No Mating Season

26 03 2008

Umaatungal si BebeKo nang lumabas na ang resulta ng pregnancy test nya saka Histopath, parehong nagsasabing buntis siya.  Noon ‘yun.  Bago pa siya ‘dinatnan’ last week na nahirapan pa nga siyang i-flush ‘yun’ sa CR.  

Mahirap i-console ang babae.  Dahil una, mabilis ang kanilang emotional attachments sa mga bagay-bagay.  Sakin, isang simpleng sperm at itlog lang ‘yun na nag-date at hindi nagkatuluyan.  Hindi naman kasi kami close ng sperm ko kaya rason ko, ‘Gumawa na lang ulit’.  Walang problema.  Marami pa akong stock na sperm.  Pero iba kay BebeKo.  Pinangalanan na nga agad ni BebeKo ‘yun ng Angel.  Ako may pinangalan na din naman – Casper.    Baka nga pinagplanuhan na ni BebeKo kung anong brand ng pampers ang gagamitin ni Casper,  saang exclusive school mag-aaral, at kanino siya ipapakasal.  Hehe.   

“Bakit hindi ka nalulungkot?”.  Nilapirot ni BebeKo ang dibdib ko.  Ewan, bakit kapag hinihila nya ‘yun e parang may kuryenteng dumadaloy papuntang betlogs ko.  Hindi ko alam kung sinadya talaga ni Papa Jesus na magkaroon ng koneksiyon ang utong at betlog o baka ito lang ‘yung sinasabi kong ‘Maybe, it’s just me’. 

“Anlungkot lungkot ko kaya tignan mo o?”.  Sinipat ko muna ang sarili sa salamin.  Ginaya ang pagkakalukot ng mukha ni John Lloyd Cruz  noong nagsusumamo siya kay Bea Alonzo sa pelikulang ‘One More Chance’.  Pero sablay.  Hindi ko kamukha si John Lloyd.  Sa pagkakataong ‘yun, mas kamukha ko si Bentong. 

“Ikaw kasi, nagtampo tuloy sa ‘yo”, hirit ni BebeKo.  Sabagay may punto siya.  Sinabi ko kasi noon na hindi pa ako handa magkaroon ng anak.  Wala akong balak i-share ang dede.  Akin lang ‘yun.  Baka nga gumanti si Casper sa ‘kin at lumabas ‘yung kamay nya sa inidoro at biglang kalabitin ‘yung betlog ko habang nagsi-CR ako.  Nakokonsensiya na tuloy ako.  Sa susunod, papayag na akong pumasok sa isang kasunduan para i-share ‘yung dede sa magiging baby ni BebeKo.  Basta ba sa kanya ‘yung kaliwang dede, gusto ko akin ‘yung kanan.  Kananete kasi ako.   

Sabi ng OB-Gyne mababa daw ang matris ni BebeKo kaya kailangang ipahilot para tumaas.  Wala pa akong naririnig na nagpapataas ng matris sa ibang bansa tulad ng Amerika at Australia kaya iisa lang ang naging siyentipikong konklusyon ko – malakas talaga ang gravity pull sa bansang Pilipinas kumpara sa ibang parte ng mundo.   

Nagpahilot nga si BebeKo nung isang araw habang nasa opis ako.  Andami daw pinagbawal nung aleng manghihilot.  Bawal malamig na tubig, bawal ang Coke at higit sa lahat, bawal ang labing-labing.  Taena naman, hindi ko alam kung may tagong galit sa ‘kin ‘yung manghihilot na ‘yun at pinagbawal ang sex.  Ng isang buwan.  Kulang na lang e isalang ako sa silya elektrika ah.  O baka mas gugustuhin ko pang matutong sa silya elektrika, o pasakan ng buhay na kawad ng kuryente sa ilong kesa pagbawalan ng labmaking.  Naman.   

Tanggalin mo ang sex sa buhay naming mga lalaki ng limang araw kung hindi kami matuliro ng todo.  Pakiramdam ko nga, ngayon pa lang, parang barado ang buo kong katawan, mahina ang pandinig [iba ang dinig ko sa salitang canton], at nanghihinang nahihirapang magreply sa mga comments nyo [Cencia na po].   

Pakyu talaga ‘yung matandang ‘yun.  Mahanting nga.  Kung pinoproblema nya ‘yung mababang matris ni BebeKo, kaya ko namang ipataas ‘yun.  Hihilahin ko lang ‘yung dalawang fallopian tube sa matris ni BebeKo hanggang umabot sa may balunbalunan nya saka ko ita-thumb tacks.  Tapos.

Advertisements




Kuya’s Unsent Letter to Bunso II

14 03 2008

Dear Bunso, 

Dalaga na ang bunso ng pamilya.  Baka kung kani-kanino ka na nagpapaligaw nyan ah.  Piliin mo naman.  Okay lang naman kahit hindi mapera ‘yung nanliligaw sa ‘yo, basta ba may sariling kotse, bahay, at ekta-ektaryang rancho, pwede na ‘yun.  Haha.  Seriousli, di ko alam ang gagawin ko pag meron ka nang ipapakilalang boypren.  Kakaliskisan ko ba?  Pano ko kakaliskisan, pakuwadrado, pa-diagonal o pa letrang Zorro?  Kelangan bang itak ang pangkaliskis ko o pwede na ang palakol?   

Pasensiya ka na kung  hindi kita mabigyan ng advice kung anuman ang pinagdaraanan mo ngayon.   Kung tungkol sa ‘mens’, tanungin mo na lang si ate BebeMo.  Wala nga akong idea kung bakit tinatawag na ‘mens’ yan e babae naman kayo, dapat ‘womens’. Kung naging lalake ka lang, andali lang sana ng role ko bilang kuya mo.  Dadalhin lang kita sa beerhaus at ipapaubaya sa mga babaeng kasinluluwang ng Orocan ang pekpek na magtuturo sa ‘yo ng sakramento ng binyag.  Tapos na.  The end. 

Medyo clueless pa rin ako sa pagiging kuya.  Pilit ko ngang inaalala kung pano ba ako bilang kuya nung past life ko.   Ang alam ko lang dati akong ‘kuya’ ipis.  At si ‘kuya’ ipis ay walang ginawa kundi batukan si ‘bunsong’ ipis.  Hehe siyempre, hindi kita puwedeng batukan dahil dalaga ka na.  Kaya huwag na huwag kang gagawa ng bagay na magiging dahilan para mapilitan akong batukan ka.              

Una, wag kang naglalakad ng sobrang pakembot kembot.  Maraming nagdaraan, hindi sa ‘yo ang kalsada.  Saka pato lang ang gumagawa ng ganun.   Huwag ka ring patuwad-tuwad, kung ayaw mong habulin ka ng mga manyak.  

Pangalawa, wag kang magsusuot ng maiikli kung ayaw mong lumuwa ang kaluluwa mo.  At pag lumuwa ang kaluluwa, hindi na babalik yan.  Sabi ng titser ko sa religion, pag nawalan ka ng kaluluwa, magiging zombie ka.  At huwag tinitipid ang telang suot.  Hindi pa naman naghihikahos sa tela ang Pilipinas.      

Pangatlo, mag-aral ng mabuti.  Kelangang magsipag sa buhay kahit wala na si Papa.  Basta’t nandito ako, patatapusin kita sa pag-aaral, kahit pa magtrabaho akong macho dancer, gagawin ko ‘yun para sa ‘yo. 

Finals exam mo na ngayong buwan.  Tignan mo, ambilis lang ng panahon, second year nursing ka na sa susunod na pasukan.   Heto, ipapadala ko na tuition mo.  May dagdag pang allowance ‘yan.  Nauto ko kasi ‘yung kaopismeyt kong bilhin ‘yung industrial electric fan na pinanalunan ko sa parapol sa opis.   ‘Bilhin mo na bosing, nakakapagpalamig ng ulo ‘yan.  Oo pramis, basta itutok mo lang ulo mo sa elisi’.  Hehe, binili naman agad sa akin ng 600 pesos.  Tapos nakita ko ‘yung presyo nun nasa halagang 450 pesos lang pala.  Tumubo pa ako ng siyento singkwenta. 

Sooner or later, hindi na ako ang namber wan na lalaki sa buhay mo.  Okay lang ‘yun, importante mahal ka ng boypren mo at aalagaan ka nya ng mabuti.  Wag ka lang nyang paiiyakin at magsusumbong ka sa ‘kin.  Alam mo namang immature ako sa mga ganyang bagay, baka idaan ko ang boypren mo sa ‘assassin-for-hire’ o sindihan ko na lang ng buhay.  Oo, pramis, try mong magsumbong sa ‘kin.





In A Day’s Work

8 03 2008

Anhirap maipit sa trapik.  Andun ka sa lang upuan mo habang inaantay mong maubos ang iyong napakaimportanteng oras sa napakawalang kwentang bagay.  Kung meron mang makabuluhang pwedeng gawin habang nasa trapik, ‘yun ay ang pamamasyal ng daliri sa ilong at perpektong pagbilog ng kulangot para maging hugis sago.  At pag hindi perpekto ang pagkakabilog, pwede mong ipahid sa katabing upuan para may isa na namang kaluluwa ang mapapasigaw ng ‘Hesusmaryosep’ at muling manumbalik-loob sa panginoon.  Meron ka na namang isang kaluluwang naisalba.  Plus point ka kay Papa Jesus pag ganun.   

Pagkatapos ng trapik ay mahaba-haba namang lakaran papuntang opisina.  At sa tulad kong nasa Makati,  hindi ka pwedeng magmadaling tumakbo.  Guwardiyado ang bawat kilos mo at may mga K9 units sa bawat kanto.  Pag tumakbo ka at may pasaway na sumigaw ng ‘Magnanakaw!’, malas mo, dahil ikaw ang kauna-unahang almusal ng mga asong mas malaki pa kay Scooby Doo. 

Mamya madadaanan ko ulit ang mga bulag na kumbatsero na tumutugtog ng mga kantang kapanahunan ni Kuya Germs sa ibaba ng Landmark Makati.  Maghuhulog ako ng piso sa donation box kasabay ng isang payak na panalangin na sana bukas, ibang awit naman maliban kina Imelda Papin at Aegis ang kanilang awitin.  Pwede naman ang ‘Hit Me Baby One More Time’ ni Britney Spears o kaya ay’Kagat Labi’ ng Eat Bulaga.  ‘Yung isang tambolera nga nila alam kong may potential, pwedeng ipangtapat sa drummer ng Kamikazee.  Paniwala ko kasi, kahit mga bulag, may karapatan ding mag-showbiz.  Sabi nga ni Happy Slip, ‘Fame is being at the right place, at the right time’.  At malay mo, dagdagan ko pa ng dalawang piso ang hinuhulog ko.   

At pagdating sa opisina, pukpukan na naman sa trabaho.  Suwerte ng kumpanya ko sa akin.  Saan ka pa makakahanap ng tulad kong mabait, matalino at kapaki-pakinabang.  Di tulad ng boss kong pumapasok lang sa opis para maghapong ngumatngat ng butong pakwan.   

At sa maghapon, kelangang makibagay sa iba’t ibang klaseng tao meron sa opisina.  May mga taong di makatingin ng diretso pag kausap.  Ganung ganun ‘yung isa kong kaopismeyt.  ‘Uy musta na?  Life is great ‘no?’, tuwang tuwang kinakamayan ako habang sa kisame nakatingin.  Gustong gusto ko ngang hawakan sa ulo at iayos ang direksiyon.   

At pagkatapos ng maghapong trabaho sa opisina, muling sasakay pauwi, at magbakasakaling hindi matatrapik, tulad ng pagbabakasakaling pumuti ang betlogs sa patuloy na paggamit ng papaya soap.  Asa ka pa.  Muli, mangungulangot at magsasalba ng kaluluwa.  Kung hindi naman trip ang magpahid ng  kulangot sa katabing upuan, pwede mong ipahid sa panyo ang mga nalikom na kulangot at gawing ‘connect-the-dots’ mamya pagdating sa bahay pag di ka na busy.  Malay mo makabuo ka ng isang hugis giraffe, may maituro kang kapakipakinabang sa pamangkin mo tungkol sa kalikasan.  Maliban sa pag-dial sa ilong, wala na akong maisip na ibang pwedeng magawa pag trapik.  Owell, pwede kang mag-imagine na katabi mo lahat ng miyembro ng EB Babes na pinapaypayan ka, minamasahe at sinusubuan ng ubas, pero dahil nagbabasa nitong blog ang BebeKo, sasabihin kong hindi ko gawain ‘yun.