How to Kill a President

29 02 2008

Nakakaburat ang mga nangyayari sa bansa natin.  Bilib na bilib pa naman sa ‘kin ‘yung mga kaopismeyts ko pag nagsasabi ako ng huwag mag-abrod. ‘You are God’s little blessing to this country . This country is failing your expectations but you are still here to give it a chance’.   Kahit ako tuloy parang ayaw ko nang maniwala sa mga pinagsasabi ko.  Ultimo ‘yung pagsasabi ko ng ‘Pogi ako’, ayaw ko na ring paniwalaan. 

Parang gusto ko na ngang magpakalayo-layo at sa ibang bansa na lang tumira.  Gagamitin ko na lang ang talino at yabang ko para lalo pang paunlarin ang mga bansang tulad ng Singapore at Australia.  At siyempre, dun na rin ako magba-blog.  Sisimulan ko ang aking blogpost ng payak na bati tulad ng ‘Gud day mate.  Greetings from down undah’.  Pero sa kabilang banda, nagdadalawang isip pa din naman akong iwanan ‘tong bansang ‘to.  Isipin mo kung si Lozada na intsik beho ay mahal na mahal ang Pinas, ako pa kaya na isang lehitimong 100% purong exotic na nagmula pa sa mga lahing Ita-Indones-Malay.   

Medyo nakakabadtrip nga lang talagang isipin na ‘yung pipti tawsan pesos na tax na binabayaran ko taun-taon e mababalitaan ko na lang sa tv na ninanakaw na pala ng mga pulitiko.  Amazing packing sheet.  Pipti tawsan pesos, isipin mo yon?  Buti sana kung pinambili ng gobyerno ng asin na sinasahog sa kanin ng mga taga Payatas, e hindi eh.  Nakakahinayang. Biruin mo, ilang DVD ng haponesang hubad na sumisigaw ng ‘Boku no shiri ni kisu siro’ [kiss my ass] sana ang mapapanood ko sa halagang pipti tawsan.  Inis. 

Para mabawasan ang tantrums ko, boys night out kami nung isang gabi para manood ng Vantage Point sa Greenbelt kasama ang ‘Tatlong Itlog’ at si pareng Jay.  Hindi ko alam kung nananadya pero tayming naman ang pelikulang Vantage Point sa nae-experience nating gulong pulitika dito sa Pinas.  Tungkol ito sa assassination attempts sa Presidente ng US.  Umiikot ang kwento sa iba’t ibang point of views ng walong taong sangkot sa gulo – sina Dennis Quaid na gumanap na bodyguard ng presidente,   Matthew Fox na bumalimbing sa kalaban, Forest Whitaker [‘yung gumanap sa Last King of Scotland] bilang usisero at marami pang iba.  Pero eto na yata ang pinaka-astig na napanood ko ngayong taon.  San ka pa nakapanood ng pelikulang panay ang rewind – paatras ang sequence of events para matunton ang mastermind sa pagkakabaril ng Presidente.  Mamya ipa-flash sa screen ay ‘20 minutes ago’, tapos mamya ‘1 hour ago’, ‘1 day ago’.  Kala ko nga masosobrahan ng pagbabalik tanaw sa nakaraan e umabot na hanggang panahon kung kelan nabuo ang lupa, karagatan at atmospera sa mundo.   

Heckshuli, nakakatanggal ng bad trip ‘yung pelikula basta isipin mo lang ‘yung mga binabaril ay sina First Gentleman, Abalos, at Neri.  Isama mo na rin si Lozada at iba pa.  Bakit ba nangengealam ka, gusto ko nga siyang isama. Spoiler Alert!  Eto lang ang pelikulang hindi ko nahulaan ang mastermind ng assassination.  Kahit ikaw hindi mo talaga mahuhulaan. Pramis.  Oo, ‘yung mamang sorbetero lang pala ang may pakana ng lahat ng kaguluhan.  Natalo tuloy ako sa pustahan.  Iniisip ko kasi ‘yung mastermind ay ‘yung paslit na babaeng pakalat kalat sa bawat eksena.  Malay mo, may part II, ‘yung bata pala talaga mastermind.   

Pwede kayang mangyari din ang ganitong assassination attempt kay GMA?  Posible.  Pag nangyari ‘yun, hindi malayong ang master mind ay ‘yung nagbebenta ng taho sa tabi tabi ng Malacañang.  [Attention intelligence unit ng kapulisan, PSG, ayan, binibigyan ko na kayo ng tip].  

May mga bloopers  din ang pelikula.  Sa Salamanca, Spain ang location ng pagkaka-assassinate sa presidente.  Nagkaroon kasi ng car chase sa skyway at overpass para tugisin ang mga salarin.  Pero ang totoo walang skyway at overpass sa Salamanca.  Pag pinanood mo ng mabuti, parang naghahabulan sila sa skyway galing Alabang at overpass sa may bandang Cubao, hanggang maghabulan sa Quiapo sa loob ng muslim compound na nagbebenta ng pirated DVDs.  Hula ko, dito talaga sa Pinas ‘yung shooting, malamang nagtipid ang producer.  Nakita ko pa nga si Lito Lapid at Robin Padilla na tumambling tambling e. 

Nung huli, na-save ng body guard ang presidente.  Nagpasalamat ang presidente sa guard at nag-moment silang dalawa, akala tuloy ni pareng Abjil gay movie ang pinapanood namin.  Oo, matinding conspiracy theory talaga to dahil mukang may relasyon nga ang bodyguard at ang presidente ng US.   

Advertisements

Mga Tugon

Information

54 responses

29 02 2008
ka silyas

NIYAHAHAHA! wow! ayus ka talaga! makabayan, sige nga kantahin mong Lupang Hinirang!

badoodles: @ka silyas hindi kaya lupang hinirang yun, bayang magiliw yown!

29 02 2008
phot

Mr. Badoodles, mas praktikal panuorin ang My Big Love! Nuod kau! 🙂

badoodles: @phot ambata bata mo pa, nanonood ka na ng mga lab-lab stories ha. kung ako kuya mo, bibigyan kita jan ng big bukol eh. hehe. joke onli.

29 02 2008
linglingbells

sikat na sikat na naman ang pilipinas niyan pag in-asassinate si gloria!! ayos!

badoodles: @linglingbells magiging balita sa cnn: the last hobbit dies from bullet wound

29 02 2008
wei vines

ahahahaha! ako din, di ko nahulaan yan eh… 😀

badoodles: @wei vines di ba nga anlupent nun? pano yan dalawa na kaming nagsasabi na astig ung movie. nood na kau. pag di pa kau manood, lalatiguhin ko na kayo. wapak!!!

29 02 2008
mcrey

Sinong president ng US ang inasassinate? Piksyonal ba ang movie na yan?!

Nakikita ko yung mga promotional bannrs na nakapost along espana, parang ampanget… hmmm…

badoodles: @mcrey kunya-kunyariang president lang un. pinapangit ung poster para hindi lahat makadiskober na ok ung pelikula. hehe. oo, pangit talaga ung poster. kahit ako gusto ko ngang i photoshop hehe.

29 02 2008
watusiboy

haha. naisisingit pa rin ang mga haponesa kahit sa masalimuot na usaping ito.
totoo ba yang japanese phrase na yan: Boku no shiri ni kisu siro? magamit nga minsan pag may nakaaway ako.

badoodles: @watusi boy wala ka namang tiwala sa kin pre. totoo yan. momorize ko lahat ng mga bastus japanese phrases. pramis. eto pa: ang na ang na, sumaskidot, sulapuhin, mokomoko [say my name beets!].

1 03 2008
koreanmine

sa lahat ng nabasa ko na wento abt sa movie, d2 ako labis na naguluhan kung alin ang sa movie talaga at aling ang kathang isip mo lang 😀
wel at least, berigud, suspense p din pag nipanood ko 😀

and mabuhey ang pinoy na di nawawalan ng pag asa! mabuhey!!!!

badoodles: @koreanmine mind-twisting talaga. di mo alam kung kelan ako nagsasabi ng totoo at kelan ung jowk lang. hehe. happy hunting kung saan ang joke at kung saan ang hinde.

1 03 2008
SundaloNiyoAko

galing ng entry na to. sayang di ako makapag-comment maxado. sensitive topic. (utot)

badoodles: @sundalo patingin nga ng baril kung sundalo ka? hehe. bilangin ko nga ang asawa mo kung talagang sundalo ka. aba oo nga, isang dosena. sundalo ka nga.

1 03 2008
camilleeee

“…Pero eto na yata ang pinaka-astig na napanood ko ngayong taon. San ka pa nakapanood ng pelikulang panay ang rewind – …”

buti nde rin paatras ng paatras yung kinauupuan nyo kuya habang nood kau ng pelikula. hehe. 😀

imbayt natin si gloria manood nyang movie, baka sakaling may mapupulot din syang ‘aral’…. (wala akong sinasabing ang ‘mag moment’ ha)

badoodles: @camilleee sa sobrang hindi ako mapakali sa kinauupuan ko nung ending na ng pelikula, andun nako sa dulo, malapit sa cr. pinpigilan ang ihi. asteeg e.

1 03 2008
sickgirl

di ko pa toh napanood.ala ako budget meron na nmn sa dvd eh.dun na lng.pero kung si gloria ang i-assasinate nakngsandamakmaknaketongin sana matuloy yng assassination na yn.historical pa rin parang kay nenuy.

salaudo ako sayo bro.”sa isang forum site tawag ng isang ofw sa mga pinoy eh rotten penoys!”sapakin mo nga!

lab ko tlga blog mo.meron ka pa bang wento tungkol dun sa pagtuturo mo before.para kcng touchy ka dun!

badoodles: @sickgirl sinong ofw yan at sasapakin ko talaga. tatadtarin ko ang katawan at gagawing pulboron.

wag kang mag-alala lab ka din ng blog na ito.

1 03 2008
antuken

waah! i missed this movie! sayang! oi, nga pala, i stopped drinking muna. para makagawa ng baby. hehe.

badoodles: @antuken good! i stopped drinking na din [utot ko lang]. hinde, pramis, il stop na din. di ko lang sure kung kelan. 😉

1 03 2008
tmselbor

nakakal-utot talaga ang mga mader packing tapes na mga pulitiko na yan. bakit sila ganon? i ask myself…dumugo ang utak ko sa kakaisip lumabas sa ilong pati sa tenga. pero di ko talaga maisip talagang ganon sila. Nxt time gagawa din ako ng blog ang title Si Gloria at ang Batalyon PitVul. PitVul kasi hybrid sila ng Piranha, Tigre at VUlture.

badoodles: @tmslebor ganun siguro, hindi kayang iwasan ang masilaw. ako hindi ako nasisilaw sa mga ganyan ganyan. naka-shades kasi ako palagi . hehe.

1 03 2008
Maldito

may big love nalang tayu…ahahhaa….baka ano pa magawa ko sa presidente pag napanuod ko ang ganyan…peste talaga ang tax na yan…indi sana ako magrereklamo tuwing pay day kung indi naman ninanakaw ang tax natin….hay!pakyo!sabay sabay tayu!pakyo!lols

badoodles: @maldito ayaw kong i-fuck si gma. ano siya sinuswerte. hehe.

1 03 2008
madbong23

nagtrabaho din ako sa opis op d’ president and masuwerte ako na nakaserve ako ng 3 presidente pero hindi itong administrasyon ngayon. ang masasabi ko lang ay praning ang mga nakabantay sa presidente. maski nga nakilala ko yung ibang mga PSG ay pagnandiyan na ang presidente ay hindi sila mag-ta-take chances, pati kami ay sine-search pa rin.

badoodles: @madbong langya big taym ka pala. ako kahit minsan di pa ako nakakatapak sa malacanang. curious pa naman ako kung ano ang amoy ng presidente. nangangamoy kili-kili din ba sila?

2 03 2008
Poli

Ang saya siguro kapag na-assassinate si Gloria. Pero problema naman kung sino ang ipapalit sa kanya? Si Noli? Huwag na uy.

Si Kris Aquino kaya? Hindi na mamomroblema ang Pinas sa corned beef, shampoo, cake etc.

badoodles: @poli para walang away, ako na lang ang presidente. bubusugin ko ng pancit canton ang mga pilipino, pati na ang ayaw magpacanton, papacantonin ko. bibitayin ang lahat ng holdaper at ang mga suicide bombers ay paparusahan ng pangalawang kamatayan. libreng paospital sa mga may galis aso, at libreng pa-spa at massage sa mga babaeng sasamba sa aking larawan. and dis country will be great ageyn.

2 03 2008
Jim

heto tunay ‘to… hello from Down Undah! 😉 Well, mahirap nga desisyon yan. alam mo ba nung 2004 nang medyo nakakatakot ang possibilities na kung sino ang mananalo (well, either way kasi talo tayo nun eh) ay nag-isip ako na isugal pamilya ko dito at mag-TNT! pero siyempre nangibabaw ang pagiging praktikal ko (pag di ako umuwi may $37K ako utang sa Aussie govt!) heniway, coming soon pa lang dito yang vantage point, para ngang biro na at that time of the year napalabas yan–malay mo, mag-snap si Trillanes at gayahin yan! wehehehe! 😀 cheers mate!

badoodles: @jim sobrang nainggit ako dun ah. martilyuhin ko kaya yang ingrown mo . haha! biro lang po. kelan ka pa jan sa austrelya mate? bakit nga pala down tapos under pa, hindi ba redundant yun.

2 03 2008
MARU

nyahaha! pinanood ko ang movie ng MAG-ISA sa gamol. ayus sana kaso nahilo ako dun sa sobrang habulan nila ng sasakyan sa daan na parang singkitid ng kalye sa little baguio sa san juan! hehehe exajs ako.

oo nga! walang sinabing mastermind yung assasination tapos hindiko rin naintindihan yung dahilan nila kung bakit gusto nila tsugihin ang US President.

hahaha! pareho tayo ng inisip. amp! parang mga bading yung eksena ng bida tsaka yung president. wahaha!

badoodles: @maru langya na-mis kita ah. antagal mong hindi nakadalaw. papasabugin ko na sana yung blogsite mo kung hindi ka pa dumalaw ngayon. 😉

2 03 2008
foobarph

meron kayang pwdeng dumobol kay GMA? ^_^ ahehehe

badoodles: @foo meron si mahal.

3 03 2008
Lenggai

Sheters manong badz! pagkabasa ko pa lang ng “spoiler alert” hindi ko na itinuloy, lecheng mata lang to, nahagip ko pa ‘yung last sentence mo. pakshet talaga!!!

badoodles: @lenggai beri sharp naman ng mata mo, parang sharpener. media e… basta media malinaw mata

3 03 2008
Noime

HAHAHA. kailan kaya siya bababa sa pwesto? taghirap na ang Pilipinas eh. tsk.

badoodles: @noime sa liit ni gma, hirap nang umakyat sa kinauupuan nya, mas lalong hirap un bumaba. hehe. malabong bumaba si gma, ayaw siyang saluhin ni fg.

3 03 2008
batabatuta

hahaha..di q pa napanood ung movie, pero mukha pong maganda.,.hehehe…la lng…pede nga kayang gawin to kay madam president???haysz..sana..hehehe

badoodles: @batabatuta pwede mangyari kay gma. pero di na kelangan sa high tech na paraan. dito sa bansa natin, amoy pa lang ng manila bay nakakamatay na. 😉

3 03 2008
popoy

Nkakatuwa naman..Akmang akma ang pagshoshowing ng movie na yan sa kasalukuyang nagaganap sa ating bansa. Lalo na ang mga “BANTA” kunos abuhay ni UNANO(GMA). Cguro okey na din yan ng mabigayn ng tip yung mga assasin ng magandang paraan kung pano nila matitimbog at mauutas si GMA hehehe..ang sama ko!!! Gud movie cguro, cant wait to watch it…

badoodles: @popoy ang totoo nyan, ayaw ko pang maassassinate si gloria. di pa kasi nasasagot ung tanong ko kung pano sila mag-seks ni pers gentleman. anliit kaya ni gloria tapos damulag si fg.

3 03 2008
gasti

ayos to ah..kelangan ko magyaya ng makakapustahan kapag pinanood ko yang pelikulang yan. kunyari di ko alam kung sino yung papatay..ahehe!

tama ka dun nakakabadtrip talaga yang mga hinayupak na politicians na nagsisitabaan sa mga perang nakukulimbat sa tax natin..langya may pork barrel na may kick back pa rin.

at isa pa yang mga pirated dvd’s na yan..sayang nga yun 50k mo pre..eh di sana luwa na ang mata mo ngyon kakapanood ng hindi matapos tapos na kabastusan..lols! ok rin naman ang mga haponesa kahit mabuhok noh? haha!

badoodles: @gasti hindi ko sure kung mananalo ka sa pustahan. malay mo pag nanood kayo nung pelikula, magbago ung kwento. hehe.

oo, mga haponesa ang tunay na diyosa ng kagubatan. hayzz. [kamot ulo]

3 03 2008
harryparker

sus, sana mangyari iyan dito sa pilipinas. kung ma-aasassinate si gloria, yuhuuuuuuuuuu! yahoooooooo! grabe sobrang saya ko. sana yung 1981 assassination attempt kay pope john paul II e ganun rin ang mangyari kay gloria… o kaya’y tangkang pananaksak kay imelda noon, pwede ring gawin kay gloria!!! ang saya-saya noh!!!

badoodles: @harryparker ansama mo mag-isip kay presidente gloria. pwede namang i-flush na lang siya sa toilet, menos gastos. hehe, biro lang. presidente kaya natin un. bad u.

3 03 2008
mayletti

haha! ang astig talaga ng blog mo. Napakakulet. Naiisip ko rin yang sa tax. Grabe ha. Kahit pinaaral ako ng tax ng mga tao masama loob ko tuwing makikita ko yung tax na nababawas sa kin. Buti sana kung lahat yun o kahit 80% nun eh sa bayan napupunta at hinsi sa bulsa ng mga buwaya.

badoodles: @mayletti ang weird ng mga buwaya natin no. wala naman silang bulsa pero ang gagaling magtago ng pera. baka naman half kangaroo-half crocodile mga yan.

3 03 2008
beer-O

wag mo kaming iwan kuya bosing.hehe 😆 pero di kita masisisi. masyado na ngang masalimuot ang mga pangyayari ngayon sa pinas.

like most of the filipinos, di ko na rin masikmura ang ganitong sistema sa ating bansa. napakarami nang mga buwaya. minsan ko na nga ring naipost ang ganitong balita…

habang ang mga mahihirap ay nagdidildil ng asin, sila naman eh nagpapakasasa sa pera ng bayan. haayyy…may konti naman akong nai-contribute sa kaban ng bayan kaya di ko dededmahin ang ganitong mga isyu. 😆

sana lang eh di na umabot sa assassination to…suicide na lang! haha 😆

badoodles: @beer o kaya nga. naiinggit na nga ako e. kelan naman kaya yung ako naman nagpapakasasa sa pera ng bayan. haha! imposible o, kung ikaw suhulan ng 150 million dollars, di mo tatanggapin? ako talaga hinde. 151 million kasi presyo ko. hahaha!

3 03 2008
madbong23

tao lang din sila bro, pero hindi naman ako nakalapit pa ng talagang malapitan (yung bang para malaman ko kung amoy kili-kili, lols) . si tabako nga pagnagngangata na ng tabako niya ibig sabihin mainit ang ulo, kanya-kanyang tago muna kami.

badoodles: @madbong ganun? nakakatakot pala si tabako. kala ko kapreng naninigarilyo lang nakakatakot. bakit nga pala may 23 ka? idol mo ba si michael jordan? wag mong sabihing bente tres ka dahil kung ganun, e di pang kindergarten na lang ang edad ko. wehehe.

3 03 2008
antuken

sus, tumigil nga ako, last ata december pa, di rin makabuo… wala ata sa pag-tanggal ng alcohol yun… pag ito, di parin successful ngayong buwan, ay naco… saka na nga talaga at magiinom muna ako sa birthday ko… hahaha…

badoodles: @antuken knock! knock! kutusan kita jan makita mo. kelan ka lang kaya kinasal, january, mas nauna pa kami sau. emote nga si bebeKo dahil mahina ang kapit. owell, wag na lang nating pagusapan… 😉

4 03 2008
xienahgirl

wala.
diko pa napapanood
natawa lang ako
lalo na yung sinabi mo na
nagmoment yung bodyguard at presidente

paano kaya kung si
pGMA at yung isang bodyguard ang nagmoment?
yeeeee

badoodles: @xienah mali ka dun. si gma saka si manny pacquiao na. hehe. wala lang. gusto ko lang silang gawing lab team.

4 03 2008
jepoy

I agree maganda ang movie ngunit bukod sa gay scenes na sinasabi nyo e

ang corni na concerned ang mga terorista sa isang bata na masasagasaan!

Tama ba na kayang kaya pumatay ng tao pero indi makasagasa ng bata ?

not so terorist like…

Well salamat na lang din sa movie na yan at natuon akong manood ngaun ng

Criminal Minds. Waa sana nga magkatotoo ang dream ko na maging profiler!

May mga Behaviour Analysis books ba Bebe mo? peram naman!

badoodles: @jepoy oo nga no. di ko napansin un. bakit ikaw napansin mo tapos ako hinde? putek, hindi ako papayag. siguro kinwento ko lang sa yo no? hehe. wala dito ung buk ni bebeKo tungkol sa mga taong warshock, gusto mo sakin ka na lang magtanong tutal may pagka-criminal mind din ako. hehe. bayad nun isang case na red horse beer lang. ayos ba? at ano yang profiler na trabahong yan, tulad ng kay mam nancy tagafile ng record? hehe

4 03 2008
karen

gusto ko panoorin ung “Meet the Spartans” para maaliw naman ako, di nalang puro jun lozano. kulang na lang:

“The Jun Lozano Show!”
on tonights episode: Tell us the truth!
Jun Lozano: I have three balls!!! that’s the truth!!!

badoodles: @karen ako din gusto kong panoorin yun. kita ko kasi ung trailer si king leonidas sinipa nya si britney spears sa pukengkeng kaya nahulog sa higanteng balon. kaso wala pang pirated copy nun.

4 03 2008
ellieshe

HOW TO KILL a PRESIDENT – hmmmnn..panu nga ba…xenxa na kuya ..nagfocus ako sa title eh (nakanaman)..

badoodles: @ellieshe dali lang, tusukin mo ng tutpick sa lalamunan. pag bumara, patay. un ung kwento nun. hehe.

4 03 2008
phot

EH, Mr. Badoodles, wala namang kaanuhan dun eh. Wholesome yun. 😀

badoodles: @phot sabi mo lang wala. pero meron! meron! meron!

4 03 2008
finch

“Lito Lapid at Robin Padilla na tumambling tambling ” anak ng putek yan hahahaha

badoodles: @finch langya naman pre. pati ba naman ikaw, ayw maniwala. nakita ko talaga si robin padilla. nakasuot pa nga siya sa pelikula ng bonnet na may nakalagay na ‘baguio city’. haha!

5 03 2008
VerPo

astig!

hindi ko pa napapanood yan pero kung sa pinas shinuting yan edi matrapik, mausok at maraming vendor…

badoodles: @verpo hehe. oo, matrapik at mavendor. at hindi sa pinas shinuting. biro ko lang un.

5 03 2008
tagadagat

aynako bakit dami dito gusto pa asasineyt gloria? di ba nila alam pag na asasineyt un madali lang palitan? ano gnagawa ni ate guy aber??? indi noH! isipin mo, tayong mga pinoy hilig mag rally para sibat presidente, yung mga kano di nag ra rally yet topic nila lagi sa muvi pano himay-himayin presidente nila!
pag nasibat presidente natin tyak wallop turista sa bansa, nga naman kung sarili presidente kinakatay, sila pa kaya? sankapa?!

badoodles: @tagadagat basta ako ayoko pang maassassinate si gloria. kelangan nya munang masagot ang greatest mystery sa kasaysayan – pano siya nakikipaglabing labing gayong anliit nya tapos bondying naman si pers gentleman.

5 03 2008
stepn

ampota nga boss.. kaso di ko pa rn trip palitan si aling gloria sa malakanyang…
kung matino sana tong mga nakapaligid sa kanya.. eh kaso mga hudas din! la ka pagkakatiwalaan…(except kay Waykurat cguro…) yang kapal ng mukha ng nanay ni kris aquino, kala mo kung cnong matino kung makabanat dun sa maliit na tao dun sa malakanyang.. ang dami pinapatay nian sa Hacienda Luisita…naalala mo?
ah..hinde…uhmm… well lahat yan sari-sarili agenda, pati yang si Loren….aq sa kanila ni Noli, balik na lng cla sa channel2, cla maghost ng TVpatrol para nmn me ratings na ulit…. haha… pansin ko lng,… tagal ng reply mo sa mga nauna sa kin ah

badoodles: @stepn sobrang busy lately. pina-plot ko kasi kung pano ko iaaassassinate ung supervisor kong kumag. gusto ko kasing itulak sa 25th floor ng building namin kaso pag nilalapitan ko sa may bintana, umiiwas. magaling ang kumag. ilibre ko na lang kaya ng isang sakong donut. tingin mo? hehe

5 03 2008
thealyssaexpress

ayaw ko na din sa pilipinas! kuya badoodles, im your new fan! ganda ng entries mo, natatawa lagi ako 😀

badoodles: @thealyssa hello fans! [kaway] andami ko nang fans, meron pa akong 2 elektrik fans sa bahay. bale tatlo na kayo. huwaw! hehe. biro lang alyssa. welkam sa blog na to. tambay ka lang palagi at marami kang matututunang magandang asal mula kay kuya badoodles mo. hehe.

5 03 2008
Jim

bakit nga ba down undah? baka ‘down’ the equator ‘under’ the world map?! weheheh non-sense na. heniwe, running to 8 months na kami dito sa Perth. dati sa Newcastle for about a year. estupidyante po… well para mas diplomatiko–nagsusunog ng kilay… 😀

badoodles: @jim huwaw naman. kelan kaya ako makakapagbakasyon jan. perth? hanggang puerto galera lang ako saka tondo. hehe. mababait daw tao jan, totoo ba?

5 03 2008
barefoot_alchemist

astig! pwede gawin ntin ky gma hehehe… wtchd vantage point also, nkakahilo lng kz puro rewind ang drama ng director. cgru nga nde director ang gumawa nun kundi editor. ngahehehe….

badoodles: @barefoot baliktad mag-isip ung direktor. pero it works! sobrang di ako mapakali sa upuan ko sa nerbyos, pati ung kinakain kong hamburger ng subway tumitilapon ung sauce sa katabi ko. sabi sakin, ‘eskyusmi, di ako canvass kaya wag mo akong talsikan’. suplada. wehehe.

6 03 2008
lilmiz

parang maganda nga yan ah, may pirated na ba? pwede kaya padub yung boses ng presidente dyan ng nakakairitang boses ni gma? wahaha.. tapos baguhin natin ang ending, yung bodyguard ang mastermind.. o ha? wala na syang lusot! wahaha ASA 😀

badoodles: @lilmiz as of kahapon, wala pa akong nakitang pirated dvd copy. hehe. hindi halatang adik ako sa pirated. oo nga no, pero pag ung bodyguard ang mastermind, mahihirapan pa din siya, mukang maghahabulan taya sila ni gloria.

7 03 2008
labli

Nakuu… ang saya pala dito. uumpisahan ko ng basahin site mo tsong… be rayt back lang ha..

badoodles: @labli oo masaya dito. tambay ka lang dito sa blog. masaya dito, mamya nga magpaparty ako. libreng kwentuhan, walang inuman. haha.

7 03 2008
auee

May grandplan ako for getting rid of those nasty politicians kaya lang wala akong maisip na replacement… volunteers??

badoodles: @auee ako ako, sabi ko ako na lang eh. sabi ko nga kay poli, pag ako naging presidente, bubusugin ko ng pancit canton ang mga pilipino, pati na ang ayaw magpacanton, papacantonin ko. bibitayin ang lahat ng holdaper at ang mga suicide bombers ay paparusahan ng pangalawang kamatayan. libreng paospital sa mga may galis aso, at libreng pa-spa at massage sa mga babaeng sasamba sa aking larawan.

7 03 2008
JP

hahaha! ew si mr. president ah. baka di vantage title nun, the bodyguard II. nyahaha.

pero sarap ngang turbuhin, este tirahin sina FG, Abalos, at Neri. Pati na nga rin si Lozada. Asar na asar ako sa mukha ni Lozada. Ewan ko kung bakit… Parang nakakaloko ang mata nya.

badoodles: @jp ang totoo nyan, medyo nababadtrip na din ako kay lozada. bakit ganun ung mata nya nagpapakyut – nangungusap. di nya ba alam na may mga lalaki ding nanonood ng tv. siraulo talaga un.

7 03 2008
antuken

hahaha. natatawa ako sa exchanges ng msgs sa thread na ito. hehe. nga pala, may nakita na akong meet the spartans. mga 2 or 3 weeks ago pa ata yun. di ko binili kse di ko mashado type ang 300 eh. hehehe. (although, my hubby loved it, ganun tipo mga type nya). asan na ang larawan mo? masamba na. susko, i’d do almost (almost) anything for a free spa and a free massage. hehehe.

badoodles: @antuken may nakita na rin ako kaso pirated ‘clear’ copy pa lang. meron kasi ung pirated ‘dvd’ copy, malinaw kasi un [hehe kapalmuks kong magdemand ng malinis na kopya]. tinitimbrehan naman ako nung muslim na nagbebenta. napakaprofessional pa nga nilang ka-transact. ‘wud u lyk to reserve an advanced order sir?’, text sa akin. san ka pa. daddy-in-law ko sampung beses nang pinapanood ung binigay kong 300 movie. pati nga ung mga alaga nyang manok, nakikipanood na din, baka sakaling makapulot ng fighting strategy pag napasabak sa susunod nilang sabong. 😉

7 03 2008
madbong23

yung 23, matagal ko na kasing ginagamit nakasanayan na. lucky number ko yun kasi e eber sins bata pa ako. nga pala pag umuwi kami ng pamilya sa pinas sa darating na pasko, happening tayo ha.

badoodles: @madbong h-h-hapening ba kamo? ung may patay sindi na ilaw at may sumasayaw ng patuwad-tuwad sa apoy? sige gusto ko un. tagal ko na rin kasing di nakakapunta ng karnabal. yess!.

8 03 2008
bubblytikling

hmmmmm kakainis, when i was in cbu last week, yan ung showing.eh my bf doesnt want to watch it, so dun kami sa jumper nanood, which was not that bad but not tat good either. sayang, bili nalang ako ng dvd and watch it home. thnx for the preview though, and the twist of humor that u added.hehehe

badoodles: @bubbly extra ako dun sa pelikulang jumper kita mo ba? ung dumaan sa likod nung bida na naka-leather jacket na binili ko pa sa ukay ukay sa baguio? di mo nakita? sayang naman. hehe

10 03 2008
Jim

alo! badoodles 😉 sa tanong mo kung mabait ang mga tao, so far, so good naman mga nakikilala ko pero marami ako nababalitaan dito na mahilig sila mang-bash! as in bashagan ng ulo mate–eh sa lalaki (big) ba naman ng mga lalaki dito katakot sabayan mga senglot to-dits. well, try mo din bumisita mura lang naman ang visitor’s visa eh. If you do, I’m offering one room in our place para sa inyo mag-asawa! 🙂

badoodles: @jim tenks. ambait mo naman. nakakahiya naman, pero ikaw kung ok lang. samahan mo na din ng kusina, beranda pati sala. oo wag mong kalimutan ung sala, gusto kong makapunta sa australia para magbabad sa panonood ng tv. hehe

12 03 2008
auee

“libreng pa-spa at massage sa mga babaeng sasamba sa aking larawan.”

mauubos babae sa Pinas nyan 😛

badoodles: @auee hindi lang un, may libreng manicure, pedicure saka hot oil pa. o ano payag na?

15 03 2008
tagadagat

badoodles madali lang yun para lang nag hehele ng baby si first bondying! ehek!

27 03 2008
Prinsipe ng Pangarap!

wag naman palayasin na lang sa malakanyang pero pag ayaw. huhuhuhu! e di wag. hahaha! peace. nga pala xlinks?

28 03 2008
Bebekorin

astig sa pag-aayos ng mga salita a… pede ka maging righter sa mga teleserye para naman may thrill ang ending..

badoodles: @bebekorin hindi ako pedeng maging ‘righter’. kaliwete kasi ako, lefter pwede pa. haha. ayan nagiging kaadik-adikang corny na naman ako. sige minsan magsusulat ako ng teleserye, basta ako ang bida tapos ise-save ko ang mga eb babes bago makain ng dragon. sangkatutak na emo, comedy, action yon. at kukunin kitang side kick ko

29 06 2008
b@kekang

pelikulang panay ang rewind?kung betamax tape yan cguradong ngkabuholbuhol n yan hehehe…d kailan man maaasassinate c gloria mlamang badigard nya madale nun..ang liit kaya ni gloria..hirap tamaan hakhakhak!!!

badoodles: @bakekang hakhakhak! weird mo palang tumawa.

8 07 2008
b@kekang

uu nging weird n cmula ng weekly tumataas ang gasolina huh..buti n lng meron pang dalawang bagay na palaging ibinababa..dahil kung d yun ibababa naku!!ala na ..wala ng saysay ang buhay sa mundong ibabaw..

badoodles: @bakekang masyado akong inosente sa ganyan, ano ba yang bagay na binababa? panty at brip ba? [hehe lumabas din ang totoo]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: