Unremembered Goodbye

8 01 2008

Huling meeting ko na ‘to sa klaseng Digital Circuit.  Late na naman akong pumasok, kaya naman paborito na ako ng mga estudyante.  Part time job ko ‘to.  Mapagbiro talaga ang Diyos.  Biruin mo, ako na mahilig mag-cutting class, pumapasok ng nakainom nung kolehiyo e halos tatlong taon na ring nagtuturo.  ‘Meron na si kulit’, narinig ko si Monsi na nagmamadaling pumasok na kanina lang ay panay ang tambol sa dalang beatbox.  

 Hindi ako nagpapatawag ng ‘sir’ sa klase.  Hindi uso sa ‘kin ang labeling ng position.  Sinasabi ko sa mga bata, kung may respeto ka sa tao, hindi ‘yun nakikita sa pagtawag-tawag ng sir.  Kaya nasanay sila na tawagin ako sa pangalan ko, ‘kuya’, pare o kaya bosing.  Ok lang sakin ‘yung bosing.  Tawag ko din kasi ‘yun pag sumasakay ng dyip, ‘Bosing, bayad ho’.  Pag tinawag kang bosing, clue na ‘yun:  hindi ka talaga bosing.   

Bosing, ano’ng zodiac sign mo?  Entrada ni Solomon, ang pinakamakulit sa lahat, pagpasok na pagpasok ko pa lang sa pinto.  May nakahanda na namang ipa-punch line sa kin.  Pero hindi  ako nagpapawais.  ‘Cancer ako e, kaw ba tumor?’.  Tawanan.  Na-violate na naman ang number wan rule ko sa klase:  Wag pinapatawa ang guro pag may hang-over.  Nung minsan kasing natawa ako, lumipad ‘yung pinulutan kong mata ng tilapia palabas sa ilong.  Watdapaka.   

Tseking ng attendance.  Perpek.  ‘Wala talagang absent?’, panigurong tanong.  Wala nga.  Alam ng lahat na istrikto ako pagdating sa attendance.  Absentee kasi ako nung college.  Ang magnanakaw galit sa kapwa magnanakaw.  Nag-eexcuse din ako basta ba naaksidente ka.  At dapat basag basag talaga ang bungo mo. 

‘Mga bata, redi na sa exam?’.  ‘Mga bata’ ang tawag ko pero kung tutuusin mas malalaki pa sila.  Pwedeng pwede nga nila akong sagasaan sa kanto kung gugustuhin lang nila.  Magaling lang akong mam-bluff kaya wala pang nagta-try.  ‘Bosing, ilang items ang exam?  Di nako sumagot pero sa ngiti ko pa lang, nasusuma na nilang 200 items na naman na puro problem solving. ‘Parusa naman ‘to’.  Set A, B saka C.  Panakot ko, ang lumingon sa kaklase tatargetin ng eraser o kaya itatapon sa bintana.  Maliban pa sa ALL CAPS na warning na nakasulat sa test paper:  Cheating is a mortal sin.  You will burn in hell.   

Nagsimula na ang exam.  Nagbigay din ako ng konting reminder na kabisadong kabisado na ng mga estudyante ko: ‘ Ang exam para ding seks ‘yan.  Hindi kailangang nagmamadali’.  Ang totoo, hindi naman talaga bawal ang mangopya sa klase ko.  Wag na wag ka lang magpapahuli.  Dapat mas wais ka sa akin.  At dahil papunta ka pa lang, pabalik na ako, alam na alam ko na ‘yang mga style tulad ng kodigo na size 4 ang font, ‘sign language’, ipit sa kilikili, atbp.  Busy na ang lahat mag-solve. Upo muna ako sa harap ng computer para magbloghop.  May offline message si Yvette sa Yahoo Messenger, dati kong estudyante.  ‘Bos tnk u.  Tenk yu po sa pagturo ng wireless network.  Naimpress sa kin ‘yung boss nung pinagawa kami’.  Nag-oojt si Yvette sa isang anti-virus company.  ‘Be good.  Galingan mo diyan’, nag-iwan ako ng offline message.  Putek, pakiramdam ko tuloy proud father ako na parang nag-pers honor ang isang anak.     

Matapos ang dalawang oras na exam at pangungulit sa mga bata, yosi breyk muna.  Nag-abot si Jon ng isang stick ng Marlboro green, ‘Bosing, nakatikim ka na ng chongki?’.  Umiling ako habang sinisindihan ang yosi, ‘Bakit, kayo ba?’.  ‘Dyan kami dati bumabatak bosing’.  Tinuro ni Jon ang basement ng building.  ‘Sige gawin nyo lang yan tangena nyo nang mapunta kayo sa impyerno’.  Tawanan.  

Putek, napaisip ako.  Di ko na makakakulitan ang mga ‘to ng ilang buwan.  Masakit mang isipin na pinagpalit ko sila para sa ilang araw na pahinga kada linggo, pero talagang ganun na nga.  Di ko pwedeng gawin ang lahat.  Di naman talaga ako si Superman.  Saka kelangan ko ring alagaan si BebeKo, namamayat na.  Pano pakonti-konti lang kumain.  Di ko na rin nga pinaunlakan ang imbitasyon sa isang kolehiyo na magturo.  ‘Bosing, seat in kami sa klase mo next term.’  Si Jalu.  Oo lang ako.  Di kasi ako marunong magpaalam.  Pero sina Jepoy nasabihan ko.  ‘Pano ‘yan, e di wala nang drinking session sa Alabang?’.   Malamang ganun na nga.   

Makulit nga siguro ako pero kahit papano meron din naman silang natutunang aral sa ‘kin na pwede nilang baunin pag-alis ko.  Higit pa sa lessons sa klase,  may mga mas importanteng aral tulad ng pakikisama, pagiging totoo, at respeto.  ‘Yun yon.   

Advertisements

Mga Tugon

Information

46 responses

8 01 2008
Pryss

awww…parang touching tong post na to…so last biruan na pala to…hayz,ganyan talaga ang buhay..lahat ay may katapusan.

bat namamayat si bebeMo?…di mo yata tinitigilan eh hahahahaha!!!!
dahan-dahan naman naman badoods…saka painumin mo ng vitamins para lumakas kumain…

badoodles: @pryss anhirap ngang painumin ng vitamins ni bebeKo. kelangan munang kwentuhan ng fairy tale. kung ayaw pa ding umubra tinatakot ko tulad ng ‘patayin sa sindak si barbara’. hayun, napapainom ko din.

8 01 2008
Geselle

sana naging teacher din kita

badodels: @geselle why not chocnut. hehe

8 01 2008
ellieshe

,alala ko tuloy ung titser namen nung hayzkul…di man lang ngpaalam nung umalis…nyaaaah!

badoodles: @ellieshe ang hindi marunong magpaalam… ay maraming pinagkakautangan. malamang ganun yown.

8 01 2008
Lenggai

naks naman… ang tino naman ng post na ‘to ka badz! sana kaw na lang prof ko sa Rizal o kahit sa Theology… although alam kong hindi mo linya, pero baka nahikayat pa akong pumasok nang hindi barag kung sing-jeproks mo prof ko… lol!!!

ok yan, magandang karma yan. 😀

badoodles: @lenggai tinataguan ko ang theology subj ko, takot kasi ako sa mga madre. pinalaki ako sa takot na may kapreng nagtatago sa palda ng mga madre. kung rizal naman ituturo ko, pede siguro. adik kasi ako sa mga conspiracy theories

8 01 2008
rofel

bosing badudz, aus ka palang maging guro, di gaya ng mga naging prof ko, parang artista kung magpaimportante.
Ok lang naman kung hindi ka magkapagpaalam sa kanila, lagi naman nila dala ung aral na binahagi mo. 😀
Cheers!

badoodles: @rofel sana nga… sana.

8 01 2008
xienahgirl

nakakatats naman to bossing
panigurado ako mamiss ka nun
🙂

hala ka
si bebemo namayat?
pambihira naman bossing
wag masyado madalas
🙂

badoodles: @xienahgirl mami-miss nila yung linya kong, ‘uwi ako ng maaga, magtitikol pa ako’. namamayat si bebeKo kasi wala na kaming makain. haha. syado ka naman, hindi ko naman siya pinapagod, it’s just dat… tao lang ako, marupok sa seks :evilgrin:

8 01 2008
gasti

yun yon eh! pareng badoodles saludo ako sayo! paniguradong marami natutuhan yang mga bata mo…nakuha mo ang respeto nila..pati na rin kaming bumabasa ng blog mo.

alagaan mong maigi si bebemo. at pag nakaluwag ka na ulit sa oras..balik ka sa pagtuturo. share your knowledge. makiki-seat in na rin ako sa klase mo ha! :Df

badoodles: @gasti ibig sabihin pare di mo ako nirerespeto noon? ampfft… hehe. dyuk onli. sana nga makabalik pa ako sa pagtuturo. kaso narealize ko di ko na kailangan ng additional income, nakakabili naman na ako ng pancit canton saka pirated dvds sa quiapo.

8 01 2008
wei vines

ayyy..naalala ko yung prof ko na kakulitan, kainuman, tapos yosi sa may gate.. hindi ko na siya prof ngaun, nag ngingitian na lang kami ni ser pag nagkakasalubong. I can’t stop by and say thank you to my logic professor.

heniways, change is nature..sabi nga ni daga. People come and go but the memories will always be there 😀

badoodles @wei vine sino si daga? kakaibang daga naman yan, pano kaya kung may makita akong daga sa bahay tapos sabihan akong ‘change is nature’. nakupo, baka magpramis akong di nako bibili ng racumin por life.

8 01 2008
camilleeee

yun tlaga ang importante kuya. ang respeto kusang binibigay yun, nde hinihingi. at nakuha mo yun. “bow” ako sa iyo bilang tagahanga at suking tambay dito sa bahay mo at bow na bow din ako sa iyo bilang butihing asawa ni ate bebe.

alagaan si ate. wag pagurin… sa gawaing bahay 😉 (*sipol epeks)

badoodles: @camilleeee hahaha! natawa ako dun sa sipol epeks. yu are so malice. sige na nga, ako na ang malicious, delicious at lahat ng shoes.

8 01 2008
koreanmine

wow, asteeg pa pala na prof..

mhirap tlga mag gudbye, pero ganun tlga ang buhay..
pero ur sure, di ka nila makaka limutan tulad din ng mga nagisng esp, na teacher mo na maike kwen2 mo pa hanggang sa maging anak mo…

badoodles: @koreanmine mahihirapan silang kalimutan ako. sinong prof ang nagpasakit ng tyan nila sa katatawa at nagpalobo ng kanilang sipon. ako lang. at pag di sila natatawa, may pang resbak ako, ‘sige ang tatawa, 5 points sa recitati0on’. san ka pa.

8 01 2008
angel

nakakalungkot naman mawalan ng kagaya mong prof..

badoodles: @angel nalungkot tuloy ako… pinaalala mo pa kasi. sige nga, paalala mo ulit na pogi ako baka bumalik ung mood ko. hehe

8 01 2008
gladita

wow, in demand pala ang talent mo. hehehe…tama yan, family muna. gumawa muna kayo ng baby ng bebemo. but once a titser, always a titser. hahanaphanapin mo din kakulitan nila. pag maluwag ka ulit, bumalik ka. our country needs you. naks!

badoodles: @gladita tama ka, dahil hindi habang panahong maglalabas ng itlog si bebeKo. at tama ka ulit, once a titser, always a titser. ilang beses ko nang iniwan yan pero binabalik-balikan ko pa rin. may tama ka talaga!

8 01 2008
antuken

i thought you didn’t smoke? eniwei, ako’y tumigil na (fake!)… yun kse ang rekwes ni antuken ko… ang aming deal ay i’ll stop a month before our big day. pero i made a side deal na pag nasa inuman ako, pagbigyan nya na ako kse hirap ako uminom ng di nagyo-yosi. ang balik nya, pano daw kung mabuntis ako…

ang reply ko: antuken, i won’t drink when i’m pregnant naman no.

he didn’t object naman. so siguro pumayag sya.

i once had a very cool professor in college too. mas nakakakuha nga ng respeto yung mga ganung klase ng prof kesa sa mga pa-taray epek. and i totally could relate dun sa comment mo about cheating. hehe.

badoodles: @antuken dahil nagbabasa ng blog ko si bebeKo, di talaga ako nagi-smoke. hehe, lately lang ni bebeKo natanggap na ‘occasional smoker’ din ako. tulad din ng pagiging ‘occasional drinker’ ko on days ending in y…[monday, tuesday, wensdey… hehe corny ko]. oo dapat hintuan mo na yang pagyoyosi, paglabas ng beybi mo amoy pinausukang baby na yan. hehe

9 01 2008
chuvaness

TEACHER!!!! HAHAHAHAHAH

yung mga makukulit na prof gaya mo ang mas nag marka sa buhay ko nung college…so am sure, di ka din nila malilimutan…kaylan may hidi pababayaan……nakaukit magpakailanman…sa ‘king palad ang ‘yong pangalan…

AHAHAHHA…yan kumanta na.

badoodles: @chuvaness HAHAHAHA! shhhh… yan ang dahilan kaya di ko binabanggit na guro ako sa blog dahil alam akong mapapabunghalit kayo ng tawa. haha. heniways, mas conducive mag-aral pag walang ere ang titser.

9 01 2008
jp

Nagtuturo ka naman na pala? San to at makapag-enrol. Hehehe…

badoodles: @jp hinde pahinga muna. ano na lang pag naging estudyante kita,naubos na buong klase sa kayoyosibreyk.

9 01 2008
gerrycho

parang GTO (Great Teacher Onizuka) lang ah badoods 😀
bilib ako sa kung pano mo na-earn ang respeto nila… hardcore teacher ka but still nandun pa rin yung essence na maiparating mo sa kanila yung dapat nilang malaman…

galing naman talaga!

badoodles: @gerrycho natutunan ko yan sa military tactics. hehe. saka pag nag-iintroduce ako ng topic, sinasabi ko naman kung ano ang may importans sa buhay, anong topic ang pwedeng gawing ‘kumikitang kabuhayan’ at anong topic ang walang kwenta [na may disclaimer na, ‘on my personal opinion’]. natatawa sila pero alam kong mas naapreciate nila

9 01 2008
teamlumina

Bro. san ka nagtuturo? hehehe. Enjoy magturo no? ang maganda dito sa akin, pwedeng makipag-flirt sa tinuturuan. Diyan ba, pwede? hehehe.

badoodles: @teamlumina jan sa alabang. ahhh, tungkol sa mapi-flirt wala akong mapi-flirt. puro barako ang estudyante ko. may tatlong babae, ung dalawa tibo ung isa paling ang mata. saka di talaga pwede magagalit si kumander

9 01 2008
yas

nice one.

ex-links po pwede?

[yas]

badoodles: @yas oo nga, wla nang nakikipag exchange links sakin. wala na bang nagmamahal sakin sige exlink kita.

9 01 2008
mcrey

WOW… Sana ikaw na lang naging titser ko sa Digital Circuit…

Naku sigurado malungkot na malungkot ang mga “bata”… hay… pero sabi nga nila in every end, there’s a new beginning… malay mo mga
nagmamaster—al naman yung turuan mo…

Dapat may despidida party…

badoodles: @mcrey despidida? di ba gastos yon? ah eh.. hindi babalik pa ako sa pagtuturo. hehe

9 01 2008
Raymond Lee Quijano

wat the heck! kakaiba ka talaga mag kwento! dapat hindi kwentong barbero ito dahil di ka naman barbero. ^^

totally agree ako sa mga sinabi mo rito.

1. friend kita? wag mo ko tawaging sir.
2. exam? ok lng na mangopya, wag lang papahuli
3. etc. ^^

badoodles: @raymond oo nga. hindi naman nga ako barbero. iniisip ko kwentong IT kaso magiging websayt address ko kwentongit.com, tunog kulangot.

9 01 2008
damdamin

mabuhay po kayo,bossing!bow;)

badoodles: @damdamin tenks. bow.

9 01 2008
Abad

Sayang, dapat pala jan sa eskwelahan mo ako nagschoolhop.

badoodles: @abad wag na. okay ka na jan sa st paul. at tapusin mo na yan.

9 01 2008
Jep

bossing,,,
ayus tong kwento mo. gusto ko na ulet magbalik eskwelahan kung tulad mo ung prof. wala kase akong ganung kakulitan nung college. tapos titser ka pala. aba naman.. kakaiba talaga.

salamat sa kwento bossing!

badoodles: @jep sabi ko nung estudyante ako, ideal prof ko okay lang ma-late mga estudyante, okay lang matulog, kumain, basta ba pumasok. kaya nung nagturo na ko, ganun ginawa ko. self fulfilling prophecy.

9 01 2008
mcrey

Hahahahaha…

Napansin ko lang noong mga unang post mo from May 2002 at August 2003 tag-isa lang. At from September 2003 eh medyo seryoso pa… debater (debator? Whatever) naaalala ko tuloy yung parliamentary days… I enjoyed reading yung mga Law-related entries…. hahaha… pwede bang magpaturo kapag binigyan na ako ng POLSAY?

Hahaha… kung naging LIAR ah este LAWYER pala nako, siguradong mainit ka sa mata… hahaha…

Kuya Badoodles, kailan ka ba tatakbong presidente ng Pilipinas? Kaylangan ka ng bansa!

badoodles: @mcrey sure manyur. hekshuli nung may or june 2007 lang talaga ako nagblog. mga post-dated entries ko lang un halaw sa aking mga ‘doodles’ sa notebook.

9 01 2008
taulava

bosing, napadaan po ang disipulo mo. ang cool mo kayang prof sa min. zooper coolliit! da best ka para sa amin.

badoodels: @taulava hindi ko matandaang naging estudyante ko si asi. hmm. der must be some conspiracy hehe. r u mah student in digital circuit? tenks. ingats kayo palagi

9 01 2008
MARU

sir, agree ako…may mga aral na hindi talaga natutunan sa school gaya ng pakikisama, pagiging totoo at respeto.

maidagdag ko lang…kahit yung talent ko sa kalandian ay hindi rin itinuro sa akin ng mga titser ko. palagay ko nasa dugo ko na yata ‘to. lols!

well, at the end of the day…tayo pa rin talaga ang responsable sa bawat aksyon natin. syet! may konek ba ang pinagsasabi ko? seryos ko!

badoodles: @maru nakupo biglang nag-ser ang kumare ko. ang iyong pagiging totoo [salitang pandisguise ko sa kalandian] ay hulsam pa rin. at tama ka sa huli, paborito kong sabihin yan sa kanila at sa mga kapatid ko, u r responsible to your acts [ininglis ko para magmukang orig].

9 01 2008
Shayleigh

“YUN YON!!!”

Tama ka jan.. ang galing talaga, nakaka relate ako sa mga cheating na yan… at feeling ko, kung sakaling magtuturo ako, may mga Set A, B & C din akong gagawin, with a rule na pedeng mangopya basta wag magpapahuli… hahahah!!!

I would say, sana naging guro din kita noong mga panahong nag-aaral ako, pero so far, di naman naging ganun kasama ang naging karanasan ko noon, ok naman sila.

Tamang respeto talaga… hindi hinihingi kundi ibinibigay ng kusa…

Alagaang mabuti si Bebe mo… two thumbs up para sa’yo. 😀

badoodles: @shay hi shay. wala lang. gusto ko lang mag-hi. for a change. salamat sa two thumbs up. ano yan, yung thumb sa kamay o sa paa? sarap magturo. sarap kulitin mga estudyante lalo na pag nagmumukang burat na sila sa kaaaral

9 01 2008
rhianajay13

hahaha, ganyan din naramdaman ko nung paalis na ako sa info… haaay, namiss ko tuloy bigla ang info lalo na yung mga students, mahirap talaga umalis sa info kahit ganun yung mga students na yun sa totoo lang mapapamahal ka sa kanila dahil na rin sa kakulitan nila tska makikita mo naman may respeto sila seu… hehe… d na nga uso paalam talaga at mahirap umalis ng nagpapaalam kaya nabigla din sila nun sa akin… pagiging guro, rewarding experience talaga =)

badoodles: @rhiana at isa ka pa. di ka din pala nagpaalam. hehe. nagulat na lang ako nasa brunei ka na at kumakain ng gotong may sili. na-miss ka din nila tinatanong ka palagi sa kin.

9 01 2008
krisjasper

so kung di ka magpapa alam, AWOL gagawin mo?

badoodles: @kj ahmm, hindi naman, hindi lang ako nagrenew for d next term/sem

9 01 2008
ca

sir ka rin pala…kakabilib naman ang dami mong alam gawin.

actually part time instructor din ako somewhere. try ko lang ngayong second sem. putek ang hirap pala! sumuko na nga ako eh. sabi ko tapusin ko lang talag tong sem. pero after reading this entry…napapaisip tuloy uli ako. 🙂

badoodles: @ca oo, kaya ko ding kumakain ng siopao ng sabay-sabay ng di nabubulunan. anhirap magcompute ng grades pero sa tulad nating magagaling [ayan nagbuhat na] it’s worth it sharing wat u know.

9 01 2008
gerrycho

huwaw… after yas requested for an exchange links 😀 puede rin bang makisali nyah…

badoodles: @gerrycho wala pa ba? langya, hantagal na nating magkasama ngayon ko lang napansin ala ka pa pala sa links ko. cencya na, mag tsek nga ako mamya.

10 01 2008
MisyeL

Noong estudyante pa ako, masipag akong pumasok kapag ang guro eh tulad mo. Syurnes malulungkot ang mga students kapag nalaman nilang wala kana sa school.

Anyways, alagaan mong mabuti si BebeMo… 🙂

badoodles: @misyel malulungkot sila wala na silang entertainment. e ginagawa lang akong ‘comic’ ng mga un ng walang bayad

10 01 2008
linglingbells

yun yon eh! kung kaw prof/instructor ko ngayon sa klase ko, mamimiss talaga kita pag umalis ka na.. malamang sa malamang magiging laman ka ng kwentuhan ng mga estudyante mo pag nawala ka.. bosing! sana kaw na lang instructor ko sa klase kong mass media law.. hehe.. terror kasi prof ko dun, papasok pa lang ako ng klasrum, nanginginig na tuhod ko.. haaay.. uy, pakainin mo ng marami bebemo!

badoodles: @linglingbells anhirap naman ng ganyan parang martial law ang guro. baka pagpasok mo pa lang, pag na late ka papagulungin ka na sa sahig ng guro. ‘linglingbells, gib me tu tawsan sit up. u hev d rayt to remain silent..’. hehe

10 01 2008
Nemcy

Amen to that, bosing! Ü

badoodles: @nemcy halleluya prize da lord!

10 01 2008
coldman

basta alam ko pag cool ang teacher, cool din ang estudyante! Hahaha!

badoodles: @coldman nahawa lang ako sa ‘coolness’ ng mga estudyante. . 😉

10 01 2008
phot

mr badoodles!! hehe.. waw naman.. tinamaan ako dun sa font size ah. tsk tsk. 😛
penge naman ng advice kung pano ang tamang paraan ng pakikisama sa iba. hehe. ket konti lang. (request?!) thank you! 😀 :*

badoodles: @phot ganito lang yan. dont exert too much efort to please pipol. just be cool. if u cant, isipin mo lang cool ka. tignan mo pati ikaw maniniwala. pag cool ka, lahat ng tao gustong kasama ka. pag ayaw ka nilang kasama, mga abnormal lang talaga sila.

12 01 2008
Maldito

yun yown eh!ahahaha…kaka tats naman to bossing….kaya nga ayaw ko mag teach kasi tiyak na dami ang maatach saken…..hay…ganun talaga…yung mga kodigo, na master ko na yan. degree holder na diyan.wahahha….God bless you bossing.

badoodle: @maldito totoo yan. kulang na lang, sa bahay na din sila umuwi. ako na lang nagtataboy. hehe

12 01 2008
phot

tnx mr. badoodles.. thank you! ng 3 100 times.. hehhe :))

badoodle: @phot walang anuman. 😉

12 01 2008
wei vines

uhmmm yuung movie na ratatouille(sfell check) ayun.. sabi niya change is nature. Teka, parehas nga pala kayo ni sir ng favorite quote: ok lang mangopya, wag lang papahuli. Dont tell me ser, ikaw ang ser ko? anong school ba kayo nagtuturo? sa school ni thomas? ^^

badoodle: @wei hindi nadadaan lang ako sa iskul ni tomas pero may mga barkada din akong nagtuturo dun. mga langyang yown, kinukuha nila ung quote ko. hehe. joke lang

17 01 2008
dyah

ganun naman ata talaga e, ung mga taong di mo aakalaing magtuturo, ang syang nagiging guro. tulad na lang nung 2 na naging kaklase ko sa kolehiyo, ung dalwa sa pinakagalit sa aming mga guro, mga d pumapasok, d nagaaral, pagkatapos ng aming pagaaral sa kolehiyo, ng magkikita na kami, ung isa, elementary teacher, ung isa, sa college naman. ganun ata talaga.

pedeng nainspire sa mga dati nilang naging guro, o di kaya, gaganti sa mga estudyante sa ginawa sa kanila ng mga naging guro nila…..

pero ako, magtuturo din ako, pagdating ng panahon, hahahaha

ipagpatuloy mo lang ang pagsusulat, maraming natututo at natutuwa sa mga nasusulat mo…..

asteeg…

badoodles: @dyah salamat. babalik din akong magturo. pagdating ng panahon…

25 01 2008
jepoy

kelan ka babalik??

saka na hehe

kukunin pa kita Guest Speaker sa IT Trends pra libre sessions naten he he

badoodles: @jepoy langya, porke ba dikit nyo ako libre lang? tapos ung ibang guest spikers may bayad? tama ba un. dapat may honorarium ako, pa-spa, saka babaeng nagsisirko. hehe. sige na, ok na libre basta may isang boteng malamig na red horse.

29 01 2008
jepoy

yey! nxt sem na un kaya wag ka muna balik after na lng hehe

madali na lng ung mga mamam at etc papatak sa buwan ng beerday ko yan e

salamat pre asahan namin ni eugene yan

8 02 2008
byterslair

i can relate sa experience mo. nag te-teach din ako, sangkatutak na makukulit nga mga bata na mas matanda pa s’ken. Agree ako sayo tungkol sa isyu ng respeto, you have to respect yourself first at matuto tayong rumespeto sa kapwa para respetuhin din tayo in return. Sa mga testpapers ko nakalagay “you cheat, you die!” nka ALLCAPS at mas malaki pa ang fontsize kesa sa header ng exam. BTW, your blog ROCKS!

badoodles @byterslair kala ko ako lang guilty ng mga warning na ganun. haha! kung minsan, pag ayaw seryosohin ung mga warning kong ganun, iniisip kong samahan ng balisong ung testpaper. san ka pa. hehe

14 02 2008
ryan

hi bossing!
‘san bahay mu?ppnthan sna kta,ttanong qo kng pwde ka mging tyuTOr qow??
cge na..libre isang case ng reDHorse kda sEsyun..san kpa..

badoodles @ryan deretso ka kaliwa, tapos kanan, lakad ka ng isang kilometro, suot ka sa may ilalim ng manhole, deretso ka pakaliwa, akyat palabas, pasok sa malapit na building, sakay ng elevator, pagdating sa 27th floor, kumanan, talon sa bintana on da ryt, pagbagsak mo tingin ka sa kanan, dun, oo hindi dun.

red horse ba kamo? sige sunduin ka na lang namin. pwedeng samahan mo na din ng pulutan? hehe

21 02 2008
nanoi

HAYYYYY! nakakamiss ang mga skul bukol days ah nung college. love reading this as always.

badoodles: @nanoi sobrang nakakamiss talaga ang college days. sana nagdrop out na lang ako para hanggang ngaun college pa din ako.

6 03 2009
Jenn Besonia

Saang school ka nagtuturo? Sana may maging prof akong katulad mo. hehe!

Yung ibang teacher hindi ko alam kung wala lang talaga silang pakialam sa mga nangongopya o sadyang tanga lang sila sa mga strategy na ginagamit sa pangongopya ng mga estudyante.

Yung mga estudyante naman, di ko mapagtanto kung bakit kelangan pa nila magkandarapa sa paghahanap ng sagot sa katabi. E pwede naman iwanang blangko lang yung tanong na di nila alam ang sagot.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: