Body Talk

22 04 2008

Kung mabibigyan lang ako ng pagkakataong makaharap si God at makausap ng masinsinan, eto ang mga suggestions ko para sa ikabubuti ng sangkatauhan:  

 

– Dagdagan pa ang haba ng pototoy naming mga Pinoy kahit 2 inches lang.  Sige na nga, kahit 1 inch lang.  Sige na po, please. [Talagang tumawad e]

 

– ‘Yung idadagdag na haba sa pototoy namin e ibawas na lang po sa pototoy ng mga Negro at Kano para mabawasan din ang kayabangan nila.  Saka para naman sa halip na puro gasgas na linyang ‘Pack me hard like a Negro’ ang sinasabi sa mga Hollywood movies e makakarinig na din kami ng mga bagong dialogue tulad ng ‘Make labs to me like a hot macho Pinoy’.   Awwrrr!

 

– Patawan ng parusang kamatayan ang mga lalaking nagpapahaba ng kuko.  Ganung ganun ang kuko nung sangganong nakatabi ko sa bus nung isang linggo.  Kumikislap sa araw ang kanyang ‘bling bling’ na kuko na kulay dilaw at bright red.  Kala ko may nakasabay akong taong ‘traffic light’.  At may disenyo pang maliliit na hugis puso.  Puke talaga, anong klaseng kabulbulan at kajologan naman ang makakaisip gumawa ng ganun.  Hindi nga lang ako maka-epal baka bigla akong kalmutin.  Sobrang naligalig ako dun sa nakita kong ‘yun kaya ilang gabi din akong hindi nakatulog ng mahimbing.

 

– Nagrereklamo na si misis sa palagiang pananakit ng buto nya sa pwet o ‘yung coccyx.   At ang pinagdududahan nyang dahilan ay ‘yung lingguhan naming schedule ng ‘modern position’.  Samantalang nung tinanong naman kami nung pre-marriage counsellor ng simbahan ng ‘Do you agree when your partner wants to ‘do it’ the modern way?’, e oo lang siya ng oo.  Tatanungin ko pa sana ang lay counselor ng paignoranteng ‘Can you please qualify what do you mean modern way?’ e kaso umoo na ang aking butihing maybahay.  [At opo, merong ganyang klaseng tanong sa simbahan bago ikasal].  Tutal naman sabi naman po sa Bibliya, galing kami kina Eba at Adan at hindi sa lahing unggoy, tanggalin na lang ang tail bone na ‘yun.  [At pag wala na ‘yun, the possibilities are endless, biruin mo,  pwede nang gawin ng mga couples kahit saan, sa lababo, sa bubungan, o loob ng washing machine ang gusto nilang gawin sa kanilang buhay at walang pwet na sasakit at magrereklamo].

 

– Bakit po kapag nae-excite kami e balahibo namin ang tumatayo?  Mali po ‘yun eh.  Isipin mo na lang na matutuwa ka tapos biglang ang magtatayuan ‘yung buhok mo sa pwet.  Ampangit.  Parang cartoons.

 

– Isa pa po ‘tong appendix namin.  Sabi nung Science teacher ko wala naman daw silbi ang appendix pwera na lang kung vegetarian ka tulad ng kalabaw na kailangan ng extra pouch na lalagyanan ng ulam.  Dahil karamihan naman po ng Pinoy ay walang balak maging vegetarian sapagkat masarap ang tocino, dinuguan, menudo, bopis, kare-kare saka nilagang baka, sana lang sa susunod na salinlahing Pilipino, wala nang appendix.  [Opo selfish ako, gusto ko Pinoy lang ang walang appendix].

 

– Saka isa pa po ‘yang  wisdom tooth na yan.  Bakit po ba may wisdom tooth.  Pag hindi pa po ba tinutubuan ng wisdom tooth ibig sabihin e bobo ‘yung tao.  At pag may wisdom tooth na ay magkakaroon ka na ng wisdom?  Mas mainam po bang pampatalino ang pagkakaroon ng wisdom tooth kesa kumain ng mani at paglaklak ng isang karton ng Tiki-Tiki?  Kaya po ba mukang monay sabi ni Xienah Girl si Judy Ann Santos dahil kasinlaki ng kalabaw ang kanyang wisdom tooth?

 

– Kung ako lang ang tatanungin, hindi bagay sa kalalakihan ang may nipples.  Bakit po ba may nipples kami hindi naman kami nagpapasuso?  Saka hindi po ako sanay na nilalapirot ni BebeKo ang nipples ko pag natutuwa siya sa pinapanood niyang soap opera.  Kaya kung pwede, wala na lang.  Gawin na lang ‘abs’ mula dibdib hanggang tiyan.

 

– Last but not the least, ilipat ang betlogs sa noo ng kalalakihan at gayundin ang pukengkeng ng kababaihan.  Mahirap na kasi ang panahon ngayon, hindi mo na madistinguish kung sino ang lalaki sa babae.  May lalakeng mukhang babae.  May babaeng may bigote pero babae.  May bading na mas maganda pa sa babae.  Lagi nga kaming natatanso sa Glorietta pano kala mo pagkagagandang dilag e mas mahahaba pa ata ang lawit ng mga hitad. 

 

‘Yun lang po.  Hindi ko po alam kung may suggestion box dyan sa langit, pero kung mabibigyan lang ako ng pagkakataon, sana lang po mapakinggan ang aking payak na hiling.

 

P.S.  Pahabol lang po, baka pwedeng padagdag na din ng guhit sa aming palad at daliri.  Alam mo naman kaming mga Pinoy, mga rice-loving people.  Eto kasi ginagamit naming pansukat ng tubig sa bigas.  Si misis kasi pag nagsaing, kung hindi malabsa e tutong.  Pag mas maraming guhit, malamang mas accurate ang sukat ng tubig.  Tenkyu berimats po.

Advertisements

Mga Tugon

Information

66 responses

22 04 2008
xienahgirl

wag mo basagin trip ni god
ikaw rin
baka lalo niya iklian
ang pototoy niyo
sige kayo
at hindi na kayo
makapagmodern position
hahaha

e ako rekwes ko kay god
hmm
ano nga ba?

wala e perfect na ako
hahaha
🙂

badoodles: @xienah aba, aba. tanghaling tapat andito ka nakatambay? tama bang gawain yan? sinisira mo ang kinabukasan mo. hehe.

oo na, nagsa-suggest lang naman ako. malay mo makalusot kay God. hehe

22 04 2008
dAKILAngKatulong

sarap maging una………prang naka-singhot ng baktol ng mga indiano!!! joke lang hehehe…

1. Sana ang ulan ay kasing bango ng deodorant para bumango ang mga indiano at mga itsik kasi medyo di maganda amoy nila lalo sa MRT at LRT

badoodles: @dakilangK haha! naunahan ka kaya ni xienah. ang totoo ikaw talaga ang nauna. ginamitan ka ng mahika, nag time freeze ang mundo sabay pindot ni xienah ng ‘Submit Comment’. tsk! tsk!

anong baktol. malalim na tagalog ba yan? pinaikli ng baklang nagmamaktol. kumpletuhin ko lang ung sentence mo: ‘…parang naka-singhot ng baklang nagmamaktol ang mga indiano’. parang mali e.

22 04 2008
beero

waahhh…di ko alam na marami ka pa palang gustong mabago sa mundong to kuya bosing. hehe. ngayon lang din ako nakapag-reflect sa mga bagay na yan. unfair nga talaga kasi yung iba eh binigyan ng ganun kahaba. samantalang tayung mga pinoy eh frustrated magpahaba. isa lang ang nagmana sa mga negrong yun. no ader dan totoy mola. LOL

badoodles: @lex kaya nga e. asan ba ung sinasabi at tinataguyod nating equal rights kung hindi naman pinapatupad sa heaven. hehe, biro lang po, baka tamaan ako ng kidlat sa katanghaliang tapat.

22 04 2008
madbong

bro, di ko yata alam yung ‘modern position’, paano yun? o iba lang sigurong term ang alam ko kasi lahat na yata ng posisyong meron nasubukan na namin ni esmi ko

badoodles: @madbong kaya nga bro. ‘relative’ ang salitang modern. maaaring ang modern kay ginang counselor e modern nung kapanahunan ni manang biday.

astig yung ‘imbestigador’ post mo dun sa ‘packing dolls’. panalo pa sa dami ng comments. patunay lang na sangkatutak ang malilibog bukas na ang kaisipan ng mga mamamayan. dumarami ang ating recruits.

22 04 2008
Noime

okay na yung maikli kesa naman sa soooobrang haba, baka umabot sa leeg. haha. 😀

badoodles: @noime gusto ko pa rin na mahaba ang etits ko. lagi kasi akong napapatrobol sa kanto. para magamit kong pangwasiwas. tadan!

22 04 2008
koreanmine

hmmmnn.. naintriga tuloy ako ng husto sa “modern position” na yan…..

badoodles: @koreanmine ano lang yan. basta… malalaman mo din sa takdang panahon.

22 04 2008
sugarushafterglow

hello. =) first time i read your blog, i got hooked. i attempted to all your entries in one sitting last weekend. masaya sya (kahit may mga terms na hindi ko naintindihan, kelangan ko pa ipagtanong).

ps- i liked your wifey’s blog,too.

badoodles: @sugarushafterflow nakupo, parang wala ka nang balak bumalik dito, inubos mo na lahat ang entries. mang-uubos ka!! mang-uubos hehe.

cute ang blog ni BebeKo. salamat daw ng marami.

22 04 2008
Maldito

ako din..na intriga din ako…baka with matching modern gadgets yan?ah eh he he…kung ganyan sana ang wish ng bawat tao, eh di wala nang gyera! keneksyon?lols

badoodles: @maldito oo nga. anong keneksyon? hehe, may konek naman, konek na konek nga. modern gadgets? ah… yokong magcomment. yokong mabatukan.

22 04 2008
linglingbells

hindi ba mahirap para sa inyong mga lalaki kapag nasa noo ninyo ang inyong betlogs??? hindi ba yun sagabal sa inyong mga mata?? hehe! natanong ko lang.. 😀

badoodles: @lingling bagay naman siguro ang nakalaylay na betlogs sa noo lalo pat uso ang ‘bangs’ ngayon. hehe. ’emo look’ with balls on da syd.

22 04 2008
jeck

“ilipat ang betlogs sa noo ng kalalakihan at gayundin ang pukengkeng ng kababaihan.”

—kung betlogs lang ang ililipat at maiiwan pa rin ang pitutoy sa pagitan ng mga hita, ayos. parang ang sarap imadyinin na luluhod ang babae sa harap naming mga lalaki tapos tutungo sila ng taas at baba na hindi na BJ, penetration na talaga. hahaha!

badoodles: @jeck tignan mo pre. naglaro na naman ang makulit mong imahinasyon. hehe, sabi ko nga d possibilities are endless.

22 04 2008
mr_d

1. sir, ako rin po interesado sa modern position niyo. wala ba kayong instructional video o kahit illustrated manual man lamang,

2. pagbumababa ako sa dyip minsan nauuntog yung noo ko sa ilaw na nasa bubong. paano na lang yan edi gugulong ako sa sakit noon.

badoodles: @mr d solb solb ako sa katatawa sa pagbasa ng blogpost mo nung nakaraang linggo. oo dun sa exclusib dyesebel episode saka ang iyong engrandeng kampanya para ibalik ang integridad ng pagmumura. para saung katanungan:

1. under negotiation pa lang ung instructional video ko kaso mula leeg lang pababa ang kukunan sakin para ‘daw’ pangalagaan ang aking pribadong identity. puke, hindi nga ako pumayag. gusto ko kitang kita muka ko. mamya isipin nila si tom cruise yun. mistaken identity pa ko.

2. tama. at pag sinoplak tayo ng mga babae, sapul ang kahinaan natin.

22 04 2008
Lyzius

ang sagwa hahaha… kapag tumatakbo ang lalaking me betlog sa noo para na ring tumatakbo ang babaeng malaki ang joga…

pero okay nga rin yun kasi fair na me umaalog alog pareho…

badoodles: @lyzius everything boils down on having equal rights and equal footing. and… langya, parang ayaw ko yata nun.

23 04 2008
watusiboy

naku, pag nasa noo na ang mga genitals, baka magkabungguan ang mga ito sa mrt. wala pa namang female section doon.

tsaka parang headbang na ang sex? haha.

badoodles: @watusi wala na bang female section. meron pa kaya.

oo, magkakaroon ng ‘sexual’ meaning ang headbang. rock en roll. rock da f*k and roll the balls.

23 04 2008
shao

grabe naman pala yung counselor na yun eh mr. badoods, pano kaya un ibig sabihin niya sa modern way?? pati tuloy ako naiintriga ehh..

tanong ko lang kay Papa God, bakit hindi niya po tinuruang maligo ang lahi ng mga Koreano? dito po kasi sa work ko, sa tuwing humihinto ang elebeytor sa 10th floor ng PBCom, asahan mo ng kakapit sa damit mo ang amoy ng sampung taong binurong kimchi samahan mo pa ng dinikdik na bawang at sibuyas..dba nila alam na hangsaket sa ilong ng amoy na yun!

clarification lang po, pag nalipat na sa noo ang pukengkeng ibig sabihin sa noo nren kame maglalagay ng napkin?

badoodles: @shao oo nga pag nadadaan ako jan para mag-gym sa gt tower, humahalimuyak ang kimchi sa banda ng pbcom. kala ko dahil sa mga nagbebentang squid balls lang un, iba pala may sala. andaya talaga ni God, bakit ang mga koreano kahit hindi maligo ng isang linggo, mukang malinis. akong balat exotic araw araw naliligo pero konting pawis lang muka na akong basahan.

23 04 2008
batang buotan

Pasensiya na po, pero hindi ko yata alam ang “modern position” na yan. Naisip ko tuloy, pinagkaitan ako ng tadhana. (Kawawa naman ako).

Ang hirap naman pag nasa noo ang prototoy. Anong position na yan pag nagkakataon?

badoodles: @batangbuotan ganun pa rin ang tawag – frontal nudity. un nga lang pag sumablay ang ‘pag-uuntugan’ nyo e malamang bukol bukol kayo pagtapos.

23 04 2008
Geisha

payak pa yang kahilingang yan? cheeehh 😆 naloka ako!

i never thought may mga flaws pala ang “the creation”. pero ayokong ilagay sa noo ang pototoy! mahirap na magamit yun pag coitus interuptus, fellatio at cunnilingus! 😆

badoodles: @geisha oo simpleng suggestions pa lang yan. ung mga seryosong recommendations ko kasi e… hehe, wag na.

23 04 2008
cricket

ang hirap pag sa noo ang betlogs…malalaman na kinakamot mo tuwing umaga kasi pupula un…..lalong iitim din un kasi masisinagan na nang araw…hahaha

badoodles: @cricket ayaw mo nun, mukang nagba-blush sa pula. cool. mukang foreynjer. mas baliw ka magisip.

23 04 2008
kulot

Lord please lang kahit 2 inches nga lang talaga idagdag mo at dagdagan na rin ng taba

badoodles: @kulot tama yan pare. hindi lang dapat ako ang nagpepetition kay God. malay mo pakinggan nya tau. there’s strength in numbers. sa lahat ng naniniwala sa aming adhikain, kelangan namin kau

23 04 2008
kulot

napaisip tuloy ako, bakit ang boobs na natatakpan e maputi samantalang ang betlog natin natatakpan naman kaso bat ganun maitim

badoodles: @kulot bah, malay ko sau. basta sakin kasimputi ng penoy ang betlogs ko. bakit? hindi mo ba binababad sa papaya soap? hehe. biro lang. talagang ganyan na itlog natin. pangit naman kung kulay puti, parang obvious na punum puno ng semilya.

23 04 2008
Ulan

Funny…as always.

badoodles: @ulan huwat?? hehe, parang ang tunog.. na-bored ka . ‘yeah rayt, watever, its funny as always. nothing new’. hehe. :mrgreen:

23 04 2008
yzah

anu kaya ung modern position na un?wag naman sa noo kuya ang pangit.

23 04 2008
amikus

tumambling ako kakatawa. ang kulet. hehe!
may isa ka na namang bagong fan.

badoodles: @amicus lahat ng fans ko e dumadaan sa matinding initiation. may hazing, pagbunot ng lahat ng buhok sa ilong, at pagpapa-cheese burger sa lahat ng myembro ng fans club na to. pag-isipan mo ng mabuti pare ko.

23 04 2008
hun

hehe naisip ko lang pag ang lalaki nagkaron ng wet dreams mas kadiri pa sa muta ang makikita sa mukha nila sa umaga.. haha.. or pag nagka stain ang girls.. yiiii..

badoodles: @hun masaya un. tuwing umaga na gigising ka e parang nakipagbatuhan ka ng apple pie sa mukha. hehe.

23 04 2008
Abad

Husay! bakit nga ba kasi may wisdom teeth,ilang linggo na akong binubuwisit ng tumutubong wisdom tooth ko.

badoodles: @abad dapat sana parang spare tire na lang din ang wisdom tooth. saka lang tutubo pag wala ka na talagang ngipin. di bale, welkam na lang bro to wisdomhood.

23 04 2008
Salve

Lagot ka, nilait mo si Juday! kukuyugin ka ng mga fans, aabangan ka dyan sa Glorietta! 😀

Isulat mo sa papel tong mga wish mo, tapos itali sa lobo at paliparin. Malay mo, makarating sa clouds at ma-pick up ng isa sa mga angels. 😀

badoodles: @salve ang totoo nyan, hindi ako ang nagsabi non, si xienah girl . [hehe, nagturo]. andyan ang site nya. [talagang nagturo nga e].

23 04 2008
klitorika

he,he ang kulit ni kuya…..

badoodles: @klitorika makulit daw ako? hindi ako makulit… sino nagsabi? hindi talaga ako makulit. di ba hindi ako makulit? di ba? di ba? hehe. parang walang gulo, dalawa taung makulit.

23 04 2008
R.J.

ok lang sakin ang 3inches ko, pero sana tagalan pa ang ejaculating period kahit additional 20minutes lang. hahahaha! =D

badoodles: @rj in da haus! madaling solusyonan yan, talian mo sandamukal na rubber band, kung ang dating time span mo ay twenty seconds, bale hahaba, magiging 22 seconds! garantisado pre.

24 04 2008
Kotsengkuba

badoodles naman, ‘yun ngang nasa baba ang pototoy mo e hirap ka na sa pagsimple sa boxers mo pano pa pag nilagay yan sa noo. katakut-takot na sampal ang aabutin ng kalalakihan pag nakitang nagyayabang ang mga pototoy sa noo natin. kahit ba morning erections lang yun, aakalain ng mga babae (lalo ng mga manang) e pinagpapantasyahan mo sila.

tsaka pag ganun, mag-iiba ang title ng cartoon series na south park. dapat north park na para akma parin. hahaha.

badoodles: @nac pre mas ok nga yan. madaling makita ang mga manyak sa crowd. pag tigas-titi sa noo, malau pa lang pwede nang umiwas ang mga babae. alam na agad nila kung minamanyak ba sila ng katabi nila o harmless kuno. hehe. iwas disgrasya.

24 04 2008
Reclamador

hahaha! syet gulong ako sa kakatawa ah (ROFL sa ingles).
ang galing ng mga punto. tingin ko may wisdom tooth ka na.
maraming maraming wisdom tooth!

badoodles: @reclamador haha. meron din akong wisdom hair, wisdom nose, saka wisdom booger. lahat lahat ng wisdom meron. super talino kasi ako. ano na nga yang ROFL na yan? alam ko yan pero nakalimutan ko lang [utot] hehe.

24 04 2008
umleo23

ang panget naman ng lalakeng walang nipples at mula tiyan hanggang dibdib ay abs na!!!!!!!

Mukhang NINJA TURTLE!!!!!! hmmmmmm wait sige sige basta ako si Leonardo ha yung leader….

At hindi ko rin ma-imagine na ung organ ng male and female ay nasa noo na natin, shocks! inde ko maimagine na nagbubuhangin ang noo ko noh! at ayokong makita yung katabi ko sa opis na girl na pagharap sa akin yun ang bubungad sa akin… wahhhhhhhhhhh

badoodles: @umleo ayos yon pre pag walang nipples, itsurang tipaklong. at mag-iiba na din ang expression ng mga hot tsiks: ‘wow girl, look andaming abs’. lupet di ba?

ayaw mo nun, tuwing umaga, parang nag-i-eat bulaga sau ung pukengkeng ng kaopismeyt mo. hindi mo na kelangan ng kapeng pampagising.

24 04 2008
antuken

hahaha. baket yung p.s. mo sobrang liit? malabo ba ang mata ni bebemo at palagay mo di nya mababasa yung pahabol mo? hahaha.

parehong pareho tayo ng iniisip sa wisdom tooth. ako nga last year lang ata tinubuan, ang matiniding iniisip ko nun, siguro hindi pa ako wise… hehehe…

at naco yang tailbone na yan, isa rin yan sa mga nirereklamo ko! di ako makapag-crunches/sit ups ng husay kse sumasakit yun… bumili pa nga ako ng yoga mat para di mashado masakit… pinagtawanan ako ni hubby nung malaman nya… kse ang ibig sabihin lang daw nung pagsakit ng tailbone ko eh mali ang ginagawa kong crunches/sit-ups… ampowta, kahit sale sa nike ko nabili yun, sayang yung yoga mat no… lekat…

badoodles: @antuken haha! binibisto mo naman ako mare. para hindi mabasa hehe. baka maoutside da kulambo na naman ako.

at late bloomer ang wisdom mo… 😉

hehe, kunyari naman si hubby mo. tapos pala, pag wala ka, ginagamit nya din ung mat mo pag nagka-crunches. hehe.

24 04 2008
sommer

…uuy ano ang modern position? para naman me bago akong ituro sa jowa ko..kaso kelangan ba ng patotoy sa position na yan? pag oo, syet,mahihirapan ako ah.;p
…mahirap naman ilagay ang papet sa noo, paano kung monthly period at nakalimutang magdala ng napkin..ewwww!!!
(di ba effective sa rice cooker ang paglalagay ng asin sa ibabaw ng takip?)

badoodles: @sommer pag nagkataong nasa pekpek ang noo, magiging status symbol na ang pagsusuot ng modess, na magsisilbi ding two-in-one headband.

24 04 2008
buffalo soldier kadeteng kalabaw

Potek, nahuli na naman ako bok..panu naman kasi tong RSS na to..ayaw mg-update..

bok, sana sinama mo na rin sa request mo na sana steel plated ang belogz ng lalaki para di masakit pag nasisipa o nauuntog. Kahit anung training ko, masakit pa rin kasi matamaan sa bayag eh.

badoodles: @bok hindi lang ikaw nahuhuli bok, pati pag reply ko sa comment, hindi rin ako makasabay.

magandang idea yan bok. balls of steel. pang superman ang dating.

24 04 2008
sugarushafterglow

ah, actually, pinapabasa ko sa mga friends ko. tapos pag bored binabasa ko ulit ung mga funny. mahilig lang talaga ako mag-blog hopping. i hope you don’t mind, sometimes i borrow your anecdotes sa friendster blog ko, pero nilalagay ko naman na galing sa blog mo e. naaaliw naman ung number one (and only) fan ko. =) sabi ko dumerecho na lang sya sa blog mo. i really wish you and your wife the best in your future family. =)

badoodles: sugarush wow naman. andami ko nang papuring natanggap sau. tingin ko tuloy ang galing galing ko na. hay buhay, saang bagay pa kaya ako hindi magaling. hehe. regards din sa inyo ni fan mo. amoy ‘love is all around’ and paligid ah. ;

24 04 2008
thealyssaexpress

haha. natawa ako dun sa ‘abs’ na lang instead of nipples thing. mas weird kaya tingnan yun!
grabe, galing talga ni kuya badoods gumawa ng entry. nakakatawa. woo!

badoodles: alyssa hindi ako nakakatawa. masyado lang malikot ang imagination mo. bale, ikaw talaga ang nakakatawa. :mrgreen: woot..

25 04 2008
gasti

tama ba yung naiisip ko na modern position eh dog style? excempted kasi ako sa marriage counselling dati eh..hehe! binuking mo pa sa misis na laging malabsa at tutong ang kanin nyo..haha! mas accurate kapag rice cooker ang gamit. o baka naman maliit yung mga daliri ni misis kaya ganun.

badoodles: sshhhh… hindi naman palagi.. mga ebri day lang. hehe. biro lang bebeKo. masarap magluto ang misis ko. pag nasa mood. minsan nga binibiro kong, ‘sige pag di masarap yan, di moko matitikman ngayong gabi’. ayun natatarantang pasarapin ang luto. 😆

25 04 2008
byter da tambay

my wish: Sana parang lego ang katawan ng tao, para pwede kong ibahin ang proma ng katawan ko when a particular tight situation arises.

badoodles: byter nakow pare, alam ko na yan. andami mong pinagkakautangan. gusto mong magtransform pag hinabol ka, ‘putek, andito lang kanina si byter ah, panong nawala un. at kanino tong rubiks cube na nakakalat. masipa nga’. ka-pow. hehe.

23 09 2011
Trevon

Unpraallleed accuracy, unequivocal clarity, and undeniable importance!

25 04 2008
VerPo

okey naman ang nipple sa lalake..

may wish din ako kay lord, sana pwede magbuntis lalake… o kaya kahit sino sa dalawa (babae o lalake) depende na lang sa usapan ng mag-asawa kung sino may gustong magbuntis! Ano kaya itsura mo na buntis?

badoodles: itsura ko pag buntis? may idea nako tutal malaki naman butchog ko. itsura ko siguro parang si golden buddha lang na may extra pogi points.

pero aangal naman ako verpo sa sinasuggest mong pati lalaki magbubuntis. kami na nga ang tinututuli, kami pa ang magbubuntis. neber.. langya walang exclamation point tong keyboard ko. basta, may tatlong exclamation points na kasama yang neber na yan.

25 04 2008
sugarushafterglow

ung fan ko ay uncle kong seaman! wala syang choice kase ako lang kafriendster nya at asawa nya. kung san ka pa magaling, palagay ko misis mo lang makakasagot nyan. agree ako kay verpo. sana ang lalaki ay pwede rin magbuntis. palagay ko pag nangyari yun, magbebehave na sila, at walang population explosion. ;P

ps- tsaka palagay ko hihilingin nila na mabawasan ung ‘ano’ nila ng kahit pa 5 inches pag nangyari yun.

26 04 2008
McRey

Walang nipples?! Tapos ‘abs’ simula dibdib hanggang tiyan?!

Hahaha, parang alien naman yata labas nun… Pusod pa nga lang mawala eh aswang ka na, nipples pa kaya? Hahahaha…

Tama! Pahabain ang potoytoy ng mga Pinoy! Tapos yung sa mga kano paliitin, mga 3 inches ang itira. Hahaha!

Haha, ngayon ko lang nalaman, wala pa lang silbi ang apendix natin… buti na lang natanggalan na ng apendix yung kapatid ko, hindi naman pala niya magagamit.

26 04 2008
Keng

haha! panalo to brod!!! mwahahahahaha… wala ako masabi, naaliw ako sa post na to…

27 04 2008
ikstopanor

Make labs to me like a hot macho Pinoy!

wahahaha. ayos! =D

27 04 2008
Shayleigh

ahahahha!!! tawa lang ako… ok sa hiling, talagang isa-isahin kay Papa God.
saka ayos ang huling hiling.. ung PS ba, parang un naman talaga ang pinag ugatan ng lahat ng hiling eh… hehehehe!!! Peace po!

hmmm… lalaking buntis, have anyone read about this Thomas Beatie guy. Para lang ba makita nyo ang itsura ng lalaking buntis, argh! Though, hindi naman un tunay na lalaki.

Waaah! Hindi naman masyadong matindi ang pag-ayaw mo sa pagbubuntis, ano? As in NEBER talaga!!! Ooopps!!! Wag ko ng dagdagan, mang-aaway na ang kasunod na salitang nabubuo sa aking isipan… asus!

28 04 2008
PinayInTheUS

hahaha. naaliw naman ako 😀 keep up the great posts!

28 04 2008
bernardumali

ei, curious lang, ano pa ang mga inurirat ng mga pre-marriage counsellor? hehehe buti hindi pari ang nagtanong lol.
-abs hanggang chest. ayos! parang nakikinita ko na na ang beerbelly ko hanggang chest din. lol.

28 04 2008
umleo23

Grabe badoodles! talagang binago mo pa ung image ng featured blogger mo ha! ehehehehehe ayus sa pagkaka screenshot ha! wahahahahhaa

shalamats!

28 04 2008
pancitcanton4dsoul

pakidagdag na rin na sana wala na ring kili-kili.

wala lang, ang itim kasi ng kili-kili ko eh.

hehe!

29 04 2008
earthlotus

teka teka.. panong modern position yan ser badoodle? hmm.. meron ba nyan sa kamasutra na luma?

hmmm.. sooner, magddise-otso na ako.. pedeng pede na, binata na eh! wahaha..

baka sakaling magamit ko eh. ^_^ you know.

29 04 2008
ridingthewave

aliw na post as always! add po kita sa blogroll ko ha. matagal na po ako bumibisita dito, ngayon lang naisip magcomment.dito pa sa ganitong topic na entry. hehe. =)

30 04 2008
nOn

ok lang tong maigsi.. sabi nga ni osang “pwede naman sampayan ng twalya” …hehehe

30 04 2008
nOn

“twalyang basa”

1 05 2008
kengkay

hahahaha, nabalengtong ako sa listahan mo. basta ako may collection ng ‘modernong posisyonS’ may S yan sa huli ha

3 05 2008
aKDa

talaga ngang hindi na uso ang peace on earth.. LOL

sabi nga, “be careful what you wish for…” pero sa tingin ko, ayus tong mga hiling na to, HAHAHAHA!

5 05 2008
kingdaddyrich ♥

mukhang ayaw ko na mawalan ng nipples ang mga lalaki ah.. parang mukhang palaka kung mawawalan tayo ng nipples. ahahaha…

oo nga pala kuya badoodles, nagbago na ako ng blog. 😀

6 05 2008
issapotching

wahahahaha! natuwa naman ako. sa simula pa lang ng rekwes mo parang magnonosebleed na si God eh, haha.

pero agree ako dun sa last two suggestions mo, sana ilagay sa noo ang mga betlogs nyo para malaman naming mga babae kung worth it ba na ipaglaban kayo at sana nga dagdagan ang guhit ng ang ating mga daliri (o palad) kasi lagi ako kinukwestyon ng asawa ko sa pagsasaing eh, hahaha, iba kasi sukat nya sa sukat ko (obviously mas maikli ako sa asawa ko, hehe)

7 05 2008
tukmol

Pinoy Jokes???
Ghost Stories???
Wala ka bang magawa???
Tambay ka na dito sa Pinoy Tambayan.

tukmol.wordpress.com

badoodles: [echo] pinoy jokes? ghost stories? punta na sa pinoy tambayan. hayan doble advertisement ka na sakin. akin na bayad mo.

12 05 2008
leroy

may use kaya ang appendix

kamakelan lang na -discover

lol.cx

xD

badoodles: @leroy di ko naman sinabing walang use ang appendix e. wala lang use sakin kasi hindi naman ako vegetarian. at ang waldas mo sa space mag-comment ah. di mo ba alam, may bayad yan. hehe.

12 05 2008
leroy

basahin mo sa YAHOOOOOOO!!!

badoodles: @leroy oo, at sinabi din ng yahoo na pogi ako.

18 05 2008
tapsiboy

hehe hindi na natin kailangan ang dagdag. pabayaan mo na ang mga gorilla sa states.

gusto mo ba yung mahaba nga ang etits, pero kamukha naman ni dennis rodman?

hindi nasusukat sa laki ng etits ang pagkalalaki ng isang lalake.

nasa pag gamit yan.

hehehe

badoodles: @tapsi oo narinig ko na yan. ‘its not the size of the boat, its the motion of da ocean’. credo yan ng mga maliliit ang etits. sige pre pag nagsabog si papi jesus ng biyaya, sabihin ko kami lang bigyan. hehe.

20 05 2008
Richard

Tama ka.. sana wala na lang tayong appendix.. useless naman.. pero gusto ko yang suggestion mo kay God.. sana tayong pinoy lang .. hahaha

14 06 2008
aleihs

gs2 qo ung sa noo ung betlogs xka pukengkeng. xka ung pahabain toytoy nio!! great idea!!! =D

14 06 2008
aleihs

pero dpat d mawala nipples nio kc nkaka2long yan sa sex lyf..

29 06 2008
b@kekang

ala kayan yan sa size,,nasa performance kaya yan ..hakhakhak!!!

badoodles: @bakekang sabi lang yan ng maliit ang etits. hehe. sige na, i agree.

24 07 2009
Helen

Grabe,,, pano kaya yun, ang betlog nasa noo???.. Isama na rin si patotoy sa pagitan ng mga noo, para masaya… Pag naiihi ka,, yumuka ka lang sa inidora,, oh di ba ayos, para ka lang nagbaBOW..

Ummm,, mas grabe kung ang pukengkeng eh nasa noo din,, pano nalang pag iihi sa arinola,,, ang hirap naman yumuko nun…

Wala ng 69 position, puro torohan nalang… hahahaha..

nakaaliw, pero walang trill…
ayoko… baka makita nila ang malaUling na kulay ng mga Patotoy sa noo..

19 09 2009
sgc

nakaka ali naman ang mga blogs dito.

@helen: pano nga kaya yun, nasa noo c totoy. kakahiya, maraming nakakakita sa kulay ni totoy.
idagdag kaya kung ang bibig eh nasa pwetan nakalagay. pano kung iinom ng softrinks na may straw. parang tutuwad pa.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: