My 2007 Year Ender Shoutout

28 12 2007

Bago ako magpaputok ng watusi, shoutout ko lang muna sa lahat ng mga naging bahagi ng pakikipagkwentuhan, bolahan atbp dito sa Kwentong Barbero, salamat sa suporta in wan wey or anoder.  Special mention sa mga resident tambays na sina:  

Antuken, best wishes sa nalalapit na pagpapakasal, wag matutulog sa hanimun, be prepared, be very prepared | Anukayayun, sa pagiging magaling na blogger at sa lahat lahat alam mo na ‘yun | Bebe Ni Badoodles, sa pagmamahal, pag-intindi, pagluluto ng masarap na pancit canton, tinola at sa TLC | Broken Man, tama ka, it’s a wonderful world | Camilleeee Shy Girl, salamat sa pagpapaalala that it’s always good to return to innocence | Chillidobo, sa kakulitan at adding spice to life | Christianne Medina, kahit medyo busy sa work at lablife | Chuvaness , sa pakikipag-noseblidan.  Peyborit ko na nga ‘yung linyang ‘at its finest’, pang-mayaman ang dating | Earth Lotus, sa walang sawang pakikipagkulitan | Engineered Gbert, sa pagiging magaling na engineer | Gasti, sa pakikipag-gastihan | IceYelo, for all the things that matters alam mo na ‘yun, gasgas na linya pero classic pa din | Invisible Blog,  welkam sa bagong tahanan sa WP | Jeckyll 27, sa constant na pakikipaglitan ng kuro-kuro kahit saan man mapadpad ang usapan | JP Nash In A Flash, sa pagbibigay ng sports update sa mundo ng basketbol, wrestling at tumbang preso | Kotseng Kuba, maligayang paglalakbay sa mundo ng hopia | Kwentong Walang Kwenta, sa words of wisdom | Lenggai,  sa serbisyong totoo | Liday Ken Ragsak – ukis ti saba, maysa nga nalaing nga ilocano daytoy agyamannak lakay | Maruism – salamat sa panandaliang aliw, patawa, at pagiging lababol | Me Myself Saka Aders – sa patuloy na pagsuporta | Pasakalye – cheers sa pagbabagong image,  hulsam na ba ? | Pep up With Pepe – sa pagiging totoo | Renewed Soul – sa kasiyahan | Short Term Effect – sa panandaliang kalimot | at kay Smokin Rabbit Hole – idol, parang local version lang ni Seinfield sa galing.   

Salamat din sa Smart Lahattxt, sa nakaimbento ng rice in a box, sa gotohan sa panandaliang pagpawi ng gutom, sa nangholdap sa kin for teaching me d greatest lesson that in this life we always have to deal with lunatics.  Salamat sa ‘Tatlong Itlog’, sa Marimar at kay Papa Jesus for the gift of life. 

AT SA INYO, sa lahat ng aking mga bagong nakilala, nakakwentuhan, nakapitikan ng tenga, maraming maraming tenk yu.  Isa itong taon ng masayang paglalakbay.   At sa pagsasara ng tsapter na ‘to, paalam sa isang masayang alaala.  Sa pagbubukas ng panibagong taon,  cheers sa panibagong kakulitan, bagong makikilala sa blogging community at makikitambay sa Kwentong Barbero. Hapi New Year sa lahat!

Advertisements

Mga Tugon

Information

39 responses

28 12 2007
Abad

Happy New Year din!

badoodles: @abad tenx bro kahit di tayo nagkita sa tugue. wish u d best of d year to come.

28 12 2007
koreanmine

hapi new year 😀 chak na itong taon na ito ang pinakamaligayang “PUTUKAN” sa buhay mo 😆

badoodles: @koreanmine hapi nu yir too. tama ka. hindi kailangang matanggalan ng daliri sa putukan. kaya payo ko sa mundo: let’s get it on!

28 12 2007
mcrey

Happy New Year!

Nyahaha… bakit parang suki ka na ng mga hold-upper?

badoodles [biktima ng hubaderong hotchik gang]: kamuka ko daw kasi si banker ng deal or no deal. lalo na pag naglalakad sa dark alleys, silhouette pa lang banker na banker na. haha

28 12 2007
antuken

happy new year too! next year magpapaputok din kami. hehehe. yun nga lang di tapat sa new year mismo. baka sa chinese new year! hahaha.
and thanks for the advise. i’ll try to really not sleep sa honeymoon. sana di ako mapagod. susko, inaabangan ko yun ano. hehehe. any other advise? haha!

badoodles: @antuken advice ba kamo? nung na-counselling kasi kami sa church, meron ung tinatanong kung agree daw ba sa modern na labing-labing. dapat pinag-a-agreehan un. kaya kami mwf- modern, tth – ung conservativ. haha. kung tinatanong mo kung pano ung modern sex – naiisip ko lang e malamang nakapatong sa laptop o keyboard ng computer ung isa.

28 12 2007
linglingbells

hapi new year sayo at sa bebemo! sayang, at nitong huling parte ng taon ko lang natuklasan ang site mo.. medyo bago pa kasi ako sa blogging world.. hehe! im looking forward sa mga nakatutuwang kwento mo sa susunod na taon.. 🙂

badoodles: @linglingbells salamat din at nakilala kita at para sa isang taon ng mas malalim na pagsasama. cheers!

28 12 2007
Lenggai

Prospero Año, mi amigo!!! Maraming salamat sa pagbati! Wari ko’y me humaplos sa aking puso sa iyong regalo ng pag-alala… Sana’y pupugin kayo ng biyaya at suwerte ng maykapal!

badoodles me sipatiko: prospero año mi amiga. hwaw! parang pakiramdam ko tuloy marunong ako magispanyol. como esta? lengua estofado muy bien.

29 12 2007
Noime

Happy New Year!
oo nga pala kuya, january 3 birthday ko! waha.
regalo ko ah! 😀

badoodles: @noime hapi berdey tu yu. hapi berdey to u. hapi berdey, hapi berdey, hapi berdey to yu. anong gusto mong regalo ung mga buildings ko sa makati o ung mga yate ko? ung mga yate ko na lang, di ko din kasi ginagamit madalas. haha

29 12 2007
Pryss

hapi new year sa inyo ni bebeMo….sanay maging manigo ang inyong taon ^^…

badoodles: @prys nakaka-curious naman ibig sabihin ng manigo. dapat ba ebridey na akong naliligo pag manigo? kaw din hapi nu yr din to u

29 12 2007
ilocano

Almost speechless. Kunak nu nalipatannakon, kasi tapos na ung “I” wala akong nakitang Ilocano, liday ken ragsak gayam ti nakakabil.

I missed a lot in your blog. Ngaun lang ulit ako nadaan sa sobrang pagkabusy, kailangan kasi magperform dahil sa promotion last month. Congrats sa successful wedding nyo ni bebemo at fruitful na labinglabing.

Happy New sa inyo at sa lahat ng members ng blogging community na ito. Putukan na! Ingatan ang mga daliri nyo, baka may blade sa loob! hehehe

badoodles da pugiit: @ilocano ney lakay naswerte-am pay naala ti live account nga ilocano. sige kayod marino lang. uray siyak ngarud agpabaknang nak met ah. wishing u de same.

29 12 2007
MARU

“Maruism – salamat sa panandaliang aliw….” <—- gustong-gusto ko to, pramis! fokfok na fokfok ang dating! bwahahahaha! jokeeeee!

hayaan mo pareng badoodles, pag iigihan ko pa ang pag aala-GRO ko para maging pangmatagalan at hindi panandalian lang ang aliw na maihatid ko.

sa totoo lang, isang karangalan ang mapabilang sa mga resident tambays ng blog mo. sana maraming taon pa ang abutin natin sa pagbo blog! happy nude year!!!!

badoodles: @mareng maru hwaw! gusto ko short taym humor lang para mabilis labasan ng tuwa. hehe. cheers! sa isang taon na naman ng masayang pagsasama. walang iwanan hanggang yumaman.

29 12 2007
chuvaness

salamat din sa walang sawang pagbibigay aliw sa ming mga FANS mo

*insert waving cartolina here –> “SOLID, LIQUID, GAS KWENTONG BARBERO FANS CLUB” – Blogtsina Chapter*

badoodles: talaga lang ah, may fans club na. haha, kala ko ba front lang natin tong pagba-blog ko para takpan ung underground activities natin tulad ng drug trafficking, prostitution saka assasination ni u.s. president. haha. biro lang. salamat to u too

29 12 2007
Krisjasper

Happy New Year Kuya!!!

putukan na!

putukan na!

putukan na!

29 12 2007
ace

Hapi Nyu Yir din apo! Isang buwan pa man lang akong nakasubaybay, di lang aliw sa taong malayo sa lupang sinilangan ang bigay ng kwentong barbero. Kudos bro! Maligayang pag tatapos sa 07 at maligayang pagdating ny 08.

badoodles: @ace hapi nyu yir din. pede mong daananin ang pagpapasalamat sa pagkuha ng shoe size ko. ehmmm size 10. okey na din sa kin kung nike. haha. tnx bro ingat kayo jan. san nga ba yan?

29 12 2007
camilleeee

it’s an honor na mapasama sa ispeyts mo kuya. 😳
tenk yu po.

maraming salamat din sa pagbubukas ng bahay mo para sa min at masilip ang buhay ng nagiisang ‘badudels’. 😉 😀

HAPPY NEW YEAR !!!

badoodles: @camilleeee salamat din sa paninilip sakin at pamboboso. ha

29 12 2007
jeckyll27

“Jeckyll 27, sa constant na pakikipaglitan ng kuro-kuro kahit saan man mapadpad ang usapan”

maraming salamat dod baduds! dahil napasama pa ako sa residents mo kahit bago pa lang ako dito. touch talaga ako *cross my ass, swear to fly*
dahil sa blog mo napadpad ako sa wordpress at dito nakita ko ang pag-asa ng sangkatauhan kahit hindi tayo tunay na zaido..ayan, napupunta na naman sa wala yung sinasabi ko..hahaha
happy new year to you and your bebe. na-i-inspire ako sa love story niyo, na nagpapaigting ng aking damdamin sa aking Labidabs. kudos sir baduds, naway dumami pa ang lahi mo! 😀

badoodles: @jeckyll27 lyk any oder relationships din naman ung sa min ni bebeKo dumadaan sa maraming pagsubok na parang ‘step no’ saka patintero. da best is pinag-uusapan namin ung differences 😉 sampol ng masinsinang usapan:

badoodles: sa ikauunlad ng inang bayan, kalangang magbati na tau.
bebeKo: ayaw
badoodles: sige na magagalit si papa jesus
bebeKo: sige na nga
badoodles: lab u
bebeKo: lab u too

29 12 2007
This time, in English… Please. « Ang Pinay Brodkaster

[…] it is delivered with the ascerbic wit of an IT guy, or the humor of a newly-wed ex-law stude… or even the forever-swinging moods of a burnt-out broadcast executive… and the light […]

29 12 2007
eMi

,woooi….naiyak ako dun ah…anywayz’ …happy new year din poh…nextyear ko na bgay wp address ko kuya ha..hehe…IDOL!

29 12 2007
xienahgirl

sa nakaimbento ng rice in a box?
hahaha
🙂

happynew year din
🙂

29 12 2007
sharif_mardan

tsk tsk tsk, putukan na naman! wahaha!! happy new year ser badoodles!

natouch naman ako dun, wahaha. ^_^

pede bang pakisalamatan na din yung nakaimbento ng shawarma? pls? peybowlit ko kasi yun eh. ‘slamat..

29 12 2007
brokenman

happy new year!!!! it’s a wonderful world indeed! 🙂 God bless!

30 12 2007
jp

Uy! Na-special mention ako sa entry niya. Sana dagdag hits din sa akin iyan. Nyahahaha!

Happy New Year! Enjoy the putukan. Wahehehe…

30 12 2007
gerrycho

Happy New Year Badoodles!!! 😀
exciting year ahead!

30 12 2007
Jovi

Makiki shoutout na rin ako Pareng Badoods. Happy New Year sa inyo ni Bebe mo. Mabuhay ang bagong kasal! Sorry late ang congrats ko, busy busihan kasi… 😀

30 12 2007
faith

Hope you had a blessed Christmas. Best wishes for the coming year!

31 12 2007
pusa

meow, salamat sa pagbibigay aliw =) may this new year adorn your life with many beautiful things and sweet memories to cherish forever. Wishing you life’s best this 2008! HaPpY nEw YeAr!!!!

31 12 2007
Maldito

happy new year!putukan ans sabugan na!!!yuhooO!

badoodles: @maldito yuhoo! happy new year! putukan at sabugan na!

31 12 2007
karen

OI HAPI NYU NYIR!!!!!!!!!!!

:p

PUTUKAN NAAH!!!!

badoodles: @karen hapi nu year to you too!!!

1 01 2008
Shayleigh

yehey!! Happy New Year Badoodles, sau at sa Bebe mo… GOD bless and keep on posting thoughts that makes people see reality and be happy. Keep on sharing experiences that we can relate to and learn something as well.

HAPPY HAPPY HAPPY 2008!!!

badoodles [nagulat sa inglisan]: @shay nosebleed inglisan na pala to ha. hetong sau: its my pleasure as well. experience is the greatest teacher of all time. biro lang. inglis pala to ini inday bote. salamat sa pag-appreciate shay

1 01 2008
lilmiz

kuya badoodles.. happy new year! 🙂 happy at new talaga year mo kasi bagong kasal ka! weeeh.. godbless u and ate bebe sa 2008! 😀

badoodles: ganundiin sau lilimiz. salamat at nakilala kita

1 01 2008
phot

HAPPY HAPPY HAPPY NEW YEAR SAYO mr. badoodles.. hehe.. 😀

badoodles em so happy: happy to the ten times new year din sau phot

2 01 2008
Salve

Happy New Year Badoodles! 🙂

Tungkol dun sa tanong mo: gusto ko lang bigyan ng extra characteristic yung gumamela kaya kunyari may halimuyak din sya. 😀

badoodles [napaisip]: @salve hmmm magandang business venture yan – d perfumed gumamela. nakaka-curious

2 01 2008
gasti

happy new year pareng badoodles! 😀 putukan na! putukan na! (tapos na pala :D)

kasama pa pala sa listahan yung dati kong blogger acct..hehe! mabuhay ka! alam kong mas madami pang makukulit na entries ang pupuno ng blog mo ngyong 2008.

badoodles: delete ko na ba? hehe. at madami pa tayong makukulit na pag uusapan por d rest of d yir

2 01 2008
dimaks

pareng badoodles, greet lang ako hehe.. happy new year.. sana marami pang darating na kwelang entries 🙂

badoodles: @pareng dimaks hapi nu year to u and ur family. malamig na ba jan sa bansa ng samurai

3 01 2008
Shayleigh

toinks!!! senxa… nawala lang sa sarili… masyado lang nadala sa nadama kong excitement mo para sa paglipat ng taon… 😀

badoodles: @shay got carried away ba. hehe. cheers! por da new year

3 01 2008
jillian

hmm napansin ko ang lahattext ay pinasalamatan mo rin, paano ba mag-register dun? ngayon lang kasi ako nag-prepaid eh, tapos wala naman akong makita sa web kung paano mag-reg dun.. salamat!

badoodles: @jillian no regs required. magpa-load lang sa suking tindahan 😉

5 01 2008
coldman

masyado na ‘tong late, pero happy new year pa din! huli man daw ant magaling… matsing pa rin! Hahaha!

badoodles: @coldman wahaw! twisted quote na twisted quote ang dating. salamat sa pagbati. hev a hapi nuyir too.

7 01 2008
iceyelo

Happy New Year Rexxxy!

badoodles: hapi nyu yir ice

8 01 2008
Drew

Happy New Year pare! At Congrats!, kinasal ka na pala.
Best wishes!

badoodles: @drew hapi nu yir din sau bro.

22 04 2008
sawn

salamat pala pare sa pag alala. ngayon ko lang na realize ang hirap mag change image… hindi, mahirap mag return image.

syomating drama. hehehe. andami ng nangyari sayo, sakin, sa iba… ngayon lang ako naka reply sa matagal mo ng post ( na kumikinang pa rin) dito sa blog mo.

ang hirap ng ang daming iniisip, ang hirap ng ang daming field na gustong pasukin, unawain, yakapin. May pagkakataon talaga na wala kang mayayakap ng mahigpit, pagkat ang mata mo’y hindi nakapikit sa pagyakap kundi nakatanaw sa iba’t iba pang mga bagay na nag uudyok ng iyong sandali. At sa pagtatapos ng bawat araw, maiwan kang nakatungangang nagmamasid ng buong paghanga sa ilang hindi man nasilip ang karamihan ng iyong nakasalamuha, lumulutang naman ang kahusayan nila sa bagay na hindi lang nila niyakap ng mahigpit, hindi lang pasakalye.

sige lang. mag ka focus din ako balang araw.

badoodles: @sawn sabi naman sau wag mong kinakalikot ang time machine. antagal mong nagmuni-muni.

wala kang dapat pagsisihan sa mga choices mo. dat’s how we live and learn. importante we’ve learned something and we’ve become wiser.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: