Couldn’t Ask For More

6 05 2008

Hapi bertdey BebeKo.  At dahil ayaw ng mga babaeng nababanggit ang edad nila, hindi ko sasabihing beinte nuebe ka na ngayon.  At dahil ayaw din ng mga babaeng nasasabihan silang matanda, hindi ko din ipapaalala sa ‘yo na mas bata ako ng isang buwan at dalawang linggo.  Ok ba?

 

Andami na nating pinagdaanan sa buhay.  Nakita mo kung pano ako nagbehave mula sa isang pagiging siraulong uhuging disc jockey,  ngayon isa na akong good boy at part time superhero.  Kung dati ako ang ini-stalk mo, inaabangan na marinig ang boses sa radyo at pag di pa nakontento, pasilip silip sa likod ng traysikel malapit sa tindahan namin at nagbabakasakaling masilayan ang anino ko.  Kala ko pa naman hard-to-reach hot tsik kolehiyala ka pa no’n, ‘yun pala, hobby mo na ang pagpantasyahan ako.  Hehe.  Pero ngayon bumaliktad na ang mundo, ako na ang adik na adik sa ‘yo.  Ultimo panty mo, hinahalik-halikan ko.

 

Noon, parang di pa ako seryoso.  Nung panahong ‘tayo’ na nga, hindi man lang kita binigyan kahit lantang red roses.  Pag lumalabas tayo, kung minsan, ikaw pa taya.  Kahit nga sunduin ka sa school pagkatapos ng klase mo, di mo ako maasahan.   

 

Pero hinintay mong magbago ako.  Andami mo ngang hirap sa akin.  Sa law school dati, nahuli mong nakalambitin sa akin ‘yung mga bebot tapos sa harapan mo pa.  Alam kong nasaktan ka dun.  Magpapaliwanang naman ako.  Akala ko kasi gusto lang nilang mag-Tarzan kaya hinahayaan ko lang silang magbaging sa malalaking braso ko.  Ilang araw tayong hindi nagkibuan.  Nung sumunod na araw, nagkasalubong tayo.  Hindi ka nagalit sa akin.  Pilit mong iniintindi ang mga kagaguhan ko.  Kung tutuusin pwede naman sana akong umiwas sa mga ‘yun pero kung bakit di nag-iisip ang kukote ko minsan.

 

Ayaw sa akin dati nina Mama mo saka ni Daddy.  Meron naman kasing mayamang bumbay na may karag-karag na kotse na nanliligaw at sumusundo sa ‘yo, bakit ako pa ang pinili mo.  Pag nagtatampo ka pa nga dati, sinasabihan mo ako ng ‘isang krimen ang mahalin ka’, pero anong nangyari ba’t tayo pa rin hanggang sa huli?  Ano bang nakita mo sa akin at nagawa mong talikuran ang buong mundo para makasama ako?

 

Nakailang break ups ba tayo noon? Tatlo, dalawa pa dun ay tumagal lang ng ilang minuto.  ‘Yung pangatlong break up ang seryosohan.  Alala mo pa ba?  Nasa tuktok tayo ng burol nun, magdidilim na.  Nagda-drama ka pa nga ng inglis sakin sabi mo, ‘Please, when you walk away, don’t look back so you won’t see me hurt’.  Para nakatalikod lang ako at naglilinis ng spark plug ng motorsiklo nagdrama ka na agad.  Oo nga naman pala, sinugod ka kasi ng isang nagmamagandang dilag kaninang umaga dahil sa akin [isang malinaw na kaso ng delusion].  Nagtapang-tapangan ka.  Pinakain mo si hitad ng maaanghang na salita.  Maluluma ang binitawang salita ni Cheri Gil kay Sharon Cuneta na ‘You’re nothing but a second rate TH copy cat’ sa imortal na linyang sinabi mo:  ‘Babae, andami namang bayag diyan sa paligid, hindi ka ba makahanap at kailangan mong makipagsiksikan?’.  Classic.  Pero alam ko napapagod ka na din sa kin.  Sawang sawa ka na sa kung sino-sinong umaaligid at gumagawa ng kwento sa ‘tin.   Isang malaking showbiz ang paligid natin.  Nagawa nila ‘yun kay Sharon at Gabby, pero di ko papayagang gawin din nila sa atin ‘yun.

 

Kaninang madaling araw, di mo alam, naalimpungatan ako, pinapanood kitang matulog ng mahimbing.  Ansarap mong tignan habang sarap na sarap kang sinisiksik ang mukha mo sa kili-kili ko, para bang ‘yung kili-kili ko na ang pinakamabangong unan sa mundo.  BebeKo, sigurado ka bang hindi ka basurera nung past life mo?  Hehe, biro lang po.  Gusto ko nga, pag gumigising ako, ikaw agad ang makikita ko. Ikaw lang ang gusto kong makasama hanggang hanggan, kahit maputi na ang pubic hair ko.   

 

Naisip ko, mahal talaga ako ng Diyos.  Sa dinami-dami ng kalokohan ko sa buhay, ikaw pa ang binigay niya sa akin.  Napapailing na lang ako, ‘Kung sino ang ibinigay ng Diyos sa buhay mo,  isipin mo lang ganyan ka kamahal ng Diyos’.

 

Salamat sa lahat lahat.  Ikaw lang labs ko.  At para sa ‘king bespren, soulmate, at ka-wrestlingan tuwing umaga, gabi at madaling araw, Hapi Hapi Bertdey BebeKo!     

Advertisements

Mga Tugon

Information

70 responses

6 05 2008
sugarushafterglow

ang tagal mo naman magpost. nakakabitin. but then again, it was worth it. very nice post. kengkoy na nakakakilig.

to mrs. badoodles, happy, happy birthday. you are really blessed. =)=)=)

badoodles: @sugar sobrang busy sa trabaho. yan talagang trabaho panira sa pagba-blog. kaya advice ko sa mga bloggers, wag mag trabaho. hehe. buti kamo betdey ni misis kung hindi baka next week pako makakapagpost. 😉

at kagulat gulat ka, wala pang 2 minutes akong nagpost, may comment ka agad. tatay mo si totoy kidlat ‘no?

6 05 2008
linglingbells

awww.. mahal ka talaga ni lord! at mahal din naman ni lord ang bebe mo.. in short, mahal niya kayong dalawa dahil kayong dalawa ang pinag-pair niya.. 😀

haberday sa bebe mo!

badoodles: @lingling oo mahal nga ako ni lord. ewan ko kung si misis e mahal din ni lord. ang alam ko kaya ako ang ibinigay sa kanya ay para matuto siya ng leksiyon. hehe.

6 05 2008
Maldito

awts..papakilig na naman..chos naman bossing..kinikilig ako..laos na si kim and gerald..kayo na ang bagong sweethearts sa tebee…aha ha ha….patay si gabby ngayun..may papatay na sa titulo niya…

dj ka pala?paturo naman bossing..balak kong maghasik ng lagim sa radyo..ahaha

badoodles: @maldito oo, di ba obvious ang pagkabolero ko? hehe. rumaraket din ako bilang part time atsay killer pag umaga para may maibiling pang extra rice. hehe.

6 05 2008
Maldito

nahuli ako! happy beeday kay mrs badoods!

badoodles: @maldito salamat sabi ni mrs badoods. sino na nga si mrs badoods? weird ng pangalan nya ha, ‘mrs badoods’. hehe.

6 05 2008
jeck

sweet. kahit dinaan sa patawa, i’m sure kinilig din si bebemo. happy birthday sa misis mo. ilang taon na nga ba sya? 29? 29 di ba? 29 nga. kung ang past life nya dati eh basurera, malamang rubgy boy ka dod baduds. ahihihi. *joke lang pow koya* 😀

badoodles: @jeck shhhh, pre, wag mong sabihing TWENTY NINE na siya. magagalit un. hehe. pag inulit mo pang TWENTY NINE na siya, naga-amok yown.

6 05 2008
watusiboy

wow, i like that line. taob nga si cherry gil. pwedeng pang telepantasya. ibang klase talaga ang betlogs mo badoodles, ang daming nahuhumaling. hehe
hapi bday sa bebe mo at beleyted hapi bday sa ‘yo. 🙂

badoodles: @watusi pangtelepantasyang R-18. kaya nga nagtataka ako kung anong meron sa itlog ko, e itsurang tsiko lang naman na amoy buro. anong belated sakin, next month pa ako hoy.

6 05 2008
xienahgirl

paalis na sana ako ng bahay e
nakita ko updated ka
hahahaha

harujosku
nagpaself pity pa kala mo cute
well sabagay
nauto mo nga si bebeMo
hahaha

joke lang po mrs bebeni baduds
malakas talaga ang tama
kapag yung lalake paawa epeks
hahaha
🙂

happy 29th birtday
yiheee
🙂

badoodles: @xienah nakita ko na likod mo! tapos may kasama kang lalaki. susumbong kita sa nanay mo. play girl ka! play girl! hehe.

oo lam ko di ako cute. pero bihira ang specie na tulad namin. matalino na, manyak pa. san ka pa. pano na lang kung cute pa ko. hehe.

7 05 2008
damginez

Wow!!!! so sweet naman. Sana ay d magbago ang pagtinign mo sa asawa mo paglipas ng mahabang panahon :P. Aside from that, it’s so nice to read your post and to tell how much thankful and happy you are for havng your wife in your life. Don’t ever hurt her 🙂

7 05 2008
Lenggai

ganda naman nito ka badz! belated din sa bebemo! cheers sa inyong pagmamahalan! 😀

badoodles: @mareng lenggai salamat sabi ni bebe. reader mo si bebeKo sa blog mo. kaso lurker mode, shy type eh. pag-uwi e kinukwento sakin ung mga nabasa sa blog mo, kaya parang nakabisita na din ako. hehe.

7 05 2008
antuken

happy birthday kay bebemo. hansweet mo. hehe. budburan mo nga ng konti si mr. antuken ko. hihi.

badoodles: @antuken mare, kung sa pagiging sweet wala akong maituturo kay pare. sa pagiging yak-man, nakupo may PhD ako jan. :mrgreen:

7 05 2008
gasti

yan ang mga tinatawag nating damoves! naks! ibang klase ka bumati ng haberdey paniguradong kilig to the bones na naman si misis nyan..hehe! and they lived happily ever after…amen!

happy birthday ms bebenibadoodles!

badoodles: @gasti hindi nga kinilig eh. sinampal ako pag-uwi. bakit ko daw siya pinaiyak sa post ko. haynaku.

7 05 2008
maylette

ang sweet naman! Happy Birthday sa Bebe mo. 🙂

badoodles: @maylette thanks. [ako na nakiki-thanks eh, hehe, kapalko] yaan mo makakarating.

7 05 2008
bebenibadoodles

Thanks for the greetings bebeko and for giving me back my ring. I think that deserves another story that needs to be told.

I am supposed to be happy because of this, but i don’t understand why it brought me to tears.

Thank you for everything. I love you and i always will!

badoodles: @bebeKo hu u ba? hehe. biro lang po. kung meron mang deserving na mahalin ako ng higit sa sarili ko, ikaw lang un. ikaw ang pinakadabest na regalong natanggap ko galing kay Lord. sabi ko sa kanya noon, bigyan nya ako lang ako ng seksing tsiks magiging good boy nako. hindi lang seksi binigay Nya, anghel pa. [sus! bola].

7 05 2008
Shayleigh

Happy Birthday Mrs. Badoodles!!!

Waaah… ang sweet naman ng post na ito. 😀

Mrs. Badoodles, tears of joy yan… heehehe!!!

badoodles: @shay mrs badoodles, tears of joy yan.. wala lang, gusto ko lang ulitin. hehe. at isa pang hehe. teka bakit tears of joy? sino si joy? hindi ba dapat tears of mrs badoodles? hehe. [siraulo mode]

7 05 2008
shao

<>

bakit ka naman napapailing? maswerte pa ren naman si BeBeMo, san pa siya makakakita ng macho simpatiko mr. swabe at part time superman na katulad moh manong badoodles, wala na di ba?hehe

haayz sa wakas nag-update ka din..tagal mo kasing nawala ehh..

badoodles: @shao yan naman eh. salamat sa pagbi-build up sakin ah. sana maniwala na si bebeKo sau.

pero seryoso, marami ang tulad naming ‘hard to handle’. pag pinipigil lalong kumakawala. kailangan sa min, haba ng pasensiya kung hindi naman e mahabang latigo. 😉

7 05 2008
rofel

to mrs. badoodles:
H A P P Y B I R T H D A Y ! ! !

sweetness naman!!! “with matching kilig-kilig epek”
bossing badudz you’re one lucky guy
-cheers

badoodles: @rofel ang masasabi ko lang sau ay isang malaking tenks. at isa pa. at isa pa.

7 05 2008
buffalo soldier kadeteng kalabaw

nahuli ako bok..pero habol pa din..
happy 29th bertdey po mrs badoodles. sana matupad lahat ng wish mo/ninyo. alam ko naman ang bertdey wish mo ngayon eh. at kung sakali man matupad, ninong ako ha.

bok, samin na lang nina maldito at jeck ang hatak mo sa bebot. di mo na kelangan yan, may bebe ka na eh. goodluck sa babymaking. ninong pa rin ako. 😆

badoodles: @bok lagi ka namang nahuhuli. wala ka bok, panis ka. hehe. biro lang bok. magdilang angel ka sana sa hiling ko. at pag natupad un bilang ganti, ako na mismo mag-uutos kay ironman na ubusin ang mga abu sayyaf. para wala nang insurgency. pero wala ka na ding trabaho. hehe. sige na nga, wag na lang. kelan nga pala balik mo sa buhay barracks?

7 05 2008
byter da tambay

idol kita talaga at idol ko rin si bebe mo as in….

hapi bertday sa bebe mo ng malakas at mahaba ang pasensya. ma-take ka nya? that was incredible, totally incredible…

badoodles: @byter kaya nga, pag pinapatugtog ung kanta ni sheryl crow na ‘first cut is the deepest’, tapos umariba ung lyrics na ‘loving you is a crime’. putek, sapul dun. kala mo tinamaan ako ng shrapnel

7 05 2008
beero

huwaw! kilig to da bones naman palaga talaga ang lab story nyo ng bebe mo. against all odds, kumbaga. LOL.

hapi bertdey nga pala mrs. badoodles! wish ko lang na sana eh tigilan na ni kua bosing ang pangangaliwa at ikaw na lang ang sabihan nya ng makabagbag-damadaming na linya: (if loving you with all my heart is a crime, then i’m guilty) hehe.

DJ ka pala dati kuya. naks! idol talaga kita. hehe. gusto ko rin kasing maging DJ dati 😆

badoodles: @beero walang pera sa pagdi-dj. saka trabaho ng siraulo yon. sinong matinong tao ang humalakhak sa harap ng mic, sa loob ng booth, tapos siya lang mag-isa? san ka pa. at kelangan ko pang makipagbolahan sa mga katulong na nakikinig para dalhan ako ng pandesal sa umaga. 😆

7 05 2008
issapotching

ay ang swet! heheheh…CLASSIC talaga yun linya nya nung nakipag away sya huh! magamit nga kapag may mga japokz na nagkalat sa paligid ng asawa ko wahahahahahah

badoodles: @issapotching oo tapang tapang epeks lang yon ni bebeKo. pero sa loob loob, nanginginig pati intestines nya. baka bigla siyang kagatin ni hitad .

7 05 2008
kulot

nyahahahaha! sakit ng tyan ko hanggang matapos ko bsahin tong post mo, grabe ang sweet mo

badoodles: @pre yan ang diskarte – tuguegarao style.

7 05 2008
popoy

kuya badoods. sobrang saya naman nitong entry mo.

labs na labs mo talaga si bebe mo ha.

ingatan lang ang relasyon.

wag nang hayaang may lumabitin sa mga baraso mong ibang babae.

🙂

Hapi bertdey sa iyong minamahal!!! 🙂

badoodles: @popoy labs na labs ko talaga yang si bebeKo. da wan. da onli.

7 05 2008
Lyzius

happy birthday mrs badoodles… classic nga mga linya mo…huwaw

badoodles: @lyzius walang kupas. dapat ganyan magmahal mga babae, handang makipagsabunutan, tanggalan ng ilong, mata at mangbuhol ng intestines. all in the name of love. 😆

7 05 2008
The Gasoline Dude

You’re both lucky to have each other. Sana magtagal pa ang relationship n’yo. Happy Birthday, Mrs. Badoodles. = D

badoodles: @gasolinedude sabi mo e. magkatampuhan man, wag mo lang pagbebentahan ng gasolina at baka sunugin ako ng buhay. 😆

7 05 2008
neens

so sweet naman!!!!! Nakakakilig….

happy bday mrs. badoodles!!!

badoodles: @neens sobrang sweet nga namin ayaw nakong tantanan ng mga langgam, bubuyog at mga langaw ngayon. pati sa opis sinusundan nako. 😉

7 05 2008
R.J.

galing mo talaga magkwento, nakakapagpa-straight ng pubic hair.

happy birthday kay esmi! =D

badoodles: @rj kakaibang description yan ah. kung totoo yan pre, malamang lahat ng kakwentuhan ko e tuwid na bulbol. nakwentuhan ka na, may libreng hair relax pa. hehe.

8 05 2008
ponchong

dj ka din sir? trabaho ko din yon dati. ano station ka? nasa Star FM ako dati. kaya nga di rin ako pinaniwalaan ng kamag-anak ng asawa ko dati kasi daw baka nadala lang si misis sa mabulaklakin kung pananalita. tsk..tsk..tsk..

sana mas lalo pa kayong sumaya ni mrs. badoods at sana me multiplication table na.

HAPI BEERDEY Mrs. Badoods!

badoodles: @geodric oo radyo bumuhay sakin nung college. tama un, laway lang puhunan natin jan. konting bola, may libreng almusal na. hehe. star fm? nanakit na ngala-ngala ko jan time kababasa ng love letter pag ‘its all for u in da evening’. galing din ako ng campus radio, rj fm, dwmx etc.

8 05 2008
yzahtot

hangsweet naman..grabe feel na feel ang love!goodluck pa poh sa inyo!

badoodles: @badgirl opo. sabi nga ni john lennon ay all we need is love. hindi ba si john lennon nagsabi non? baka si elvis presley. o kaya si maria makiling. ewan ko na.

8 05 2008
Ulan

hahaha. reminds me of the time when i was still in law school. hahaha.

badoodles: @ulan yes, law school. the best of the times. the worst of the times.

8 05 2008
shao

I MISS BADOODLES SOOOO MUCH!!!!!!!!

barney: i miss u, u miss me.. la la la

8 05 2008
silasmarner

So inspiring! It helps couple, on the brink of separation, to patch up things and start anew. Anyone can relate to this.

Carry on Mr. Badoodles!

Albeit late, HAPPY BIRTHDAY, Mrs. Badoodles.

badoodles: @silas tama ka. sa totoo lang, babae naman talaga ang naghe-handle ng relationship. pag sinabi ng babaeng, ‘ayoto na, suto na ato’, e wala ka nang magagawa. d end na ang lahat. swerte ko lang nakatagpo ako ng bebeKo na marunong magpasensiya, mag-hold on, at super sarap magmahal. oo, talagang masarap, lasang salad.

8 05 2008
earthlotus

huwaw! amkulet naman nun.

Ano bang nakita mo sa akin at nagawa mong talikuran ang buong mundo para makasama ako?

sana may masabihan din ako nito. galing galing. ^_^

badoodles: @earthlotus edited out na nga yan. heckshuli kausap ko ung likod ni bebeKo nung panahong yan, ‘likod kung nagawa mong talikuran ang mundo, kaya mo din bang harapin ito?’. hehe. dont wori bro, sooner or later darating din yan.

8 05 2008
coldman

Iba pala talagang magmahal si Pareng Badoodles! Happy Birthday kay Misis! Pakisabi namang mag pa cheesebuger naman siya! Burger! Burger! =)

badoodles: @anukayayun lately antakaw takaw maganang kumain si bebeKo. malamang pag nagpa-cheese burger siya sa inyo e baka ubusin din nya lahat. hehe.

8 05 2008
sugarushafterglow

alam mo, i like your love story. invited kayo ni wifey sa wedding ko. =) seryoso. ispeyshal guests kayo. handa kayo ng speech. hahaha. charoz.

palagay ko nga anak ako ni totoy kidlat kasi lagi akong updated sa mga pangyayari. =)

iwanan mo na kaya yung trabaho mo. magblog ka na lang ng magblog!

badoodles: @sugarush hwaw, special guest kamo. sige gusto ko yan, may attention deficit kasi ako. attend kami on da following conditions:
1. pwede kong isuot ung superman costume ko
2. naka-two piece si bebeKo
3. pwedeng akong kumanta ng april boy song sa wedding mo.

hehe. biro lang po. best wishes sa wedding [excited]. hala, lahat na ng tao sa pinas, nagsisipag-asawahan na. go! go!

8 05 2008
issapotching

@badoodles
hahaha..tapang-tapang effect, ganyan?? natry ko rin yan ganyang effect awa ni batman, natadyakan ako nun girl waaaaaaaa!!!

iniimagine ko, pag nagkaron na kayo ng Little Badoodles, malamang nuknukan ng kulit yun, lalagpasan ang level mo, hehe

badoodles: @issapotching dapat mas makulit pa din ako kay little badudz. kung mas makulit siya, ikakandado ko siya sa loob ng ref.

9 05 2008
supertomboy

sweet naman, namiss ko boypren ko, heheh. wag na wag lang mangyayari toh:

Sa law school dati, nahuli mong nakalambitin sa akin ‘yung mga bebot tapos sa harapan mo pa.

bilib ako sa bebe mo. siyempre pati sayo! tagal nakong reader eh, ngayon lang nagcomment. 🙂

badoodles: @supertomboy at bakit ngayon ka lang nag-comment? ha? [naningil daw?]. mabait nako ngayon. cross my heart. mamatay na lahat ng… ng… sino ba? sige, mamatay na lahat ng drug adik.

9 05 2008
arhey!

belated haberday po kay mrs. badoodles. matagal na akong nagbabasa kaso ngun lang ako napacomment dahil sa malupit na linyang yan ni bEbEmo! talagang ipaglalaban ka ng patayan! hahaha!

badoodles: @arhey hehe, dabest ang mga babaeng ganun. hindi naman sa malayo ang ratio ng dami ng babae sa lalaki kaya sila makikipagpatayan pero ung puntong kaya nilang mag-take ng extra mile para ipamukha sa yo na ‘sana naman worth it ka nga’. guilt-ridden tuloy ako. kaya naman, magpakabait na tayo!!!hehe.

9 05 2008
xG

talagang nabanggit pa
yung tungkol sa likod ko?
hahahaha

di ka makarekober?
hahaha

ISA LANG KASAMA KONG LALAKE
paano ako naging playgirl?
hahaha

belated happy birthday
mrs bebeni badoodles
🙂

badoodles: @xG anong isang lalaki lang? meron pa kayang isang kalbo dun sa tabi nyo. hehe. salamat sa pagpapakita ng iyong likod. ano ba talaga yan installment? sana next time na installment, ung screenshot ng leeg mo naman, butlig sa paa o ung buhok sa pilikmata. exciting na subaybayan.

9 05 2008
tannix

Hayup, ang sweet naman. Makikibati na din ako kay Misis Bebe ni Badoodles. Nawa’y mabiyayaan pa kayo ng isang maligaya at makabuluhang pagsasama at wala nang magtatatarzan pang babae diyan.

Best blessings to come!

badoodles: @tannix wala nang magtatarzan. pramis ko kay bebeKo one love in a lifetime. pwede lang silang umaligid-aligid, tumingin tingin, pero bawal nang kagatin.

9 05 2008
brokenman

happy birthday kay misis. more birthdays and more blessings to come. God bless sa inyong dalawa. thanks for this post dude 🙂

badoodles: @brokenman mukang anlalim ng pinaghuhugutan ng tenk yung yan ah. no probs dude. we’re lucky to have wonderful women in our lives.

9 05 2008
aKDa

waw sweet! ^_^

be proud at sa iyo siya pinaubaya…

haburdey sa kanya..!

badoodles: @akda rightly said. rightly said indeed.

9 05 2008
McRey

Hay naku, dapat bang pagdudahan ang past life ni Bebemo? Hahaha…

Ang sweet…

totoo pala talaga na mahilig pagtsimisan at gawan ng kwento ang mag-asawa, hindi lang pala sa shobiz yun nangyayari…

pero always remember na lang na: When the tough gets going, the going gets tough….

badoodles: @mcrey oo bro, malakas talaga ang kutob kong taga-payatas si bebeKo nung past life niya. biruin mo kahit magdamag siyang nakasubsob sa kilikili ko waepeks lang, mahimbing pa din matulog.

10 05 2008
joice

happy birthday kay bebemo…

that;s all. hehehe. 🙂

badoodles: @joice long time no hear. yaan mo sabihin ko sa kanya.

10 05 2008
prinsesa000

ang sweet sweet sweet naman nito!
grabeh.. ang swet mo talaga!
isa pa ! ang sweet…. hhahaha
di ako makaahon sa kasweetan mo!
lunod na lunod ako….

happy birthday sa iyong bebe!

asukal: oo sweet talaga ako. wala na akong magagawa. yan na ang tinadhana sa akin ng kalikasan. 😉

12 05 2008
beero

kaya nga na-discourage ako eh. sabi din kasi ng prof ko dati nun na DJ din, di daw ako aasenso sa pagdi-DJ. hehe. pero na-ebjoy ko din naman yung isang buwan kong pag-intern sa FM station. masayang makipagbolahan sa callers. hehe.

badoodles: @beero kaya pala may dj ka sa pangalan mo. hehe. oo, trabahong binata ang pagiging dj. pero once mag-settle down ka na at magsimulang dumami ang bills sa bahay, kelangan mo na ng iba pang raket tulad ng sa construction, pagbebenta ng katawan o kaya shoplifting. hehe. biro lang. pero enjoy talaga magtrabaho sa ganyang environment.

12 05 2008
dubaikerida

nakanam!!!! hanggang sa comment section talaga nag lalabing labing at lambutsing!!!!!

badoodles: @dubai oo, adik kasi kami sa isat isa

12 05 2008
phot

sheet.. you are so sweet..:))
happy bday.. pakisabi nlang po.. hehe..
Godbless!

badoodles: @phot sweet ba talaga ako? tinikman ko kasi ung pawis ko kanina. hindi naman. ganun pa din maalat-alat. hehe. tnx phot.

13 05 2008
Jessica

ang sweet mo:D nakakakilig, hehe…:D

badoodles: @jessica chweet lang, chili + sweet.

13 05 2008
sugarushafterglow

binabawi ko na. si bebemo na lang invited at least hindi nakakahiya sa mga bisita kase sa beach naman ung wedding ko. taong bahay ka na lang. hahaha.

di bale po matagal pa yun. mga 3-5 years pa (hopefully). kase wala namn akong potential groom e! SSB/NBSB ako (cringe!). eeeww.

badoodles: @sugarush madaya ka. hindi mo na pwedeng bawiin imbitasyon mo. touch move na un. sige na, binbawi ko na pagsusuot ng costume ni superman sa kasal mo. pero ung pagbirit ko ng mga kanta ni april boys pang wedding song pwede? hehe

13 05 2008
marian

aaawww you’re so sweet kuya badoods… =)

sweet with a twist kc funny parin ang dating.. hehehehe

badoodles: @marian kulang ung adjectives mo para sakin, dagdagan natin – funny, sweet saka artistahin. hahaha.

13 05 2008
ian

buhay nga naman ano… isang babae lang kasagutan sa lahat ng hinahanap natin. isang babaeng magmamahal at mamahalin ka!

badoodles: @ian isang babae din ang kasagutan sa pagbagsak ni samson, ni marcos, at ni pong pagong.

14 05 2008
butterfingers

belated hapi bday mrs. baduds (although sobrang late na)

naalala ko tuloy yung giep ko dahil sa blog mo na toh’ sir baduds, pamatay sa mga linya. sino ba namang babae ang hindi malalaglag ang panty pag ganyan (naks). sige ser, more power at sana naman eh dalas-dalasan mo pagbablog at ng marami kang mainspire na tao.

oo nga pala, first comment ko kasi toh’ eh. based on your past blogs, pakiramdam ko same company natin (take note same bldg lang tayo).

badoodles: @butterfinger at sa tingin ko ginagamit mo ang private netwrok ng project nyo kaya nakakasilip ka sa blog na to. [answerte mo, ako hinde]. malamang pareho ang kumpanya natin, baka nakakasabay pa tayo sa evelator o pag yosibreyk sa likod ng mse pag hapon.

15 05 2008
arhey!

“badoodles: @arhey hehe, dabest ang mga babaeng ganun. hindi naman sa malayo ang ratio ng dami ng babae sa lalaki kaya sila makikipagpatayan pero ung puntong kaya nilang mag-take ng extra mile para ipamukha sa yo na ’sana naman worth it ka nga’. guilt-ridden tuloy ako. kaya naman, magpakabait na tayo!!!hehe.”

@ badoodles…

true ture.. bihira ang mga babaeng ganyan. kaya mahirap na magloko.. nyehehe.

badoodles: @jeth kaya nga pare ko. mapapatingin pa lang ako sa ibang tsik na nakakasalubong, tinatalakan nako ng konsensiya ko. kaya hindi na talaga pwede.

15 05 2008
iam way

pare ang korny mo na ah…. pero kahit hate ko korny di ko na pigilan basahin mula umpisa hanggang huli at tumawa…. ang malas nanaman ng misis mo sayo pero ang swerte nia sayo ah… ikaw naman ang swerte mo sa misis mo biruin mo natagalan ka nia hehehe………

Babae, andami namang bayag diyan sa paligid, hindi ka ba makahanap at kailangan mong makipagsiksikan

hindi talaga kalimot limot

badoodles: @iam way pagbigyan mo nako. paminsan minsan lang naman akong magpakakorni at magpatugtog ng april boys.

15 05 2008
beero

tama ka kuya bosing. kaya may DJ sa email add ko dahil gusto kong maging DJ dati. first year college pa ko nun. ala pa akong ibang maisip na magiging career. LOL.

badoodles: @djmark pagdi-dj ang bumuhay sakin ng college malaki utang na loob ko dyan. dinaan ko lang sa lakas ng loob, prayers at kapal ng mukha. nag-apply ako noon kasabayan ko pa gradweyts na tapos ako dala dala ko transcript na made in recto. tapos ako pa natanggap. haha. ironies of life. sa buhay dapat laging wais kung hindi ikaw ang mawawaisan.

16 05 2008
madbong23

hey bro, pakibati na rin si esmi mo ng hapi bersday mula sakin

badoodles: @madbong bro nakarating na ang iyong pagbati. sabi ni misis, sana sinamahan mo na din ng collector’s item na mga rc cars. haha! [ngiting aso] oo sabi nya un pramis. haha!

17 05 2008
emoterang nurse

alam kong late na ang bati ko pero babati pa din ako ng happy bday kay bebe mo…
ang sweeeet naman ng posts na ito kaya naman hindi ko maiwasan ang hindi magcomment…hehehe….

http://shamainereyes.blogspot.com
http://kwentongbabae.blogspot.com

badoodles: @emoterang nurse tsismis sa tabloid may sakit ka daw? trangkaso? ingats. pagaling. word of wisdom: sinong mag-aalaga kung maysakit ang tagapag alaga?

21 05 2008
didee

awwwwww…. so sweet nman …

Haberdey po sa lalabs nyo (belayted)

badoodles: @didee travelling around da world ka ah. happi trips din sau.

23 05 2008
emoterang nurse

tsismis sa tabloid?? ang mga paparazzi talga ayaw akong tigilan…hahaha…
im okay na…gumawa nga ako ng post para dyan…kaso di ko pa tapos… entitled sino na ang mag aalaga kay emoterang nurse?wahaha…

badoodles: @emoterang nurse sige mabasa nga pag tapos mo na. iniisip ko, parang kayo na lang ng kayo ang concerned sa pag-aalaga sa pasyente. kelan ba ung pagkakataong kami naman ang naging concerned sa inyo? parang ganun.

13 06 2008
cruisin 4 bruisin

[…] upon this blog a few weeks ago. I adore his humor! The love letter he wrote to his wife was both sweet and hilarious. But boy, does this person love his job (and you […]

14 06 2008
aleihs

ang swit nmn ni miser!!

kinikilig aq hbng bnbsa q blog mo..

ang twit twit tlga na kengkoy..

san kea aq makakahanap ng k2lad ni mr. badoodloes??

meron aq frend lyk u, kea lng napapagod naq sknya.

pro feeling q love q pa din xa after all..

nweiz, mbalik tau sau.. haha..

swerte tlga n misis!!

cgro mkha xang 16 kc sbrang tawa xa pag ksama ka..

kip ur relationship great!! =)

19 06 2008
popoymura

Galing modernong makata Sir Badoodles…ang sweet….kung ako sinulatan ng ganyan di ko alam kung matutuwa ako o maiinis…pero pag nabasa ang kabuuan…maiiiyak ka. hindi dalil sa ka sweetan kundi dahil isinambulat sa internet ang mga sikreto ko! hahahaha! Joke..

Pero ang sweet talaga!

1 07 2008
kapihangjejune

wow this is so sweet. keep the flame of love burning! =)

3 07 2008
sandra

hi!! may prob aq..pwede ny0 poh bah aqng tulongan???sino si maria makiling???

badoodles: @sandra hindi mo kilala si maria makiling? huwat? subject kaya un si grade wan. si maria makiling, siya ‘yung mahilig gumiling na siyota ni jose rizal. ok? walang problema, tenkyu din.

3 07 2008
sandra

hi add meh pinkgirl_0523@yahoo.com hmmm aside pa sa google pwa maka search aq..sa mga something???pwa mka reaserch po aq san pa pwede puntahan???,,,,,,,,,,,,h3lpm m3h!!!!

badoodles: @sandra mahina ako sa math. hindi ko alam pano kita ia-add. magmultiply ng tao alam ko. :mrgreen:

kung ang nireresearch mo tungkol sa pinas – punta ka ng wikipilipinas, all the rest, sagot ka ng google.

8 09 2008
shas

putangena NAKAKAKILIG!

12 09 2008
-bernie-

new lng po ako d2..ang lupet mo talga badoodles idol mo ko este idol pla kita..hehe

5 10 2008
bestfriendniBEST

isa lang akong ordinaryong mamamayan na naghahanap ng lyrics ng isang kantang narinig sa radyo.
pero eto ako ngayon, at nacocomment sa lumang blog entry ng isang badoodles nang lumabas sa google ang kanyang site na kuwentongbarbero.

lupet naman nitong post na ito!
nakakakilig.
seryosow, pare.

*bow*

2 03 2009
simplicityisbeauty

ang sweet mo naman..hahahaha..

20 09 2009
xO_xO

.hayyyyyYYYYYYYYYYyyyyyyyyyyyyyy…!
ganYaN bUh tlga pag n’laB.??

chEezY nU.!
hihhihhi..
nOw q pa lAnG naBasa anG BLoG natO.!
And i lab iT na!
hihihi
gODspeEd!
🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: