Last Song Syndrome

26 12 2007

Ang weird kapag tinamaan ka ng last song syndrome o LSS.  ‘Yun ‘yung parang wala ka sa sariling sumisipol sipol ng kantang huling napakinggan.  Earworm ang common term sa ingles ng LSS.  Tapos na ang kasalan pero kumakanta pa din ako ng ‘Tan-tan-tanan… Tan-tan-tanan..’.  Hanggang sa maglabing-labing kami ni BebeKo ay sumisipol pa din ako.  Buti nga di ako sinabihan ng ‘Ahm… wala bang fast version nyan ?’.  Pumasok na ko sa opis, nagbreyk, pumila sa carinderia.  ‘Tan-tan-tanan… Tan-tan-tanan…’ pa rin  May kasama pang pakadyot-kadyot ‘yun.  Kala ko nga sisigaw ‘yung cashier sa kin ng ‘Guard!  Guard’.  Salubong na ‘yung kilay ng cashier, kala mo any moment biglang tatakbo dahil may isang manyak na sumisipol.  Patay malisya na lang ako na, ‘Sori Miss, kala ko caterpillar kasi ako’.   

Wala ka nang magagawa pag tinamaan ka ng LSS.  Parang hardwired na sa utak mo ‘yung kanta katulad ng unconscious na pagpikit at pag-utot. ‘Inpektious’ sabi nga.  Buti pa nga ‘yung pekpek pag naimpek may gamot, eto wala talaga.  Tiyak na maghapon ka nang ngangawa ng chorus ng kanta.  Suspetsa ko ‘brain glitch’ ito na hindi napaghandaan ni God nung hinulma niya ang tao galing sa dakot ng lupa [ano kaya ginamit ni God para bumuo ng clay ng tao, tubig kaya o ihi?  Wala lang, napaisip lang.  May mga tao kasing amoy ihi].   

Apekted ka din sa choices of music ng mga bus o dyipni drivers.  Nung bumiyahe nga ako galing ng probinsiya pabalik ng Maynila, tuloy tuloy na nagpapatugtog ng ‘new wave’ ‘yung driver ng bus ng dose oras.  Pagkababa ko tuloy ng bus, para akong nahypnotize na umuusal ng kanta ng AHA, ‘Take on me… Teyk me on.. I’ll be gone.. in a day or two-wuhuuu!’.  Putek, anong panama ng sandosenang boses ipis sa mundo sa pagngawa ko.  Wala. 

Ang LSS pa naman yung tipong pasipol-sipol in da wrong place, in da wrong taym.  Kasarapang nanonood kami ng laban ng Ginebra tapos biglang birit si pareng Eli ng ‘It’s raining men.  Aleluya,  it’s raining men’.  Patay.  Ansama tuloy ng tingin nung ‘Tatlong Itlog’ sa kanya.   Heto pa ang ibang LSS ng mga kaibigan:   

– Si pareng Nelson na kumakanta ng ‘To the left.. To the left’ ni Beyonce na binibirong tatadyakan sa betlogs nung receptionist. 

– Si pareng Abjil na nagbabawas sa CR habang sumisipol ng ‘Kapit kamay… Di kita iiwan, sa paglakbay’ ni Yeng Constantino 

Posible ring coping mechanism ng tao ang LSS.  Pampakalma pag stressed out.  Malamang pag stressed out si president GMA dahil sa sandamakmak ng problema ng bansa, napapasipol siya ng kanta ni Annie Batungbakal o kaya Sang Linggong Pag-ibig ni Imelda Papin. 

Ikaw, na-last song syndrome ka na ba?  Anong sinisipol-sipol mo dyan?

Advertisements

Mga Tugon

Information

39 responses

26 12 2007
phot

mukang oo mr. badoodles, haha!
merry xmas and adbans happee new year po!:D

badoodles ang santa claus ng bayan: meri mismas enehapi nu yir din sau phot.

26 12 2007
koreanmine

di ako madunong mag tono ng sipol eh 😀 (tweet tweet lang laam ko 😀 )
pero ako,madalas ako mabiktima ng LSS ng txtone ng cel. pag nadidinig ko ung txtone ng kasabay ko sa jeep o sa bus o ng kasamahan q sa work, lalo na pag sunod sunod ang txt, mayat maya yun nakakanta ko 😆

badoodles: @koreanmine ahh, parang name dat tune pala yan. heto nga hulaan mo monotone, tinuninuni… tinuninuni.. haha. ung isang boss ko trance ung txtone kaya napapakislot ako sa upuan

26 12 2007
jp

Ito LSS ko ngayon. Hindi ako marunong sumipol kaya kung ako mag-LSS stage whisper ang labas. Papano kung hindi ko alam ang lyrics ng LSS ko? Watch the clip. Ganyan ang nangyayari. 😀

http://www.collegehumor.com/video:1650561

badoodles: @jp haha! panalo to!

26 12 2007
xienahgirl

ako last song syndrome ko e
ten ten ten tenenen nen tenenen
ayun
hahaha
🙂

ay teka
kulang ng isang ‘nen’
ulit
ten ten ten tenene nen tenenen nen
ayun sakto na
🙂

meron naman
sa sobrang paulit ulit
ng peborit song ko
hindi ako nagsasawa
kulang na lang
mapaos yung singer
hahaha

ayun naawa ako
ibang song naman–
pero same singer pa rin
hahaha

badoodles: @xienah nakow pakinggan mong mabuti lyrics, nagmumura na yang singer sa galit. haha.

26 12 2007
jp

Ito pa isa pang nahanap ko while googling. This has got to be the most misheard song of all time.

badoodles: @jp naku biglang nagfilter sa opis. di ko mapanood. kelangang magproxy – cantbustme.com tut-tut-toot…

26 12 2007
linglingbells

ako lss ko ngayon ang “pasko sa pinas”.. si yeng constantino ata kumanta nun.. lagi kasing nasa channel 2 ang aming tv at yun ang laging pinapatugtog.. meri krismas at hapi new year sa inyo ng bebemo! 🙂

badoodles: @linglingbells hwaw kapamilya. enebadi na kapuso jan? hehe, pag-awayin daw. salamat ‘ling

26 12 2007
mcrey

Lagi akong nakakaranas ng LSS…

pero kadalasan ako ang dahilan ng LSS…

Tulad noong taym na kumakanta ang ng UMBRELLA [PAYONG] ng paulit-ulit… english at tagalog bershon…

nakuw, after ng klase namin sa circuit lahat sila nagsikantahan na rin ng umbrella.

badoodles: @mcrey hwaw may tagalog bersion pala. ano inglis ng payungan mo ko? i will umbrella u?

26 12 2007
Lenggai

Ay, ay! Meron ako ngayon Pareng Badz!

Ayos to…

Kama Supra ng Eheads… Putek, gusto ko nang matulog! Di ako makatulog nagma-Magic Sing pa rin pamilya ko!!!! Waaaahhh!!!!

badoodles: @lenggai! cheers sa mga ehead babies! julie tearjerky, elbimbo, etc.tagal ko na ding di naririnig yang kama supra. [ely: sige na naman..] bigla tuloy nagflashback ung panahong hayskul at supot pa lang ako.

26 12 2007
Maldito

akin…careless whisper…lols

badoodles: @maldito un bang tininit-titiw-tiniw-niw yan. guilty feet got no rhythm… la la la o baka naman utot mo yan?

27 12 2007
Noime

waha. ako laging ganun. paiba-iba.
nakakainis nga eh. hahaha. 😛
minsan kahit natutulog na ako, nagagawa ko pa rin kumanta kahit sa isip ko, biruin mo yun. hehe.

badoodles: @noime para palang jukebox – may music selection. hehe. wag lang mapili mo yung ‘i will survive’ yeyehh. mapasigaw ka bigla magigising buong barangay pati ung mga pusang nage-lq sa bubungan.

27 12 2007
angel

hahaha kapit kamay ba kamo? 😀

badoodles: @angel ang alam ko nga pag nagko-cross d finger o kapitkamay lalong ayaw lumabas sa pwet ung [tangena, ano na nga inglis nun, masagwa kasi pag tagalog… ]crapolicious crap

27 12 2007
Pryss

dail may simoy ng pasko pang natitira sa hangin natin..madalas kong LSS eh “give love on christmas day” hehehehe….

salamat nga pala sa mga pics…nakita ko din tuloy kayo sa wakas hehehehe…

badoodles pa celebrity epeks: @pryss heckshuli nga jan, sakit ako ng ulo nung 5 potograpers. tuwing pipiktyuran ako e laging tumatalikod. natsambahan din nila ako sa wakas. binantayan ako ng north east west south saka isang bird’s eye view. walang kawala. hehe

27 12 2007
Mikko

Hahaha, LSS! May mga oras rin na pareho kami ng naeeLSS ng ate ko. Minsan, sumasabay pa kaming sumisipol!

Isa lang ata ibig sabihin nun, great minds think alike. Hahahaha. 😀

badoodles d gr8: @mikko malamang pisay hymn ‘yun ano? so, u want a non prof license. i ken gib you por a discounted price op 800. wid drug test na yun. haha! [kinorrupt talaga ang kaisipan] . biro lang

27 12 2007
Kotsengkuba

Nung mga kapanahunan ng mga nagsulputang album ng mga hotbabes at kung anu-anu pang novelty songs.. May isang radio commercial ng shampoo sa RX at ang sabi mahirap nga daw talagang ma-LSS. Tapos yung commercial ganito ang kinakantan…

Bagay ba sakin ang kulot.. Bagay ba sakin ang kulot.. Bagay ba sakin ang kulot.. Bagay ba sakin ang kulot..

Hanggang ngayon LSS ko parin sya. Pinagtataka ko rin nung college, asar na asar ako sa mga kanta ni April Boy Regino at yung iba pa nyang kantang naglipana sa lahat ata ng jeep sa Balic-Balic.. pero infairness, halos kabisado ko lahat ng mga kanta nya. Hahaha! bakit ganun, sa sobrang pagkaayaw mo sa isang kanta na LSS ka na at nakabisado mo mula intro hanggang chorus hanggang repeat until fade.

badoodles: @kotsengkuba hanggang repeat until fade pa ah. haha! putek parekoy pareho pala tau ng kalansay sa baul. ganyang ganyan din ako, pag nagsesenti, biglang napapaatungal ng april boy in da midel of nower. pano kasi ung kapitbahay namin nun umagang umaga april boy na. pede na nga akong sumali sa name dat tune april boy edition – malamang grandslam winer ako dun

27 12 2007
gasti

merry xmas pareng badoodles..lss ba kamo? madalas rin ako mabiktima nyan pinakalatest eh yung..ngyon at kailanman ni basil valdez..para lang ako sinapian

badoodles hari ng lamayan: @gasti antagal na kaya nun. naririnig ko lang yun pag may nadededbol sa barangay namin tapos hinahatid na sa huling hantungan. nagtatapon pa ako ng barya kasi swerte daw

27 12 2007
jeckyll27

LSS ko ngayon yung kanta ni Jolina sa christmas id ng GMA…”pag may namamasko sayo kumakatok sa iyung piso, ….yan ang diwa ng pasko ang pasko na nagmula sa piso…” yeah!

badoodles: @jeck ahh, piso pla yown, sabi ko na nga ba eh. haha

27 12 2007
joice

haha,, eto forever lss ko, leaving on a jetplane ni chantal kreviazuk, may “a-ahh, a-ahhh” pa sa simula. haha.

happy holidays!!!

badoodles ay em living on a jeppleyn: sarap nun habang bumibyahe sa umaga. nag-iimagine nga ako kunyari astronaut ako, kaya pag tinatanong ako nung konduktor san ako bababa, nake-carried away ako, ‘ahm, pluto please’

27 12 2007
Shayleigh

LSS… waaah!!! ako… “I’m dreaming of a white christmas…” di ko na alam kung ano karugtong ng kanta.. basta paulit ulit na lang yan sa utak ko, minsan bigla ko na lang bibigkasin… pero naku, hate ko kaya ang white christmas… weeeh!!! sino ba nagsabing masaya mag celebrate ng “white christmas”

anyways,

HAPPY HOLIDAYS!!!

badoodles: @shay ano ba yung white christmas? nakakaputi ba yan? kung oo, e di go! go! kung hindi naman, sige yellow christmas na lang para maaliwalas

27 12 2007
koreanmine

tinuninuni… tinuninuni ….hhmmm 😕 itapon tapon tapon nyo, basura nyo ??? yun ba yun? lols 😆

badoodles [current status: nangungulangot at pinapahid sa keybord ng opismeyt] : @koreanmine hahaha! ang totoo nyan… hindi ko rin alam e. 😆 bakit koreanmine, adik ka ba sa korean movies?

27 12 2007
koreanmine

– hanef sa stat :p
– ang hirap pla ng tanong mo, di mo alam sagot eh 😆
(n ryt now, yan na ang LSS ko >> tinuninuni… tinuninuni 😆
– inde ako nkakapnood kahit anong korean chuva 😀 koreanmine kc pinagsamang ym ids q yan, mskoreanbug at mineallmine 😀

badoodles ‘d taken one’ : mahilig ka pala sa dugtung-dugtungan at iba pang compound words. malamang pag may anak ka na dugtung-dugtong din.

28 12 2007
eMi

LSS ko…”i will never let you fall..ill stand up with you forever..” hasus..halos batukan n ako ng mga ka-opismeyt ko sa kakakanta ng your guardian angel ng RJA…haha…nakita na rin kita kuya sa pic…curious talaga kse ako sa itsura mu..at ang ganda pala talaga ng wife mu..hehe ..

Merry Christmas and a happy & Prosperous New Year po!

badoodles da magic sing master: @emi sus di man lang sinabing pogi ako kaht paepeks lang. haha.

28 12 2007
lilmiz

ako din, lagi ako na i-LSS ahehe minsan nga nagsesleepsing ako sa last song na narinig ko wahaha. LSS ko ngayon ay yung “imagine” ni john lennon, kinanta kasi nung kapatid ko sa magicmic kagabi. amp akala tuloy nya mganda boses nya, hindi naman haha. nastuck lang talaga sa utak ko ang kanta 😀

badoodles: @lilmiz ‘imagine ol da pipol… living life in fish whu-huuu-uhuu’. wow pati ako nahawa. pagbigyan mo na, kapatid yan e, dapat sinusuportahan. 😉

28 12 2007
eMi

,cgeh na nga..”pogi si kuya badoodles”..yan ..P500 lang yan kuya..new year nman eh…nyaaaaahahaha 🙂

badoodles: @eMi tawad nman. dalawang daan lang kaya ko e. haha! hapi 2k8!

28 12 2007
antuken

sige, ako na lang magsasabi na ampogi mo! hehehe. malimit din ako ma-lss. buti na lang eh magagandang song ang nae-lss ko… hehe… read in one of your comments yung pisay hymn… sino taga pisay? hehe

badoodles: tenchu chona. anlakas ko sau. pisay? hinde sabi ko pasay, pasay hymn. haha. wala lang. ung mga barkada ko kasi nung college pulos pisay.

29 12 2007
camilleeee

sa kin… yung kantang “i miss you” ng incubus. (para sa ninong at ninang kong di nagpakita ng 10 taon)

agree din ako, pogi nga si kuya. uuyyyyy… hehe 😉

badudels [dating vocalist ng incubus-incubusan]: @camilleeee pag nababanggit ko ung pangalan mo para akong napapasigaw. wow! astig incubus pa.

anoder p500 por u. hehe.

hetong lss ko ” ampugi ko. ampugi pugi ko. pugi ba ako? pugi nga ako” repit 100 x

30 12 2007
Tsupot

Sa kin pinakamalupit na LSS yung Dayang Dayang… aba papasok ako sa uste, from vito cruz, dayang dayang na yung tugtog sa fx, nasa quiapo na ko natapos! partida trapik pa nun…

pag baba ko ng fx, paakyak ng overpass, nag cr, sumakay ng elevator… nakaka ti-diditididit-papirit na paririt dadayang dayang dadayng dayang… napapatingin sakin guard tsaka klasmeyts ko.

yan na naamn napapakanta na naman ako

30 12 2007
mr_d

hanggang ngayon theme song pa rin ni Dora the Explorer ang lss ko. Isang taon na ito.

5 01 2008
elrey_md

“makulay ..ang buhay..( ang buhay)
makulay ang buhay..

sa sinabawang gulay!”

badudels: @elrey_md sige sabayan kita, :”makulay ang buhay… makulay ang buhay sa sinabawang gulay”. wakokok. haha

5 01 2008
randomdemeanor

hala..nakakarelate ako..may post nga ako about LSS…tagalog version yun…Huling Kantang Sintomas ata yun ?? (sariling post, nakalamitun pa)…basta puro kanta sa komersyal ang tirada ng post na yun..may theme song ng Meralco, Coca Cola etsetera etsetera…

Bosing, congrats!!!!

badoodles: @randomdemeanor congrats saan? nanalo ba ako ng oscars ng di ko nalalaman? hehe. dyuk lang. salamat. kung para saang congrats yan, ire-reserve ko na in d future. at least kaw ang unang bumati sa kin

6 01 2008
antuken

anong batch sa pisay ng mga barkada mo nung college? hehe

badoodles: @antuken di ko sure. ang alam ko mga section gluon. ung isa na medyo sikat – gonzaga ang apelyido.

9 01 2008
jp

Ang bilis naman mag-block ng IT niyo. Wahehehe…

Try p-tunnel o v-tunnel the next time. 😀

badoodles: @jp hmm.. p-tunnel. v-tunnel. iniisip ko kasi baka mas epektib kung ala-zaido, ‘time space warp, ngayon din’.

9 01 2008
antuken

badoodles: @antuken di ko sure. ang alam ko mga section gluon. ung isa na medyo sikat – gonzaga ang apelyido. —-> nagpapahapyaw ako kung anong batch mo sa college (malamang kse mga k-batch mo sila di ba?), sus. hehe.

badoodles: @antuken ah yun pala yown. ay em batch 2003.

9 01 2008
antuken

huh? hehe. di ko una naintindihan ang sagot mo. sanay kse ako na pag tinanong ang batch, eh anong batch nag-start sa college. napaisip tuloy ako bigla na 2003? eh 2008 pa lang ngayon? hahaha. s-l-o-w ko! sa iba nga pala ang concept nila ng batch ay year nag-graduate noh? hehe. korek ba ako?

badoodles: @antuken owyes, korek 😉

17 01 2008
hun

sauce! yung hunkow ang palagi nyang hinuhuni dati was the PCSO song
ampucha.. ” ikaw ang takbuhan ng nangangailangan, ikaw ang pag-asa at kinabukasan blah blah blah PCSOOOOOO” …ang hirap lalo na pag nsa public, lingon lahat ng nakaka dinig
nakowwww.. sikat na naman kmi sa MRT.. wahehehehe

badoodles: @hun uu ako din, tinamaan ng pcso song na yan. hayzz. dahil sa pinaalala mo, ayan bumalik na naman yung sakit ko. “ikaw ang takbuhan ng nangangailangan…pcso’. haynakupo.

17 01 2008
mc

hi

badoodles: @hello

27 02 2008
popoy

ako lagi akong LSS tuwing magbabanyo para jumebs, parang nasanay na lang ako.. kailangan kong gawin yun para lumabas yung sama ng loob ko hehehe..

badoodles: @popoy anong kinakanta mo? ‘please release me, let me go..’

23 01 2011
shiellayne

ewn ko-pero may gnyn din ako eh–ngtataka n nga ako kung bkit kyah–sn lng my gmot pa pra d2, pra nmn mkamove-on din tau mga may LSS..hahaha–akin kc-guardian angel ung song eh!..

10 08 2012
bi.atch

nkaka-LSS skn Call Me Maybe..kht san knakanta Cu..hehe

27 11 2012
sej_guitara

na.LSS ako sa kantang “Biglang Liko” by Ron Henley.,grabi sobrang ganda talaga ng tuno at beat ng kanta.,para akong dinuyan sa kasasayaw.,ehehe.,merry christmas po.,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: