Kids Do Darndest Things

22 02 2008

Alala ko nung bata pa ko, pinakaayaw ko ‘yung family reunions o pag  may bisitang kamag-anak sa bahay kasi ginagawa kang ‘instant entertainment’.  “Magaling magbilang ‘yan ng 1 to 100, parinig mo nga anak, sige na”.  Gasgas na nga ‘yung A-B-C-D-E-Ep-Dyip sakin saka nursery rhyme na ‘I’m a little teapot, short and stout.  Here’s my handle and here’s my spout” [madapacking sheet, di naman ako teapot, bakulaw ako, bakulaw!].  Pansin ko sutil-in-da-making na ako nun, ayaw ko lang ipahalata kasi pag-dinodoktor ko ‘yung ABCDEFG na sinusundan ko ng H-I-J-K-Elementary, nilalakihan ako ng mata ni Mommy, sabay hila sa titi ko.  Magkaroon kayo ng nanay na katulad ng Mommy ko, kung hindi humaba ng husto ang titi nyo.    

Tito:  “Sige nga, 1 to 100 ka nga.” 
Ako pabulong:  Taena tito, gusto mo pa 1 to 100 pabaliktad e 
Ninang:  “Nursery rhymes ka nga ng I’m a Little Teapot.”
Ako pabulong:  Ninang, buhusan po kita ng kumukulong tubig, gusto mo po?  

Gusto ko pa sanang ipakita ‘yung dirty finger ko sa mga bisita kaso maga na talaga ‘yung titi ko eh.  Ganun siguro talaga pag bata, maraming ‘unconscious’ na kalokohang sinasabi o ginagawa.  Ngayong malaki na ako, panahon ko namang matawa sa mga siraulong pinaggagagawa ng mga pamangkin ko.    

Minsan, tinanong ng pamangkin kong si Shioti bakit ko kini-kiss ng parang halik-aso si BebeKo.  Sinagot ko ng, ‘Kasi tinitikman ko kung maalat ang laway nya’.  ‘Yakk, kadiri ka tito’, sagot ng bata sabay takip sa mata. Hehe, pag sinabi ng batang yak  ka, yak  ka talaga.   

May panahong sobrang OA din mga yan.  Nung nagbakasyon kami sa min, nakita kami ng pamangkin kong si Duday na nagyayakapan ni BebeKo sa kama.  Takbo sa nanay nya at nagsumbong, ‘Mama, si tito binabastos nya si tita.  Dali tignan mo, nagbabastusan silang dalawa’.   Hindi po kami nagbabastusan, nagmamahalan kaming dalawa. 

May pagka-ultimate racist din ang mga bata.  Minsan dinala ko ‘yung isa kong pamangkin na si Bonsai sa Jollibee.  May higanteng mama na kasinlaki ni Batista na nasa unahan ng pila.  Hinatak ni Bonsai ‘yung pantalon ko sabay turo dun sa mama.  ‘Tito, may negro.  Ayun o’.  Shhhh, sinaway ko ang salbaheng pamangkin ko.  ‘Tignan mo tito, malaking negro talaga.  Negro tito, negrooo!!’, inulit pa na parang hindi naman obvious.  Lumingon si negro, este ‘yung mama.  Matalim ang tingin, napikon yata.  Any moment, pwede akong pagbuhul-buhulin at gawing Rubik’s cube.  Tumingin ng masama kay Bonsai na sinuklian ng bata ng inosenteng ngiti.  ‘Sabi ni tito, negro ka daw’.  Langyang batang ‘to, ginawan pa ko ng kwento.  ‘Hmmmpp… itsura mo’, sagot nung mama sa pamangkin ko sabay taas ng kilay at talikod.    Ngek pinatulan ang bata! Binabaeng negro.  Buti na lang ganun, pano na lang kung nagkataong si war freak bad ass Mike Tyson ‘yun, baka sobrang basag-basag ang bungo ko pwede na akong gawing jigsaw puzzle.   

Hay naku, mga bata talaga kasing pilyo ng Tazmanian devil, kasing-cute ng anghel.

Advertisements

Mga Tugon

Information

44 responses

22 02 2008
Jeckass

hahahaha! kanina na lang nung sumakay ako sa likod ng fx, may katabi akong mag-ina. yung bata mga nasa 3 years old pa lang. tapos, may sumakay na siang malaking lalaki na medyo maitim, sabi nung bata “tse dagul!” sabay turo dun sa lalaki. pinigilan ko yung tawa ko, kasi baka ako ang mapagbuntungan nung lalaki. pero sa totoo lang, kamukha talaga nung mama si dagul..hahahahah!
buti na lang, mabait yung lalaki. nag-sorry yung nanay ng bata, tapos ngumiti lang yung lalaki. sabi niya, okey lang bata naman kasi yung nagsabi. pinigilan ko pa rin yung tawa ko..hahahahahahahahahahahahahahahahahaha!

badoodles: @jeckass haha! pahamak na bata. buti hindi pinatulan ng lalaki ng ‘tse bulul!’ hehe. alala ko tuloy ung kwento ni bebeKo tungkol sa nakababata nyang kapatid na si cecil. pag sinasabihan siya ng kung anu-ano sinasabi ni mama-in-law na wag nyang patulan kasi wala pang isip yown. palagi na lang ganun. kaya reklamo na si bebeKo: ma! hello, college na wala pa bang isip! natawa talaga ako.

22 02 2008
koreanmine

mas nakakatawa minsan yung ka inosentihan tlga nila..
empre bata, mga 2 yrs pataas, katabi sa kama,natutulog, hapon ,nagising, sabi, mama, yatigidig ka?? 😀

badoodles: @koreanmine waw, pati ikaw nahawa. buyoy ka na din. hehe. yatigidig? ano un pimpol na tumatalon o kabayong tumatakbo?

22 02 2008
mcrey

HHmmmm…

ito na ba ang sign na malapit nang magkaroon ng JUNIOR?!

Heheh… naku, malaking trobol kung talagang mala-mike-tayson yung Malaking Mamang Negro…

Opps… Kuya, hindi ako nagsabi niyan, ikaw!

Lols…

badoodles: @mcrey haha. lul. wala pa. sana tatlo na nga lang betlogs ko para wala nang excuse pag di pa nakabuo. hehe.

23 02 2008
watusiboy

nakakainggit minsan kasi they can make those comments and can get away with it. pag matanda ka na at sinabihan mong negro ang mga malalaking mamang negro… ayoko nang isipin ang susunod na mangyayari.

badoodles: @watusiboy tama ka natumbok mo ang gusto kong sasbihin. ang haba-haba ng post ko e eto lang naman talaga ang gusto kong sabihin. hayzz.

23 02 2008
jepoy

May kulang sa kwento mo…

e ano tawag sa yo ng mga pamangkin mo???

ung tawag sa yo na gusto mo clang pitikan sa itlog hehe???

aminin!

badoodles: @jepoy oo nga. inis. ung tinatawag nila akong sobrang pogi. asar. bad trip. pag sinabi pa naman ng mga bata, totoo talaga yun. haha!

23 02 2008
wei vines

ehehehe… favorite ko talaga laruin yung mga ganyang bata… tapos turuan pa ng kalokohan..solve ang araw ko 😉

badoodles: @wei vines ung anak ng kumpare ko andaling turuan, lalo na ung ‘anong problema ni mama?’ inilalagay agad ang hintuturo sa palad na nakabuka. hehe. bukas tuturuan ko namang magdirty finger sa kapitbahay.

23 02 2008
camilleeee

nyahaha 😀 iba talaga pag kasama ang mga makukulit anu, kuya?

yung mga pamangkin ko nga, nakakalagas ng buhok sa sobrang ka hyper-an sa pgka makulit eh. andaming napapansin, at talagang sinasabi ng harap harapan.

nung birtdey nga nya, naukray si mascot jollibee. nung nilapitan sya para ayain sumayaw, aba’y tinarayan sabay sabi, “hmp ambantot mo jollibee, nde kba naliligo?”.. waaaa . nahiya ako dun sa manager.

kagabi din bago natulog, nagtanong, bat daw si elmo, kulay blue tas si barney, violet. ay naku.

hay, mga bata nga naman.

badoodles: @camilleeee hahaha! ang kulit nga. may future sa pagpapatawa ang batang yan. andami pang tanong na walang kasagutan. buti hindi tinanong kung bakit pangit si barney. hayzzz.

23 02 2008
earthlotus

nyahahaha. ayos yun ah.

masarap maging bata, lalo na kung ganyan ka kawalang muwang at kapilyo, hehe. ^_^

kaiinisan at katutuwaan ka ng marami, hehe. 6_^

badoodles: @earth parang si ako, bente otso pero utak grade wan. hehe.[hehe, talagang siningit na naman ang sarili. ]

23 02 2008
Maldito

hehee…i missed my kiddos at home….kahit ako..i still do darndest things..wahahhaa…..kid at heart naman ako eh…kaya tamang teacher sa mga pamnagkin k din..wahhaha….i even taught them dirty fingers..wahahahhaa..

badoodles: @maldito magaling. turuan mo din sila pano magdirty finger gamit ang toe nails. haha!

23 02 2008
linglingbells

mas nasasaktan ako pag bata ang nang-asar sakin.. mas totoo kasi yung asar nila kaya naaasar talaga ko.. hahaha!

badoodles: @linglingbells pwede pa din namang suhulan mga yan, kaso masakit sa bulsa. parang mga embudo ang tyan. mayat maya jollibee. hehe.

23 02 2008
tmselbor

ganon talaga mga bata, palaging nagsasabi ng totoo, pagsinabi sayong bastos ka 99% correct talaga yun. sabi nga ni linglingbells mas totoo ang mga bata mang-asar, actually hindi asar tawag dun…katotohanan na masakit tangapin. buti nalang baby pa pamangkin ko mga 2 yrs pa bago ako makarinig ng masakit na katotohanan…hehe!

badoodles: @tmselbor sabi nung pamangkin ko, may kamuka daw akong artista. si bentong.

23 02 2008
phot

alam mo ba, mr. badoodles..
nung bata ako.. nasa tindahan kasi ako nun nakaupo.
eh nangungulangot ako.. nakita ng lola ko. sabi nya “hala, bata ka, nagkakalat ka na nman.” sabi ko, “kalat ba to la? eh san ko toh pwedeng itapon?”
abay sabi ba naman ng lola ko ” eh di kainin mo”
Hindi ko naman sya kinain. Tinikman ko lang. Tas natawa ung lola ko.
Ayunn.. naikwento ko lang.
🙂

badoodles: @phot hahaha! panalo sa kakulitan. hindi lang natawa si lola, malamang na-curious din un. ‘hm… hindi naman maalat ah, madulas sa dila’. haha!

23 02 2008
musikheiress

hahaha! ayos! payter!

badoodles: @musika hehe, di ko na-gets. hehe ulit.

23 02 2008
antuken

kids really do say the darnedest things. i have posts in mu blog about the innocent hirits of my pamangkins… sobrang nakakatawa sila di ba?

ang cute pa ng pamangkin ko kse mejo bulol na inglesero na british ang accent, san ka pa.

and i could totally relate yung sinabi mong kung anu-ano ang pinagagawa nung bata… kami tuwing pasko, pinapakanta, pinapatula at kung anu-ano pa…

pero alam mo kung ano yung masarap sa mga batang yan? pag uuwi na sila sa mga bahay nila, nag-a-alburoto. ayaw umuwi. hehe. tapos when they kiss you goodbye, ang sarap ng feeling… haay, kelan kaya tayo magkakameron ng mga chikiting natin ano? hehe

badoodles: @antuken owyes. sarap akapin, hindi pa mabantot. si dolleen ung isang pamangkin ko pa, panay ang punas ng panyo sa pawis ko nung pictorial nung kasal. natatawa na lang ung mga potographers.

tsikiting patrol? malamang maunahan mo pa kami. hehe.

23 02 2008
bluedreamer

hahaha ako din naku ayaw ko din ng reunion masyado magulo
hahaha
have a great day

badoodles: @blue magulong masayang magulo. un yown.

24 02 2008
Tobey

halo. nahanap ko lang link mo somewhere. san ka sa tuge? liit lang kasi yun. dun ako dati nakatira :p

badoodles: @tobey bakit moko hinahanap? papakidnap mo ko? hehe. oo maliit lang ang tuguegarao. heckshuli, ako may ari nun. pag hinanap moko, sabihin mo lang san makikita ung siraulong louisian na pinaghalong kamuka ni brad pitt at bentong. ako yun, ako un.

24 02 2008
The Gasoline Dude

Parang gusto ko na magka-anak. Pero mag-asawa wag muna. Hehe.

badoodles: @gasoline dude hindi pede ganun bro. kasama sa package ang asawa. kung si papa God nga e hinanap nya si mama mary para magkaanak kaya ganun din tau.

24 02 2008
madbong23

naalala ko nung college pa lang ako, may nakasabay kami ni best friend sa dyip papuntang pasay rotonda na malaking tao, mayroon pang paso ng sigarilyo sa kamay (yung sa frat). aba nung magbabayad na ay ipit yung boses (high pitched). pigil kaming tumawa ni best friend pero hindi na kami nakapagpigil sa pagtawa nung yung isang bata dun sa dyip eh nagsabing “nay, nay, yung mama boses ipis” hahaha

badoodles: @madbong haha! buti hindi sumagot ung mama ng ‘mali ka! boses manika!’ hehe. baka un ung tinatanggalan ng betlog para habang buhay na boses bata.

24 02 2008
joice

haha mabuhay si bonsai! sigurado ako pag nagkababy na kayo ni bebemo eh mas makulit pa sayo!

yung pamangkin ko naman palaging gusto sya ang star, kaya pag may bisita sa bahay hindi na kelangan sabihan na “sige nga bilang ka nga”, kase sya na mismo gagawa nun, may sayaw pang kasama.

palagi rin syang nangangapitbahay para ipagkalat na top 1 sya sa klase. hahahaha panalo talaga silang mga kids!

badoodles: @joice ayoko ng kumpitensiya. gusto ko ako lang makulit. pag mas makulit siya sa kin, ipapasok ko sa loob ng ref o kaya sa ilalim ng lababo.

24 02 2008
sommer

…uuuuy, broody ka na ah!!!hehehe! goodluck!;p

badoodles: @sommer ano ung broody? teka, google ko lang.. ahhh, inahing manok? ahh, mali contemplative pala. hehe.

25 02 2008
alphasensei

oooh! ooh1 im still a kid coz i still say and do the darnest things!

badoodles: @alpha ung mga misadventures mo, oo i knw, u really are.

25 02 2008
rhiana

hahaha… bata nga naman…

badoodles: @miss rhiana kaw? parang di ka tumatanda ah? forever young ba.

25 02 2008
lilmiz

ahahah dinamay ka pa ng pamangkin mo kuya 😀 pero nakakatuwa talaga mga kids! gawa ka na kasi madami ahehe 😛 nung bata pa kapatid ko, naalala ko na pinadrowing namin sya ng baboy.. lam nyo ba ano dinrowing? kaldero na may tali haha.. kasi daw naluto na ang baboy at ginawang adobo hehe.. at ang purpose ng tali? mainit daw kasi yung kaldero.. heheh di namin alam pano nya naisip yun pero kyut diba haha ngayon di na ako nakukyutan, di na kasi bata 😛

badoodles: @lilmiz abay kalahi ko yang kapatid mo – advanced mag-isip. ganyang ganyan din ako nung grade wan. nagdrowing ako ng malaking itim na bilog. tanong sa kin nung titser ko ano yun. sabi ko kalabaw. e gusto ko nga na kalabaw un, bakit kasi nangengealam siya. nung college, tinuro sa min sa humanities subj ung tinatawag na artist’s interpretation. pag sinabi nung pintor na ung tuldok na ginawa nya ay aquarium, aquarium un, wala kang magagawa. ngaun gusto kong hanapin ung titser ko at ipagpilitang kalabaw talaga ung dinrowing ko noon.. hehe.

25 02 2008
dimaks

“Ninang, buhusan po kita ng kumukulong tubig, gusto mo po? ”

at least nagpo-po ka naman wehehehe!

badoodles: @dimaks kung naging suicide bomber siguro ako malamang magalang pa din ako. ‘ekskyusmi po, pasasabugin ko lang po tong bomba po, sa katawan ko po.’ hehe, kulit.

25 02 2008
randomdemeanor

wahahaahaha…gusto ko si Bonsai!!! ang hanes hanes nya talga…e di ba …ikaw kaya ang may sabi negro yung si…NEGRO…bwahahahah!!!

ganun talga mga bata, nagsasabi ng totoo…tulad ko…(utot)…lolz!

badoodles: @random pahamak si bonsai. kung nasapak ako nung negrong un, malamang gagawin ko talagang bonsai si bonsai.

25 02 2008
mcrey

hahaha… kakatakot yung Mamang Negro… tsk tsk tsk…

buti na lang yung bata ang pinagtuunan ng pansin…

eh baka naman natakot sa iyo yung negro?!

badoodles: @mcrey hindi ko sigurado kung sa akin natakot ung mama. naglabas lang naman ako nung balisong na sinlaki ng braso ko. maliban dun wala na akong ginawa.

26 02 2008
auee

Wow tungkol sa bata ang post mo, becoming broody hmm? 🙂

Sa JFK airport (nuong unang panahon), may mommy binabawal yung sobrang likot na bata (gusto ko ngang kutusan). Bigla nagsisigaw sabi “fffffuucccckkk yyooouuuu” hehe tahimik yung lounge.

badoodles: @auee haha! kala ko pinatulan nung nanay, sinagot ng, ‘taena mo din!. haha

26 02 2008
beer-O

waahhh…di ako nakapag-comment agad kaya eto hiningal sa pagi-scroll down. lols!

may kasama kaming dalawang bata sa road trip this weekend. ang kuleeeettt…kumanta ba naman ng “gonna i-i-e-o (2x), oh yeah )2x)”. tawa kami ng tawa sa van. ng tanungin namin kung ano ang “i-i-e-o”, ebak daw. haha! ibang level na talaga mga bata ngayon.

at alam na rin kung ano susunod sa kiss. maghuhubad daw at hihiga sa kama. kaya tinigil ko na ang pakikipag-kulitan. baka ako pa ang mapagkamalang “bad influence” hahaha 😆

badoodles: @beer O hehe,malamang mga susunod na henerasyon ng bata, dobleng advanced na. ‘tito, pagkatpos po nilang mag-kiss, kiss po ulit sa leeg, tapos sa pusod , tapos, tapos… hayzz, pati foreplay alam na alam’.

26 02 2008
gerrycho

hehe, kapag nakukulitan na ako sa mga bata sa amin, ang ginagawa ko iniuuntog ko yung ulo nila sa sala hehe… parang laro lang pero nakakarelieve din ng stress…

at nage-enjoy pa ang mga bata! darn! 😀

badoodles: @gerrycho haha! nakupo baka makalimutan mo mga tao yang pinipilipit mo hindi stress balls.

26 02 2008
phot

matanong ko nga sila lola kung na curious sya. idadamay ko na din ang pangalan mo, Mr. Badoodles. Yihaa.. Hahaha:D

badoodles: @phot nakupo wag mong idadamay pangalan ko, baka habulin ako ni lola ng itak. ayaw ko pang matuli.

27 02 2008
popoy

kakaaaliw…
superb…
bravo…
hehehe…
dapat pala gawin nga mga bata ngayon eh magpasaway palagi para makurot sa potoytoy at ng humaba para pag nagkaGF hindi sila lalayuan ng GF kasi masasarapan ang mga GF….

hehehehe… kasi mahaba at maga….

ang….
pagmamahal nila…

badoodles, hope u can visit my site at makahingi ng mga suggestion at kahit violent reaction. gusto ko mapaganda ang pagboblog. ayokong gawin to para sa akin, gusto ko gawin to para mashare ko kung sino ito.. gusto ko ipakilala ang sarili ko sa blogosphere(tama ba?) kasi ayaw nila akong kuning taartits kaya ayun.. tnx 🙂 eto site ko: popoyinosentes.blogspot.com

badoodles: @popoy heckshuli kagagaling ko dun kanina sa site mo. at tulad ng sinabi ko, somewhere along d way, ul find ur place here and d style ur comfortable with. go go! light the spark! [in tagalog, sindihan mo ang posporo]

27 02 2008
popoy

ayan pala.. adik talaga ako. hindi ko nacomplete yung form hehehe.

badoodles: @popoy adik ka. adeeeekkkk! oops, kaw maysabi nyan hinde ako. biro lang 😆

27 02 2008
beer-O

di imposibleng mangyari yan kuya bosing…few years from now eh baka mangyari yan! baka 3 years old pa lang eh nagbabasa na ng FHM at nanonood na ng porn. lols! iba talaga ang nagagawa ng gatas ngayon! galing kasi sa hayop ang iniinom ng mga bata kaya natututo rin ng kahayupan! ahehe 😆

badoodles: @beer o huwaw! ang galing mo pare. biruin mo ikaw nakatuklas kung bakit dumarami ang bad elements sa ating lipunan. nagmumula lang pala sa simpleng gatas. kelangang makibaka laban sa mga baka! makibaka! makibaka!

27 02 2008
popoy

salamat ng marami.. badoodles. akoy hamak na newbie pa lang… maraming salamat…hehehe

badoodles: @popoy walang anuman. dati rin akong virgin. sa pagba-blog isang taon na ang nakalilipas.

27 02 2008
popoy

badoodles isa pa pala.. kahit nasa blog ko na, humihingi po ako ng paalam kung pede ko ilagay yung blog link nyo sa aking site.. wala ka ng magagawa nandun na sya eh hehehe

badoodles: @popoy sige add din kita. basta tambay ka dito palagi. kundi ipapakidnap kita. ipaparansom kita sa magulang mo .

27 02 2008
gasti

nakakatuwa talaga ang bata..kahit nakakaasar na minsan sa sobrang kakulitan di mo naman pwedeng patulan dahil magmumukha kang masama..masarap lang talaga makipag asaran sa mga yan lalo na kung balat sibuyas mabilsi paiyakin.

hehe! nagtitrip din ako sa mga batang pinsan ko eh.

badoodles: @gasti yan naman ang talagang role ng mga pamangkin, at batang kapipinsanan. ang paglaruan at sampolan ng bruce lee kick. hehe. biro lang. baka mabantay bata ako. hehe.

27 02 2008
phot

Onga. Mr. Gasti. Parang ang sarap panuoring asar na asar na yung bata dahil sa pang iinis mo, Haha. Parang instant liveshow! hehe.

Mr. Badoodles, muka nio po. Mabuti un. Matuli ng wala sa oras. Haha.

badoodles: @phot haha! talagang may po pa ah. hehe. magalang. muka mo rin. po. hehe.

27 02 2008
madre gras

grabe kuya, tagal mo na palang nagbablog..

badoodles: @madre gras nong nakaraang taon lang. parang tseke ung iba kong post dito. post dated.

28 02 2008
Yang

hahaha… sir badoodles, sana nga magdilang anghel ka para forever young na… hehe

badoodles: @yang forever young ka naman talaga. basta tayong mga taga san gabriel
– mala anghel. hehe. nakow dinamay na naman ang sarili. wag sana akong tamaan ng lintik na kidlat.

29 02 2008
sickgrl

nyahaha..i can so relate
my mom would always ask me to dance
everytime my family gatherings
and it is still happening..
tuwang tuwa sila pagngssplit na ko
at ngsspaghetti pababa!haha

badoodles: @sickgrl sige nga, pakita mo nga. cartwheel ka nga… tapos split… tapos sommersault… tapos lahat lahat. hehe. pinaglaruan daw.

5 03 2008
stepn

haha.. speaking of bata.. nung nasa community assembly kami (boss…isa aq sa milyong nurse sa pinas!) napagutusan akong magbantay na mga bata na anak nina ate at kuya na umatend sa assembly namin… noon ko nadiskober na wla pala talaga aq tyag maging titser, naninigaw aq ng bata.. lalo na ung mga di masaway… naalala ko tuloy ung gnawa ng titser ko nung grade2 aq… binatukan aq! buti na lng wla pa bantaybata163 nun,, kundi.., patay kang Ms.Dikonamaalala! haha..

badoodles: @stepn wag ganun. kelangan gentle ka sa mga bata. tipong pasimple mo lang silang binabagsakan ng troso. ganun. haha!

6 03 2008
beer-O

haha 😆 tenks kuya bosing. ahehe. base lang naman yan sa king pananaliksik nung minsan malasing ako. hehe. alam mo na, lalo din akong tumatalino sa kababasa ng posts mo. haha 😆

kaya pag magka-anak kayo ng Bebe mo, wag na wag mong papainumin ng kung anek-anek na gatas. ipa-breastfeed mo lang. hehe 😆 woohoo! sabi nga sa ads, breastfeeding is still best for babies (and daddies) up to 2 years! haha

badoodles: @beer o ayokong breast feed ung baby. ano ako sira, e di may kaagaw na ako sa dede. akin lang un.

18 03 2008
Cinderella

hahaha..ang bait mo na kuya…hmmmmmm…sana naging kuya kita…siguro araw araw my ufc sa bahay..hahaha…mwah

badoodles: @cinderella oo, pag ako kuya mo, oras oras may rambulan. pati ung mga classmate mong bibisita sau papanain ko.

20 04 2008
chad

dati na itong kwento nung classmate ko ng highschool.

isang araw daw nakapanuod sya ng rated r sa bahay.

nagmamadali daw sya pumasok ng kwarto para mairaos ang init nya.

di nya alam sinundan sya ng bunso nyang kapatid.

nakita sya na nagjajakol.

biglang tumakbo ang kapatid nya sa nanay nya na nasa kusina….

bunso: nanay…. nanay…. dali puntahan nyo si kuya….
nanay: bakit bunso anong nangyari sa kuya mo?
bunso: nanay… nanay… dali si kuya nagpapakamatay……….
sinusuntok ang betlog nya…….

badoodles: @chad hahaha! langya, bakit ngayon ko lang narinig ang joke na yan. gumulong ako sa katatawa ah.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: