Boxer or Brief

1 02 2008

Alam ko may pagkapilyo ‘tong si God nang mag-iwan ng ‘human glitch’ sa pagkakagawa ng kalalakihan.  Human glitch ‘yung pagkakaroon namin ng morning sickness o ‘yung biglaang pagtigas ng pototoy sa umaga, lalung lalo na pag malamig ang paligid. Wala lang, trip trip lang siguro ni God, para naman hindi boring ang mundo kung perpekto ang pagkakagawa ng mga bagay bagay.  

Struggle talaga sa kin ‘yung morning sickness dahil air con bus ang sinasakyan ko papasok ng opis.  Bigla na lang maninigas ang pototoy ko ‘pag umaga sa kadahilanang, wala lang, trip nya lang talagang mag-stretching exercise.  Sa ngayon, may nahanap akong panandaliang solusyon sa ‘morning sickness’ ko – ang pagsusuot ng brief.  Oo, hindi ako nagbi-brief.  Isang dekada na yata ang nakakalipas ng huling mag-brip ako.  Hehe, siyempre naka boxer shorts naman kasi ako.  Nasanay akong magboxer shorts nung college, nung panahong cool ang maghubo sa harap ng school admin at sumigaw ng ‘No to Tuition Fee Hike’.  Pero hanggang ngayon di ko pa rin ma-konek kung bakit kelangang  maghubo muna kami bago sumigaw ng ‘No to Tuition Fee Hike’.  Ang alam ko lang, mas madaling hubarin ang boxer shorts kaysa sa brip.  

Advantage ng boxer shorts, maluwang,  may built in ventilation system para mahanginan ang ibong namamahay sa loob, at makapaglaro ng habulan-taya ang nag-uumpugang betlogs.  At kasabay din ng pakikipaglaban ko sa aking karapatan bilang estudyante,  natuto ring magdemand ng right to freedom of space at right to fresh air ang ibon ko.  Kaya dun nagsimula ang aking boxer shorts story. 

On the other hand, ngayon ko lang muling na-realize na okey din naman sa ‘kin ang pagsusuot ng brief, lalo na pag mas masikip, bakat na bakat kasi ‘yung etits ko kaya nagmumukha tuloy malaki. Mukhang XL.  San ka pa.    

Pero tulad ni Scoffield ng ‘Prison Break’, alam kong gagawa at gagawa ng paraan ang pototoy kong makawala sa brief ko.  At pagdating ng panahong ‘yon, meron pa naman akong huling alas na natitira – ang gumamit ng industrial strength packaging tape para mapirmi ang kanyang kalalagyan sa ‘karug’ – oo karug, ‘yung karugtong ng bulbol sa may bandang ibaba ng pusod.  At pag hindi pa rin umubra ang packaging tape, gagamit an ko na ng higanteng stapler at ii-stapler ko ang potoytoy ko sa makunat na balat ng aking yagbols.  Wala lang, pauso ko lang. 

Pero pano kung ikaw ang tatanungin, ano bang nararapat, boxer ba o brief?  Dagdag pogi points ba sa mga kababaihan kung nakaboxer shorts o brief ang kanilang mister o boypren?  Huwag niyong ismolin ‘tong pinag-uusapan natin dahil isa itong seryosong usapin.  Dito nakasalalay ang magiging desisyon ng susunod na henerasyon ng Pilipino.  Kung dapat nga bang boxer o brief.  Kaya ang tanong ng taong bayan, boxer ba o brief?  Let the historical debate begin!

Advertisements

Mga Tugon

Information

88 responses

1 02 2008
beer-O

nakow, mahirap-hirap na diskusyon to! 😆

brief na kasi nakalakihan kong suotin. tama ka. brief keeps pototoy in its right place. so mas okay gamitin pag nagtatravel ka o pag lumalabas. mas masikip kasi kaya komportable kilos mo. naiinis nga ako sa brief na nabili ko. medium daw pero parang large. ahehe. 😆

pag sleeping time na, mas komportable nang magsuot ng boxer para di mainit. minsan kasi mainit ang singit. baka maluto ang betlogs. 😆

badoodles @beer O medium na brip pero parang large sa yo? suspetsa ko lumiit ka lang kaya ganyan. gamit ka ng tape measure. namatanda ka nyan may naapakan kang nuno sa punso. hehe.

boxer vs brief standing:
boxer: 1
brief: 1

1 02 2008
Kotsengkuba

kanina pa ko pasilip-silip sa rss reader ko at malakas ang loob kong may lalabas na bagong moral lesson.

magandang hapon po, ladies and gentlemen. para sa akin, mas nararapat na boxers ang isuot ng mga kalalakihan. masyado po kase tayong nasanay sa kulturang pinoy na sadyang brief at hindi boxer and isusuot dahil napako tayo sa paniniwalang magkaka-luslos ang ating mga bayag dahil hindi sapat na suportang pansalong-bayag ang kayang ibigay ng briefs. ito po ay walang katotohanan sapagkat ang luslos po ay nakukuha sa abnormalidad sa ating bituka at hindi dala ng pagkalog-kalog ng mga itlog sa ating sinaitlugan.

sa punto ng pagiging komportable naman po, hindi bat karapatan ng ating mga itlog na makahinga ng ayos. at sa mga pagkakataon naman po na sa ayaw man natin o hindi ay hindi maiiwasang magpumiglas ang ating mga pototoy at kung hindi po tayo nagtitrim ng kabuhukan ay di po ba sadya itong malaking pahirap? ang pagsabunot na nga lamang sa patilya ay sadya nang masakit, sa dako pa roon pa kaya?

yon lang po, ladies and gentlemen.

kung hindi nyo naman po kayang sikmurain ang pagsusuot ng boxers, maganda rin pong alternatibo ang spandex na brief. yon po ang materyales na ginamit sa paggawa ng kasuotan ni wolverine.

footnote: brief – short but enough to cover everything.

badoodles @kotseng kuba beri well said… convincing! amazing!

boxer vs brief standing:
boxer: 2
brief: 1

1 02 2008
FerBert

BOXER BRIEF!!! 😀

badoodles @ferbert ikaw alien ka makulit ka ha. eto pagbibigyan kita

boxer vs brief standing:
boxer: 2
brief: 1
boxer brief: 1

1 02 2008
linglingbells

iboboto ko ang boxers! nyahahaha! wala naman akong alam sa mga ganyan, wala naman kase akong betlogs.. nyahaha! bahala na kayo magdesisyon sa mga ganyang mga isyu.. susuportahan ko naman kayo kung anu man ang maging desisyon ninyo.. bow..

badoodles @linglingbells kelangan mong magdesisyon alang-alang sa susunod na henerasyon ng Pinoy. gusto mo bang galing sila sa betlogs na ipit dahil sa brief o betlogs na kakalog-kalog dahil sa boxer? so boxer na talaga? hehe

boxer vs brief standing:
boxer: 3
brief: 1

1 02 2008
MARU

cool na ngayon ang dating ng boxer. mas uso. the more baduy ang mga prints the more na mas astig ang dating. la ako pakialam kung ang namamahay dun sa loob ng boxer ay sing liit ng etits ng dwende. ewan ko siguro ako lang ‘to…tuwang tuwa ako sa mga boxer na ang print ay hello kitty, spongebob, red hearts, at iba pang mga disney characters. pag brip kasi parang walang sense of humor ang dating. ang halay pa tingnan. lastly, mas madaling dumukot pag naka boxer ang lalaki. ayay! boxer rules!

badoodles @maru nice. mabili nga ung boxer na may cartoons ng south park saka ung mga boxer spoofs tulad ng hello titi, titi bird, saka felix bakat. masampolan nga kung maglalaway sa kin si misis. hehe.

boxer vs brief standing:
boxer: 4
brief: 1

1 02 2008
koreanmine

hehe katuwa ka nmn pla at maxado magagalitin ang alaga mo 😀 sabagay sabi nga, ibon mang may layang lumipad, kulungin mo at sumisingaw este sumisigaw – sa pagbakat kc nga sanay na dati na malaya sa boxers mo 😀
***
ahhm kung para sa akin ( na babae daw ) ewan ko kung Bat Turn On sa akin yung labas yung garter ng boxer sa pants 😀 di nmn yung super hiphop basta may nasisilip na di bacon o kaya Nogarts..

pero pag brief lalo na kung bikini cut, ganda din kc feeling ko macho dancer yung nakikita ko Lols 😆

badoodles @koreanmine hmm.. ok lang pala kahit ano para sayo… e pano kung… wala? hehe

boxer vs brief standing:
boxer: 5
brief: 2

1 02 2008
kwentonglamangdagat

ayon sa mga sinasabi ng siyentipiko, na ang betlogs nating mga kalalakihan ay kailangan ng nararapat na espasyo na depende sa panahon or weather, at alalahanin natin na ang susunod na henerasyon ay nanggagaling sa ating betlogs, na kung saan, kapag mainit, kailangan nilang lumawlaw na malayo sa pototoy natin, para hindi sila mainitan due to our body heat, na kapag sumobra, sigurado tepok ang susunod na henerasyon sa loob, kaya dapat, mag boxer shorts para insured ang mga nasa loob ng betlogs na sila ay mabubuhay kahit mainit na panahon. Baligtad naman kapag malamig, kaya dumidikit naman ang betlogs natin sa pototoy kasi kailangan nila ng body heat natin to stay warm at para magsurbayb. kaya nararapat na magsuot ng “salung itlog” o brip. sana ito ay makatulong. pis out!

badoodles @kwentonglamangdagat hayan dinaan na tayo sa siyentipikong ekspleyneyshown. maniwala na kayo kung ayaw nyong higupin ng gravity at imbisibol force field. humahabol humahabol ang brip!

boxer vs brief standing:
boxer: 5
brief: 3

1 02 2008
Jon Cabron

boxer sakin, mula pa nung grade six di na ko nagbi brief, masyado kse kulob pag brief nagaamoy balahibo ng basang tuta tuloy yung ano ko.

from:
secret blogger

badoodles @secret blogger yaan mo papangalagaan ko ang iyong identity, makakaasa ka. pag may nagtanong at nangulit di ko aaminin na ikaw si jon cabron. pramis yan. cross my ass.

boxer vs brief standing:
boxer: 6
brief: 3

1 02 2008
watusiboy

may boxer brief na ang tagline ay better that naked. boxer brief na lang siguro para safe, something in between kung baga.

badoodles @watusiboy two points for in between

boxer vs brief standing:
boxer: 6
brief: 3
boxer brief: 2

2 02 2008
Kotsengkuba

wahahaha, natuwa naman ako sa blogname ni kwentonglamangdagat. hahaha, astig!

baduds, bago na pala ang kalamnan ng sidebar mo, hehehe

badoodles @kotsengkuba oo pero di ko pa kumpletong naupdate. may mga bagong batch ng tambayero ng kwentong barbero. at d end op da yir, pagsasalpukin ko ung orig na kwentong barbero residents saka ung mga bago. pag-aawayin ko sila. parang tulad ni big brother pag malapit na ang pbb season finale. matira matibay. hehe

2 02 2008
The Gasoline Dude

Boxers are expensive, especially the branded ones. Kapag nagtitipid ka, at least merong Puritan at YC Bikini Briefs na mabibili. Panalo! = P

badoodles @gasoline dude magaling na depensa para sa brief. one point.

boxer vs brief standing:
boxer: 6
brief: 4

2 02 2008
jolog

Ipaglaban ang kalayaan!

Boxers.

badoodles @jolog ibagsak ang imperyalismo! ibagsak ang kapitalistang di marunong mag boxers!

boxer vs brief standing:
boxer: 7
brief: 4

2 02 2008
angel

boxerna lang.. hehe lalo pa yung kulay ffeennkk.. 😀

badoodles @angel tough men wear pink daw. sabi ni tserman bayani saka ricky reyes.

boxer vs brief standing:
boxer: 8
brief: 4

2 02 2008
eNocH

nag-resign ako sa paggamit ng brief 6years ago.

boxers pare, presko na dipa nakukulob, pag nanigas madalas tumatabingi, simplehan mo na lang pag namulsa ka.

badoodles @enoch haha! di ko aaminin na gawain ko yan. kahit ibitin nyo ko ng patiwarik kahit tanggalan nyo ko ng kuko. kahit isa-isahin nyong tanggalin ang pubic hair ko gamit ang tiyane. [hehe defensive? 😆 ]

boxer vs brief standing:
boxer: 9
brief: 4

2 02 2008
temi

ika nga ng bespren ko: “pag levis ang suot ko wala akong brip”, yan ang saludo nya sa levis jeans nya, freedom nya yun e. Pero kung ako tatanungin mo opis o gimmik dapat brip pero kung haybols lang o pamili outing pwede nang boxers, sabi mo nga para relax din si manoy at ng mahanginan. tamo si Andy ng “40 year old virgin”, relax na relax ang etits pagising nya kasi naka boxer shorts kaya pwedeng pumalag.

Kaya ako, parehong gamit na gamit yan… syempre depende sa choice ni manoy ko.

badoodles @temi it depends. wala walang it depends. its either black or white. hehe juk unli. tama ka din, weather weather lang yan.

boxer vs brief standing:
boxer: 9
brief: 5

2 02 2008
ka silyas

mas maganda pag wala. mas presko, mas malaya. bahala na lang ang maninilip.

badoodles @kasilyas sige para walang gulo, wag na lang magsuot.

boxer vs brief standing:
boxer: 9
brief: 5
labas pwet: 1 😆

2 02 2008
coldman

nagsulat na rin ako ng ganito dati. http://anukayayun.blogspot.com/2007/11/ibon-foundation.html

at syempre boxers tayo! kasi presko!

badoodles @coldman landslide victory ata to in favor of boxers. hoy boxer ihanda mo na ang inaugural speech saka victory party. dapat ung mga tsiks naka boxer din.

boxer vs brief standing:
boxer: 10
brief: 5

2 02 2008
camilleeee

dati akala ko talaga yang ‘boxer shorts’ eh pang boxer lang talaga. hehe alam ko korni pero totoo. eh malay ko ba nun na klasmeyt yan ng brip?

siguro kuya, kung nasa bahay ka lang, mas ok ata boxers para (sabi nila) makahinga daw si ‘damunyor’. pero kung ganyang panay ‘plag seremoni’ nya tas nsa labas ka, brip na lang siguro.

wag mo nalang kalimutan ‘front pack’ mo kung nsa labas ka’t nka-boxers ka.

…. naalala ko tuloy yung joke ng opismeyt ko tungkol sa lolo na ang wish nya eh… ay wag na lang. hehe 😉

badoodles @camilleeee haha! kahit hindi ka nagjojoke natawa ako dun ah. oo nga no, bakit ba boxer shorts? siguro kasi mas palaban kaya boxer shorts. sana meron ding wrestling shorts… 😉

boxer vs brief standing:
boxer: 11
brief: 6

2 02 2008
defpotec

andito ang kasagutan ko….

http://defpotec.wordpress.com/2007/04/14/the-reason/

badoodles @defpotec one more point para sa boxer! para di maging bacon.

boxer vs brief standing:
boxer: 12
brief: 6

2 02 2008
foobarph

This is for our valentine blogging activity! Have fun posting your own date of date of birth, together with the name of your love one on the first string! See my whole post and comment for more information. Have fun! (year of birth not included! ^^)

http://foobarph.wordpress.com/2008/02/02/days-of-love/

(ahehehe… tama ka nga.. matigas nga rin yung sa akin. ^^)

badoodles @ foobarph ayos yan. hapi balentimes sa lahat

2 02 2008
Lenggai

mas HOT ang naka-boxers!!!!! nyahahahahaha!!!

badoodles @lenggai hot ang boxers, cool ang brief. nice

boxer vs brief standing:
boxer: 13
brief: 6

2 02 2008
mr wonder woman

hehehe…i used to wear boxers kaya lang i am fond of wearing tight/fitted pants kaya pangit naman kung naka boxers kasi ang samang tingnan sa harap pag ang pototoy is not in the right place, pero pag brief ang suot mo, at least me konting bukol sa harap, hehehe. that leaves something on the imagination. pero pag tulugan na, syempre boxers kasi mas presko. Mahirap ang boxers pag nasa public places, mahirap ang kontrol during erection.

badoodles @mr wonder woman is dat a point for a brip? sige one point por brip.

boxer vs brief standing:
boxer: 14
brief: 6

2 02 2008
Ellieshe

,mas ashteeeg pa rin tingnan ang brief..hehe…la lang…

badoodles @ellieshe hala ka, talagang tinititigan mo.

boxer vs brief standing:
boxer: 14
brief: 7

2 02 2008
rain

brief! jahe kc kung sumasayaw ung putotoy eh. . . hahah. . .

badoodles @ rain ayaw mo nun, may talent. san ka pa makakahanap ng etits na marunong mag-macarena at magbeat ng bayang magiliw. hehe, pano kaya pag tinanong kung anong alam sa buhay, mapapasagot ng, ‘marunong pong umawit at sumayaw ng aking etits’. hehe, ibang klase no.

boxer vs brief standing:
boxer: 14
brief: 8

2 02 2008
gerrycho

sa brief pa din ako… hehe… 😀 nakalakhan
bias ko kasi pang private lang yung boxer eh…

badoodles @gerrycho may punto ka!

boxer vs brief standing:
boxer: 14
brief: 9

2 02 2008
mcrey

Bakit halos lahat ng babae dito eh gusto ang mga lalaking naka-boxer?

May na iisip tuloy akong dahilan kung bakit GUSTONG-GUSTO nila…

haha… hindi ko na lang sasabihin baka awayin ako dito…

Brip na lang… kasi hindi ko pa na ta-try mag boxer… hmm… pero na try ko na ang di magsuot ng brief. Yung tipong maliligo na ako – nakahubad na tapos biglang uutusan ni mama. Syempre, sinout ko yung shorts ko – wala ng brip – huhubarin din naman eh…

hahaha!

badoodles @mcrey sige sabihin mo na, wag kang mag-alala di ka nila aawayin. aabangan ka lang nila sa kanto, gigilitan ka nila sa tumbong. 😆

boxer vs brief standing:
boxer: 14
brief: 10

2 02 2008
joice

hehehehehe. kahit ano na lang siguro. personal preference kumbaga. hehe.

oi, vote mo naman ako sa http://salaswildthoughts.blogspot.com, nominee ako for filipino blog of the week. check mo lang dun paintmeahappysmile, tas click vote. hehe. thanks 🙂

badoodles @joice sige vote kita sabi mo e. malakas ka sa kin.

boxer vs brief standing:
boxer: 15
brief: 11

3 02 2008
Noime

pwede bang magbrip tas boxer shorts? hahaha.
hindi ko alam kugn ano ba dapat, dahil hindi ko pa nakikita labidabs ko nang nakaganun lang. hehehe. 😀

badoodles @nlime oo naman pwede. kanya-kanyang trip yan. tignan mo si superman, labas brip. 😉

boxer vs brief standing:
boxer: 16
brief: 12

3 02 2008
umleo23

boxer is better than briefs

why?

dahil meron scientific explanation jan… Some doctors in the states has proven that wearing briefs lessen the male sperm count. However when using boxer the sperm count will be maximize.

nabasa ko ito sa reader’s digest noong panahong nagbibinata pa ako. noon kala ko eh magiging baog na ako kapag nag brief ako pero hindi pala. na le-lessen lang naman pala… Merong connection rito yung temperature at sack ng isang lalake.

Pag naka brief ka, hindi makapag adjust ng maayos ang sack (b*yag) sa dapat nyang i keep na temperature. FYI guys & girls, un ang purpose ng sack o b*yag kung tawagin, to keep the testicles in a right temperature para inde mamatay ang sperm cells sa loob nito… kaya guys mapapansin ninyo minsan eh lawlaw ang sack natin or minsan naman eh sobrang sik-sik or sikip. dahil yun sa temperature na kinakailangan nyang i-maintain…

Pero kapag boxer, nakakapag adjust ng maayos ang sack kung kaya mas marame ang nabubuhay na sperm sa loob ng tsticle which is known as sperm count.

thats why most americans now a days wears boxers rather than briefs…

badoodles @umleo para sa sandamukal na sperm count, para sa kinabukasan ng pilipinas at para sa susunod na henerasyon ng pilipinong may laya, go go boxer shorts!.

boxer vs brief standing:
boxer: 17
brief: 12

3 02 2008
klitorika

Kuya grabeh naman! pero sa palagay ko effective kung gagamitin nyo na ang stapler! ok with matching packaging tape para sure! ano ba naman ang pototoy nyo may sariling buhay nagpupumiglas bah? he,he.
Hirap naman pala maging lalaking may mal… na ano parusa!

badoodles @klitorika ok lang naman maparusahan ng ganito. yakang yaka. iniisipi lang namin, we’re God’s gift to women. haha. ala kang boto?

boxer vs brief standing:
boxer: 17
brief: 12

3 02 2008
mcrey

I know this is something irrelevant… pero let us pray for the soul of my deceased dog.

Please say your pray for my beloved dog on her guestbook. >>Sign here<<

badoodles @mcrey bless you doggie.

3 02 2008
karen

ang saya talagang tignan ang mga pototoy na may sariling isip at gustong kumawala hehe..

si beb naman nagbbrief pag pumapasok at boxer naman pag matutulog na pero para sakin.. kahit saan sya kumportable as long as nalilibugan pa rin sya sakin hehe 😛 (at mabango)

at packaging tape? diba gnagamit un ng mga beklang gustong mag “t-bak”? (titi nasa back) 😛

badoodles @karen tama. basta mabango kami wala nang usap usap kung pano ang ‘packaging’. ganun? don’t wori, sa leeg ng etits ko lang lalagyan ng packaging tape parang si cookie monster na sumisilip sa kanyang garbage bin.

boxer vs brief standing:
boxer: 18
brief: 13

4 02 2008
gasti

para sakin brief muna kapag papasok sa opisina at boxers naman kapag weekends para may day off din ang pototoy natin…bumabagay lang ang boxer shorts kapag matipuno ang katawan ng lalaki…bopleks pa nga ako dati kasi nung nagsuot ako ng boxer shorts meron pa kong brief sa loob nun…lols!

badoodles @gasti wag daw doble doble ang suot. mahirap un, maluluto ang betlogs, magiging penoy.

boxer vs brief standing:
boxer: 18
brief: 14

4 02 2008
mayletti

hmmm… No idea kung alin mas comfortable kasi babae (yata) ako. Hehe..
Pero para sa kin mas sexy tingnan ang boxers.
Badoodles, napakahyper naman yata nyang sa’yo.
Nung nabanggit sa seminar once na every morning
daw nakaflag ceremony ang chever ng mga boys
eh nagsimula na kong magtanong kung bakit? hehe..
Pero di ko alam na basta mahanginan ng malamig
nangyayari na ang ganon. At nga pala, kapag nilagyan
mo ng tape wala ng babakat. Ganyan ang ginagawa ng mga
friendships ko na gay kapag nakaswimsuit sila. :-p

badoodles @mayletti wag kang mag-alala, babakat at babakat pa din, walang matibay na packaging tape sa pilyong etits. :mrcool:

boxer vs brief standing:
boxer: 19
brief: 14

4 02 2008
Geisha

take it from a different perspective….charinggg 🙂

each has specific functions…

i wear boxers if i were pants dahil mag morning wood ka man at least masikip na ang pantalon mo.. di pwedeng makawala ang juniour mo..

briefs; when i wear slacks or similar light materials dahil siguradong pagpyestahan ka ng makakita sa iyo when you reach orgasm … 😀

either way, my vote is null!

sorry panty sinusoot ko 😉

badoodles @geisha sige para wala nang away. mag panty na lang lahat. ung so-en na sampung piso isang tumpok ang bilihan. haha!

boxer vs brief standing:
boxer: 19
brief: 14

4 02 2008
barefoot_alchemist

boxers! mas presko c mister! hehehe….

i love wearin boxers also… heehe ms cuties kz iba2 desgns plus mas comfy. i dnt knw, its jz a wife’s standpoint. ahem… hehehe

badoodles @barefoot parehong pareho kau ng ate ko – nakikiboxer shorts ng asawa. ang kulit nga, minsan napagkamalang boxer shorts ng asawa nya ung akin, sinuot. nung sinoli sa kin namantshan ng dalaw. haynaku, siningil ko na lang ng pera. wais to.

boxer vs brief standing:
boxer:20
brief: 14

4 02 2008
alphasensei

boxers!!!!!!! basta wag yung may hearts pa na design!!!

badoodles @alpha ayaw mo nun, romantic. tapos may nakasulat pang dialogue ni kupido: ‘dis way to heaven’. hehe.

boxer vs brief standing:
boxer: 20
brief: 14

5 02 2008
dakilang tambay

boxers na hello kitty ang design.. hahahaha.. apir!

badoodles @dakilang tambay haha! d ultimate design!

boxer vs brief standing:
boxer: 21
brief: 14

5 02 2008
dimaks

kakasubok ko lang ng boxer a few weeks ago, maginhawa nga kaso mukhang mahirap ang sitwasyon kesa nun brip ang gamit ko, lol.

badoodles @dimaks mukang pag-iisipan mong mabuti kung anu talaga ha. seryosohan na to. haha! pero kung jan din lang ako sa bansang japan na may winter season, abay boxer na. double boxer pa.

boxer vs brief standing:
boxer: 21
brief: 14

5 02 2008
Kotsengkuba

parekoy, ang dami kong napulot na katatawanan dahil dun sa pakontes mo. para tuloy gusto kong baguhina ang mga boto ko, hehehe. joke lang. pero ang dami pala talagang mga patawa kahit di naman kalbo. hehehe

badoodles @kotsengkuba oo nga, at patuloy pa rin ang paghahanap sa iba pang makulit na blogs. ebri day’s a new day ika nga. sige, pwede pa namang magpalit ng binoto. yun e kung handa kang makatanggap ng threats tulad ng pagkidnap sa aso mo at hate mails na tadtad ng ‘f u’, ‘gago u’, at ‘hate me na u’. hehe.

6 02 2008
ilocano

Pati sa underwear, may evolution din na nagaganap. Nung elementary ako regular briefs lang gamit ko, kaya ung etits ko, dumudungaw sa may singit. Kaya naman from late elementary to high school, naging bikini briefs na. Kaya lang nung college, nauso ang boxers, nakiuso naman ako hanggang last year boxers ang gamit ko. Kaya lang, gaya ng problema mo, hindi kayang I-hold ng boxers ang gising na pototoy. Halatang halata talaga, kaya ang the best na solusyon sa problema natin ay boxer briefs. Comfort, style, and sex appeal ng boxers pero at the same time, security ng brief. Use it to believe it.

badoodles @ilocano madik kayat bikini brief. makita da nangisit nga ubet ko.

boxer vs brief standing:
boxer: 21
brief: 14
boxer brief: 3

6 02 2008
bonnie

boxers para mas kumportable.

badoodles @bonnie hindi kaya. e pano naman kung boxers na gawa sa tinik? hehe, wala, pampagulo ko lang. dyok.

boxer vs brief standing:
boxer: 22
brief: 14

6 02 2008
devilbesideyou

boxer mas seksi tignan nyahaha

badoodles @devilbesideme mas seksi kasi hindi kita ung maitim naming pwet. hehe.

boxer vs brief standing:
boxer: 23
brief: 14

6 02 2008
shayleigh

hmm… kinamulatan ko na talagang brip ang isinusuot ng mga kalalakihan sa buhay ko, maliban kay lolo na ‘karsonsilyo’ (ba ang tawag dun?!) ang isinusuot, na naiisip ko ngaun na pinagmulan ng boxers. Pero gaya ni camilleeee inakala ko talaga noong araw na ang tinatawag na boxer shorts ay ung sinusot ng mga boksingero… until mapunta ako sa lugar na kinaroroonan ko ngaun at mapag alaman naman na halos lahat ng kalalakihan dito, pinsan at tito ko ay boxers naman ang isinusuot.
anyway, inakala ko din na kinakailangan pa ding magsuot ng brip bago boxers… naalala ko pang tinanong ko ang pinsan ko minsan ng di pa siya bad trip sa akin… me: “why don’t you wear brief?” re:”cos i’m wearing boxers…” di ko masyadong naintindihan ang sagot nya at ipinagkibit balikat na lang dahil inakala ko na lahat ng lalaki dapat magsuot ng brip…
kahit sa luvs ko, mas gusto ko pag naka brip siya, mas sexy para sken un… heheheh!!!
anyways, to rule out my answer, i’ll say both… wearing one does not make the other inferior… kasi nga, may mga kasuotang dapat ibagay sa pagsusuot ng brip o boxers.
kawangis din un ng pagsusuot ng kababaihan ng regular panty at t-back. while others are not comfortable in wearing t-back, it is otherwise needed if you are wearing a tight fitted jeans or slacks… ^_^

badoodles @shay an haba ng comment mo ah. parang hindi mo kinimkim yan ng matagal na panahon. pero natuwa ako cyempre, iba kang magkwento.

boxer vs brief standing:
boxer: 24
brief: 15

6 02 2008
Calvin

so anong tawag sa mga shorts na suot ng boksingero?

si oscar the grouch yung may basura hindi si cookie monster. hehe oo binasa ko yung mga comments dito.

boxers nga pala boto ko pre para di mabilis pawisan si junior.

badoodles @calvin ang tawag dun ay boxing shorts 😉 oo sabi ko na nga ba si oscar un. haha. pang batibot kasi ako. talaga pati comments ‘di mo tatantanan’. 😆

boxer vs brief standing:
boxer: 25
brief: 15

7 02 2008
madbong23

ang karsonsillo ba boxers sa ingles? brief ako, old school kasi ako mahirap na magbago, saka pag boxers and isinuot ko nagpupumiglas si pututoy.

badoodles @madbong ang ingles ng karsonsillo ay carsonsillious. 😆

boxer vs brief standing:
boxer: 25
brief: 16

7 02 2008
Nayr

Saan ba nag simula ang boxer short? let me change the question.. Sino ba nag pauso na mag suot ng boxer short? sagot : chinese/ mga intsik.. correct me if im wrong pareng badoodles.. sakto chinese new year ngaun.. so karamihan nakikita natin ito sa mga intsik kung mahilig kaung manood ng porn makikita dun ung nag liliitang patotoy ng mga chinese so.. means to say ang gumagamit lang nito e ung maliliit lng ang patotoy.. 😀 so lahat ng bumoto sa boker malilit ang patotoy 😀 ako kasi brief ako eh.. hehehe

badoodles @ryan yabang mo pare ipaputol ko etits mo makita mo. 😆

boxer vs brief standing:
boxer: 25
brief: 17

7 02 2008
lolz

wa ha ha ha may naalala lang akitz!!!

baka sa december kapa uwi badoodles. thanks

badoodles @lolz baka uwi kami ng april. magpaparti si daddy ni bebeKo ng kambing. miss ko na inihaw saka dinakdakan saka papaitan saka lahat lahat ng pagkain! 😉

7 02 2008
antuken

kung ako ang gagamit, boxer shorts…

nakagisnan ko na brief lagi ang suot ng mga lalaki sa buhay ko (mga kuya ko, dad & uncles ko)… nung bata nga ako ang alam ko eh white lang ang kulay ng brief… i learned about colored undies (for guys) when i got to hs — kita ko kse sa dorm nila yung nilabhan nila na undies – green, black, navy blue, brown…

pero kung tutuusin, nasa lalaki talaga yun, kung san sila komportable… hindi ko ata maiintindihan ang feeling nun, tulad lang ng di maiintindihan ng mga guys kung ano ang feeling ng dysmenorrhea (i swear, sumpa sya sa mga babae!)…

pero para sa voting purposes, i vote for briefs (hehe)

badoodles @antuken haha! bumaliktad. kala ko boxer shorts na. wag ka naninilip, bad un, magkakakuliti ka. 😉

boxer vs brief standing:
boxer: 25
brief: 18

8 02 2008
Geisha

🙂

8 02 2008
Shayleigh

heheheh!! kwentong lahad po ba? 😀 senxa na… napahaba!

badoodles @shay ok lang, no ka ba. kahit pa nobela yan, o libro na may volume 1, 2, 3, basta ikaw, pwedeng pwede. lakas mo sakin 😉

8 02 2008
beer-O

“namatanda ka nyan may naapakan kang nuno sa punso. hehe.”

haha 😆 para kang albularyo kung magsalita kuya bosing. may nagpagamot na ba sayo na ganyan ang problema? ahehe. tenks na rin sa words of wisdom.

ang dami sumagot sa historical survey na to. kelan ang cut-off? 😆

badoodles @beer O frustrated quack doctor kasi ako. nung bata pa lang, pinagpapraktisan kong gamutin ung mga kapatid ko pag may sinat. pinapakain ko ng dahon ng saging saka pinapanguya ng balat ng ipil ipil. sabay sapok sa ulo para mawala ang bad spirits. hehe. ganyan naman ang role ng mga nakababatang kapatid – pinagpapraktisan.

8 02 2008
beer-O

haha 😆 kaya pala. kawawa naman pala ang mga kapatid. nakakarelate ako jan kasi youngest din ako. ilang beses ding nagpraktis ang tatlo kong kapatid sa kababatok sa kin. salamat na lang at naging matalino pa rin ako. jowk 😆

kadiri talaga ang mga quack doctors na yan. madalas din kasi akong ipa-“konsulta” ng ermat ko nung nasa cavite pa kami. ayon, kukuha din ng dahon ng saging, duduraan at itatapal sa katawan ko. yacks! 😆

badoodles @beer O haha! ngayong malaki ka na, pwede ka nang bumawi sa kababatok sau ng mga kapatid mo. mas malaki na nga rin ako sa kuya ko, subukan ng kuya kong batukan pa ako ngayon at ihagis ko siya sa kabilang building.

8 02 2008
antuken

oi, for the record… hindi ako naninilip… their undies were hanging outside their windows… ano ka ba, demure na promdi ako nung hs… hehehe

badoodles @antuken hahaha! 😆

8 02 2008
Poli

Boxer briefs para sa’kin! Henyo ang nakaimbento nito.

badoodles @poli tumpak may punto ka. hindi sinluwang ng boxer na kakalog-kalog ang betlog, hindi rin sing-iksi ng brip na kita ang itim ng pwet. jas ryt.

boxer vs brief standing:
boxer: 25
brief: 18
boxer brief: 4

8 02 2008
khan leo

…for me,

BRIEF [nga ba?],

sakop kasi lahat…:)

badoodles @khan leo hindi kaya. umuusli ung dulo ng pubic hair ko sa gilid ng brief. owell, maiksi lang talaga ang brip o talaga lang sanga sanga ang pubic hair ko.

boxer vs brief standing:
boxer: 26
brief: 18

11 02 2008
pong pagong

brief ako…i tried once na mag boxer pero nd komportableng kumakalog ang itlog at etits ko… waaaaaaaaaaaaa

badoodles @pong pagong ayaw mo nun, kumakalog kalog, para kang may dala-dalang tambol.

boxer vs brief standing:
boxer: 26
brief: 19

11 02 2008
beer-O

haha 😆 things really have changed. dati pwede nila akong batukan all of a sudden. ngayon, pag ginawa nila yon, wala silang load. bwahaha 😆 oh di kaya gaganti ako sa mga pamangkin ko. ahehe. ganon din kasi ako nang simulan nilang gawing “stress reliever” ang ulo ko. ahehe 😎

badoodles @beer o wag lang sobrahan ng batok. mamya kababatok mo maging aliens mga yan, kakasahan ka ng laser gun at magkapira-piraso ka. pag nangyari un, wag mong sabihing hindi kita winarningan. 😉

14 02 2008
Not here

hintay ko pg dating ng panahon i labas mo bototoy mo. promise ha. kung may ilalabas ma mkikita. hehe

badoodles @marielle gavino kung sau lang wag na.

20 02 2008
tagadagat

Xciting ang boxers!! mas madali hulihin c kuki monster, wahehe

badoodles: @tagadagat hinay hinay sa pagdakma kay cookie monster. tulad ng mga kalaban ni ultraman, lumalaki ang mga yan

21 02 2008
batang buotan

Matinding usapang bayan ‘to. Para sa akin dapat boxer. Bakit? Dahil naniniwala ako sa kasabihang “bototoy mang maituturing, may karapatan din” At ano ang kanyang mga karapatan? Ay, nako itinuturo yan sa skul.
Freedom of expression
Right to life and liberty
Right to participate in any activity

Kaya ngayon, bilang isang mapagmahal at responsableng tagapag-alaga kay bototoy, patuloy akong makikibaka, makilahok sa mga usaping mahalaga tulad nito, and patuloy kong ipagtangol si bototoy sa mga terroristang nagmamatyag.

Ewan. LOL

badoodles: @batang buotan mabuhay si bototoy!

1 09 2014
Leidy

It’s great to find an expert who can exilpan things so well

24 02 2008
ponchong

nagretire na ako sa pagsuot ng brief. masarap pakiramdam pag nakaboxer…pero si misis ko mas gusto wala ako anything under pag nasa house.

harhar…

badoodles: @ponchong tanda mo na, hindi ka pa rin nagsasalawal. haha. ako din, wlang pakundangang maghubot hubad na naglalakad sa palibot ng bahay..

5 03 2008
VerPo

brip, kasi pag bakser, pag nakapantalon ng fit mukhang walang suot sa loob.. parang sa babae, pag walang bakat naka-tHong… ayun!

badoodles: @verpo ganun. e di bakser na lang para mukang walang suot sa loob. hehe

23 03 2008
triplang

mas trip ko po boxer short, mas kinikilig ako kung yon ang suot ko.. .pero kung malamig… brief muna before boxer short.. pero pag gabi.. wala suot… pero mas prefer ko boxer short…. hehehe

3 04 2008
arthur sajonia !!!

kahit anu ginagamit ko, ok naman lahat e…

badoodles: @arthur kahit ano? ganung ganun din ung kapitbahay naming lalaki, naglalakad sa bakuran na kung minsan suot ung panty ng misis nya, kung minsan ung dahon ng saging. ma-try nga minsan.

3 04 2008
arthur sajonia !!!

at dpende din pala sa kung anung suot kong panlabas… kapag loose na short xempre dpat boxer para kahit bumukaka ka ng 180 degrees, no problemo!!!… pero kasi madalas din nman akong naka tight jeans e… kapag ganon, nagvivirifff na ako… kahit anu naman ang gamitin nating salong-betlog, kung ang gamet natin e yung talagang sukat… ders no doubt na comportable naman sa pakiramdam ang alin man sa dalawa??? un lang…

badoodles: @arthur sabi mo e. orayt! mabuhay ang tamang sukat na viriffff.

4 04 2008
arthur sajonia !!!

sa previous comment ko, i am pertaining to a boxer brief… iba p ng pala un…

badoodles: @arthur oo nga iba pa un. pati ako nawala ah. hayzz [kamot batok]

5 04 2008
arthur sajonia !!!

ang cute po ng blog… let me BRIEF-ly introduce myself… un n nga po, im arthur, 20 years old from pateros, metro manila… soon a graduate of psychology… hahaha, I also have a passion in writing… ansarap sa pakiramdam n nahahalukay ang emoxon ng ibang tao tru reading my writings… un dn pu ang nararanasan ko ngayon sa sulat nyo… kaaliw, ang galing parang bob ong… ok kayo dahil u were able to derive some sense from something that is superficially a non-sense thing! naintindihan nyo pu ba? ako hindi e… sana makapagkwentuhan tau tru e-mail… this is my address: artsaj@yahoo.com… hindi ako writer, ni wla akong background or previous experience s pgsulat, hindi ako jornalis s campus… basta s srili ko lang… bye bye… kaaliw kasi nagrereak kayo s comment.. wla lang… ssssssssssssssssss…

badoodles: @arthur ano ung ssssss…. alam ko na, dj ka ano? yan kasi naririnig ko sa radyo pag malapit na ung signoff pagkatapos ng bayang magiliw. sssssssssssss. hehe. sige panalo na brip. sabi mo e.

hindi mo naman address yang binigay mo, wala ka kayang zip code jan, saka city, saka barangay. hehe. ako ang address ko alabang. hehe. wag mo akong pansinin, siraulo talaga ako.

10 04 2008
bjlmar

boxers tayo siyempre!:))

badoodles: @bjlmar boxer tayo. yehey. kung ayaw nyo ng boxer, boksing na lang tau. hehe.

15 04 2008
The Boy-Next-Door

Boxer-briefs, para walang gulo, kinalakhan ko na ang brief, pero nung na-discover ko ang boxer-briefs, lumipat na ko dito. It has the fit of a brief while having the comfort of a boxer shorts, kumbaga expanded brief. Yun nga lang, mas mahal sa brief, kaya kung practicality issues naman… Better go with briefs.

badoodles: @boynextdoor one more point for boxer-brief

30 06 2008
Frantical

nako basta ako boxer brief nlng.. kxe sa boxers, di komportable lalo na kapag nagbabadminton ako at tska hirap contolin ng erection nu… tpos kapag brief naman, makati samay garter sa pwet.. nako buong araw pa naman nakaupo sa skul.. kea ok saken ung boxer brief.. ahaha!

badoodles: @frantical one more point for boxer brief…

4 10 2008
mahiligsalaman

pag may lakad,brief para secure si junjun,pag matutulog boxers lang kasi presko

5 10 2008
b@kekang

boxers gamit ng hubby q..para iwas hadhad daw hehehehe!

19 11 2008
paperdoll

wag na magsuot ng pang ilalim. . para rekta pag may gera. .

6 03 2009
deathbringer

boxer brief.. kse ika nga ng ibang nagpost ng comment.. “It has the fit of a brief while having the comfort of a boxer shorts.” hehe.. ilang taon narin ako gumagamit ng boxer brief.. mas komportable tlga.. masikip na hinde.. [ wow.. bomalabs.. ] aun.. bsta boxer-brief.. hehe..

28 08 2011
edgaRD

kursonsilyo parin o bahag nuong unang panahon…

8 10 2011
rexiel

Para sa akin boxer brief ang mas uso ngayon. kasi mura ! hehehehee me tatlo isang daan. walang likuan!!!

17 04 2012
Mark P. Dela Cruz

pra s akin brief p rn, lalo n kung ang kulay ay pula, prng ky superman! 🙂

24 11 2012
Lavona

ever since? nakilala ko xa sa tv noon, hangang hanga na ako sa knya, msya ako nang malaman kong ipapalabas sa MMK ang buhay nya.. and i admire her even more… she has been my idol ang will always be.. sana makilala ko xa sa personal…….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

24 05 2013
Donny

What’s Going down i am new to this, I stumbled upon this I’ve found
It positively helpful and it has helped me out loads.
I hope to contribute & help different customers like its aided
me. Good job.

13 09 2013
genesis fernandez

mas komportable ako sa brief. WHITE HI CUT(BIKINI BRIEF) lahat ng underwear ko,para hindi nag aabsorb ng init.nung high school nga ako eh pagkatapos ng P.E.pag magpapalit na kmi ng uniform pumupunta pako sa c.r.,d ako sumasabay sa mga lalake,nahihiya kasi ako eh.NUNG HIGH SCHOOL KASI AKO SA MGA BOYS AKO LANG YUNG NAGSUSUOT NG BRIEF,KARAMIHAN NG BOYS BOXER SHORT ANG SINUSUOT,PATI MGA BAKLA AT TIBO,HEHEHE,ang hahaba pa ng short nila,ang init kaya niyon!pero pag sarado ang c.r. no choice nko sumasabay nko sa knila, kahit tinitingnan me ng mga kaklase kong bading,WALA NKONG PAKIALAM, hehehe!

4 05 2014
Zelda

Here are five places you can advertise your small business online for free without actually placing an ad.
An online marketing system is the perfect way to get started online, because you get to build
your list and get educated at the same time. When looking to jump into the internet marketing realm, first thing is
first; set up shop.

4 10 2014
Russell

Look closely and you might see a ding in the paint, or a spot where water
has gotten under the polyester and made a bubble. Apart from these, the
yacht charters in Croatia also offer catamarans for large family with children. Pictures of
these magnificent yachts can be found on the Internet, go
ahead and take a peek.

13 10 2014
Yvette

Know that you are not only growing great organic plants and saving money for yourself, but you are also contributing to
the well-being of the future. Grow your own tomatoes, lettuce, cucumbers, carrots, spinach.
Things that readers are unlikely discover from a regular
gardening book.

17 10 2014
Lacy

Internet these days is a great help in purchasing one of these.
Special tools and techniques are needed for Bonzai gardening and those people who enjoy this type of gardening really
enjoy the challenge of nursing these trees into the shape and style they want to create.
Make sure the mixture isn’t too heavy for the delicate plant roots.

18 03 2015
vince

brief sakin para di gaano balat ying etits ko… para ind turnoff sakin yung mga girls…

18 05 2015
Emails from sony hack

He stated the firm is also functioning to make its
smart” devices act as hubs that enable other gadgets to connect to the Online.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: