Random Kindness

16 01 2008

 Kelangang pumasok ng maaga sa opis.  Tapos na ang mahabang breyk kaya rush hour na naman ‘to na walang katapusan.  Maaga pa lang pero punuan na ang mga bus papasok.  Buti na lang may naupuan pa rin.ako.  Em jas beri lucky today.  Kaso sa may bandang Susana Heights , may humabol na sumakay.  Nagmamadali si lola.  Isa-isang tumingin sa mga pasahero si lola, naghahanap ng mauupuan.  Walang gumagalaw.  Ngayon ko lang na-realize, yari pala sa bato ang betlogs ng mga taga-Maynila.  Wala talagang may gustong tumayo at magbigay ng upuan.  Tangena, mukang pangatlong araw ko na ‘tong bibinggo sa pagbibigay ng upuan.  Hindi muna ako gumalaw, naghihintay kung sino ang ma-touch move. 

Nung Lunes, may sumakay na tatay na nakasaklay kasama ang anak, binigay ko na ‘yung upuan ko dahil nahihirapan akong tignan ‘yung itsura ng tatay na akay-akay ang anak, nakatayo, at may mga nakatusok na mga bakal sa paa na kasinhaba ng antenna.  At dahil good boy ako nung araw na ‘yun, hindi ko na rin tinanong kung kaya bang makasagap ng tv reception ‘yung antenna nya sa paa.   

Martes, pauwi na ako sakay pa rin ng bus, may mag-asawa namang sumakay.  Dahil punuan na, sa sahig sila naupo malapit sa driver.  Lasing ‘yung lalake at nagpupumilit bumaba.  Kung anu-anong sinasabi.  ‘E kung gustong ibangga ‘to ng driver, pati tayo patay’.  Wow. Frustrated madam auring ata si manong, nangengealam sa gustong gawin ng driver.  At dahil naiistorbo ako sa aking seryosong pangungulangot, nilapitan ko ang mag-asawa at tinanong kung gusto nila ‘yung upuan ko.  Hindi ako mabait.  Gusto ko lang makakita ng dalawang senior citizen na nagkakandungan sa bus.  At nangyari nga ang gusto kong mangyari.  Ang erotic pala nila. 

Miyerkules.  Ngayon.  Duduling-duling pa ‘yung mata ko sa magdamagang panonood ng korean porno kagabi at di pa nakakarekober ng husto.  [Nadiskubre kong sagrado pala ang bulbol ng mga Koreana at Haponesa kaya hindi nila ito tini-trim.  Buti na lang pala at hindi ganun ang pananaw nating mga Pinoy.  Kung nagkataon, malamang pinaparada natin ang mga sagradong bulbol sa araw ng kapistahan habang pinupunas-punasan ng puting panyo ng mga deboto.]  Punuan pa rin ang bus.  At sumakay nga si lola. Nasa bandang looban ako kaya safe, sa isip ko.  Padedma epeks na lang  akong tumingin sa bintana.  Hayzz, ang ganda ng tanawin.  At anlambot ng upuan.  Dalawang oras akong makakatulog nito at mag-iimagine ng kung anu-ano.  Maya-maya, hindi pa nakakalayo nang pumara si lola.  Hindi yata kaya mag-standing position kaya bababa na lang daw.  Taragis talaga ‘tong mga kasabayan kong city boys.  Wala man lang nagbigay ng upuan.  Hindi pala bato ang betlogs ng mga taga-Maynila.  Yari ito sa adobe, at ang kaliwang betlog naman ay yari sa bakal.  Dahil nga hindi ko naman maatim na bumaba si lola, binigay ko kay lola ang aking ‘precious’ na upuan at bubulong-bulong na tumayo. ‘Papa Jesus, utang mo ‘to sa akin ah, sana may gumanti din ng kabutihan sa lola ko kung asan man siya ngayon’.       

Dalawang oras akong nakabitin sa estribo. Patulog-tulog habang humahampas ang katawan sa north-east- west-south na direksiyon.  Buti na lang hindi umariba ‘yung ‘morning sickness’ ko, ‘yung bigla na lang titigas ang etits lalo na pag malamig ang paligid.   Scandalous.  Nangyari sa akin ‘yun last week kaya nakaupo lang ako sa bus hanggang lumampas ako sa aking destinasyon.  Kinausap ko muna ng masinsinan ang aking potoytoy at sinabihang, ‘Huminahon ka.  Wag kang padalos-dalos sa iyong nararamdaman.  Infatuation lang ‘yan!’. Kailangan kasi ng diplomasiya dito.  Hindi ito nadadaan sa pagpitik dahil lalong lumalaki.  At sa mga katutulad kong nakakaranas ng ganito, malaking tulong ang palagiang pagdadala ng bag para pantakip sa harapan.  Oo, ang backpack ay dapat ginagawang frontpack.   

Isang tapik sa balikat ang gumising sa kin.  ‘Lord ikaw ba yan’, automatic na sagot ko.  Si lola pala, pababa na sa bandang Guadalupe.  ‘Anak, salamat ha’.  May kasamang ngiting nagsasabi ng ‘Yowr my hero talaga’.  ‘Okay lang po ‘yun’.  Nakakatanggal talaga ng ngalay ang simpleng pasalamat.  Dahil malapit na, hindi na rin ako umupo.  Tumayo na lang malapit sa driver na nagtatanong.  ‘Bos, san ka ba?’.  Tinuro ko ‘yung malapit sa tabi ng nagtitinda ng mani, ‘Dun sa tabi’.  Alam kong hindi nagbababa dun ang mga bus, sa kabila pa ang babaan mga isang kilometro tapos nilalakad ko na lang pabalik.  E tinanong nung driver, sinagot ko lang.  Kaya nagtaka ako ng binaba ako sa saktong lugar.  ‘Sige na bos, okay lang ‘yun, para sulit naman ‘yung pagtayo mo ng matagal’, natatawang sabi ng driver.  Natawa na din ako.  ‘Sige salamat din’.   Hehe.  Naisip ko, hindi ko pala kailangang gumawa ng isang higanteng kabutihan para maging perpekto ang galaw ng mundo. Mali ‘yung iniisip ko na walang nakakakita sa ginagawang kabutihan ng tao.  Hindi lang ‘yung nasa taas ang nakakakita, pati ‘yung mga nasa paligid mo, north-east- west-south na direksiyon.  Na-realize ko, madaling makahawa ang isang simpleng kabutihan.  Baka nga sa ginawa mo o gagawin mo ay naka-inspire ka pa ng iba.  Hayyzz, it’s a good day today.    

Advertisements

Mga Tugon

Information

66 responses

16 01 2008
linglingbells

masarap talaga sa pakiramdam ang makagawa ng kabutihan sa kapwa.. 🙂 buti ka pa, nagpapaupo, yung ibang lalaki, grabe! di man lang tinatablan ng konsensya.. hehe

badoodles: @linglingbells premium specie kasi ako [haha, kapal]. ng dinosaur. hehe, ewan, naging involuntary muscle na yata ung pwet ko na biglang napapatayo pag may matandang nangangailangan ng upuan.

16 01 2008
gasti

nakikiramay ako sa pagtirik ng pututuy mo..ngyayari rin sakin yan madalas..mahirap talagang maging trainer ng pututuy..sobrang pasaway.
at yang mga koreana haponesa na yan..grabe talaga. mahirap ng idetalye pa dito. lols basta kung baga sa gubat, masukal na masukal talaga.

ipagpatuloy mo lang ang mga ginagawa mong kabutihan sa ibang tao. may nakakakita sayo. next time lakasan mo boses mo yung tipong papara na kapag magpapaupo ka ng matanda o babae.

badoodles: @gasti sobrang masukal, iniisip ko nga baka dun galing ang salitang ‘virgin forest’. pwede na ngang tumira ang isang koponan ng lamok dun sa kapal. hayyzz [kamot ulo] yoko ng ikwento.

16 01 2008
umleo23

now that is the right mind set!
Nice blog, very inspiring ‘tol! ung last section…

Pero mukhang parehas tau ng problem, ako rin madalas nagpupumiglas pototoy ko tuwing umaga sa opis sa ginaw! Ang ginagawa ko itinatago ko sa ilalim ng desk ko para hindi mahalata! Onr tymna pansin nung iba kong officemate sabi sa akin, “mag wash room ka muna kaya”! kahiya!

badoodles: @umleo pre, katukin mo nga yang desk mo. baka butas butas na yan. iniisip ko baka yun ang paraan ni papa jesus para parusahan tayong mga pilyo.

16 01 2008
rofel

“Act of Random Kindness to Change the World” -God in Evan’s Almighty
Naku… sa MRT halos araw-araw ganyan ang eksena. Mga binatilyo na mabibigat ang betlogs, may patulog-tulog epek pa. Ako nasanay na ko na di umupo sa MRT, 20-25 mins lang naman ang titiisin ko sa pagtayo, kesa naman sa masumpa ng mga matatandang ermitanyo na nakatayo… Mahirap na! 😀
-Cheers!

badudels: @rofel sa mrt di ko pa natikman kung pano umupo, laging siksikan. sana ma-experience ko din kung pano umupo, pagod na akong nakatayo sa mrt, palaging nilalamas ng mga tsiks ang pwet ko.

16 01 2008
Nayr

hahaha 😀 pare kaya ka pala di nagpapakita sa amin ni pareng nap kasi bz ka dyan sa koreana haponesa na DVD na yan pssst (pahiram mo ko ha)

good boy ka talaga pare, saan ka pa ba magmamana edi sa amin lng hahaha 😀 (joke) yung tungkol naman sa masarap sa pakiramdam ang nakakatulong tama ka.. ako nga araw araw may nag papa-thank you (lam mo na support tao ngaun e hehehe kaso ako binabayaran).. dalaw ka naman minsan sa amin or kami dadalaw sau txt mo si nap ok..

badudels: @nayr syempre naman mana ako sa inyo mga pare. hehe. putek, hantagal ko nang di nakakabisita jan. yaan nyo, yayanigin ko ang taguig pag punta ko dyan. sabihin mo kay pareng nap, ihanda na nya ung paborito kong pulutan haha.

16 01 2008
Choji

naks ang bait Idul na kita!!!
pero sana next time mag dala ka ng martilyo pra mabasag yung mga betlog nila na ayaw mag pa upo ng erderly!

badudels: @choji hehe. choice naman nila yun, ala akong magagawa dun. swerte ko lang siguro dahil lightweight division lang ang betlogs ko

16 01 2008
mcrey

Wow ang bait ni Kuya ah…

Hahaha… nangyayari sa akin yan lagi… pero binibigay ko lang yung upuan ko kapag nameet nila yung requirements ko.

Una: Dapat maganda… para worth it naman yung pagtayo mo kasi may inspirasyon ka.

Pangalawa: Senior Citizen ka na. Deym, ako nga nananakit ang mga paa matatanda pa kaya?

Pangatlo: May karamdaman ka…

Pero minsan nakakahiya rin magbigay na upuan, kasi minsan nararamdaman ko, sa tuwing pinagtitinginan ako ng mga tao dahil sa ginawa ko eh sinasabi nilang “Tangna nito, plastik…amf”… hahaha…

Ang bait bait bait mo kuya badoodles! Baka next time na magkita kayo ni lola eh magtransform na siya bilang fairy at bibigyan ka niya ng kalahating sports car.

badudels: @mcrey pareho tau ng requirements. pero ung sa tsik, pag nakikita kong natatsansingan na sa pagkakatayo, saka ko lang ino-offer ung upuan ko. ganun siguro talaga kasi marami akong kapatid na babae..

16 01 2008
MARU

Lech! tats naman ako. at dahil sa good boy ka pareng badoods, sa pasko give kita ng bagong backfuck. like mo?

16 01 2008
koreanmine

humayo ka at paramihin ang lahi mo 😀

badudels: @koreanmine oo nga. eto gumagawa na ;).

16 01 2008
lolz

wala lang…hmm…drop by lang

badudels: @lolz yaan mo pag uwi ko, idadaan ko dyan sa inyo ung mga pics natin sa kasal ko. 😉

16 01 2008
gladita

yan ang promdi! buhay pa rin ang chivalry. naturuan ka at napalaki ng tama ng nanay mo kaya’t congratulations sa kanya. pasensya na sa mga city boys natin dyan ha. mga laking promdi kasi mga gentlemen. peace!

badudels: @gladita haha! gulo ‘to gulo. pag may bayolenteng reaction, habulin nyo si gladita. hayun,dali…tumatakbo haha! at one point, totoo, big deal kasi sa atin yung pagbibigay ng upuan sa nakakatanda

16 01 2008
Kotsengkuba

langya ka badoods, puro kabutihang asal ang natututunan ko sa’yo. hahaha.

ako pag matanda o yung mga may dalang bata hindi talaga ko nakakatiis. kahit minsan e ikaw na nga ang kauna-unahang sumakay sa bus ikaw pa ang kailangang magparaya dahil yung iba e kahit tahong talaga ang makabilang pisngi ng pwet sa upuan.

pero misan may babae, tinatantya ko pa bago ko paupuin. minsan kase may mangilan-ngilan (hindi lahat, peksman) dinadaan sa pagiging babae ang pakikipagkumpetensya sa upuan. yung iba kase porke’t babae hindi na nag-eexert ng effort, tapos sisigaw ng equal rights. nagnangkamote. minsan naman pag nag-effort kang magbigay ng upuan e tatanggihan ka (siguro napangitan) ikaw pa ang mapapahiya.

kaya ako, stick to kids and oldies nalang ang pagiging kabalyero. hahaha, sexist?

badudels: @kotsengkuba oo, yan ang side epeks ng kakatelebabad nung panahon ng batibot nagiging mapagparaya. ako din hindi naman basta nagpapaupo ng chik, dahil kung minsan natatanso ako. hindi pala babae. may boobs pero mas malaki pa ang adams apol sa akin.

16 01 2008
karen

nakakahawa rin ang kabutihan talaga…kung anong binigay mo sa mundo, un din ang babalik sayo.

nakakatuwa talaga ang mga pototoy na may sariling utak noh?! 😛

badudels: @karen tama ka babalik din kung anong binigay mo. kaya di ako nagreregalo ng ataul. matalino talaga kami. dalawa ang utak namin.;)

16 01 2008
Calvin

ganun talaga mga pototoy. kaya ako bihira ako mag longsleeves sa office kasi kelangan naka tuck in. polo barong na lang suot ko para di masyadong obvious, pero minsan halata pa rin talaga. yaan mo pareng badoods, pag nasa 60 years old ka na mapapagod din yang pototoy sa kakatayo.

badudels: @calvin hehe. tama ka dyan. minsan nagtaka si misis bakit ginagamit ko pa din ung barong ko kahit kupas na. hindi ko masabi kay misis ang dahilan. marahil alam na nya ngayon

16 01 2008
lilmiz

mabuti na lang at may mga tao pang katulad mo kuya 🙂 kunwari ka pang di ka mabaet ahehe

badudels: @lilmiz may mood swings ang kabaitan ko. kung minsan may schedule. kung minsan, depende sa sikat ng araw. kung minsan depende sa hugis ng buwan.

16 01 2008
mr_d

badoodles, salamat at may taong katulad mo. Kung hindi pa dahil sa iyo hindi ko pa malalaman na sagrado pala ang bulbol ng mga haponesa.

ngayon alam ko na…

badudels: @mrd kaya mula ngayon, sa tuwing nanonood tayo ng mga haponesang nudist, dapat tayong magwagayway ng puting panyo at sumigaw ng ‘hwaw, aleluya’.

17 01 2008
jhia

wow bait^^

naku avid reader ako ng web blog mu, pero nasusurprise parin ako! haha
keep it up! 🙂

badoodles: @jhia naku, namula tuloy itlog ko. ganun kasi ako magblush. pasensiya ka na. ako din, tagal ko nang nagpo-post dito, pag binasa ko ulit, nasusurprise pa rin ako. 😉

17 01 2008
maylette

Wow! Ang bait mo naman. Sana lahat ng lalaki tulad mo. Hehe.
Ako rin, kahit babae ako(haha! nga ba?), pinapaupo ko ung feeling ko
eh mas dapat na nakaupo tulad nga ng mga lola. Bata pa naman ako. Hind ko pa kelangan ng arthro. Carry ko pa ang tumayo sa bus. Anyways, God bless sa ‘yo. Ipagpatuloy ang paghahasik ng kabutihan. Hehe. 🙂

badoodles: @maylette salamat sa God bless. tenk yu kay God, God bless din sa kanya.

17 01 2008
Raymond Lee Quijano

tangena… lagyan mo ng glue next time yung mga lalakweng hindi tatayo. para matanggalan ng betlog at maging libre yung sex-change nila. pwe! (kudos to you!)

badoodles: @raymond hayaan mong kulitin ulit kita, kelan ka boboto sa aming projek-projekang lafftrip laffapalooza. boto na!

17 01 2008
dyah

isang thank you lang talaga ang kailangan, tanggal agad ang ngawit ng tuhod mo, kahit ilang oras pa un. masarap sa pakiramdam ang nakakatulong ka kahit papaano sa kapwa mo. sa araw araw na sinasakay ko din sa bus, kahit papaano naman, araw araw din naman akong nakakakita (kahit isa) na nagbibigay ng kanilang upuan sa mga mas nangangailangan……

asteeg, idol…..

badoodles: @dyah baka ung isang yun e ako lang din yun. hehe. joke lang. ako din may nakikitang kapareho kong specie – league of poging gentlemen o LPG. malapit na kaming bumuo ng party list para sa nalalapit na eleksyon. iboto LPG party!

17 01 2008
shayleigh

yehey!!! CHEERS Badoodles, kung nakaikwentro kita sa bus maaalala kita, bilang unang-unang lalaking nagbigay ng upuan. Though, bihira naman kasi ako magbyahe pa-makati eh.. noon lang nag-ayos ako ng papel. Pero nung nag-re-review ako sa CRC, papuntang Lawton or pauwi, gawain ko ding ibigay ang upuan ko sa nakatatanda… ano man hitsura nun… Sa mga nanay na may dalang bata, kinakalong ko na lang ung anak nila… afford naman silang tumayo eh, unless baby ang dala nila… 😀 Pero the best kong naranasan jan, ung may lalakeng tumayo sa bus na sinasakyan ko, mali pala siya ng tayo kasi malayo pa ang bababaan niya, tapos binalikan ang upuan niya na inokupa ko na para sabihin sa aking siya ang nakaupo dun. My Goodness, kaka-praning un, lalaki pa man din.

About sa inyong pototoy… umaga lang ba naghihimagsik yan? Naranasan ko kasi minsang pauwi ako, ung mamang nakatayo sa tabi ko, naka!!! biglang nag flag ceremony… ang masaklap nito, parang enjoy na enjoy siyang ipagdunggulan sa braso ko… Oh.. $#!^_!!! gustong gusto ko ng sikuhin, kaya lang di ko carry mag eskandalo or whatever… siniksik ko na lang ung katabi ko, buti na lang babae… haaay!!!

Wala lang, na-share ko lang…

Love ko talaga itong blog mo… ipinapakita kasi ang values na dapat taglayin ng isang tao… tapos napapasaya mo ako bilang mambabasa sa paraan ng iyong pagsusulat. KAMPAI!!! 😀

badoodles: @shay my gudness talaga. swerte ng lalaking yan at di ako mambabatas dahil kung nagkataon, gagawin kong krimen ang paglalaro ng ‘trip to jerusalem’ sa loob ng bus.

17 01 2008
tukmol

“Naisip ko, hindi ko pala kailangang gumawa ng isang higanteng kabutihan para maging perpekto ang galaw ng mundo. Mali ‘yung iniisip ko na walang nakakakita sa ginagawang kabutihan ng tao. Hindi lang ‘yung nasa taas ang nakakakita, pati ‘yung mga nasa paligid mo, north-east- west-south na direksiyon. Na-realize ko, madaling makahawa ang isang simpleng kabutihan. Baka nga sa ginawa mo o gagawin mo ay naka-inspire ka pa ng iba. ” — Badoodles

Ayan, isa na yan sa mga classic quotable quotes ko

badoodles: @tukmol lam mo naman tayo – living our core values.

17 01 2008
watusiboy

medyo tricky yang mga unwanted erections na yan. lalo mong pinapabehave, parang lalong nagagalit. reverse psychology yata ang kailangan.

badoodles: @watusiboy mukang mas matigas ang ulo natin sa baba. ayaw sumunod. kaya siguro may mga nagiging reypis dahil hindi nila kayang pasunurin ang ulo nila sa baba. hayzzz

17 01 2008
tm

ang bait mo nmn kuya sana dumami pa ang katulad mo
avid reader poe ako ng blog nio

badoodles: @tm ten chu. pansin ko, mas maraming tumatambay dito na non-bloggers kesa bloggers. das dat mean pede na kong tumakbong congressman.

17 01 2008
coldman

naalala ko tuloy yung pelikulang pay it forward sa kwento mo.

ang mga mabubuting tao, pinagpapala. =)

badoodles: @coldman tumpak. ang mabubuting tao, na katulad natin[hehe with emphasis] pinagpala, ung hinde mabait pinapala

17 01 2008
dimaks

dito sa bayan ng mga sakang, este hapon, offensive ang magbigay courtesy sa mga matatanda, in particular sa loob ng isang public transportation. ewan ko kung bakit, pero sinubukan kong gawin minsan, pinagsabihan ako nun kaibigan kong hapon na offensive nga daw. pride siguro hehe. mas gugustuhin pa nilang mamilipit sa estribo 😀

nun una, kala ko naman simbigat ng mount fuji ang yag-ba ng mga japs.. jowk!!!

badoodles: @dimaks malamang culture shock pala tau jan. buti sinabi mo, para pagpunta ko dyan sa japan, mag-oofer ako ng upuan sa matanda. haha, pang asar.

17 01 2008
lex22

@badoodles,
Wow naman. ikaw dapat ang ginagaya ng mga kabataan ngayon.LOL. tama ka, hindi lang si God ang nakakakita ng good deeds. pati rin ang mga pipol. keep it up.hehe

badoodles: @lex hindi ako pwedeng maging role model. tigas titi kasi ako. imperpek specie padin kumbaga.

17 01 2008
ellieshe

bait tlga ng kuya koh…nawa ay pagpalain ka pa ni Lord..hehe ..bilib tlaga ako sa mga taong ganyan..keep it up manong!

badoodles: @ellieshe minsan ayoko na ngang gawin. ako, ako, lagi na lang ako. nagmumukha na tuloy akong abnormal. hehe jok lang. i will do it with a big smile ng paulit ulit.

17 01 2008
ace

ginawa ko dito sa Japan yan. Umayaw ang senior citizen na lola. Dapat daw lalaki ang uupo at hapi na sila. Iba talaga ang sagrado sa Hapon. Di lang sa kapalan ng forest nila.

badoodles: @ace hindi pala tau in sa abroad. dapat pala dyan tinatapon ung ayaw magbigay ng upuan.

17 01 2008
Akino

wow bait mo bro! unlike me…sa mrt pag-upo q magtutulog-tulugan agad a q…pero if dual citizen na (pilipino citizen and senior citizen na) eh gumagana pa nmn din ramdom kindness q..lalo malapit na if malapit na a q bumaba..hehehe 😀

badoodles: @akino aha! kaw pala ung tinatawag na ‘mahirap gisingin ang dating gising’. kaw din pare ko,pag naging engkantada ung pinauupo mo di ka bibigyan ng 3 wishes. sayang. 😉

17 01 2008
Noime

buti na lang at girlaloo ako, walang tatayo sakin. haha/. LOL.

ambaet mo kuya. sana dumami kayong ganyan. napansin ko kasi, konti na lang mga gentleman dito sa mundo. hahaha. 😉

badoodles: @noime merong tatayo sa ‘yo, ung buhok mo sa bumbunan.;) kaya nga magtatayo ako ng party list representative para sa tulad naming marginalized sector – ang lpg party o league of pogi gentlemen. 😉

18 01 2008
tita

galing mo badods.idol kita.

badoodles: @tita sige idol din kita. idol mo ko idol din kita, idol mo ko, idol din kita, idol mo ko, idol din kita….

18 01 2008
phot

waw,mr badoodles sana minsan magkasalubong tayo sa tabi tabi. :))
haha.. ingat po! nga pala salamat dun sa advice! 😀

badoodles: @phot sige one time sana magsalubong ang ating landas. at pag nangyari yown, bibigyan kita ng usong-uso ngayong mcmoney ng mcdonalds – ang perang di tinatanggap ng bangko sentral ng pilipinas pero sabi ng mcdo ay pera daw.

18 01 2008
gerrycho

kaya gustong gusto ko yung concept ng pay it forward eh 😀 hay… and you’ll still get to believe that the world can be a better place…

naalala ko tuloy yung evan almighty
ARK — act of random kindness nga!

badoodles: @gerrycho tama yan, pay it forward saka act of random kindness – parang multilevel networking lang pero hindi scam. 😉

18 01 2008
kingdaddyrich

noong isang araw galing akong cavite at pauwi ng manila. standing ovation na rin sa bus. pero may bumba.. yung isang lalaki kumaripas ng lakad sa nabakanteng upuan, akala niya siguro aagawan ko siya..

tapos may nabakante na naman, may katabi ako sa pagtayo na hindi naman ganong katandaan pero higit na may edad sa akin. ipinaubaya ko na lang sa kanya ang upuan para masaya.. wala lang..

masarap sa pakiramdam na may good deed kang nagagwa… hindi ba? yung bukal sa kalooban at hindi napipilitan.

badoodles: @kingdaddy oo, kakaiba ang pakiramdam pag nakatulong. nakaka-high. para kang naka-marijuana sa legal na paraan. sige pare, hitit buga mo pa. haha!

19 01 2008
Kotsengkuba

oist, anong pakiramdam nang ganito na ang mga linya? hehehe 😀

“hindi ko masabi kay misis ang dahilan”

badoodles: @kotsengkuba wala gusto ko lang subukang sumagot ng, ‘no comens’. hehe, syempre masarap pag may nababanggit ka ng misis. haylabit.

19 01 2008
Shayleigh

heheeh!! pede bang putulin na lang? ung nagti-‘trip to jerusalem’ na sabi mo…
pati na din ung makapal ang mukhang naglalaro mismo kapag konti nmn ang pasahero tapos may babaeng katabi or tanaw buhat sa dulong kinauupuan…

badoodles: @shayleigh putulin ang etits? sige itaga mo ‘to [awts, nataga yata ako], pag naging kongresista ako, ipapaputol ko ang etits ng mga pilyong pasahero sa bus. isusugba sa uling ang kanilang betlogs at ipapakain din sa kanila.

19 01 2008
Geisha

wow naman.. nakakarimarim..chozzz
napaka noble naman ng iyong deed!

I have something for you http://jgsmart.wordpress.com/2008/01/19/its-a-boy-thing/#more-218

badoodles: @geisha o! its a tag. ayaw kong makipaglaro ng tag-tagan. gusto ko tumbang preso saka langit-lupa-impyerno.

19 01 2008
Maldito

Badoodles for president!!yeba!!ahehhee..sa maliit na pasasalamat talagang nakakapaganda ng feeling yan…kaya sa mga tao, dapat magpasalamat lang sila sa mga taong gumagawa ng mabuti sa kanila…bow….

hirap nga yang situasyun na nakatayu at makuli si putoytoy….ahehhee….kaya lagi ako sa washroom…joke

badoodles: @maldito dapat talaga masinsinang pag-uusap jan para tumino. kung mapatino mo. human nature na talaga ang mag-desisyon ang etits sa sarili nya. basta wag lang kalimutan – sa anumang butas na pinapasok dapat redi sa consequences. asus.

19 01 2008
jp

Sisihin niyo si Bob Ong kung bakit nawala ang chivalry sa Pinas. Sa kanya ko unang nabasa na bakit siya magbibigay ng upuan sa babae e sila nga itong humihingi ng equal rights. E di makitayo rin sila tulad ng iba. Equal nga e.

At may punto siya…

Pero I draw the line pag senior citizen/handicapped na. Pero minsan hirap itantya. Isang beses may inalok ako na 40+ na manang umupo sa pwesto ko sa MRT. Tumanggi. Labo nga e. Hehehe…

Speaking of, meron na bang lalaking naglakas ng loob na nakasakay sa women’s cart ng LRT1/MRT3? I was this ( ) close of doing it.

Pano naman kasi may kasama akong girl. Night shift. Antok na. Sinamahan ko paguwi. Sabi niya sa women’s cart daw kami sumakay para sure ball na may upuan. Nagdetour kami na Ayala-Taft-North Avenue kaya yung third cart naging first cart. Maya-maya biglang daan si manong guard. Hindi ko alam kung ano reaksyon ko kung sasabihin ko, “Kasama ko. Tulog.” o di iiwan ko kasama ko. Hehehe…

Out of panic, ginising ko na lang yung kaibigan ko. Pero ito weird. Nung palipat na kami sa kabilang tren, may nadaanan ako na lalaki na may karga-kargang bata na nasa women’s cart. Kung ganon lang pala ang kalakaran e magdadala din ako ng bata sa susunod. Pati din nanay dadalhin ko. Hehehe…

Sa Japanese porn naman, pansin mo hindi mo na makita ang pototoy ng mga Hapon dahil sa sobrang microscopic? Tsaka, pansinin mo minsan blurred pa yan pag kino-close up. Hehehe…

At kelangan backfuck talaga ang iregalo sayo sa Pasko. Nyahaha!

At don sa standing pototoy, pansin ko rin nagkaka-morning wood ka pag papunta ka na sa REM stage. Hindi lang pala siya sa pagising nagaganap.

badoodles: @jp naku-curious din akong pumunta dun sa womens cart. kaylangan ko munang magpraktis sa salamin nung hitsurang painosente. kung hindi kayanin, ung itsurang baldado na may tubo na nakatusok sa lalamunan.

iniisip ko kaya binu-blur ung japanese porn dahil masukal ang kagubatan, kelangang idaan sa pagpipixelate ng bajayna para presentabol pa din ang itsura. kumbaga sa pagkain e fine dining pa din.

ibig sabihin pwede pala akong ma-rape kapag nasa REM mode ako. maygudnes.

makulit talaga yang si maru. hehe. pero ‘no touch zone’ ang pwet ko. may imbisibol force field dun na kapag sinubukang hawakan ay maglalabas ng masangsang na amoy bilang defense mechanism.

19 01 2008
beer-O

@badoodles,
Okay lang yon. siguro marami naman sa mga kabataan ang “may morning sickness” gaya mo.hehe. Natural lang naman sa tao ‘yon.LOL.

badoodles: @beer-O mahirap lang kasi mas matigas ang kukote ng ulo sa baba kesa sa taas. ayaw talga sumunod paminsan-minsan.

19 01 2008
joice

wow bait bait..

badoodles: @joice ako bait bait. ako takot asawa. ako bait bait.

20 01 2008
ElectronicsLabdotPH

heheheh this is so funny

badoodles: @electronicslabdotph yes its so funny. wow may forum na pala para sa mga ECEs. ay laykit.

20 01 2008
krisjasper

ang haba ng post mo.. eto lang yung naalala ko..

“Nadiskubre kong sagrado pala ang bulbol ng mga Koreana at Haponesa kaya hindi nila ito tini-trim. Buti na lang pala at hindi ganun ang pananaw nating mga Pinoy. Kung nagkataon, malamang pinaparada natin ang mga sagradong bulbol sa araw ng kapistahan habang pinupunas-punasan ng puting panyo ng mga deboto.”

LOLz.

badoodles: @krisjasper ang totoo nyan, yan lang talaga ang gusto kong sabihin. all da rest ay purong pasakalye lang. tama ka, nakuha mo ang gist ng aking kwento. hehe

21 01 2008
yiN

naligaw ako, wala lang. naligaw lang talaga. astig.

badoodles: @yiN hindi ka naligaw pare. ito talaga ang tamang daan tungo sa kaligtasan.

21 01 2008
kotsengkuba

Badoodles!!! For the first time in the history of the Universe. Nakapasok ako sa site mo without proxies, woohoo!!! Magpapaparty ako nito (este, tapos na pala kahapon) 😀

badoodles: @kotsengkuba kelangan nating icelebrate yan. yahoo!!! yehey!!! google!!! pers taym ko ding makita na magreflect ang avatar mong kalahati lang ang mukha. yan ba ung tinatawag na better half? hehe, kahayup-hayupang corny ko.

anong meron kahapon? bertdey b? hapi bertdey.

22 01 2008
camilleeee

payb handred petot para sa iyo kuya! 😉

danda ng simula ng araw mo kuya, ‘good deed’ agad. at nahawa mo pa si manong drayber, binaba ka kahit di pa yun ang babaan ng bus.

kamusta na nga pla yung bunso mong kapatid..hehe ala lang.. naalala ko lng. swerte nya, may kapatid syang kagaya mo (na nde yari sa adobe’t bakal 😉 )

…. pero…..

…… nde talaga tinitrim yun ha… (sipol….. sipol ulet….. )

badoodles: @camilleeeee ok naman si bunso. hirap sa pag-aaral pero alam nya din ung hirap kong pag-aralin siya kaya i know she’s doing her best. na-tats nga ako dun sa text nya sakin nung isang araw. ise-save ko un sa archive box forever. hehe 😉

23 01 2008
etzhel

Sabi ko na nga ba, minsan maganda ding maligaw ng landas LOL!
wetugo kapatid u made me chuckle, weird mental picture though wink wink

badoodles: @etzhel bad u. iniimajin moko [asa]. joke lang hehe. heartwarming din ung mga post mo lalo na dun sa peyborit mong pedicab.

24 01 2008
Ako

Ayos blog mo, ang kulit!!hehehe…

badoodles: @ikaw damihan mo naman ung post mo sa blog mo, gang ngayon iisa pa din. hehe

24 01 2008
kimmys

gOoDjOb! :p

badoodles: @kimmys yeheyy! wala ba akong drawing na star sa kamay for a good job?

24 01 2008
beer-O

@badoodles,
hehe. may point ka don. minsan kasi nagcocontradict talaga ang utak at katawan. kahit na anong kontrol mo sa utak eh natatalo pa rin ng kiliti ng katawan.LOL. so what happens is that we tend to follow what is right and enjoyable.hahaha!

badoodles: @beer-O pinaniwala tayo sa mga pantaserye ng shaider at zaido na sa huli ay kabutihan ang mananaig. sa totoong buhay, nakakapuntos din ang kasamaan at kalibugan. at tama ka, masarap e.

24 01 2008
Dubai Kerida

na touch ako sa kwento mong ito…..very heartwarming pero funny/naughtypa rin!! panalo….na aadik na ako sa pag bblog hopping, at isa ka sa mga addiction ko…keep it up!!!!

badoodles: @dubai kerida curious lang po. bakit dubai kerida? kerida ka ng buong dubai? milyones kaya population nun. lagot. hwag kang mag-alala, pati ako naaadik din dito. ang kukulit ng mga tao.

26 01 2008
Akino

engkantada pla ha…wag nlng bro…kc ang alam kung engkatada ngayon eh mas malaki pa ang kaha sa akin kya lng malambot ang balakang…charotz….hehehe

badoodles: @akino haha. dun ka matakot. tipong kaya kang ibalibag at reypin sa madilim na kalye na wala kang kalaban laban.

28 01 2008
beer-O

@badoodles,
may tama ka na naman 😆 agree ako na di laging kabutihan ang nananaig. mas okay siguro kung may konting twist ang kwento para naman mabreak ang convention 😎

badudels: @debil’s advocate este beer-O sabagay aping-api na rin ung mga kontrabida dahil sa mga movies lagi silang talunan sa huli.

29 01 2008
beer-O

haha. gawin ba akong debil’s advocate. 😎 kaya nga. konti nga lang ang napanood kong movies na namatay ang bida. halos lahat kasi ng story sa mainstream movies eh halos pare-pareho. 😆

badoodles: @beer o pag ako naging direktor, papatayin ko yung bida. talagang papatayin ko. tatadtarin ko ng gulok kung di maiyak ung audience. haha!

1 02 2008
beer-O

hehe 😆 sana nga maging direktor ka. i’ll be one of the moviegoers na susugod sa premiere night. ahehe 😆 sigurado kasi ako na patok sa takilya yon.hehe. on second thought, parang ayoko. baka kasi bumaha ng luha sa sinehan. waaaahhhh…:lol:

badoodles : @beer O pang comedy lang ako. oo luluha ka sa katatawa

2 02 2008
beer-O

hehe. 😆 agree ako jan kuya bosing. sa blog mo pa nga lang tawa na ko ng tawa eh. pano pa kaya pag may auio at video na. laugh trip to max na yon! 😆

badoodles @beer O oo kuwentuhang lasing ang mangyayari pag nagkataon. sige, tagay mo! 😆

14 02 2008
Not here

bait mo pards. dka ba ni leps to leps senior citizin? may lola kna may lover kpa pg ayaw bebe mo

badoodles @marielle gavino buti na lang pala hindi ka pumasa sa pag-aabugado no?. imajin mo kung katulad mo ang mga abugado, sirang sira na ang mundo. parang di ka nag-aral ng values education saka sibika at kultura ah. aynaku siyet.[kamot ulo]

14 02 2008
beer-O

ganun na nga yon! 😆 sanay pa naman ako sa ganyang mga kwentuhan. hapi balentayns nga pala kuya bosing! 😆 san ba lakad mamaya?hehe

badoodles @beer O sa bahay lang kami. magre-wrestlingan. saka sisingilin ko si bebeKo dun sa pustahan namin na isang red ribbon cake.

21 02 2008
tagadagat

gleng gleng mo naman! Idol ng bayan..

badoodles: @tagadagat ooops. wag palakihin masyado ang ulo ko. mamya hindi na ako magkasya sa pintuan. 😉

18 05 2008
ako?oo

sana maraming ganong tao , nakainspire ka namn
mai mga lalake talaga na ang kapal hahaha ..
iipitin ka pa kala mo wlang katabi ..

badoodles: @ikaw dapat gawin ng mortal sin ni God ang pang-iipit ng kapwa sa loob ng bus.

24 12 2008
MARY JOY

Hi..
Tulungan nyo ako guys!
magbigay kayo ng kwento ng katatawanan na makakabot ng 6 pages .. tapos e-maiil nyo sa akin.. this is my e-mail add mj_sexy14344@yahoo.com

Thanx!

I need it before January 3. Thnxx!!!!!!!!!!!!!1111

26 03 2009
janus

mga tol hindi q na binasa ng buo ung kwento kc alm ko namang my kabwastusan ang laman mga bro eh ….
we are now living in this new generation lets try to make differece marami ng tao ang gumagawa ng mga kabastusang yan. wag na taung makigaya sa kanila..lets us try to respect our own selves..lets put justice to our body…

remember this :

our body is the temple of God.

16 05 2010
facbook

inspiring ka din pala mag sulat ng kwento….. pansin ko lang indi na nagpapasalamat yung mga pinapaupo ko.

parang obligasyon na ba natin ang magpaupo ng matatanda at babae?

27 06 2011
upper east side apartments

We were doing a search and came across this blog site. I admit that this info is on point! Keep it up. Will be following your articles

23 08 2011
get my ex back now

You can certainly see your expertise in the work you write. The arena hopes for even more passionate writers such as you who are not afraid to mention how they believe. At all times go after your heart.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: