How to Kill a President

29 02 2008

Nakakaburat ang mga nangyayari sa bansa natin.  Bilib na bilib pa naman sa ‘kin ‘yung mga kaopismeyts ko pag nagsasabi ako ng huwag mag-abrod. ‘You are God’s little blessing to this country . This country is failing your expectations but you are still here to give it a chance’.   Kahit ako tuloy parang ayaw ko nang maniwala sa mga pinagsasabi ko.  Ultimo ‘yung pagsasabi ko ng ‘Pogi ako’, ayaw ko na ring paniwalaan. 

Parang gusto ko na ngang magpakalayo-layo at sa ibang bansa na lang tumira.  Gagamitin ko na lang ang talino at yabang ko para lalo pang paunlarin ang mga bansang tulad ng Singapore at Australia.  At siyempre, dun na rin ako magba-blog.  Sisimulan ko ang aking blogpost ng payak na bati tulad ng ‘Gud day mate.  Greetings from down undah’.  Pero sa kabilang banda, nagdadalawang isip pa din naman akong iwanan ‘tong bansang ‘to.  Isipin mo kung si Lozada na intsik beho ay mahal na mahal ang Pinas, ako pa kaya na isang lehitimong 100% purong exotic na nagmula pa sa mga lahing Ita-Indones-Malay.   

Medyo nakakabadtrip nga lang talagang isipin na ‘yung pipti tawsan pesos na tax na binabayaran ko taun-taon e mababalitaan ko na lang sa tv na ninanakaw na pala ng mga pulitiko.  Amazing packing sheet.  Pipti tawsan pesos, isipin mo yon?  Buti sana kung pinambili ng gobyerno ng asin na sinasahog sa kanin ng mga taga Payatas, e hindi eh.  Nakakahinayang. Biruin mo, ilang DVD ng haponesang hubad na sumisigaw ng ‘Boku no shiri ni kisu siro’ [kiss my ass] sana ang mapapanood ko sa halagang pipti tawsan.  Inis. 

Para mabawasan ang tantrums ko, boys night out kami nung isang gabi para manood ng Vantage Point sa Greenbelt kasama ang ‘Tatlong Itlog’ at si pareng Jay.  Hindi ko alam kung nananadya pero tayming naman ang pelikulang Vantage Point sa nae-experience nating gulong pulitika dito sa Pinas.  Tungkol ito sa assassination attempts sa Presidente ng US.  Umiikot ang kwento sa iba’t ibang point of views ng walong taong sangkot sa gulo – sina Dennis Quaid na gumanap na bodyguard ng presidente,   Matthew Fox na bumalimbing sa kalaban, Forest Whitaker [‘yung gumanap sa Last King of Scotland] bilang usisero at marami pang iba.  Pero eto na yata ang pinaka-astig na napanood ko ngayong taon.  San ka pa nakapanood ng pelikulang panay ang rewind – paatras ang sequence of events para matunton ang mastermind sa pagkakabaril ng Presidente.  Mamya ipa-flash sa screen ay ‘20 minutes ago’, tapos mamya ‘1 hour ago’, ‘1 day ago’.  Kala ko nga masosobrahan ng pagbabalik tanaw sa nakaraan e umabot na hanggang panahon kung kelan nabuo ang lupa, karagatan at atmospera sa mundo.   

Heckshuli, nakakatanggal ng bad trip ‘yung pelikula basta isipin mo lang ‘yung mga binabaril ay sina First Gentleman, Abalos, at Neri.  Isama mo na rin si Lozada at iba pa.  Bakit ba nangengealam ka, gusto ko nga siyang isama. Spoiler Alert!  Eto lang ang pelikulang hindi ko nahulaan ang mastermind ng assassination.  Kahit ikaw hindi mo talaga mahuhulaan. Pramis.  Oo, ‘yung mamang sorbetero lang pala ang may pakana ng lahat ng kaguluhan.  Natalo tuloy ako sa pustahan.  Iniisip ko kasi ‘yung mastermind ay ‘yung paslit na babaeng pakalat kalat sa bawat eksena.  Malay mo, may part II, ‘yung bata pala talaga mastermind.   

Pwede kayang mangyari din ang ganitong assassination attempt kay GMA?  Posible.  Pag nangyari ‘yun, hindi malayong ang master mind ay ‘yung nagbebenta ng taho sa tabi tabi ng Malacañang.  [Attention intelligence unit ng kapulisan, PSG, ayan, binibigyan ko na kayo ng tip].  

May mga bloopers  din ang pelikula.  Sa Salamanca, Spain ang location ng pagkaka-assassinate sa presidente.  Nagkaroon kasi ng car chase sa skyway at overpass para tugisin ang mga salarin.  Pero ang totoo walang skyway at overpass sa Salamanca.  Pag pinanood mo ng mabuti, parang naghahabulan sila sa skyway galing Alabang at overpass sa may bandang Cubao, hanggang maghabulan sa Quiapo sa loob ng muslim compound na nagbebenta ng pirated DVDs.  Hula ko, dito talaga sa Pinas ‘yung shooting, malamang nagtipid ang producer.  Nakita ko pa nga si Lito Lapid at Robin Padilla na tumambling tambling e. 

Nung huli, na-save ng body guard ang presidente.  Nagpasalamat ang presidente sa guard at nag-moment silang dalawa, akala tuloy ni pareng Abjil gay movie ang pinapanood namin.  Oo, matinding conspiracy theory talaga to dahil mukang may relasyon nga ang bodyguard at ang presidente ng US.   





Kids Do Darndest Things

22 02 2008

Alala ko nung bata pa ko, pinakaayaw ko ‘yung family reunions o pag  may bisitang kamag-anak sa bahay kasi ginagawa kang ‘instant entertainment’.  “Magaling magbilang ‘yan ng 1 to 100, parinig mo nga anak, sige na”.  Gasgas na nga ‘yung A-B-C-D-E-Ep-Dyip sakin saka nursery rhyme na ‘I’m a little teapot, short and stout.  Here’s my handle and here’s my spout” [madapacking sheet, di naman ako teapot, bakulaw ako, bakulaw!].  Pansin ko sutil-in-da-making na ako nun, ayaw ko lang ipahalata kasi pag-dinodoktor ko ‘yung ABCDEFG na sinusundan ko ng H-I-J-K-Elementary, nilalakihan ako ng mata ni Mommy, sabay hila sa titi ko.  Magkaroon kayo ng nanay na katulad ng Mommy ko, kung hindi humaba ng husto ang titi nyo.    

Tito:  “Sige nga, 1 to 100 ka nga.” 
Ako pabulong:  Taena tito, gusto mo pa 1 to 100 pabaliktad e 
Ninang:  “Nursery rhymes ka nga ng I’m a Little Teapot.”
Ako pabulong:  Ninang, buhusan po kita ng kumukulong tubig, gusto mo po?  

Gusto ko pa sanang ipakita ‘yung dirty finger ko sa mga bisita kaso maga na talaga ‘yung titi ko eh.  Ganun siguro talaga pag bata, maraming ‘unconscious’ na kalokohang sinasabi o ginagawa.  Ngayong malaki na ako, panahon ko namang matawa sa mga siraulong pinaggagagawa ng mga pamangkin ko.    

Minsan, tinanong ng pamangkin kong si Shioti bakit ko kini-kiss ng parang halik-aso si BebeKo.  Sinagot ko ng, ‘Kasi tinitikman ko kung maalat ang laway nya’.  ‘Yakk, kadiri ka tito’, sagot ng bata sabay takip sa mata. Hehe, pag sinabi ng batang yak  ka, yak  ka talaga.   

May panahong sobrang OA din mga yan.  Nung nagbakasyon kami sa min, nakita kami ng pamangkin kong si Duday na nagyayakapan ni BebeKo sa kama.  Takbo sa nanay nya at nagsumbong, ‘Mama, si tito binabastos nya si tita.  Dali tignan mo, nagbabastusan silang dalawa’.   Hindi po kami nagbabastusan, nagmamahalan kaming dalawa. 

May pagka-ultimate racist din ang mga bata.  Minsan dinala ko ‘yung isa kong pamangkin na si Bonsai sa Jollibee.  May higanteng mama na kasinlaki ni Batista na nasa unahan ng pila.  Hinatak ni Bonsai ‘yung pantalon ko sabay turo dun sa mama.  ‘Tito, may negro.  Ayun o’.  Shhhh, sinaway ko ang salbaheng pamangkin ko.  ‘Tignan mo tito, malaking negro talaga.  Negro tito, negrooo!!’, inulit pa na parang hindi naman obvious.  Lumingon si negro, este ‘yung mama.  Matalim ang tingin, napikon yata.  Any moment, pwede akong pagbuhul-buhulin at gawing Rubik’s cube.  Tumingin ng masama kay Bonsai na sinuklian ng bata ng inosenteng ngiti.  ‘Sabi ni tito, negro ka daw’.  Langyang batang ‘to, ginawan pa ko ng kwento.  ‘Hmmmpp… itsura mo’, sagot nung mama sa pamangkin ko sabay taas ng kilay at talikod.    Ngek pinatulan ang bata! Binabaeng negro.  Buti na lang ganun, pano na lang kung nagkataong si war freak bad ass Mike Tyson ‘yun, baka sobrang basag-basag ang bungo ko pwede na akong gawing jigsaw puzzle.   

Hay naku, mga bata talaga kasing pilyo ng Tazmanian devil, kasing-cute ng anghel.





Catch Me If You Can

15 02 2008

Kakaiba talaga ang pagba-blog, nakakaadik.  Para kang may ‘Second Life’ sa ibang dimensiyon.  Suspetsa ko magiging patok pa ito sa mga susunod na henerasyon kaya malamang ganito ang magiging ‘future conversation’ ng bawat pamilya. 

Daughter:  Hate u na Dad.
Dad:  Bakit ba?
Daughter:  Ayaw mo akong ka-exchange link.  Kaazar.  Hmmp.
Dad:  Tangek, i ping back mo kasi ako. 

Pero dapat wag pa rin nating kakalimutan na der’s more to life than blogging.  Mga importanteng bagay tulad ng panonood ng mga babaeng nagre-wrestlingan sa putikan atbp.  Hehe.  At kung matagal akong mag-reply sa comment, heto ang mga pinagkakaabalahan ko sa labas ng blogging community: 

Football League.  Mainit ang match namin ng kalabang team nung nakaraang linggo.  Tanggal nga ‘yung isang ipin ng kasama kong si Harley, bali ‘yung nose bridge ni Brent, at duguan sa tuhod ‘yung dalawa pa, pero ayun, olats pa din kami.  Buti na lang ‘The Saints’ ang pangalan ng team namin kung hindi taena, baka dinaan na lang namin sa suntukan ang laro.  Nagcramps nga ‘yung hita ko pagkatapos.  Buti na lang tapos na ‘yung laro dahil kung nagkataong sa field ako na-injure, malamang nanugod na si BebeKo at pinagpapalo ‘yung mga nakalaban namin.  Protektib, kina-career ang pagiging stage wife.  Hehe. 

Manila Cup Dragon Boat Racing.  Kung matuloy kami, ito ang unang beses na magko-compete ako sa boat racing.  Ilang buwan na din kaming nagpa-praktis sa Manila Bay tuwing madaling araw.  Masangsang ang Manila Bay sa umaga dahil puno ng maliliit na isdang patay sa pampang.  Siguro nag-aaral pa lang lumangoy ‘yung mga isdang ‘yun kaya nalunod.  Sobrang lapot din ng tubig dahil sa plastik, dumi, at durog na dyebs, para nga akong naghahalo ng champorado sa higanteng kawa.  Kung di pa kami manalo sa ‘masagwang’ training na to, ewan ko na lang. 

Happy Walk.  Isang parada na sponsored ng Down Syndrome Association of the Philippines.  Pupunta kami dahil espesyal kay BebeKo ang mga special children.  Psychologist kasi siya.  Saka andami kong natututunang aral sa mga special children.  ‘Yung tipong pano nila nae-enjoy ang mga simpleng bagay tulad ng pag-ihip ng mga bula sa hangin.  Para ngang nakakainsulto dahil hindi ko kayang matuwa dun.  Parang tayo tuloy ang may disability, dahil wala tayong kakayanan matuwa sa mga simpleng bagay sa buhay. 

GP2W Olympics.  Parang intrams ito sa kumpanya namin, kelangang makipagbonding moments sa opismeyts para isulong ang aking hidden agenda na mangutang pag nakapos sa budget.  Maglalaro ako ng scrabble, bowling at pitik bulag.  Nagpraktis na nga akong maglaro ng scrabble kagabi kapustahan si BebeKo.  Isang Red Ribbon cake ang pusta.  At ngayon ko lang aaminin na pag umaalis si BebeKo para baliktarin ‘yung pinipritong isda, pinapalitan ko ‘yung mga tiles ko ng mga ‘winning letters’ sa lalagyanan.  Hehe. 

Comedy Cartel.  Mangungumusta kina pareng Patrick, Tim at Allan.  May palabas sila sa Mag:net Café sa The Fort.  Sila ang bumuo ng Comedy Cartel, isang all boys comedy group.  Oo, dahil may humor din ang boys.  Bago pa ito naging big time group na Comedy Cartel ngayon, naging saling pusa nila ako noon.  Pero nag-hiatus ako sa grupo dahil nakakasagabal sa aking planong maging pinuno ng Abu Sayaff.  Ang totoo nyan, fall guy ko lang sina Kumander Robot.  Ako talaga ang may pakana ng lahat ng kaguluhan sa Pinas.  As in.   

Run For Pasig River.  Di ko alam kung anong konek ng pagtakbo para luminis ang tubig sa ilog Pasig.  Pero try ko pa rin.  At pagkatapos kong tumakbo ng matulin, titignan ko kung luminis nga ang ilog Pasig.  Pag hindi pa rin, iihian ko na lang.  Merong acidic property ang ihi ko katumbas ng chlorine sa gripo, kaya baka sakaling luminaw .  Pag hindi pa rin, at least sa pagtakbo, sigurado akong liliit naman ang butchog ko. 

Tree Planting at Ipo Dam.  Environmentalist kaya ako.  Dati akong nagtrabaho sa DENR bilang tagabilang ng puno sa gubat [oo, merong ganung trabaho sa gobyerno].  Pag may nagregalo sa ‘yo na ang wrapper e diyaryo o lumang Remate o Tiktik, ako ‘yun.  Mahilig akong mag-recycle.  Pati nga ‘yung brip na sinuot ko ng Lunes, side B naman ‘yun pagdating ng Martes.   

CashFlow Game.  Naimbitahan akong maglaro ng isang kaibigan sa Ortigas.  May bayad pero discounted na daw ito sa halagang 250 pesos mula sa orihinal na 800 pesos kapag nilaro mo ito sa Asian Institute of Management.  Ang CashFlow ay isang game na naimbento ni Robert Kiyosaki, kilalang awtor ng Rich Dad, Poor Dad.  Pag naglaro ka nito, matututo ka daw ng sandamakmak na business insights and principles.  Tamang tama ‘to sa ‘kin kasi balak kong mag-business ng puto at kutsinta.  May promo pa nga akong binabalak na sa bawat isang daang puto na bibilhin mo, may libre ka sa king isang pirated porn DVD.   San ka pa. 

Oo, meron pa pala akong asaynment na turuan ng Tagalog ang bago kong bos na poreynjer.  Heto i-email ko nga sa kanya mamya: 

Tagalog Assignment for the Week:  Astig – (azzz-teeeg) adj. 1. means cool
Use in a sentence:  The water I am drinking is astig. 

Tinuruan ko din si bos ng kaugaliang Pilipino tulad ng ‘pasalubong’.  U hev to give pasalubong ebritaym  you come from different place.  Na-excite yata, kaya kahit galing lang sa labas, may dala-dalang pop corn.   Inuuwi ko naman kay BebeKo.  Hehe. 

Ikaw, kwentuhan mo nga ako, magkamustahan tayo, anong pinagkakaabalahan mo outsayd blogging? 





Changing Lives

8 02 2008

Pag nag-asawa ka na, andaming nagbabago.  Pati prayoridad sa buhay, nagbabago na rin.  Dati pag may pera, bili agad ng porn dvd, inuman, saka bili ng porn dvd ulit.  Ngayon pag may pera, bili ng kailangan sa bahay, bayad ng utang, saka bili ng porn dvd.   

Ang pag-aasawa, mahirap sa umpisa dahil maraming differences na kelangang i-sort out.  Kung meron mang bagay na compatible kaming dalawa ni BebeKo, ‘yun ‘yung pagiging makalat.  Parang binagyo ang bahay namin. ‘Yung remote control nasa loob ng ref, ‘yung brief nakasabit sa tv,  ‘yung kama nasa sala at ‘yung kwarto ay naging football field.  Suspetsa ko nga sigurado nung past life ko taga-Payatas ako.  Ang kalat ko e.  Si BebeKo naman siguro ay baboy ramo naman nung past life nya. 

Sa pag-aasawa natuto ako ng mga bagong aral sa buhay.  Tulad ng kung pano maglaba ng panty at bra ni BebeKo ng hindi ko napupunit.  Mahirap sa umpisa pero natututunan din.  Dapat ‘yung strap ng bra ang ginagamit na pangkusot dun sa bra mismo.  Lagyan ng konting detergent powder saka kusutin.  Natuto rin ako pano maglaba ng panty ni BebeKo [kahit ayaw nyang ipalaba sa kin].  Hwag dapat madiin ang pagkusot.  Ilang panty din ni BebeKo ang nasira bago ko na-master ‘yun.   

Dati, nung single pa lang at nakatira sa bahay ng mga magulang, andaming bawal.  Ngayong nagsasarili na kami, wala na ‘yung mga batas sa bahay ng mga magulang tulad ng, ‘bawal kumain sa harap ng tv’, ‘don’t talk when ur mouth is full’, at kung anu ano pang mga bawal.  Pati nga ‘yung di ko paliligo ng tatlong araw,  pinapakialaman din dati. Tama ba ‘yun ha mga parents?  Wala kasing pakialamanan ng amoy.  Kanya kanya na ‘to.   Ngayon, kami na ni BebeKo ang gumagawa ng sarili naming house rules.  Kahapon nga, sinubukan kong kumain nang nakahiga sa kama habang nanonood ng tv.  May papindot pindot pa ako ng remote control na nalalaman  gamit ang paa.  Malamang pag ginawa ko to sa ‘min, sapok, pingot ang aabutin ko.  Na may kasama pang pukpok ng kaldero sa ulo.   

Ngayon para kaming nakawala sa kural ni BebeKo.  Amin ang mundo.  Nagkukulitan at naghahabulan sa buong kabahayan ng hubo’t hubad [ako lang pala, hehe].  Kahit may mga panahong kapos sa budget, masaya pa rin.  Pag walang pera, nagiging bonding moments na nga lang namin ang pisain ang pimple ng bawat isa.    

BebeKo:  ‘Para kanino yang pimple mo sa ilong? [selos]’
Ako:  ‘Para sa ‘yo yan, kaw lang labs ko’.
BebeKo:  ‘Tara, pisain natin’. 

Trsssh!  Yak daw o.  Hehe.  San ka pa.  Nakakaaliw ang pagsasama namin.  Parang dalawang siraulong nagdesisyong magbahay-bahayan.  Pero sabi nila masarap daw maging mature at normal.  Try nga rin namin minsan.   

Hindi ko alam ano bang kabutihang nagawa ng kalalakihan sa mundo at sobra sobra kung mahalin tayo ng mga partners natin sa buhay.  Natatanong ko tuloy kung karapat-dapat ba tayo sa binibigay nilang pagmamahal.   

BebeKo:  ‘Be, dito ka sa tabi ko’
Ako:  ‘Bakit?’
BebeKo:  ‘Wala, gusto ko lang.  Dito ka, now na.  As in’. 

Arruuu… Sarap talaga mainlab.  Pero may mga panahong nagkakatampuhan din naman.  Lalo na pag ayaw akong payagang lumabas kasama ng mga barkada.   

BebeKo:  ‘Labas ka ng labas.  Huwag ka ng bumalik’
Ako:  ‘Isang buwan na kaya akong di umiinom.  Hilahin ko tonsil mo, makita mo.’
BebeKo:  ‘Pisain ko kaya betlogs mo’. 

Hehe.  Pero ganyan naman talaga ang buhay may asawa.  Masayang magulo.  Away bati.  Give and teyk lang.  Sa ating lahat, Hapi Balentayms!





Boxer or Brief

1 02 2008

Alam ko may pagkapilyo ‘tong si God nang mag-iwan ng ‘human glitch’ sa pagkakagawa ng kalalakihan.  Human glitch ‘yung pagkakaroon namin ng morning sickness o ‘yung biglaang pagtigas ng pototoy sa umaga, lalung lalo na pag malamig ang paligid. Wala lang, trip trip lang siguro ni God, para naman hindi boring ang mundo kung perpekto ang pagkakagawa ng mga bagay bagay.  

Struggle talaga sa kin ‘yung morning sickness dahil air con bus ang sinasakyan ko papasok ng opis.  Bigla na lang maninigas ang pototoy ko ‘pag umaga sa kadahilanang, wala lang, trip nya lang talagang mag-stretching exercise.  Sa ngayon, may nahanap akong panandaliang solusyon sa ‘morning sickness’ ko – ang pagsusuot ng brief.  Oo, hindi ako nagbi-brief.  Isang dekada na yata ang nakakalipas ng huling mag-brip ako.  Hehe, siyempre naka boxer shorts naman kasi ako.  Nasanay akong magboxer shorts nung college, nung panahong cool ang maghubo sa harap ng school admin at sumigaw ng ‘No to Tuition Fee Hike’.  Pero hanggang ngayon di ko pa rin ma-konek kung bakit kelangang  maghubo muna kami bago sumigaw ng ‘No to Tuition Fee Hike’.  Ang alam ko lang, mas madaling hubarin ang boxer shorts kaysa sa brip.  

Advantage ng boxer shorts, maluwang,  may built in ventilation system para mahanginan ang ibong namamahay sa loob, at makapaglaro ng habulan-taya ang nag-uumpugang betlogs.  At kasabay din ng pakikipaglaban ko sa aking karapatan bilang estudyante,  natuto ring magdemand ng right to freedom of space at right to fresh air ang ibon ko.  Kaya dun nagsimula ang aking boxer shorts story. 

On the other hand, ngayon ko lang muling na-realize na okey din naman sa ‘kin ang pagsusuot ng brief, lalo na pag mas masikip, bakat na bakat kasi ‘yung etits ko kaya nagmumukha tuloy malaki. Mukhang XL.  San ka pa.    

Pero tulad ni Scoffield ng ‘Prison Break’, alam kong gagawa at gagawa ng paraan ang pototoy kong makawala sa brief ko.  At pagdating ng panahong ‘yon, meron pa naman akong huling alas na natitira – ang gumamit ng industrial strength packaging tape para mapirmi ang kanyang kalalagyan sa ‘karug’ – oo karug, ‘yung karugtong ng bulbol sa may bandang ibaba ng pusod.  At pag hindi pa rin umubra ang packaging tape, gagamit an ko na ng higanteng stapler at ii-stapler ko ang potoytoy ko sa makunat na balat ng aking yagbols.  Wala lang, pauso ko lang. 

Pero pano kung ikaw ang tatanungin, ano bang nararapat, boxer ba o brief?  Dagdag pogi points ba sa mga kababaihan kung nakaboxer shorts o brief ang kanilang mister o boypren?  Huwag niyong ismolin ‘tong pinag-uusapan natin dahil isa itong seryosong usapin.  Dito nakasalalay ang magiging desisyon ng susunod na henerasyon ng Pilipino.  Kung dapat nga bang boxer o brief.  Kaya ang tanong ng taong bayan, boxer ba o brief?  Let the historical debate begin!