Strangers in the City

3 01 2008

Ang Pinoy pag nakasalubong mo at inunahan mong batiin, ngingiti at ngingiti ‘yan.  Mamya na mag-iisip kung saan lupalop ka ba talaga niya nakilala.  “Wer da hell did I meet dat sheet?”.  Dugo-dugo gang kaya ‘yun? Madapacking sheet, siya ba ‘yung pumisil ng pwet ko sa pila ng sakayan?  Baka siya ‘yung nang-snatch ng cellphone ko, nangingiti kasi nakita na niya ‘yung mga sikret video scandals ko nakupo!  Madalas ‘pag nababato ako on my way to opis, nagti-trip akong kumaway o mag- gud morning sa mga nakakasalubong sabay tawag ng ‘Unkyel o Auntie’.  Makati is a city of strangers, they’re just there to do business, nothing more.  Kaya gustong gusto ko ‘yung weird expression nila pagkatapos mong batiin.  Tapos dahan-dahang ngingiti na rin.  Bahala silang mag-isip kung san nila ako nakilala dahil di naman talaga nila ako kilala.  He he.  Kung minsan, nakikipag-it-bulagaan ako sa mga makukulit na bata sa loob ng bus.  ‘Yung mga bata ‘pag kinulit mo, tawa na ng tawa, hindi naman ako si Kokey.  That just makes my day. 

Dami na ring nangyari sa ‘kin dito sa Maynila.  Sa araw-araw na kasasakay ng dyip at standing position sa bus, nagkaroon na ako ng masteral studies sa amuyan ng kili-kili.  Alam ko na kung gumamit ng Old Spice ‘yung katabi ko, Secret o kaya kalamansi na binudburan ng tawas.  Mortal enemy ko lang talaga ‘yung mga amoy putok.  Di ko alam kung mabaho sila o talagang maluwang lang ang ilong ko.  Anlalaki rin ng bilbord ni Kris Aquino dito, kitang kita ko na ‘yung malalaking pores nya sa mukha.  Ansarap tirahin ng dart at gawing dart board. 

Sa isip ko dati, pag nakatungtong na ‘ko sa Maynila, hahanapin ko si Pong Pagong.  Lumaki ako sa mga kwento ng Batibot.  Kaya hanggang ngayon, nagbabatibot pa rin ako.  Hindi ko na nasundan ang lab layf ni Pong Pagong.  Sabi sa kin ng siraulo kong pinsan, nakapag-asawa si Pong ng isang hot chick sa Amerika.  Suspetsa ko, baka nga tatay ng Teenage Mutant Ninja Turtles si Pong Pagong. 

Number one lesson dito, hindi mo hawak ang buhay mo. Hawak ng driver.  Ito ‘yung tipong, if the driver messes up, he’s messing up your life.  Tatlong klase lang ang mga tao dito – Adik, airheads o tulad kong mabait.  Adik ang tawag ko sa mga nakakatabi ko sa bus na sarap na sarap mangulangot sabay pahid kung saan saan.  Walang manners ang mga putek, at least ako binibilog ko.   

You also get amazed of the things you can get used to.  Sa araw-araw na buhay, ordinaryo na sa paningin ko ‘yung mga pulubing  pakyut,  rugby boys na hip hop,  at mga MMDA na nagsasabi ng ‘Ser, pangkape lang’.   Bakit ba hingi sila ng hingi ng pangkape?  Pag minsan hiningan ulit ako ng pangkape, talagang bibigyan ko na mga yan ng Nescafe 3-in-1.   

Everything is surreal.  Kaya huwag papabulag sa fame en fortune.  Tandaan, the only thing real in dis world is love and sex.  Ulit, love and sex. 

Advertisements

Mga Tugon

Information

37 responses

3 01 2008
Kotsengkuba

ang pagkakaalam ko, binawi na daw ng sesame street si pong pagong at kiko matsing. mga pangit na puppets lang daw kase sila kaya pinamigay nalang sa pinas, kaso hindi nila inakalang sisikat kaya sa di kalaunan ay pinawi rin.

di ko alam kung totoo ang kwentong to pero tuwang tuwa ako nung elementary ako nung naka-attend ako ng birthday party na nandun si kuya bodjie at nagkukwento, batibot style.

badoodles ang batang batibot: kla ko tsismis un. totoo pala. nung november may mall tour ang batibot kaso di ako nakahabol kasi opis hours. natutuwa din kay kuya bodjie, pag nagsalita mukang anytym aatakihin ng asthma. napanood ko na sina cookie monster na nagperform sa sm makati, pero iba pa rin sana pag batibot ang nakita ko.

3 01 2008
madbong23

belated hapi nuyir bro! musta honeymoon? na-miss ko tuloy ang temakats, matagal-tagal din ako nagtrabaho diyan. pero ang hindi ko na-mi-miss yung traffic at yung tagal ng biyahe bago maka-uwi. buhay pa ba yung karinderia dun sa may parking lot ng stock exchange?

badoodles: @madbong okay sa olrayt ang hanimun. ganun pala pag honeymoon, walang honey, wala ding moon. talagang wala nang moon kasi umabot kami hanggang tanghali kahahanimun habang naglilinis ng plato si miss. wow! dun ka din ba tumatambay sa may gabriela silang parking lot? dun din ako nagyoyosibreyk tuwing hapon. ako yung sumisigaw sa tapat ng istatwa ni gabriela silang na de itak ng ‘sige, tuliin mo ako kung kaya mo!’.

3 01 2008
eMi

di ko na matndaan ung batibot…nyaaaaah…inkabil ko dyay website kon manong..pasensya pay lang ta awan pay ti naipost ko . . .naimbag nga aldaw!

badoodles: @ellieshe wow kongrats kinyam ading. kasta latta ti biyag anos lang trabaho. importante masaya ang lab layf. hehe

3 01 2008
tukmol

badudols ikaw cguro ung bumati sa akin knina sa may tapat ng MSE. Kinuha ko kasi GC ko sa Watrous. Sabi ko “Lakas ng bad trip ng taong to”.

badoodles: @tukmol malamang… hinde ako un hehe. asa cyber ako ngayon. wow may gc. nanalo ka sa party naten? buti ka pa. ako kasi nung bunutan bumubulong ako ng ‘sana wag free spa, wag free spa’. kapipili wala tuloy nakuha kahit ano. hehe

3 01 2008
jeckyll27

ulit ulet… Love and sex, love and sex love and se…
haha, pag nakasalubong kita at nginitian mo ako baka mapagkamalan kitang vekler..hindi rin kita tatabihan sa bus pramis, baka kasi tumalsik sa akin yung binilog mong kulangot. at least yung nakadikit, nakapirmi sa isang position malas na lang yung madikit.

badoodles: @jeckyll hehe. dont wori pag maayos pagkakabilog ko, tinatago ko sa panyo. malas mo lang pag hindi bilog, un ung pinipitik ko sa katabi. hehe

3 01 2008
rofel

idol badudz, pasensya medio matagal nako nakikibasa ng blog mo, at ngayun lang ako nagcomment.
Ask ko lang po kung saan ako under sa klase ng tao… Kasi binibilog ko yung kulangot pero tinitira ko sa ere na parang jolen bahala na si batman kung sino ang tatamaan. 😀
Cheers!

badoodles: kapatid na rofel, di mo alam kung san ka nabibilang? sa kapangyarihan na binigay sa kin ng bus operators and drivers association at kulangoters society of da pilipins, ikaw ay ina-appoint ko sa aking pangkat.

3 01 2008
camilleeee

kuya, neks taym, lagyan mo ng kulangot yung kape ng mga tga-MMDA. epektib na pang gayuma daw yun, sabi ni….ah…. basta meron nagbulong sa kin nun. 😆

kainis talaga pag may katabi ka sa jeep na natutulog (o nagtutulog tulugan?) wid laway epeks pa! tas kita mo tumutulo sa uniporme mo. sus, sarap kumatay ng tao sa umaga.

badoodles: @camilleeee ayaw ko. ayaw ko. ayaw ko. mahal kaya kulangot ko, binebenta ko per kilo pang fertilizer ng mangga sa bulacan. hehe.

ung laway di ko ginagawa un. pramis. slllurrrp [tulo laway]

3 01 2008
xienahgirl

kelan ba kita masasalubong?
kapag nangitian mo ako
tatambling ako
🙂

love and sex nga lang ba
ang totoo sa mundo?
sa palagay ko
totoo din si kuya bodjie.

badoodles d philosophy thinker: @xienah hindi totoo si kuya bodjie. paper cut doll lang yun. tignan mo ung likod nya, may hanger pang nakakabit. di rin siya marunong kumurap.

3 01 2008
mihia

nagbyabyahe ako araw araw mula las pinas hanggang diliman.
nakakarelate ako sa araw araw na biyahe mo

badudels: hanlayuuuu! ilang sakay ka? kung ako yan, nagkaalmoranas na ako. swerte mo, hindi ikaw ako

3 01 2008
kimmys

nung sa makati pa ko nagwowork naiinis ako sa mapanghing amoy dun sa may babaan ng overpass. don kc ko dumadaan papuntang sakayan ng jeep. pambihirang kamote talaga. haha. pero miss ko na din ang makati.
un lang din hirap sa bus lalo na pag pauwi na. siksikan sa ayala. hay…

badoodles: @kimmys ambahuuu nga talaga dun. isa kasi ako sa nagpapanghi dun. di ko kayang layuan ang tukso. nakaka-tempt talaga ung maluwang na pader ng esem. pramis, para sau di na ko iihi dun. sa kabilang pader na lang.

3 01 2008
gbert

ung simpleng pagbati sa mga di kilala dito sa bansa is one thing i wanted to do.. yung tipong di na mag-iisip kung baliw ba tong taong to bakit bumabati or may masamang balak na gawin though tama nga, bumabati naman.. at some point as i observed.. when i was in the states, yung mga tao dun kahit di kilala, tatango ka, tatango din sila.. kausapin mo sila, kakausapin ka din.. hindi ka mapapahiya kung babatiin mo din sila.. minsan, mas masaya pa yung response nila.. lalong lalo na yung mga nakatrabaho ko dun.. eh iba dun, nakahug or nakakamay ko na kung hindi man kangitian ko na or kabatian, yung tipong ang linya kada umaga “have a nice day” or pag-uwi, “you have a good night” eh dito satin, mag-iisang taon na ko sa trabaho, nakakakasabay ko sa elevator sa araw araw na ginawa ng Diyos eh hindi mo mapansin kasi kung nabati ko man, parang nasira ko pa ang araw…

badoodels: @gbert sa pinas pansin ko, di rin basta basta napapangiti ang iba. extra effort lang talaga pagtitrip ko. kelangan saktong timpla ang approach. dapat di masyadong maluwang pagkakabuka ng bunganga, di rin dapat tipid. kahit siguro si mona lisa makasalubong, tataasan pa ng kilay sabay ‘da hu u?’

4 01 2008
Pryss

wow na-miss kita…tagal mo di na-post ah…how’s married life???,may diffrence ba nung bahay-bahayn stage pa?….kamusta naman si mrs.badoodles,nakakalakad pa?…

natawa ako dun sa sesame street issue,batibot is a phillipine spoof of sesame street…like superman is captain barbel-wonderwoman is darna…so di totoo yun,tsismis lang talaga hehehehe…dont worry,gusto ko din yung batibot..kabisado ko pa nga yung kanta eh hahahahha!!!!

anyway,pareho tayo-gawain ko din yan hahahah!!!…specially pag nasa malayo ako and walang makakilala…habang tumatakbo or kahit konting mag-stop lang sabay,”kamusta ka na? tagal na natin di nagkikita ah” tripping nyhahahahah!!!!!

badoodles: @pryss sus, kaw naman na-miss mo agad ako. nakakalakad pa naman si mrs badoodles pagkatapos ng hanimun – patagilid nga lang, parang alimango. haha.

morning ritual ko na ang batibot ebersince, nung nawala ung show, lumaki na rin ako pero nagbabatibot pa rin 👿

4 01 2008
ilocano

perlas na bilog wag tutulog tulog… sabihin agad sa akin ang sagot… ba bebi bobu…

adik din ako sa pag-babatibot. hehehe

madalas din ako mangulangot sa PUVs. walang magawa e. gaya mo may manners din naman ako, binibilog ko din sabay pitik sa paanan. nu umatiddog pay dagiti buok ti agong ko a ket sabay bunot pay.

badoodles: @ilocano isa pang ebidensiya na batibot boy ako: habang binibilog ko ung kulangot kinakausap ko ito ng, ‘perlas na bilog wag tutulog-tulog’ saka pitik sa paanan ng konduktor. mabait kasi ako. kelangan ng konduktor ng stiki shoes para makapagtarbaho ng maayos.

4 01 2008
gasti

hehe! minsan pong pagong o kaya kiko matsing ang ginagamit kong avatar sa ym..marami akong natutunan sa panoon ng batibot gaya ng wastong pagtali ng sintas ng sapatos..natuto rin akong magbatibot habang nagbibinata.

at dahil matalas ang memorya ko lalo na sa mga mukha ng tao pag nakasalubong kita eh malamang makilala na kita 😀

badoodles: @gasti mahihirapan kang makilala ako, hindi ko sasabihin saung nakabackpack ako ng black na may istiker ng jollibee at may slogan na ‘testify’ ng rage against da machine. u can’t see me. hehe

4 01 2008
Raymond Lee Quijano

nak ng… ngiti lang ako.. ngiti lang. *nosebleed*

badoodles: @foobarph huh? ah ok

4 01 2008
Nemcy

Pinyuyir! Sorry sa long absence. Kapag isang kang mahirap, kahit kumayod kabayo ka pa rin, di ka pa rin yayaman 😦 Inisip ko tuloy kung mag-jueteng na lang kaya ako… hmm… save that thought 😉

Anyways… kilala ko si Pong Pagong… well, actually, nagtrabaho ako sa kumpanya ng dating nagpo-produce ng Batibot. Pangarap kong maging part nun da’l iba nga ang epekto sa mga bata. Kaso bigo ako. Di ko nakita ang puno, at wala ng Batibot. Ibang show na nila ako nakasama AT… hay… ibang ugali ng mga tao na nila. Kasalukuyan, fold up na yung kumpanya mga isang taon pagka-resign ko… tsk! tsk! Sayang ang Batibot. Imagine humakot ng awards sa iba’t ibang part ng mundo! Pakshet!

Pero at least naisuot ko yung isang Pong Pagong… sayang di ko na makita yung pictures ko. Pero nakakawasak ng damdamin, makita mong yung mga puppets (lalo na si Manang Bola) na warak-warak na. Dapat binigay na lang nila sa National Museum yun eh…

Hmmm… Batibot boy ka pala… write ka kaya ng tribute sa show… hehehe.

badoodles: @nemcy tatanggapin mo ba akong kubrador pag nag-apply ako sau? pa-executive look kasi ako, magiging porpesyunal naman ako sa mga tataya, ‘according to my analysis on mathematical probabilities the number to come out is 12-15, y? becoz its my wedding day, so bet ur house en lot now’ hehe

4 01 2008
gerrycho

weeee!!! analogy pa! analogy pa!
kung bakit ang totoo lang sa mundo ay love and sex!

ibilang na sa mga adik ang mga naninigarilyo sa bus, nagkwekwentuham sa sinehan, at naglalaplapan sa LRT!!! 😀

badoodles: @gerrycho naglalaplapan sa lrt? sobra naman mga yan. anong lrt, 1 o 2? tuwing anong oras nakikita yan. hehe, biglang na-curious

4 01 2008
Maldito

love aand sex…love and sex…mantra natin lahat..ahahhaa..

si pong napangasawa si mahal…ahhaha……indi ko magagawa yan..ika nga maldito talaga ako..kahit na kialal kita indi pa kita nginingitian,,ewan ko…pero pag may gift na dala ako na mismo ang unang ngingiti..

AGEN….LOVE AND SEX…LOVE AND SEX…
ang sarap..nakaka relax..lOLs

badudels: @maldito para di nakakasawa, baliktarin natin: sex en love, sex en love. isa pa, sex en lav. last na, sex en love.

5 01 2008
gladita

kaya nga mas masarap pa rin ang buhay promdi. dito inaantay ka ng driver na makasakay bago paandarin yung sasakyan. kaya nga lang lahat yata ng tao sa kanto eh aantayin din nyang sumakay. hehehe

strong> badudles: @gladita kaya nga. nakakamiss sobra. samin usong-uso pa din ang kalesa, kaya para ka na ring nag joyride sa parang pinalaking enchanted kingdom. san ka pa.

5 01 2008
elrey_md

badoods,
may kaibigan ako nun elementary, naging cast ng batibot, at nagkita kmi two months ago, nalasing ata sa kape..at ayun, nakwento samin ang “lihim sa likod ng batibot”..hehehe…tulad ng..kanang kamay lng nya ang nkakahawak ( ng kanyang ano) dahil ang leeg ni pong pagong ay ang kanyang kaliwang kamay kaya ito humahaba..gets?hehe, SERYOSONG malupit ‘to,ha, pramis.
btw, un frend ko na yun eh PhD na, nagpakadalubhasa sa Pilosopiya…di sya nagpa-uto kay ManaNg Bola, kaya di sya naging “ba-be-bi-bo-bu”,…heheeh

5 01 2008
alphasensei

Tandaan, the only thing real in dis world is love and sex. Ulit, love and sex. ——–> napakagandang point to ponder sa simula ng taon. wehehehe

badoodles: @alpha pamparelaks. naku, umaariba na naman ung pagiging sexual romantic ko. cheeers sa bagong taon !

5 01 2008
coldman

gusto ko yung last line mo, pero as of now mas gusto ko ang sex kesa love. dyuk lang. hahaha!

badoodles: @coldman kung ganun e di ‘sex before love, sex before love.

5 01 2008
bernardumali

ako, nangingilala pa rin sa kultura ng makati. buti na lang hindi kami sa ayala at di ko kailangang maglakad ng kilometers para makarating sa opisina. sakit ng ulo ang one way sa makati.
nadiscover ko kanina ang other side ng makati, lilipat na kasi kami dyan sa evangelista, nakanamp*cha, walang landmark! paghinanap ang office, sasabihin namin, dyan sa tabi ng sarisari store ni mang kwan!

ako rin nalungkot sa pagkawala ni pong pagong, hinanap ko rin noon ang dahilan ng pagkawala niya at ito ang nakalap ko:

http://www.geocities.com/angpahayagangplaridel/archives/1604/BnK1604-01.html

badoodles: @bernardumali salamat sa link. oo nga. wlang katapusang lakaran. . kaya pagdating ko sa opisina amoy kili-kili nako. parang di rin ako naligo.

5 01 2008
karen

kurik. the only real thing in this world is love en sex. repeat after me: love en sex. 😛

badoodles: @karen love en sex

5 01 2008
iamklitorika

LOVE AND SEX, LOVE AND SEX… LAGI KO PONG TATANDAAN SALAMAT SA PAYO KUYA…

badoodles: kakaiba ang moniker mo – klitorika – ang klitoris na maharlika. ay mali. hapi bertdey din sau. salamat sa pagdaan

6 01 2008
antuken

haha. baket nga ba ang mga mmda ang hilig manghingi ng pang-kape. one time when an officemate got caught (sa may bicutan) at swerving daw, nagdahilan sila. sabi importanteng produkto, kelangang-kelangan na daw ng pasyente (pharma company nga pala ako nagt-trabaho). naghihingi ng lagay, pangmerienda lang daw. ang iniabot ng mga katrabaho ko, yung dapat na merienda nila baon nila galing sa canteen namin. wala kse ang taga-finance kaya di sila nakakuha ng baon para sa OB nila. hahaha. napa-kamot na lang sa ulo yung mmda. hehe.
baka ako ang isa sa mga naging biktima mo ng may nginitian tapos napakunot ang ulo kakaisip kung sino ka. malimit ako maligaw sa makati eh. hmmn…

badoodles: @antuken malamang. hindi naman ako madalas magtrip na biglang ngingiti. pag bilog lang ang buwan. hehe. M

6 01 2008
Shayleigh

The only REAL thing in the world is LOVE & SEX…
I thought Love & Sex are anything but surreal…
then I thought it wrong…
Love & Sex are real… LOVE & SEX, LOVE & SEX…
hahahahha!!!

pero nami-miss ko nga ang Batibot, wala pa kaming TV noong araw, nakikipanood pa sa kapitbahay na pitong pilapil pa ang tatawirin bago kami makakapanood… langit na ang marinig ang… “Parmulat ng mata, langit nakatawa, sa Batibot…” at peyborit ko ding bigkasin ang perlas na bilog, wag tutulog-tulog, sabihin sa akin ang sagot… ba, be-bi, bo-buu”

badoodles: @shay di totoong perlas ung nasa loob ng mahiwagang bola – kulangot lang un na binilog. saka ko lang na-aapreciate ung batibot nung wala na sa ere.

6 01 2008
Calvin

badoodles, yung mga nakapost na web links sa mga upuan ng bus napuntahan mo ba yun? hahaha. yung may 4×2.net ata or .com. parang may deepthroatformen din yung address. ba’t parang halos lahat ng bus nasakyan na nung bading na nagsusulat nun? naisip mo ba yun?

badoodles: @calvin di ko kasi binabasa ang upuan ko. pero may nakita na akong mga wanted sexy textmates – mga desperado sa pekpek. hindi ko maintindihan bakit kelangang sexy, bakit bubulaga b a ung mukha nung katext nilasa cellphone.

7 01 2008
earthlotus

bwahahaha, buti na lang at nagjjeep ako papuntang cubao kapag papasok, yoko makipagsiksikan sa bus eh. haha. ^_^ mahirap kaya yun, yung umagang umaga eh amoy patis yung katabi mo, buti pa pag nakajeep. haha. ^_^

hmm, kung ako siguro eh makakasalubong mo at ngingitian.. tyak, babalikan pa kita sabay tanong ng “have we met before?” nyahaha. ^_^

try mong ipitik yung binilog na kulangot, wahaha. ^_^ amsaya nun for sure!

love and sex? hmm.. LOVE is the only real thing sa akin, haha. yung sex? bata pa ako para dyan. wahaha. ^_6

ask gasti, he knows me well.. wahaha. ^_6

badoodles: @earthlotus kung minsan, may mabaho din akong nakakatabi sa jeep, kaya amoy patis ung magkabilang tagiliran ko. oo, pinipitik ko din ung binilog na kulangot, di nga lang pataas, takot kasi ako sa karma. usually sa paa ng konduktor ko piniptik.

7 01 2008
faith

Pag may nakasalubong ako sa makati at bigla akong ngitian, malamang ikaw yun, hehehehehe. Palaisipan din sa akin kung san na nga ba napunta si Pong Pagong, hmmmm tanungin nga natin si kuya bodjie kapag nakasabay ko ulit mag breakfast sa mcdonalds :).

badoodles: @faith pag ngumiti tapos inumangan ka ng balisong, ako nga yun. sana nga mag mall tour ulit ang batibot para may chance akong makita si pong pagong.

9 01 2008
jp

OK sa change topic. Nagsimula sa batian, tapos napunta sa Batibot, kulangot, tapos sa love and sex. Dali lang. Bati, Batibot, sex. On sikantot, magkaka-relate pala ang mga topic dito. Hehehe…

Nung nawala Batibot, pumalit ang Teenage Mutant Ninja Turtles. Baka nga may konek sa conspiracy theory mo.

Kiko: Ate Siena, kainin mo saging ko.
Pong: Weeeeeeeeeh!

May kwento ako tungkol kay Ate Siena. Tsaka kay Kuya Bodjie din. Pero next time na. Hehehe…

Oo nga pala, pano tataas ang kilay ni Mona Lisa e wala siyang kilay? 😀

badoodles [current status: huli ka, hule!]: @jp ito talaga, nahalata pa. hehe. on pers tot, pagkatapos kong ipost to, napaisip ako na… langya antagal pa ng summer ah, bakit halu-halo to? sige gawan na lang ng conspiracy conek-conek para magmukang isang unified thought.

14 01 2008
wasalak

pwede bang maki-join sa katuwaan n’yo?hehe. matagal-tagal na rin akong nagbabasa ng posts mo. dis month lang pala ‘yon.hehe. tenks sa workmates ko na naka-discover ng site na ‘to.hehe.

magandang idea ‘yong bigyan na lang Nescafe 3-in-1 ang MMDA pips. Pero pa’no kung humingi ng pambili ng tasa at mainit na tubig?ahehe.

badoodles: @wasalak salamat sa pakikitambay. pwede ko silang bigyan ng mainit na tubig. lagi naman akong naiihi e.

17 01 2008
lex22

@baboodles
Welcome.hehe. ginagawa ko nang daily habit ang pagbabasa ng blog mo. nakaka-adik kasi.hehe. Mas maganda ‘yon kasi may lasa at amoy ang ihi. ang tubig wala.LOL.

badoodles: @lex gawing twelve o clock habit ang pakikipagtambay sa amin. wag din kalimutan ang 3 oclock habit para naman kay papa jesus

11 03 2008
tagadagat

Korek ka dyan badoods. kala ko din isnabero mga puti di man pala, mas maarte pa pinoy. Dito pag nginitian mo di mo kilala lalo at lalaki pag minamalas ka lalapit sau sabay bulong “miss magkano ka ba?” ngeeh! Sa mol kahit natutunaw na kakatitig mo yung sales lady pilit iiwasan ka khit bagong ligo ka, ayaw mautusan. Eh duon tate mauuta ka sa kaka ask sales clerk ‘is ebriting olrayt? duyu faynd ebriting ok? ” dun nga yata nahasa ung “thank you” with matching pa cute na tono at nilalanggam na ngiti ko eh,hehe

18 05 2008
ako?oo

ako bilib naman ako .. sa mga pulis kuya eh ..( minsan)
kasi umulan umaraw andun sila diba kaya dko rn sila masisi kung matiketan nila ako at mangotong hehe.. kahit pang kape lang dahil sa sobrang liit ng sweldo tapos hirap pa ng work
so its not really bothering me at all ,

badoodles: @ikaw pero ung mga tagawalis sa kalsada, balut penoy, hirap din naman pero hindi nangingikil, may dignidad. hindi nila kami gayahin, masipag, mababait at artistahin. hehe

23 05 2008
ako?oo

onga nu? idol na tlga kita hehe makes sense.. 😉
tinda na rin ako ng penuy sa ayala bili ka ha .. hehe
somwer in cav or laguna ka nu ?

badoodles: @ako?oo yep

25 11 2012
Mui

damn this guys.. they are dumb…no respect..they are dancing to the tune of Phil National anthem…they’re good dancers but what they is did damn bullshit…GMAPinoyTV what are you doing..hinayaan nyo na lapastangin? ang pambansang awit natin…Nkatatak pa naman sa Network nyo ang Pinoy “GMAPinoyTV” daw pero pati kayo wlang galang sa pambansang awit natin…mga walang respeto……. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: