Catch Me If You Can

15 02 2008

Kakaiba talaga ang pagba-blog, nakakaadik.  Para kang may ‘Second Life’ sa ibang dimensiyon.  Suspetsa ko magiging patok pa ito sa mga susunod na henerasyon kaya malamang ganito ang magiging ‘future conversation’ ng bawat pamilya. 

Daughter:  Hate u na Dad.
Dad:  Bakit ba?
Daughter:  Ayaw mo akong ka-exchange link.  Kaazar.  Hmmp.
Dad:  Tangek, i ping back mo kasi ako. 

Pero dapat wag pa rin nating kakalimutan na der’s more to life than blogging.  Mga importanteng bagay tulad ng panonood ng mga babaeng nagre-wrestlingan sa putikan atbp.  Hehe.  At kung matagal akong mag-reply sa comment, heto ang mga pinagkakaabalahan ko sa labas ng blogging community: 

Football League.  Mainit ang match namin ng kalabang team nung nakaraang linggo.  Tanggal nga ‘yung isang ipin ng kasama kong si Harley, bali ‘yung nose bridge ni Brent, at duguan sa tuhod ‘yung dalawa pa, pero ayun, olats pa din kami.  Buti na lang ‘The Saints’ ang pangalan ng team namin kung hindi taena, baka dinaan na lang namin sa suntukan ang laro.  Nagcramps nga ‘yung hita ko pagkatapos.  Buti na lang tapos na ‘yung laro dahil kung nagkataong sa field ako na-injure, malamang nanugod na si BebeKo at pinagpapalo ‘yung mga nakalaban namin.  Protektib, kina-career ang pagiging stage wife.  Hehe. 

Manila Cup Dragon Boat Racing.  Kung matuloy kami, ito ang unang beses na magko-compete ako sa boat racing.  Ilang buwan na din kaming nagpa-praktis sa Manila Bay tuwing madaling araw.  Masangsang ang Manila Bay sa umaga dahil puno ng maliliit na isdang patay sa pampang.  Siguro nag-aaral pa lang lumangoy ‘yung mga isdang ‘yun kaya nalunod.  Sobrang lapot din ng tubig dahil sa plastik, dumi, at durog na dyebs, para nga akong naghahalo ng champorado sa higanteng kawa.  Kung di pa kami manalo sa ‘masagwang’ training na to, ewan ko na lang. 

Happy Walk.  Isang parada na sponsored ng Down Syndrome Association of the Philippines.  Pupunta kami dahil espesyal kay BebeKo ang mga special children.  Psychologist kasi siya.  Saka andami kong natututunang aral sa mga special children.  ‘Yung tipong pano nila nae-enjoy ang mga simpleng bagay tulad ng pag-ihip ng mga bula sa hangin.  Para ngang nakakainsulto dahil hindi ko kayang matuwa dun.  Parang tayo tuloy ang may disability, dahil wala tayong kakayanan matuwa sa mga simpleng bagay sa buhay. 

GP2W Olympics.  Parang intrams ito sa kumpanya namin, kelangang makipagbonding moments sa opismeyts para isulong ang aking hidden agenda na mangutang pag nakapos sa budget.  Maglalaro ako ng scrabble, bowling at pitik bulag.  Nagpraktis na nga akong maglaro ng scrabble kagabi kapustahan si BebeKo.  Isang Red Ribbon cake ang pusta.  At ngayon ko lang aaminin na pag umaalis si BebeKo para baliktarin ‘yung pinipritong isda, pinapalitan ko ‘yung mga tiles ko ng mga ‘winning letters’ sa lalagyanan.  Hehe. 

Comedy Cartel.  Mangungumusta kina pareng Patrick, Tim at Allan.  May palabas sila sa Mag:net Café sa The Fort.  Sila ang bumuo ng Comedy Cartel, isang all boys comedy group.  Oo, dahil may humor din ang boys.  Bago pa ito naging big time group na Comedy Cartel ngayon, naging saling pusa nila ako noon.  Pero nag-hiatus ako sa grupo dahil nakakasagabal sa aking planong maging pinuno ng Abu Sayaff.  Ang totoo nyan, fall guy ko lang sina Kumander Robot.  Ako talaga ang may pakana ng lahat ng kaguluhan sa Pinas.  As in.   

Run For Pasig River.  Di ko alam kung anong konek ng pagtakbo para luminis ang tubig sa ilog Pasig.  Pero try ko pa rin.  At pagkatapos kong tumakbo ng matulin, titignan ko kung luminis nga ang ilog Pasig.  Pag hindi pa rin, iihian ko na lang.  Merong acidic property ang ihi ko katumbas ng chlorine sa gripo, kaya baka sakaling luminaw .  Pag hindi pa rin, at least sa pagtakbo, sigurado akong liliit naman ang butchog ko. 

Tree Planting at Ipo Dam.  Environmentalist kaya ako.  Dati akong nagtrabaho sa DENR bilang tagabilang ng puno sa gubat [oo, merong ganung trabaho sa gobyerno].  Pag may nagregalo sa ‘yo na ang wrapper e diyaryo o lumang Remate o Tiktik, ako ‘yun.  Mahilig akong mag-recycle.  Pati nga ‘yung brip na sinuot ko ng Lunes, side B naman ‘yun pagdating ng Martes.   

CashFlow Game.  Naimbitahan akong maglaro ng isang kaibigan sa Ortigas.  May bayad pero discounted na daw ito sa halagang 250 pesos mula sa orihinal na 800 pesos kapag nilaro mo ito sa Asian Institute of Management.  Ang CashFlow ay isang game na naimbento ni Robert Kiyosaki, kilalang awtor ng Rich Dad, Poor Dad.  Pag naglaro ka nito, matututo ka daw ng sandamakmak na business insights and principles.  Tamang tama ‘to sa ‘kin kasi balak kong mag-business ng puto at kutsinta.  May promo pa nga akong binabalak na sa bawat isang daang puto na bibilhin mo, may libre ka sa king isang pirated porn DVD.   San ka pa. 

Oo, meron pa pala akong asaynment na turuan ng Tagalog ang bago kong bos na poreynjer.  Heto i-email ko nga sa kanya mamya: 

Tagalog Assignment for the Week:  Astig – (azzz-teeeg) adj. 1. means cool
Use in a sentence:  The water I am drinking is astig. 

Tinuruan ko din si bos ng kaugaliang Pilipino tulad ng ‘pasalubong’.  U hev to give pasalubong ebritaym  you come from different place.  Na-excite yata, kaya kahit galing lang sa labas, may dala-dalang pop corn.   Inuuwi ko naman kay BebeKo.  Hehe. 

Ikaw, kwentuhan mo nga ako, magkamustahan tayo, anong pinagkakaabalahan mo outsayd blogging? 

Advertisements

Mga Tugon

Information

44 responses

15 02 2008
Harley

Hoy R*******, sayo pala itong site na ito! Nagpa x-ray na ako. nyahaha.
wala namang bale ang ilong ko. pero hindi na ako maglalaro uli ng lecheng football. napaka brutal ng kalaban. tsk. kita kits sa 5th floor >:) ganda ng blog mo bro!

badoodles @harley haha! idol. langya kinabahan ako sau nun ah. muntik nakong napatawag ng 16-911. hehe. pero panalo naman tau nung last saturday game, pasok pa tau sa next round. kaya nga e, sabi prenli games, un pala ‘royal rambol’ hehe.

15 02 2008
musikheiress

“Ikaw, kwentuhan mo nga ako, trip trip lang, anong pinagkakaabalahan mo outsayd blogging? ”

-uhmmm.. trying hard para maging potograpir! hahaah!
at pagsusulat ng mga bagay2x para sa blog.. hehehe

**nice posts nga pla master! 🙂

badoodles @musikheiress pasampol naman jan. dali piktyur-piktyur. ano pinipiktyuran mo, tao o bagay bagay? pag tao di ba say cheese, pano pag tanawin ang pipiktyuran, say mouse? hehe, corny ko.

15 02 2008
linglingbells

dami mong pinagkakaabalahan! baka naman lagi kang pagod niyan, pano kayo magkaka-baby?? (talagang gusto ko na kayong magka-baby noh?! hehe!)

ako? eto ang mga ginagawa ko outside blogging

-magpaalipin at makipagbolahan sa mga professors
-manood ng madaming pelikula (kelangan, film student ako)
-asikasuhin ang lablayp
-kainin lahat ng pagkain sa ref namin
-at i-text regularly ang aking mga dabarkads

badoodles @linglingbells ok naman, pagkatapos umiskor sa laro, nag-iiskoran kami sa isa’t isa. hehe. yaan mo, kaw ang una naming sasabihan pag meron na.

huwaw! ansarap ng ginagawa mo. magiging direktor ka ba o film critique? astig cguro maging film critique, manonood ka lang babayaran ka pa.

16 02 2008
eijhaymhac23

kuya, hehe… nakakatuwa ung mga articles moh dito. In fact, may mga natutunan ako.. hehe… azzz-teeeg.. hehehe.. COOL… uhm, ako, pinagkakaabalahan ko naman outside blogging?

*web designing ng isang website
*mag-aral ng assembly language
*mag-text sa hun ko..
*at umimbento ng mga bagong algorithms sa pag=solve ng rubiks..
nyahahaha.. kip up the gud work kuya..

badoodles @eijhaymhac23 buti ka pa may natututunan. ako wala, alam ko na ung sasabihin nya e. hehe.

assembly language. sakit ng ulo yan, hehe ayokong alalahanin. bakit kasi tinuturo pa yan e kapanahunan pa ng world war 2 yan. ung barkada ko nagpakadalubhasa sa assembly language, ayun pinapaakyat sa tuktok ng mga cell sites para magpalit ng ic otsenta pesos per hour. hayzz.

pag may naimbento kang bagong algorithm sa pagsolve ng rubiks, turo mo sakin ha. hehe

16 02 2008
geisha

hmmm ano kaya yun….ang dami!

.: bonding moments with my landlady na may paranoia slash schizo (therapy nya para gumaling)

.: nakikipaghabulan sa mga batang namamalimos sa kalye namin (lumayas kayo dito!..shooo)

.: makikipag chikahan sa mga tambay

.: matulog, kumain, movie marathon, matulog, manlalaki at matulog ulit!

🙂

badoodles @geisha sige, sagipin mo lahat ng nababaliw sa metro manila. dumarami na e. sa luneta lang, di ko ma-distinguish kung sinong may sayad, at sinong normal-normalan

16 02 2008
lilmiz

ay ang saya, dami mo aktibitis kuya! 😀 pwede sumali? san ba dyan ang hindi nakakapagod physically, mentally at emotionally? hehehe 😛 eto lang sakin eh:

window shopping (ala kasi pambili hehe). magbasa. magdvd marathon. matulog. maligo. magtutbras. kumain. maglinis ng bahay (wushu). maglaba (wushu ulit). magpanggap na may ginagawa sa work hehe. makipagchikahan. uminom. kumanta. sumayaw. travel-travel kung napapayagan at kung may datung lolz. sumali sa GK kung may mag-imbayt (bagay daw kasi ako maging construction worker eh lolz). at recently lang ay pumupunta ng gym para lang makakita ng artista! (dami ko ng nakita yeyy! 😀 ).

haha ambababaw pala ng mga pinag-gagawa ko 😦

badoodles @lilmiz pwede mo ba akong patayuan ng bahay? mahirap din naman ako ah, saka ex-iskwater din. hehe

16 02 2008
koreanmine

grabe ang sked ah! parang taartits! .. parang 34 hours ata ang 1 day mu, cguro time management ang tinututuro mo dati 😀

samantalang ako, work,mamam at bahay lang, di ko pa mapagkasya oras ko 😦 feeling ko, lagi ako deprived ng tulog 😦

** at naxx,, very gud hubby talaga, suportib kay misis 😀 berigud!

badoodles @koreanmine hinde naman, parang rolling stone lang ako, kung saan saan lang napapadpad. sabi nung training ko, mali daw ung time management kasi di pwedeng i-manage ang time – fixed na un. dapat is self management. i-manage ang sarili para gawin ang mga bagay-bagay. anyhoots, napaniwala naman nila ako.

16 02 2008
mcrey

Mga babaeng nagwre-werstlingan sa putik << may ganyan sa WWE diba? Kaya lang nawala kasi pumutok yung silicon ng isang beybs dahil sa paglagalpak sa putik…

“The water I am drinking is astig.” LOLs…

Paano kaya yan sabihin ng boss mo? Hmm…

Tunganga… flash… photoshop… aral (yes!)… make sense? Ewan… haha… basta alam ko mabuti akong bata (parang anghel) kapag nasa outside world ng blogging.

badoodles @mcrey dapat kasi yang mga babaeng nagre-wrestlingan, bakal na lang nilagay nila sa boobs hindi silicon. ayan tuloy pisak ang bulkan. inis. hehe.

16 02 2008
camilleeee

nde ka nga halatang ‘busy’ kuya. 😀

agree ako, kaka-adik nga ang pagba-blog. na kahit malalaglag na isang bola ng mata mo, eh todo pa rin ang takatak ng kibord.

aside from blogging, ang ginagawa ko ay:

– maglaro at paliguan ang mga alaga ko. (aso)
– nag sa-sideline (pambili ng choknut) 😉
– nag fo-photoshop, (inaaral pa ibang tekniks)
– nag dedesign… (ng mga silyang walang upuan)
– nood tebe
– soundtrip
– mag-AIDS sa opis (As If Doin Something)

at..

mangulit sa mga pamangkin ko yey! (pebs ko!) 😉

badoodles @camilleeee worth it makipagkulitan sa mga pamangkin. ako din, pag umuuwi ako sa min nakikipagkulitan ako sa mga pamangkin ko. boxing kami, cympre talo sila. hehe. kung minsan naman ung mga beybi, hinahagis ko sa ere. pag hinagis mo mukang nagulat sa ere, nakakatuwa.

16 02 2008
bernardumali

nakup, parang nagulpe de gulat ako, wala na ata akong ibang ginagawa maliban sa blogging. kahit ata work hours nagbablog ako hehehe. e mereon pala: mag multiply, mag pinoy exhange at ngayon mag secondlife. natry mo na ba? http://www.secondlife.com

badoodles @bernard yan ba ung pwede kang pumili kung anong lahi ka galing? pwede ka ding pumili kung anong gusto mong maging apelyido? kung yan yun, na-try ko na. isa nga akong indian jan na may mehikanong apelyido. hehe

16 02 2008
madbong23

pag-umorder ba ko ng puto at kutsinta may libre delivery dito sa nz? lolz.

ang pinagkaka-abalahan ko ngayon ay yung XMOD racing car ng anak ko(tingnan mo na lang sa youtube). ito yung racing cars na mayroon pang shocks at pwedeng i-upgrade yung makina, lagyan ng headlights at palitan ng drift tires or bodykits. pwede pa nga lagyan ng neon lights sa ilalim. hindi siya yung laruang r/c na pangbata kundi pang 14 above. parang tunay na kotse ang dating. ang bilib ako dito ay yung super tulin niya tumakbo considering na maliit lang siya. mas madalas nga ako maglaro nito kaysa anak ko.

badoodles @madbong huwaw! pede bang exchange deal na lang tau? saandaang pirasong putot kutsinta kapalit ng hummer? tenks. ambait mo talaga. hahaha! nakaka-excite namang hobby yan kaso mukang masakit sa bulsa. makikiusisero na lang ako. hehe.

16 02 2008
beer-O

hanep naman kuya bosing. di rin pala masyadong active ang social life mo. pero baka yan ang dahilan kung bat dipa kayo nakakabuo ng Bebe mo. hehe 😆 at kumusta naman ang pagbabaliktad ng brip? parang nagawa ko na yun dati. ahehe

sabihin mo kung open na business mo. bili ako agad para may libreng porn DVD. lols!

eto lang naman ginagawa ko aside from blogging…
-manood ng DVD (all genres kahit porn)
-mamasyal sa mall at magsukat kahit di bibili
-maglaba tuwing sabado (no choice eh)
-magtext nang magtext pag unli
-magplay ng CDs (pina-burn?) ng paborito kong artists (all RnB)
napaka-boring…

badoodles @beer O pareho pala taung labandero. importante u enjoy wat ur doing. kesa naman mapalipad ka ng saranggola sa kalawakan suot ang space suit tapos di ka naman pala nag-eenjoy sa ganun, gastos lang. dun ka na sa ‘things dat make u happy’

17 02 2008
Holy Kamote

lahat na lang busy. hehehe.

teka, tatakbo pa ako. malapit ko ng mahabol ang sarili ko. aabutan ko na sya, at konting-konti na lang, makakalabit ko na sya sa likod.

badoodles @anino ni holy kamote – pers taym ko pa lang makausap ang anino ni holy kamote. kumusta mo ako sa kanya. ibang klase ka, aninong marunong mag-blog. maturuan nga din ng ganyang tricks ang anino ko. baka pede ring paunahin ko anino ko papasok sa opis, mag time in at magtrabaho ng kusa.

17 02 2008
antuken

hindi ka naman busy ano?

ako walang pinagkaka-abalahan ngayon kundi trabaho. as in no social life. after work, uwi bahay, kain, magpa-cute kay antuken ko, matulog. at pag-gising, same routine. pag week-end, umuwi ng bahay namin (kung san ako lumaki) at humilata maghapon! kaka-ilang humilata sa bagong bahay ko. baka sabihin ng in-laws ko, batugan ako. hehe.

badoodles @antuken importante magkasama kau ni antuken mo. dats wat matters most. kahit ilang ulit nyo pang gawin d same routine, parang pers taym pa din ebritaym.

17 02 2008
iceyelo

Rexxy, Mukhang loaded ang eskedyul mo? musta ang balentayms?

badoodles @ice hehe. napagalitan ni bebeKo. late nako dumating e may surprise epeks palang ginawa.

17 02 2008
The Gasoline Dude

Kaingggit! Andaming activities! = D

Sa Cashflow game, nakalabas ka ba sa Rat Race? Panalo yang game na yan! = D

badoodles @gas dude susubukan ko pa lang. rat race? sige lagyan ko na lang ng mouse trap para maungusan ko ung mga kalaro ko.

17 02 2008
rain

andmeng gngawa… kbilib… mga gngawa ko, e2=>

*upudin ang hinlalaki ko kktxt sa mga dabarkads ko…hoho!
*mkpag-mit kay katrina halili sa panaginip…
*at pagicpang mbuti kung mgshi-shift aku sa architecture… ampf…heheh…

badoodles @rain buti naman nakakadalaw pa si katrina halili sa panaginip mo. lagi din kasi kaming lumalabas. sa panaginip ko. hehe.

17 02 2008
chalkdust

tingin ko rin malabong luminis ang ilog pasig kahit gaano ka pa kabilis tumakbo. ano kayang konek nun? sino na naman kaya nagpauso ng ganun.

badoodles @matagal tagal pang panahon bago tuluyang maging malinis ang ilog pasig. pero sabi nga ni lao tzu, a journey of a thousand miles begins with a single step. in da meantym, ienjoy muna natin ang potential ng ilog pasig na masama sa episode ng amazing race kung saan ang mga contestants ay lulusong sa maduming tubig at kung sino ang mabubuhay pagkatapos ng 3 minuto ay makakaarangkada sa susunod na round.

17 02 2008
phot

nakoo Mr. badoodles.. andami nio namang ka chorvahan at ka eklatan sa buhay. Ako nga eh, kumakain lang, pumapasok sa school, kakaen ule, makikipaglandian sa school, kakaen uli tas uuwe sabay bukas ng pc, tas magbabasa sa kwentongbarbero tas kakaen ule. Haru.. nakakapagod din un ah!

Ingat poo! 😀

badoodles @phot oo nga, dami mo ring kachorvahan at kaeklatan sa iskul. lagot ka susumbong kita sa nanay mo.

18 02 2008
auee

May time ka pa ba for marital s*x nyan??

badoodles @auee [eto ung parte ng usapan na magyayabang ako] heckshuli, ang advice ni doktora e bawasan ko daw ang aking libog sa katawan. brushing of teeth saka eat ur meals lang ang 3x a day. hindi kasama dun ang seks.

18 02 2008
elrey_md

muli, iyong napatunayan na ang buhay ay maaring maging mkabuluhan..

na ang ating kasihayan ay hindi lamang maidudulot ng pera-pera, trabaho, sex, alak, o teknolohiya..

bagkus..

may mga bagay na magpapalawak di lamang ng ating paligid o pansariling pananaw – kundi sa atin naring pagkatao.

kalikasan..
palakasan..
kultura..
komunidad
pagtulong sa iba ng walang hinahangad..
ang minsang maging “bata” muli..

at sympre,

ang ating mga simpleng gawain , sakripisyo at pagpapahalaga para sa mga taong mahal natin sa buhay…

isang tagay para sa’yo, badoodles!

ako, sa muli kong pagbabalik-bayan..

lalo ko pang tutuklasin ang ganda ng PINAS ( ibat-ibang tanawin at gandang Pinay,hehehe…)
at sasabak muli sa mga liblib na lugar para sa medmissions at umaatikabong tulian na naman..nyayahahaa!

badoodles @mr d napakapayak at arousing ang iyong sinabi. pakiramdam ko tuloy parang gusto kong magpakabayani, sagipin ang mundo sa global warming at magsuot ng pulang cape, at pulang spandex brip sa labas ng pantalon. tenks.

at saung pagbabalik pinas, go go! sagipin ang susunod na henerasyon ng pinoy mula sa mga supot!

18 02 2008
gasti

andaming activities nyan! hanep! napagkakasya mo oras mo dyan? buti ka pa.

ako kasi eto lang pinagkaaabalahan ko.

*paabutin ng 30 ranks ang nilalaro kong nba live 08 sa psp
*ma-unlock ang lahat ng kotse at mapa sa ridgre racers 2 at sega rally
*magbike paikot sa subdivision
*mag drive
*magpalaki ng katawan

inggit ako sayo andami mong sports activities..

badoodles @gasti hindi lang katawan mo ang lalaki sa mga ginagawa mo. lalaki din ang hintuturo mo, hinlalaki, dirty finger, at betlogs mo jan sa kalalaro ng psp. kaya isurender mo na sa akin yang psp mo.

18 02 2008
karen

hmmm..tenx for the idea ha..anyhuus..ang buhay ko outside blogging:

1. trabaho sa hospital (kaya hindi ako masyadong nakakapag-update ng blog ko)
2. mangunsume sa mga pasyenteng makukulit at mahirap makaintindi (pero masaya!)
3. makipaglandian sa beb ko (at sa pusa kong si memeng)
4. ang magkaroon ng maraming lupain/ari-arian…sa Sims 2
5. pag-aralan mag Adobe
6. manood ng House MD na dibide
7. maghanap ng mararaket maliban sa pagtinda ng avon, longganisa at eload/autoload (“ms pa-eload nga.. ung sun”)

oo nga..ako rin nagtataka..bakit kailangang tumakbo para sa ilog pasig? hindi ba pwedeng linisan na lang ng derecho ung ilog o required talagang tumakbo? 😛

badoodles @karen kala ko kumakanta ka din ng kay karen carpenters. hehe. panalo ang number 2 – malaking challenge yan. para ka ding bayani jan, ikaw ang tagasalo ng misery, pain and sorrow ng mga tao sa paligid mo. get get awww! [sex bomb epeks]

18 02 2008
dimaks

ang dami mo palang sidelines pareng badoodles! hindi ka rin busy ha, hehe.

badoodles @dimaks hindi nga e. nagwa-warm up pa lang yan. musta jan sa bansang hapon, snow is falling down na ah.

18 02 2008
krisjasper

RE: happy walk… Learning disability at autism mga patients ko… Mabuti naman at na aaware na ang society about them.

badoodles @kris oo, dey are life’s questions waiting to be answered.

18 02 2008
gerrycho

outside blogging — hmn… work? maglaro ng DOTA Allstars at magbasa ng self help books 😀 nyah! ang corny,

uy tip naman badoods pano naman na-imbetahan mag laro ng cash flow game? mukang astig yan huh!

badoodles @gerrycho di ko nga alam kung bakit ako kinukulit jan. porke ba kamuka ko ung gobernor ng bangko sentral ng pilipinas e mukha na din akong mapera. hayzz.

18 02 2008
Joice

haha. ang angas pala ng mga past times mo. ako ito ginagawa ko madalas outside blogging: gumawa ng aking blog layout. hehehehe. adik eh.

badoodles @joice oo nga sa labas ng blogging yan, sa may gilid gilid. kulit ka ha. paluin kita sa pwet e.

19 02 2008
byterslair

sobrang dami naman ng activities mo outside blogging, nakakahinga ka ba nyan? ako simple lang, mahilig din me sa sport like pakikipag-agawan ng remote, wrestling kung sino makaka-una sa ps2, unahan sa mesa pag-chowtime, patagalan ng tulog at marami pang iba….. hectic din schedz ko noh?

badoodles @byterslair oo naman. mas mahirap nga yang ginagawa mo. kelangan ng matinding taktika, pambabraso, matinding pagpaplano, at matinding pang wawantutri sa mga kapatid..

ngapala, welkam sa wordpress, pano na ung i.ph site mo?

19 02 2008
linglingbells

mas gusto ko maging direktor kasi mas maaksyon! hahaha! promise yan ha, sabihin mo kagad sakin pag may baby na ha.. excited na talaga ako! hehe!

badoodles @linglingbells oo pramis, cross my heart. mamatay na buong maynila.

19 02 2008
beer-O

haha 😆 ganun na nga, kina-karir natin ang pagiging labandero. sayang din kasi ang pambayad sa labandera eh. kaya, sariling-sikap na lang ako sa paglalaba.

oo nga naman. ang importante ay mahalaga. ahehe 😆 seriously, ang importante eh nai-enjoy natin ang maliliit na bagay na ginagawa natin.

badoodles: @beer O hirap maglaba. kumbakit pa kasi nagpapawis pa ang mga tao. sabagay, concerned siguro si papa jesus sa industriya ng detergent powder kaya naimbento niya ang pagpapawis ng tao.

20 02 2008
jepoy

Mga pinagkakaabalahan ko at di ako makapag blogging?

a eh..

Monday- Friday (AM) pasok sa skool, magkunwaring mabait sa mga prof at magsuplado sa mga klasmeyts hehe, mamerpek ng mga exams, gumawa ng mga utos ng mga butihing(hehe) profs

(tanghali- hapon ) uwi sa bhay kain, nood TV o laro NBA sa PC ,tpos tulog

(gabi)gising kain ligo bihis ng korporeyt attire at papasok sa work. pag in magbabasa ng mga spams. magwowork ng konti with downloading of idols on the side. gagawa ng mga assignment if meron. pag may time (at wala ang pusa maglalaro ng mga emulators, maghahanap ng makakain pag nagutom, pagmeron kakain ,pag wla matulog na lng, pag gising magaout na at papasok uli sa skool.

pagdating ng weekend panay basketball,Sat AM basketball sa skool tpos uwi agad hahabulin ang nba sa ch.9 tpos magbabasketball kami ni my dear hehe, laro nba live padin sa pc (season e!)tpos pag may uaap khit shakeys v league talo talo na yan PM basketball sa court optional depende sa kung gano kabata ang mga kalaro hehe ( iba na ang matangkad!)
Sun AM gising 10am para manood uli ng nba sa ch9 napuyat kc magdamag na nagNBA live sa pc, tpos oorder kmi mg pizza to celebrate the week hehe habang nanonood ng chismis ZTE scandal at iba pang scandal na wlang sounds! tpos pag hapon na its either basketball sa labas o PBA n lng dear. Sa gabi papanooring ko ang mga idol na nadownload ko sa net. at ulit na po ng ulit uli…

badoodles: @ jepoy sana magbunga ang iyong masigasig na pagbubulbulista. ano resulta ng intrams nyo? balita ko nakapasok kau sa third place – sa tatlong team na naglaban-laban. hehe.

20 02 2008
Lenggai

dami mong aktibidades manong badz! pano ba sumali dun sa mga marathon-marathon na ‘yan? wala kasi akong kaibigan na athletic eh. hehehe!

at ok yung turo mo sa bossing mo na dayuhan. neks taym ituro mo rin kung gaano kahalaga ang “bonus” sa mga empleyadong pinoy… nyahahaha!

badoodles: @lenggai malamang lalo ka na dahil life in d fast lane kaung mga media. oo, installment kong tinuturuan, hehe

20 02 2008
bluedreamer

wow its nice to be here i love you blog my friend
nakaktuwa me isang pinoy site na namn me na na discover by the way i put you in my roll para maging active me dito have a nice day

badoodles: @bluedreamer sige lagay din kita dito. have a nice day

21 02 2008
devilbesidesyou

:deadnana:

21 02 2008
bluedreamer

kamusta dalw lang po sa blog mo have a great day

badoodles: @blue kamusta. salamat sa dalaw. [hehe, para akong bed ridden sa ospital ah, may padalaw-dalaw epeks pa kaung nalalaman] asan ang apol, mansanas at grapes ko? hehe

22 02 2008
tmselbor

byterslair.i.ph po bosing, medyo seryoso ang mga usapan sa site na yun. Dito sa wordpress (ohthots.wordpress.com) nasasalamin ang kabilang dimension ng makulet kong pagka-tao…

badoodles: @tmselbor sa ohthots na ko syempre

4 03 2008
jepoy

hehe champion lang kmi sa intrams

ung informatics varsity ang 3rd place sa basketball at voleyball

badoodles: @jepoy champion nga kayo, durog durog naman buto ni pareng eugene. putek 100 tawsan sa operasyon para mareconstruct ung buto nya? ilang shawarma na kayang bilhin nung 100 tawsan na tau. hoy, di ko sure kung makakasama ako bukas sa st lukes ha, on call ako sa tarbaho e. di rin pede sunday kasi lam mo na, sex slave ako sa araw na un. hehe.

5 03 2008
Layla

did you watch Conflicts of Law ba? The pic on the San Beda football field caught my attention.

badoodles: @layla bagong pelikula ba yun? hindi pa. oo sa san beda yan tuwing sabado, dun kami nagpapawis. sobrang makabuluhang bagay na gawin para sa kin, habang ang mga san beda law students ay nakakunot noong nag-aaral ng batas para sagipin ang bansang pinas sa kamangmangan at kahirapan. astig no?

7 03 2008
JP

hayop sa extra-curricular activities ah.
ako awtsayd blogging, naglalakwatsa sa umaga, kumakayod sa gabi.

badoodles: @jp kumakayod sa gabi? sabi ko na nga e, holdaper ka no? bold star? tubero? wag ka na mahiya ako din dati, ganyan ang trabaho ko.

2 05 2008
jombee

ahmn di naman ako masyadon bz… outside blogging kasi ito ung mga pinag-aabalahan ko..
– nakikipag-usap sa bosing ko about sa mga plans and projects ko if paano mapababa ang gastos (part of job responsibility
-nood ng basketball (liga kasi sa amin)
-doing may part time job
-kain
-tulog
-salesboy sa maliit kong sari-sari store
….yan lang poh….

3 05 2008
Jon Cabron

wala akong buhay sa labas ng net dahil lumpo ako 😦

12 09 2008
Nephilim

Ang chorine po eh base, di po acid.

28 08 2011
edgaRD

author kana, invertor kapa, entrepreneur kapa at may promo kapa; san kapa?????

28 08 2011
edgaRD

inventor…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: