Body Talk

22 04 2008

Kung mabibigyan lang ako ng pagkakataong makaharap si God at makausap ng masinsinan, eto ang mga suggestions ko para sa ikabubuti ng sangkatauhan:  

 

– Dagdagan pa ang haba ng pototoy naming mga Pinoy kahit 2 inches lang.  Sige na nga, kahit 1 inch lang.  Sige na po, please. [Talagang tumawad e]

 

– ‘Yung idadagdag na haba sa pototoy namin e ibawas na lang po sa pototoy ng mga Negro at Kano para mabawasan din ang kayabangan nila.  Saka para naman sa halip na puro gasgas na linyang ‘Pack me hard like a Negro’ ang sinasabi sa mga Hollywood movies e makakarinig na din kami ng mga bagong dialogue tulad ng ‘Make labs to me like a hot macho Pinoy’.   Awwrrr!

 

– Patawan ng parusang kamatayan ang mga lalaking nagpapahaba ng kuko.  Ganung ganun ang kuko nung sangganong nakatabi ko sa bus nung isang linggo.  Kumikislap sa araw ang kanyang ‘bling bling’ na kuko na kulay dilaw at bright red.  Kala ko may nakasabay akong taong ‘traffic light’.  At may disenyo pang maliliit na hugis puso.  Puke talaga, anong klaseng kabulbulan at kajologan naman ang makakaisip gumawa ng ganun.  Hindi nga lang ako maka-epal baka bigla akong kalmutin.  Sobrang naligalig ako dun sa nakita kong ‘yun kaya ilang gabi din akong hindi nakatulog ng mahimbing.

 

– Nagrereklamo na si misis sa palagiang pananakit ng buto nya sa pwet o ‘yung coccyx.   At ang pinagdududahan nyang dahilan ay ‘yung lingguhan naming schedule ng ‘modern position’.  Samantalang nung tinanong naman kami nung pre-marriage counsellor ng simbahan ng ‘Do you agree when your partner wants to ‘do it’ the modern way?’, e oo lang siya ng oo.  Tatanungin ko pa sana ang lay counselor ng paignoranteng ‘Can you please qualify what do you mean modern way?’ e kaso umoo na ang aking butihing maybahay.  [At opo, merong ganyang klaseng tanong sa simbahan bago ikasal].  Tutal naman sabi naman po sa Bibliya, galing kami kina Eba at Adan at hindi sa lahing unggoy, tanggalin na lang ang tail bone na ‘yun.  [At pag wala na ‘yun, the possibilities are endless, biruin mo,  pwede nang gawin ng mga couples kahit saan, sa lababo, sa bubungan, o loob ng washing machine ang gusto nilang gawin sa kanilang buhay at walang pwet na sasakit at magrereklamo].

 

– Bakit po kapag nae-excite kami e balahibo namin ang tumatayo?  Mali po ‘yun eh.  Isipin mo na lang na matutuwa ka tapos biglang ang magtatayuan ‘yung buhok mo sa pwet.  Ampangit.  Parang cartoons.

 

– Isa pa po ‘tong appendix namin.  Sabi nung Science teacher ko wala naman daw silbi ang appendix pwera na lang kung vegetarian ka tulad ng kalabaw na kailangan ng extra pouch na lalagyanan ng ulam.  Dahil karamihan naman po ng Pinoy ay walang balak maging vegetarian sapagkat masarap ang tocino, dinuguan, menudo, bopis, kare-kare saka nilagang baka, sana lang sa susunod na salinlahing Pilipino, wala nang appendix.  [Opo selfish ako, gusto ko Pinoy lang ang walang appendix].

 

– Saka isa pa po ‘yang  wisdom tooth na yan.  Bakit po ba may wisdom tooth.  Pag hindi pa po ba tinutubuan ng wisdom tooth ibig sabihin e bobo ‘yung tao.  At pag may wisdom tooth na ay magkakaroon ka na ng wisdom?  Mas mainam po bang pampatalino ang pagkakaroon ng wisdom tooth kesa kumain ng mani at paglaklak ng isang karton ng Tiki-Tiki?  Kaya po ba mukang monay sabi ni Xienah Girl si Judy Ann Santos dahil kasinlaki ng kalabaw ang kanyang wisdom tooth?

 

– Kung ako lang ang tatanungin, hindi bagay sa kalalakihan ang may nipples.  Bakit po ba may nipples kami hindi naman kami nagpapasuso?  Saka hindi po ako sanay na nilalapirot ni BebeKo ang nipples ko pag natutuwa siya sa pinapanood niyang soap opera.  Kaya kung pwede, wala na lang.  Gawin na lang ‘abs’ mula dibdib hanggang tiyan.

 

– Last but not the least, ilipat ang betlogs sa noo ng kalalakihan at gayundin ang pukengkeng ng kababaihan.  Mahirap na kasi ang panahon ngayon, hindi mo na madistinguish kung sino ang lalaki sa babae.  May lalakeng mukhang babae.  May babaeng may bigote pero babae.  May bading na mas maganda pa sa babae.  Lagi nga kaming natatanso sa Glorietta pano kala mo pagkagagandang dilag e mas mahahaba pa ata ang lawit ng mga hitad. 

 

‘Yun lang po.  Hindi ko po alam kung may suggestion box dyan sa langit, pero kung mabibigyan lang ako ng pagkakataon, sana lang po mapakinggan ang aking payak na hiling.

 

P.S.  Pahabol lang po, baka pwedeng padagdag na din ng guhit sa aming palad at daliri.  Alam mo naman kaming mga Pinoy, mga rice-loving people.  Eto kasi ginagamit naming pansukat ng tubig sa bigas.  Si misis kasi pag nagsaing, kung hindi malabsa e tutong.  Pag mas maraming guhit, malamang mas accurate ang sukat ng tubig.  Tenkyu berimats po.

Advertisements




Will You Marry Me

15 04 2008

 

Nagpapatulong sakin kanina si pareng Jay, ‘yung kaopisina ko kung pano magpropose sa kanyang maylabs.  Ako ang bagong dakilang  ‘Dr. Love’ sa opisina ngayon.  Siyempre todo advice ako habang nakikinig ang mga miron.  ‘Dapat pare may element of surprise.  Dalhin mo sa madilim na lugar.  Hawakan mo ng madiin sa leeg gamit ang iyong thumb at index finger.  Tapos bigla mong siilin ng halik na parang hindi ka na sisinagan ng araw bukas.  Ganun.  Saka mo ilabas sa bulsa ang engagement ring na bibilhin natin sa Binondo.  Mamya na natin pag-usapan kung saan sa Binondo basta sa Binondo.  Kindatan mo na para kang bumubulong sa hangin ng ‘Aylabyu’.  Konting yuko patagilid, i-extend ang kamay na 45 degrees sabay bitaw sa gasgas ngunit  imortal na salitang, ‘Will you marry me?’.  Nakow, bilib na naman sa akin ang mga miron at mga tapat kong tagasunod.  ‘Take it from me guys’.   Sus, nagyabang na naman ako.  Alam mo naman tayong mga Pinoy, basta may pagkakataong makapagyabang e talagang magyayabang. 

 

Ang totoo, sa lahat siguro ng nagpropose ng kasal sa balat ng lupa, kasama ako sa super sablay.   Sa dinami-dami ng gusto kong gawin, ang naging resulta, mas romantiko pa ang pagbubungguan ng magsiyotang kalabaw.  Heto ang ‘undisclosed’ version ng aking pagtatapat ng pag-ibig sa aking BebeKo:

 

Dala-dala ko na pabalik ng apartment ni BebeKo ang singsing na galing pa sa maghapong pakikipag-wantutrihan sa mga Intsik sa Binondo.  Nagpaalam ako kay BebeKo kaninang umaga na sasaglit lang kunwari sa mga barkada.  Bago ako pumasok sa apartment isinilid ko muna ang kahon ng singsing sa bulsa ng pantalon.  E kabado, di ko napansin na uumbok pala ‘yun, saka malay ko bang sa umbok pala mahilig tumingin ang mga babae.

 

‘San ka ba galing?’.  Nakatitig si BebeKo sa ‘umbok’.

‘Di ba nagpaalam ako sa ‘yo?  Punta akong Sta. Mesa.’

‘Wala ka naman dun eh.  Nabasa ko ‘yung Sent Items mo pupunta ka ng Binondo’.

 

Huli.  Malakas talaga ang instinct ng mga babae.  Kung ‘yung pagtitikol ko nga dati sa banyo e nahuhuli ako ni BebeKo, e mas lalo na itong big time na pagsisinungaling ko.  San kaya nila nakukuha ang ganung klaseng intuition?  May sensor ba ang kanilang pekpek na nakakadetek ng lalaking nagsisinungaling sa layong limandaang metro? 

 

At bago pa magkabukuhan, dumiretso na ako sa kusina.  Tamang tama, ibabaon ko na lang sa kanin itong singsing para ‘pag nagsandok si BebeKo ng kanin, makikita nya ang kumikinang na singsing at maiiyak siya sa tuwa.  Maghahalikan kami, magpapalitan ng laway at tulad sa mga pelikula, lulutang ang babae sa alapaap habang nakatingkayad ang kanilang paa na nakaturo parallel to the ground.  Huwag niyo akong tanungin kung bakit ganun, Hollywood epeks ‘yun. 

 

Binuksan ko ang rice cooker.  Patay.  Wala pang nagsasaing.  Kelangan ko ng Plan B.  Kelangan ko siyang masorpresa.  Gulatin ko na lang kaya?  Yugyugin ko na lang ang kanyang manipis na balikat sabay sigaw ng ‘Eat Bulaga’.  Tama.  Pero huli na ang lahat.  Nasa likod ko na si BebeKo.

 

‘Ano ‘yang hawak mo?’.  Ang kahon ng singsing.  Kanina ko pa pala hawak hawak habang naghahanap ng pagtataguan.  ‘Ah eto?  Wala ‘to…  Ano.. eh.. para sa ‘yo to‘.  Nagsimulang manuyo ang lalamunan ko.  Ano pa bang sasabihin ko?  Dali, isip.  Pero wala akong maisip, hindi ko rin madukot ang kodigo ko.  Rule 1:  Wag magsusuot ng masikip na maong pag magpo-propose.

 

Hinagis ko ang kahon sa mesa.  Sinapian yata ako ng ispiritu ni Robin Padilla.  Kala ko swabe pag ganun ‘yun pero hindi e, kaadik-adikang sablay.  Kahiya-hiya ako para sa lahing Pilipino na kilala sa buong mundo bilang Don Romantiko.  Hindi ko naipagpatuloy ang dakilang tradisyon nina Rico J Puno at ng Hagibis.  Ano na lang din ang sasabihin sakin ni Dr. Jose Rizal na ama ng kalibugan sa Pinas sa dami ng gelpren.  ‘Utang na loob naman, bakit mo hinagis?  Kanino ka nagpaturo nyan, kay Magellan?’

 

Sampung segundong katahimikan ‘yun pero parang radyo na sumisigaw ng ‘Foreverrrrrr!’.  Alam kong nagulat si BebeKo sa ginawa ko pero patay malisyang ginawa pa ring ‘moment to remember’ ang bawat sandali.  Binuksan ang kahon at kunyaring nagulat sa singsing.  Hindi pa rin ako gumagalaw.   Gusto kong maging puno ng balete sa hiya.  ‘Dali isuot mo sa akin’.  Sumunod naman ako.  Nanginginig pa ang daliri ni BebeKo habang isinusuot ko ang singsing.  Hindi na nakapagpigil si BebeKo at yumakap na sabay halik sa akin [opo, por da rekord yan, siya ang unang gumawa ng move].   Tsalap.  Hindi ko na tuloy nabigkas ‘yung linyang minemorize ko ng paulit-ulit kagabi na ‘Will you marry me BebeKo?’.    What da heck, pano ang sarap kasi ng laway ni BebeKo, lasang Mentos na may Juicy Fruit. 

 

Buhay nga naman, kahit anong paghahanda ang gusto mong gawin, you will always be caught unprepared.  Na-realize ko din, hindi mo kelangang magpropose sa tuktok ng bundok Everest para maging sweet.  Importante, basta’t magkasama kayo, kusang magkukulay bahaghari ang paligid ang magtutubuan ang bulaklak sa langit.  Naks!

 

 





Round 2: Philippine’s 10 Best Humor Blogs [As of March 2, 2008]

4 04 2008

Narito na ang resulta ng ating Round 02 bilangan sa 10 PinakaDaBest na Humor Blogs ng Pilipinas – ang mga blogs na naglalagay ng maluluwang na ngiti sa ating mga labi, nagpapa-kiliti ng dulo ng ating pubic hair at nagtatanggal ng ating ‘boredness’ at suicidal tendencies.  Walang binatbat ang mga GRO na tumutuwad sa mga beerhaus kumpara sa panandaliang aliw na binibigay nila sa atin.  Kaya heto na, hindi na papipigil, ladies and gentleman, heto na ang mga kwelang superheroes ng Philippine blogging community: 

Rank 1: Inday [blogniinday.com
Votes: 6,600 | Previous Rank:  1
”I knew Inday’s blog is funny because my husband found it funny! The Inday quotes are very witty, obviously cerebral, kakatawa to the max!” – kikaythoughts.wordpress.com

Rank 2: Chiksilog [chiksilog.com]
Votes:
4,600 | Previous Rank: 9-11
”Si
ya ang number 1 sa puso ko. Siya ang diyosa ng blogosphere, ang babaeng gumawa ng kasaysayan dahil sya lang ang tanging nilalang na nakapagpabagsak kay Inday. Isang babaeng puno ng kalandian pero isang mabuting kaibigan. Sa pagbabasa ng kanyang mga lathala unti unti ka na lang mabibihag at maaadik at hindi ka na makakawala sa gayuma na dulot ng Chik na may itlog. Yan ang blog ni Xienah, parang yosi na pag sinimulan mo ng hithitin hindi ka na makakatigil.” – kokeymonster.com

Rank 3:  Green Pinoy [greenpinoy.com]
Votes 3,900 | Previous Rank: 12-13
”Woot.Pinaka-favorite ko ito. Bakit? Pinoy na pinoy eh! At super kulit, kaya talagang nakaka-relate ako. Full of humorous pictures and compilation of the best Pinoy jokes. Isa pa, tuwang-tuwa ako dito dahil sobrang super humorous rin ng may pakana ng blog na ito — Kuya Jason. It’s as if feel ko parang online lungga ko na rin yung Greenpinoy. Di nga ako mapakali paminsan kapag hindi ako nakaka-visit dito.  Itaas ang bandera ng Pinoy na makulit! – supertrish.wordpress.com

Rank 4:  Maruism [maruism.com
Votes: 3,500 | Previous Rank: 2
”She seemed so serious but don’t be deceived. This sexy blogger has what it takes to emit laughing gas to render her readers laughing at her candid adventures in her life.” –bluepanjeet.net

Rank 5-6 : Maldito [thegreatmaldito.wordpress.com]
Votes: 2,900 | Previous Rank: 4
”May matabang utak at matabang puso. Rich in cholesterin at its finest.”holy-kamote.blogspot.com

Rank 5 – 6:  Spontaneity [jojitah.com
Votes: 2,900 | Previous Rank: 5-6
She reminds me so much of my gay friends. Even her blogs which were obviously for ads were written in the theme of her Spontaneity. That takes some talent!” – kikaythoughts.blogspot.com

Rank 7: Kokey Monster[kokeymonster.com]
Votes:
2,700 | Previous Rank: 21-22
”Siya ang number one.Nagmukha na nga akong eng-eng dito sa shop namin at napagtinginan ng mga customers dahil sa hindi ko mapigil ang tumawa.( mahirap ng pigilin un…baka kung anong msamang hangin ang mailabas ko..echus!) Simple lang mga hirit niya, may pagka naughty pero hindi bastos (slight?) May ilang entry sya na medyo emo pero for some reason eh, natatawa pa rin ako.  Malufet. Pwede na siyang magsulat ng libro. One of my daily reads.” – churvah909.blogspot.com

Rank 8:  Reyna Elena [reynaelena.com]
Votes:
2,600 | Previous Rank: 3
”Dahil sya ang natatanging reyna sa buong universe.. heheh. pagpumunta ka sa bahay niya madami ka talagang matutuhang anik-anik lalo na kung tungkol sa kaperahan galore.” – repah.wordpress.com

Rank 9- 10:  Chillidobo [chillidobo.wordpress.com]
Votes:
2,500 | Previous Rank: 9-11
“Astigin ‘tong blogger na ito kasi magaling ang flow of thought ng mga kwento. Mahusay siyang magsulat at puno ng sandamukal na patawa sa bawat post. Pinakaabangan ko ang love story nila ni Maria Makiling. At sana dumating ang araw na mapasagot niya rin ito hehehe..” –jeckyll27.wordpress.com 

Rank 9- 10:  Mr. D [deardiarya.blogspot.com]
Votes:
2,500 | Previous Rank: 9-11
”Simpleng humirit pero mabagsik.” – kokeymonster.com

Rank 11-12:  Anak ni Kulapo [kopongkopong.blogspot.com]
Votes:
2,300 | Previous Rank: 5-6
”Lahat ng entries nya mabenta, lahat tinawanan ko pati ang madramang yugto ng buhay nya na naging latang yupi ang mamahalin nyang tsekot.” – kokeymonster.com

Rank 11-12: Kwentong Tambay [kwentongtambay.com]
Votes:  2,300 | Previous Rank: 23-24
”Isa sa tinitingalaan kong humor blogger. Kaya nga yata madalas akong magka-stiff neck kapag binabasa ko blog niya. Nakapag-publish na nga rin siya ng kanyang libro, Kwentong Tambay. Isa sa mga bibliya ng mga gago kasunod kay Bob Ong. Bagamat gago rin ako, hindi ko pa nababasa ang libro niya.” –
crost23.blogspot.com

Rank 13: Mundane Side of the Road [theblindrage.blogspot.com]
Votes:  
1,800 | Previous Rank: 33-39
“’Expounding On The Mediocre Since 2005’  tag line pa lang pamatay na. Ultimo everyday conversation eh nosebleed english pa… Witty and Bitchy. Funny! Nyahahaha… Oras na basahin, tatawa ka na lang ng walang dahilan – ganyan kalakas ang powers ni Tina.” – marcelomcrey.blogspot.com 

Rank 14: Chuvaness [mynosebleed.com]
 Votes:
1,700 | Previous Rank: 8
”.. Kakabagan ka rin sa bahay nya kasi naman kakatawa talaga. Isa siyang diyosang magreresign na sa trabaho dhil kelangan niya ng beauty rest kaya utang na loob hanapan nyo na siya ng work agad.. baka may alam kayo.. kasi magkkalat sya ng lagim… hehehehe.. – repah.wordpress.com

Rank 15: Gagopolis [poli-adik.blogspot.com]
Votes:
1,600 | Previous Rank: 7
“Madaming alam sa kalokohan itong batang to. Madami na syang napasayang tao kaya sa tingin ko ay isa sya sa mga dapat manalo sa pa-contest na ‘to kahit bihira na sya mag update ngayon..ang pag aaral nga naman panira talaga sa bisyo.” – gasti.wordpress.com

Rank 16-17: Jon Cabron [joncabron.wordpress.com]
Votes:
1,500  | Previous Rank: 12-13
“This guy’s brilliant. Hanga ako dito. He is funny without even trying. I love his ascerbic wit. Walang katulad. Wala!” – jovi2hottie.wordpress.com 

 

Rank 16-17:  Defpotec [defpotec.wordpress.com]
Votes:
1,500 | Previous Rank: 14-15
“Nalulungkot ka ba? Nalulumbay? Walang magawa sa buhay? O sadyang mahilig lang sa Bombay? Pumunta ka sa blog ni DEFPOTEC at nandoon ang lunas sa iyong kalungkutan. Garantisado!” – jovi2hottie.wordpress.com 


Rank 18-19:
Blasted Brain Blog [crost23.blogspot.com]
Votes: 1,300 | Previous Rank: 19-20
Although aminadong emotista ako kaysa humorista, isasama ko na rin ang sarili ko sa listahan. Aba sayang din ang tropeo, pwede ko ring ipamukpok yun sa bakanteng ulo ng mga politiko. Actually, ready na nga ang speech ko kapag nanalo ako. Pero di pa rin ako assuming. Trip ko lang gumawa ng speech, bakit ba?” – crost23.blogspot.com

Rank 18-19: Gasti [gasti.wordpress.com]
Votes: 1,300 | Previous Rank: 14-15
“Adbentyurs ng isang pugante na madalas namang mabuking ng kanyang esmi na tila kalahi ni Yuri” – chillidobo.wordpress.com 

Rank 20: The Badly Written Sitcom [sunriseshotgun.blogs.friendster.com]
Votes: 1,300 | Previous Rank: 25-32
“Badly written sitcom indeed”.

Rank 21: Damned In Blue [damnedinblue.blogspot.com]
Votes: 1,200 | Previous Rank: None

Rank  22-24: Marijuana Den [marcelomcrey.blogspot.com]
Votes: 1,000 | Previous Rank: 16-17

Rank  22-24:  Pinoy Humor Blog [paulding.blogspot.com]
Votes:  1,000 | Previous Rank: 16-17

Rank 23-24: Anukayayun [anukayayun.blogspot.com]
Votes:  1,000 | Previous Rank: 19-20

Rank  25-26:
King Daddy [kingdaddyrich.blogdrive.com]
Votes: 900 | Previous Rank: 18 

Rank  25-26: A Piece Of Crap [umleo23.com]
Votes: 900 | Previous Rank: None

Rank 27: Jake The Miserable [jakethemiserable.com]
Votes:  800 votes | Previous Rank: 25-32 

Rank  28: Mister Hubs [misterhubs.blogspot.com]
Votes: 700 | Previous Rank: 33-39

Rank 29-33 : Nanskii World [nanskii.multiply.com]  
Votes:  600 | Previous Rank: 25-32

Rank 29-33: Blog ni Ella [ellaganda.com]
Votes:  600 votes | Previous Rank: 21-22 

Rank  29-33:   Mandaya Moore [mandayamoore-orlis.blogspot.com]
Votes:  600 | Previous Rank: 40-46

Rank  29-33: Loser’s Realm  [hachipatuchi.blogspot.com]
Votes: 600 | Previous Rank: None 

Rank 29-33: The Balloon Dream  [lobo.idlip.net]
Votes: 600 votes | Previous Rank: None

Rank 34-37:  Kamote Force [cycle.blogs.friendster.com]
Votes: 500 | Previous Rank: 23-24

Rank 34-37: Reclamador [reclamador.blogspot.com]
Votes: 500 | Previous Rank: None

Rank 34-37: Mike Villar [mikevillar.com]
Votes: 500 | Previous Rank: None

Rank  34-37: Loud Cloud [verbosecity.blogspot.com]
Votes: 500 | Previous Rank: 40-46

Rank 38-44 : Professional Heckler [professionalheckler.wordpress.com]
Votes: 400 | Previous Rank: 25-32 

Rank 38-44  : Eat All You Can [eat-all-you-can.blogspot.com]
Votes: 400 | Previous Rank: 25-32

Rank 38-44: The World According to Nherz  [nherz14.multiply.com]
Votes: 400 votes | Previous Rank: None

Rank 38-44: Turismoboi’s Chronicle [turismoboi.blogspot.com]
Votes:  400 | Previous Rank: 25-32

Rank 38-44: Xavierykym [xavierkymguillen.blogs.friendster.com]
Votes: 400 | Previous Rank: 25-32

Rank 38-44: Munting Blog ni Agi [agistar.blogspot.com]
Votes: 400 | Previous Rank: 25-32

Rank 38-44: Chona Mae [chona.blogspot.com]
Votes: 400 | Previous Rank: 40-46

Rank  45-52: Ayanstein’s Laboratory [ayanstein.com/letras]
Votes: 300 | Previous Rank: 33-39

Rank  45-52: Alexbam2006 [alexbam2006.multiply.com]
Votes: 300 | Previous Rank: 33-39

Rank  45-52: The True Asiatic [thetrueasiatic.multiply.com]
Votes: 300 | Previous Rank: None


Rank  45-52: Noisy Noisy Man [blog.ademagnaye.com]
Votes: 300 | Previous Rank:  None

Rank  45-52: Calvin’s Hub [calvinshub.wordpress.com
Votes: 300 | Previous Rank: 33-39

Rank  45-52: Bomba [danielyuson.wordpress.com]
Votes: 300 | Previous Rank: 33-39

Rank  45-52: Jeckyll27 [jeckyll27.wordpress.com]
Votes: 300 | Previous Rank: 33-39

Rank  45-52: Kotseng Kuba [kotsengkuba.com]
Votes: 300 | Previous Rank: None

Rank 53-64: Pinay Brodkaster [angpinaybrodkaster.wordpress.com]
Votes: 200 | Previous Rank: 40-46

Rank 53-64:Twisted [jessicarulestheuniverse.com]
Votes: 200 | Previous Rank: 40-46

Rank 53-64:Online Tabletas [humblejowdie.blogs.friendster.com]
Votes: 200 | Previous Rank: 40-46

Rank 53-64:The Coffee Bean [cofibean.blogspot.com]
Votes: 200 | Previous Rank: 40-46

Rank 53-64:The Uglyassin [uglyassin.multiply.com]
Votes: 200 | Previous Rank: None

Rank 53-64:Holy Kamote [holy-kamote.blogspot.com]
Votes: 200 | Previous Rank: None 

 Rank 53-64: Clockwork Orange [direkjap.blogspot.com]
Votes:  200 | Previous Rank: None 

Rank 53-64:Poging Payatot [pogingpayatot.blogspot.com]
Votes: 200 | Previous Rank: None 

Rank 53-64: School Hopper [schoolhopper.blogspot.com]
Votes: 200 votes | Previous Rank: None 

Rank 53-64: Prince Arthur [princearthurnurikane.blogspot.com]
Votes: 200 | Previous Rank: None 

Rank 53-64: Rhapsody [enelym001.wordpress.com]
Votes: 200 | Previous Rank: None  

Rank 53-64: Instant Pakulo [pbpbpb.blogspot.com]
Votes: 200 | Previous Rank: None

Rank 65-67 : Geisha [jgsmart.wordpress.com]
Votes: 100 | Previous Rank: 47-49

Rank 65-67 : Sayote Queen [sayotequeen.com]
Votes: 100 | Previous Rank: 47-49

Rank 65-67 : Nakanampucha [nakanampucha.com]
Votes:  100 | Previous Rank: 47-49  

Update:  May mga blogs na sumali at bumoto pero hindi nag-iwan ng kanilang comment dito sa Project Lafftrip Laffapalooza.  Suspetsa ko gusto nilang makipaglaro ng taguan.  Pag wala akong comment sa post niyo  at wala rin kayong iniwan na comment dito, malamang sa malamang, hindi kayo nabilang.  At hindi na tayo bati. 

May mga invalid votes, at meron ding deleted entries, kaya hindi nakasama sa bilangan.Hanggang June 1, 2008 lang pwedeng magpalit ng inyong boto.  [Update: dalawang blogger na ang nagpalit ng boto].  Bukas pa rin ang botohan dito sa Project Lafftrip Laffapalooza hanggang September 27, 2008.  

Sa mga sasali pa, andito ang mga rules sa pagsali : Project Lafftrip Laffapalooza.   

Important:  Ang susunod na tally ay i-rerelease sa July.  Muli, ang final announcement ng Philippines 10 Best Humor Blogs ay mangyayari sa September 30, 2008.  At ang pinakaimportante sa lahat, oo paepeks lang naman talaga natin kung sino ang mananalong DaBest Blogs,  ay ang mananalo sa parapol –  iaanounce din sa September 30.  Ulitin ko lang, isa lang ang bubunuting mananalo.  At ang mananalo ay pipili ng gustong premyo – 15 thousand pesos, Nokia Phone, o Sony Cybershot.