Changing Lives

8 02 2008

Pag nag-asawa ka na, andaming nagbabago.  Pati prayoridad sa buhay, nagbabago na rin.  Dati pag may pera, bili agad ng porn dvd, inuman, saka bili ng porn dvd ulit.  Ngayon pag may pera, bili ng kailangan sa bahay, bayad ng utang, saka bili ng porn dvd.   

Ang pag-aasawa, mahirap sa umpisa dahil maraming differences na kelangang i-sort out.  Kung meron mang bagay na compatible kaming dalawa ni BebeKo, ‘yun ‘yung pagiging makalat.  Parang binagyo ang bahay namin. ‘Yung remote control nasa loob ng ref, ‘yung brief nakasabit sa tv,  ‘yung kama nasa sala at ‘yung kwarto ay naging football field.  Suspetsa ko nga sigurado nung past life ko taga-Payatas ako.  Ang kalat ko e.  Si BebeKo naman siguro ay baboy ramo naman nung past life nya. 

Sa pag-aasawa natuto ako ng mga bagong aral sa buhay.  Tulad ng kung pano maglaba ng panty at bra ni BebeKo ng hindi ko napupunit.  Mahirap sa umpisa pero natututunan din.  Dapat ‘yung strap ng bra ang ginagamit na pangkusot dun sa bra mismo.  Lagyan ng konting detergent powder saka kusutin.  Natuto rin ako pano maglaba ng panty ni BebeKo [kahit ayaw nyang ipalaba sa kin].  Hwag dapat madiin ang pagkusot.  Ilang panty din ni BebeKo ang nasira bago ko na-master ‘yun.   

Dati, nung single pa lang at nakatira sa bahay ng mga magulang, andaming bawal.  Ngayong nagsasarili na kami, wala na ‘yung mga batas sa bahay ng mga magulang tulad ng, ‘bawal kumain sa harap ng tv’, ‘don’t talk when ur mouth is full’, at kung anu ano pang mga bawal.  Pati nga ‘yung di ko paliligo ng tatlong araw,  pinapakialaman din dati. Tama ba ‘yun ha mga parents?  Wala kasing pakialamanan ng amoy.  Kanya kanya na ‘to.   Ngayon, kami na ni BebeKo ang gumagawa ng sarili naming house rules.  Kahapon nga, sinubukan kong kumain nang nakahiga sa kama habang nanonood ng tv.  May papindot pindot pa ako ng remote control na nalalaman  gamit ang paa.  Malamang pag ginawa ko to sa ‘min, sapok, pingot ang aabutin ko.  Na may kasama pang pukpok ng kaldero sa ulo.   

Ngayon para kaming nakawala sa kural ni BebeKo.  Amin ang mundo.  Nagkukulitan at naghahabulan sa buong kabahayan ng hubo’t hubad [ako lang pala, hehe].  Kahit may mga panahong kapos sa budget, masaya pa rin.  Pag walang pera, nagiging bonding moments na nga lang namin ang pisain ang pimple ng bawat isa.    

BebeKo:  ‘Para kanino yang pimple mo sa ilong? [selos]’
Ako:  ‘Para sa ‘yo yan, kaw lang labs ko’.
BebeKo:  ‘Tara, pisain natin’. 

Trsssh!  Yak daw o.  Hehe.  San ka pa.  Nakakaaliw ang pagsasama namin.  Parang dalawang siraulong nagdesisyong magbahay-bahayan.  Pero sabi nila masarap daw maging mature at normal.  Try nga rin namin minsan.   

Hindi ko alam ano bang kabutihang nagawa ng kalalakihan sa mundo at sobra sobra kung mahalin tayo ng mga partners natin sa buhay.  Natatanong ko tuloy kung karapat-dapat ba tayo sa binibigay nilang pagmamahal.   

BebeKo:  ‘Be, dito ka sa tabi ko’
Ako:  ‘Bakit?’
BebeKo:  ‘Wala, gusto ko lang.  Dito ka, now na.  As in’. 

Arruuu… Sarap talaga mainlab.  Pero may mga panahong nagkakatampuhan din naman.  Lalo na pag ayaw akong payagang lumabas kasama ng mga barkada.   

BebeKo:  ‘Labas ka ng labas.  Huwag ka ng bumalik’
Ako:  ‘Isang buwan na kaya akong di umiinom.  Hilahin ko tonsil mo, makita mo.’
BebeKo:  ‘Pisain ko kaya betlogs mo’. 

Hehe.  Pero ganyan naman talaga ang buhay may asawa.  Masayang magulo.  Away bati.  Give and teyk lang.  Sa ating lahat, Hapi Balentayms!

Advertisements

Mga Tugon

Information

86 responses

8 02 2008
ka silyas

naks naman, hawswit!

badoodles @kasilyas parang drugs ang mainlab, nakaka-high

8 02 2008
Maldito

hhehe…..dapt lagay ka sa bibliya bossing…mga pangaral ni badods…lols…oo nga,,mahirap nga no?masaya?kakasira naman ng ulo ang magasawa….nyikes…yoko na nga..lols..happe balentyms sa inyu master!

badoodles @maldito hapi balentayms maldito, ang bagong regular na tambayero dito [3 months na ba?] hehe.. oo mahirap na masaya. kung minsan naman, masayang mahirap. hehe

8 02 2008
jojie

tama talaga ko na may art ang paglalaba ng bra at panty. buti naman at si bebemo ay baboy ramo nung past life niya dahil kung hindi pukpok pa din aabutin mo kahit hindi ka na nakatira sa parents mo. 😛

badoodles @jojie sobrang nipis kasi ang mga panty nyo. mahila lang ng sobra, wapak punit na. hindi ba pwedeng mag-disposable diapers na lang kayo? hehe

8 02 2008
marian

blog hopping ako.. ang swit naman… ayiiiii 😀

badoodles @marian anywhere related to mah hommie james mangun?

8 02 2008
koreanmine

uuy ganun b pagalaba dpt ng bra at panty? pramis d2 ko lang nalaman! Lols 😆 mahirap kuskusin ang bra kc eh 😀

badoodles @koreanmine hindi mo alam? ha? [hehe, talagang inulit pa e]. uu, mahirap kuskusin ung bra kasi ung wiring. di rin pwede i-washing machine dahil madi-displace. pero pag minsan, pag di ko makuha ng tama pagkusot at nasira, ginagawa ko na lang garter ng tirador. hehe

8 02 2008
brokenman

i can’t wait to wash my future wife’s bra and panty…it smells…err..sounds fun 🙂
have a great valentine mr and mrs badoodles! God bless!

badoodles @brokenman i smell love’s smokin’ in d air. we deserve it. dat’s how God blesses us

8 02 2008
byterslair

your so sweet. i wish i could find a man like you. kaya lang parang endangered species na ang mga katulad mo… magpalahi kayo ng madami ng bebemo para naman sumaya ang world.

badoodles @byterslair marami pa namang katulad ko. meron pang natitirang pitong katulad ko nakakalat sa buong mundo. hapi hunting!

8 02 2008
gladita

naks naman nakakakilig naman ito. hapi balentayms din sa inyo ng bebemo. ala pa ba kayong nabuo? nyahaha

badoodles @hapi balentayms sau. wala pang nabubuo. athlete yata ung egg cell ni bebeKo, magaling kumaripas ng takbo pag nakikipag habulan taya sa mga pilyong sperm ko.

8 02 2008
antuken

buti pa kayo, you guys live on your own… kami kse ni antuken ko, we stay with his parents… solong anak kse, ayaw iwan ang magulang… di namin mae-experience ang maghabulan ng hubo sa bahay… ang magchukchakan sa lahat ng kanto ng bahay… hehehe…

20 days after becoming mrs. antuken, i can say, wala pa mashado nangyayari pagkakaiba samen… kse naman 2 days after the wedding, palawan agad kami, and when we got back, trabaho na… magkasalungat pa ang sked… haay…

ang sweet nyo. sobra. naiinggit ako. hehehe.

badoodles @antuken pwede naman kau maghabulan ng butt-naked kahit anjan ang parents. para lang kaung nag-a-amazing race na may added obstacles. mas may added thrill. san ka pa.

8 02 2008
bebenibadoodles

you are still the love of my life…. no if’s no but’s no maybe’s. that is just the way it is and will stay that way for always!

badoodles @bebeKo bakit may ‘still’, parang tunog warning un ah. tipong ‘putek, pag nagluko ka, kakalbuhin kita’. hehe. labs u too. basta wag na taung mag-ingay pag gabi na ha? baka isipin ng kapitbahay may mga pusang naghahabulan. hehe.

8 02 2008
Poli

Gusto ko na rin tuloy magpakasal.

badoodles @poli wag muna. enjoy the luxury of being young.

8 02 2008
camilleeee

ahahahayyy..kakainggit, answeeeeett!!

nde mo na pla kelangan magsuot ng ‘boxers’ pag nasa bahay ka kuya eh 😉 kaya pla ayaw ni ate na lumabas ka ng bahay eh..hehe.

ay agree talaga ako… kay sarap mainlab. kaya, let’s be inlab!

hapi balentayms ebre wan! 😉

badoodles @camilleeee kaw, ke bata bata mo pa ha. wala munang lab lab. pang matanda lang yown. haha. biro lang

9 02 2008
karen

kanina tinanong ko sa beb ko: “beb, mamahalin mo pa ba ako kahit saggy na ang boobs ko at kung dry na dry na ang kipay ko?” sabi nya “…..oo naman…”
sabay tanong ko ulit: “e beb, pano kung halimbawa may sakit ako tapos may regla ako tapos may tagos ako, lalabhan mo ba ang panty ko?” sagot nya “…e kukuha naman tayo ng katulong e..”

malay mo magbago at labhan nya ang panty ko na may regla pag nagsama na talaga kme devah?! hahahaa ewan!

hapi balentyms!!!

badoodles @karen naku haha! yang dugo dugo na yan, ibang usapan na yan. kahit ako di ko rin lalabhan yan, ihahagis ko ung panty sa dingding para makabuo ng abstract painting. may title na nga ako e: ‘seeing red’

9 02 2008
jepoy

happy valentines din pre!

sarap na din nga cguro ng magsarili / independent

pero saka na madami pang sheet na kailangan ayusin hehe

badoodles @jepoy hapi balentayms pareng jeff. buti nga kau malapit na magkabahay. at least un, inyong inyo talaga. baka daan ako ng info bukas, yipee mababayaran na ako. may klase ka ba dun?

9 02 2008
Noime

nakakatuwa talaga kayo.
hapi balentayms kuya!

badoodles @noime hapi balentayms din sau at sa buong kalawakan na iyong nasasakupan. 😉

9 02 2008
gerrycho

nakakatuwa naman talaga nga kwento nyo 😀
at parang ito ata ang first time na may pic article mo badoods!

best wishes ulit senyo!

badoodles @gerrycho oo bihira lang ako maglagay ng pics – minimalist epeks kuno. saka mahiyain kasi ung camera ko – patagilid lagi kung kuhanan ako ng piktyur. hehe

9 02 2008
linglingbells

hangsweet naman nun! parang gusto ko na tuloy mag-asawa! nyahahaha! sana tuloy-tuloy lang ang pagiging makulit at masayang married life mo.. kelan kayo magkakakababy????

badoodles @linglingbells ayaw ko ng baby. ako lang ang baby. ayaw to may kaagaw sa meme. meme ko lang un. hehe. no pressures, kung kelan sya dumating, darating din yun.

9 02 2008
Jeckass

huwaw. ang sweet. *kilig* masubukan nga yang maghabulan ng hubo pag mag-asawa na rin kami. masaya kung hanggang garden maghahabulan. LOL
hapi balentayn’s day to you dod baduds and to ur bebe!

badoodles @jeckass hapi balentayms dod jeckass. kaw talaga gago u, ayoko nga maghabulan hubot hubad hanggang garden. baka mamya ano… masira ang pananim. hehe, sa kapitbahay pa naman namin ung garden.

9 02 2008
menggay

hayyy…parang gusto ko na mag asawa hehehe 🙂

may malaking poblema 🙂

Wala nagyaya hehehe 🙂

hapi balentyn…

badoodles @menggay baka pakipot un, do d pers move. wag mo nang hintayin ung ‘will u marry me?’. unahan mo na ng ‘will i marry u?’.

9 02 2008
klitorika

Wow! ang sweet naman parang ginagapangan ka na ng langam o! he,he minsan ganyan din kami ng partner ko… Oo nga noh kakatuwang nakakainis ang buhay may asawa minsan. Abangan ko ang kabanata tungkol sa pagkakaroon ng anak he,he gudluk!

badoodles @klitorika hindi naman nagkakaanak ang mga lalaki ah, babe lang ang nanganganak. hehe. cencya na ulul talaga ako. sige, sige abangan ang susunod na kabanata, malamang apter 5 years meron na. gusto kasi namin perpek pagkakagawa, pag madalian e hindi daw ‘high quality’ hehe

9 02 2008
Shayleigh

wow… sweet naman ng kwento… haaay!!! kung lahat ng love story ganito kahahantungan, nanaisin na sigurong mag-asawa ng lahat… heheheh!!!
un din gusto ko pag nag-asawa na, manirahan ng hiwalay sa magulang o sa kapamilya, para kahit ano gawin namin ng future hubby ko, ok lang… pdeng maghabulan.. wahahahah!!!

HAPPY VALENTINES sa inyo…

badoodles @shay hehe, di naman. tulad din kami ng ibang regular couples. may extra icing lang para exciting. hindi perpek, siraulo lang siguro kami, we just laugh at each other’s bloopers.

9 02 2008
Lenggai

ahhhh… pag-ibig.

shet pareng badz… gusto kong malulong sa ganyaaaaaannnnn!!!!

hapi balentayms sa inyo!!!! 😀

badoodles @lenggai yan ang pagkalulong na di mo kelangang magpa-rehab. sige hitit na!! 😉 hiteeeetttt!!

9 02 2008
pepe

yipeee, finally i got a glimpse of pareng badoodles na!
gosh, you guys rock! inggit ako sa kaseksihan ni mareng badoodles…

badoodles @pepe antagal mong nawala. kala ko nakalimot ka na. sobrang tagal mo tinubuan nako ng pangatlong betlog. hehe. joke

9 02 2008
cHeRrY mAe

haha.. hapi balentayms badoodles.. hapi married layp.. ~.^

badoodles @cherry mae hapi balentayms din sau. hapy layp

10 02 2008
GEisha

ayyyyy….
how swit naman!
kakainggit!

parang gusto ko nang mang-shotgun ng lalaki para pakasalan ako… 😀

naalala ko tuloy pasyente ko dating mag-asawa (marital counseling). away bati! tapos nung kabataan nila ayaw nilang mahiwalay sa isa’t-isa… reklamo ng babae nasasakal na raw ‘sya masyado na kahit pagligo ‘nya gusto ni lalaki sabay sila! nung nagka edad na may i transfer na itong si babae sa kabilang kwarto (ganun talaga pag tumatanda iritable na..been there 🙂 ) kaya nag pa counseling ang mga gurang!

buti na lang namatay na si babae! i know sumigaw ‘sya ng freedom nung mga huling hininga ‘nya! pero panandalian lang pala ‘yun kinabukasan sumunod si lalaki!

moral lesson is: true love will conquer death (?)hihihiihihih 😀

badoodles @geisha sobrang magtaguan pung yang dalawang yan ah. pati sa kamatayan nagha-hide n seek. cool 😎

10 02 2008
zenzen

naks naman.. anshwit! la ako masabi. tawa ako ng tawa dun sa part na “dalawang sira ulong nagdesisyon magbahay-bahayan”.. 😀 happy araw ng nga puso sa inyo ni BebeMo.

badoodles @zenzen haha! hapi araw ng puso din. 😉

10 02 2008
coldman

pag-ibig, pagmasdan mo ang ginawa mo. =)

badoodles @coldman nakakabaliw talaga mainlab. nakakabulag din. nakakabingi, nakakapilay, nakakaputok ng nguso, lahat lahat na. dapat nga may kasamang warning ang mainlab, WARNING: DANGER AHEAD, tipong ganun

10 02 2008
lilmiz

waaaaah ang sweeeett!!! nakaka-inggit talaga kayo kuya! as in! ahehe.. gusto ko din 😦 .. na may maglalaba ng mga panty at bra ko lolz!! hapi balentayms sa mga inlababo!! at satin mga walang kabalentayms, hapi v-day na din, magpanggap na hapi! haha 😛

badoodles @lilmiz loko ka. hehe. hindi naman yata boypren hanap mo, labandero. akin na labhan ko, trenta pesos per kilo

10 02 2008
joice

haha onga.. parang gusto ko na magasawa. hehe

badoodles @joice nakupo! ano bang ginawa ko, lahat tuloy gusto nang mag-asawa. kung ako kuya mo, papagalitan kita, may kasama pang palo sa pwet. bata pa u eh

10 02 2008
mcrey

BebeKo: ‘Be, dito ka sa tabi ko’
Ako: ‘Bakit?’
BebeKo: ‘Wala, gusto ko lang. Dito ka, now na. As in’.

Huwaw! Naalala ko tuloy ang kanta ni April Boy na “Honey my Love so Sweet.”

Nakakakilig… kilig kilig! Ui ui!

badoodles @mcrey samahan mo pa yan ng slow motion na tumatakbo para mag-akapan. wid pagulong gulong epeks. haha! sa hiway. love is dangerous to health.

10 02 2008
eNocH

sweetness….

badoodles @enoch tsarap. slurrp.

11 02 2008
barefoot_alchemist

sweetness galore! i cn relate, hehehe… jz gt married and filin nmn nagbabahay-bahayan lng rin kmi! hehehe

hapi balentyms po!

badoodles @bareffot di ba masarap na mahirap na exciting. ung pakiramdam e halo-halo. hay naku, summer na nga tlaga.

11 02 2008
gasti

ikaw naglalaba ng panty at bra ng misis mo? hehe! mabuti naman at naperpek mo na yan..ako kasi hindi naglalaba eh! tagatanggal lang ang role ko. hihihi!

pards happy valentines day sa inyo ni bebe mo! ingat kayo sa paghahabulan nyo ng hubo baka sinisilipan na kayo ng kapitbahay..hehe!

badoodles @gasti hapi balentayms din sa inyo pards. sinasadya ko talgang ipakita sa kapitbahay. gusto ko kasing takutin. pag nakita nya ung tattoo kong paniki at dragon sa pwet malamang hinaan na ang pagpapatugtog ng macarena at boom tarat tarat.

11 02 2008
Ellieshe

ang sweet nman ni kua at ate..hehe..sapay la kuma ta makabuo kayo agad ti putot…mas masaya un..hehe…happy valentines din po sa inyung dalawa…Godbless!

badoodles @ellieshe awan pay ngarud putot, makapungtot nakon. haha!

11 02 2008
beer-O

haayyzz! naalala lo tuloy na magba-balentayms na. 😦

ikaw pala tagalaba ny undies ng bebe mo. how swit. ahehe 😆 ingatz na lang sa pakikipaghabulan mo, baka di mo mamalayan na nahulog na pala “precious” betlogs mo. hehe 😎

badoodles @beer o hehe, ano un, detachable betlogs. wish ko lang. nang maisampay ko naman sa balikat ko at maipagmayabang sa opis.

11 02 2008
earthlotus

ayos ah, tagalaba ng undies ni mrs, ayhii!

tapos habulan sa buong bahay hanggang sa bakuran ng walang saplot, how sweeeeet! nyahahaha..

buti pala at “hilain ko tonsil mo” ang banat nyo, kala ko eh “pitikin ko (yun na yun) mo..” hehe.

peace tayo ser badoodles! haha. ^_6

badoodles @earthlotus meron ding pitikang nagaganap. pitikan ng ilong. hehe

11 02 2008
mayletti

naks! Ang kulit naman ng buhay mag-asawa nyo. Parang ang sarap mag-asawa. haha! Siguro mga 7 years from now. Hapy balentayms.

badoodles @mayletti 7 years from now? pwede. wag lang sobrang tagal. ung kakilala ng ate ko, kadedelay mag-asawa. di na nakapag-asawa. balita ko nag-iba ung tunog ng ihi. malamang magsara un.

11 02 2008
Maldito

mali ang pagka bilang mo bossing…since august pa kay aako nandito!!hehehe….minsan lang ako nuoon mag comment kasi wala pa akong blog…toink….ikaw ang nag udyok saken sa kagagohan sa blog..lols

badoodles @maldito oo nga no. hantagal na pala nating magkasama. six months! langya, time travels fast. ganun siguro pag makulit parang ambilis ng mga araw.

12 02 2008
bakal

kay sarap nang may minamahal… ika nga ng kanta. Saludo kme hi junior sa iyo!

badoodles @bakal yebah

12 02 2008
bakal

pahingi ng tips badoodles…hehe

badoodles @bakal ha? bakit ka nanghihingi ng tips di ka naman waiter? hehe. tips, saan ba? sa pagtatakbo ng hubot hubad o sa paglalaba ng panty? di ko alam e

12 02 2008
atty. yei

ang sweet naman….maligayang araw ng mga puso!!!

badoodles @atty yei lykwise am payn tenk yu.

12 02 2008
phot

Mr. Badoodles, malaki po ang paggalang at paghanga ko senyo eroo..
TAEH KA MR. BADOODLES KINIKILIG AKOO!!!
waaah. hahaha. 😛
HAPPY VALENTINES PO!

badoodles @phot asus ibang klase ka naman gumalang pabantutan. pano na lang pag binabati mo ung kagalang-galang mong titser, ‘mam taeng durog ka! taeng durooggg!’. hay naku [kamot ulo]. hehe. jok onli. hapi balentayms din se yo.

12 02 2008
jhia

im learning.. 🙂
the best talaga tong blog mo pare 🙂

nakaka adik!

badoodles @jhia salamat mare. kakaiba ung blog mo para akong nasa bat cave, handilim. pano ba mag-navigate dun?

12 02 2008
stephn

badods… sna nga masaya lagi ung balentayms noh… kaso hnde…
support nmn sa amin na boboykot sa katorse! sasabay kme sa rally para kay lozada!!! haha.. hapi balentyms

badoodles @stephn may rally kau? yoko pumunta uwi ako ng maaga, manonood ako ng mga babaeng nagre-wrestling sa putikan. hehe. nakakapag init ng ulo talaga yang mga magnanakaw sa gobyerno – oo si abalos, fg atibapa. anlalakas ng loob magsinungaling kahit alam na ng taumbayan na sinungaling sila. kung ako lang tatay ng mga yan, tinuhog ko na ang lalamunan nung mga bata pa lang, ng hindi na nagkasungay at nakapinsala sa lipunan. mga anay na put… hay naku!!! inis

13 02 2008
jepoy

wehehe

badoodles @jepoy wehehe ka dyan.

13 02 2008
jepoy

wehehe mlapit na pla ang 30 yrs

ayos nga may bahay na kmi pareho pagkatapos ng mahabang hulugan

hehe tig isa kmi e

ym mo ko pag punta ka info

bc na kmi ngaun konti kc prelims

badoodles @jepoy tig-isa kau ng bahay na kinuha? sige, ok yan, gawin nating beerhaus ung kinuha mo. tapos kuha tau ng mga ago go dancer na sinliit ni mahal at mura. wala, trip trip lang. haha.

13 02 2008
beer-O

hehe 😆 parang ganon na nga yon! jowk lang kuya bosing. 😎

badoodles @beer O bakit ako lang may detachable betlogs? dapat ikaw din. lagay mo sa may bandang noo. di ba astig? joke lang tol. hay naku, kung saan saan na napunta tong usapang to. kulit mo.

13 02 2008
Nemcy

kaiinggit! :p

badoodles @nemcy sus kaw naman. wala namang kainggit dun. hehe. [insert emoticon na nagba-blush]

13 02 2008
beer-O

haha 😆 sige na nga kuya bosing para fair. gagawin kong hikaw yong isa. da ader wan sa gitna ng noo kasi gustong kong magka-third eye. bwahaha 😎 ang layo na nga natin sa topic! sori sa pangungulit.hehe 😆

badoodles @beer O ayos yan. makita ka ng mga taga-karnabal huhulihin ka at ikukulong sa hawla. pagkakakitaan ka at gagawin kang fertility god, hahaplos-haplusin ng mga mag-asawang gustong magka-anak.

13 02 2008
arabongpinoy

nakikidaan at nakikitambay lang po…..nakakainggit naman kayo…naaalala ko tuloy ang mga unang taon din namin ni commander-in-chief….

parehas pala tayo..labandero….ako nga after 15 years labandero pa rin..buti ka pa nga hindi ka pinaglalaba ng japanese flag..ako kasama yon…..

13 02 2008
randomdemeanor

ang swet swet nyo naman sa pecthyur!!! matagal-tagal na din akong di nakatambay dito….namiss ko na ang magcomment kaso..eto..hiningal pa ko bago makarating sa comment box..ahahahay!!

ganda nman ng set-up nyo jan!!! hahahh!!! walang rules?? tsk, GANDA NG BUHAY!!!

samin, uso pa ang sermon, kurot, hampas at oo, tigidong ng kaldero sa ulo!!!pero enjoy naman, natatawa nalang ako kasi di na masyadong masakit tulad nung paslit palang ako na kunting kurot sa hita…ngawa agad.

God bless sa pagsasama nyo!!

badoodles @random pasasaan bat ga-gradweyt ka din jan.

13 02 2008
randomdemeanor

ay ser!!! salamat nama’t natuto ka na ring manglaba ng bra’t panty…ang mahal na kaya ng mga ganyan ngayon…tapos pupunitin lng!! buti nama’t di naubos ang underwear ni Ms.BebeKo sa kakapunit nyo, master!!! lolz!

badoodles @random hindi naman. binigyan ko si BebeKo ng limang daan, pambili ng sa bawat panty nya na napupunit ko. 😉

14 02 2008
Ces

hehe! nkkatawa ang mga kwento mo! 😀

badoodles @ces salamat marami.

14 02 2008
Not here

aasa asawa ka ksi. andito pa nman ako na pwede once in a while but anytime of the day or night. mas maganda nman ako kesa sa bebe mo nu

badoodles @marielle gavino asa ka pa. sus kapalmuks ka naman masyado. mag-salamin ka nga minsan. nagpapaniwala ka naman sa nanay mong maganda ka. nanay mo kaya un.

14 02 2008
kai

hi..
nice my picture na..
huli kong punta kasi dito wala pang picture..hehe

happy valentines.. 🙂

badoodles @kai oo nabasa ko kasi ang iniisip mo. mind reader kasi ako. nababasa ko din ngayon na iniisip mo kung nai-lock mo ba ung bahay nyo pag-alis mo. oo, hindi mo nailock. hala, dali, balikan mo na, maunahan ka ng akyat bahay gang.

15 02 2008
jepoy

yak! hobbit haus na bastos

di pede haus for rent ko yun hehe

badoodles @jepoy loko mas malaki kikitain natin dun pag ginawa nating beerhaus un. ano ka ba, mag-isip ka nga. [hehe, ewan ko lang kung di tau pagbabatukan ni maylabs mo]

15 02 2008
madbong23

hey mate, isinama kita sa links ko ha? sa wakas mayroon na din akong blog.

badoodles @madbong gud day mate. sige link din kita. at si kotseng kuba pa ang host site mo. ok ah.

15 02 2008
wanderer

dapat talagang isama ang porn dvds sa priority sa buhay…hahaha. akala ko ako lang ang may ganitong pananaw. hahaha

badoodles @wanderer heckshuli, kasama tau sa 90% ng populasyon na ganyan ang pananaw sa buhay. ung iba, gusto pa ding magnormal-normalan, panay pa din ang deny. hehe.

15 02 2008
devilbesidesyou

naks nman
kaya gusto ko ng magasawa eh

wanted : husband
must be at least 5’9
magaling magbasketball dapat
dapat maraming nba cards din
marunong ng english at ilocano at pati na rin magbisaya
at higit sa lhat dapat marunong mgalaga ng 7 aso,,cant leave my babies alone

badoodles @devilbesideme wow! parang nag-apply ng trabaho ung magiging boypren mo. sinamahan mo na din sana ng tanong na, ‘marunong ka bang maglaba?’, ‘kaya mo bang i-handle ang tantrums ko?’, ‘mabilis ka bang bumili ng merienda?’. hehe. juk.

17 02 2008
phot

Mr. badoodles, dala lang ng emosyon yan. HAHA. :))
nga pla, kaw ba ung picture sa taas?

badoodles @phot asang taas? ung nasa piktyur frame sa taas ng monitor mo? hindi ako yan, boypren mo yata yan.

18 02 2008
auee

Naks, ang sarap. Parang live-in partners pa lang.
Ganyan pa din kaming maglambingan ni mister.
Tipong “tadyakan kita dyan” or “wag kang matutulog nang mahimbing kundi patay ka”… It’s amazing how 6 years can increase your passion
😛

badoodles @auee kaya nga. di ako naniniwalang nababawasan ang tamis ng pulot gata, passion at libog habang tumatagal ang panahon. para kayang alak yan, habang tumatagal, lalong nakakalasing. hehe.

18 02 2008
marian

mangun? or mamangun? hindi ko po sila kilala hehehe 🙂

badoodles @marian oo, natanong ko nga. di raw kau magkakilala pero baka magpinsang buo lang ung apelyido nyo.

18 02 2008
beer-O

napaka-imaginative mo talaga kuya bosing…pero malaking pagkakamali ang gagawin nila pag nagkataon. kung ayaw nilang magkaanak ng abnormal, wag na wag nilang gawin yon. hehe. baka kasi may down’s syndrome at epilepsy ang maging anak nila at ako pa ang masisi. bwahaha 😆

badoodles @beer o korek.

19 02 2008
twiger

halu! congrats po! antgal ko ng hindi napasyal sa blog mo at nakapagbasa. iba po ba talaga pag may asawa na? mukha namang enjoy ka eh and masaya. shweet shweetan hehe.. congrats again! 🙂

badoodles: @twiger oo ganun din ako. tagal ko na ding hindi nakapasyal sa blog mo at nakapagbasa. pagiging masaya sa buhay may asawa ay state of mind lang. hindi kelangang puno ang wallet palagi. sabi nga, im happy inspite of …

20 09 2011
Destrey

Apperication for this information is over 9000—thank you!

20 09 2011
mgiidujans

G17E7H tjyrsvkpsbfr

19 02 2008
kai

oh my gosh…hindi ko nga po nailock…ahehe…ok lng maiwan ko hindi nakalock un pinto ng bahay namin, may guard naman po dun eh…hehe…lol!!

badoodles: @kai big taym. may guard. kami din meron. pinababantay ko nga ung bahay namin sa afp chief of staff ng pinas. hehe

21 09 2011
Johnette

If your articles are always this hleufpl, “I’ll be back.”

20 02 2008
Kai Reyes

exciting pla buhay may asawa, geez. sana im that happy kpag ngpakasal nko. ehe.

badoodles: @kai sabi ko nga ang pagiging hapi ay state of mind. ok din ung nagboboksingan kau paminsan minsan para masarap ang pagsusuyuan. hehe. biro lang.

20 02 2008
izekhyle

awww.. kasweet… soon to get married sana ganun din… hay..

badoodles: @izekhyle good. dahil ang pag-aasawa, parang bitag yan wala ka nang kawala dyan.

20 02 2008
kalories

natuwa ako dito. sobra. hehehe. 🙂

badoodles: @kalories tutal naaliw ka sa akin, bayaran mo na ako. hehe. talagang ganun, nagbebenta kasi ako ng aliw

21 02 2008
batang buotan

Ang saya naman ng pagsasama nyo. Bwahahahaha. Magaling. Magaling.

badoodles: @batang buotan oo. sobra.

24 02 2008
kabute

“Dapat ‘yung strap ng bra ang ginagamit na pangkusot dun sa bra mismo.”

question po.. pano kapag strapless? *isip*

badoodles: @kabute di yung strap nung ibang bra. hayzz, kaw talaga kala mo mauutakan mo ko..

26 02 2008
ennaoj

tnx at ngkaroon me ng libangn d2 s shop tnx god n ntagpuan q ang isang kwen2…………….nagkainterest me basahin kc nk2rel8 me malapit n ksal kming magpakasal n nho2 q….saka nakatAWA tlag kaso medyo may pagka…ehem

badoodles: @ennaoj may pagka.. intelihente? kaw naman. hehe, hindi naman masyado. haha!

27 02 2008
kikaymatsing

Hi! Nag-blog hopping lang ako and I found out your blog. 😀

Korek! I can relate to this post talaga. Hubby ko rin used to download pornos eh sabi ko bakit ka pa magda-download when you have the real thing di ba?

badoodles: @kikay ano kasi, kaya kami nanonood dahil sa isang noble na adhikain – para naman hindi kami mapahiya sa aming maylabs performance wise.

27 02 2008
phot

Mr. Badoodles, ung picture na couple sa post mo. Ung nagkikiss!
wala pa akong boypren. 9 yrs old palang ako. HEhe:)

badoodles: @phot bastus! sino yang walang magawang nag-post ng nagkikiss? hehe. ako pala. oo kami yang nagkikiss-kissan. ngek! talagang bata ka pala. nakupo rated pg-16 tong blogsite ko. parental guidance, dapat kasama mo ang parents mong nagbabasa nito. dali tawagin mo sina mommy at daddy mo.

2 03 2008
dreamvib

hahah! very funny! But that’s the reality.

badoodles: @dreamvib korek.

4 03 2008
phot

Ahhhhhh!!! Eh Mr. Badoodles, kung gayon ang gwapo nio pala!!!! Pag naka side view. :))
Kamuka si Christopher De Leon este Christopher Roxas. (Ung asawa ni Gladys REyes)

Mr. Badoodles!! Joke lang ung Nine years old! kaya nga, “HEHE” eh. Kinse na ako. lapet na Disi sais. Okay lang yun. Sanay na ako sa mga topic nio. Yey!

BUKINGAN NAAA!!!:))

badoodles: @phot kamuka ko sino? si christopher de leon? hinde. pinaghalong george clooney at si bentong, un ang kamuka ko. haha!

o tignan mo, kinse ka pa lang. nagbabasa ka na ng blog ko. sumbong kita kay tulfo.

17 03 2008
phot

wala pong masama dun! hindi naman po masama ang humanap ng kasiyahan sa pamamagitan ng pagbabasa ni Badoodles eh.
At least, may natututunan ako.. KAHIT PAPANO!! hehe..:D

badoodles: @phot tenks. aylabit. sabi mo yan. wag moko sisisihin.

29 03 2008
shao shao

waaah, boring na boring nko dito sa opis mabuti n lang at napdpad ako sa blog na itohh..elow mr. badoodles, galing galing naman ng blog muh..ginagamit muh sa kalokohan yun talino muh, hahahah..joke lang poh

badoodles: @shao shao ‘lam mo ba sa intsik ang shao shao? sinong nagpangalan sau nyan at maidemanda natin. hehe. sau ba ung mga kotse jan sa veoh.com, pahiram nga ng isa, magjo-joy ride lang ako sa paligid ng opis. 😉

1 04 2008
shao shao

hi mr. badoodz, hehe dko nga alam ibig sabihin nitong pangalan ko eh bsta tinawag na lang akong “shao” ng barkada koh.. eh parang cute sa pandinig kaya yun fil n fil ko nah..haha anu b ibig sabihin nyan sa intsik ah mr.badoodles??

sana hindi bastos..haha

ayan, binago ko na yang link ko ahh, hehe =)

badoodles: @shao shao haha! link ko kaya yang nilagay mo. heckshuli, bad ang shao shao sa intsik. yaan mo na, wag ka lang gumala-gala sa binondo, ok ka na. saka tama ka cute pakinggan for a girl’s name. malay ba nila 😉

8 04 2008
shao shao

sino po bang nagsabi na girl akoh?hehe uu nga cute tlaga, kasing cute at kulet ng mga blogs muh dito…haay, mr. badoodz, kelan ko po kaya mtatapos basahin lahat ng mga posts niyo, simula 2002??hehe ang kukulet kasi ehh, tsaka nagiimprove from the start hanggang ngayon sa palagay ko..hehe

galing galing mo tlaga!! sana pala matagal na kong napadpad dito ng hindi ako nahihirapan ng ganito, hehe biro lang

keep it up mr. badoodles!! ur da man!Ü

badoodles: @shao shao yes! aym dah man. oo, tama ka jan, dati kasi plastik pa ako, painglis-inglis epeks pa ako noon. ngayon e lumabas din ang tunay na dila. hehe.

16 04 2008
shao shao

..and it turned out to be more witty and pleasurable..

CONGRATUMALATIONS!!!haha

badoodles: @shao shao pero isipin mo na lang kung naging abugado ako. araw araw kelangan kong nakabusangot para mukang convincing sa kliyente na normal at mapagkakatiwalaan ako. but we jas don’t know, baka mas maraming bloopers sa buhay ng isang abugago.

27 06 2008
b@kekang

ang swit,,ngtitirisan ng pimples,,aq pgnglalambing inaalisan q ng balakubak(na kasinlaki ng oatmeal)hubby q..at saka ala dapat pride ang mag asawa..para lagi happi..mis q n mg pafootspa sa hubby q hay..

badoodles: @bakekang yan naman ang gusto kong gawin sa misis ko. [ung foot spa, hindi ung tanggalan ng balakubak na sinlaki ng oatmeal.] haha! tama ka, bawasan ang pride.

27 06 2008
b@kekang

hmmn..nglalaba u ng panty at bra?baka ikaw nag susuot nun?hahaha joke lng po kuya..hehehe

badoodles: @bakekang ganyan ako magmahal. labandero sa umaga, masahista sa tanghali, sex slave sa gabi. san ka pa.

3 03 2009
simplicityisbeauty

hanep ka talaga badoodles. balanse ang kalokohan at kasweetan.
both of you are very lucky to found each other..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: