Will You Marry Me

15 04 2008

 

Nagpapatulong sakin kanina si pareng Jay, ‘yung kaopisina ko kung pano magpropose sa kanyang maylabs.  Ako ang bagong dakilang  ‘Dr. Love’ sa opisina ngayon.  Siyempre todo advice ako habang nakikinig ang mga miron.  ‘Dapat pare may element of surprise.  Dalhin mo sa madilim na lugar.  Hawakan mo ng madiin sa leeg gamit ang iyong thumb at index finger.  Tapos bigla mong siilin ng halik na parang hindi ka na sisinagan ng araw bukas.  Ganun.  Saka mo ilabas sa bulsa ang engagement ring na bibilhin natin sa Binondo.  Mamya na natin pag-usapan kung saan sa Binondo basta sa Binondo.  Kindatan mo na para kang bumubulong sa hangin ng ‘Aylabyu’.  Konting yuko patagilid, i-extend ang kamay na 45 degrees sabay bitaw sa gasgas ngunit  imortal na salitang, ‘Will you marry me?’.  Nakow, bilib na naman sa akin ang mga miron at mga tapat kong tagasunod.  ‘Take it from me guys’.   Sus, nagyabang na naman ako.  Alam mo naman tayong mga Pinoy, basta may pagkakataong makapagyabang e talagang magyayabang. 

 

Ang totoo, sa lahat siguro ng nagpropose ng kasal sa balat ng lupa, kasama ako sa super sablay.   Sa dinami-dami ng gusto kong gawin, ang naging resulta, mas romantiko pa ang pagbubungguan ng magsiyotang kalabaw.  Heto ang ‘undisclosed’ version ng aking pagtatapat ng pag-ibig sa aking BebeKo:

 

Dala-dala ko na pabalik ng apartment ni BebeKo ang singsing na galing pa sa maghapong pakikipag-wantutrihan sa mga Intsik sa Binondo.  Nagpaalam ako kay BebeKo kaninang umaga na sasaglit lang kunwari sa mga barkada.  Bago ako pumasok sa apartment isinilid ko muna ang kahon ng singsing sa bulsa ng pantalon.  E kabado, di ko napansin na uumbok pala ‘yun, saka malay ko bang sa umbok pala mahilig tumingin ang mga babae.

 

‘San ka ba galing?’.  Nakatitig si BebeKo sa ‘umbok’.

‘Di ba nagpaalam ako sa ‘yo?  Punta akong Sta. Mesa.’

‘Wala ka naman dun eh.  Nabasa ko ‘yung Sent Items mo pupunta ka ng Binondo’.

 

Huli.  Malakas talaga ang instinct ng mga babae.  Kung ‘yung pagtitikol ko nga dati sa banyo e nahuhuli ako ni BebeKo, e mas lalo na itong big time na pagsisinungaling ko.  San kaya nila nakukuha ang ganung klaseng intuition?  May sensor ba ang kanilang pekpek na nakakadetek ng lalaking nagsisinungaling sa layong limandaang metro? 

 

At bago pa magkabukuhan, dumiretso na ako sa kusina.  Tamang tama, ibabaon ko na lang sa kanin itong singsing para ‘pag nagsandok si BebeKo ng kanin, makikita nya ang kumikinang na singsing at maiiyak siya sa tuwa.  Maghahalikan kami, magpapalitan ng laway at tulad sa mga pelikula, lulutang ang babae sa alapaap habang nakatingkayad ang kanilang paa na nakaturo parallel to the ground.  Huwag niyo akong tanungin kung bakit ganun, Hollywood epeks ‘yun. 

 

Binuksan ko ang rice cooker.  Patay.  Wala pang nagsasaing.  Kelangan ko ng Plan B.  Kelangan ko siyang masorpresa.  Gulatin ko na lang kaya?  Yugyugin ko na lang ang kanyang manipis na balikat sabay sigaw ng ‘Eat Bulaga’.  Tama.  Pero huli na ang lahat.  Nasa likod ko na si BebeKo.

 

‘Ano ‘yang hawak mo?’.  Ang kahon ng singsing.  Kanina ko pa pala hawak hawak habang naghahanap ng pagtataguan.  ‘Ah eto?  Wala ‘to…  Ano.. eh.. para sa ‘yo to‘.  Nagsimulang manuyo ang lalamunan ko.  Ano pa bang sasabihin ko?  Dali, isip.  Pero wala akong maisip, hindi ko rin madukot ang kodigo ko.  Rule 1:  Wag magsusuot ng masikip na maong pag magpo-propose.

 

Hinagis ko ang kahon sa mesa.  Sinapian yata ako ng ispiritu ni Robin Padilla.  Kala ko swabe pag ganun ‘yun pero hindi e, kaadik-adikang sablay.  Kahiya-hiya ako para sa lahing Pilipino na kilala sa buong mundo bilang Don Romantiko.  Hindi ko naipagpatuloy ang dakilang tradisyon nina Rico J Puno at ng Hagibis.  Ano na lang din ang sasabihin sakin ni Dr. Jose Rizal na ama ng kalibugan sa Pinas sa dami ng gelpren.  ‘Utang na loob naman, bakit mo hinagis?  Kanino ka nagpaturo nyan, kay Magellan?’

 

Sampung segundong katahimikan ‘yun pero parang radyo na sumisigaw ng ‘Foreverrrrrr!’.  Alam kong nagulat si BebeKo sa ginawa ko pero patay malisyang ginawa pa ring ‘moment to remember’ ang bawat sandali.  Binuksan ang kahon at kunyaring nagulat sa singsing.  Hindi pa rin ako gumagalaw.   Gusto kong maging puno ng balete sa hiya.  ‘Dali isuot mo sa akin’.  Sumunod naman ako.  Nanginginig pa ang daliri ni BebeKo habang isinusuot ko ang singsing.  Hindi na nakapagpigil si BebeKo at yumakap na sabay halik sa akin [opo, por da rekord yan, siya ang unang gumawa ng move].   Tsalap.  Hindi ko na tuloy nabigkas ‘yung linyang minemorize ko ng paulit-ulit kagabi na ‘Will you marry me BebeKo?’.    What da heck, pano ang sarap kasi ng laway ni BebeKo, lasang Mentos na may Juicy Fruit. 

 

Buhay nga naman, kahit anong paghahanda ang gusto mong gawin, you will always be caught unprepared.  Na-realize ko din, hindi mo kelangang magpropose sa tuktok ng bundok Everest para maging sweet.  Importante, basta’t magkasama kayo, kusang magkukulay bahaghari ang paligid ang magtutubuan ang bulaklak sa langit.  Naks!

 

 

Advertisements

Mga Tugon

Information

56 responses

15 04 2008
dAKILAngKatulong

una ako!!! yehey!!! expect ko reply mo badoooooooodlessss

badoodles: @dakilangKatulong anong kabulbulan este kaguluhan ito?! hehe. bakit kelangan mag-unahan e ang papremyo ko lang naman dito e ung brip kong hindi pa nalalabhan ng isang linggo? hanuba.. hehe. dahil ikaw ang nauna, ipapamana ko na sau ang aking itim na brip. gamit ko yan panggayuma ng mga saleslady. 😉

15 04 2008
popoy

kuya badoods.naks.why gawing business ang pagoorganize ng proposal ng kasal? magandang raket yun di ba? hehehe.

anyway;

tama ka importante eh yung sagot ng babae, anong panama ng paghahanda at pagpapraktis ng mga linyang sasabihin eh kung in d end ang sagot naman nya eh “HINDI PA KO READY” wasak!!!! ahahaha 🙂

di ba tama ako? hehehe.

badoodles: @popoy oo ayos na pagkakitaan yan kaso noobie pa lang ako kaya wala pa akong mga kliyente. pinagpapraktisan ko muna ang mga opismeyts ko at mga tapat na tagasunod. nalilibre naman ako sa jollibee. not bad para sa trabahong puhunan lang ay laway.

15 04 2008
gasti

haha! makulay talaga ang lovelife nyo ng bebe mo. ayos! ang sarap balik balikan ng nakaraan pag puro bloopers ang karamihan..oks na rin yung proposal mo di ganun karomantic pero sweet pa rin at na-appreciate naman ng mahal mo..pareho tayo. sa Binondo ko rin binili ang singsing na bigay ko haha!

badoodles: @gasti oo, mukang binondo ang saving grace nating mga kalalakihan. pag binili mo kasi sa mga mall, malamang doble na ang halaga. ano lang ba ung konting hirap na magdyip papuntang binondo para bumili ng singsing for half d price. wais. e ikaw pare, pano ka naman nagpropos?

15 04 2008
hun

hehe sweet! yung bf ko na tuliro ang nasabi lang sakin ng minsan ihatid nya ako sa job interview.. “hun sana matanggap ka pra mapakasalan mo na ako” tama ba nman yun ???

badoodles: @hun hahaha! sana nga matanggap ka. ganyang ganyan din ang paepeks ko sa misis ko nun. ‘sana yumaman ka na para asawahin mo na ako’. naiinis na natatawa si bebeKo pag sinasabi ko un pero natutuwa ako dun.

15 04 2008
jeck

naks. kilig moments. wuhooo!

badoodles: @jeck yuhoo!

15 04 2008
Maldito

pag ibig nga naman woH!!!reminiscing…tikes!!oo na oo na!!sweet mo na bossing!!weee..talaga bang lugar ng sing sing ang binondo?lols….ahehee….

badoodles: @maldito sweet ka dyan. hari nga ako ng sablay. sana maipamana ko na sau ang pagiging hari ng sablay ko.

15 04 2008
umleo23

oh i got i good idea kung pano ako mag propropose sa mapapangasawa ko…

Bibili ako ng kandila at posporo, alisin ko laman ng posporo at malitan ng sing-sing. cyempre ung design nung loob nung posporo ay importante kase mabuking agad ung laman nung posporo ar baka naman sabihin ay walang laman at maitapon.

Tapos patay lahat ng ilaw sa bahay, sasabhin kong nasira ang fuse natin at kasalukuyang inaayos ko. then sabihin ko na pakisindihan ung kandila na nakalapag sa lamesa at yung posporo na nandun din!

Tapos pag bukas nya ng posporo! OOOOLLLLLLLEEEEEE! Sing-Sing!!!!!!

Then automatic, since patay lahat ng ilaw, deretso kame sa love making!!!!!!

Wuuuhuuuuuuuuu!

badoodles: @umleo tapos tapos andun si badoodles sa kisame naninilip. may hawak na web cam para live coverage ng scandal connected sa youtube. haha! parang naging porno ung proposal mo ah. kulit.

15 04 2008
camilleeee

hehe, kaadik-adikang sablay.. 😆

sweet pa din naman ang pag propose mo kuya ah. tignan mo, tomatik si bebeMO gumawa ng pers move 😉 …sa tingin ko, ang mapili lang bilang ‘mapapangasawa’ ay isang napakalaking bagay na eh.

isa sa mga katropa ko, ‘biik’ ang binigay nya sa gi-ep nya eh. pero sa buntot nun, andun yung singsing hehe. kyut.

badoodles: @camillee mukang sweet lang kasi magaling magdala si bebeKo. kaw kelan magpo-propose si… haha. tama na nga, hindi na ako mang-aasar.

astig naman nung tropa mo napaka-orig ng idea. ako kaya? kung pede sanang take 2 ung proposal e magpapagawa ako ng malaking bilboard sa edsa na ‘may will you marry me bebeKo’? ah.. e.. mukang andami nang nakagawa non. ano pa kayang pede?

15 04 2008
linglingbells

may show na ganyan sa etc, i propose ata yung title.. pinapakita yung pagpplano nung lalaki para sa kanyang proposal.. may isa dun, sumablay! pero ayos pa din kasi sinagot pa rin siya ng “yes” nung gelprend niya.. ganda pala ng pagppropose po sa bebe mo! hehe! nagandahan ako dun, promise! 😀

badoodles: @lingling sus, hindi nga? parang gusto kong maniwala ah. sige nga, paniwalain mo nga akong romantik ung proposal ko.. hehe

15 04 2008
Pryss

naks kakilig naman nyan…kelan kaya ako makaka-experience ng ganyan,yung mas sweet dapat ha!..

badoodles: @pryss life is like a box of posporo, you don’t know what spark you gonna get.

15 04 2008
watusiboy

dati pa ako kinikilig sa inyo ng bebe mo. hehe. ‘pag ginawang movie yan, mahihikayat na akong manood ng mga tagalog love stories at sasali ako sa fans club ng love team nyo.

teka, anong meron sa mga singsing sa binondo? mas mapapasagot mo ba ang gf mo kung dun galing ang singsing?

badoodles: @watusiboy pre matinding plano gagawin natin jan. kelangan ng sandamakmak na tarpolin, banner saka sampaguita na isasabit pag pinakanta kami ng lip sync sa sop.

anong meron sa singsing sa binondo? ewan third generation na ako sa pamilya na bumibili ng singsing dun. siguro kasi mura pero punum-puno ng pagmamahal. naks

15 04 2008
angel

naks ang sweet! pwedeng kiligin? hahaha..

badoodles: @angel pwedeng pwedeng pwede. wag kalimutang maghulog ng limang piso para sa love offering. oo, wala ng libre ngayon. kung ung pelikula nina bea at johnlloyd na one more chance e pumila ka at nagbayad, dapat ganun din dito. hala, akin na ang bayad. dali. 😆

15 04 2008
aga

asust… ang chuwet este sweet…. hehehe

badoodles: @aga chuwet talaga un…chocolate sweet – chuwet. hehe. ang bagong bokabularyo ng bayan na pinauso ni agaton – chuwet.

16 04 2008
ian

Bilib talaga ako sayo how you put into words the memorable moments in your life, nakakatawa na nakakaiyak, hehe.

I would like to think that the proposal thing is more of a confirmation that the couple is getting into another level in their relationship. syempre, di naman siguro ganun ka-clueless yung mga girls na parang out of nowhere, uy, nagpropose. I mean, couples usually talk about things like when they are settling down na. kaya nga siguro may mga gimik na involved to heighten the element of surprise (kase nga alam nang magyeyes).

Yung isang officemate ko underwater pa nagpropose while the two are scuba diving somewhere in batangas pero sign language lang syempre, kaya lang “madaming” taong nakapaligid (diving instructor, yung kumuha ng picture at kung sinu sino pa).

badoodles: @ian kung ako talaga tatanungin mo pre, uneasy talaga ako sa mga proposal na ganyan. kaso mo, importante pala sa mga kababaihan ang ‘formalities’ ng pagpopropose para may maikwento sila sa kanilang mga amiga pag nasa matrona age na sila. at kelangang gawin natin ng tama kung hindi e malamang usigin nila tayo ng paulit-ulit por da rest of our lives. mapapatawad pa nila tayo kahit 12 layers lang un wedding cake nila o isang dosena lang ung flower girls nila sa kasal pero ung proposal nakow, parang sirang plakang kokonsensiyahin ka nila pag pumalpak ka.

16 04 2008
Kotsengkuba

parekoy, nagsusuot ka pala ng tight jeans. Or was that letards (tama bang spelling ko?) hahaha. akala ko ba boxers ka lagi, kumusta naman ang boxers sa letards (tama ba spelling?) hahaha.

unique pala ‘yang proposal mo e no, sangganong-sanggano ang dating. hahaha. astig!

badoodles: @kotsengkuba hanggang ngayon hindi pa rin ako sure kung tight jeans nga ba ung lonta kong size 36 o masyado lang malaki ang betlogs ko. hmm… ano kaya? it’s either dis or dat.

tado u ako lang nagkwento, kala ko mapapakwento ka din ng proposal mo kay misis. e hindi. :mrgreen:

16 04 2008
taklesa

huwaw!! ang sweet naman! haha.. aliw namang basahin nitung entry mo! haha.. 🙂

badoodles: @taklesa aliw din akong basain este basahhin. tenkyuberimats

16 04 2008
Lenggai

waaahhh! ang sarap naman nun manong badz!!! hehehe! straight from the heart! 😀

badoodles: @lenggai babae, masdan ang ginawa nyo sa amin. hayzz. kayang kaya nyo kaming laruin sa inyong palad, pasunurin, at gawing retarded kahahanap ng perpek golden singsing.

16 04 2008
Ulan

Hahaha. Nice and honest!

badoodles: @ulan yest. it’s honest and nice.

16 04 2008
shao shao

“will you marry me?” ako kaya kelan ako mkaka-experience sabihan ng ganyang mga kataga.?hehe

meron akong kilala, itinago nya yung napka-expensiv na singsing sa isang hellium balloon. ang idea is: the girl would pop the balloon as he popped the question (nice one). pero ngunit subalit datapwat, lumakas ang hangin at nilipad na ang lobo kasama ang mamahaling singsing, di na niya nakita..tinangay na pala, sayang lang ang pera niya..haha napakanta

Nang nalaman ng gelpren niya ang nangyare, kasama ng lobo at singsing, ay nilipad nren ng hangin ang pagtingin niya sa palpak na boypren niya..haaay

lesson in the story: stop trying to come up with a creative and unique proposal the hard way! stop those fancy, flowery words to blow away and leave your girls speechless..gaya nga ng sabi ni mr. badoodles, para nren kayong nakalutang sa cloud nine basta mgkasama kayo, totoo sa isat isa at tunay na nagmamahalan…awww

badoodles: @shao shao beri well said contestant number 8… hehe, yan ung gusto kong sabihin kaso di ko alam kung pano sasabihin. pano mo nahulaan yown? manghuhula ka no? sige nga, hulaan mo anong kulay ng brip ko?

16 04 2008
arthur sajonia !!!

waw tama po kayo… ang cute nyo po tlgang dalawa, sana makita ko po kayo…
tama n ang pgiging romantik ay hindi tlga ung kung ano ang konsepto ntn.. it is more of being together!!! waw! kilig…

badoodles: @arfur bakit gusto mo kaming makita? uutangan mo kami ano? haha! salamat pre. at oo, arfur talaga tawag ko sau kasi hindi ko kayang ipronounce ang -th. arfur! arfur!

16 04 2008
Abad

Inuuto kasi tayo masyado ng pelikula, lagi na lang silang sakto sa timing. Lagi ding perpekto yung mga linya nila bago tumugtog yung theme song. Mas ayos ‘tong style mo, totoong totoo.

badoodles: @abad oo nga. sino na nga ulit ung inuuto? hehe, oo tayo pala. kaya sabi ni abad, wag tayong pauto-tohh u-tohh [echo here por added epeks].

tnx bro. pero wag moko gayahin ha. dapat mr swabe pa din pag nagpropose.

16 04 2008
kulot

nakanang! muntik na ako mahulog sa kinauupuan ko naalala ko kasi kung pano ako nagproposed at binigay yung ring, wahahaha! as in wala akong saplot that time kasi um… basta ganun na yun

badoodles: @kutserongkulot para ka palang pawnshop pre, segurista. bago mo binigay ung singsing e nakapagdeposit ka na. ayzz andumi ng isip ko. basta, ganun na yun.

16 04 2008
buffalo soldier kadeteng kalabaw

bok, paturo naman ng mga da moves mong ganyan…nauubusan na ko ng bright ideas eh..
swabe talaga pagkakagawa mo bok..basta pagkamalapit na ako magpropose, back up kita ha..

badoodles: @bok ikaw? magpapaturo sakin? e wala ngang sinabi marines dagdag mo pa ang airforce sa bilis ng mata mong makakita ng hot tsik 10 kms away. pero sige bok, pag nagpropose ka, ako magbubuhat ng karaoke sa likod, habang kinakantahan mo si motmot ng ‘u are da lab op my life’

16 04 2008
larysa

nung nagpropose ang “kups Ko” noon sabi niya call-in sick sya sa work kasi masakit ang tiyan. Tapos sabi niya, “call-in sick ka na rin sa work mo para may kasama ako.” Ayun all day kami nakahiga na may kasamang “ehem”. Pagkatapos na maraming rounds, tsaka siya nagpropose. Ngek! Langya nasarapan lang siguro kasi ni walang handang sing-sing. Sa awa ng Diyos ika-10th yr anniversary tsaka pa lang niya nakumpleto ang sing-sing!

badoodles: @larysa ayos tawagan nyo, kups, walang katulad. all day kayong nag-‘eheman’? parang naging sidelight na lang ung proposal ah. hehe. astig.

16 04 2008
dakilangKatulong

ganun talaga pag adik na adik ka-ka singhot ng katol gabi – gabi..

yung brip mo pede kong pag-kakitaan sa e-bay baka maraming katulong ang ma-halimuyakan ng iyung brip.. hahahaha:P

badoodles: @dakilangKatulong haha! wag mong kalimutan ang commission ko. iningatan kong hindi labhan yang brip kong yan para ma-preserve ang amoy. hehe, lakas mong mangtrip, sinasakyan mo kabulastugan ko. 🙂

16 04 2008
umleo23

Meron pa akong naisip!

gagawa ako ng isang video blog na na may kasama akong ibang babae! tapos kunwari pa twitams kame sa video tapos mag propropose ako sa video dun sa babae. Sisiguraduhin kong mapapanood ng GF ko ung vlog!

tapos syempre mag aaway kame! Tapos mag gagalit galitan din ako! sasabihin ko! Anong video ba ang sinasabi mo!!!!!!!!!!! Patingin nga!!!!!

Tapos pag pinanood na ung video iba na ung naka post! Solo video ko na nag pro-propose sa GF ko….

tapos at the end of the video, sabihin ko sa sarili ko “Uy ano pa hinihintay mo nasabi ko na lahat, toh naman bigay mo na ung singsing sa gi-ep mo!” Sabay abot ng sing-sing!

Wuuuuuhuuuuuuuu wackiest vlogging proposal!

tapos papatayin namin ilaw, lamp shade lang bukas! love making na ulit! this time may thrill kase merong Camera na kasama!!!!!!!!!! wahahahahhahaa

naging Sex Scandal pa ngayon wahahahahaa
By the way! My latest vlog is out! At Badoodles, sure akong matutuwa ka kase nandun ka!!!!!!!!!!!!!!!! wahahahaha

badoodles: @umleo lupet ng proposal idea mo. hindi ako natuwa dun sa vlog mong ‘tenk u badoodles etc’. ngumuyngoy ako at naglulupasay sa sahig. tears of joy ata un. biruin mo may isang intelihenteng taong naniniwala na hindi talaga ako bastos. one in a million chance un. hindi ko nga namalayan na tumulo luha ko sa left cheek. hehe. ayos. salamat din.

16 04 2008
mnel

panalo kahit sablay in fairness…

naiimagine ko ang pagpapanic sa iyong mukha nang pumalpak ang plan A. haha. hay… sa akin kaya paano ang proposal? *emo mode*

badoodles: @docmnel hindi lang expression ko nagpanic. pati buhok ko sa ilong, nagtago sa kadulu-duluhan ng nostrils ko.

pag may nagpropose na sau, wag mong kalimutang i-blog, aabangan namin yan. 😉

16 04 2008
sommer

…nyahaha, sablay nga ang proposal..pero ok lang kahit si misis ang nagsabing isuot mo ang singsing sa kanya at naunang humalik at di mo nasabi mga minemorya mong linya…oe ano ngayon? at least kasal at happy kayo…at marami naiinggit (isa na ako!hehehe!) at me bloopers p kayong pagtatawanan pagtanda nyo.hehehe!!
…ako nga sa sobrang bait ko, ang super ideal proposal ko, shinare at pinagamit ko sa ex bf ko…ayun naiyak ang gf nya..na asawa na nya ngayon. haay, sad pero happy na din.=)

badoodles: @sommer ngeks! di mo kelangang mainggit. somebody’s better waiting for you somewhere somehow.

bakit mo binigay? siguro love mo pa rin un ano? [devil’s advocate mode]. hehe. owell, share lang ng share para bumalik ang blessings tenfold.

16 04 2008
MARU

pwede ba mag propose ang babae sa lalaki? malabo na kasing masabihan pa ako ng “will u marry me?”ng isang lalaki.

badoodles: @mare sa bundo-bundok mong pulboron at ekta-ektaryang lupain, ur in da ryt position para magyaya ng kasal. pero di mo na kailangan ng companionship, u hev wonderful kids na nagmamahal sa yo.

16 04 2008
marian

kahit anong paghahanda ang gusto mong gawin, you will always be caught unprepared. — eto ang peborit ko kuya badoods.. 🙂 kahti ganun swabe padin..
ang chwit… 🙂

badoodles: @dramaqueen at para sayo talaga yan, turo ni kuya badoods naisip ko kasing dadaan ka dito sa kwentongbarbero kaya sinegue way ko nang mangaral kuno. hehe.

16 04 2008
antuken

parang si robin padilla ang naaalala ko sa “proposal” mo. hehe.

ang proposal saken ganito:

mr. antuken: gusto mo nang magpakasal next year?
ako: ha. (mejo natigilan at di alam ang isasagot, caught by surpise talaga) eh wala pa akong pera.
mr. antuken: di ba lalaki naman gumagastos?
ako: ibig mong sabihin may pera ka na?
mr. antuken: midyear next year meron na.

and that while we were on our way home from alabang. while he was driving. circa 2006. sweet noh? hindi? okei.

badoodles: @antuken hehe. e robin padilla jr din pala si pareng antuken ah. kung alam mo lang kung gaano magpalpitate ang puso namin sa mga ganyang pagkakataon. simple lang ang lumalabas sa bibig pero sa loob loob non, punum puno ng kaba at action adventure. oo, walang sinabi dun ang pelikula ni sylvester stallone.

16 04 2008
R.J.

unang pagbisita dito.

ang galing mong magkwento, kaadik-adikan! hahaha link ko to.

“Hawakan mo ng madiin sa leeg gamit ang iyong thumb at index finger. Tapos bigla mong siilin ng halik na parang hindi ka na sisinagan ng araw bukas.” – hindi ba rape ito?

badoodles: @rj kung ang isang kadikit ni batjay ay nagsasabing kaadik-adikan ako, e tyak na compliment un. at dahil mga adik tayo, ililink din kita.

reyp ba un? hmmm… wala namang naglalakas loob na sampahan ako ng kaso. sinabihan ko kasi sila ng ‘dey hev da ryt to remain sileng’. hehe.

17 04 2008
ponchong

ayoko ko na sanang alalahanin kung paano ako nga propose.

pasko, sa ilalim ng puno ng niyog kasi naglakadlakad kami para magpahangin ng ipasuot ko na ang singsing sabay tawag sa telepono ang kaibigan ko sa taiwan. buti nag ask na ako ng will you marry me pero take ang singsing.

kaya lesson number 1: i-off ang celfone pag merong “this is the moment” na gagawin…

di ko alam na don pala sa binondo mura..hehe..ayos a.

badoodles: @ponchong haha, kung kelan ka nangangailangan ng ‘moment’ saka naman tumatawag ang buong mundo sau. swerte mo, nakapagbitaw ka pa ng will you marry me. ako kahit ‘will you’ man lang…. o kahit ‘will’ na lang e wala, wala, wala.

17 04 2008
krisjasper

sweet naman!!!

pero di ako marunong magyabang kuya… nagbubuhat lang ako ng sarili kong bangko lagi.

badoodles: @kris hehe. inuuto mo ako ah. un din un weh. 😆

17 04 2008
annenoneymous

ang sweet mo naman idol… it’s not the moves dat counts but da thot op yu ready to commit in a lifetime partnership with your bebe… lagi kong nibabasa ang blog mo altho ngaun lang ako nag-comment (shy ako weh :p)… post ka pa ng marami!

badoodles: @annenoneymous bakit ka naman nasa-shy hindi naman kita kakainin? pipisil pisilin ko lang pisngi mo saka dudutdutin ang mata mo. hehe. salamat at nagparamdam ka. paramdam ka palagi.

17 04 2008
Jules

astig naman sa ka-sweetan ang proposal na yan!!

badoodles: @jules pasweet-sweetan lang.

17 04 2008
earthlotus

huwaw. amkulet naman. haha. may natutunan na naman ako sa iyo ser badoodle.

sa binondo pala.. san banda dun? hmm. medyo matagal-tagal pa naman ang magiging proposal eh, single na ako kasi ulet at wala pang nahuhulog sa bitag ko para mahumaling sa akin.

haha. amkulet.

halaveeet! nga pala, yung binigay mong payo ba kanina eh hindi maituturing na ‘rape’? parang kwan kasi eh, haha. sadistang nuknukang ng kulet na proposal yung dating para sa akin eh. haha.l

(nga pala, down muna ang blog ko. wahaha. at hindi na ako sa wordpress. naka .net na ako! yehey! paupdate na lang sana sa blogroll. haha. ^_6 baka sa isang bukas ko maiu-up yung site.)

galing galing!

badoodles: @earthlotus sige update ko na lang ung link sa bago mong site. kita ko na ung site mo. cool. ung old contents ng dati mong site di mo na ililipat?

ung bilihan ng singsing sa binondo, ung buong hilera nun, sakay ka na lang ng padyak dun para sure.

reyp pala un. haha! di ko alam. di naman kasi nagrereklamo sakin si misis.

18 04 2008
Salve

ba’t nga ba ganun? pag todo-plano at preparations talaga, sumasablay ang pagpo-propose. pero, in the end, basta love nyo isa’t isa, keri yan! dead-ma na sa mga kapalpakan! 😀

badoodles: @salve un nga nakakatawa, para ka tuloy pinaglalaruan ng tadhana. gusto ko ngang hantingin si tadhana at tanungin bakit nya ako pinaglalaruan. tapos saka ko siya tatadtarin ng armalyt para di na nya ako paglaruan muli.

18 04 2008
xienahgirl

nakupo.

kasal.

uhm..
hmm..

ang sweet niyo ng bebeMo
pero di pa para sa akin yan–
matagal pa panahon ko.

mga after one hour keri na.
hahaha

badoodles: @xienah hahaha! enjoy mo lang ang iyong kabataan. u hev da luxury of time. der’s more wonderful experiens ahead of u. 😉

18 04 2008
McRey

WOW…

Naiimagine ko ang senerio… hmm,

ANG SWEET!!!

Nakakakilig ang moves ng Bebemo!

badoodles: @mcrey bakit ngayon ka lang tumambay ulit dito ha? [naningil? hehe]. moves ni bebeKo ang nakakakilig, kala ko ako. teka, kanino ka ba kampi?

18 04 2008
foobarph

iba talaga ang mga babae. susme…

badoodles: @foo i second da motion. pangalawang susme…

19 04 2008
MisyeL

hanep ang proposal mo ahh, ala robin padilla talaga. kahit na siguro ano pang marriage proposal gawin ng isang guy sa babae na sobrang mahal ang isa’t-isa wala na yun kasing halaga pa. anporgetabol moment!

badoodles: @misyel oo, yan ang nangyari sa kin, dahil sa sobrang kapapanood ng robin padilla movies. hehe, tama ka, kahit sablay, basta mahal nyo ang isat isa [hehe, inulit ko lang, wala talaga akong originality]

19 04 2008
bebenibadoodles

Sinabi naman kasi dapat ni consult mo muna ako para mas da best ang proposal moment mo eh. Magaling naman ako mag pretend na kunyari nagulat ako at hindi ko ine expect yun. Hay naku…. fyi Mr. Badodols… Decemeber 17, 2006 yun at 10:57PM.

Wag sana kinakalimutan yung mga ganyan pagkakataon. Ano na lang iwewento mo sa mga apo mo sa talampakan pagdating na araw. Haaysh!

badoodles: @bebeKo kung kinunsulta kita e di nagalit ka. ikaw pa naman ung gusto palaging sinusurprise. kaya nga ang hilig kong maghubo sa harapan mo. surprise! hehe. at pati exactong oras pa down to the last minute. lupit mo bebeKo. pakiss nga.

21 04 2008
Shayleigh

ang kulit! ihagis ba daw sa lamesa ung kahon… ano un, biglang nakuryente?!!? hahahahaha!!!
pero ang sweet naman ni Bebe mo… pretend to be surprised talaga. hahahahha!!! pero, regardless of preparations… ang mahalaga ung feelings… kahit pa sabi mo ay puro sablay ang pangyayari, ang mahalaga ung outcome pa din… SWEET!!!

badoodles: @shay sus, sabi mo lang yan. pag ikaw na mamya ang niyayang pakasal tapos hindi na-meet yung ‘romantic’ standard mo e uusigin mo ang konsensiya ng husband mo pag kayo na, ‘hu! hu! hu! ur not so sweet den’. kaazar. hehe, wala lang, gusto lang kitang kontrahin. bakit ba. hehe. biro lang uy. tama ung sinabi mo, i agree.

21 04 2008
earthlotus

haha.. honga, reyp nga talaga yun. tsk.

sige sige, sooner.. may paglalaanan din ako ng singsing. hehehe. ^_6 salamat sa pagdalaw nga pala ser badoodles.

ewan ko lang kung ita-transfer ko pa yung mga old content ko sa bago ko nga pala. hmmm. pero since sinabi mo, maybe gawin ko na ngayon. @_@

badoodles: @earthlotus sige kung ganun, pag may magpaturo pano swabeng mangreyp, ako magvovolunteer magturo.

21 04 2008
beero

“Dr. Jose Rizal na ama ng kalibugan sa Pinas sa dami ng gelpren.” – haha. ang galing mo rin pala sa history kuya bosing. di mo talaga pinalampas ang pagiging playboy ni rizal. LOL.

ok naman naging kinalabasan ng proposal. mas ok pa naga kasi parang unusual, yong parang di scripted. hehe 😆 after all, mas mahalaga pa rin na napa-oo si bebeko. hehe

badoodles: @lex peyborit subject ko ang history, pano walang makapagverify kung totoo nga bang nangyari, pwedeng pwede lang gawing tsismis. hehe. meron pa akong isang tsismis – bading si bonifacio, pano nabasa ko na lahat ng history books wala man lang siyang naging ka-love team.

22 04 2008
byter da tambay

naks, sobrang sweet to max ever ang proposal. medyo kakaiba at may kabaduyan pero in fairness nakaka-kilig ang spontaneity walang script at walang director. Pang-action star ang style, sana sinamahan mo pa ng tumbling at split at sabay sabi “Will you mary me?”. Sa mga gustong mag-propose sa kanilang mga Bebe watch nyo Jeff & Natasha – A Perfect Proposal sa Youtube sobrang swabe at nakaka-kilig, sigurado kahit ang dami mong bloppers sa gilpren mo mapapa-i-do pa rin sya.

i just wondering, bosing, apo ka ba Dok Rizal?

badoodles: @byter hindi ako apo ni jose rizal. ako si reincarnation ni jose rizal. tignan mo hanggang ngayon di pa rin ako sanay sumakay sa MRT at mag-elevator. hayzz. hirap pag galing sa makalumang panahon. naniwala ka na?

25 04 2008
beero

oo nga kuya bosing. di nga pala napabalitang may naging syota si bonifacio. baka naman kasi busy sya sa paghahasa ng itak nya. LOL.

badoodles: beero pwede ding supot pa si boni kaya lagi siyang naghahasa. panay sablay ang kanyang misadventyurs para matuli…. hmm.. conspiracy theory, kelangan kong maimbestigahan yan ng mabuti.

25 04 2008
Abby

hi. first time ko dito. ang galing ng blog mo… nakakatawa, nakaiyak… bilib ako sa mga kwento mo. im sure, babalik-balikan kita.

congrats!

badoodles: abby masyado ka pang bata para magbasa dito.. siguruhing kasama ang magulang pag napapadpad dito. parental guidance is advised.

27 04 2008
barefoot_alchemist

naks, ang sweeett badoodles! ang aking mister rin ay mejo sablay during the proposal… ngunit tumpak ka na nde kailangn ng magarbong effects at umakyat ng tutok ng everest, ang importante ay nagmamahalan kyo at yun lng yun…

27 04 2008
Shayleigh

I dunnoh! I oftentimes dreamed of romantic setting, pero pag anjan na nababaduyan na ako.Hehehe!

Worth naman ung maging romantiko sa proposal, puhunan lang naman un eh, tapos minsan lang… kasi after na magpakasal na, katulong na sa buhay kaming mga babae.

Sinusubukan lang dumupensa alang alang sa lipi ng dalagang Pilipina.

Waaaaah!!! Ano ba? Hindi po ako nang aaway ah… :*

28 04 2008
beero

haha 😆 ang dami mo talagang mga teorya. LOL. sige, mag-research ka kuya bosing. sabihin mo agad sa kin kung ano kalalabasan ng imbestigasyon. hehe. baka nga supot pa yang si boni. di kaya yan din ang dahilan kung bat “andres” ang tawag sa mister na ander ni misis? hmmm..theory na naman to! hehe

3 05 2008
aKDa

haha! panalo! meron akong napanuod e, nag-sky diving muna sila. ^_^

pero ayus naman pala, napakamaintindihin niya at nagkunwari siyang nagulat. hehehehe.

14 06 2008
aleihs

ei badoodles!!

bti nlng yes ung ibg sbhin ng kis ni misis..

qng aq lng un kikis aq tapos biglang takbo ksama ung ring.. hahah

kidding.

mas sweet p nga ung mga sablay epek na proposal e..

mas bilib aq sa mh\ga ganun..

kea ur my IDOL badoodles.. =)

1 07 2008
ms.L

mga kureput tlaga mga guys sa binondo lng galing singsing..waaaaa!!!sabagay..it’s da tut dat counts hehehe..

badoodles: @msL sabay kambiyo ka pa jan. oo, sige na aaminin na namin kuripot talaga kami. at hindi ko talaga binili sa binondo ung singsing. free lang un sa loob ng chichiryang binili ko.

25 11 2012
Glory

“You mean dapat? sinali kita…mga Pinoy na reklamo ng reklamo, nakatutok lang sa negatibo, di nila alam ang likas na kagandahan nila :-)?” – surfrays. . . BAAAAAANNNNNNGGGGGG!!!!!! Hahahahaha!! :)….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: