Questions of Faith

16 05 2008

Dear Papa Jesus,  Baka po napapakunot na naman ang noo niyo pag nagpaparamdam ako.  Sabihin niyo, ‘Nakupo, andito na naman ang salbaheng batang ‘to.  Ano na naman ba kailangan mo?’  Pasensiya na po, alam kong nakukulili na kayo sa akin pero may mga tanong lang akong naghahanap ng kasagutan. 

 

Pano po ba kung dalawang koponan ng basketbol ang nagdarasal sa inyo para manalo, tulad ng taunang banggaan ng Ateneo vs Dela Salle, sino bang pinapanigan mo?  ‘Yun bang nagsa-sign of the cross muna, o yung pinakaelitistang napapa-umaygad? Omigawd.  Omaygad.  Akseptabol ba sa ‘yo ang OMG?  Opo, parang txt na nga mag-usap mga tao ngayon, paiklian.  Meron nga akong bagong salitang ibibida sa inyo ngayon heto.  LOL. Labyu O Lord.  Kala mo ha.  Hehe.

 

Tingin ko lang, parang masyadong one-way communication ‘yung dasal.  ‘Yung nagdarasal lang ang panay ang daldal.  Wala po ba kayong balak na gawan ng pagbabago ‘yung sistema.  Halimbawa, nagdasal ako ngayong umaga, mamyang hapon ay may sagot na kung pwede ba o hindi pwede.  Pwedeng daanin sa mga signs ang sagot.  Pag oo, pwedeng patamaan ng kidlat ang kausap ko, pag hindi naman, pwedeng mahulugan ng bilboard sa EDSA ang boss ko.  Mga ganung signs.  Mas okey sana ‘yung malalaman mo na ‘yung sagot kung may tsansa ba o wala kaysa nakabitin sa hangin.  Tingin ko tuloy, parang sugal ang pagdarasal, hindi mo alam kung matutupad ang mga minimithi mo o hindi. Pano kung ang isang babae nagdasal na gustong magkaanak.  Mahirap kasing paghintayin mo pa ng tatlumpung taon tapos ang sagot pala ay hindi.  Mas mainam sana kung may sagot ka nang ‘Anak, hindi ka pwedeng mabuntis.  Sori, pero hindi talaga nakakabuntis ang kandila’.  Mas mainam na nagkakaintindihan.

 

Ang hina ko nga sa inyo.  Alala niyo pa po ba ‘yung dasal ko noon?  Sabi ko, pag hindi mo ko ginawang lawyer, magiging hubadero na lang ako sa isang strip club o kaya miyembro ng budol-budol gang.  Alam mo namang sa pagiging liar lang ako magaling.  Syempre di ka man lang natinag.   Kung abugado na sana ako ngayon, e di marami na sana akong mahihirap na natutulungan.  Siyempre, konting pakonsuwelo na din na meron akong dalawang Jaguar o Chrysler na tsikot.  Saka malaking bahay.  Saka rancho.  Etc.

 

Saan po ba kayo naggi-gym noong panahon nyo?  Ako, kahit siguro lifetime akong mag-gym hindi ako magkakaroon ng ganyang abs.  Nakakainggit kasi ‘yung abs niyo, six packs, borderline 8 packs pa nga.  Yan po ba ‘yung tinatawag na karpintero exercise.  Pero buti na lang fitness buff kayo kasi pano na lang kung butchog kayo tapos nakapako kayo ng paganyan sa krus, parang comedy tignan.  Di ko yata kayang magdasal ng masinsinan sa inyo kung ganun.    

 

Sobrang commercialized na po ang mundo.  Pansin niyo po ba?  Kabi-kabilaan ang sandamakmak na billboards at commecial ads.  Ibang iba nung kapanahunan mo.  Baka nga magulat ka pagbalik mo dito sa mundo alukin ka ng endorsements ng kung anu-anong produkto.  ‘Ang pagbabalik ni Jesus Christ ay hatid sa inyo ng Mabuhay Miles!  Sayang ang miles’.  Walang kawala pati ang mahaba mong buhok, ‘Ang long curly black hair ni Jesus Christ ay hatid sa inyo ng Sunsilk Shampoo.  Because life can’t wait’.   Ganun na nga po.

 

Bakit po ba matalim tumingin si Pope Benedict?  Magkamag-anak po ba si Uncle Fester ng Addams Family at si Pope Benedict?  May similarities kasi sila.  Galit ba siya palagi o nangtataboy lang siya ng mga bad spirits?  Siguro hindi pa lang po ako sanay kasi mula’t sapul si Pope John Paul na ang nakagisnan kong Pope.  Pero okey na din ‘yun kasi mas matatas naman managalog si Pope Benedict pag Angelus sa Roma kesa kay Pope John Paul.

 

Sana masanay na po kayo sa kakulitan ko.  Di bale, di na ako mangungulit palagi.   Musta nga pala tatay ko diyan sa langit?  Nakapasok din po ba siya diyan?  Pakituruan na lang po ng leksiyon baka minsan nakikipag-kerengkengan na sa mga anghel.  Di ba niya alam na walang pekpek ang mga anghel.  Baka magselos Mommy ko.  Saka pakibantay na din po.  Mahilig ang tatay ko sa pritong manok at tinola.  Baka mapagtripan niya ‘yung manok ni San Pedro e di lagot.  Sige po, sabi nga naming mga super totful na Pinoys, Ingats!

 

 

 

Advertisements

Mga Tugon

Information

44 responses

16 05 2008
sugarushafterglow

“Tingin ko lang, parang masyadong one-way communication ‘yung dasal. ‘Yung nagdarasal lang ang panay ang daldal. ”

“Pano kung ang isang babae nagdasal na gustong magkaanak. Mahirap kasing paghintayin mo pa ng tatlumpung taon tapos ang sagot pala ay hindi. Mas mainam sana kung may sagot ka nang ‘Anak, hindi ka pwedeng mabuntis. Sori, pero hindi talaga nakakabuntis ang kandila’. ”

Oo nga.

badoodles: @sugarush i second da motion

16 05 2008
GODDESS

hagalpak ako ng tawa dito! hahahaa! nice one!

badoodles: @goddess pampatanggal stress para sa iyong makabagbag damdaming whirlwind romance kay mr who.

17 05 2008
trish

LOL! labyu o Lord din. haha

badoodles: @trish LOL ka din. haha

17 05 2008
libay

sobrang nakakatuwa ka talagang sumulat. sa malamang tawa din tawa si Papa Jesus sa iyo. he he he

badoodles: @libay sana pag mapangiti ko si papi J kahit konti e bawasan nya din kahit konti ung mga kasalanan ko. hehe.

17 05 2008
The Gasoline Dude

Ako din gusto ko maging hubadero. Parang mas malaki ang kita. Hahaha! = P

badoodles: @gasolinedude sige magpraktis na tayo ng mga hagibis intermission number. 5,6,7,8 ‘wan-kata, wan-kata, wan-kata, ooooo wan-kata’. next step.

17 05 2008
xienahgirl

kasi ganito yun
ang sabi sa akin ni papa jesus
hindi daw sila sumasagot ni god ng
NO
sa mga prayers
ang sinasabi lang nila
NOT NOW
mga tipong kalokohan ba nila
hahaha

joke lang po papa jesus
🙂

sana wag muna bumalik si papa jesus
ok naman muna siya dun sa heaven
kahit mga neks layp taym ko na lang siya makita
🙂

pero siguro
hindi naman talaga
sa padamihan ng sayn op d kros yun
kung sino yung pakikinggan ni papa jesus
sa palagay ko
kung sino talaga
yung may matinding faith
yung pinapanigan
ng mga kerengkeng angels
🙂

kung sino man si faith
hindi ko siya kilala
hahaha

badoodles: @xG hahahaha! tawagin daw kerengkeng angels.

si faith di mo kilala? siya ang panganay na kapatid ni hope na pinsang buo ni love na apo sa tuhod ni joy. un un. hehe

17 05 2008
shao

Labyu Oh Lord…ayan may bago ng meaning ang LOL..hehe

“Pero buti na lang fitness buff kayo kasi pano na lang kung butchog kayo tapos nakapako kayo ng paganyan sa krus, parang comedy tingnan. Di ko yata kayang magdasal ng masinsinan sa inyo kung ganun”.

hahaha, natawa ko dito..kulet talaga ng imahinasyon mu manong..para ka na reng nagdasal kay Buddha na nasa krus kung ganun kalaki ang tummy ni Papa Jesus kahit ako di ren ako makakapag-focus magdasal nun..

badoodles: @shao pasalamat tayo hindi sintabatsoy ni buddha si papi jesus kundi isang comedy ang relihiyon natin.

17 05 2008
Jex

wala kang kupas. andami mo pa ring tanong. haha. teka, gusto mo rin ng jaguar at chrysler? pasakay na lang ako pag marami ka nang nakolekta ha? haha. pa-update na rin po ng link,dod baduds. hehe. salamats. ingats

badoodles: @jex sige, pag nagasgasan lang ng konti ung mga kotse ko, ipamimigay ko na sau.

17 05 2008
Jex

naiwan ang link. bopols talaga ako. haha. – http://iheartmamon.wordpress.com/

badoodles: @jex ok na. napalitan ko na. kinain lang ng akismet. nasarapan sa mamon. hehe.

17 05 2008
joice

LOL. Labyu O Lord. 🙂

kaya wag ka na magtanong, labs labs na lang natin si Lord. hehe

badoodles: @joice sabi mo nga. hehe. basta dapat ako ang pinakapeyborit nya [nagdamot? hehe]

17 05 2008
silasmarner

AMEN…!

badoodles: @silas amen!

17 05 2008
Lyzius

yordamen talaga na kailyan! ahihihi…

badoodles: @lyzius ney, amum gayam ag-ilocano? yordawomen ngarud kailyan. hehe.

17 05 2008
yzah

haha ito totoong lol 🙄 pa!

badoodles: @yzah hindi aman lol yan, rolling eyes yan. hehe. etong lol 😆

17 05 2008
MARU

“walang pekpek ang mga anghel” — hindiii! hindi ako naniniwalang walang pekpek ang mga anghel!!! inpak, para sa kaalaman mo… MALALAKI ang pekpek nila! Mapuputi at mabalahibo! kaya nga sila nakakalipad dahil sa pekpek nila. Ako, pangarap ko maging anghel para magkaroon din ako ng malaki, maputi, mabalahibong pekpek at para makapag fly-fly ako.

badoodles: @maru tigas mo din. antagal mo akong natiis. nagawa mo sakin yown? hehe. sige, sana maging anghel ka para magkaroon ka ng mabalahibong… tut-toot [hehe, subukan ko lang magpakakonserbatibo]

17 05 2008
Lenggai

ayos yung lol mo manong badz!!!

sang-ayon ako sayo… sana nga me mga konkretong signos si papa jesus ano?

badoodles: @lenggai mare, oo nga. para hindi na mauso ang kasabihang ‘life is full of surprises’ saka ‘life is like a box of chocolate you dont know know wachuganaget’. mga ganun.

18 05 2008
kadeteng kyut

nkiusap ka rin pala kay papa jesus..ako din nakiusap din sa kanya..di mo pa rin tinatanong kung bakit di pede maging sing tigas ng bato ang betlogs natin, para kahit sipain eh keri lang.

badoodles: @bok daming makakapasok sa military kung gagawing sintigas ng asero ang betlogs. concerned din si papi j sa excessive influx sa military at consequence nun sa ibang career. ganun daw un. binulong lang sakin ni papi jesus kanina.

bok mukang magiging magkumpare na tayo. 5 weeks ng buntis si misis.

19 05 2008
rofel

sabi sa book na nabasa ko…
“opportunity” ung binibigay ni God sa atin.
na sa atin n lng yan kung magiging “YES” ang kalalabasan.
prang nililigawan mu lng, d agad sasagot , pakipot muna. mararamdaman mu n lng.
-cheers!

badoodles: @hindi nga? talaga? pramis?

19 05 2008
gasti

paniguradong patok na product endorser si papa jesus dahil ang hindi tumangkilik nun hindi makakarating sa langit..ahehe! husay talaga ng mga ideas mo pards..anlupet!

at yung mga babae naman kasi bakit kelangan pa gumamit ng kandila eh marami namang lalaki dyan..hindi pa nagpapabayad.

sana mahanap mo na rin mga kasagutan sa tanong mo. ang hirap talaga umasa minsan. antagal ng reply pero wag ka magsasawa. darating din yan.

badoodles: @gasti buksan ang kakulitan ng imahinasyon. hehe.

19 05 2008
antuken

wait lang ha… sabi mo pag hindi ka ginawang lawyer, magiging hubadero ka or miyembro ng budol-budol gang… eh hindi ka pa lawyer di ba? ibig sabihin hubadero ka na sa isang strip club? saan???!!!??? hehehe… naco, wish ko lang hindi ka miyembro ng budol budol gang… alam mo bang sobrang anti-social ko na ngayon (minsan to the point of rudeness), sa takot sa budol budol na yan? don’t talk to strangers daw kse di ba?

badoodles: @mareng antuken hahaha! alam kasi ni papi jesus na namba-bluff lang ako kaya hindi ako pinansin.

ganun? naririnig ko lang ang budol budol na yan, hindi ko pa alam ng masinsinan ang kanilang modus operandi. kala ko kasi tinatawag nila ako – badudol badudol. haha.

19 05 2008
issapotching

natawa naman ako sa 6-packs ni papa J, oo nga naman noh? i mean come to think of it, kung botchong yun nakapako sa krus, e di sana acceptable sa lipunan ang mga lalaking malaki pa tyan kesa sa asawa nilang buntis?! ibig sabihin way, way, as in long long long way back, e conscious na mga tao sa kanilang figure? hmmm..sabagay even Mama Mary, parang she’s so maganda noh? eh pano kung yun nakagisnan nating birhen ehhhh negrita, so siguro acceptable na rin ang mga nognog na babae di ba? hmmmm

badoodles: @issapotching hayan, nagkakaroon tuloy tayo ng masusing kamalayan. asus, hehe.

19 05 2008
JP

maghunos dili ka badoodles… malapit nang magunaw ang mundo.
malapit nang matunaw ang mga yelo (kahit wala tayo nito)
dahil sa global warming.
maghunos dili ka. haha.

badoodles: @jp nagtatanong lang. baka sakaling makalusot.

20 05 2008
camilleeee

sana wag matutunan ni papa jesus ang sumagot ng … ” HU u?! ” sa twing mgpparamdam tayo sa knya. hirap nmn ata nun. suplado ata ng dating. at kung ganun man eh di nde na din mauuso yung ‘sabi-sabi’ nila na kung kelan daw tayo may kailangan hingin kay papa jesus eh saka lang daw natin sya maaalala. hehe.

basta ako LOL pa din! 😀

(yey, nakapgcomment din ako. hehe)

badoodles: @camilleeee yey! nakapagcomment ka din. teka, meron bang pumipigil saung mag-comment. sino un at titinidorin ko ang mata.

20 05 2008
eyna

bagong dalaw po!!! 🙂
***
ay alam ko kung bakit walang peks ang mga anghel… 😉

badoodles: @eyna bakit walang peks ang anghel?

20 05 2008
Maldito

anobeh!pati commmercial eh tatalunin ni Papa Jesas si angel locsin?tapos kukunin pa ang mga angels para sa mulawin part 2? Meron din daw naman mga signs si Lord eh.kung marunong ka lang maghanap ng signs. Kaya nga nababaliw ang ibang tao sa kakahanap ng signs….ahehehhe..basta saken, malalaki ang pekpek ng mga angel.

badoodles: @maldito kelangan ko munang aralin pano magbasa ng signs. pano nga ba? meron bang book of signs? .

20 05 2008
kulot

OMG

badoodles: @kulot OMGALFJHUIAHDAJWAFLEJAFLSAFJD sige nga, basahin mo yan kung magaling ka. hehe

20 05 2008
popoy

waaaahhh. ang galing nakakausap mo ng ganyan si Papa Jesus. 🙂

badoodles: @popoy oo habang nagkukutkot ako ng butong pakwan at mani na pulutan at tumatagay si papi jesus ng wine. [ayaw nya ng Red Horse…]

20 05 2008
beero

di ka talaga nauubusan ng hirit kay papa jesus. baka nakukulitan na yun sayo. hehe. pero wala naman siguro syang di ibibigay na hinihingi natin. we just have to patiently wait for things to happen. wag ka lang mainip kuya bosing! may oras para sa lahat ng bagay. ahehe!

badoodles: @beero magha-hiatus muna ako ng ilang months, sabay resbak ng mga inipong tanong at kakulitan.

pano ba magkaron ng patience? sabi ko kasi kay papi jesus, ‘bigyan mo na ako ng patience. now na!’ hehe. ayaw ba naman magbigay.

20 05 2008
Burniki

Halu! Salamat sa May Humor Blogger schiz, kinilig ang kuyukot ko 😀 Ingats!

badoodles: @burnickz kung anuman ang dahilan ng iyang pagha-hiatus, tandaan mo, babalik ka rin. taga mo yan sa bato. babalik ka! babalikan ka! epektib ba panghihypnosis ko? hindi? ok payn.

20 05 2008
cecille

sumakit tyan ko dito ah. hahaha. panalo ang ‘Ang pagbabalik ni Jesus Christ ay hatid sa inyo ng Mabuhay Miles! Sayang ang miles’. Walang kawala pati ang mahaba mong buhok, ‘Ang long curly black hair ni Jesus Christ ay hatid sa inyo ng Sunsilk Shampoo. Because life can’t wait’.

🙂

badoodles: @cecille basta alam ko seryoso akong nagtatanong kay papi jesus. [painosente kuno, hehe]

20 05 2008
Pryss

wow congratulations badoodles!!!!

sa wakas tagumpay na ang pagkakalat ng lahi!!!!

badoodles: @pryss salamatz ikaw ang unang nakaalam.

21 05 2008
echo

Pareng Badoodles, ang sarap basahin ng blog, parang roller coaster of emotions, pagkaraan kong tumawa, medyo maluluha naman ng bahagya kapag babasahin ang mga entry para kay bunso, sa mommy at sa daddy mo. Nakakarelate din kahit papaano, panganay ako, may bunsong kapatid na babae na nasa high school pa lang, at gaya mo, malayo na din ako sa pamilya ko dahil nasa ibang bansa na ako. Nagsisimula na din ako ng sarili kong pamilya, kasama ng baby ko, at sa Nov e lalabas ang aking munting anghel.

Un lang, at sana makapagcorrespond pa tayo, palitan ba ng mga kwentong siraulo. I’ll link your blog at sana madalaw mo din ang aking site.

Ingat at patuloy lang tayo sa pagiging totoo [subdialogue: siraulo pero productive members ng society]. Good luck!

P.S.: anong board name mo sa LS?

badoodles: @pareng echo. sige paguwi mo dito, sagot mo pulutan at inom, sagot ko naman ang kwentuhan. ayos ba? hehe salamat sa pagdaan. pasensiya na sa sobrang kupad na pagreply. congrats din sa nalalapit na pagdating ng munting anghel mo. galing natin!

22 05 2008
alex

love ka ni god!!!!

badoodles: @alex oo sabi nya ako lang daw ang love nya. kaw hinde [hehe nang-inggit daw?

22 05 2008
watusiboy

haha. marami palang ways ang pagsasabi ng omg. umaygahd. haha.
ako rin ay natataliman sa tingin ni pope. akala ko ayun ang dahilan kung bakit sya tinawag na God’s Rottweiler.

badoodles: @watusiboy oo marami yan. merong omg na pang-italian, pang-german, pang-katutubo etc. madami dami un..

ngayon ko lang nalaman na God’s rotweiller pala si pope benedict, salamat sa info. teka, aso si pope? parang hindi naman.

24 05 2008
koreanmine

kung pano mo naiisip ang mga pinagsususulat mo d2 sa blog mo, i wud never know.. ang kulet mo talaga, in a very kyut kinda way 😀 LOL 😆

badoodles: @koreanmine mali ‘pagkaka-wired’ ng utak ko kaya ganyan, kung anu-ano naiisip.

28 05 2008
neex

ganto pala mag pray ang isang kuya badoodles 🙂

badoodles: @neex ganyan ako mag-pray pag normal. iba pa kapag nakainom.

12 06 2008
Anonymous

Dear Papa Jesus, Baka po napapakunot na naman ang noo niyo pag nagpaparamdam ako. Sabihin niyo, ‘Nakupo, andito na naman ang salbaheng batang ‘to. Ano na naman ba kailangan mo?’ Pasensiya na po, alam kong nakukulili na kayo sa akin pero may mga tanong lang akong naghahanap ng kasagutan. <– alam mo sa tingin ko, God will never ever say to you na “Nakupo, andito na naman ang salbaheng batang ‘to. Ano na naman ba kailangan mo?” kasi He is just waiting for you to come to Him 🙂 God is always there to listen to us. Ang problem, ang mga tao ang walang oras para sa kanya. Kadalsan pa nga mga tao pa ang malakas manghingi ng blessings kay God, pero ang mga tao konting oras lang na maibibigay kay God hindi pa maibigay 🙂 ilang oras lang ang pagsisimba nakakatamaran pa 🙂 pero pag dating sa mga lakwatsa, hapi-hapi, merong mga oras. 🙂

badoodles: @anonymous ako wala akong oras sa hapi-hapi, malungkutin kasi akong tao

12 06 2008
Anonymous

Pano po ba kung dalawang koponan ng basketbol ang nagdarasal sa inyo para manalo, tulad ng taunang banggaan ng Ateneo vs Dela Salle, sino bang pinapanigan mo? ‘Yun bang nagsa-sign of the cross muna, o yung pinakaelitistang napapa-umaygad? Omigawd. Omaygad. Akseptabol ba sa ‘yo ang OMG? Opo, parang txt na nga mag-usap mga tao ngayon, paiklian. Meron nga akong bagong salitang ibibida sa inyo ngayon heto. LOL. Labyu O Lord. Kala mo ha. Hehe.

— God looks at the heart. Minsan kelangan nating i-check yung ating motibo pag meron tayong hinihingi kay God 🙂

badoodles: @anonymous pero tingin ko, kung sino lang ang talaga ang praktisado sa laro siya ang nananalo. tingin ko lang ha, pero di na nakikisawsaw si papi jesus sa mga healthy competitions.

12 06 2008
Anonymous

Tingin ko lang, parang masyadong one-way communication ‘yung dasal. ‘Yung nagdarasal lang ang panay ang daldal. Wala po ba kayong balak na gawan ng pagbabago ‘yung sistema. Halimbawa, nagdasal ako ngayong umaga, mamyang hapon ay may sagot na kung pwede ba o hindi pwede. Pwedeng daanin sa mga signs ang sagot. Pag oo, pwedeng patamaan ng kidlat ang kausap ko, pag hindi naman, pwedeng mahulugan ng bilboard sa EDSA ang boss ko. Mga ganung signs. Mas okey sana ‘yung malalaman mo na ‘yung sagot kung may tsansa ba o wala kaysa nakabitin sa hangin. Tingin ko tuloy, parang sugal ang pagdarasal, hindi mo alam kung matutupad ang mga minimithi mo o hindi. Pano kung ang isang babae nagdasal na gustong magkaanak. Mahirap kasing paghintayin mo pa ng tatlumpung taon tapos ang sagot pala ay hindi. Mas mainam sana kung may sagot ka nang ‘Anak, hindi ka pwedeng mabuntis. Sori, pero hindi talaga nakakabuntis ang kandila’. Mas mainam na nagkakaintindihan.

— Prayer is not a one way communication. Nakikipag usap ka kay God sa pamamagitan ng prayer. Sumasagot si God sa pamamagitan ng Bible or sa mga taong nakapaligid sa atin. Halimbawa, kausap mo ang kaibigan mo, nag sha-share sya ng problem nya sayo. Hindi naman pwedeng sabay kayong nag sasalita diba? 🙂 ang nangyayri, sya ang nag sasalita at ikaw nakikinig. At sa pag share nya ng problem nya, maaaring hindi ka agad nagbibigay ng advise kasi gusto mo munang pag isipan ang mga sasabihin mo sa kanya. Or maaaring sumagot ka na din agad. Same with God, pag nakikipag usap tayo sa kanya thru prayer. We need to listen, how? (by reading God’s word and asking for Godly advise sa ibang tao). Kasi si God merong 3 answers sa ating prayers – Yes, No and Wait 🙂

badoodles: @anonymous pwede bang wala na lang wait? yes and no na lang.

12 06 2008
Anonymous

Sobrang commercialized na po ang mundo. Pansin niyo po ba? Kabi-kabilaan ang sandamakmak na billboards at commecial ads. Ibang iba nung kapanahunan mo. Baka nga magulat ka pagbalik mo dito sa mundo alukin ka ng endorsements ng kung anu-anong produkto. ‘Ang pagbabalik ni Jesus Christ ay hatid sa inyo ng Mabuhay Miles! Sayang ang miles’. Walang kawala pati ang mahaba mong buhok, ‘Ang long curly black hair ni Jesus Christ ay hatid sa inyo ng Sunsilk Shampoo. Because life can’t wait’. Ganun na nga po.

— Pag bumalik na si God sa mundo, ito na yung final judgment I think. So wala ng time si God sa mga commercial or product offer 🙂 besides, He doesn’t need those. Remember, He created the earth 🙂

badoodles: @anonymous ikaw naman repapips masyado mo namang sineseryoso. syempre joke ko lang un, alangan naman mag eendorse si Jesus Christ ng mga produkto. kaya nga kwentong barbero

19 06 2008
Anonymous

— badoodles: @anonymous pwede bang wala na lang wait? yes and no na lang. <– kung pwedeng yes and no nalang nga sana eh. pero kaya may wait answer si God kc dun makikita kung gaano tayo ka pasensiyoso sa hinihingi natin, sa pinag darasal natin. sometimes kc may mga bagay bagay na hindi pa muna natin pwedeng makuha kc for some reasons like: hindi tayo ready, hindi para sa atin or God is working on our character. Basta always remember lang na God knows everything..kung ano ang makakabuti at makakasama satin, sya lang ang nakakakita at nakakaalam 🙂

19 06 2008
popoymura

maloko ah…tignan natin kung di ka batikusin ng mga religious na sekta o religious na bloggers. san damakmak na pagkokondema nag abot mu sa kanila….hahahaha….pero bilib ako sa pag iisip mu walang katulad…GALING

29 06 2008
b@kekang

badoodles ask q lng po..kc nmatay c papa jesus sa krus kaya pg nagppray tayo eh ng sasign of of the cross tayo dba? wat if nmatay c papa jesus through lethal injection or electric chair?papano kaya natin ccmulan ang prayers naten?..(sori papa jesus curious lng po hehehe)

badoodles: @bakekang no comment. baka sapakin ako ni jesus christ.

9 07 2008
bradkit

mga tol its my first tym sa blog na ganito in fact di ko alam to pero try ko lang din kung gagana,anyhow pasintabi lamang po sa mga di nakaka alam po di naman dapat natin ginagawang biro ang tungkol sa kay lord God jesus kc baka po ay tayuy gabaan at makalimutan ni lord na isa kau sa mga mahal nya.isa pa kung hihingi kau kay lord ng mga request kung sa palagay nyo ay di dumating antay antay lang.eccleciastes 3:1

bradkit

20 08 2008
karl

i’ve been trying to reconcile who Pope Benedict looks like… natumbok mo. haha. siya nga! si uncle fester nga! amen!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: