawin – tinatakan nako ng ‘exclusive property of bebeKo’ sa pwet gamit ung mainit na bakal pantatak ng kalabaw. heto nga nagpapagaling.

11 12 2007
jeckyll27

congrats dod baduds! kung saan mang gaganapin ang reception niyo, sana mapadaan ako. magdadala rin ako ng bayong at plastic bags para makapag-take home na rin..hehehe..sana ganyan din ang maging ending namin ng labidabs ko..

@jeckyll27 oo dude jeck. sige iteyk home mo na ung 8 layers cake namin tutal styrofoam lang un. haha.

11 12 2007
antuken

i could totally relate! hehehe. i was actually silently & secretly laughing sa mga nagbigay ng seminar/talk/whatever chorlva na kailangan para makakuha ng lisensya at permiso na makasal. eh kung tutuusin, i’m way past the normal marrying age. naawa nga ako sa mga dalagitang buntis na andun sa family planning seminar eh. sabihan ba naman ng: ano namang katalandian ang pumasok sa mga kukote nyo at nagpabuntis kayo? in pront op d meni fifol ha. napa-tungo na nga lang sila e. pano kaya kung sinagot sya ng: eh ano bang pakialam mo. malay ko bang kelangan pala hugutin agad? hahaha.

@antuken hwaw. e di nagseminar ka na din pala. parang abnoy nga ung mga nagpapaseminar mga self righteous packing sheet pa, ung iba frustrated comedians. nanood na lang sana ako ng standup comic sa bar may libre pang drinks. exchange gifts tau ha. asan na ung regalo ko?

11 12 2007
cdy173

speaking of family planning,di ko lam bat pa kelangan un eh kung tutuusin super basic naman ung info na binibigay nila. nung nagseminar nga kami parang gusto kong palitan ung nars sa sobrang bagot ko sa pinagsasabi nya.

nweys godbless sa pagsasama nyu ni bebemo.congratz!

@cdy173 kasing common sense ng pagtitikol ung ibang topic. kayang madiskubre kahit ng greyd wan section d row 4. mga suggested topics ko:
1. how to extend orgasm
2. how to achieve multiple simultaneous orgasm
3. how to make business out of babies
4. kama sutra collections 101
mga ganun.

11 12 2007
Lenggai

congrats amigo!!!! wa ako ma-say… kahit dinadaan mo sa comedy, halatang labs na labs mo bebe mo!!! Haaayyyysss…. kelan kaya ako makakapagsulat ng ganyan sa entry ko? hehehe…. Salud!!!

@lenggai mi amiga makulit ka nga ring magsulat. sana dagdagan mo pa ng lab stories kasi adik ako ngayon sa mga romantik moments. parang gusto ko ngang magbasa ng pocketbuk na may bed scene sa bandang gitna. gusto ko din ng bayabas na walang buto. putek, ako ata naglilihi. ang aga naman..

11 12 2007
Kotsengkuba

badoodles, pers time ko makareceive ng e-mail feed from you. hehehe, excited?
nung marriage counseling naman namin, ang topic ng counselor (bukod sa mga reklamo nya tungkol sa gobyerno) e kung pano papadamihin ang kapirasong karne para maraming kakain. ang sagot ko e isigang. aba’t very good daw. hahaha.

@kotsengkuba ako excited? hinde no. [nginig tuhod]. hehe. heto nagpapraktis na ding magluto. muntik ko na ngang masunog ung buong barangay. wala ba akong ‘welkam to da club’ jan. excited na din.

11 12 2007
Kotsengkuba

tsaka na ‘yung ‘welcome to the club’ kapag fully registered ka na. hahaha 😛

@kotseng kuba baka may kasamang paddle na initiation pa yan bago ako mawelkam. haha. di ko na kau invit sa stag lam ko namang kasama ko kau in spirit. haha

11 12 2007
bruhilda

congratz sa nalalapit na (pagpapasakal) pagpapakasal nyo ng bebe mo.
ang hirap naman yata nun isuot ang condom gamit ang pilikmata. pwede ba paa na lang? anong feeling ng malapit na ikasal kakakaba ba?
gudlak and best wishes!!!

@bruhilda kumakalabukabnakakabakaba un ang pakiramdam. hehe, 50% na parang mauutot, 20% na parang di makatulog, 10% na parang libog na libog saka anoder 20% na di ko pa madistinguish kung kabag lang o kaba.

11 12 2007
jojie

magbebest wishes na ako sa inyo ni bebemo baka hindi kasi ako maka-attend [FC: feeling close]. Humayo kayo at wag gaanong magparami. 😉

@jojie salamat at di ka makakaattend. ngayon pa lang e parang nauutot nako sa kaba kung san ko hahagilapin ung pang reception mukang sandamakmak ang mga bisita na sa tanang buhay ko ay di ko pa nami-meet.

11 12 2007
xienahgirl

naku
wrestling partner?
makahanap nga rin nun
wahaha

naku
malakas ka kay lord
siguro bumabawi lang siya
dahil nung past life mo
pinagkaitan ka niya ng happinness
🙂

@xienahgirl siguro nga. sabi ng manghuhula sa may tabi ng quiapo church, dati raw akong malungkuting kangkong sa pasig river na pinatuyo at ginawang basket. kung ano ang basis nya para sabihin un di ko alam. mukang naka-rugby siya nung panahong un.

11 12 2007
gasti

haha! potek pinatuyong kangkong na ginawang basket? ur da man!

best wishes sa inyo pareng badoodles…sana magkaron ka ng anak na magmamana ng talino mo.

kamusta naman kaya yung pagtitikol ni monsegnor..haha! bilib talaga ko sa lakas ng loob mo.

@gasti di ako matalino pre, umaasta lang na matalino – di naman kasi halata ang difference. may pre-wedding confessions pa naman – sana hindi kay monsignor magkukumpisal kung nagkataon ‘monsignor, sori po, ako ung nagtanong sau nung million dollar question, patawad po’.

11 12 2007
alphasensei

HAYYY… SANA MASABI KO RIN NA KAHIT SA DAMI NG KATARANTADUHAN NA GINAWA KO, BINIGYAN PA RIN AKO NI GOD NG MAMAHALIN AT MAGMAMAHAL SA AKIN.

HUHUHU
KLEENEX NGA.

@alphasensei ‘no ka ba, labs nga tayo ni God kaya we’re blessed wid loving pipol around.

11 12 2007
sommer

…wow, malapit na talaga..this is really is it! congrats!!
…tapos na ang seminar…stag party na ang next!!yebah!!:p

@sommer tinatanong nga ako ni bebeKo kung mag-iistag party ako. sabi ko wala yun, manonood lang kami ng mga kabayo sa sta. ana race track. wow! mga kabayong sumasayaw! san ka pa

11 12 2007
karen

oi congrats!

ako din nagpapasalamat sa Kanya at binigyan ako ng lalaking magaling umintindi ng topak ko hehehe

@karen mabait talaga si papa jesas, isang dakilang experiensadong matchmaker. kung nagkataon na mali mali ang pagkakaparehas nya e di ang gulo ng mundo

11 12 2007
coldman

wow! best wishes pareng badoodles! Naway dumami ang yung lahi sa sanlibutan! =)

@coldman iniisip ko talagang magparami para dumami ang makukulit, mababaw ang kaligayahan, at lahi ng mga di halatang naghihirap. para sa bayan. para sabihin ng mga kano ‘ dey dont look poor, are dey?’

11 12 2007
chillidobo

Anu ba namang tanong yan para kay archbishop (sarge, hepe, bossing, tsip) tawagin daw bang monsignor hahaha. Oi! konting tiis na lang at lisensyado na kayong magpakners! Ano ba yang kinuha mong lisensya: pro o non-pro? LOL

@chillidobo monsenyor talaga tawag sa mga archbishop, di ko alam kung bakit – siguro kasi palautos. ung lisensiya ko daw non-pro pa lang, marami pa daw akong kakaining bigas 😉

11 12 2007
bunz

wow..conglats!!!
lakas mo naman ke papa jesus…

@bunz hindi totoong malakas ako kay papa jesaz – feeling close lang. malay mo makalusot sabihing, ‘sige na nga prens din tayo’ [naka-cross fingers pa]

11 12 2007
ca

Naks congrats badoodles! 🙂

Sana nga magmana sa inyo ang mga badoodlets niyo para dumami naman ang mga productive pipol sa Pinas.

Bonggang-bongga ang mga mag-oofficiate ng mass huh. Kainggit. Hehe

Best wishes!

@ca eto kasing si bebeKo galing sa mga lahi ng pari. tutal naman paparamihin ko ulit ang kanilang lahi kaya naman powerhouse ang magpe-pray over sa min. sana ma-meet ko ulit kayo. sabik na sabik na akong makita kayong muli [hwaw, anlibog ng dating] heniways, dumating pala jv last month umalis din ulit magpaparami talaga ng yaman ang kumag

11 12 2007
rhiana13

Naks, palapit na ng palapit… Congrats sir!!!

@rhiana13 dum.. da.. dum.. da.. dum.. anlakas ng dagundong ng aking betlogs… mali, puso pala

12 12 2007
Pryss

grabe pati tuloy ako nae-excite na din eh!!!

di ka na pala pwede agawin, kunin mo na lang akong dancer sa stag party mo hahahahha!!!…para kahit isang gabi masabi ko na natiman ko ang kariktan ni badoodles (kariktan daw oh?!) nyahahahah!!!!!

seriously speaking..best wishes…alam kong love nyo isa’t-isa at sana maging ganyan kayo forever…may God Bless your unity and pagpaparami hehehehe…

@pryss o hwag po [kagat labi]. sori pero sobrang taas kasi ng criteria namin para maging dancer sa stag: dapat midget na marunong mag-cartwheel o kaya bungal na marunong magbalanse ng platito ng mani sa ulo. san ka pa. joke lang

12 12 2007
noime

“Pero mabait talaga si papa Jesus. Sa lahat ng katarantaduhan ko sa buhay, binigyan pa nya ako ng mabait na BebeKo – my soulmate, bespren forever, saka wrestling partner. Papa Jesus, I owe you much. Pramis, magpapakabait nako.”

ayihie. nakaktuwa naman yung sinabi mo kuya. pareho kayong maswerte para sa isa’t isa. hehehe.

@noime senting-senti mode ako jan habang naglalaro ng psp. hehehe

12 12 2007
antuken

exchange gifts? eh san ko nga papadala? di mo naman sinasabi kung saan e… pag naka-3 plantsa ako or 2 rice cooker, ano ipapalit mo? hehehe. {i’m so excited, and i just can’t hide it —- hehehe)

@antuken e di 3 plantsa din o 2 rice cooker. plus may regalo pako sayong warranty. san ka pa. hehe.

12 12 2007
jp

Para dumami pa lalo comments mo, bakit iba na ata ang reply mechanism mo? Hehehe…

@jp anhirap na kasing i-track ung flow ng conversation/debate/basagan ng mukha saka unggoy-ungguyan. kahit ako nahihilo na sa kaka-up en down kala ng mga opismeyts ko kausap ko si kokey sa monitor – tango ako ng tango. kow-kow-kwek-kwek [alien speak]

12 12 2007
purple

Hi! napadaan lang, congrats! i have the same problem securing all the necessary requirement sa pagkuha ng license, so nayamot na ako, ayoko ng pakasal, live-in na lang forever, hahaha.
FYI it doesn’t matter kahit you’ve been living together for 5 years, pag church wedding kailangan talagang mag comply sa lahat ng requirements, kung civil lang deretso na kasal., so sa daming hassle, nabaliw na mapapangasawa ko sa kakaayos ng mga papers, so wag na lang., hahaha
Congrats again and GOOD LUCK!!!!!

@purple korek. nung nagkangkangan naman sina eba saka adan wala namang pirma-pirmahang naganap. kung sino man ang nakaimbento ng papel at bolpen, ansarap hantingin saka gawing kinilaw

12 12 2007
macky

haha… 3 pari? grabe naman… mas malakas nga ang dasal pag ganun.
saya talaga pag kasama mo na ang mahal mo. good luck sa pagpapakasal!

@macky hanggang ngayon clueless pa din ako bakit tatlo. siguro kasi great things are made of three’s. parang movie na trilogy yan e. patok na patok. pede ding dahil sa gomburza. ano mang lihim ang nakakapaloob sa tatlong pari, malalaman ko din at masasagot kita.

12 12 2007
ling-ling

gudlak sa kasal! swerte naman ng bebemo.. hehe!

@ling-ling swerte nya kaya sa kin. its da ader wey arawnd. haha. endangered species na kaya tulad naming matalino tapos manyak pa. i am God’s blessing sa marunong magpray kay papa Jesaz

12 12 2007
follower ni badoodles

sir idol!! ngayon ko lang sinimulang basahin ang mga makabuluhang blogs na sinulat niyo. nakakatawa pala at mapagkukunan ng maraming aral!! hehe. mula ngayon, lagi ko ng aantabayanan ang mga stori opyorlayp! idolo na rin kayo ng hunniebes ko at nagprint na xa ng blogs at pinagkalat na sa mga friendly friends nyah. papa sir, congrats over there ha! keep on going sa inyong blogs ha, parang si energizer bunny, going and going and going.. GoODLUCKS!!!

@follower ni badoodles haha. estudyante ko to. idol ding makisama. hoy di na pedeng itaas pa yung grade mo sa 100% baka ako naman malintikan. wala akong pakelam kahit magaling ka. haha. kala ko ba mag-aatend kayo sa kasal ko? hehe. mga drowing kayo. ur missing hap of yowr layp. ansaya dito. wahoo!

12 12 2007
direk_TATA

yebbba!!!!
tapos na tickle days ni badoooz!
1st time ko lang nag comment d2
panalo liBLOgs mo!
idol ka tlga!
maligayang pagpapaSAKAL este ASKAL phweee KASAL!!! kinam!

pahabol… kay sarap tlga tumawa pag may pilay no lakay hahaha!

@direktata ney, kala ko pa naman, bibigyan mo ako ng access pornsite mo. ukis ti saba ka nga talaga

13 12 2007
Kiko Matsing

Wow! Malapit na pala ang wedding niyo. Congrats!! Kung pati pala mga readers at friends mo dito sa blog mo aattend malamang mamulubi ka sa pagbayad sa reception sa sobrang dami! 🙂

@kiko matsing salamat pare. buti kamo asa abroad ung karamihan sa inyo kaya malakas akong magbluff: sige attend kayo, basta pamasahe nyo.

13 12 2007
spottedwhittie

congrats. sana nailibing mo na ang isang buto mo sa pinakamaliit na memorial park . hekhek

@spottedwhittie di ka nagpapakilala. suplado/suplada ka ah. sige, ayaw na kitang kausapin.

13 12 2007
Abad Schoolhopper

yey. Congrats! Dapat madaling araw ka nagpakasal, konti lang ang magigising saka ayos na yung pakape sa reception. God Bless you and your bebe.

@abad heckshuli, gabi yun. tapos na hopefuli ang dinner by dat time [hopefuli].

13 12 2007
camilleeee

kongratsssss sa nyo ni ate bebe, kuya!

sana dumami ang mga ‘mini-badoodles’ nyo.

andami pa lang matututunan sa mga seminar na yan. pero naiintriga tlga ako kuya, dun sa “pano isuot yung condom kay mister gamit ang pilikmata”..

kelangan ata de alambre pilikmata ko nun? 🙄

waaaaaaa pag ‘de kahoy’ di ko na keri yannn hahah 😆

@camilleeee salamat. mahabang taon ang kelangang gugulin para ma-master ang pilikmata style. talo pa ang nagmasteral sa UP. 😉

14 12 2007
phot

yey. wrestling partner.. mukang masaya un mr. badoodles.. haha.. congrats!:))

@phot masaya talaga kasi basagan ng lungs. tapos romantic pa yung pagulong-gulong epeks

14 12 2007
Kotsengkuba

lagot ka badoodles, sino yang si spottedwhittie. hahaha! baka bitter yan. hahaha

@kotsengkuba mukang ‘somewhere in my past’. basta alam ko wala akong inagrabyado. mapagmahal akong nilalang. 😉

15 12 2007
Krisjasper

3 pari? baka may exorcism rituals pa yan? lolz.. anw, Congrats.. sarap ng may kayakap sa ginaw. hehe..

@kris malamang tine-test kung dadami ako pag nabasbasan ng holy water. baka naman mga alagad ni shaider yun naka-costume lang ng pari.

15 12 2007
Blackhart

wow!!! tuloy na tuloy na talaga at walang atrasan… kumuha na ng lisensya… ano nga ba ang kumakalakalabukab, ang puso o ang tiyan dahil di mapakali?
hmmm… bakit nga bang ang dami ng magpapakasal… parang nais kong humabol ahhh… pero nangangarap akong maglakad pagong sa simbahan, baka hindi kayanin kung tipong come and go lang ang drama ko… heheheh!!!

natawa naman ako sa mga nag seminar, as if inde pa expert pagsusuot ng condom or rather… hindi pa mahusay sa kontrol at paglalabas… ^_^

tatlong pari… the best! wala akong masabi…

GOD bless Badoodles, nagagalak ako para sa nalalapit ninyong pagbibigkis ng iyong Bebe… isang pagsasama na may basbas ng simbahan, siyembre ni Papa Jesus.

GOD bless at wag masyadong magpakarami… mahal ang gatas at magpaaral… hahahahah!!! ^_^

@blackhart tama na ung limang boys saka isang muse, pang basketbol team. dagdagan mo na rin ng dalawa pang boys para may benchwarmers

16 12 2007
Kotsengkuba

badooodeeeeeeeeeeels. welcome to the club! yeeeeheeee!!!

@kotsengkuba repakols, salamat. yipee! lisensiyado nakong magmultiply

17 12 2007
shelley

badoodssssssss! long time no read ako ng blogs mo pre ah..hehehe sobrang busy sa work ngayon…stress…nyweyz..

congrats! as in tuloy na tuloy na kasal nyo ni bebemo…aw..inggit ako…hehehe ako kaya..kelan darating ung lalaking makakatiis ng katopakan at kaartehan ko sa lyf ko…hahaha sana cya ung andyan lang sa tabi tabi…hehehe nahihiya lang magsalita…nyahahahaha bata pa naman ako…pero napepressure ako sa mga kaibigan at kamag anak ko..sunod sunod na kasi ang mga kinakasal samin…at saming magkakapatid ako na lang ang single(& loving itttt hahaha)…

masyado kaung blessed na nyan..3 pari..hahaha so 3 gusto mo maging anak..eh times 3 daw un..hehehe ganun kalakas praying powers nung 3 pari na magkakasal sa inyo…hahaha dami little badoodles…

best wishes sa inyong 2!!!! =p

@shelley kung san ka masaya dun din kami. ganun ba arithmetic nun. ok lang. ako lang naman magdedeposit, si bebeKo ang manganganak.

17 12 2007
gundina

best wishes! damihan nio anak nio ha.

@gundina opo. ngayon pa lang nagpapraktis nako kumanta ng ‘fr abraham hev 7 children’

17 12 2007
antuken

you still didn’t mention kung san ko papadala. hahaha.

@antuken nakow si mare sineryoso. hwag na [hiya]. saka wala kaming permanent address baka di rin namin matanggap. basta pramis pag kasal mo, may regalo kami sa yo

18 12 2007
BURAOT

tol, e di… me stag party kaw nyan? wahahahah!

gawin mong live at online para sa min nina kotseng kuba. wahahahahahah!

congrats.

@buraot tol meron. muka ngang kabayo ung mga sumasayaw. kaya pala stag party. salamat sa congrats.

26 02 2008
bubblytikling

hi, am a fan of your blog hehehe always akong natatawa sa mga nababasa ko rito.keep writing….ah sweet nyo palang dalawa.and u look cute.hehehe add u naman ako.its my first time to have a blog.

badoodles: @bubbly syur, pasasaan bat matututunan na din naming ug magbisaya . 😉

8 09 2011
edgaRD

badoodles, sa civil 200php ang seminar at may 1 o 2 witness pede na. pagkatapos ng seminar pede na kayo ikasal. kung sa simbahan, ilang ritwal
ba ang ginawa nyo bago ang pagpapakasal? saan ang reception nyo?
sana during ur kasal ay bless ka ni lord jesus ng anak na tulad ni monsignor.
dahil ang lahi ng bebe mo at lahi mo pag pinagsama parikol ay parekoy pala…
congrats and best wishes!!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: