No Mating Season

26 03 2008

Umaatungal si BebeKo nang lumabas na ang resulta ng pregnancy test nya saka Histopath, parehong nagsasabing buntis siya.  Noon ‘yun.  Bago pa siya ‘dinatnan’ last week na nahirapan pa nga siyang i-flush ‘yun’ sa CR.  

Mahirap i-console ang babae.  Dahil una, mabilis ang kanilang emotional attachments sa mga bagay-bagay.  Sakin, isang simpleng sperm at itlog lang ‘yun na nag-date at hindi nagkatuluyan.  Hindi naman kasi kami close ng sperm ko kaya rason ko, ‘Gumawa na lang ulit’.  Walang problema.  Marami pa akong stock na sperm.  Pero iba kay BebeKo.  Pinangalanan na nga agad ni BebeKo ‘yun ng Angel.  Ako may pinangalan na din naman – Casper.    Baka nga pinagplanuhan na ni BebeKo kung anong brand ng pampers ang gagamitin ni Casper,  saang exclusive school mag-aaral, at kanino siya ipapakasal.  Hehe.   

“Bakit hindi ka nalulungkot?”.  Nilapirot ni BebeKo ang dibdib ko.  Ewan, bakit kapag hinihila nya ‘yun e parang may kuryenteng dumadaloy papuntang betlogs ko.  Hindi ko alam kung sinadya talaga ni Papa Jesus na magkaroon ng koneksiyon ang utong at betlog o baka ito lang ‘yung sinasabi kong ‘Maybe, it’s just me’. 

“Anlungkot lungkot ko kaya tignan mo o?”.  Sinipat ko muna ang sarili sa salamin.  Ginaya ang pagkakalukot ng mukha ni John Lloyd Cruz  noong nagsusumamo siya kay Bea Alonzo sa pelikulang ‘One More Chance’.  Pero sablay.  Hindi ko kamukha si John Lloyd.  Sa pagkakataong ‘yun, mas kamukha ko si Bentong. 

“Ikaw kasi, nagtampo tuloy sa ‘yo”, hirit ni BebeKo.  Sabagay may punto siya.  Sinabi ko kasi noon na hindi pa ako handa magkaroon ng anak.  Wala akong balak i-share ang dede.  Akin lang ‘yun.  Baka nga gumanti si Casper sa ‘kin at lumabas ‘yung kamay nya sa inidoro at biglang kalabitin ‘yung betlog ko habang nagsi-CR ako.  Nakokonsensiya na tuloy ako.  Sa susunod, papayag na akong pumasok sa isang kasunduan para i-share ‘yung dede sa magiging baby ni BebeKo.  Basta ba sa kanya ‘yung kaliwang dede, gusto ko akin ‘yung kanan.  Kananete kasi ako.   

Sabi ng OB-Gyne mababa daw ang matris ni BebeKo kaya kailangang ipahilot para tumaas.  Wala pa akong naririnig na nagpapataas ng matris sa ibang bansa tulad ng Amerika at Australia kaya iisa lang ang naging siyentipikong konklusyon ko – malakas talaga ang gravity pull sa bansang Pilipinas kumpara sa ibang parte ng mundo.   

Nagpahilot nga si BebeKo nung isang araw habang nasa opis ako.  Andami daw pinagbawal nung aleng manghihilot.  Bawal malamig na tubig, bawal ang Coke at higit sa lahat, bawal ang labing-labing.  Taena naman, hindi ko alam kung may tagong galit sa ‘kin ‘yung manghihilot na ‘yun at pinagbawal ang sex.  Ng isang buwan.  Kulang na lang e isalang ako sa silya elektrika ah.  O baka mas gugustuhin ko pang matutong sa silya elektrika, o pasakan ng buhay na kawad ng kuryente sa ilong kesa pagbawalan ng labmaking.  Naman.   

Tanggalin mo ang sex sa buhay naming mga lalaki ng limang araw kung hindi kami matuliro ng todo.  Pakiramdam ko nga, ngayon pa lang, parang barado ang buo kong katawan, mahina ang pandinig [iba ang dinig ko sa salitang canton], at nanghihinang nahihirapang magreply sa mga comments nyo [Cencia na po].   

Pakyu talaga ‘yung matandang ‘yun.  Mahanting nga.  Kung pinoproblema nya ‘yung mababang matris ni BebeKo, kaya ko namang ipataas ‘yun.  Hihilahin ko lang ‘yung dalawang fallopian tube sa matris ni BebeKo hanggang umabot sa may balunbalunan nya saka ko ita-thumb tacks.  Tapos.

Advertisements

Mga Tugon

Information

48 responses

27 03 2008
antuken

hahaha! ako nga, sawa na sa mga comment na: “ano, may laman na ba?”

before getting married, i wanted to have kids immediately. kse nga ang bio clock ko, tick-tock na ng tick-tock. kaya lang, napagisip-isip ko, wag pala muna agad… mga ilang buwan pa muna sana. gusto ko pa kse mag-inom sa birthday ko (next week na yun)… siguro ramdam nung nasa itaas ang sentimyento ko, kaya nung isang araw, nalaman kong hindi na naman pala kami successful ni mr. antuken sa paggawa ng aming bonita.

i’m not worried yet. sabi naman kse nila, mag-worry daw kami kung 1 year has passed at wala pa rin. a friend gave me a tip (not sure yet kung totoo, susubukan pa lang namin): count 14 days daw pamula dun sa 1st day ng period ni bebemo. jackpot daw na fertile sya that day. actually yung 11-18 days after her 1st day eh fertile period daw.

afterthought: yung pinsan ko hinilot last sat ng uncle ko na PT (sa states), he didn’t say anything about abstaining from sex though. that sucks bigtime di ba?! alam ko kung baket kayo pinaga-abstain para sa susunod na magchukchak kayo, marami raw lalabas sayo. hehe.

badoodles: @antuken pareho tau ng pinagdadaanan, salamat at may karamay ako hehe, ang palaging tanong ng mga opismeyts, kaibigan, kamag-anak, at mga bosing e ‘wala pa ba?’, na parang un lang ang tanong sa mundo. pede naman nila akong tanungin ng 1+1, 1+5, o kaya kung bagay nga ba si john lloyd cruz saka bea alonzo. hayzzz. si bebeKo ang nape-pressure. kung ako, cool lang.

ung sa count 14 days, sabi nga din ng kaibigan kong nars yan. kaso epektib lang un pag regular ang bwanang dalaw. pag nauna kayong nakabuo ni antuken mo wag mo akong tatanungin ng’o ano, wala pa ba?’ ha, kundi tutusukin kita ng chopstick. 😉

27 03 2008
kulot

mas maganda nga mag love making habang namumuo yung sperm mo at itlog ni bebemo, payo yun ng OB ha

badoodles: @kulot anya ka met kabsat mandika nga naawatan. hehe

27 03 2008
camilleeee

hehe. nakihabol pa ata sa ‘mahal na araw’ kuya?

ok lng po siguro yun, baka nga kelangan lang talaga magpahinga ni bebeMo at ‘mag-istak’ kau para sa magiging ‘twins’ nyo hehe.

natawa ako dito >>>” Ginaya ang pagkakalukot ng mukha ni John Lloyd Cruz noong nagsusumamo siya kay Bea Alonzo sa pelikulang ‘One More Chance’. Pero sablay. Hindi ko kamukha si John Lloyd. Sa pagkakataong ‘yun, mas kamukha ko si Bentong. ”

natapon tuloy kape ko nyahaha

badoodles: @camilleee tumpak, penitensiya talaga to. ayoko naman ng sobrang mag-istak ng sperm ko, mamya pag lumabas parang buhos sa hose ng bumbero. malunod pa misis ko. haha.

sabi ko na nga, mapapatawa kita. haha.

27 03 2008
watusiboy

isang buwan? e ano gusto nya? immaculate conception? pero
gudluck sa inyo ng bebe mo.

badoodles: @watusi haha. maiinsecure si mama mary nyan, sya lang ang orig na nabubuntis sa pamamagitan ng panaginip. at pag may nangyaring pagbubuntis na walang kontak sa panahong ito, nakupo, hehe, hindi si God may gawa nun, salisi gang ‘yun

27 03 2008
gasti

hahaha! nakikisimpatiya ako sayo pards! balik basketbol ka na naman…kaya mo yan isang buwan? uhhmm…mahirap nga yan..ngyon pa lang magsisimula ang abstinence mo eh tapos na naman ang holyweek.

itago mo muna ang mga porn dvd’s mo at lumayo ka muna sa mga kamunduhan. hmm..on the second thought may paraan pa naman eh 😀 jugjug lang ang bawal diba? pero pwede ang mga “pasakalye”

badoodles: @gasti kung foreplay malamang sa labing labing din ang tuloy nun. tignan ko kung makakaya kong tiisin at iligo na lang ang libog sa isang batyang ice cubes.

27 03 2008
Nemcy

Sorry to know sa nangyari sa dapat unang supling n’yo 😦 Pero tama pwede pang mag-date ang egg at sperm n’yo ng bebe mo 😉

Pero payo ko rin, show a little emotional support sa bebe mo ah. Kung mababatukan lang kita, binatukan na talaga kita. Naman! Kahit konting pag-share ng emotion i-satisfy mong bebe mo. Coming from her side, naghahanap kami ng kakampi noh, nagkaramay lalo na sa mga emotional pains kahit nabalian lang ng kuko dapat kahit konti ipa-feel mo na nakikiramay ka, eh what more pa kung dapat junior n’yo na ‘yun 😦 ‘kaw talaga!

As for the abstinence of your sex life, magbasketball ka na nga muna o kaya sariling sikap? Hehehe… konting tiis… sabi nga, sa paghihintay dun binibigay ang biyaya 😉 (imbento ko lang ‘yung kasabihan na ‘yun)

Good luck!

badoodles: @nemcy haha! ayan napagalitan tuloy ako ni mareKo. mahirap din sa parte naming lalaki ah, kahit anong effort namin e parang parati kaming kulang… kulang… kelan ba kami magiging sapat? we were never enough for you [hehe, ayan nagdrama].

sige na nga, sabi mo e, masusunod po. 😉

27 03 2008
Maldito

nabalitaan ko din yun bossing last last week…sori to hear that….indi ko alam na magaling ka palang doktor..the best sa operation…ahehhee….indi ba sobrang taas naman yun dok badods?

may mga kaibigan ka naman eh..yung dlawang palad mo..ahehhee…dont lose hope..

badoodles: @maldito yoko na dun. mula ng mag-asawa ako, nasanay na akong mag-free hand. baka iipit ko na lang sa pagitan ng door knob o kaya sa rolyo ng toilet paper. for a change.

27 03 2008
phot

desperado mr. badoodles? haha. i thuthumbs tacks pa talaga. HAHA:))

badoodles: @phot mahirap kasing magdesisyon kung anong gagamitin ko – thumb tacks, push pin ba o kaya concrete nails. napagdesisyunan kong thumb tacks na lang. kasi mura.

27 03 2008
popoy

nakakalungkot nga yung nangyari sa magiging baby nyo sana..

masa nakakalungkot ang OFF LIMITS na advice ni manang manghihilot.. hehhehe

hahhahaa.. kuya badoods, tiis lang. ayaw mo bang makabuo ng bata???

badoodles: @popoy gusto ko na. kaya nga hindi na ako makatiis. alam mo yung pakiramdam na naiihi ka na kaso 2 oras pa ang byahe sa super highway. yun, ganun yun.

27 03 2008
lex

nakups isang buwan ang fasting mo? teka gano ba ka-reliable yung manghihilot na yun? 🙂

God bless dude. i’m sure hindi magtatagal magkakaroon na rin kayo ng “baby badoodles”

badoodles: @lex dude, how’s mah man doing lately. oo gusto ko nang maging tatay para magkaroon na ako ng side kick sa inuman. hehe

27 03 2008
xienahgirl

idamay daw ba si john lloyd cruz?
wag ka nga.
🙂

ako nga wala pang boyps
gusto ko na magkaanak e
si bebemo pa kaya
na may badudels na?

ikaw talaga
pero keri na yan

kung ano man ang balak mo gawin sa
isang buwan
na walang labing labing
e nasa sa iyo na
hahaha

badoodles: @sige angal ka sa pagdawit ko kay john lloyd, sabihn ko kay mrE na hindi ka na nya labs. 😉

kumareng xienah, kelangan mo munang magkaboypren bago magkaanak, si mama Mary lang ang pwedeng manganak ng walang boypren. at pag nanganak ka ng walang boypren, lagot ka, inaagawan mo si mama Mary ng career.

27 03 2008
linglingbells

nabalitaan ko nga yan sa blog ng bebe mo.. yaan mo na, konting sakripisyo lang yan para next time, mabuo na talaga..

badoodles: @linglingbells oo, mukang kinakarir nga ni bebeKo ng husto ngayon. binigyan siya ng gamot na pampakapit pati ako ba naman pinapainom. suspetsa ko baka un ang dahilan kung baki namamaga ang utong ko. hmmm..

27 03 2008
bebenibadoodles

Badoodles na may sipon at ubo… epekto kaya yun ng abstinence?

Ayon sa aking research at sa OB na rin, yung 1 month is estimate lang habang inaantay na mag mens ulit ako.

Rason: kasi po nagka miscarriage ako and yung sudden cessation ng pregnancy is traumatic sa katawan ng babae in the sense na kailangan mag readjust ng katawan ko prepregnancy status and at the same time kailangan mag stabilize muna ng hormone level sa katawan ko before ma expose ulit sa possibility ng mabuntis.

Irrational nga siguro, but better safe than sorry. Wala ako plano magka hemorrhage. Baka hindi na kayanin ng powers ko pag nakakita na naman ako ng maraming dugo.

badoodles: @bebeKo por da rekord, ngayon lang uli ako nagkasakit pagkatapos ng isa’t kalahating taon. tingin ko dahil kulang ang betsin na nilalagay mo sa ulam. dagdagan mo pa. kelangan kong imaintain ang mataas na level ng monosodium glutamate sa aking dugo. pleassseeee…. hehe.

at sa mga pagkakataong ganito na barado ang katawan ko at tuliro ako, kahit anong explain mo, wala akong maiintindihan jan. kelangan ko ng sekkkksss! hmmm… hehe oa na ako masyado. opo, naiintindihan ko na po. ano na nga ulit un?

hehe. i understand. labs yu bebeKo. sana wag kang magsawa sa kakulitan ko.

27 03 2008
jepoy

We symphatize pre…

Have faith, everything has its own place and time.

If I’ve got correct goals, and if I keep pursuing them the best way I know how, everything else falls into line. If I do the right thing right, I’m going to succeed
— Dan Dierdorf

badoodles: @pareng jep hehe, showbiz ka pre. ikaw ung una kong pinagsabihan tapos parang ngayon mo lang nalaman. sige na, paniwala na ko sayo. pero sure na ako handa nakong maging tatay. err.. medyo.. ewan. hehe. pareho lang tayong may misgivings kung mapapangatawanan ba natin ang buhay ‘taken’, pero tingin ko kaya naman nating maging mabuting ama.

28 03 2008
gladita

harharhar…baka mamuo ang sperm mo at maging sago.

badoodles: @gladita mabuti sana kung sago, baka sa sobrang tagal maging tadpole

28 03 2008
ponchong

siguradong iritado ka at may time na ‘di ka makakausap ng matino. ‘yan ang nangyayari sa akin kapag ‘di nakakadilig lalo na kapag the red flag is up. pero tama ang BebeMo, kelangan talaga mastabilize muna ang hormonal level n’ya or else walang bunga ang seks (pero di yata ‘yon lang din ang gusto mo)

hehe..
o di ba sir ibig sabihin laging uulit ulitin ang paggawa? di ka na talo don.

dagdag kita sa institusyon ko. tenks.

badoodles: @ponchong oo dapat una sa listahan ang pleasure, pangalawa lang ang procreation. kahit magalit ang simbahan pinapalitan ko na ang doktrina tungkol jan.

nakadaan nako sa site mo. astig. galing din ako sa blogspot dati kaso unang naiisip ko pag sinabing blogspot ay ung bwanang dalaw ng babae, kaya lumipat ako ng wordpress. kaya ikaw, lumipat ka na din [sales pitch to, wordpress bayaran nyo ako haha]

28 03 2008
buffalo soldier kadeteng kalabaw

parekoi, nakikisimpatiya ako sa’yo. di ka bibigyan ni [a[a jesus ng bagay na di mo kaya. self supporting ka pala muna. nasa kamay mo ang lahat.

goodluck! sana next time ok na. di ko tatanggihan kung kukunin niyo akong ninong. hehehe

badoodles: @buffalo di ako self-supporting bok, naka autopilot mode ako, oo tulad nung teen ager pa lang tayo na paggising sa umaga e basa ang salawal.

sige i-advance natin. ngayon pa lang ninong ka na. i-advance mo na rin ung regalo mo. haha. gudlak sa minimithi mong si moimoi

28 03 2008
ilocano

nalipatak iti nagcomment idi kalman. kasta nga talaga, napadasak met data. maasyanak keni melay ko idi ta kasta met iti napasamak kanyana.

kaya ka pinag-aabstain kasi para na rin nanganak ang lagay ng miscarriage. entitled din dapat si bebemo ng 1-2 months maternity leave.

at hindi lang yan ang no mating season mo, after nya mabuntis ulit, bawal na naman ang sex kasi baka magbukas ang cervix nya at mag-spotting ulit. kapag nangyari un, she will have a slimmer possibility of bearing a child or rather it becomes harder each time it happens. ang maipapayo ko lang sa kanya is tamang pahinga tsaka diet. tapos kapag lumaki na ung tyan nya, pwede na ulit hanggang manganak. i bet fantasy mo un. hehehe

badoodles: @ilocano uray syak pre maasiyannak keni bebeKo ta madi pay met agsarita nga dagos nu adda marikna na nga sabali. dinadaanan ko na lang sa biro pero ang totoo nun madanagan nak idi, i was in deep shit then. helpless pa kasi i was at work.

madi na met kayat agfile ti maternity leave. kayat na agtrabaho nga dagos. ungtam man

28 03 2008
einn0c

nakakatuwa naman how you take serious things lightly ( miscarriage ng bebe mo) pero ngayon ko rin napatunayan na seryoso rin palang issue sa mga lalaki pag alang sex sa buhay nila within 5 days ba ika mo of abstinence mawiwindang buhay nyo? tskk..tskk..

badoodles: @einnoc hindi naman gaano, between life and death serious lang naman. hehe. sana isang araw, pagtripan ni papa jesus na bigyan kami ng mahabang sex control at kayo namang mga babae ang nasa ‘other side of the spectrum’. hehe. iniisip ko pa lang, natutuwa nako. 😉

28 03 2008
iamsamjuan

alam ko pwede namang maglabing-labing kahit me junior na sa lob nimisis. me napanood akong yoga session, ine-encourage ang labing-labing para daw mas ok ang pangangaka ni misis. hehe. gudlak.gudlak.

badoodles: @iamsam hindi pa manganganak si misis dahil hindi pa siya buntis… hayzzzz naku [kamot ulo, kili-kili at betlogs]

28 03 2008
foobarph

siguro lahat ng sasabihin ko eh nasabi na sa mga past comments. pero hahabol pa din ako.

karamay mo rin ako jan pero kung isang buwan na walang kantot, este sex, siguro nga mahirap yun. pero it’s worth trying.

grabe… penitensya nga yun. arekupup.

badoodles: @foobarph oo gudlak sakin. naliligo nga ako sa timba-timbang ice cubes para bumaba ang body temperature ko at panay ang lantak ko ng papaya at pagpi-pray na bumilis ang galaw ng orasan.

28 03 2008
jojie

get well soon badoodle. may solusyon sa bara-barado mong katawan. MALABANAN. lol!

nasasalamin ko talaga sa inyo ang magiging buhay namin ni manong ko balang araw. malas ba yun o swerte?

badoodles: @jojie masayang magulong maswerte. humanda ka sa kala-kalabit ni manong mo 3x a day saka 3x a night

28 03 2008
mcrey

“Sa pagkakataong ‘yun, mas kamukha ko si Bentong. ”

Parang tagus-tagusan naman sa kabilang mundo yung part na yan? Wahahah…

Isang buwan?! Okay lang yan! Dapat bawal din magbate para after ng one month eh tumatagingting na ONE NANOLLION (tama ba? ONE OCTILLION NA NGA LANG!) yung sperm na maguunahan kay Ms. Eggcell…

wahahaha… malay mo eh maging paternal twins pa sila…

awts! sakit yan, pero konting tiis lang yun! ONE month is shorter than ONE WEEK provided that you are a million steps away from her… o diba?!

badoodles: @mcrey dude parang gusto mong mangyari ung sa scary movie ah. sobrang dami ng sperm e tagos sa ceiling ang pagtilapon nung babae. bakit nga hindi. for a change…

28 03 2008
antuken

hahaha. pano matutusok ng chopstick ang isa pang chopstick? (ay ilusyon ko na lang pala yun, di na pala ako ganun kapayat)

oi, get well soon. mag-clusivol ka kse (“bawal magkasakit”)…

tigas ng mukha ko magbigay ng advise eh kahit nga ako tamad din mag-vitamins. lagi nga ako napapagalitan ni antuken ko eh. sabi ko nga sa kanya, bilhan nya ko ng syrup. hirap talaga ako lumunok ng tablet/caplet. 😉

badoodles: @antuken eto lang naman pinakamalalang sakit ko sa tanang buhay ko – ubo at sipon. medyo ok naman na, nagpapakulo ako ng mantika tapos dinidilaan ko sa kawali. tanggal sipon, tanggal din ang ilong.

29 03 2008
aga

in gods time…. asust
ninong ako parekoy hah…
napadaan lan po…

badoodles: @aga ang aga mong magprisinta. sabagay sabi ng lola ko, wag tatanggi sa grasya. sige lang, go! go! go!

29 03 2008
lilmiz

ang sad naman 😦 pero sige lang kuya, kaya nyo yan.. sabi nila, madali lang daw naman gumawa ng baby, totoo ba yun? ahehe 😛 .. sana ok na din si ate bebe 🙂

badoodles: @lilmiz madali ba o mahirap? hindi ko alam e. kumbaga sa gyera putok lang ako ng putok. pag may nasapol e di ayos. hehe. bata ka pa para magtanong ng mga ganyang bagay ha. naku, tong bataong to talaga…

29 03 2008
shao shao

hahah, galing tlaga ng imahinasyon muh dong..

san b gawa yang utak muh at kung anu ano ang naiicip moh..???

yaan muh mabilis lang naman ang one month ehh, bili kna lang muna ng maraming porn magz at mgaral ng tamang posisyon…pasasaan ba’t makkabuo din kayo..

badoodles: @shao shao nagtataka nga ako e. ang alam ko ako ang pinakaseryosong tao, tapos buong mundo ang hindi. makulit mga opismeyts ko, barkada, at mga rugby boys na nakakasabay sa bus. pramis hahagalpak ka sa katatawa sa kanila.

30 03 2008
auee

“ikaw” talaga, nagagawa mong dalin sa biro lahat. I hope ok na bebeMo emotionally. I’m sure supported mo sya kahit patawa ‘tong post mo.

Now you just need to be wary that you don’t turn blue… Remember the Smurfs??
😛

badoodles: @auee dinadaan ko lang sa biro pero apekted din ako. ikaw, gusto mo rin makita ang pang-john lloyd cruz kong facial expression? hehe. lifted na ang ban. napaaga. huwaw. Papa Jesus loves me berimats.

30 03 2008
arabongpinoy

naku!!!!isang buwang walang labing-labing…ang lupit naman n’yan…para ka n’yang isang asong ulol…dadami pa ang labahin mong underwear dahil sa gabi gabi kang magwe-wet dreams….

badoodles: @arabongpinoy lifted na ang ban. hindi nakatiis si misis. maglakad ba naman ako ng hubot hubad sa harapan nya kung makapagpigil pa siya. hehe. hindi naman, nakuha ko sa pakiusapan, ung manghihilot. binilhan ka ng sopdrinks kaya kinausap si misis na ok na daw. ay em so packing good.

30 03 2008
Lenggai

tulad ng sabi ng iba, sana ok lang kayo ni bebemo… at least, yan ang “trial and error” na masarap ulit-ulitin… hehe!

isang buwan… sus, me iba pang paraan di ba? nyahahaha!!! 😉

badoodles: @mareng lenggai ok na si bebeKo. naka-move on. balik sa pagbubuhat ng malalaking karton sa bahay. kargador yata si bebeKo nung past life nya. 😉

31 03 2008
Geisha

sorry to hear that! sayang baby na sana yun!
gawa ka pa ulit… madali lang naman yun eh 😆

badoodles: @geisha anhirap kayang gumawa. maga na nga titi ko e. bukol bukol na, parang kinagat ng sanlibong pulang langgam.

1 04 2008
ilocano

ni! madi a. dapat ag-maternity leave isuna tapno agpalaing. the secret to a successful pregnancy and a healthy baby is discipline. dapat alagaan na nga nailaing iti bagi na. agraman iti stress panggep iti work. Dakkel epekto na a iti health na data. keeping preoccupied may only wear away the disappointment of miscarriage but the readiness of having another baby will be in jeopardy.

talaga nga narigat a, aglalo ket haan tayo met nga maritna iti maritna dagiti asawa tayo. iti agpayso na nga talaga, mas madanagan tayo iti kasasaad da ngem dyay nagbanagan dyay panagsikog da.

badoodles: @ilocano thanks pare, mayat ngarud ta nabagaam isunan. gayam ta damdamagen na kinyak sinu nga talaga ni steve jobs ta adda comment mu kinyana. haha! baring nga agdingngeg.

1 04 2008
ellieshe

ayuz lang ayta manong ko…makaaramid lang ti maysa ke ayusen. Ibagam met lang kini manang bebe..hehe..

tiis lang 😉

badoodles: @ellieshe sabagay, at least ammuk nga mandi ak gayam baog nya. 😉

1 04 2008
mnel

ngayon lang ako magcocomment dito. natawa ako sa iyo. isang buwan? tsk.

marami namang ibang paraan para sumaya.

tulad ng…

magvideoke. hahaha. at walang halong malisya yun ha. =P

badoodles: @mnel sus, may malisya kaya un. haha. pahawak ko na nga lang ung pototoy ko e nagtatatakbo na, e lalo na un, baka pompyangin pa ako nun ng kawali sa pisngi. 😆

1 04 2008
krisjasper

ha, ha.. wag naman thumbtacks… masakit yun.
scotch tape na lang.

badoodles: @kris sige na nga scotch tape na lang. ung may kasamang mga durog durog na bubog para kumapit talaga. o kaya may epoxy para di talaga matanggal. 😆 haynaku, kung ano anong iniisip ko.

1 04 2008
marian

awts.. sorry to hear that..

baka nga di ka pa talaga ready ngayun.. goodluck.. po.. 🙂

para maging exciting nalang.. kwentuhan lang kau ni bebemo.. para may twist hubo’t hubad kwentuhan lang walang malisya.. hehe

badoodles: @marian ayaw kong ganun. tao lang ako, marupok. mamya matukso pa ako. hehe. eckshuli, wala na akong dapat ipangamba, lifted na ang ban. 😉

2 04 2008
kingdaddyrich

therefore…

sariling sikap MUNA ang tugon diyan!!!

badoodles: @kingdaddy ano ung sariling sikap? hindi ko alam un, laking seminaryo kasi ako. ang alam ko lang e ung pag-iipit ng pototoy ko sa pagitan ng pintuan, saka paggamit ng butas ng coke in can. 😆

2 04 2008
aKDa

haha. hirap nga ata. ramdam ko sa post mo. at dun sa mensahe mo para sa matanda. nyahaha.

badoodles: @akda hindi ko madescribe talaga mpero mahirap na mahirap. sobra. sobrang pahirap. as in. super hirap. basta mahirap. ganun.

2 04 2008
beero

sorry to hear that kuya bossing. baka di pa ito ang takdang panahon para magka-baby kayo. konting tiis lang at alam kong makakabuo ulit kayo. mag-ipon ka lang muna at umiwas sa porn. hehe 😆

[iba ang dinig ko sa salitang canton] – gets ko to ah! hmmm…natawa ako sa reply mo sa comment ng Bebe mo. hehe

badoodles: @beero dinadaan ko lang sa kulit pero mahal na mahal ako nyang bebeKong yan. soooper canton. hehe.

2 04 2008
youngmaze18

hi, po hope you can drop by sa blog ko pakinggan mo yun song sa new entry ko at hope you comment sa song good or bad. thank you

http://flipclan.com/unang-pagtingin/

badoodles: @youngmaze mahina yata ang sound. wala akong marinig e pag pinipindot ko ung play. although may lyrics naman na lumalabas na ganito: error opening file. kala ko ba tagalog? hehe. balikan ko ulit next time. by the comments nung mga nakarinig, mukang nageenjoy sila. rock on dude! [teka, ano ba ibig sabihin ng rock on?

2 04 2008
koreanmine

ganun daw tlga, pag di pa ukol eh kailangan munang mag ja… 😀

pag pahingahin muna si misis uy 😀

para kalng ng may nakahaing sizzling sisig na pwede tingan at amuyin, pero di pde kainin.. ay pde ata??? 😀

badoodles: @koreanmine anong magja? magjakol un ano? haha. kaw talaga, nambibitin ka pa. ibitin kita ng patiwarik e. kaw bata ka. hehe. joke.

pwede na akong tumikim ng sisig. wala ng ban. life is great. God is good 😉

3 04 2008
ian

i stumbled upon your blog when I had to do overnight work. i greatly appreciate the way you express yourself through this blog – simple yet thought provoking. parang nabasa ko na lahat ng kwento mo in just one sitting. and i always look forward to new entries.

sorry to hear bout your wife’s pregnancy. konteng tiis lang, anu’t ano pa’y makakabuo rin kayo niyan.

badoodles: @ian tenks sa pagdrop by. pano ka pa makakabalik nyan, inubos mo nang basahin? hayzz [kamot ulo]. next taym konti konti lang ha? hehe. tenks pare. para sa atin ito, mga lahing makukulit.

10 04 2008
maris

matagal na akong lurker dito sa site mo.- bangis!

pero etong entry mo kakalongkot. its hurt you know.

oh well pagsasaan este pasasaan at matatapos din yan. makakabuo din kayo.

labshu idol badoods! ^_^

nga pala may fs ka ba?

7 05 2008
issapotching

wahahahah!!! nakakatuwa!!! ipagdamot daw ba ang dede? hahahah deym ang hirap kaya magpigil ng pagtawa d2 sa ofis….grrrr..sayang ansarap sana tumawa ng tumawa habang basa ko blogs mo :p

anyway, goodluck sa inyong mag-asawa, konting tyaga pa, makakabuo din kayo, malay mo kambal pa :p

badoodles: @issapotching hehe. may pagka-selfish kasi ako.

pano na lang kung kambal? hinde pwede un, kawawa ung isa wala siyang dede.

20 06 2008
popoymura

ang kulet…hehehehe…diba pampers brand na un? parang anung colgate mu? close up?

hehehe pinatulan ko talaga ung pampers mu….hehehehe

16 07 2008
b@kekang

hmn pasalamat u kc ilang days lang u diet hehehe,,,

11 08 2008
nancy

Wala lang,alam nyo po nakakatuwa kau,ngaun ngaun ko pa lang po nabasa ung mga blog ninyo pero wiling wili na ko.bilib ako sa humor nyo!!!!tsaka,gudluck nga pala sa inyo ni BebeNyo!!!natutuwa ako na nasusubaybayan ang buhay ninyong 2! 🙂

24 08 2010
Sean

nung nakita ko to, hinanap ko kung kaylan mo ni blog yung pagka buntis ni bebemo.. nakita ko naman.. hahaha congratz sa first babymo.. hehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: