Tales from the Barbershop

24 01 2008

Kahit stubborn tayong mga mister, obligado pa rin tayong magpapapogi kay misis.  Kaya nagpagupit ako sa barbero sa ‘min kahapon dahil lumalabas na naman ang tunay kong anyo, nagmumukha na ulit akong kapre.  ‘Bosing, kelangan mo nang ipa-relax ang buhok mo’, suggestion sa akin ng barbero namin habang ginugupitan ako.  Hindi ko maintindihan bakit kailangang i-relax ang buhok.  Dahil crap mode ako dahil hindi ako pinagbigyan ni misis kagabi dahil may buwanang dalaw kaya nag-reply ako ng pabalang,   ‘Bakit, nate-tense na ba ang buhok ko habang ginugupit mo?  At may parelaks-relaks ka pang alam’.  ‘Magkano ba yang ganyan?  Tinuro ko ‘yung listahan ng hair treatment na ini-offer.  Tumama ang hintuturo  ng barbero sa bandang Swarkzkoptf Hair Treatment – 500 pesos.   ‘Sige, kung kaya mong ipro-nounce yang hair treatment nyo.  Magpapaganyan ako’.   

‘Bosing, Swarzkof.’
‘Mali.’
‘Swarzops.’
‘Mali din.  Ang tamang pag-pronounce dyan ay ‘Swarzenegger’.   

Ayaw maniwala.  Nangti-trip daw ako.  Tarantado talaga ‘yung barberong ‘yun.  Hehe.  Ang totoo nyan, wala lang talaga akong perang pamparelaks ng buhok.  Sinabi ko na lang na, ‘Yaan mo pare.  Uutusan ko na lang kumalma ang buhok ko.  Buhok, relaks ka lang, wuzzah, take a deep breath, taena kaya mo yan gunting lang yan’.  Pero mukhang matigas ang kukote mana sa akin kaya hindi rin sumunod.   

‘Dry na ang buhok nyo bosing, magkakasplit ends kayo’, huling alas na sales pitch ng barbero.  Naku, magtaka ka kung basa at pawisan ‘yan malamang iba na yan, bulbol ko na ‘yan. 

Pero kahit naman pa-siraulo akong sumagot sa mga barbero,  malaki ang utang na loob ko sa kanila.  Andyan ‘yung ginunting ako ng papoknat nung kapanahunan ng ROTC nung college, nagawan ng paraan ng Macarubbo’s Barber Shop.  Nung ayaw akong pag-enrolin ng Dean ng college of Engineering sa ‘min dahil sa pang April Boys kong long hair [na tinatawanan ni BebeKo pag naaalala], barbero din ang gumawa ng paraan para magmukha akong tao.    

Hindi naman ako takot magpagupit sa mga parlorista.  Sige na nga, medyo lang.   Una, ayaw ko kasing nahihipan ng mainit na hininga sa may batok.  Ganun ang kalimitang ginagawa sa kin ng mga adik na parlorista.  May imbisibol force field kasi sa batok ko na kapag nahipan, nati-trigger ang aking amygdala at hippocampus, daan para magsend-out ng signal sa aking neural circuit, tumaas ang balahibo, maalarma ang aking fight-or-flight response at lalong humihigpit ang hawak sa bolpen na anumang oras ay pwedeng manuhog ng mata, isawsaw sa suka at gawing pisbol.    

Nakapunta na rin naman ako sa mga salon, baka sabihin niyo sobrang idyot ko.  [Oo aaminin ko idyot ako, idyooootttt!] Nagpagupit na din naman ako dati sa mga mamahaling pagupitan, kaso dahil parang kiniliti-kiliti lang ‘yung dulo ng buhok ko, konting blower, himas himas, tapos mamya sisingilin na ako ng dalawang daan, pakiramdam ko nawantutri ako.  At pag-uwi ko, napapatanong pa ako sa sarili ko ng, ‘Teka, nagpagupit na nga ba ako?’.   Kaya wag na lang.  Tanong ko lang, bakit ba sinasabi nilang ‘Gandang Ricky Reyes’ ‘yung isang salon e pangit naman si Ricky Reyes?  At  kahit siguro lumipas pa ang isang milyong taon at magbago ang standard ng kagandahan ay hindi ko pa rin siya tatawaging maganda.  Kaya ‘pag sinabihan kang ‘Gandang Ricky Reyes’, sarkastik ‘yon, hindi ka maganda.     

Pampatibay sa relasyong mag-asawa, sinasamahan ko din naman si BebeKo pag nagpapagupit at nagpapatanggal ng makulit na ingrown sa paa.  Oo, ‘yung makulit na usli sa kuko na nagpapahirap sa kanya para makalakad ng lakad pangtao.  Nakapunta na din ako kahit papano sa ‘F Salon’ na tinatawag kong Fuck Salon dahil sa tuwing magpapagupit dun si BebeKo ay laging punuan.  Ayaw nilang i-accomodate ang mala-dyosang kagandahan ng misis ko ng mga taenang insecure.  Fuck.  Isa pa, fuck.  Ayan, I’m relieved, nakakaginhawa talaga ng pakiramdam ang pag-fuck.

Advertisements

Mga Tugon

Information

49 responses

24 01 2008
Maldito

ako ang una11yehey!!!lols..kakatakot nga magpagupit sa parlorista…ahehhe..kailangan ko na ding magpagupit…mag mememet kami ng mama ko…for one year indi ako umuwi..ahehhee….minsan may kasama pang kindat at ek ek ang mga parlorista na yan!!…mga bwesit!

badoodles: @maldito parlorista-killer ka pala. ayw mo nun, libre gupit.

24 01 2008
MARU

hindi ko alam na may pang hair relax na rin pala sa mga barber shop ngayon. hair rebond wala?

badoodles: @maru andami na ngang nagbago ngayon. dati simpleng barbers cut – skinhead – platap – at siyete lang. ngayon andami nang multiple choices. nagiging complex na ang buhay sa mundo.

24 01 2008
Calvin

mahirap din yung mga cheap parlors. nagpalinis ako ng mga kuko sa paa duguan mga daliri ko sa paa pag-uwi.

ok na yung sa mga tunay na barbershop talaga. di ka oofferan ng chupet. hahaha. kayo ng bahalang mag-isip kung ano ang chupet.

badoodles: @calvin naganyan din si misis ko wan time. hindi natanggal ung ingrown kaya sa sobrang sakit patagilid maglakad pauwi. kala ko kung naengkanto na.

24 01 2008
jojie

masampal na nga yung nagsabing may “gandang ricky reyes” daw ako.

24 01 2008
umleo23

nako nakakatakot magpagupit sa parlor, kaya inde ako nagpapagupit dati sa parlor na yan…

16 Year old ako noon at payatot, after ako magpagupit sa Dyosa ng Parlor na yun, may tinatawag silang Papag-Hair-Portion… yun ung papagpagan ka nila gamit yung brush para alisin ang mga nagupit na buhok…

Akalain mong umabot hanggang sa umbok ko sa harapan ung brush… tumayo ako at inagaw ang brush, sabi ko ako na lang… Abay pagkatayo ko ay inagaw ang brush ng Dyosa at binurush na naman ako, eh bumaba na naman sa pototoy ko at binubrush nya hanggang dun, edi syempre napapagandyot ako pa-atras….

kaya simula noon hindi na ako nagpagupit sa parlor… kay mang inggo na ako… 5×5!

badoodles: @umleo si mang inggo talaga ang superhero ng bayan. tagapagligtas ng kaawa-awang nilalang sa mapanglamas na kamay.

24 01 2008
umleo23

oi years yun, inde year! YEARS!

badoodles: @umleo tama lang na year. naku, time for ur english 101. year talaga yown, di ba nga kasi singular ka? hehe.

24 01 2008
camilleeee

ang tamang nakaka-‘relax’ kapag nasa loob ka ng parlor ay yung nde ka tititigan ng mga bakla na para bang kinakalkyu kaagad kung magkanong tip ang kaya mong ibigay. or kung ma-afford mo nga ba ang mga serbises nila.

nung huling pagupit ko, in-offeran ako ng ‘hair relax’ tas para daw makintab epeks ang hair, ‘hair wax’ naman daw. nakuuu, sori nalang di umepek sa bulsa ko ang ‘salestok’ ng bading sa kin.

eto pa kuya, sa parlor na yan din nakakasagap ako ng tsismis tungkol sa aming neyborhood.

nalaman ko tuloy, na bading yung crush ko. tsk..tsk…

badoodles: @camilleeee haha! kanya-kanyang raket talaga para mabuhay sa tagilid na mundo. ang magpauto tanga.

24 01 2008
linglingbells

hay naku! allergic na ko ngayon sa parlor/salon.. may masama kasi akong karanasan last year.. ayoko ng magpa-relax ulet ng buhok.. next time, kung magpaparelax ulit ako, dun na ko sa tig-lilimang libo ang presyo para sure!

badoodles: @linglingbells haha! anong experiens mo? kinalbo ka ba tapos tinuro sabay sabing ‘yari ka!’. haha! totoo yang sabi mo, kung gusto mo ng sigurado yung mahal na.

24 01 2008
FerBert

lagi akong kalbo.. sabe nga sa ilocos eh “Basta kalbo ket nagwapo.. wen agpayso”.. saka ayon kay kris Aquino, swerte ang kaming mga kalbo..

Di rin ako nagpapgupit sa parlor, mahilig manghimas ng mga pototoy ang mga nandun.. natrauma na ko.. lol

badoodles: @ferbert sabi naman sa min, ‘basta kulot, butot’. kaya siguro kulot ang buhok natin sa ibaba, kasi matakaw. racist remark ba yan? sana hinde, jok lang naman e.

24 01 2008
jp

Naala-ala ko tuloy nung nagpakulay ako ng buhok sa aming friendly neighborhood parlor.

FEEL THE PAIN IN MY ROOTS! lolz

badoodles: @jp hindi ko na-get ‘tol ung feel d pain in my roots. idyot kasi ako. paki elaborate. idyomatic expression? root canal? dental problem?

25 01 2008
jepoy

sweet u naman fafa

sabe ko sa u fafacial din kau sa Let’s face it to face your fears hehe

nasenti din me nung nagpahighlights me sa Davids — graabe nalunod me sa presyo he he

badoodles: @jepoy sabi ni misis bonding moment na lang namin ung pagpapa-foot spa. dat is, kung may tatanggap sa paa kong pang magsasaka. nung kinwento mo sakin yang facial experiens mo, parang gustong kong maluha. whew!

25 01 2008
karen

haha parehas pla kyong barbero nung barbero mo! ;P
ayoko na rin sa F salon…kasi hindi ko na nagustuhan ung serbisyo nila sa saobrang dami ng customers nila..fakshet! hahaha!!!

badoodles: @karen oo pero mas barbero ako sa barbero ko. hehe, fakshet salon talaga.

25 01 2008
The Gasoline Dude

Pano nga ba i-pronounce yung “Swarkzkoptf”? Naalala ko tuloy si Erap. Nyehehe! = D

badoodles: @gasoline dude ayaw mo rin maniwala sa kin no? ang tamang pagpronounce ay swarzeneggah. 😆

25 01 2008
Rhiana

“Bakit, nate-tense na ba ang buhok ko habang ginugupit mo? ”

haha… Kulit!

badoodles: @miss rhiana kumusta na sa bansang brunei. marunong ka nang magsalita ng pam-brunei? pinas misses u. hehe.

25 01 2008
brokenman

i miss going to the barbershop 😦 di pa kasi masyado madami buhok ko because of my chemo..nakakatuwa naman ang mga adventures mo dude. glad na naka visit ulit ako sa blog mo. God bless.

badoodles: @brokenman long time no hear nga dude. di bale m sure He has gud plans for all of us. at di ko na din kelangang sabihin sayo na ‘keep d faith’ dahil isa ka sa mga taong very evident ang submission sa kanya. pati nga kami nahahawa na din.

25 01 2008
brokenman

oops dapat pala “missed” he he he

25 01 2008
jamezu

hehe, ang saya ng post na to ah.. san ka b nagpapagupit ng buhok?isa yan sa mga problema ko lagi e

badoodles: @jamezu depende kung sang malapit na barbershop na abutan ng pag-iisip na ‘teka, kelangan ko na yatang magpagupit’. taga accenture ka ba?.

25 01 2008
Shayleigh

Sa hinaba-haba ng kwento… ito talaga ang kinaaliwan ko…

“Ayaw nilang i-accomodate ang mala-dyosang kagandahan ng misis ko ng mga taenang insecure. Fuck. Isa pa, fuck. Ayan, I’m relieved, nakakaginhawa talaga ng pakiramdam ang pag-fuck.”

hahahahaha!!! *gulong* *tambling*

badoodles: @shay hehe. may tantrum lang ako. nakakatawang may tantrums :lol:.

25 01 2008
beer-O

haha 😆 naalala ko tuloy na kelangan ko na ring magpagupit. baka habulin na ko ng gunting.hehe.

di pala talaga uubra powers ng barbero sayo. 😆

nice post…

badoodles: @beer O shit mode lang ako dat time. pero most op da tym, mabait ako saka nangkukulit.

25 01 2008
Noime

namiss kong magpagupit jan sa pinas. wala kasing magandang maggupit dito sa saudi. mukang shunga. haha. kamusta naman si ricky reyes. hha. pinagpipilitang maganda siya eh, noh? haha. chorva naman pala. 😀

badoodles: @noime saka balita ko mahal magpagupit jan. yaan mo na, di naman halata kung nagpagupit kayo o hindi kasi nakasuot muslim naman kayo di ba?

hindi ko nga alam kung anong klaseng mata gamit ni ricky reyes kaya nya nasabing maganda siya. baka naka-contact lens ng kulang pula. anyhoots, dats life. hehe.

25 01 2008
mcrey

Hahaha… halos isang taon na rin pala akong hindi nagpapagupit… lagi akong tinatanong ng mga kamag-aral ko kung ilang taon na daw buhok ko.. hahaha!

Hahaha… natawa naman ako sa “Gandang Ricky Reyes” haha!!! Naku baka magalit sya niyan! Hahaha…

Ang ganda… ang dulas…

hahaha!

badoodles: @mcrey haha! gayang gaya mo commercial ni ricky reyes. at bakit kaya ganun ang boses nya, parang ipis na inipit? alaskador e. haha.

25 01 2008
temi

yez! korek ka dyan, mabuhay pa rin ang mag barbero. bukod sa malinis na gupit ay may extrang masahe pa sa batok at bunbunan na masaheng panglalake talaga.

badoodles: @temi swak lang yung diin. yun din ang habol ko yung masahe sa batok. masarap na nakakaantok

25 01 2008
koreanmine

di p ko napupunta sa F salon, ano nga ba nag iistand yung F dun talaga?

badoodles: @koreanmine alam ko talaga is fuck. pede ring ferverts. hehe.

26 01 2008
krisjasper

u used the EFFING word. hehe.. orgasmic ending!

baka yung meaning ng gandang ricky reyes eh “inner beauty”?
in short, pakunswelo..

badoodles: @kj yaan mo na dude. paminsan minsan lang ako nagsasabi ng fuck na hindi ko dinidistort yung ispeling. magkukumpisal na lang ako mamya para malinisan ang aking kasalanan.

inner beauty pala yown? dapat may kasamang disclaimer sa baba na naka asterisk *byuti is in da eye of da beholder. yun yon. hehe.

26 01 2008
Geisha

jusko pineapple orange!
this reminds me to go to a funeral parlor para magpagupit na ng hair!
kahit geisha ako, hindi ako pumapasok sa mga parlors na may bading para magpagupit! gusto ko talaga sa barber shop kung saan lalaki lahat ang manpower…

wala lang, nakaka-intimidate kasi ang mga baklang may suso tsaka nakakatakot yung himas nila!
besides, ayokong malason! 🙂

badoodles: @geisha klaro ko lang, di ako homophobic. nawiwirduhan lang ako sa serbisyo nila. hindi satisfaction guaranteed.

26 01 2008
ilocano

takot din ako magpagupit sa kung san san lang. isang tao lang ang may gamay ng makulit kong buhok, nasa baguio pa. nakow, gastos!

halos lagi na lang, sasabihin ko sa parlorista na wag basain ang buhok ko kasi after magupitan na basa e habol habol kapag natuyo na. ayun, laging ayaw maniwala kaya sa inis ko na lang kapag pangit ang outcome, ginagamit ko ung clippers ko at ang labas, skinhead. asarrrrrr! hehe pero papalonghair na ulit ako.

badoodles: @ilocano mas mahal pa yung pamasahe mo pa-baguio kesa sa gupit. haha. mas okay kung meron ka ng permanenteng barbero, kumbaga sa kalusugan, meron kang family doctor. pag ako nga din nabadtrip, malamang skin head ang kalalabasan ko in da months to come. hehe.

26 01 2008
yiN

naligaw na naman ako, namputo, lahat ba ng daan patungo dito?=)
niga-type ko pangalan ni bangs sa searchbox pero dito ako napunta, pare pag naligtas ka ba ibig sabihin mamamatay ka na?

badoodles: @yiN hehe, wag ka nang maghanap ng iba. tinuturo na sayo ng google at yahoo search engine ang tamang daan tungo sa kaligtasan. sign na un galing sa taas.

26 01 2008
coldman

kainis nga yun minsan sa salon, konting trim, konting wax- tapos na! uso naman yun, para pogi!

pero pag nagtitipid dapat parang pang ROTC para iwas gupit ng ilang buwan. =)

badoodles: @coldman gupit tamad yung ROTC pero ok para less gastos. may pambili ka sa mga importanteng bagay tulad ng, pirated na porno dvd at marami pang pirated na porno dvd. hehe

26 01 2008
ignoramous

Ayoko rin sa parlorista. Nakakatakot sila madalas lalo na yung mga mukhang kargador sa pier o yung nagkakatay ng baboy. Parang nanghuhubad sila makatingin.

Ayoko din sa barbero na pagsinabi kong barber’s cut eh crew cut ang gagawin tapos sasabihing barber’s daw yon.

Mga barbero talaga..

badoodles: @ignoramous masanay ka na. karamihan e apat lang ang alam nilang gupit – skinhead, kalbo, barber’s, at platap. oo platap daw talaga yown, nabadtrip pa sakin ng sinabi kong ang ispeling dapat ay flat top.

27 01 2008
jp

Nung nagpakulay ako ng buhok. Ang sakit sa anit nung bleach. Parang piniprito ang bunbunan ko. Hahaha!

badudels: @jp sabi ko na nga yun yun e. naexperiens ko na din magpakulay sa sobrang dami para akong naglalakad na illustration chart ng bahag hari. ROYGBIV

27 01 2008
rhiana13

sir badoodles eto ayus naman d2 maliban sa na ban ang youtube sa buong brunei, hehe… naku, hindi pa ako marunong magsalita ng lengguahe nila pag naguusap usap sila sa harap ko dedma nalang ako kasi d ko maintindihan haha… oo nga eh, ako rin miss ko na pinas…

badudels: @rhiana walang youtube? porke nagupload lang ako ng video ko, binan na nila? haynaku.

ok lang yan pagbalik mo naman ng pinas big taym ka na.

28 01 2008
jolog

ayon sa aking napag-aralan dito sa alemanya, ang tamang salita ay Schwarzkopf, na ang kahulugan ay maitim (schwarz) na ulo (Kopf). Anim na buwan na akong ‘di nagpapagupit. May kamahalan dito ang pagpagupit ng buhok dito at medyo low-budget tayo ngayon.

badudels: @jolog huwaw! e di may natutunan na naman akong bago sa araw na to. bukas gusto ko namang matuto magbilang wan tu ten saka abakada. hehe corny ko. tenks ha. serious to.

28 01 2008
gerrycho

sa mga independent parlors ang tawag sa hair cut at chupit?!? bakit po ganoon?!? (kunyari inosente… ) nyah!

badudels: @gerrycho d answer my friend is blowing in d wind. dahil meron silang chupeta.

28 01 2008
jamezu

(refer to previous comment) confidential…? spy ka no? wahehe lols 😀

badudels: @jamezu naamoy ko kasing pareho tayong naka-vpn at pareho tayo ng core values. wala lang. malay mo mali ako. [hmmm… pero bakit kaya yung ip address ay… hehe]

28 01 2008
Kotsengkuba

kakapagupit ko lang nung umuwi ako sa pilipinas (cue: nasa hopia wonderland na ulit ako), at ngayon kapag napapaharap ako sa salamin dito e para palang kong baklang ganid sa buhok ko. sa babae kase ko pinapagupitan ni misis, ayun walang ahit ahit at pudpod pudpod sa mga dulo dulo.

ako naman kaya ayaw ko magpagupit sa bakla e para bang hindi nakakatapos magkupit kung walang tyansing. tapos pipintasan pang ang tigas ng buhok at tenga ko. mga buset!

nung nanjan ako e madalas ako magpagupit dun sa mamahaling barberya sa mga sm. 100 ata gupit dun o ano, limot ko narin ang pangalan pero lalaki talaga ang mga naggugupit dun. nung huli kong pagupit dati e may mga sandamakmak narin offers, pangrelax nga daw, tapos merong pang kung anu-anong kaek-ekan kaya nakakainis na minsan magpagupit ng buhok.

dito naman puro parlor din ang pagupitan, pati mga lalaki kailangan f4 kung magsipagpagupit.

badudels: @kotsengkuba 110.00 na sa sm saka benteng tip. andami na ngang extra offering sa barbershop. malamang pati paglilinis ng kuko at kurikong kakaririn na din ng mga barbero sa nalalapit na panahon. pero ok lang, barbero pa rin ako.

28 01 2008
beer-O

hehe. kaya pala malamig ang trato mo sa kawawang barbero. 😆 well, di naman maiiwasan yon. minsan kasi pag may topak tayo kahit sino pa sigurong kumausap sa atin eh, baka ma-deadma lang.

badudels: @beer O dapat ang tantrums iniiwan sa bahay. sukat ba namang nagtago sa bulsa ko, nakasama pala . hehe. dats lyf kung minsan may aning-aning, kung minsan napaka-profound. haynaku, kelangan ko na sigurong magpatingin sa espesyalista

28 01 2008
antuken

kakapagupit ko lang last saturday. antagal ko na gusto magpagupit, pero di ko magawa kse nga dahil sa okasyon nung jan 19. at nang matapos na, nagpagupit na ako. bonding moment with my mudra. ansarap pa nga dun sa parlor na pinuntahan namin, kse nago-offer pa ng coffee or iced tea. sayang di ako umiinom ng iced tea, tapos wala naman ako sa mood mag-coffee.
ang mga kuya ko at tatay ko, barbero talaga nagpapagupit, kaya nga naninibago ako sa asawa ko. sa parlor ba naman gusto. hmmnnn…

badudels: @antuken waw! yahoo! tan tan taran – tan tan taran. musta ang bagong kasal? yehey ulit. hintay namin pag post mo ng mga wedding pix mo ha? hehe. naexcite ako bigla.

28 01 2008
toingks

ahahaha natawa ako dun sa parteng “gandang ricky reyes” .. tama ka nga sarcastic nga yung ganung sinabihan ka nun …

heniway kaya ako napadaan dahil dinaadan din ako ng iba at sinabing na-tag daw sila kaya tinag ako kaya tinag din kita.. ayun tagtagan na lang hane? kung gusto mo lang naman makigaya-gaya puto maya.. heto ang link ng ta-meme game nila toingks! === http://www.toingks.com/2008/01/meme-na-meme-ko.html

badoodles: @toingks meme na naman? kamememe ko pa lang dun sa suso ng kalabaw kanina meme na naman ulit? hehe. sige sige try ko.

29 01 2008
jepoy

hehe ok lng nmn

no pain no gain ika nga

tsaka di me mentally prepared nun

inunderestimate ko ang warning he he

30 01 2008
cArLo

wahehehe Fuck Salon! ayus hehe ano nga ba talaga ang meaning ng F besides sa fuck at ferverts……fektu?fafa?wahehehe

badoodles @cArlo ang tunay na meaning ng f salon ay forgiveness salon. siguradong hihingi sila ng tawad matapos kang gupitan, i-relax at irebond.

30 01 2008
chuvaness

HATE KO YANG F SALON NA YAN!!! F SALOS SA CUBAO to be specific. Worst parlor ever. Nagpagupit ako jan 30mins naghintay tapos nun sinalang na ko…5 minutes lang

anak ng tokwaaa! sabi ko layered na style…asus ni-layer nga at hinde ginamitan ng gunting….kundi blade…blade…blaaaaddeeee! hinila lang yung buhok ko tapos ni-swipe ng blade. walang blower. hinde din winisikan ng tubig. ANAK NG TOKWA TALAGA!!! Kahit ako kaya kong gawin yun eh.

badoodles @badoodles kakaibang gupit ang ginawa sau ah. baka experimental look tinitignan kung babagay nga sa tao. ituro mo sakin kung sino at pasasabugin ko ang bungo 😆

30 01 2008
beer-O

hehe. ang kulet din pala ng tantrums mo, ayaw magpaiwan. 😆 i think di mo naman kelangang magpatingin sa espesyalista. ayos lang yan! astig magpakabaliw minsan.ahehe 😎

badoodles @beer o korek it’s cool to be crazy sometimes [hehe, ininglis ko lang]

30 01 2008
Rhiana

Kau pla sir may kasalanan kung bakit walang youtube dito eh… hehe

Nyah, sana nga magdilang anghel kau sir badoodles,, haha

badoodles @miss rhiana ok yan para pag tinanong ka ng boss mo bakit ka papasyal sa singapore sagot mo, ‘magba-browse kasi ako ng youtube.’ hehe. valid reason naman di ba?

31 01 2008
Noime

nakaabaya lang kami. hindi naman yung pangmuslim talaga. dito sa pamilya namin, si mama lang nagtatakip ng ulo dahil bawal. kami ayus lang. hehehe. 😉
mahal ngang magpagupit dito (panget pa) hehe.

badoodles : @noime abaya pala tawag dun. ganun, mahal gupit jan, baka hair relaks mura na siguro kasi andaming langis jan. hehe.

31 01 2008
gasti

nakakatakot talaga magpagupit sa parlor kaya minsanan na lang ako magpagupit. minsan may libreng masahe pa. kinikilabutan talaga ako pag ganun kaya pagkatapos na pagkatapos ko gupitan at makabayad eh kumakaripas ako ng lakad palabas. hindi ako nagbibigay ng tip. hehe!

ilang beses na rin akong naukaan nung hayskul at college. 3×4 kasi standard haircut ang sagwa laging upod yung tagiliran ng ulo ko tapos yung pinakamatidi nung sumali ako sa COCC ang gupit ko eh 5×10..san ka pa?! bawal na bawal magpakalbo. langyang yan!

31 01 2008
menggay

ilang beses ako nag pa relax dyan sa 500.00 pagkalipas ng 2 buwan balik na ulit sya sa dati parang eskoba…huhuhu!!

kainis talaga hirap pag kapos budget pinapatulan ko talaga kaya lang madidismaya ka din kasi panandalian lang….

Bakit kasi di ako nabiyayaan ng magandang buhok huhuhuh 😦

badoodles : @menggay bakit kaya ung kulot gusto ng straight tapos ung streyt gusto ng kulot? hehe, well, kanya kanyang trip to wala nang pakealamanan bakit ko ba pipigilin.

1 02 2008
beer-O

napansin ko nga eh. hehe 😆 but it’s good to know that you agree with me.

napadaan nga pala ako sa blog ng Bebe mo kanina. ang sweet nyo naman. ahehe. 😆 baka langgamin kayo nyan! anyways, hapi anibersary sa nyo kuya! naki-kuya pa ko. okay lang?ahehe 😎

badoodles : @beer kuya daw. bakit ba nakikikuya ka e mas matanda ka sa akin. utak grade wan kaya ako, kaw ba? hehe. sige ok lang. pero mas prefer ko kasi ang bosing. parang mayaman ang tunog. kuya bosing? 😆

2 02 2008
beer-O

hehehe. 22 pa lang naman ako. alam ko mas matanda ka sa kin. wag na kasing magpabata ng edad. 😆 utak kindergarten naman ako. 😎 cge, mula ngayon kuya bosing na tawag ko sayo. tenks nga pala sa pagdaan sa blog ko at sa comment na rin. tenks din sa pag-add sa link. yoohoo… 😆

badoodles @beer O way to go sago. sige salamat din bunsong bosing.

14 02 2008
beer-O

hehe 😆 tenk yu din kuya bosing. alam mo bang ikaw ang idolo ko. ahehe. ikaw ang nag-udyok sa king gumawa ng tagalog blog at makipag-gaguhan sa blogosphere. ahehe 😆

badoodles @beer O huwaw naman. biruin mo, isa na pala akong inspirasyon. nagbabalak na tuloy akong magpagawa ng postcard na may autograp ko. hehe, seriousli, salamat.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: