In A Day’s Work

8 03 2008

Anhirap maipit sa trapik.  Andun ka sa lang upuan mo habang inaantay mong maubos ang iyong napakaimportanteng oras sa napakawalang kwentang bagay.  Kung meron mang makabuluhang pwedeng gawin habang nasa trapik, ‘yun ay ang pamamasyal ng daliri sa ilong at perpektong pagbilog ng kulangot para maging hugis sago.  At pag hindi perpekto ang pagkakabilog, pwede mong ipahid sa katabing upuan para may isa na namang kaluluwa ang mapapasigaw ng ‘Hesusmaryosep’ at muling manumbalik-loob sa panginoon.  Meron ka na namang isang kaluluwang naisalba.  Plus point ka kay Papa Jesus pag ganun.   

Pagkatapos ng trapik ay mahaba-haba namang lakaran papuntang opisina.  At sa tulad kong nasa Makati,  hindi ka pwedeng magmadaling tumakbo.  Guwardiyado ang bawat kilos mo at may mga K9 units sa bawat kanto.  Pag tumakbo ka at may pasaway na sumigaw ng ‘Magnanakaw!’, malas mo, dahil ikaw ang kauna-unahang almusal ng mga asong mas malaki pa kay Scooby Doo. 

Mamya madadaanan ko ulit ang mga bulag na kumbatsero na tumutugtog ng mga kantang kapanahunan ni Kuya Germs sa ibaba ng Landmark Makati.  Maghuhulog ako ng piso sa donation box kasabay ng isang payak na panalangin na sana bukas, ibang awit naman maliban kina Imelda Papin at Aegis ang kanilang awitin.  Pwede naman ang ‘Hit Me Baby One More Time’ ni Britney Spears o kaya ay’Kagat Labi’ ng Eat Bulaga.  ‘Yung isang tambolera nga nila alam kong may potential, pwedeng ipangtapat sa drummer ng Kamikazee.  Paniwala ko kasi, kahit mga bulag, may karapatan ding mag-showbiz.  Sabi nga ni Happy Slip, ‘Fame is being at the right place, at the right time’.  At malay mo, dagdagan ko pa ng dalawang piso ang hinuhulog ko.   

At pagdating sa opisina, pukpukan na naman sa trabaho.  Suwerte ng kumpanya ko sa akin.  Saan ka pa makakahanap ng tulad kong mabait, matalino at kapaki-pakinabang.  Di tulad ng boss kong pumapasok lang sa opis para maghapong ngumatngat ng butong pakwan.   

At sa maghapon, kelangang makibagay sa iba’t ibang klaseng tao meron sa opisina.  May mga taong di makatingin ng diretso pag kausap.  Ganung ganun ‘yung isa kong kaopismeyt.  ‘Uy musta na?  Life is great ‘no?’, tuwang tuwang kinakamayan ako habang sa kisame nakatingin.  Gustong gusto ko ngang hawakan sa ulo at iayos ang direksiyon.   

At pagkatapos ng maghapong trabaho sa opisina, muling sasakay pauwi, at magbakasakaling hindi matatrapik, tulad ng pagbabakasakaling pumuti ang betlogs sa patuloy na paggamit ng papaya soap.  Asa ka pa.  Muli, mangungulangot at magsasalba ng kaluluwa.  Kung hindi naman trip ang magpahid ng  kulangot sa katabing upuan, pwede mong ipahid sa panyo ang mga nalikom na kulangot at gawing ‘connect-the-dots’ mamya pagdating sa bahay pag di ka na busy.  Malay mo makabuo ka ng isang hugis giraffe, may maituro kang kapakipakinabang sa pamangkin mo tungkol sa kalikasan.  Maliban sa pag-dial sa ilong, wala na akong maisip na ibang pwedeng magawa pag trapik.  Owell, pwede kang mag-imagine na katabi mo lahat ng miyembro ng EB Babes na pinapaypayan ka, minamasahe at sinusubuan ng ubas, pero dahil nagbabasa nitong blog ang BebeKo, sasabihin kong hindi ko gawain ‘yun. 

Advertisements

Mga Tugon

Information

43 responses

8 03 2008
MARU

hirap talaga ang mangamuhan. buti pa ako, walang trabaho, walang pera, walang problema. o di ba? inggit kayo? lols.
pa-blog blog lang ako. di lumalabas ng bahay kaya kahit singit ay namumutla dahil hindi maarawan.
kaya kung ako sau pareng badoods, mag resign ka na lang at maging FOOL time na lang sa blogging. sarap! hayaan mo na si mareng bebe na magtrabaho at buhayin ka. wahaha! pis tau, mareng bebe! juk lang. mwah!

badoodles: @maru hehe, kaya nga. bakit kasi kelangang magtrabaho pa, nakakasagabal tuloy sa pagba-blog. nagbibiruan nga kami ni bebeKo na mag house husband na lang ako para meron na siyang full time labandero, masahista, at taga-tanggal ng buhok nya sa kili-kili.

8 03 2008
Jeckass

hahaha! parehas pala tayo ng iniimadyin sa bus. kaso pag alam kong sobra na sa pagmamasahe ang ginagawa nila, pinipigilan ko nang mag-isip. (sana hindi rin ‘to nababasa ni gi ep ko..bwahahaha!)

kahit kelan, di kita matyempuhan sa stock exchange. dun na lang kita aabangan sa mga kumakantang bulag..hehehehe

badoodles: @jeckass dun mo na lang ako abangan sa mga kumakantang bulag. may guest performance ako dun tuwing myerkules. ako ung tagatambol ng lalagyanan ng mineral water at nakikipagrakrakan sa tambolerang bulag. 😆

8 03 2008
madbong

andun parin pala yung mga bulag sa landmark ha. nung nag-resign ako sa trabaho ko sa makati nung 2000 ay nandun na sila. alala ko nun nung ginagawa pa lang yung skyway, parusa talaga ang biyahe papuntang temakats inaabot kami ng 2 to 2 and a half hours sa biyahe mula paranaque. wala na ba yung mga fx na bumibyahe papuntang south dun sa malapit sa landmark/ansons o talaga lang mas prefer mo mag-bus?

badoodles: @madbong eto mas malala pa sa trapik. tigil pasada ang mga bus ang dyip ngayon walang masakyan. eto nakatambay ako ngayon sa internet shop habang hinihintay na magunaw ang mundo.

8 03 2008
koreanmine

bakit kaya pag dial ang peborit pastime mu sa trapik 😀 maxado bng maka vacuum ang ilong mo at di maubusan ng sagap? ( ay bat nga ba ko nangengelam 😀 )

sabagy mas ok na yan ang maupan sa bus kesa nmn giant booger waaaaa!
kakatakot na talaga kc once yung katabi ko na nasa window syd, kita ko nasabit lahat sa buhok nya. yukkii talaga…

pero ako, pag trafik eh nkaka pitong langit ako sa pangangarap ng gising 😀

badoodles: @koreanmine hindi ako sure kung malaki ang ilong ko. alam ko lang sakop na sakop nya ang 95% ng pagmumukha ko. malaki na ba yon? haha!..

8 03 2008
watusiboy

ikaw ang nagmulat sa akin na kahit ang kulangot, maari ring magsalba ng mga kaluluwa. mapahiran nga ng kulangot ang mga sasakyan ni GMA at mga kongresman.
by the way, kapitbahay namin ang isa sa mga myembro ng EB Babes. hehe.

badoodles: @watusiboy walang anuman watusiboy. pwede na tayong magpatayo ng sarili nating relihiyon at gagawin kitang tagapamahala. magiging sagrado ang kulangot – sasambahin ng mga miyembro at aalayan ng ginto, perlas, at koreanang hubad.

sinong eb babes kapitbahay nyo? si lianne ba? pakisabi nga pakidalian ang pagka-car wash nung chrysler ko nang maibenta ko na.. nagasgasan kasi ng konti sa tagiliran kaya ayoko na. hehe.

9 03 2008
Tobey

saya mamitik sa katabi mo ng kulangot tapos panoorin mo silang pagpagin sarili nila na parang may paputok na ihinagis sa damit

badoodles: @tobey depende. masaya kung ako ‘yung nagpapahid ng kulangot. pag ako ung gustong pahiran, ibang usapan na yon – ubusan na lang ng lahi. hehe. hehe ulit.

9 03 2008
Fau Rafili

badtrip ako sa TRaffic lalo pa at nagmamadali ka! aysus. kakabanas sobra.

badoodles: @fau.rafili magpa-implant ka na kasi ng microchip. tatanggalin daw ang trapik pag naka-microchip k na. pramis.

9 03 2008
stepn

trapik… madami aq gngwa pag trapik., ma2log (pag puyat o kya me amats)., meron ata aq narcolpesy., as in., pag me katabi maganda chicks., magdadasaL kay papa jesus…boss alam nio na po gagawn ko mmya… sori na in advance., hehe., joke lang…. taga makati ka pala… makati… wla lang

badoodles: @stepn kala mo lang chiks un pero hinde, hinde, hinde. may lawit yon hehe. kung minsan nakakatanso, kala mo chiks, un pala mas malaki pa adam’s apol sau.

9 03 2008
musikheiress

yan ang dahilan kung bakit ayaw ko umuwi sa amin.. hehehe.. XD

badoodles: @musikheiress alin ang dahilan? ung kulangot o ung trapik?

9 03 2008
xienahgirl

sabi nga
extraordinary things happen to ordinary people
malas mo.

hindi ka kasi ordinaryong nilalang
hahaha

ipagdarasal ko na lang
sana hindi kita makatabi
hesusmaryosep

badoodles: @xienahgirl ipagdarasal ko din na sana makatabi kita. tignan natin kung sinong mas malakas kay Lord. at pag nakita kita, hahabulin kita at pilit ipapakita ang hugis-giraffe na kulangot sa panyo ko. ok tama na, pati ako nandidiri na.

9 03 2008
phot

“pero dahil nagbabasa nitong blog ang BebeKo, sasabihin kong hindi ko gawain ‘yun. ”

yun yun eh. haha. yan din naisip ko. 😀
Onga mr. badoodles, paikot ikot lang ang nakakalokang buhay. At least nagbibigay ito ng kuLay.:))

badoodles: @phot sabagay, pero hindi ko alam kung pano ito nagbibigay ng kulay. ang alam ko kasi, isa lang kulay ng kulangot ko – brownish green. pwera na lang kung magbago to at magkaroon ng mga kulay na pula, dilaw at lila. pag nangyari un, masasabi kong makulay ang buhay. 😉

9 03 2008
bernardumali

ok na rin yun. ako hindi ko na kilala si traffic. aalis ng maaaga sa bahay at uuwi ng umaga. walang traffic! hindi naman ako nagpapakaalipin sa mga kapitalista ng makati. after work, blog time na, mga 4 hours. tipid sa kuryente di ba? atleast hindi pinagsasabay ang trabaho sa bisyo. lols

badoodles: @bernardumali awts. pagbablog sa oras na trabaho. tinamaan ako dun ah. suntukan na lang o. haha!

9 03 2008
Lenggai

ay sus manong badz!!! san ba ang sinasakyan mong bus? wag sana pa-norte… ‘susmaryosep!!!

badoodles: @lenggai wag kang mag-alala pa-south ako. pero malay mo, bigla akong topakin at magpanorth ako. ayaw mo nun, mapapatawag ka sa lahat ng santo.

10 03 2008
kingdaddyrich

nasubukan ko nang tumakbo sa ayala, wala namang humabol sa akin na kung ano man..

teka, bakit nga ba ako tumatakbo non?

tinatawag ng kalikasan.. kailangang magmadali, baka ma late..

oy badoodles, march na pero pebrary pa rin yung featured blog mo.. ako na lang ifeature mo for march.. pa bertdey mo na sa akin.. ehhehe…

badoodles: @kingdaddy hehe, hindi mo na kelangan ng exposure sa sandamakmak na pinamumudmod sau ng mga award giving bodies. nakahilera ‘yang humor blogger of da month salit-salitan ang mga babae at lalaking bloggers. at babae ang aking humor blogger sa marso. pero hapi bertdey na rin at sa iyong kabetday na si rens verano.

10 03 2008
buffalo soldier kadeteng kalabaw

panu nga ba ma-trapik?di ko na alam panu feeling ng matrapik eh..

keep up the good work..marami pang kaluluwa ang dapat isalba..

badoodles: @buffalo ganito un bok. para kang nasa cr na nag-aantay madyebs. pero shy si dyebs. mamya sisilip sa iyong butas, at mamya ay babalik sa loob at magtatago ulit. ganun ang pakiramdam ng natatrapik. 😆

10 03 2008
popoy

making the booger big and round is a nice idea pag walang magawa pag naistranded ka sa trapik..hehehe. pero hindi ko gawain yun. kahit ndi na ako makahinga sa laki ng nakabara sa ilong ko, ndi ko p adin sya dudukutin. dyahe. baka may aleng maganda. pag tingin mo nangungulangot din pala hehehe…

kuya badoodles, wala namang banda dito sa may landmark makati ah? sa may paakyat yun ng MRT ayala station di ba??? Makati din ako work at sa likod lang ng NSBC bldg.hehehe. kaya hate ko kapag may rally. dito yung stage sa may harapan.hehehe. ang layo ng comment ko sapost mo hehehe.:)

badoodles: @popoy meron sa baba ng landmark, pag-uwian na. hindi sa mrt ayala malayo na un. ah sa hsbc building ung maraming nagyoyosi pagsapit ng hapon. dun din ako bumibili ng pisbol kung may gumalang nagbebenta

10 03 2008
popoy

HSBC* correction hehehe

10 03 2008
byterslair

Ganon talaga ang life parang buhay, ang importante ay mahalaga. Di ba….?? Sometimes you loss, sometimes you lose again. Have fun!

badoodles: @byterslair di ko magets. pero sige na nga, sang ayon ako sau. basta sumang ayon ka din na artistahin ako.

10 03 2008
foobarph

hay… no comment… -_-

badoodles: @foobarph yep, fucked up beyond repair

10 03 2008
camilleeee

minsan na rin akong nakatabi ng ganyan sa bus. hehe kaso lang yung istayl nung ungas na yun kuya, binilog nya sabay pitik papunta sa kisame ng bus. eh nde ata ok ang pgka bilog nun kaya bumalik sa kanya haha 😆

tinawanan ko sabay sabi, ‘kainin mo nalang kasi!” 😆

ay mahilig pla si bossing mo ng pakwan. try ko din kya pangatngatin ko yung amo kong tsekwa. putak ng putak yun maghapon eh. tignan ko kung nde tuluyang sasarado mata nun na ‘sang guhit lang. hehe

badoodles: @camilleeee marami akong boss. un ung boss kong mabaho ang hininga. pakwan lang naman ung kinakain nya pero amoy biothermal energy. kaya pag lumapit pa lang, kumakaripas na ako ng takbo

10 03 2008
dimaks

suggestion ko bro, mangalabit ka na lang ng katabi mo sa sasakyan 😀 syempre after mo mag-dial sa ilong.

badoodles: @dimaks oo gawain ko un. kung minsan naman, pag pababa na ako, pasimple kong tinataktak sa ulo ng mga pasaherong maiingay. lalu na ung mga kung magkwentuhan e kala mo involve lahat ng nakasakay sa bus

10 03 2008
miguel

bru, astig talaga ung EB babes, inggit talaga ko sa mga nasa Eat Bulaga. pero sana wag mo naman sayangin yun kulangot, sarap kaya nun, pampagana sa pagkain.

badoodles: @miguel yakk. hehe. mahilig ka siguro sa buro ano?

10 03 2008
gasti

eb beybe..eb beybe..lagot ka kay bebe..hehe!

namimiss ko na tuloy magpamasahe lalo..haaays kakabagot talaga pag traffic pero hindi ako nangungulangot..umiidlip na lang ako para makapagpahingan naman yung mata ko..masakit rin kasi pag babad sa kakatitig sa comp.

minsan pasilay silay sa paligid para malibang..

badoodles: @gasti buti na lang may mga tanawing kaaya-aya. at hindi ko ulit gawain yon. hehe.

10 03 2008
teteng

okies lang badods ipahid sa bus wag lang sa ilalim ng misa..yaikkksss..

badoodles: @teteng yan ba talagang pangalan mo? ibig sabihin ikaw pala ung playboy na madaming anak. lagi kasi akong nakakarinig ng ‘anak ka ng teteng’. kaw ba un. hehe. tol biro lang ah. nababagot na ko dito sa internet kape. sabi internet kape, tapos wala palang kape.

10 03 2008
batabatuta

…kuya talaga..hobbies mo ba tlga ang mangulangot?hahahaha..ung classmate ko dati after mangulangot,..nikakain..hahaha..nigagawa mo po kaya yun?juk onli..gnun tlga pag simpleng empleyado ka lang..hayss…

badoodles: @batabatuta yakkk. sigurado kayong kinakain ung kulangot. hindi ako simpleng empleyado. katunayan ako nagmamay-ari ng skyway, overpass at luneta park.

10 03 2008
jojitah

pareho pala tayo, napakaswerte ng boss ko sa akin, maganda, maganda at maganda…

badoodles: @jojitah haha! naku, suggest ko sa boss mo, dapat flower vase na lang kinuha, menos gastos. biro lang. ang totoo nyan, napakaimportante ng job description mo, ‘keep the stress level of men to minimum and increase blood flow to be more active’. san ka pa.

10 03 2008
ladyracer

ako suwerte ng mga pasyente ko sa akin hehe

ayoko din ng traffic, sayang sa gasolina. pero nililibang ko na lang ang sarili ko sa pagkanta lalo na kapag mag-isa lang ako 🙂

badoodles: @ladyracer buti napagpapasensiyahan mo ang mga pasyente mong kulang sa pasensiya. ako kasi kung naging nars ako, balak kong turukan lahat ng pasyente ng pampatulog para tahimik ang buong hospital – ung parang bahay bakasyunan lang at lahat ng tao ay nakakapagrelaks.

10 03 2008
McRey

Ang sarap lumipad… lumipad nang mataas-na-mataas…

Kailan kaya magiging libre ang pakpak (IPA: /p3kp3k/) para lilipad na lang ako pag trapik sa Quiapo tuwing Friday?! Hay!

badoodles: @mcrey nakaturok ka na naman? sabi ko naman saung wag ganyan. tong batang to oo, dapat nagsi-share ka. haha! sobrang pahirap yang trapik sa quiapo, kala mo araw araw kapistahan ng poon ng Nazareno

11 03 2008
antuken

ambait mo talaga.
pano mapawi ang boredom sa bus habang traffic? magbasa ng libro. magsagot ng crossword puzzle. o di kaya sudoku. hahaha.

badoodles: @antuken oo matulungin talaga ako sa kapwa. katunayan gusto kong magtayo ng foundation para sa mga taong may galis aso, mga nanay na tinubuan ng varicose veins na kasinlaki ng kawad ng kuryente, at mga amang naaapi na ayaw payagan ng asawa ng makipag-inuman sa barkada.

di ako marunong magsudoku. lahat ng mga estudyante ko dating nagsusudoku kina-capture ko. mukha kasi silang cool. tapos ako hinde.

11 03 2008
linglingbells

ibang klase ka magsalba ng mga kaluluwa!! amazing! bravo! pero pag nakatabi kita sa bus o saan man, wag mo na salbahin yung kaluluwa ko.. hehe!! yoko eh!

badoodles: @linglingbells bakit ayaw mo? malinis naman un. dead cells lang un saka konting usok ng sasakyan. haha. baka dumating na ang taghukom bahala ka. kaw din. wehehe. pag nagbago desisyon mo, just call me. ay em one text away. 😆

11 03 2008
jeon

di ko ata kaya ang mag-dial ng ilong sa harap ng mga tao, prim and proper ako eh, eching! pero kung batong-bato na, malamang, hehehehe. like ko site mo, grabeh. para kang si ice yelo. gustong-gusto ko kasi yung nakakatawa. kailangan ko yun dude dahil konti na lang, mababaliw na ako dito sa opisina. alam mo yung feeling na purgang-purga ka na sa trabaho? pinasaya mo ko ngayon kaya add kita ha. kung feel mo, add mo naman ako. kung feel mo lang. http://www.jeon.wordpress.com/

11 03 2008
lilmiz

ang dami mo namang kulangot nyan kuya para makapagbuo ng giraffe ahaha.. buti na lang wala pa akong naupuan na napahiran ng mucus na yan lolz or baka di ko lang alam waaa.. yoko na sumakay ng bus haha.. kaya kayang ibike mula pasig papuntang makati? lolz 😀

badoodles: @lilmiz kaw ba naman araw-araw na bumabiyahe kung di ka makabuo ng giraffe. kung minsan nga nakakabuo pa ako ng bola ng basketball. target ko ngayong taon makabuo ng kasinlaki ng kalabaw. hehe dream big sabi nga.

11 03 2008
barefoot_alchemist

ay nku, isa lng masasabi ko mahirap tlga mag commute lalo na sa kahabaan ng edsa at kht mrt pa. isusumpa mo tlga. hehehe.. buti nlng bum ako. hehehe

badoodles: @barefoot bum man daw at magaling, makakapagtrabaho din. balang araw matitikman mo ang trapik na to ebriday por da rest of ur life. 😉

12 03 2008
abeautifulnightmare

buti na lng di ako ngbubus nyahahahaha

badoodles: @abeautifulnightmare hindi ka nga nagbu-bus, nagdyi-jeep ka naman. haha!

12 03 2008
Reklamador

kung nagtatrabaho ka pala sa lagay na yan abay ang sipag ko pala. nyahaha!
at ang lecheng trapik na yan naireklamo ko na. ewan ko nga lang kung nakarating sa kinauukulan. antayin ko nalang maging presidente si pareng bayani (fernando hindi agbayani)

badoodles: @reklamador ikaw nagtatrabho? puro lakwatsa ka lang kaya.

mukang may alam ka ah. tatakbo ba talaga si bayani fernando? anlaki kasi ng mga piktyurs nya sa kahabaan ng edsa, sobrang laki kita ko pati ung pimples nya.

12 03 2008
Maldito

kaya ayoko mag work sa makati kasi parang puno na ng polusyon…kasi parang parati kang nagungulangot bossing. meaning more kulangot-morer polusyon..ahihihihi….kainis naman.na late ako sa pag comment..ahaha..unahan ba to?…hay..buhay artista…ganyan talaga.

badoodles: @maldito ung residente sa kwentong barbero nauunahan magkoment. payag ka nun? haha. oks lang yan, buti nga pwedeng magreply sa comment via editing kundi malamang pati ako hirap makapagreply, asa dulo na.

13 03 2008
Noime

Kamusta naman yung hangkersif mong may nakadrawing ng jiraf? Ahahaha. Mukang gusto ko siyang makita kuya. Isave mo ah! lol

badoodles: @noime oo itatago ko. kelangan daw nila un sa museum, ipapa-bid ko. kung ung lalagyanan nga ng sepilyo ni jose rizal nagiging mahalaga, un pa kayang panyo na may imahe ng giraf ni badoodles d great?

13 03 2008
phot

OKAY MR. BADOODLES. MAY POINT KA NA NAMAN DUN. NAISAHAN MO AKO. TSK.. TSK.. 😀

badoodles: @phot anlalaki ng font mo, nabibingi ako sau. wehehe.

14 03 2008
gerrycho

gano ba kalaki ang kulangot na sing laki ng masbate?!? 😀

badoodles: @gerrycho hindi ko sure. hindi ko kasi alam ang hugis ng masbate. pero kung pipilitin mo akong idescribe mas malapit ang hugis nya sa panay island. oo ganun…

14 03 2008
Maldito

hala…nagturo ba naman ng dapat isulat?hay nako…blog ni bossing to…may rights siya isulat lahat ng gusto niya..walang kwenta ang “ADJECTIVES” kung indi gagamitin..next tym bossing tae naman ang i describe mo..para masaya…yung mamasa masang tae, tapos meyrong chunks na kulay brown..tapos tumutunog sa bawat pagbagsak sa tubig..yikes..ahaha..tapos walang tissue….gagamitin mo lang kamay mo annoyingako sa paglinis.hala ka!wahaha..

badoodles: @maldito haha! react kaagad ang residente. puso mo, wag kang mag-alala wala na si annoyingAko, isang pindot lang sa delete button ang katapat nun. hehe, pag nagalit sasabihin ko lang, ‘sori annoyingako, kala ko kasi spam ka eh’

22 04 2008
batang buotan

Maka-relate ako. Kaso wala ako sa Makati at lalong hindi gaanong matrapik sa dito sa Cebu maliban na lang sa mga piling daan. Pero hindi ko ipinapahid ang konting laman (laman ba yun?) na kinukulit nga daliri ko. Kusa ko itong ihulog sa tapat ng katabi. OK naman para sa kanila. Basta, yun na yun. Bwahahahaha!!!!

badoodles: @gervacio sobrang linis ng daan nyo jan pag nakikita ko ung trapik update ng cebu sa unang hirit. suspetsa ko nga nirereplay – replay lang ung video ng cebu highway mula lunes hanggang byernes kasi wala namang pinagbago. 😉

4 06 2008
koi@thai

waaa!!! sorry di ko nasubukan yan,,, sa south kasi ako ever since nag work… 2 hrs ang biyahe mula sa amin to laguna.. nagtu-tulog lang ako sa likod ng FX , pag gising ko terminal na ng calamba…. buti na lang wala pa akong nakapang kulangot na binilot ,, eiiwwww! marami akong nakikita lang na tulog at super nganga to-the-max. ( same as I, he he he ) buti na lang walang pilyong naglalagay ng kulangot sa bibig ko,,, pag nagigising ako , wala naman akong nalalasahang maalat-alat… he he he

27 06 2008
b@kekang

fact:ang butas ng ilong eh depende sa laki ng hintuturo heheheheh…

badoodles: @bakekang yan ang kwentong barbero. depende kung anong ginagamit mo pangkalikot ng ilong. sa akin kasi ung hinlalaki ko sa paa ang ginagamit ko… wala lang, pauso ko lang.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: