Kuya’s Unsent Letter to Bunso II

14 03 2008

Dear Bunso, 

Dalaga na ang bunso ng pamilya.  Baka kung kani-kanino ka na nagpapaligaw nyan ah.  Piliin mo naman.  Okay lang naman kahit hindi mapera ‘yung nanliligaw sa ‘yo, basta ba may sariling kotse, bahay, at ekta-ektaryang rancho, pwede na ‘yun.  Haha.  Seriousli, di ko alam ang gagawin ko pag meron ka nang ipapakilalang boypren.  Kakaliskisan ko ba?  Pano ko kakaliskisan, pakuwadrado, pa-diagonal o pa letrang Zorro?  Kelangan bang itak ang pangkaliskis ko o pwede na ang palakol?   

Pasensiya ka na kung  hindi kita mabigyan ng advice kung anuman ang pinagdaraanan mo ngayon.   Kung tungkol sa ‘mens’, tanungin mo na lang si ate BebeMo.  Wala nga akong idea kung bakit tinatawag na ‘mens’ yan e babae naman kayo, dapat ‘womens’. Kung naging lalake ka lang, andali lang sana ng role ko bilang kuya mo.  Dadalhin lang kita sa beerhaus at ipapaubaya sa mga babaeng kasinluluwang ng Orocan ang pekpek na magtuturo sa ‘yo ng sakramento ng binyag.  Tapos na.  The end. 

Medyo clueless pa rin ako sa pagiging kuya.  Pilit ko ngang inaalala kung pano ba ako bilang kuya nung past life ko.   Ang alam ko lang dati akong ‘kuya’ ipis.  At si ‘kuya’ ipis ay walang ginawa kundi batukan si ‘bunsong’ ipis.  Hehe siyempre, hindi kita puwedeng batukan dahil dalaga ka na.  Kaya huwag na huwag kang gagawa ng bagay na magiging dahilan para mapilitan akong batukan ka.              

Una, wag kang naglalakad ng sobrang pakembot kembot.  Maraming nagdaraan, hindi sa ‘yo ang kalsada.  Saka pato lang ang gumagawa ng ganun.   Huwag ka ring patuwad-tuwad, kung ayaw mong habulin ka ng mga manyak.  

Pangalawa, wag kang magsusuot ng maiikli kung ayaw mong lumuwa ang kaluluwa mo.  At pag lumuwa ang kaluluwa, hindi na babalik yan.  Sabi ng titser ko sa religion, pag nawalan ka ng kaluluwa, magiging zombie ka.  At huwag tinitipid ang telang suot.  Hindi pa naman naghihikahos sa tela ang Pilipinas.      

Pangatlo, mag-aral ng mabuti.  Kelangang magsipag sa buhay kahit wala na si Papa.  Basta’t nandito ako, patatapusin kita sa pag-aaral, kahit pa magtrabaho akong macho dancer, gagawin ko ‘yun para sa ‘yo. 

Finals exam mo na ngayong buwan.  Tignan mo, ambilis lang ng panahon, second year nursing ka na sa susunod na pasukan.   Heto, ipapadala ko na tuition mo.  May dagdag pang allowance ‘yan.  Nauto ko kasi ‘yung kaopismeyt kong bilhin ‘yung industrial electric fan na pinanalunan ko sa parapol sa opis.   ‘Bilhin mo na bosing, nakakapagpalamig ng ulo ‘yan.  Oo pramis, basta itutok mo lang ulo mo sa elisi’.  Hehe, binili naman agad sa akin ng 600 pesos.  Tapos nakita ko ‘yung presyo nun nasa halagang 450 pesos lang pala.  Tumubo pa ako ng siyento singkwenta. 

Sooner or later, hindi na ako ang namber wan na lalaki sa buhay mo.  Okay lang ‘yun, importante mahal ka ng boypren mo at aalagaan ka nya ng mabuti.  Wag ka lang nyang paiiyakin at magsusumbong ka sa ‘kin.  Alam mo namang immature ako sa mga ganyang bagay, baka idaan ko ang boypren mo sa ‘assassin-for-hire’ o sindihan ko na lang ng buhay.  Oo, pramis, try mong magsumbong sa ‘kin.

Advertisements

Mga Tugon

Information

65 responses

14 03 2008
ca

ang sweet ni kuya…:-)

I’ve always wanted to have a kuya…ung tipong mag-iiscreen sa mga lalaking iuuwi ko sa bahay…magbabawal din sa aking kumembot-kembot…mambubugbog sa mga sumisipol sipol sa kanto na nakahubad at puro tattoo…

oh welll…masuwerte si bunso…:-)

badoodles: @ca meron naman kami nina javee na pumoprotekta sau ah. hehe.

14 03 2008
camilleeee

ahaayy.. ka sweet namannn…

unang comment ko sa blog mo kuya, yun atang part wan nitong letter. bilis ng panahon. birtdey din yun ng bunso nyo.
ewan, pag pamilya pinaguusapan, may kirot talaga sa puso (para sa kin)…

la lang… naalala ko lng naman.

uulitin ko pa din, swerte talaga ni bunso. 😀

badoodles: @camilleee kaya nga magwa-one year na tayong nagkukulitan. nagrequest ka kasi kaya ayan, ginawan ko ng post si bunso. 😉

14 03 2008
Maldito

kuya ako to..ang nawawala mong kapatid….dalhin mo naman ako sa beerhouse o..yung ind orocan..fless…ahahha..

kuya finals din namin…hihintayin ko reply mo.lols.. (text ba to)?

badoodles: @maldito haha! malaki ka na, kaya mo nang magbanat ng buto. sige hayaan mo, dadalhin kita sa beerhouse, hindi dun sa mala-orocan ang luwang ng pekpek, dun naman sa beerhaus na mala-madonna ang mga babae, hiwa-hiwalay ang ngipin. gusto mo?

14 03 2008
MARU

pareng badoods, 17 years old na panganay ko na lalaki. pwede ko bang ipasama sau sa beerhaus at gusto ko sana pabinyagan. pero wag naman dun sa sing-luwang na ng orocan ang fukengkeng…baka malaglag anak ko dun sa loob at di na makaahon. bwahaha! juk lang po.

babati na lang ako kay bunsonibadoodles ng…. HAPI BERTDEY!

badoodles: @maru wag kang mag-alala mare, akong bahala. dun na lang sa isang beerhaus na pagdadalhan ko kay maldito, mga kasingganda ni madonna – hiwahiwalay ang ngipin. pede na un mare.

14 03 2008
madbong

kasinluluwang ng orocan? bwahahaha, iba hirit ni brader maldito gusto fless

badoodles: @madbong kung mayaman lang ako e di sa pegasus at starfleet. hehe, kaso nga di ako mayaman. sori kau.

14 03 2008
A Z R A E L

pareng badoodles, nakakatakot ka maging kuya ng isang babae. wag naman sanang mangyari, pero itaga mo sa bato, kapag di nakapag-asawa yan, habambuhay kang isusumpa! nyahahaha!

badoodles: @azrael hehe, mahirap na pare. syempre alam din natin kung ano mga likaw ng bituka ng mga un. ang magnanakaw galit sa kapwa magnanakaw. hayzz. sana

15 03 2008
Geisha

tama si kuya azrael… nakakasindak ka! hahahaha 😀
pero napaka sweet mo naman!
pero tama ka mas maganda ang kapatid na lalaki keysa babae!
lahat ng siblings ko bilat! yan tuloy marami akong kompetensya sa mga boylet ko! 😛

badoodles: @geisha haha. sana lang mas mapera ka, para marami ka pang reserba. hehe. biro lang. ewan ko ba, baka kelangan ko ng magpatingin sa psychiatrist, sobrang protektib talaga ako. bunso ko un eh, i want the best for her.

15 03 2008
Pryss

Ive always wanted a kuya,panganay kasi ako..kaya siguro attracted ako sa mga matured magisip at kumilos na lalaki…goodjob sa pagaalaga kay bunso..kahit ate ako,ganyan din ako mag-screen sa mga nakababatang kapatid…kahit malapit na mag-18 yung sumunod sa kin…

badoodles: @pryss nakupo count down begins ka na pala. pano yan wala ka nang magagawa pag nagkaboypren na ang kapatid, magdidisi0tso na kaya. let’s just hope dey find the best for them. kung lolokohin sila, putek hahantingin ko mga un at magsisisi silang pinanganak pa sila sa mundo.

15 03 2008
ka silyas

wow naman, aylabenit! Ala eh pagkakaswit baga!

badoodles: @kasilyas ala eh oo naman

15 03 2008
tagadat

Aba sobrang conservative pala ang kuya? di kaya dati kang mongha nung past lyf? as in.. monghang ipis???! wahaha! Pero sweet ang kuya katakot ligawan ang bunso nyo! Ay ayaw kong pabinyagan bebe ko sau, tama si maru baka mapilitan pa kami mag rqst sa reskyu team para lang ma ritriv anak namin sa kumunoy ng fakengkeng na orocan? at least orocan! haha!

15 03 2008
tagadagat

(wahaha! sori po, sa sobrang excitement nagkamali sa namesung!)

Aba sobrang conservative pala ang kuya? di kaya dati kang mongha nung past lyf? as in.. monghang ipis???! wahaha! Pero sweet ang kuya katakot ligawan ang bunso nyo! Ay ayaw kong pabinyagan bebe ko sau, tama si maru baka mapilitan pa kami mag rqst sa reskyu team para lang ma ritriv anak namin sa kumunoy ng fakengkeng na orocan? at least orocan! haha!

15 03 2008
Fau Rafili

ayos ah. nakakatuwa ka naman. sa bahay namin, badtrip yung kuya namin. MAEPAL, basta lahat. yung kaisa-isang babae nga namin minsan ginulpi niya eh… at dalaga na yun ha! samantalang siya eh… 25 na ata. sarap ngang PATAYin paminsan minsan eh. hahahaha!

badoodles: @fau baka ganun talaga magpakita ng pagmamahal ang kuya mo, sadista. pano na lang kung sobra sobrag magmahal si kuya mo, baka bomba na gamitin. hehe biro lang. kontin pasensiya siguro. sabi nga ng mama-in-law ko sa misis ko, ‘ikaw ang may isip kaya ikaw ang magpasensiya’.

15 03 2008
Lenggai

waaahhh!!! gusto ko rin magkaroon ng kuya… pero hindi na maaari. sa next lifetime, gusto ko manong badz kaw magiging kuya ko! 😀

badoodles: @lenggai isipin mo na lang kung magkapatid tayo next life. dumadagundong ang halakhak natin sa buong kamaynilaan. dadami ang ating mga fans. mawawalan ng career si dingdong dantes saka mariane rivera. mawawalan din tayo ng private life, gusto mo ba yun?

15 03 2008
shobilim

testing lang po ng pag comment. sobrang aliw ang blog mo. kkatawa talaga. 1st time i saw it i was hooked. even had to subscribe to it. naaalala ko kasi ex ko sa pananalita mo, ganyang ganyan ang humor. hehe. keep it up…by the way magkapitbahay lang tayo ng ofc.

badoodles: @shobilim ayan ginamt mo pa akong guinea pig. hehe, nakapag testing ka na. welkam nga pala dito sa tambayan ng mahihilig sa makukulit pero mga normal naman. baka naman ako ung ex mo? hindi kaya. hehe, biro lang…

15 03 2008
lilmiz

ahehe ang swerte naman ni kapatid mo kuya, may kuya syang tulad mo weeeh.. kakainggit, gusto ko din may kuya o ate eh huhu.. pwede ba gawin kitang ate, kuya? hahahah

badoodles: @lilmiz hehe, craulo u ha. bad girl. ang totoo nyan, ud hate to have me as a kuya, napakaprotektib ko. minsan hinabol ko ng itak ung nanliligaw sa isa pang kapatid ko. sa loob ng mall. ganun. pano terd year hayskul palang gusto nang magkaboypren. hindi pa mahintay ang magfourth year. hehe. kaya sinusumpa ako ng mga kapatid ko dati.

15 03 2008
wei vines

hehe..saya naman.. 😀 hindi mo talaga ipapabasa to sa utol mo? sayang…hehe 😀

badoodles: @wei vines hehe. kahit di ko ipabasa sa kanya yan, alam na rin nyang ganyan ang laman ng utak ko.

15 03 2008
XienahGirl

gusto ko talaga
magkaroon ng kuya
kaya lang mga pinsan ko
kinakawawa ako

sobra pangaasar sa akin
huhuhu
😦

alam ko naman
na mahal nila ako
tignan mo ngayon
ang ganda na ng pinsan nila
hahaha

lahat sila gusto ako kasama
bumili sa tindahan
idinidisplay ako sa kalsada nila
kunwari gelps
mga ungas talaga
😐

hahaha

badoodles: @xienah haha! ayos. mga kalokohan ng mga kapipinsanan. baka tumaba puso mo nyan, hindi na proportional ang hugis ng katawan mo. 😉

15 03 2008
antuken

haay. parang ang first visit ko dito eh tulad ni camilleeee. yung unang letter mo rin.
ako, hindi nagkaboypren nung college. baka takot din mga guys sa 3 kong kuya. but i doubt if that was the reason (nagkameron pala ng 1— unofficial, aka secret —- hahaha)
sinabi ko na dati, sasabihin ko ulet… angsweet mong kuya…

badoodles: @antuken tignan mo, pag gusto talaga, gagawa at gagawa ng paraan. buti hndi ako kuya mo, ngayon pa lang sasabihin ko saung grounded ka ng isang linggo. oo, wala akong pakealam kahit may asawa ka na. basta grounded ka. pag sinabi ko, sinabi ko. hehe

15 03 2008
beero

haayyy…na-miss ko tuloy mga kuya ko na batok lagi ang trip nung bata pa ako. yong gaya ng ginagawa mo sa bunso nyo. hehe. ewan ko ba kung bat yan ang role ng mga bunso. pero ang hirap sigurong maging kuya. bunso kasi ako kaya di ko na-feel maging kuya. sa mga pinsan ko lang. pero iba pa rin pag may nakababata kang kapatid. yong may mauutusan kang bumili ng beer at yosi. lols!

badoodles: @beero yan talaga role ng bunso ang batuk-batukan. hindi ba pinabasa sau ni papa jesus ung role description mo bago ka pinababa sa lupa at ginawang bunso? hehe.

kung lalaki lang bunso namin, malamang side kick ko un sa lahat ng lakaran at kalokohan. tuturuan ko siyang uminom ng red horse gamit ang ilong, umihi sa tuktok ng building at magpahabol sa mga mmda at lto. haha

15 03 2008
koreanmine

la ka pang anak pero para ka ng tatay na nag wowori sa bunso mo 😀
dami b atraso? joke 😀 hehe

sweet n loving hubby na , responsible n protectve kuya pa, san k p?
vOte: badoodles 4 pres.!!! 😆

badoodles: @koreanmine sobrang protektib ako bordering to annoying. ewan ko ba. sana patawarin ako ng mga kapatid kong babae. hehe

16 03 2008
buffalo soldier kadeteng kalabaw

asteeg! penge tip kung pano kaliskisan ang manliligaw ng kapatid? may boyps ang ate ako at bunso namen .. gusto ko din balatan..lols.

panu yan, tol, pag babae anak mo?lol..

okay ka kuya,,,kip it up

badoodles: @buffalo bok madali lang. ung nanliligaw sa isa pang dalaga namin e hinabol ko ng itak. hindi ko tinantanan kahit san pumunta. kahit pa nung pumasok sa loob ng mall [hindi pa strikto mga guardia nun, bago ang mga terrorist bombings]. madali lang kaliskisan, para ka lang nagbibigay ng german kick saka isang full swing pag may pina-paddle. oo, ganun yun. hehe, kung alam ko lang, baka nga mas strikto ka pa sakin.

16 03 2008
aga

ang sweet na kuya!!
tumpak na tumpak sa realidad ngayon…
isa ka huwarang kuya!!!
kip it up!!

badoodles: @aga nakupo hindi ako pwedeng kunin na model na kuya, nanghahabol ako ng itak sa mga nanliligaw sa mga kapatid ko. alam mo naman panahon ngayon, daming bad elements sa paligid.

16 03 2008
hun

college nko nung nalaman ko na may kuya pla ako, c papa kc di pinapasok yung kuya ko sa labas.. hehe..
di kmi ganun ka close pero ok lang mabait namn sya, feeling ko mas kelangan nya ng pagtingin from siblings kc di nga sya samin lumaki..
sa bahay ako ang panganay, all out ako sa mga kapatid ko.. kayod klabaw ako d2 manila makapgpadala lang pra sa tuition at allowance at shopping grande sila pag umuuwi ako.. hayzzz ganun tlga siguro pag kapatid..
o sha, tatanggap pko labada sayang ang sunday dagdag income din.. LOL
bukas opis na naman..

badoodles: @hun masarap kasi ung ikaw ang nagbibigay saka nagiging sandigan ng mga kapatid. kahit hindi mo naibibigay lahat ang importante they look up to you and someday magawa din nila sa pamilya ung ginagawa mo sa kanila ngaun. yan ang kapatid. 😉

16 03 2008
Lyzius

ay ka-swet naman ni koya…

badoodles pwede bang maging residente? heneweiz ni-link po kita sa aking pahina..

badoodles: @lyzius hindi ka pa ba residente? sheet oo nga… sori pre. teka sino nga ba link ko – si lyzius o si green pinoy? sige, sabi mo si lyzius e di si lyzius malicious na lang. aprub

16 03 2008
jojie

aabangan ko naman ang sulat mo sa magiging junakis mo na babae, hahanapan ko ng diperens. Baka dun hindi ka na mag-hire ng assasin, ikaw na mismo ang magtumba pag may nanloko. kewl. lol!

badoodles: @jojie hindi ako magkakaanak ng babae. hindi ako magkakaanak ng babae. hindi ako magkakaanak ng babae. dahil hindi ako nanganganak. hehe. wag naman. gusto ko lalaki lahat para madaling alagaan.

16 03 2008
Noime

Nakakainggit naman si bunso. Tsk. Gusto ko tuloy magkakuya. Hmm. Pero mukang malabo na. Haha. Kaya yung mga kuya ko na maituturing eh ayun, andito lang sa blogosphere. 😀

badoodles: @noime ok lang un. importante may kuya pa din. sige tutal naman ikaw ung bunso, bilhan moko ng marlboro lights saka red horse. dali. hehe.

17 03 2008
Larysa

LMAO!!! Been reading your blog. I’m hooked. Stayed up till 3am. You are fantastic. Instant entertainment. hahaha only back home. Gives me an insight of life in Manila.

badoodles: @larysa instant entertainment? ay em? huwaw. in na in pala ako ngayon. parang instant noodles.

17 03 2008
miguel

payo: wag papatayin ang boypren or manliligaw ni utol. P50,000.00 ang babayaran sa mga naiwan, mag-hire na lang, P10,000.00 lang. Naka-save ka pa ng pera. hehe

badoodles: @miguel nice idea. sige mag-hire na lang ako. e kung ihire ko na lang kaya sarili ko? mas tipid un. hehe.

17 03 2008
marian

wow naman.. sarap siguro tlagang may kuya.. haaaayyyy.. wala ko nyan eh..

nice post natawa ko.. di ko alam kung seryoso oh joketime pero may sense..

ang gulo basta masaya… lols =)

badoodles: @marian sobrang gulo nga e. pati ako naguluhan sa sarili ko. wehehe. 😉

17 03 2008
popoy

naku katakot si kuya badoodles. cguro uurong ang etits ng mgamanliligaw ng bunso nyo kapag nakaharap ka na?? hehehe. normal lang yan kasi ikaw ang kuya kaya hindi mawawala yung ganyang ugali. ako kuya din ako pero hindi ako ganyan.. hehehehe. bahala sila sa buhay nila, malalaki na sila, lam na nila ang tama at mali 🙂

badoodles: @popoy talagang uurong etits nila. sa sobrang kauurong hindi imposible maging pekpek na lang din un.

guide mo pa din mga kapatid mo. a little guidance won’t hurt. sakin nga lang sumobra naman. hehe.

17 03 2008
abeautifulnightmare

wwwwoowww ang sarap mo maging kuya!
wala ako nun eh..masyado kcng excited di god na ilabas ako..binigay agad ako sa parents ko..nawish ko nga sana my naunang anak si dadi..wahaha

pero kung ikaw ang magiging kuya ko..kawawa naman ata ung manloloko sakin..(teka madami na plang ngpaiyak sakin anung number ba nung mga katoto mong assassin..nyahaha)

badoodles: @abeautifulnightmare akin na mga adresses nila at uumpisahan ko nang hantingin. hehe. mas ok ung mas matanda ka kesa sa kapatid mong lalake para ikaw pa din ang boss.

17 03 2008
gasti

strict si kuya hehe! may mga warning pang pinabaon kay bunso..tama lang naman 2nd the motion dancer ako sa mga sinabi mo tungkol sa mga kembot at tuwad na yan..pag nagdadalaga kasi kumekerengkeng.

badoodles: @gasti tama. iba na ung may konting bluff. kelan ko pa pangangaralan kung mas malaki na ang sungay kesa sakin. di ba parekoy? ayan may kumampi naman sakin. hehe.

17 03 2008
mayletti

wow! Ang sweet. Namimiss ko tuloy ang kuya ko.
2nd year college pa ko nung huli ko syang makita. Ngayon, almost 1 year na ko nagwowork.
Sarap mo sigurong maging kuya. Hehe.
Bakit ba ganyan kayong mga kuya, pagdating sa mga bunsong babae,
mahigpit sa pagdadamit at kilos. Hehe.

badoodles: @mayletti takot kami sa sarili naming multo

17 03 2008
phot

woot, woot.. gumaganon si Mr. Badoodles. Hehe.:)
gusto ko din ng kuya kaya lang wala akong kuya pero madami akong kuya. Kuya kuyahan. tulad ni kuya ricahrd na janitor sa aming eskwelahan. hehe:))
meron akong kuya mga pinsan kaya lang may kapatid din silang mga babae kaya wla nga akong kuya. Mr. Badoodles, pag naging bilyonarya ako tulad ni pacquiao imbitahin kta sa debut ko aah. kunyare kuya kita. magkano ba talent fee mo? hehe.. joke.:)

badoodles: @phot talent fee? teka ipapa-compute ko lang sa manager ko. hehe. ok ung may kuya-kuyahan ka, kahit papano meron ka pa ding masasandigan.

17 03 2008
ellieshe

ambait talaga ng kuya badoodles namen (nakz)…ahehe…

badoodles: @ellieshe ambait daw. hindi kaya. im bad. beri beri badoodles.

17 03 2008
barefoot_alchemist

aww, iv always wanted a kuya. puro kz kmi babae at ako pa ang panganay. kya madalas sa hindi para na rin akong kuya at ate. hehehe… barakong ate.

have a blessed holy week, badoddles

badoodles: @barefoot blessed holy week din sau in-advance ko na for next year kasi huli na tong bati ko. gudlak sa pagiging barakong kape, este ate.

17 03 2008
barefoot_alchemist

aww, iv always wanted a kuya. puro kz kmi babae at ako pa ang panganay. kya madalas sa hindi para na rin akong kuya at ate. hehehe… barakong ate.

have a blessed holy week, badoodles

18 03 2008
karen

ang swit swit naman ni koya!!!

pakurot nga..sa pisngi hehe 😛

badoodles: @karen kurot sa pisngi gusto mo? o hetong pisngi ng pwet ko. ayan magsawa ka kakukurot. magsawa ka!!! hehe. biro lang po.

18 03 2008
Sugar

grabe! naalala ko kuya ko sa yo! 20+ na ako unang nagka-bf sa takot ko sa kuya ko (buti na lang lumakas loob ko hehe). =D

btw this is the first time i came across your blog, and i am having a blast. you are a superb writer and have very entertaining entries. kudos to you badoodles! 🙂

badoodles: @sugar pers taym may nagsabi saking i am a blast. di ko alam kung matutuwa ako kasi un din ang tawag ng mga kakilala ko sa mga utot nila. hehe. neways. tenkyu much. kudos din tu yu. [teka ano ba ung kudos? baka bad un, pinagloloko mo ako]. 😉

18 03 2008
pepe

teka teka teka, masyadong mahigpit naman yata yun pangalawa…
di ako agree dun! i guess she must be old enough to decide whats too daring di ba?

oys, di ako nawala ha! di lang ako nagkokoment kase…although palagi akong natatawa pag napadaan!

badoodles: @pepe buti naman nadalaw ka. masama na nga loob ko sayo. nagkaboypren ka lang ng bumbay nakalimutan mo na ako. haha!

18 03 2008
McRey

“Dadalhin lang kita sa beerhaus at ipapaubaya sa mga babaeng kasinluluwang ng Orocan ang pekpek na magtuturo sa ‘yo ng sakramento ng binyag. ”

Wahahaha… mag-eenjoy kaya lalaki nyan? Parang wala lang…

Ang sweet naman… ayus… nakakatats ng piling… ano bang piling ng nakababatang kapatid? Nakakaasar maging panganay… lagi mong kaaway yung sumunod sa iyo… tapos yung bunso kakampi mo.. derpor, kawawa yung sumunod sa panganay…

wahaahah

badoodles: @mcrey importante nabinyagan. un din yown. hehe. un lang ang kaya ng pera ko weh, ung mga beerhaus na pang traysikel driver. e di pag naging big taym ako e di dadalhin ko naman sa beerhaus na pang jeepney driver.

18 03 2008
linglingbells

naku! para kang kuya ko.. protective kahit di masyadong halata.. hehe!

badoodles: @linglingbells kaya dapat magbehave. owkei? hehe

18 03 2008
dimaks

ok nang kuya ito, nagpapaalam pa kung anong gagawin sa boypren ni bunso e. ang nakakatakot yun walang imik 😀

badoodles: @dimaks bluff ko lang naman un pareng dimaks. isa yan sa mga talent ko. pero pag di kagatin ang bluff, dun na papasok ung kamay na bakal.

19 03 2008
Shayleigh

hahahahaha!!! so far, hindi naman ganyan ang kuya ko… kasi pangalawa ako,… pero ung pangatlo namin, sinabihan nya talaga na pag niloko sya ng boylet nya, maghanda handa na siya sa kuya.. nyahahah!!
kaibahan siguro, nagboylet ang kapatid ko ng kolehiyo pa lang… ako, tapos na.. kaya ok na sa kanya… heheheh!!!
wala lang.. sharing lang…
misss ko ang blog na itoh…

the best pa din ang kuya ko, kahit na bad trip ako sa asawa nya.. heheheeh!!!

luv u badoodles… sumasaya na talaga ako sa pagbabasa ng blog mo… ooops pasintabi po kay bebe ni badoodles, brotherly love lang po… 😀

19 03 2008
coldman

parehas pala tayo ng sitwasyon, minsan mahirap maging kuya. Ako over protective din ako sa kapatid ko, mahirap na. =)

20 03 2008
jojie

waaaahhhh!!! badoodles nagulat naman ako ever ever sa monalisa portrait mo sa sidebar. inferness gumada sa monalisa. hahahaha! hakutin ko yun pareng badoodles ha. naks! f na f ko e [feel na feel].

maraming salamat. suswertihin ka buong buwan ng march. 😉

21 03 2008
randomdemeanor

huwaw!!! kakatats naman…ang hirap cguro maging boyprend ng kapatid mo..whahah!!! pwede blade nalng ang gamitin pangkaliskis..aheheheh!!!

swerte ni bunso ah!!!
sana ako din, maswerte sa kuya ko..aheheh..

21 03 2008
auee

Kuya!!! Kelangan ko din nang allowance 🙂

“Hindi pa naman naghihikahos sa tela ang Pilipinas”
E hindi naman yan ang dahilan kung bakit maiksi at kapos sa tela ang suot nang mga tao dyan. Mainit po Kuya, kaya kailangan nang climate-ready clothes aka almost-nothing attire.
😛

21 03 2008
penggay

Ahahahaha! Potek. May naalala ako sa entry na to. Matanong ko lang, seryoso ba to o joke lang? Pero ayos.. natawa ako ng bongga. Answeeeet ni koya. Hoho!

22 03 2008
thealyssaexpress

Sana ako din may Kuya. Hay.

22 03 2008
byterslair

owww!!!…buti nalang di kita kuya, ang hirap mong maging kuya ang daming mong rules. magtatanong lang po, pwede din bang mambatok ng kuya? ano pinakamagandang gawin pagnaka-batok ka ng kuya?

**koment ng tambay from http://tambayannibyter.i.ph

23 03 2008
musikheiress

awww… ang sweet nmn ni kuya….
pabatok nga.. heheheh.. *wink!

23 03 2008
buffalo soldier kadeteng kalabaw

kuya, asan ka na?

28 03 2008
Bebekorin

astig naman sa mga post.. nakaka-aliw basahin.. bastos na educational,, pero sumasalamin sa realidad ng buhay!

badoodles: @bebekorin ‘no ka ba, hindi ‘to bastos, recommended kaya ‘tong blog ko ng depEd. saka mtrcb. saka ni tserman manzano. haha. hindi kaya bastos… ahm…. ano ah eh.. hubad na katotohanan. yun yon.

31 03 2008
beero

di eh. ala akong idea kung ano magiging role ko bilang bunso. na-shock na lang ako kasi habang lumalaki ako lalo ding lumalakas ang batok at kutos sa kin. hehe 😆 gusto tuloy kitang maging real-life kuya. dalhin mo ko sa beerhouse. lols!

badoodles: @beero oo wag kang mag-alala pupunta tau sa pegasus. heto nag-uumpisa na akong maghulog ng mamiso sa piggy bank ko pambayad ng entrance fee. hehe

31 03 2008
antipatika

sweet naman na kuya 😉 sana may kuya din ako para ipagtanggol ako kay Kotsengkuba. hehehehe!

badoodles: @antipatika mrs kotseng kuba. huwaw! nice meeting u. welkam, welkam. ambait naman ni kumpareng kotsengkuba ah. kinukwentuhan nya nga ako tungkol dun sa tsik na nakita nya sa restawran kahapon. hahaha! biro lang. mukang pareho nga kami ng ugali ng asawa mo. konting pilyo pero faithful.

1 04 2008
mnel

sana may kuya ako. =)

badoodles: @mnel ako ang nawawalang kuya mo. hindi mo na ako kilala? dali, bigay mo sakin atm mo, alahas saka celpown. hehe.

17 04 2008
annenoneymous

tatsing naman to, idol… kung mababasa lang to ng sisteret mo, i know mahihipo din sya sa puso… huwaw… sana may kuya din ako… :p

badoodles: @annenonymous mas sira ulo sakin ung bunso namin. baka pagtawanan lang ako nun. pag tinetext ako nun, may kasama pang ‘toinkz ka naman brow’. para san ung ganung expression? mga kabataan talaga ngaun, asal alien.

17 04 2008
beero

tamang-tama kasi di pa ko nakapunta sa pegasus. hehe. ano meron dun? ahehe. naks! talagang pag-iipunan mo night out natin ah. text mo lang ako pag sapat na naipon mo. LOL

badoodles: @beero pegasus? maraming ano dun, pekpek na umuusok. sige pagipunan ko ung entrance fee, pagipunan mo naman ung pekpek. :mrgreen:

7 05 2008
issapotching

parang ang sweet mong kuya..sweet na mahalay, wahahaha!!!!

badoodles: @issapotching salamat sa compliment na mahalay. wahahaha!

4 06 2008
koi@thai

okay na kuya ka! yung kuya ko sinamahan akong binyagan sa beerhaus pag ka graduate ko ng college.. tapos after 3 days tinatanung ako kung ano daw ba nararamdaman ko,, waaaa! tinatanung kung nangangati ang dulo,, takot siya baka daw me sakit yung girl,,,, waaaa! so far oks naman,, para akong nahulog sa balon sa luwag,,! sabi ko…..

30 06 2008
b@kekang

hmn..me kuya din me pero naunahan q png mg asawa..35 yrs.old n xa now at single pa ren..ngpapahanap nga sken ng gf/aasawahin eh..electrical engr.xa nasa jedah xa ngwowork me sariling house and lot (salestalk b 2?)..bka meron u jan pedeng ireto hehehe..yung matino ha?…tulad q hehehe…

ps..cmula ng nbasa q blog u..palage n me d2.galing u kc eh..

badoodles: @bakekang meron akong irereto. inglisera at maputi. kaso pag nireto ko yon, wala na kaming katulong.

nambola ka pa. sige iisipin ko kung papaniwalaan kita. 😉

8 07 2008
b@kekang

oi d q binobola sarili q ha?..matino tlaga me wahahahaha!!!

ps..ganda ng boses u hay..oh badoodles hehehe..

badoodles: @bakekang hoy bawal kiligin. isumbong kita sa husband mo.

13 07 2008
b@kekang

grabe k naman..ang killjoy u kaya..kilig na nga lng pwede ipagbabawal u pa..normal kaya aqng tao (dati)??hakhakhak!!!!

7 10 2008
milskiss

thnkz 4 saving my day kuya!. . .helo dn ke bunso!jek jek jek

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: