Philippines 10 Best Humor Blogs Partial Tally [As of 01/02/2008]

11 01 2008

Heto ang partial tally ng botohan para sa Project Lafftrip Laffapalooza – ang paghahanap para sa 10 PinakaDaBest na Humor Blogs ng Pilipinas. Nag-umpisa ang project Lafftrip noong November 2007 at magtatapos ngayong September 2008.  Ito ang mga blogs na sobrang nakakaadik kahit walang hinalong drugs,  kaya, ladies and gentlemen, heto na ang mga pangalan ng super stars ng Philippine blogging community: 

§        

Rank 1:  Inday [blogniinday.com] 

“Ang sosyal na katulong.  Akdang tiyak na magpapadugo sa iyong ilong! The fangs of this adamant chambermaid will truly stir your brains to grab the nearest dictionary or search some hifaluting (?) words over Meriam Webster Online”!  jgsmart.wordpress.com

  •  4,300 votes 

§        

Rank 2:  Maruism [maruism.com] 

“Ang kakabog kay Ruffa Mae Quinto, Ai-Ai delas Alas at Tiya Pusit.” – jojitah.com

  •  2,900 votes      

§        

Rank 3:  Reyna Elena [reynaelena.com]

“She tackles Philippine economy and other socio-political events with a hint of satire and sarcasm. Another rare co-incidence of two supposedly exclusive events.” – kotsengkuba.com

  •  2,300 votes 

§        

Rank 4 : Maldito [thegreatmaldito.wordpress.com]

“Makulit at maldito talaga… Basahin niyo ang blog niya at tiyak mapapasaya niya kayo. Sobrang totoo at mabait na nilalang. May sinabi nga siya sa akin dati, ‘Gage..indi ko kaylangan naman ng boto eh..sapat na yun na madaming masaya sa blog ko..-Maldito.’ Oh di ba? Pang-Nobel Prize na ang lolo mo! Niyahahaha!” – jeckyll27.wordpress.com

  •  1,800 votes 

§        

Rank 5 – 6:  Spontaneity [jojitah.com] 

“Kabilang sa linya ng mga superstars at kadivahan to the nth level. Sobrang enjoy basahin a ng mga post ng divang ito. Makulit pa siya sa makulit na aakalain mong isa siyang baklang nasa katawan ng babae. Marami rin ang nag-aabang sa kanyang two-piece attire na pinapangarap.” – jeckyll27.wordpress.com 

  •  1,700 votes 

§        

Rank 5 – 6:  Anak ni Kulapo [kopongkopong.blogspot.com]

“He dares to be funny and be successfully funny at the same time. This is such a rare co-incidence, a rare universal phenomenon.” – kotsengkuba.com

  •  1,700 votes 

§        

Rank 7: Gagopolis [poli-adik.blogspot.com]

“Madaming alam sa kalokohan itong batang to. Madami na syang napasayang tao kaya sa tingin ko ay isa sya sa mga dapat manalo sa pa-contest na ‘to kahit bihira na sya mag update ngayon..ang pag aaral nga naman panira talaga sa bisyo.” – gasti.wordpress.com

  • 1,600 votes 

§        

Rank 8: Chuvaness [mynosebleed.com]

“How can you stop yourself laughing when while reading her melodramatic notes what you can visualize  a girl in nasal hemorrhoid.” – kotsengkuba.com 

  • 1,500 votes  

§        

Rank 9- 11: Chiksilog [empermera.blogspot.com]

“Blog ni xienah, nakakatawa at nakakaaliw.  Saksakan pa ng ganda at kaseksihan!” – deardiarya.blogspot.com

  • 1,400 votes 

§        

Rank 9- 11:  Chillidobo [chillidobo.wordpress.com]

“Astigin ‘tong blogger na ito kasi magaling ang flow of thought ng mga kwento. Mahusay siyang magsulat at puno ng sandamukal na patawa sa bawat post. Pinakaabangan ko ang love story nila ni Maria Makiling. At sana dumating ang araw na mapasagot niya rin ito hehehe..” –jeckyll27.wordpress.com 

  • 1,400 votes 

§        

Rank 9- 11:  Mr. D [deardiarya.blogspot.com]

Pundasyon. institusyon. sapatos ni syon. magigiba ang blogosphere kung wala siya. wala pang salitang friendster, nagpapatawa na si MrD.  Gusto ko manalo ang mentor ko.”empermera.blogspot.com

  • 1,400 votes 

§        

Rank 12 – 13: Jon Cabron [joncabron.wordpress.com]

“This guy’s brilliant. Hanga ako dito. He is funny without even trying. I love his ascerbic wit. Walang katulad. Wala!” – jovi2hottie.wordpress.com

  •  1,200 votes 

§        

Rank 12 – 13:  Green Pinoy [greenpinoy.com]

“ Ano ang pinagkaiba niya sa ibang blog? Marami. Mga jokes na corny, mga pictures na sobrang kakaiba, mga kwentong out of this world, mga youtube videos ng isang frustrated comedian at singer at his best, at mga comments na nagmula pa sa sa mga pinoy sa iba’t-ibang panig ng mundo. Saludo ako kay Jason kasi sa blog niya lahat bida. Naks, parang wowowee..hehehe.. Greenpinoy is the bestest! – jeckyll27.wordpress.com

  •  1,200 votes 

§        

Rank 14 – 15: Gasti [gasti.wordpress.com]

“Adbentyurs ng isang pugante na madalas namang mabuking ng kanyang esmi na tila kalahi ni Yuri” – chillidobo.wordpress.com 

  • 1,100 votes 

§        

Rank 14 – 15:  Defpotec [defpotec.wordpress.com]

“Nalulungkot ka ba? Nalulumbay? Walang magawa sa buhay? O sadyang mahilig lang sa Bombay? Pumunta ka sa blog ni DEFPOTEC at nandoon ang lunas sa iyong kalungkutan. Garantisado!” – jovi2hottie.wordpress.com

  • 1,100 votes 

§        

Rank 16 – 17: Marijuana Den [marcelomcrey.blogspot.com]

“Ang blog na pantapat  sa sikat-na-sikat na si Inday…dahil, Si Arajaya lang ang TUNAY NA SUSYAL.” – marcelomcrey.blogspot.com

  • 1,000 votes 

§        

Rank 16 – 17:  Pinoy Humor Blog [paulding.blogspot.com]

“Man, his photoblog rocks!!! He posts photos of things that are humorous and lets us in to what he thinks is funny. Must be cool to think like him.” – evilwoobie.com 

  • 1,000 votes 

§        

Rank 18: King Daddy [kingdaddyrich.blogdrive.com]

“His header image is a latin proverb that denotes something serious, but his wit and writing style are anything but. He made me laugh the most when he posted his categories of bloggers’ behaviors all over the internet. Especially how he described bloggers who just comment on another blog to say “x-link?”…. He did that to me actually, and I laughingly reacted when he didn’t keep his end of the bargain.” – evilwoobie.com

  • 900 votes 

§        

Rank 19 – 20: Anukayayun [anukayayun.blogspot.com]

“Sa lamig ng kanyang pangalan ay mapapadyebs ka  sa kakatawa sa mga piktyur na pinapakita ng taong walang mukha ngunit may ilong na si Coldman. Grabe talaga naman.” – jmagreda.blogspot.com

  •  700 votes 

§        

Rank 19 – 20: Blasted Brain Blog [crost23.blogspot.com]

Bihira kasi sa isang blog yung brains ang sasakit imbes lungs sa kakatawa.  Kung may 3o’clock habit, ipapauso ko ang 5:30habit. Ito ang oras kung saan maglalagay tayo ng putopao at kutsinta sa pedestal katabi ng litrato ni combatron habang nagninilay nilay. Mag-aalay tayo ng panandaliang katahimikan kung saan ang ating pansariling kahilingan ay ang hindi niya pagkakaroon ng juwawhoopers. Ito ay para sa dahilan na walang sagabal sa kanyang blogging career.”  empermera.blogspot.com 

  •  700 votes 

§        

Rank 21 – 22: Blog ni Ella [ellaganda.com]

“Matindi  ito, seryoso mga banat parang nobela na drama. Yun pala nasa huli punch lines. Madalas nagugulat ako. Whoa!!! Whoa pa ulit!!!” – kopongkopong.blogspot.com

  •  600 votes 

§        

Rank 21 – 22: Ferbert [tanginang-alien.blogspot.com]

“Ibang klase kasi etong tirada nitong repapips ko, kahit me mura, hindi katulad nung mura nung ibang mga blogs na walang kwenta. Dito pag nakatikim ka ng lumalagutok na PI, you are loved”. – kopongkopong.blogspot.com

  •  600 votes 

§        

Rank 23 – 24: Kwentong Tambay [kwentongtambay.com]

“Si kuya batjay na ata ang pinaka- dabest pagdating sa mga kwentong kabulastugan. Simple ang banat pero may dating. Tumatawa na lang akong mag-isa pag binabasa ko mga entry nya. Kaya di nakapagtatakang siya ang one of the best blog nung 2004 and 2007” – anukayayun.blogspot.com

  •  500 votes 

§        

Rank 23 – 24:  Kamote Force [cycle.blogs.friendster.com]

“Parang Bob Ong Jr itong si Clarence Garcia!”“- humblejowdie.blogs.friendster.com

  •  500 votes  

§        

Rank 25 – 32: Professional Heckler [professionalheckler.wordpress.com]

“ ‘The problem with political jokes is they get elected’.  Akdang tiyak na kapupulutan ng aral at walang tigil na katatawanan. Kahit tulog ka na ay mapapangisi ka talaga sa kanyang mga naisulat. Wlang sinasanto! Walang kinakatakutan! His blog is not that of a typical personal experience. His’ is a political sattire that is sure to stir your patriotism. Its an experience na iyong babalik-balikan. Its like watching TV Patrol and Bitoy’s funniest videos at the same time!” –  jgsmart.wordpress.com

  •  400 votes 

§        

Rank 25 – 32: Eat All You Can [eat-all-you-can.blogspot.com]

“Syempre, aliw rin ako sa entry ng kaibigan kong ito, kahit na lang ano pinagsusulat pero siguradong mapapangiti ka, kahit minsan medyo green iba pa rin ang banat.Hahaha! Astig ka bro!” – anukayayun.blogspot.com

  •  400 votes 

§        

Rank 25 – 32: The Badly Written Sitcom [sunriseshotgun.blogs.friendster.com]

“Badly written sitcom indeed”.

  •  400 votes 

§        

Rank 25 – 32: Nanskii World [nanskii.multiply.com 

“Cool ang mga blogs niya, in fairness,  matatawa ka sa kanya ng todo.  Hehehe!” – alexbam2006.multiply.com

  •  400 votes 

§        

Rank 25 – 32: Jake The Miserable [jakethemiserable.com]

“A sentimental brokenhearted fool :), sharing his miserable life through laughter… never fails to crack me up.” – heyokity.blogspot.com

  •  400 votes 

§        

Rank 25 – 32: Turismoboi’s Chronicle [turismoboi.blogspot.com]

“Laitan ba ang hanap mo? Hindi naman, BAD lang daw talaga siya… sabi nga niya ‘bad na kung bad’. Tuklasin ang mga nakakatuwang paglalakbay sa mundo niya! Wag nang mag-pa-chenilyn-chenilyn pa! Click na” – marcelomcrey.blogspot.com

  •  400 votes  

§        

Rank 25 – 32: Xavierykym [xavierkymguillen.blogs.friendster.com]

Ewan ko ba, natatawa talaga ako sa post niya. Kinukwento lang naman nya ang kanyang buhay as pinoy dun sa UK. Ang paggiging foreigner nya sa class nila, nag-iisang kayumanggi. Mga kinukulit nyang classmates dun at tinawag pa xa ng, “pek[2x]” without his classmate knowing what’s the meaning of that word.” – wapita.ph.gd

  •  400 votes 

§        

Rank 25 – 32: Munting Blog ni Agi [agistar.blogspot.com]

“Idol na magaling si Agi Armentia!”“- humblejowdie.blogs.friendster.com

  •  400 votes 

§        

Rank 33 – 39: Ayanstein’s Laboratory [ayanstein.com/letras]

“Free your mind.”

  • 300 votes 

§        

Rank 33 – 39: Alexbam2006 [alexbam2006.multiply.com]

Cool and funny blogger”.

  •  300 votes 

§        

Rank 33 – 39: Mister Hubs [misterhubs.blogspot.com]

“Aliw ako sa pagbabasa ng mga post nya. Kahit di siya bumibisita dito, e sa gusto kung basahin ang blog nya e, kasi naaaliw ako.  Ang daming prens ng taong ito kasi daming comments! Hahaha” anukayayun.blogspot.com

  •  300 votes 

§        

Rank 33 – 39:: Calvin’s Hub [calvinshub.wordpress.com 

“A certified internet junkie who blogs to share his  opinions, knowledge and cool stuff he learns or finds along the way of this thing called ‘life’.”

  •  300 votes 

§        

Rank 33 – 39: Bomba [danielyuson.wordpress.com]

“Mga kwentong kagula-gulantang, opinyong nakakawindang, sapantahang kasing init ng goto at komentaryong nakakalaglag postiso ng nag-iisang bathalang si Bomba! A teacher blogging his daily events in a no boundary manner. No inhibitions, no limits just plainly truth!” – jgsmart.wordpress.com

  •  300 votes 

§        

Rank 33 – 39: Mundane Side of the Road [theblindrage.blogspot.com]

“’Expounding On The Mediocre Since 200’  tag line pa lang pamatay na. Ultimo everyday conversation eh nosebleed english pa… Witty and Bitchy. Funny! Nyahahaha… Oras na basahin, tatawa ka na lang ng walang dahilan – ganyan kalakas ang powers ni Tina.” – marcelomcrey.blogspot.com

  •  300 votes 

§        

Rank 33 – 39: Jeckyll27 [jeckyll27.wordpress.com]

“Kasosyo sa negosyo! Magaling na blogger”“- thegreatmaldito.wordpress.com

  •  300 votes  

§        

Rank 40 -46: Pinay Brodkaster [angpinaybrodkaster.wordpress.com]

I can’t get enough of reading her entries. Di sumasabog ang utak ko while going through her posts. Organized kung baga. Galing nyo po! “- wapita.ph.gd

  •  200 votes 

§        

Rank 40 -46: Twisted [jessicarulestheuniverse.com]

“Goddess of wit” – evilwoobie.com 

  •  200 votes 

§        

Rank 40 -46: Chona Mae [chona.blogspot.com]

“Siguro ay wala ng pakialam ang blogger na ito kung manominate siya. Naalala ko lang na ito ang nagpapatawa sa akin dati kaya inonominate ko pa rin. Mas gusto ko talaga ang classic na inday. To Chona, you said you are come back soon? When will your site be construct? Me and my friend is miss you” – schoolhopper.blogspot.com

  •  200 votes 

§        

Rank 40 -46: Loud Cloud [verbosecity.blogspot.com]

Masyado akong nawawalan ng dugo sa sobrang nosebleed sa blog nya.Hahaha!” – anukayayun.blogspot.com

  •  200 votes 

§        

Rank 40 -46: Online Tabletas [humblejowdie.blogs.friendster.com]

“Idol ng mga April Boys” – humblejowdie.blogs.friendster.com

  •  200 votes 

§        

Rank 40 -46:   Mandaya Moore [mandayamoore-orlis.blogspot.com]

“Mga bayot sa bukid (mga bakla sa bukid). Tungkol sa pakikibaka ng mga magkakaibigang nagkakaibigan para sa iisang layunin! Ang mamuhay ng mayapa at magkaroon ng puwang sa lipunan. Their simple way of life has been pen down into details, shared and loved! A carefree life for a convivial people, is definitely hilarious!” – jgsmart.wordpress.com

  •  200 votes 

§        

Rank 40 -46: The Coffee Bean [cofibean.blogspot.com]

“Nakakaasar minsan pero NAKAKATAWA talaga. Lait kung lait ang drama tila isang dalawang may buwanang regla. Hay! Ingat na lang sa pagkokoment sa kanya kung ayaw mong masabihang ‘Hilariously Stoopid’- marcelomcrey.blogspot.com

  •  200 votes 

§        

Rank 47 -49: Geisha [jgsmart.wordpress.com] “Journey towards love, lust, life and identity!  Kahit most of the post are in serious notes and rants, you can still extract humor naman (Choz)! Bahala na si batman! Ha ha ha!” – jgsmart.wordpress.com

  •  100 votes 

§        

Rank 47 -49: Sayote Queen [sayotequeen.com]

“Isa syang girlie na mahilig sa sayote ewan ko ba. Basahin nyo na lang at malalaman nyo rin ang istorya nya” – chillidobo.wordpress.com

  •  100 votes 

§        

Rank 47 -49: Nakanampucha [nakanampucha.com]

“Maraming nakakainis sa ating mga Pinoy.   Na capture lahat sa blog na ito.” – jovi2hottie.wordpress.com

  •  100 votes  

*Update:  Bukas pa rin ang botohan dito sa Project Lafftrip Laffapalooza hanggang September 27, 2008.  Ang opisyal na resulta ng 10 Best Blogs at ang mananalo sa pa-raffle ay iaannounce sa September 30, 2008.   Sa mga gustong magpalit ng mga binotong blog, mag-rearrange ng ranking,  o magdagdag kung kulang sa lima ang binotong blog, meron pa kayo hanggang June 1, 2008 para gawin ito.  Pagkatapos ng June 1, hindi na pwedeng magpalit ng mga binotong blogs, mag-reaarange, o magdagdag.  Pag gumawa ng boto, huwag kalimutang iwan ang link ng inyong blogpost sa comment box ng Project Lafftrip Laffapalooza. 

Important:  Heto ang bagong puntos sa pagtatally ng boto:  Top 1 – 500 votes, Top 2 – 400 votes, Top 3 – 300 votes, Top 4 – 200 votes, Top 5 – 100 votes.  Wala naman itong epekto sa ranking.  Cool lang tignan pag maraming zero sa dulo. 

Sa mga binotong blogs, kung nais palitan ang nakalagay na description, i-email lang ang nais na description sa dwmx2[at]yahoo[dot]com na may subject na ‘Request Change of Blog Description’.   

Ang susunod na tally ay i-rerelease sa April at July.  Muli, ang final announcement ng Philippines 10 Best Humor Blogs ay mangyayari sa September 30, 2008.  Kasabay rin dito ang pag-announce sa mananalo sa pa-raffle. 

Advertisements

Mga Tugon

Information

61 responses

11 01 2008
MARU

ayayaaaaay!

badoodle: @maru ayeyyesss!

11 01 2008
Lenggai

‘kalain mo…

badoodle: @lenggai fearless forecast ang pag-arangkada ni lenggai sa second quarter update ng project lafftrip 😉

11 01 2008
coldman

akalain mo, nakakatawa pala blog ko. lol

badoodle: @coldman cool ka kasi e… cool

11 01 2008
Shayleigh

yehey!!! nagbilang na siya… 😀

badoodle: @shayleigh anhirap palang magbilang ng boto. kelangan ng matinding konsentrasyon ang pagbibilang kesa pagkukulangot

11 01 2008
Shayleigh

btw, join po ako ah…

badoodle: @shay yesssss. go! go!

11 01 2008
gasti

potek naka 1100 votes ako? san galing yun? lols…lasing yata ako.

badoodle: @gasti nagbago kasi ako ng point system. pero wala namang magiging kaduda-dudang epekto ito sa ranking. hindi siya dagdag-bawas, pulos dagdag lang.

11 01 2008
jojie

converted ba sa cash ang points? hahaha!

badoodle: @jojie oo. pwede siyang iconvert ng cash. to convert ur cash into points heto ang formula: points / 1000 = cash. malaking halaga din yan. bale meron ka nang 11 pesos ngayon. i-print screen ang points at pwede mo itong ipaconvert sa national bukstor saka sm. hehe.

11 01 2008
chuvaness

waaaaaahhh…buti pa dito kasali ako sa TOP 10!!! hahahahha

badoodle: @chuvaness dahil dito ikaw ang bida… san ka pa.

11 01 2008
Maldito

hala rank 4?sinong adik ang nalinlang niyan?wahahaha..pohtel…sira na ang mundo!lols

badoodle: @maldito handami mo palang fans club. hindi ko pa nabibilang jan yung bilang ng boto ng valenzuela at malabon tsapter. hehe.

11 01 2008
GEisha

huwaw! flattered naman ako’t description ko pa ang naging label sa mga na-nominate ko! (choz)
salamat badoodles!:)

badoodle [ngayon ko lang nalaman hindi pala ako si badoodles, plural yown]: @geisha dahil isa kang matinik at magaling mambola. hehe. pag sinabi mong ang gleng gleng ni badoodles ay maniniwala ang sangkatauhan sayo.

11 01 2008
Project Lafftrip Laffapalooza Partial Tally [As of January 2, 2008] « Jgsmart Diaries

[…] 12, 2008 by Geisha The Project Lafftrip Laffapalooza – ang paghahanap para sa 10 PinakaDaBest na Humor Blogs ng Pilipinas has finally released an Unofficial and Partial tally of its nominees. And i was one narcissistic […]

12 01 2008
weng

yay! blog ni inday! at kay xavier! 😆

badoodle: @weng ow yes, pasok ba ang mga binoto…

12 01 2008
Raymond Lee Quijano

*inom kape, sabay kain tinapay* nakanampucha…. ^^

badoodle: @raymond ikaw pre di ka pa bumoboto…

12 01 2008
Calvin

wag na naten sama blog ko… hehe kapal lang ng mukha ko para iboto yan 😛 hehehe.

badoodle: @calvin hindi maari. touch move. hehe. sabihin mo lang kung meron kanang ipapalit sa binoto mo.

12 01 2008
The 2008 Philippine’s 10 Best Humor Blog partial tally | Blog ni Inday!

[…] to Geisha for the tip) and I’m happy to announce that our blog was number 1 at this moment in Project Lafftrip Laffapalooza, the search for the 10 best humor blogs in the Philippines for 2008. Rank 1: Inday […]

12 01 2008
Kotsengkuba

huwaw! pasok sa top ten ang mga binoto ko.. hahaha except sa isa at sa isang nakipag-tie pa sa 9-11. hahaha.

pareng idol, idol mo na’ko no? pati mga blog descriptions ko pasok din e. hehehe.

tsaka maghuhurumentado kaso ko dahil dun sa feed na dumating sakin e kootsengkuba.. parang kapatid lang ni king koopah. hahaha.

astig bossing, hataw sa voters. congrats!

badoodle: @kootseng kooba syempre idol. galing ng descriptions mo sa mga blogs. pwede ka nang gumawa ng blurbs sa libro sa mga pambobola mo. pati ako naniwala eh. hehe

12 01 2008
Kotsengkuba

achechepache! 4 and 1/3 pala sa boto ko ang pasok sa top 10… makapagtawag nga ng flying voters. hehehehe

badoodle: @kotsengkuba flying voters pala ha. gusto mong makatikim ng karate kid flying eagle – crouching badoodle style ko ha. hetong sayo, hai!!!

12 01 2008
jeckyll27

wat the?! may bumoto pa sa???!
gusto ko nang makuha yung sony cybershot!!!

badoodle: @jeck pwede ko namang ipadala na sa yo ang sony cybershot mo. un nga lang pag di ka nanalo, kelangan mong ibalik ito plus rental fee + freight services + professional fee + contingency fee + scratch fee + moral damages ng camera. bale fifty tawsan lahat lahat.

12 01 2008
mcrey

Naku! Ang lakas ng powers ni Inday!

badoodle: @mcrey yan ang tinatawag na inday power.

12 01 2008
wei vines

wow! mukang malakas si inday ah! hmmm…

yung professional heckler nga pala, di ko na mabuksan..baka nag lipat blog na (?)

badoodle: @wei ganun. baka nagsarado na ang blog-city. nalugi…

12 01 2008
Abad

Sawa na ako kay inday.

badoodle: @abad hate mo na si inday. di ka na nya ipaglalaba ng marumi mong brip.

12 01 2008
Pasasalamat « Maldito at it’s finest

[…] 12, 2008 Natuwa ako nung binuksan ko ang page ni bossing badoodles kaninang umaga. Ugali ko na ang buksan ang lafftop ko sa tuwing babangon ako. Aba aba aba! Ang buhay […]

12 01 2008
FerBert

kuya hindi po FERBERT.BLOGSPOT.COM yun

eto po yung tama.. TANGINANG-ALIEN.BLOGSPOT.COM

ahihihi..

waaah! nasa rank 21-22 ako.. ahihihi

tenkyu!

badoodle: @ferbert sabi ko na nga bat nahilo na ako. si ferbert ay si tanginang alien… si tanginang alien si ferbert.. eto, papalitan ko na…

12 01 2008
reyna elena

eBAT NUMBER 3 AKO?! DI AKO PAPAYAAGGG ~! NAKAKA-TRRAUMA TOOO!!! @#$%^& AAHHHH!!! SUMTIN’ IS WRONG!!! Waaaaaaa!!!! Huwaaaaaaaaaa!!!! Alam nyo namang I can’t take losing easily ginawa nyo akong sabeet??????? COMELEEEECCC!!! HELPPP!!!!!

badoodle: @reyna elena maaari pang magbago ang kapalaran. malay mo neks month…. nasa number 20 ka na. hehe. kaya pa yan. go! go!

13 01 2008
BURAOT

hmnnn…… hanggaling, kahit huli, pasok pa din. hanggaling talaga nd ideya mo badudels. lalo humataw ng readers websayt mo. nyahahahahha!

sabi ko na kopon ni inday eh. doble ang agwat. buti na lang sya binoto ko. hehehe. ino kaya mananalo ng premyo….. biruin mo 15 thousand pesoses. lols!

badoodle: @buraot sino kayang mananalo? sabihin sa amin, bolang kristal. si buraot ba? naku, ipangtsi-tsiks nya lang yan.

13 01 2008
Lafftrip Laffapalooza: Be on the top 10! Bid na kayo sa number 3 position ni Reyna Elena!!!

[…] this: Laffalooocheewa? Guapo pala tong si kwentong barbero! I wanna marry him! I’ll bear his children! Divanetch?! (read: bibigyan kita nang gold […]

13 01 2008
joice

di ka ba pwede iboto?

badoodle: @joice hindi po pede. hehe.. handaming pagpipilian, teyk ur pick sa ating mga nasa ranking o kung meron ka pang bagong nadiskubreng blog na patawa. 😉

13 01 2008
Flying Voters Unite! | Spokening Peso

[…] lang e ipinalabas na ni pareng badoodles ang kanyang unang tally ng bilangan para sa kanyang Project Lafftrip Laffapallooza (na ang hirap palang i-sulat kaya […]

big brother: @kotseng kuba pumasok ka.. sa confession room… kotseng kuba… bagamat… may punto ka.. sa.. technicalities… hindi pwede ang multiple voting. dahil ang personal blog ay dapat isa lang [kasi personal]. bawal ang multiple personalities blog. saka, magiging kwestionable ang integridad ng ating projek-projekan. kung magkakaganun ay sa atin din babalik yown. dahil jan, bibigyan kita ng ‘gusto mo pa akong waisan ha? award’. isa itong napakaprestihiyosong award dahil dalawa pa lang kayong nakakakuha nito. ang isa ay ang pamangkin kong si dollie anne na sinabihan akong ‘tito ang pogi pogi mo’. at pagkatapos ng 5 minuto ay sinabing, ‘tito penge pela’. hayzzz [kamot ulo].

13 01 2008
Calvin

galing ni inday sana manalo sya para manalo din ako ng 15k hehehe.

badoodles: @calvin lalong tumitindi ang laban. sino ang tatanghaling grand winner ng lapapalusa 2008? hiya!!

14 01 2008
» Blog Archive » Second Best…Ayayay!

[…] Project Lafftrip Laffapallooza, blogging, kwentongbarbero.com Paglabas ng unang tally ng pakulo Pareng Badoods, akala mo talaga ay na-release na ang pinakaaabang-abangan resulta ng Bar Exam ng mga gusto maging […]

14 01 2008
Holy Kamote

chalamat po mamang barbero sa pakulo mong pakontes, at kay Ate XienahGirL dahil natuklasan ko ang mga blogs na ito.

badoodles: @holy kamote salamat din holy kamote. kelan ka buboto?

14 01 2008
Kotsengkuba

badoodles, ibig sabihin din pa ‘yan na ang official candidates. sila nalang ang pwede iboto at hindi na pwede magnominate ng bago kahit may mag-second the motion? hehehe…

badoodles: @kotseng kuba pwede pa ding bumoto ng ibang blogs na wala pa sa listahan. yun nga lang kumbaga sa karera, naunahan na sila. pero huli man at magaling, nakakahabol din. 😉

14 01 2008
Burniki

Great… I made it to no. 33. Means I’m a STINKIN’ LOSER. Thank you for kicking my self-esteem between the nuts. 😀

badoodles: @tina ur not a stinkin loser. i admire ur wit, and u hev a brand of humor way advanced. hakot lang ng prens.

14 01 2008
Nayr

pre sika ngay anya pwestum.. baka met sika ti na udi..

badoodles: @nayr syak? awan kultit nak. hehe.

14 01 2008
billycoy

wow nasa 19-20 ako, thanks sa mga bumoto… sana madagdagan pa. pero ok lang kahit di ako magkatitulo, ang mahalaga lang naman sa akin dito yung mga raffle prizes. :p

badoodles: @billycoy hindi pa bilang ung boto mo jan. hanggang jan 2 lang sa comment box ko yung nabilang ko. dis gets exciting next update…

14 01 2008
BURAOT

tindi talaga nitong pautot mo badudels, biruin mo.. kung kukunin ko yung totals so far ng syota kong si Inday, 4300 votes dibaydibay 5 (yun ang points nung vote sa 1st) me 860 links ka na kaagad nun. hanggaling!

partida pa yun na medyo malayo math ko nun ha?

badoodles: @buraot shhh… ingay mo… hindi lang links habol ko ah… ano… ehhh…. ahhh… kwan.. hehe, hinde ganito kasi yun. tamad kasi akong maghanap ng mga patawa blogs, gusto ko may isang listahan lang ng humor blogs para madaling magblog hop. convincing ba?

15 01 2008
Calvin

buraot 500 points daw yung 1st pick, pinalitan ni badoods yung scoring (check mo yung important part sa bandang dulo ng post). so mga 8 1st pick tapos isang 3rd pick lang. hehehe.

badoodles: @calvin korek. wala naman itong epekto sa ranking. kung naging sweldo to, tiyak tiba tiba sana tayo. 😉

15 01 2008
paulding

ayy salamat sa mga bumoto sa aken
hende ko alam meron palang papogean sa penoy humor

pasenseya na kayo at sera ang letter “ay” ng akeng keyboard
malegayang bate sa lahat kontestant na mahilig kumontes
BENABATE KO KAYUNG LAHAT!

badoodles: @paulding sige, bateen mo ako… bate!!!… hayzz. magaling ang iyong penoy humor… hindi lang penoy, may kasama pang balut.

16 01 2008
  The Conspiracy Theory and Paranoia Against INDAY, the chambermaid — Chuvaness

[…] and enthralling Badoodles released the fractional reckoning of the much celebrated rencontre of the PHILIPPINES’ TEN CROWNING WHIMSICAL BLOGS.  Multitudes of bloggers, especially the top aspirants, *and although it implicates how trifling […]

16 01 2008
Raymond Lee Quijano

nakanampucha vote ko. wahihihihi

badoodles: @raymond kelangan mong ipost sa blog mo yung 3-5 blogs na gusto mong iboto para ma-acknowledge ang boto mo. see other’s blog entries for comparison

16 01 2008
umleo23

kung gusto ko sumali sa mga ganitong palaro or contest, paano ako sasali!?

okay game next time sali ako!

kaya lang hindi cool ang blog ko. kaya lang ako nag bloblog ay para Print Less! Go Green! ahihihihi

badoodles: @umleo putek, nagliparan nga ung intestine ko sa katatawa sa bidyo blog mo. hayzzz hindi pa ba humor blogs na un?. bumoto ka na!

16 01 2008
Kotsengkuba

pasensya na po, big brother badoodles. napagkatuwaan lang ng malikhain kong kaisipan, pero top grosser ko ang post na’yun so far in this lifetime. hahaha, pati si Inday sinugod ako para mag-reklamo. hahaha.

katuwaan lang ‘to inday, pasensya na kung ikaw ang napagkatuwaan. pwede mo pa naman akong pagkatuwaan e, kumbaga katuwaan lang. hahaha 😀

peace to all, and goodwill to all mankind 😛

badoodles: @kotsengkuba pati si inday? hindi nga? haha, sanga-sanga nga ung ang mga comments dun sa site mo, tawang tawa ako. di nga lang ako nagkokoment dahil gusto kong maglurker mode… pero tawang tawa ako. adik ka talaga pare.

16 01 2008
umleo23

@badoodles: paano ako boboto taena hindi ko alam teka nga aalamin ko!

badoodles: @umleo tignan mo yung ibang sampol entries ng ibang bloggers na bumoto na saka see rules here http://kwentongbarbero.com/project-lafftrip-laffapallooza/

16 01 2008
umleo23

teka boboto ko sarili ko! teka may boboto ba sa akin LOLz malamang wala d naman ako sikat!

badoodles: @umleo kung ako tatanungin mo, dapat iboto mo ung blog mo para madiskubre din ng iba ang iyong brand of humor. go! go!

16 01 2008
aloudcloud

it’s a mad competition! hehe. I now cast my nominees.

badudels: @aloudcloud nice picks. way to go. yan lang ang kaya kong inglisan. heto pa pala ang isa. woot. kung inglis man yan. hindi ko muna bibilangin ang pang-fourth dahil ayon sa rule book, void ang boto pag may tie sa ranking. mahirap ibreyk ang tie lalo pat mahal natin ang blog nila. sabihin mo na lang magbato-bato pik na lang sina coldman at balloon dream. ang manalo siyang tatanggalin sa pwesto. para may twist. ang saya saya.

17 01 2008
Professional Heckler

PLEASE CORRECT THE LINK TO THE BLOG OF “THE PROFESSIONAL HECKLER.”

IT’S now: http://www.professionalheckler.wordpress.com

Salamat.

badoodles: @professionalheckler kaya pala hindi ka nila matagpuan. welcome to wp. made the corrections olredi.

17 01 2008
Professional Heckler

ANG TAMANG LINK PO SA BLOG KO ay

http://www.professionalheckler.wordpress.com

PAKITAMA NAMAN PO!

salamat

badoodles: @professionalheckler wag kang sumigaw. hehe, heto na po. ok na naitama ko na. 😉

18 01 2008
Holy Kamote

pwede n ba bumoto khit wala pa sa legal age? n_n

teka, bkt b sikat si inday?

badoodles: @holy kamote pwedeng bumoto kahit underage saka oberage. pwede din kahit 3 araw pa lang ang edad basta marunong magblog.

nakakaaliw si inday kaya sikat at magaling mag-handle ng career ang kanyang manager.

18 01 2008
loudcloud

badoodles – if that is the case then no matter how i like cofibean’s, siya muna i drop ko. he’s been nominated already and has legion of voters to make up for my missing vote. my new ranking would be 4) coldman and 5) the balloon dream. ok na ba yan? hehe

badoodles: @loudcloud let’s see…uhm…but i needto see your updated post on this before i count it in. tnx bro.

20 01 2008
lunatic_nymph

ei.. check out my blog.. I am voting for theblindrage.blogspot.com…

badoodles: @hi eveangel, u need to vote 3-5 unique blogs,not just tina, so i can count your post as a valid vote. see http://kwentongbarbero.com/project-lafftrip-laffapallooza/ for more details of d rules. thanks.

20 01 2008
Conspiracy Theory | Blog ni Inday!

[…] current foothold on the 2008 Philippines 10 best humor blog contest or what is commonly known as Project Laffapalooza. I heard there’s even a plot engineered to mutilate and pulverize the prevailing household […]

24 01 2008
loudcloud

i hear ya, badoodles! i have updated my nominees rankings. maybe i’d cheat and open phantom blogs to nominate these folks repeatedly. hehe. um, no.

badoodles: @loudcloud got ur new rankings counted. thanks for joining.

8 02 2008
cHeRrY mAe

may itatanong nga pala ako badoodles..

paano kung marami yung blogs ko?! pwede akong bumoto ng bumoto sa bawat blog ko?! pwede ba yun?!

hehe.. kasi meron ako sa blogspot, prendster, multiply, imeem, livejournal, et cetera..

~.^

badoodles @cherry mae di na pwede. bale ung unang vote mo lang ikokonsider kko, ung ginawa mo sa livejournal. tenks. 😉

9 02 2008
klitorika

kuya pwede pa bang sumali dito? ano sa palagay nyo?

badoodles @klitorika pwede, pwede pwede. la la la.

14 02 2008
shemmy grl

can i join….em sure that i enjoy here

badoodles @shemmy syur. why nots.

7 03 2008
cHeRrY mAe

dir badoodles,

may itatanong kasi ako..
paano kung biglang naisipan kunwari nung isang blogista na nominated na i-delete yung blog nya o kaya i-close.. o kaya bigla syang lumipat ng blog hosting?! paano na yun?!

pram,
cheri mey

badoodles: @cherry mey kung lumipat ng blog hosting ok lang, tulad ng nangyari kay professional heckler na mula sa blog-city ay lumipat ng wordpress. continuous lang din ang counting. kung dinelete naman matapos ma-nominate, ok lang din. ang hindi pwede ay yung bumoto ng blog na non-existent. para mo lang ding binoto ulit si fpj for president.

10 03 2008
Chronicles of Kotsengkuba » Spokening Peso » Flying Voters Unite!

[…] lang e ipinalabas na ni pareng badoodles ang kanyang unang tally ng bilangan para sa kanyang Project Lafftrip Laffapallooza (na ang hirap palang i-sulat kaya […]

12 03 2008
Reklamador

masasabi ko lang sa mga di pa bumuboto sakin, “Ampapangit ng mga taste nyo. Wala kayong taste bud. Lalong lalo na ng puso”.

badoodles: @reklamador haha! daanin na sa pwersahan, gamitin ang political machinery at magbigay ng leaflets sa kahabaan ng mrt. kung ayaw kang iboto kasahan mo ng armalite, pompyangin ang ulo ala fpj and when worse comes to worse, magdeklara ng martial law sa pinas at pwersahin ang mga bloggers na bumoto kung ayaw matanggalan ng kuko. 😉

16 04 2008
Neurotically Speaking » Make Boto Me

[…] Junk in the Trunk contest… ay wait… iba palang contest yun… It’s the Top 10 PinakaDaBest na Humor Blogs ng Pilipinas. Yeah, the title pretty much sez it all, no? Actually, I thought this contest was over and done […]

30 01 2009
» Blog Archive » Cachupoy Blogs Unite!

[…] mga nasa Top 20 (Twenty lang, handami eh). Para sa kabuuang listahan ng countdown, pasyal ka lang dito. Oo dyan.. Yung di pa nakakaboto, oi bumoto na kayo, at mapag-iiwanan kayo, ei kami […]

badoodles: @buraot ngayon lang dumating tong pingback. hoy 2009 na! haha

22 07 2011
Flying Voters Unite! | Chronicles of Kotsengkuba

[…] lang e ipinalabas na ni pareng badoodles ang kanyang unang tally ng bilangan para sa kanyang Project Lafftrip Laffapallooza (na ang hirap palang i-sulat kaya […]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: