Daddylicious

22 05 2008

‘Miyawrrr! Be!!!!’.  Ginising ako ng isang mabigat na dagan sa butchog ko ng madaling araw.  Akala ko ‘yung pusa na naman, hahatawin ko na sana ng raketang dekuryente na pamatay namin ng langaw.  Kaboses ni BebeKo.  Pupungas pungas akong dumilat at pilit inaaninag sa dilim ang nakahambalang sa harapan ko.  Unti-unting nagkaporma ang kaninang hugis pusang nakadagan sa akin.  Si BebeKo nga, hawak ang isang strip ng papel na pinagmulan ng kanyang kakaibang kasiyahan.  Imposible namang na-promote si BebeKo kasi kung tungkol sa promotion ‘yun, dapat envelope ‘yun na punum puno ng milyones na kwarta. 

‘Tatay ka na!’

‘Ha?’

‘Hindi ka ba natutuwa?  Hindi ka ba tatalon sa tuwa?’.   Naghihintay si BebeKo ng gagawin ko.  Pero hindi ko pa maintindihan ang lahat.  Mabagal mag-reboot ang utak ko pag madaling araw.  Paano ako naging tatay nang dahil lang sa isang strip ng papel na amoy ihi? 

‘Ha?  Kailangan ko ba talagang…?’ Nagdadalawang isip akong tumalon.  Kung ikaw ba naman na tinatrangkaso at nagkumbulsiyon magdamag ay gigisingin ng madaling araw para patalunin, makakatalon ka kaya?

 

Sumimangot na si BebeKo kaya bigla kong binawi ang nasabi.  ‘Eto na po, tatalon na po’.    

 

Nag-umaga na at saka ko pa lang naintindihan ang lahat ng pangyayari.  Isang mayabang na ngiti ang binati ko kina kagawad, sa mga butihing kapitbahay at kay Haring Araw.  Sa wakas, nagbunga din ang pakikipaglabing-labing ni BebeKo sa kanyang labandero [Hehe, ako ‘yung labanderong ‘yun].  Certified na papabol na nga ako.  Papalicious na labandero.  At ngayon ko lang napagtanto ang kahulugan ng pangyayari ng mga nakaraang araw.

 

Nung isang linggo kasi pauwi na ‘ko nang mag-txt si misis nagpapabili ng spaghetti with meatballs saka chicken joy na DAPAT ay may extra gravy.  Meron naman si bayaw sa bahay pero ako daw DAPAT ang bumili. Pasarado na ang SM Munti pag-uwi ko, palabas na lahat ng mga saleslady matapos ang maghapong pagi-istapler ng kung anu-ano.  Tumingin ako sa paligid, naghahanap ng mapapasukan.  Nakakita ng butas.  Nagmamadali akong sumalisi papasok sa exit para lang sawayin at harangin ng guwardiya. ‘Bos, sarado na po’.  Pero nagkunwaring bingengot ako at tumuloy-tuloy lang patungong Greenwich na noon ay nagsasara na.  Mabilis na kinausap ko ang hindi gaanong seksing bisor nila.  ‘Yun ‘yung mga pagkakataong kaya kong isugal ang aking katawan kapalit ng spaghetti with meat balls.  At kung hindi ko makuha sa santong dasalan ay handa akong magkagat labi sa harap ni miss bisor, magpakita ng nipple kong may dalawang piraso ng kulot na buhok o  kaya’y maghubo ng salawal ng tatlong segundo. ‘Baka naman naglilihi ang misis mo’, pabiro ni miss bisor sabay ang malagkit na tingin.  ‘Oo, naglilihi nga’, sinakyan ko na lang din na hindi ko sineryosong biro.  ‘Hindi kasi ako makakauwi pag walang dalang spaghetti’.  Mukang nauunawaan naman ako ni miss bisor pero kanina pa nagpapatintero ang magkabilang kilay nung cook sa pantry habang banas na sinusuot ulit ang toque at sinisindihan ang lutuan. 

 

At ngayon nga, may kakaibang hiling si BebeKo.  Madalas kasing humatsing si BebeKo ng sunod-sunod na parang armalite tuwing umaga.  [Sige na nga, ‘allergic rhinitis’ ‘yun para tunog mayaman].  Ilang daang araw na kaming mag-asawa pero ngayon nya lang ako tinanong kung bakit ako tumatalikod pag humahatsing siya.  ‘Ha? Ano..’, nag-iisip ako kung pano sumagot na walang damdaming masasaktan.  Di ko pwedeng sabihing sari-saring bacteria at germs ang malalanghap ko at pag tatlong sunod-sunod na hatsing ay triple strength bacteria + germs ‘yun.  Umilaw ang imaginary bumbilya  sa kukote ko. ‘Be, di ba talaga namang patagilid ako matulog?’

‘Ayoko’, hindi kumbinsido si BebeKo.

‘Anong ayaw mo?’

‘Basta, gusto ko pag humahatsing ako, nakaharap ka lang.’

Ha?  Kailangan ko ba talagang pagdaanan ang mga ganitong bagay sa ngalan ng paglilihi?  At kung level 1 pa lang na pahirap ito, ano na lang pagdating sa mga susunod na level up?  Sabi ni pareng Nap, hormones lang daw ito, mga pagbabagong nagaganap sa mga babae.  Pero hindi ako naniniwalang hormones ‘yun.  Si Big Brother lang ‘yun na bumubulong kay BebeKo para pagtripan ako at kung anu-anong tasks ang ipagawa.  Pakyu Big Brother!  Pakyu hormones!

 

Ibang klase din ang senses  ng buntis. Tumatalas ang pang-amoy.  Kala ko nga napalitan na ni Cat Woman ang misis ko.  Sinisilip ko nga ang pwet ni misis kung may buntot pero wala talaga akong makita.  Wala talaga.   ‘Ambantot moooo’, sinasabihan na ako ni BebeKo ngayon ng ganito na akala mo nakaamoy ng higanteng arinola.  Nung isang araw, sabi niya amoy dagat ako.  Tapos nung isa pang araw amoy ihi naman.  Huwat?  Ako mabantot?  Langya, hindi pa ba sapat ‘yung paliligo ko ng minsan sa isang buwan?  Hehe. 

 

Mahirap pala talagang maglihi ang mga babae.  Nung una, kala ko tsismis lang ‘yun.  Wala naman kasing paliwanag ang siyensiya sa lihi kundi mga ‘simple cravings’ lang.  Simple pala ‘yung  humiling ng manggang walang buto saka mansanas na hugis atis?  Bagamat hindi pa naman ako nakakaabot sa mga ganitong klase ng pahirap pero isa lang ang konklusyon ko, adik lang talaga mga babae sa Pinas.  Adik.  [At sana makapasok pa ako sa bahay pagkatapos nitong mga pinagsusulat kong ‘to].

 

Advertisements

Mga Tugon

Information

77 responses

22 05 2008
bishi

yey una! congrats pala 🙂

badoodles: @bishi kapatid ni ardyey? hehe. congrats din sa yong magiging pamangkins. tapos kambal pa. lupet.

22 05 2008
MARU

kongratsssss! pareng badoods!

sa wakas napakinabangan din semilya mo. lols! isa lang ibig sabihin din nyan…mahaba et*ts mo. hahaha! joke lang po.

again, binabati ko kayo ni mareng bebe…alam ko atat na atat na si mareng bebe na magka bebe. haleluya!

badoodles: @mare magiging magkumare na tayo sa isip, sa salita at sa gawa. totoo ang sinabi mo! mahaba talaga ang etits ko, mas mahaba sa espasol. haha! gusto kong magpasalamat sa mga well wishers, sa gotong pampalibog, at kay manang manghihilot

22 05 2008
Maldito

wow..congrats bossing….ayan na…indi na nasayang ang isang buwan na abstinence mo dati…ngayun napatunayan mo na parang vulcasel talaga isperma mo..lols

badoodles: @maldito buti na lang nakinig ako sa payong chuwariwap ni manang manghihilot. all’s well that ends well.

22 05 2008
neens

congrats badoodles. nakakatawa ka naman magkwento!
alagaan si mrs..dapat palaging nasusunod yan! hahaha
Hindi naman lahat ng buntis ay outrageous ang mga requests. hehehe
ano nakapasok ka na ba ng bahay?

badoodles: @neens sana nga magdilang anghel kang walang outrageous request si misis. kung nagkataon, daig ko pa ang sumali ng reality game show na walang papremyo.

nakapasok pa ko ng bahay dahil tinamad si misis mag-‘check’ ng blog. sana habambuhay siyang tamarin.

22 05 2008
R.J.

pareng badoods! sobrang congratulashens!! halos magkasabay pa tayo ha.

baliktad naman tayo, nung nalaman ni misis na buntis na sya, ako naman ang abot patilya ang ngiti at sya naman ang tulala. sabagay naiintindihan kita kasi nga madaling araw ibinalita sayo. nyahaha! sarap ng feeling! parang lahat ng tao eh kakilala mo at ngingitian mo. hehe.

buti ka pa nga maaalagaan mo mabuti si misis kasi magkasama kayo, kaya tiisin mo na lang yang paglilihi. congrats pare. goodluck! galing! =D

badoodles: @ardyey nainggit ako sau pareng rj kaya pinag-igihan ko ng gumawa. kinarir ko na lahat ng style pati backstroke, butterfly stroke at butiki – style. hyu neym it. salamat at nagbunga din.

ok lang tiis lang naman yan sa umpisa. saka andyan naman ang dakila mong kapatid na si bishi para umalalay sa iyong bebe tabachoinkchoink.

22 05 2008
xG

may litol badudels na
patay tayo diyan
hahahaha

may magmamana na ng blog mo
lagot ka
oras malaman ng anak mo
tong blog mo
hahahaha

teka
parang masyado naman ata maaga
ang hormones ni bebeh mo?
hmmm
ewan ko
hahahaha

hindi ko pa naman nararanasan
mabuntis

teka
mabuti nung tumalon ka
di mula sa pip plor?
hahahaha

badoodles: @xG hindi hormones un. si pinoy big brother lang un. hehe

pag lalaki anak ko, papaligawan kita ha. hehe.

22 05 2008
annenoneymous

idol! congrats at sertipayb papalicious ka na talaga! tho ngaun pa lang natatakot na ko para sa magiging anak mo – gano kaya siya kakulit paglaki? :p

niwei, i hope ndi naman pahirapan ang BEBEMO sa pagbubuntis. or else, ikaw ang mapagbubuntunan 🙂

as always, galing talagang magsulat! i’m so belib to yu! :p

badoodles: @freeverse matinik akong magdisiplina. gagayahin ko ung pananakot sakin ng lola ko nung lumalaki na ako, ‘apo, nakikita mo ang lapidang yan? pag di ka tumahimik, pangalan mo na ang ilalagay dyan’. e di tumahimik ng ilang segundo. hehe.

22 05 2008
taps

congrats sa iyo.

regarding sa pagbubuntis ng babae, no comment ako.

Pero sa pagkamapanglait ng mga babae sa asawa pag naglilihi sila, grabe. hehe akala mo hindi na manglalait bukas.

Naku, ano kaya feeling ng may babae na katabi mo sa pagtulog na naglilihi?

Mainitin ang ulo ko. pikon ako… paano kaya yan?

badoodles: @taps ganyang ganyan din ako, betlogs nga lang ang mainitin. sooner mag-mamature ka din. ako? hindi pa din. hehe.

22 05 2008
Pryss

i read bebeKo’s post sa going badoodles and don ko nalaman…congratulations…

badoodles: @pryss kaya nga. ur da first to know. hindi ako makapagpost nung lunes tinatrangkaso pa din kasi ako nun. inunahan ako ni bebeKo. madaya.

23 05 2008
libay

Congratulations!!! … magkakaroon na little badoodle… bagong blogger 😛

badoodles: @libay salamat ;). certified blogger din malamang. pano kaya ako makikipag exchange link sa kanya. ‘hoy pag di mo ko ni-link sa blog mo wala kang allowance ng isang buwan. tadong ‘to’. hehe.

23 05 2008
Banana

baby badoodle!!! congrats daddy!! 😀

badoodles: @banana sana baby boy.

23 05 2008
ponchong

sir congrats!

yaan mo di lang yan ang pagdadaraanan mo sa ngalan ng paglilihi. hala ka ilang buwan na lang at todo abstain ka na sa sex kaya doblehin mo kaagad ang kayod habang pwede pa. LOL..

tip: kung mahaba patuytoy mo, mas habaan mo pasensya mo kasi mas sobra ang tama ng kaemohan sa babaeng naglilihi.

congrats uli!

badoodles: @ponchong oo nga ‘no abstinence to da max. hehe, hindi pala. may butihing palad naman ako.

23 05 2008
gasti

hahaha! ayos! mukhang magiging magkababata pa mga anak natin pagnagktaon..haha! kelan daw due date ni misis? congrats! sa inyong dalawa ng bebe mo!

yang paglilihi ng mga misis..masalimuot talaga. kung mahigpit na dati, lalo na ngyon laging nakabantay sa bawat damoves ko. at sa pagkain kagabi nga lang eh biglang nagpabili ng dinuguan sa goldilocks..hehe!

badoodles: @gasti sabi january kung hindi december. oo nga, second generation pinoy bloggers. haha! sarap ng dinuguan sa goldilocks. parang pati ako naglilihi. ikaw pare, ganun din ba?

23 05 2008
rofel

CongratzZ!
may baby badoodles na!
tatawagin bang badoodles yan kung di kakyanin ang paglihi ni misis… hehehe

wish you a healthy baby.

badoodles: @rofel tenkyu tenkyu. ang una kong ituturo sa kanya ay pano makipag exchange ng blog links.

23 05 2008
aga

happy father’s day este congrats…. asust…

badoodles: @aga salamat pare. ihanda ang inuman!

23 05 2008
Shayleigh

huwaw!!! CONGRATS po para sa future Daddy…
GOD bless para kay Bebe mo at sa kanyang paglilihi… ganun na din sau para sa pagtupad sa mga munting kahilingan nya. Sa theory naman, first trimester lang ang ganyang cravings atbp. At first trimester din ang pinaka sensitibo kaya dapat mong alagaan mabuti si Bebe mo. Never ever disappoint her kung ayaw mong mukhang ewan ang first born, hehhehehe!!!
I am really so happy for both of you.

badoodles: @shay bawal na din daw akong manlait ng kung anu-ano sabi ng mga matatanda para di daw magmukang ewan ung baby. tuloy, lahat ng tingin ko ngayon sa mundo e bright and beautiful. pati nga dagang costa muka ng cute sa paningin ko.

23 05 2008
bishi

uu kuya ko si ardyey. hehe excited na rin ako sa magiging pamangkins ko..sana nga lang kasing kyut ni tabachoinkchoink hehehe.. congrats ulit kay bebedoodles nyo 😀

badoodles: @bishi hehe dapat ung isa kamuka ni tabachoinkchoink tapos ung isa kay pareng ardyey. salamat sa congrats.

23 05 2008
watusiboy

congrats badoodles at sa bebe mo! so happy to hear that. sana ay dumami pa nang dumami ang lahi nyo 🙂

badoodles: @watusi balak ko lima lang. limang dosena. haha!

23 05 2008
linglingbells

yehey!!!! eto na ang pinakahihintay ko!!!!!!!! congrats kuya badoodles!!!!! im so happy!!! di ba halata?? hehehe!! 😀

badoodles: @lingling sau ko unang sasabihin kaso tinrangkaso ako nung lunes. aun, nawala na sa isip ko. hehe.

23 05 2008
Harley

Congrats!!!!! 😀

badoodles: @harley salamat pareng harley

23 05 2008
ellieshe

nyaaaah! congrats kuya..sa wakas! hehe..mas matindi talaga pala maglihi kesa sa PMS.

badoodles: @ellieshe oo sinabi mo. sobrang tindi. ilipat ko lang ung pinapanood sa tv, umiiyak na. kahit ibalik mo sa dati, galit na. watda, san ka pa.

23 05 2008
aKDa

ayus lang yan. dapat pina[agbigyan at pinapamper, kasi, mahirap manganak. ^_^ hehehe…

congrats daddy! este, congrats! daddy ka na!

badoodles: @akda oo, lahat ng utos ni bebeKo, sinusunod ko. pag sinabi nyang run, roll saka play dead, ginagawa kong lahat sa ngalan ng paglilihi.

23 05 2008
sugarushafterglow

very great news. may mga maganda pa pala talagang nangyayari sa mundo. hehehe. congratulations.

badoodles: @sugarush marami. everyday is a miracle waiting to happen.

23 05 2008
emoterang nurse

congratz…ayan na ang hinhintay nyo… sunod sunod ata ang pagbubuntis ng mga misis ng bloggers ah…nakakatuwa nman… 🙂
bka magkasabay sabay sila ah…
congratz…:)

badoodles: @emoterang nurse kaya nga e. wala pa bang siyentipikong pag-aaral sa relasyon ng pagba-blog saka mabilis na pagkakaroon ng baby. hmmm… basta isa lang alam ko, pag nanonood ako ng youtube, nagiging horny ako.

23 05 2008
The Gasoline Dude

Teka, pang-ilan ka na bang blogger ang alam kong buntis ang asawa? Me correlation ba ang blogging sa pagbuo ng baby? Hmmm… *LOL*

Anyways, congrats Badoodles! Blessing ‘yan! Don’t forget to say thanks to Papa Jesus. = D

badoodles: @gasolinedude kaya nga e. kabi-kabilaan ang buntisan sa blogosperyo. meron nakong siyentipikong konklusyon, pampataas talaga ng libog ang pagba-blog. hetong formula: number of blog links x number of posts + number of comments = mas fertile ang babae at mas horny si lalake. 😆

24 05 2008
jepoy

PApi congrats sa inyo

ALam ko matagl u na intay yan kaya e2 na pag igihan na

Sana super healthy at bibo ng dayunyor mo

Babae yan malamang hehehe

badoodles: @jepoy oo papi eto na nga un. ulul, baby boy ‘to. hehe. gago ka talaga pare. tagal na nating walang inuman.

24 05 2008
shao

hmmm, I am sooo happy and soo excited para sa inyong dalawa ni BebeMo
sa wakas nakulitan na sayu si Papa Jesus at binigay na Niya ang matagal mu ng hinihiling..

WOW, sarap sarap siguro sa pakiramdam ng ganyan..ur now a certified Dad
lapit na din ang Father’s Day, batiin na din kita ng Happy Happy Fathers Day!!!

Goodluck din sayu sa paglilihi ni BebeMo, konting pasensiya lang lahat ata ng hubby nagdadaan sa ganyan..

CONGRATULATIOS ulit…

badoodles: @shao i am soo tenk yu to u. hehe. pwede din palang daanin sa kulitan sana noon ko pa kinulit kulit si papi jesus.

24 05 2008
imustnotfail

Wow, daddy ka na pala..hehe Congrats Pappy!ahahaha

Tag po kita ha!:D

Madadagdagan na ang babatiin ko sa Happy Father’s Day!:D

badoodles: @imustnotfail anong ita-tag mo sakin. dapat exempted ako . hehe.

24 05 2008
bernardumali

uy tatay ka na – katakot hahaha
congrats!

badoodles: @bernard di ko nga alam pano magpakatao. pano pa kaya ang magpakatatay. lemme see.

24 05 2008
koreanmine

huwaw, congratz…finally…

sarap abangan ang adventures mo lalo na pag bagong tatay ka na.. mas makukulit chak ang mga posts mo 😀

24 05 2008
emoterang nurse

badoodles: @emoterang nurse kaya nga e. wala pa bang siyentipikong pag-aaral sa relasyon ng pagba-blog saka mabilis na pagkakaroon ng baby. hmmm… basta isa lang alam ko, pag nanonood ako ng youtube, nagiging horny ako.

wala pa nman…siguro nainngit lang ang sperm cells mu sa ibang bloggers na magkakababy na o kaya naman may fertility charm ang mga blogs kaya nagkasabay sabay…hahaha… naku tigilan na ang panonood sa you tube bka madamay si baby…hehe… 🙂

badoodles: @emoterang nurse siguro nga. matagal ko nang suspetsa na inggitero sperm cells ko. pag nakakasagap ng tsismis na isang blogger na nakabuntis, umaalog alog sa inggit.

24 05 2008
camilleeee

congrats kuya !! yey.. masaya kaming mga readers mo sa magandang balita na yan. buti naman at ginagawa mo lahat ng pinapagawa ni mrs. badudels. panu yun kuya kung magki crave sya ng “lengua” tas dila ng buwaya ang gusto nya? o di kaya’y magpapakuha ng kamias ng madaling araw nang di ka nagpapaalam sa may ari? hehe.

la lang, naalala ko kasi kwento ng tyuhin ko tungkol sa paglilihi din ng asawa nya. nagpapakuha daw kasi yun ng buko tas dapat daw mauuna ang ulo ng tyuhin ko sa pagbaba. nyahaha

badoodles: @camilleeee hindi talaga paglilihi un. si pinoy big brother lang un na bumubulong kay misis na ipagawa ang kun anu-anong bagay kay mister.

24 05 2008
neex

waw. congrats po! ako matagal pa bago maging tatay. hehehe

badoodles: @neex i-enjoy mo muna habang may choice ka pang magpakabinata. ako tapos nang maglaro ng multiple choice.

25 05 2008
Abad

congrats sa inyo ng bebemo!! madadagdagan nanaman ang makukulit sa pilipinas.

badoodles: @abad hehe. wala akong balak na pasunurin sya sa mga yapak ko. papalakihin ko siyang mabait, matulungin at may tamang asal. pero ang alam ko, kung ano puno ganun din ang bunga. masusubukan ko na kung totoo nga to.

25 05 2008
lilmiz

weee kuya ang gandang news naman nyan!! congratz!! 😀 dapat lang pagbigyan mo si ate bebe noh, siyam na buwan syang magbubuntis eh.. siyam na buwan.. kaya mo ba yun? ahaha.. ang saya naman 😀 congratz ulit 😀

badoodles: @lilmiz kelangan ba talagang may weeee? gusto ko woooottt! hehe. salamat. siyam na buwan lang siyang buntis. ung butchog ko since college. mas mahirap kaya un.

25 05 2008
tiamy

Hey fellow avadoodles…

Nakita na pala kita sa cybermall…heheh…nakasabay kita..kausap mo si hwong na ka project ko..hahah….and then sabi nya sa akin kung alam ko daw ba yung kwentongbarbero.com…Yun! Pero ndi kita namukhaan nun…at least kilala na kita by name whahahhhaha! 😛

badoodles: @avadoodles tiamy dalawang beses na tayong nagkita sa may manila polo club saka sa world trade center. ung sa cybermall, dun hindi naman kita nakita. tadong to magkasama kaya tayo sa security group ng abanad, un lang hindi ako pala-attend ng meeting. hehe.

25 05 2008
byter

congratzzz bosing sa wakas tumama ka rin. from now on papi badoodles na tawag ko sa yo. ayos ba yun papi badoodles?

@emoterangnurse -mare, kinakabahan ako sa mga statements mo. blogger ako, pero ayokong ko pang mabuntis. linsyakkkk! wala pa naman ako asawa.

badoodles: @byter ok lang na papi badoodles. [update] teka ayaw ko na ng papi badoodles, gusto ko tinatawag akong don papi badoodles. hehe

25 05 2008
antuken

haha. i was waiting for you post about this. nacongratulate ko na kse si bebemo sa blog nya a few days ago.

was under the weather the last few days kaya’t late ang greetings ko.

ang masasabi ko lang… INGGIT AKO!!!!!!!!!

haay. dahil nag-APE kami last month, wherein kelangan ng x-ray, safe sex kami lagi ni fafa. mahirap na. baka makabuo tapos na-x-ray, biglang maging monster. well, dahil tapos na ang APE (annual physical exam nga pala yan) ko, try ulet kami gumawa ng baby!

hetong formula: number of blog links x number of posts + number of comments = mas fertile ang babae at mas horny si lalake. —-> truth ba eto? waah! baka di kami makagawa base sa formula mo!!!!

congratulations pare! again… INGGIT AKO!!!

badoodles: @antuken di mo kailangang mainggit mare. our joy is yours too. no need to hurry. ienjoy muna ang panahong binebeybi nyo ang isat isa.

25 05 2008
issapotching

wowwwwwwwww!!!!!! CONGRATULATIONSSS!!

sa wakas natupad na ang iyong pinapangarap!!!!

whether a boy or a girl….isa pa rin yang blessings and i am sure na lalaki syang may sunny disposition din sa life, life you 🙂

kongratzz!

badoodles: @issapotching wala akong narinig. it’s a boy. it’s a boy. hehe. tama ka. lalaki siyang may sunny disposition sa life, life me. 😉

25 05 2008
issapotching

sos andami naman mali dun sa sinabi ko parang mas excited pa ko sayo mga pangyayari hahahahaha….

*like you dapat yun eh! demmet! hihihiihi

ah basta naunawaan m na rin naman siguro yan!

badoodles: @issapotching ayokong palitan. gusto kitang sutilin. sabhin mo munang its a boy para ikorek ko ung spelling. sige na! ayaw mo? ok payn.

25 05 2008
kengkay

na ispluk na rin pala, congrats! mapuntahan si bebe mo para mabigyan ng konting advicem wag ka mag alala, hindi advices para mag inarte, hahaha. real true blue advices.

badoodles: @kengkay hehe, salamat kengkz. paki-advice na rin na imasahe nya ko pagkagaling ko sa opisina para hindi siya mahirapang manganak. saka dapat sa batok ang masahe, tapos papuntang leeg, tapos… tapos…

25 05 2008
Poli

Ang mahirap e kapag ikaw ang naglihi. Hehe. May mga naririnig akong mga kwento sa mga nanay na nung buntis raw sila, ‘yung asawa raw nila ang naglilihi sa kung anu-anong pagkain. Hehe.

badoodles: @poli natumbok mo. mas nauna akong nakaramdam ng ganyan. parang psychological lang sa tingin ko pero sinong makakapag-explain sa siyentipikong paraan sa pagkahumaling ko sa tatlong pinitpit na hamburger na nakasalansan tapos papanoorin muna ng matagal bago kainin. ano? abnormal lang talga ako? gago u poli.

26 05 2008
beero

woohoo! congratz kuya badoods. this is it! magiging supah papalicious ka na sa wakas. ingatan nyo na yan ha. teka lang. bat nga ba tumatalikod ka pag humahatsing ang bebe mo? tama ang bebe mo kasi kasi dapat nakaharap ka lang. ganun dapat ang mag-asawa, in sickness and in health eh magkadikit pa rin. ahehe.

badoodles: @beero in sickness and in health pala ha, sana magkaasawa ka din ng hatsingera para tabla na tayo. hehe.

26 05 2008
chuvaness

PAPIIIIIIIIIIIIII

hahhahahaha

congratsyoness to yah and to yer bebeh….gudlak on fatherhood papi!

badoodles: @chuva chuva level to da maxx na to! salamat.

26 05 2008
cecille

saya-saya naman! feeling ko nakasmile ako habang binabasa ko ang entry na ‘to. hehehe. congrats po! naku, mukhang marami-rami pang demands ang kelangan mong tuparin. gudlak! =)

badoodles: @cecille oo, kakayanin ko tong siyam na buwan na pagbubuntis. bibigyan ako ni papi jesus ng pasensiya… tapos.. tapos.. tsk, sana one month na lang kasi.

26 05 2008
Aling Baby

Wow! Congrats naman dyan! 🙂

Sana baby boy para may dayunyor na kayo ng BebeMo.

Good luck din sa paglilihi ng esmi, sana makayanan mo ang two months na pahirap hehehehe… 😀

badoodles: @aling baby magdilang anghel ka! magdilang anghel ka sana.

27 05 2008
jepoy

badoodles: @jepoy oo papi eto na nga un. ulul, baby boy ‘to. hehe. gago ka talaga pare. tagal na nating walang inuman.

hehe , oo nga mashado k n kc busy– available nmn ako lagi pag weekend

san ka ba lipat? amp ka d ka man lng magreply khit YM

painom na ! kelan ba ????!

badoodles: @pareng jepoy akong di available pag weekend. weekdays, papasok ka pa lang, pauwi nako. sana matuloy ung palawan natin.. hehe

27 05 2008
kulot

woohoo congrats! yehey! humanda ka na sa mga mood swing na todo todo

27 05 2008
dimaks

mabuti na lang hindi ka pinaghahanap ng pusa na may tatlong sanga ang buntot. COngrats, certified papa kana 😀

btw, paki-update ng link ko dito sa blog mo, eto ang bago: http://skamid.com

gratz ulet!!!

27 05 2008
popoy

FINALLY kuya badoods. nakabuop ka na din sa wakas. CONGRATULATIONSSSSS!!!!!

27 05 2008
krisjasper

Congrats kuya!!! dadami na talaga lahi mo… wala ng atrasan!

27 05 2008
kuri

CONGRATS pare! buti ka pa nakabuo na. sana kami rin…soon. 😀

27 05 2008
Palito

Wow! Congrats!!!

28 05 2008
Noime

wow naman. nakakatuwa. hehehe.
sabihan mo kami kung nene ba yan o totoy ah! hehe.
kongrats. 😉

29 05 2008
pamalfaro

Congrats! 🙂

29 05 2008
senseless

lol gud news,s wkas nkbuntis kn din!,,bad news blue eyes tyak ang anak mo bwahahahaha jok

29 05 2008
wei vines

hindi naman pala masama maniwala dun sa manghihilot..congrats po 😀

29 05 2008
madbong

bro, pagdarasal ko na maging maayos ang pagbubintis ng esmi mo. speaking of lihi, nung buntis si misis ko sa panganay namin ay napaglihihan niya ang pakwan. ok lang sana pero disyembre nun, buong maynila yata inikot ko dahil out of season yung pakwan. nakakita din naman pero nampucha mahigit sandaan ang kilo niya (nung mid-90s pa yun ha) e pinaka maliit ay 3 and a half kilos.

29 05 2008
Kotsengkuba

daddylicious, naalala ko tong post mo kase naka-chap ko isang tropa kanina. nalaman kase nila buntis na ang misis nya last week. yun lang, hehehe 😉

nung buntis si misis, lahat ng pwedeng maisip na ikakagalit naiisip. at talagang ikinagagalit. hahaha… tapos pag hindi na kinaya ng powers ng galit nya, makikipaghiwalayan naman. siguro di mo pa inaabot yun pero pustahan tayo (palit domain) aabot ka din sa ganun, hahaha.

congrats sa pagiging daddylicious, ako ganap na din ang pagiging papalicious kaya yabang-yabangan na din pag ganyan ang usapan. feeling guru na. hahaha!

regards na lang kay bebemo 😉

30 05 2008
lex

congrats dude! advance happy father’s day! 🙂 God bless.

30 05 2008
Maylette

Wow! Congrats sa inyo ni bebe mo.
Sana hindi maging mahirap ang pagbubuntis nya. 🙂

30 05 2008
emoterang nurse

@emoterangnurse -mare, kinakabahan ako sa mga statements mo. blogger ako, pero ayokong ko pang mabuntis. linsyakkkk! wala pa naman ako asawa.

@byter-naku, para lang sa mga married ang sinabi ko…kasi nagkasunod sunod ang pagbubuntis ng mga misis ng mga bloggers eh kaya ko yan nasabi…
single din nman ako…hehehe

30 05 2008
foobarph

congrats! sa susunod, wag delayed reaction ha. ^^ ahehe

31 05 2008
andrewPelago

CONGRATS! WOOHOO! =)

1 06 2008
joice

kuya badoodles! congrats! pag nakita ko yang anak mo, tatanungin ko sya ng “who’s you daddy now???!!” haha=)

3 06 2008
Geisha

congratulations kuya! 😀

3 06 2008
McRey

Hahahaha…

talagang ganyan kapag naglilihi… unting tiis lang 9 long months lang naman eh… huwaw!!!

Congrats!!!! May badoodles junior na….

Clap!!! clap!!!

6 06 2008
napundingalitaptap

weeeeeeeeeeee. . . congrats po.

ahaha, sa pinas lan ba ang lihi thingie majig?

hmmmmmm, buti nalang willing ka naman ibigay yung mga kung anuanong kembot na kahilingan ni misis mo. . . sabagay, takot mo lan pag hindi. ahaha

sige po, nakibasa lan, masaya. natuwa ako sa mga nabasa ko. . . weeeeeee!!

magandang gabi

flyfly!

9 06 2008
wifeybee

wow, congratz naman…

ang saya saya… pangarap ko yan… 1month na akong kasal, walang honeymoon baby, hahaha… sana makabuo na rin kami …

ang kulit ng mga entries mo, nakakaloka

14 06 2008
aleihs

wahaha!!! after trying so many styles, nagbunga din ang puro ungol nio ni misis!!! wahaha.. kongrats!!! ikalong mo c baby m pag ngbblog ka.. para may idea xa sa gngawa ni dadi hbng baby pa xa.. kelangn n nia mamulat sa mundo ni dadi.. haha..

regards kay misis!!!

swerte ni misis sau!! =D

19 06 2008
popoymura

ahahaha lagot ka nga kay bebemo… congrats! sana hindi lahat mamana sau…..peace! 🙂

29 06 2008
b@kekang

welcome to parenthood..me bago n u lalabhan d lng panty at bra ng bebe u..lampin n mn ngaun heheh..dapat daw masundan agad yung baby para daw sure n d baog yung daddy hahaha!!

badoodles: @bakekang sana makakuha na kami ng katulong. sawa nako sa pagiging labandero. buti pa ang katulong may day off. ako wala!

8 07 2008
b@kekang

yaan u ihahanap kita katulong..pero dapat me mga benifits kng ibibigay tulad ng SSS,Philhealth, at dapat may malambot na tulugan may sariling electric fan..my day off..mataas na sahod,, 3 snacks sa isang araw..at higit sa lahat may sariling cp at free load wahahaha!!!

badoodles: @bakekang katulong ba yan o palamunin? ayoko nyan. akshuli, silong lang ng ref ung available na tulugan para sa magiging katulong ko. maghanap ka ng ganun, hindi mapili sa tulugan. kung gusto naman nya ng medyo komportable, payag nakong matulog siyang nakabukas ang ref. para malamig 🙂

13 07 2008
b@kekang

hey!!asan ang human rights jan???wag u nman patulugin sa ilalim ng ref..sa ibabaw nman..d k nman malulugi kc magaling na masahista ang ibibigay q sau heheh..my free massage pag uwi mo galing work hakhakhak!!!

22 08 2008
karen

nkakatuwa ka nman, nkarelate lng me sau kc i’m having my first baby din! congrats 2 u and konting patience lng kc gnyan tlga kming ngbbuntis and cguro by this time wla n ung pglilihi ng wife mo kc sa 1st trimester lng yan. 🙂 Keep blogging!

24 08 2010
Sean

haha. hinanap ko pa to sa archive… hahaha

25 11 2012
Cathrine

wag na epal, dapat nga maging proud tayong mga pinoy kahit papano napapansin yung filipino songs ng mga taga ibang bansa. sa totoo lang magaling sila kc ang mga japanese nahihirapan talga sila mag salita ng R and L, ang L nila gingawang R at ang R naman gingawang L.. halimbawa? nalng sa RULER ang bigkas nila RURER, and LARu naman Bigkas nila RARu hahah!!! katulad ng BOSS ko……….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: