Two More

4 06 2008

Kung sinong gustong makipag-trade in ng kanilang Sony PSP, XBox, o house maid kapalit ng isang betlog ko, call ako.  Tatlo ang betlogs ko.   

 

Kailan lang na-diagnose ang bukol ko sa likod malapit sa tagiliran.  Paniwala ko, pangatlong betlog ko lang ‘yun.  Sabi ng katropa kong doktor, kailangan daw tanggalin.  Di ako agad naniwala.  Mahirap paniwalaan ang diagnosis ng isang doktor na barka-barkada mo lang.  At kahit pa siguro taningan niya buhay ko, parang wala lang sakin.  Mas convincing pa nga ang pangalawang teorya ko na ‘yung bukol ko sa tagiliran, kung hindi betlogs, libog lang ‘yun na namuo at hindi nailabas.  Mas kapani-paniwala naman di ba?  Hinde?  Tado ka ah. Suntukan na lang.

 

Minabuti kong magpa-second opinion sa Asian Hospital.  Sabi ni Dr. Cinco tumor nga daw ‘yun at kailangang tanggalin.  Totoo nga.  Hindi ko na pinagpilitan ang aking personal na teorya.  Kung kayo ngang matagal ko nang kapalitan ng kuro-kuro ayaw ding maniwala sa ‘kin, mas lalo pa siguro ang patpating doktor na ‘yun.  Dun ko lang napag-isip isip na seryosong usapin nga ‘to, pangatlo ang importansiya kasunod ng all time high poverty rate saka oil price hike na nararanasan ng bansa.   Kung madedbol ako, tiyak andami ninyong malulungkot at ngangawa [assuming na totoo kayong kaibigan].   Naisip ko, buti pa ang mga bulate, hindi tinatamaan ng sakit tulad ng tumor, kanser, o pulmonya.  Sana naging bulate na lang ako.  Bulateng blogger.

 

‘Kasinlaki siya ng golf ball, na nakakapit sa laman’, paliwanag ni doc habang pabulong kong sinasabing ‘Hindi nga golf ball ‘yun, sabi na kasing betlog ko ‘yun’. 

‘You’re saying something?’

‘Ay em saying nothing.  Iniisip ko lang doc, kung tatanggalin mo ‘yun, magkaka-keloid ba ako?’. 

Tinignan ako ni doc mula ulo hanggang paa, kinakalkula ang probability na ang isang purong native na nanggaling sa pinagsama-samang lahi ng indones, malay at nognog ay pupuwedeng magka-keloid.  ‘Sa tingin ko naman sa balat mo, di ka magkakakeloid’.  Tarantadong ‘to.  Puke ka naman doc, porke ba sandaang porsiyentong exotic ako, wala nakong karapatang magka-keloid? 

 

Pampalipas oras habang hinihintay ang pag-iskedyul ng operasyon, nagbaon ako ng joke para kay doc . ‘Knock Knock doc ’.

‘Who’s there?’, sumakay naman si doc na nakangiting aso wala pa man ‘yung punchline.  Natatawang naninibago na parang ngayon pa lang nakaengkwentro ng pasyenteng siraulo. Fyi, nagkalat na kami ngayon sa mundo.

‘Tumor’

‘Tumor who?’

‘Tatanggalin na ni doc ang betlogs ko, ok lang kasi sabi niya I have two more’.  Kaadik-adikang corny joke.  Hindi natawa si doc. 

 

Bakit kaya walang nagkakatumor sa taba?  ‘Yung sasabihin ng doktor na ‘may tumor ka sa taba.  Kailangan nating tanggalin ang lahat ng taba mo sa katawan’.  Wow.  Kung nagkataon, parang good news ‘yun, lahat siguro ng figure conscious mangangarap na magka-tumor sa taba.  Para ka lang nagpa-lipo for half the price.

 

Madaling araw isinagawa ang operasyon.  Kasabay ko sa elevator kung hindi mga Kano ay Awstralyanong hatsingero.  Bakit kaya nila tinawag na Asian Hospital ito tapos hindi naman Asyano ang mga pasyente.  Kung meron man akong nakitang Asyano dun, ako lang ‘yun saka si Aling Anda, ‘yung nanay ni Vic Sotto sa sitcom na Full House ng siyete.  At dahil nga Asian Hospital, naisip ko sana may nakapaskil sa reception na ‘Only Asians Allowed’.  Para naman makaganti-ganti sa mga Australianong racist na nagkakabit sa kanilang mga restawran ng ‘No Asians Allowed’.  Tablado lang.  At sana pag bumisita ang mga Australianong racists dito sa Pinas, matetano sana kayo sa kakakain ng fish balls sa kalsada, at sana walang ospital ang tatanggap sa inyo dahil ‘Only Asians Allowed’. 

 

Ilang oras din akong binabad sa control room para i-sanitize ng hubo’t hubad.  Nabalewala ang pakikipagbargain ko kay miss nars na kung pwedeng mag salawal.  Hindi daw pwede.  Period. Gusto niya talagang pagnasaan at angkinin ang kabuuan ng aking katawan.  Hayup.  At matapos ang matagal na oras, kinumusta ulit ako ni nars.  ‘Eto ok naman miss nars, bold star na bold star pa din.’  Saka pa lang niya naalalang bigyan ako ng damit pang ospital.  Oo, ‘yung daster na may hati sa likod na kahit anong taling gawin mo ay dudungaw at dudungaw pa din ang iyong pwet.

 

Maayos naman ang operasyon.  Pwede ka pa ngang pumili ng mga kantang ipapatugtog bago ka hiwain ng dalawang doktor at dalawang nars.  Pinili ko ang ColdPlay.  Gusto ko sana ng April Boys kaso baka tuluyan na nila akong paghiwa-hiwalayin at isupot sa itim na garbage bag.  At habang dina-dissect ako ay nagtsi-tsismisan pa ang dalawang doktor kung sino bang tatanghaling FHM’s sexiest ngayong taon.  Kaya kung sakaling aksidenteng maputol nila ang kanang hita ko, dalawang tao lang pwede kong sisihin, si Katrina Halili at Marianne Rivera.

 

Update:  Nakatatak na yata sa DNA ko ang pagiging malikot.  Ilang araw pagkatapos ng operasyon, bumuka ang sugat.  Trip niya lang mag-hello world.  Wala ako sa mood makipagkumustahan sa kanya at makipagpalitan ng kuro-kuro tungkol sa  all time high poverty rate saka oil price hike  ng bansa kaya tinapalan ko ng scotch tape.  Bumuka ulit kaya tinapalan ko naman ng electrical tape.  Nung huli, pinatahi ko na lang ulit.  Ngayon, andito ako sa bahay, nakahilata at nagmamarathon movie at sirang plakang nagpapatugtog ng Metallica.  Wag kang mag-alala, hindi pa ako mamamatay.  Basahin ang nasusulat tungkol sa masamang damo kung ayaw mong maniwala. 

Advertisements

Mga Tugon

Information

51 responses

4 06 2008
ecxel

boss badoods! buti naman at ayos ka na uli! pahinga lang yan, at wag muna makipag labing labing, hahahaha! joke, sana! hahaha!

aabangan ko ang mga susunod mong blag!

badoodles: @pareng ecxel hehe. tinanong ko ung pangatlong attending doctor ko si dra. fernandez kung mauudlot ang aking ‘makamundong gawain’ dahil sa pagbuka ng sugat. nag-blush. wala tuloy akong nakuhang malinaw na sagot. tanong ko na lang kay google mamya kung pwedeng tuloy lang ang aking kaligayahan.

4 06 2008
dennis

goodluck sa pagpapagaling. wag kase malikot para di bumuka ang sugat, lalabasan ng kalabaw yan sige ka.

badoodles: @dennis mali ka dun pre. sabi ng lola ko kapre daw lalabas dun. hehe. hindi na nga ako gumagalaw ngayon para hindi masaling. hindi na rin ako humihinga.

4 06 2008
linglingbells

naniniwala naman po ako na di ka pa mamatay.. hehe! pagaling ka ha.. mahirap yang pabuka-bukaka ang sugat mo.. mahirap na! malapit ata yan sa bituka.. 🙂

badoodles: @lingling opo kailangang gumaling agad ung bukang sugat. baka pagkamalang pekpek ng mga exconvict sa kanto ma-reyp pa ako. hilig ko pa namang gumala ng walang tshirt

4 06 2008
antuken

ang tanong, baket nga ba bumuka ang sugat? anong kalikutan ang ginawa mo? hehehe. hope everything’s okei with you. i believe matatagalan ka pa nga. tulad ng nasabi mo, tungkol sa masamang damo. hehehe.

badoodles: @mareng antuken wala naman akong matandaang ginawa kong mabigat. nagbuhat lang ako ng cpu, holowblocks, saka nagbuhat ng bahay. hehe. natatakot na nga akong yakapin ni bebeKo baka biglang bulagain siya nung sugat mataranta ng wala sa oras.

4 06 2008
cecille

natawa naman akong sa ganung sitwasyon e nakapagknock-knock ka pa.ako, papasok pa lang ng hospital, pinagpapawisan na. hehehe. pagaling ka bosing. =)

badoodles: @cecille ok ung ambience nung ospital hindi amoy antiseptic. para lang akong nagtse-tsek in sa hotel. oo no worries, magaling naman na ako. magaling sa kakulitan. may isa pa sana akong joke kay doc kaso wala siyang funny bones. ikukwento ko na lang sa mga sunog baga samin.

4 06 2008
watusiboy

ako meron akong bulutong na naging keloid. naoverdose yata sa sebo de macho. pero nakakatakot kung singlaki ng golf ball ang keloid. anyway, get well soon 🙂

badoodles: @watusiboy heto nagpapagaling sa bahay. pag bumuka pa ung sugat, putanginiks nya, iistaplerin ko siya.

4 06 2008
Maldito

Goodluck nalang sa recovery.ahhehee…malikot ka kasi bossing..kaya ayan, bumuka ang indi dapat bumuka..ahehhee..ayush yan…indi sa lahat ng dagok ng buhay dapat malumbay..ahhehe..

Get well soon bad grass!

badoodles: @maldito sabi ko nga, life is as funny as you think it is. perception lang yan. kung kaya mong tignan ang ‘humor side’ ng mga bagay bagay, ul get over it.

4 06 2008
sugarushafterglow

get well soon. =) looks like mrs.B has 2 babies to take care of. =)

badoodles: @sugarush kailangang ako ang priority kaysa dun sa baby sa loob. seniority ito. wag muna siyang umepal. chance ko itong magpakababy kay bebeKo.

5 06 2008
ilocano

hahaha! isu met la nga nabayag ka nga napukaw lakay. kaasin apo ta nasigud mo data. by the way, congrats gayam ta adda manen chance mo nga agkababy. fasting ka pay laeng ken anusam ni emma mapalad. get well soon!

badoodles: @ilocano wen lakay. adda nak toy balay padakkel buto. baring nga aglaing after few days tapno back to normal amin.

5 06 2008
xG

tae.

tama ba nakita ko?
nagreply ka sa site ko?

no shit.
ahahahahaa

heniweys.
ano ba masasabi ko?
hmm
di ako makagetober pa rin
sa reply mo sa site ko e
hahaha

ah
naoperahan ka nga diba?
pagaling ka na lang

yun lang pala sasabihin ko
hahaha

badoodles: @xG yes shit. ebersins naman lurker ako sa chiksilog, silenciong tumatawa sa backseat habang sinusubaybayan ang kung anu-anong misadbentyurs mo + some nuggets of wisdom.

5 06 2008
Shayleigh

ehloe po… pagaling ka ah… at wag malikot… mas mahirap gamutin ung sugat na muling nagbuka, baka maimpeksyon. kaya wag makulit. pagbubuhulin ko kayo ng tatay ko (who recently had an operation on his navel) at nanay ko (who undergo a major operation last january)… makukulit!!!

basta pahinga lang po, hintaying maghilom ang sugat at wag na munang mag isip ng makamundong gawain… hahahahhaah!!!

badoodles: @shay ung mga makukulit at malilikot, dugong maharlika yun. oo, nabasa ko sa tsismis.com. hehe. eto nagpapraktis wag gumalaw. pwede nakong sumali sa statue dance sa disyembre.

5 06 2008
MARU

naalala ko tuloy ang isang episode ng Sex In The City kung saan inalisan din ng isang betlog ang bf ni Miranda. at kung kelan naman inalisan ng betlog si mokong…tsaka naman sya nakabuntis. palagay ko pag gumaling ka na…sunod-sunod na ang pagbubuntis ni mareng bebe.

badoodles: @mareKo sana nga, bigyan ka ni God ng dilang anghel. wag mong ipagkakalat to, plano ko talagang buntisin ng buntisin si misis tapos dalawang buwan lang ang interval ng pahinga. hehe. wag kang maingay.

5 06 2008
gabo^(di-blager)

pagaleng ka hane pare..seryoso, ako din natahe sabi ba naman sa akin maliit lang sugat paggicing ko aun 6″ ang haba.. kaasar..hehehe..

badoodles: @gabo parang tao din ang sugat. may karapatang lumaki. hehe. malamang naglilikot ka din. kung bakit kasi nauso ang pagpapainom sa tin ng ‘tiki tiki’.

5 06 2008
R.J.

kaya ka pala matagal tagal nawala, akala ko pa naman busy ka sa pag-aalaga kay bebeng buntis. ikaw pala ang dapat alagaan. hehehe.

bat kasi scotch tape ang pinandidikit mo eh mahina yun, dapat pinahiran mo ng mighty bond o kaya stapler ng mga taga PLDT. hehehe.

get well soon pards.

badoodles: @pareng ardyey wala akong makitang ibang gamit sa bahay kaya electrical tape na lang. wag kang mag-alala bumili nako ng stapler sa national bukstor. oras na ngumawa ulit ung sugat iistaplerin ko na. mukang natakot, inaabangan ko ngayon pero nakatikom pa din ang sugat.

5 06 2008
dimaks

buti na lang binasa ko ang buong post, kung hindi, akala ko magpapadagdag ka ng dalawa pang betlogs, hehehe. pagaling ka pareng badoodles!

badoodles: @dimaks eto pre, ia-update ko pa lang ung bago mong blog link. tingin ko magaling na ako. susubukan ko ngang tumalon mula sa bubong mamya.

5 06 2008
Warlo

baduds, pasensiya dun sa ‘itanong mo sa barbero’ ha, biro lang naman yun. alala mo pa ko? ok lng kng hndi. dko lam na may dinadala ka palang (betlog) malubhang karamdman. gudluck nlng at pagaling ka, salamat din sa ‘makabuluhang’ advice. peace nd godbless.

badoodles: @warlo oo, hindi kita makakalimutan. ikaw ung una kong pinagtripan sagutin ng pabalang. isipan mo na lang prestige ung inangasan kita. bihira ang blogger na binibigyan ko ng ganung atesnion. hehe. sori. mukang epekto ng tatlong betlog ko, high testosterone level ako noon. bad trip ka nga, di moko niresbakan ng isa ding pabalang. hehe.

5 06 2008
bernardumali

hahaha, sounds family. pabalik balik din ako sa asian last april para sa problema sa tyan, buti na lang beerbelly lang ang hatol. bkit mo pinatanggal ang bukol sa likod, yun ang magliligtas sa’tin sa second coming. pili lang tayo na merong 3rd betlog.
anyway! im sure kung natural kang malibog, tutubuan ka ulit. lolz peace!

badoodles: @bernard tama ka sa teorya mo. tingin ko nga ako ang sugo ng diyos. sa aking betlogs magsisimula ang bagong lipunan.

ayoko ng tubuan ng pangatlog betlog. gusto ko ng normal na buhay.

5 06 2008
Kotsengkuba

Flash news: Two of my favorite bloggers had been through separate medical operations. One had her gall bladder removed while the other had to let go of his spare testicle the size of a miniature golf ball.

Meanwhile, the self-proclaimed demigod-looking hopia wanderer is suffering from a mediocre swollen right foot due to a multiple bicycular accident.

ampucha, umuulan ng disgrasya. kumusta badudols, bigwasan mo yung sugat pag nag-hello world pa ulit 😉

badoodles: @hbc heto pre nakaambang ung martilyo sa harap nya kung sakaling sumilip ulit. kala nya, di ko siya tatantanan. meron pa akong reserbang stapler pag nagpumilit.

pre tumatanda na tayo. gout yan, gout. hehe.

5 06 2008
popoy

ay naoperhan ka nga kuya badoods. yan ba yung sinamahan ka ng utol ni BEBE mo??? naks naman.

ayan tinggal na yung ikatlong betlogs mo. okey lang nakabuo ka na naman eh hehhe 🙂 get well soon 🙂

badoodles: @popoy oo, maginhawa na. balak ko na ding patanggal ung dalawa pang betlog ko nang gumaan naman ang pakiramdam at walang sumasabit at nag-uumpugan sa brip ko. hehe.

5 06 2008
gasti

ayan lang siguro ang isa sa mga bumubukang kinaaayawan ko..tsk tsk..buti napatanggal mo agad..totyal pa ang ospital ah! hehe!

pagaling ka pards..mukhang tambay ka muna sa bahay ngyon ah. wag ka manonood ng bold baka bumuka ulit yang tahi mo.

badoodles: @gasti blessing na din na andito ako sa bahay. nakakareplay agad sa inyo. baka nga mawili ako dito, si misis na lang magtatrabaho tapos maghapon akong hihilata sa bahay. da life of king badoodles.

5 06 2008
gladita

malayo naman pala sa bituka. baka namuong sperm cell lang yan. pagaling ka agad pareng baduds. we’re praying for you’re immediate recovery. naks!

badoodles: @gladita tingin ko nga, libog lang ito na hindi lumabas. nagsimula ito malamang nung celibacy years ko, panahong nagbalak pumasok ng seminaryo kaso di pala sila tumatanggap dun ng mga estudyanteng galing sa pamilyang dispalinghado. bwiset. hehe. ok na un. mas masarap ang buhay ko ngayon.

5 06 2008
ka silyas

ayos ah, yung betlog naging sugat, ayus yun ah!

badoodles: @kasilyas ayus talaga. nagbabago ang kulay, sukat at hugis ng sugat namin depende sa mood. mutant kasi ako. hello earthling

5 06 2008
Jeck

pwede bang malaman kung ano ang cause ng bukol mo? hindi ba yan sa pagkauntog o sobra sa sexy time? hehehe. baka kasi magaya ako sa iyo, at least alam ko na kung paano iiwasan. nyahahaha.

badoodles: @jeck cause: yosi, junk food saka pagtitikol sa publikong lugar. pero sabi ni doc posible ding nasa lahi na. oo, hindi lang lupat bahay ang pwedeng ipamana.

5 06 2008
beero

kaya naman pala it took 48 years bago ka nakapag-post ulit. hehe.

ang kulet mo talaga kuya bossing. ooperahan na lang eh may “corny” joke pa. hehe.

“Kung madedbol ako, tiyak andami ninyong malulungkot at ngangawa [assuming na totoo kayong kaibigan]” – magdrama ba. ang dami mo kayang fans (isa na ko dun) marami talagang ngangawa pag matigok ka.

anyways, get well soon kuya bossing. wag ka kasing malikot para di bumuka sugat. at konting pahinga muna sa “makamundong gawain”.haha.

badoodles: @beero 48 years? hindi naman. 47 years pa lang since my last post. hehe. sa unang pagkakataon, may sumimangot sa joke ko. hehe, kelangan ko pang magpraktis.

ows? iiyak ka? sige nga pasampol, iyak ka ngayon. hehe.

wala ngang magawa dito sa bahay. nanonood ng home shopping channel nagbabakasaling nagbebenta sila ng life size f*cking doll.

5 06 2008
Aling Baby

ang cool mo naman badoods, hindi ka man lang kinabahan??! 😀

pagaling ka ha at wag maglikot para hindi na bumuka yung sugat mo hehehe…:D

badoodles: @aling baby kinabahan siyempre. ayoko lang pahalata. nakakaamoy ng takot ang mga scalpel ng doktor. mamya lalo nilang diinan.

front ko lang ung nagtatapang-tapangan. para mukang cool. ayan bistado nako.

5 06 2008
Palito

Saan daw po nakukuha yon? Pagaling ka po, idol!

badoodles: @palito yosi, junk food saka pagtitikol sa publikong lugar. kaya ikaw tigilan mo na din.

5 06 2008
Warlo

o yan ha piz piz na…kaya dapat pwde nako sa blogroll mo kasi naprestige naman ako db? (ops remember wala na yung 3rd betlog mo, la ng barahan!)
http://warvitt.blogspot.com

5 06 2008
ellieshe

pag bumuka ulet ung sugat lalabas na lahat ng kinain mu..kya wag ka na msyado maglikot kuya ha..hehe..get well soon po!

Godbless!

badoodles: @ellieshe pag bumuka ulit, bubusalan ko siya ng ensaymada. tignan mo hindi ko na ginagalaw ang katawan ko. dila ko na lang ang ginagamit kong pang type sa keyboard. yakk ka dyan. hehe.

5 06 2008
jojie

nakakakita kasi ako dati ng lalaking may goiter, betlog din ba yun? eniways, get well soon badudels. 😉

badoodles: @jojitah hinipo mo sana. kung makunat ang balat na lukot lukot, betlog nya nga un. enihoots, oo papagaling ako.

5 06 2008
tapsiboy

okay ah. so kamusta naman?

asan na yung betlog? ipreserve mo tapos okay na display yan sa sala hehehehe

pagaling ka.

badoodles: @tapsiboy pina-histopath for further examination. pero balita ko, ididisplay sa museo pambata bilang aral sa mga bata na wag maglikot.

6 06 2008
napundingalitaptap

hmmm, anlupet din ng attitude mo. . . at least relax ka lan.

hehe, nun nagfeeling akong totoo nga yung lumps na natagpuan ko sa isang parte ng katawan ko, hala ay akala ko’y madedeads na ako. . .

tas nilihim ko pa sa nanay ko, hindi tuloy kami agad nakapagpacheck up sa doctor. isang buwan ko din yatang inentertain ang kadramahan ko na madedeads na ako. . . sa sabi ng doktor “wala naman a. . . ”

grrrrrrr!! ahaha, sana po okay na okay na kayo. flyfly!!

6 06 2008
annenoneymous

badoodlessss… kaya pala antagal mong nawala, lagi kong sinisilip-silip ang blog mo kung may bagong entry e daddylicious pa rin… niwei, i hope ok na ikaw ngaun… uu na, che-checkin ko na ung tungkol sa masasamang damo :p

seriously, ingat po lagi… shemps magkaka-bebe na kayo ni BebeMo… gudluck! sana gumaling na ikaw…

6 06 2008
madbong23

pagkaba ganyang operation binibigyan din ng demerol? nung naoperahan kasi ako sa appendix ang lakas ng tama ko dun. pagaling ka kaagad parekoy

6 06 2008
chareen

hi BebeKo! ching! jowk lang .. u know what? nakakatuwa ka khit na bulgaran ung mga terms na ginagamit u atleast u can make other people laugh.. hehe!!! eniweiz.. musta kna? pagaling ca!!! tc!

6 06 2008
kulot

buti naman at naniwala ka sa second opinion ng doctor, at malamang di pa yan siguro tanggal ngayon kung ipinagpilitan mo sarili mong teorya, buti nga sayo sa tagiliran e, ako dati mismong sa dibdib kala ko nun pangatlong nipple ko na rin yun, yun pala sebaceous cyst na pala.

6 06 2008
gerrycho

at least… na experience mo na agad ang pakiramdam ng hinihiwa 😀 nyahahaha! get well soon badoods!

6 06 2008
emoterang nurse

ngaun ko lang ito nabasa sir…
pagaling ka…naku hihiwain ka ng doctor nakuha mo pa mag joke…wahaha…kaya lang sablay…hehehe
burdado ka na pala ngaun not just one tahi…wag k n mag likot likot bka maging two more pa ang tahi syo…
iwasan ang mga bawal sir…yngatz…:)

6 06 2008
tim ang

baka naman si aling anda yung magpapatanggal ng tumor sa taba. di ba, mataba siya?

6 06 2008
McRey

buti naman at hindi malala…

Get well soon!!!

Yeah alam namin na tatagal ka pa ng million years dahil masamang dama tutubo at tutubo pa rin kahit anong bunot man ang gawin!!! Apir!!!

Hello na rin pala sa sugat mo kuya! Wag kang gumamit ng electrical tape kapag bumukas ulit baka maimpeksyon ang tape! haha…

7 06 2008
mia

pagaling ka! wag na malikot ng di nabuka ang dapat bumuka! ehehe

7 06 2008
shao

waaaaahh, TUMORR..pag naririnig ko yang tumor tumor na yan eh isa lang ang naiisip kong kasunod nyan. Either si Lucifer o si San Pedro na ang susunod mung makikita..
Pero sa palagay ko eh simpleng tumor lang naman yang sau master badoods…sana nga!! malamang eh naipong sperm cells nga lan yan..

tsaka hindi ka pa pwede ma-deDo ngayun ko palang na-eenjoy ang blog mu..kaya wag ka malikot, wag ka pasaway! heheh
sige ka..baka hindi mo pa makita ang dyunyor muh..
sino nang magtuturo skanya dito sa mundo ng blogging? sa mga da moves sa chicks at lalong lalo na sa pag********

GET WELL SOON PO BADOODZ..

7 06 2008
rofel

wahahahaha… masamang damo talaga…
tumor lng yan bossing, mismatch yan d ka mapipigilan nian.
un nga lng stop labing labing muna. ^___________^
-cheers! stay healthy bossing!

7 06 2008
marian

waaahhh.. malayo sa bituka yan kuya get well soon.. 🙂

baka naipong oil lang yan sa sebaceous gland mo hehehe

pero seriously get well po.. =)

8 06 2008
issapotching

ay sows!!! pagaling ka po!

sabi nga ni marian sa taas OK lang yan & sabi mo nga rin masamang damo ay matagal na kunin ni Lord 😀

8 06 2008
Noime

dapat inisteypler mo na lang. sayang yung mga electric tapes. 😛
asan na yung tinanggal sayo kuya?

9 06 2008
Reyn

hahaha. laugh trip tong entry mo, lalo na yung huling linya tungkol sa pagbuka ng tahi. talaga namang scotch tapos at electrical tape.. dapat siguro duct tape ginamit mo 😛

10 06 2008
Geselle

kayo po talaga, inoperahan na nga at lahat pero nakuha niyo pang magpatawa. pagaling po kayo ! araw araw ko pong inaabangan yung entries niyo 🙂

10 06 2008
bvmpukyrampa

walang pagbabago. pilyong bata kp rin.

10 06 2008
Maylette

Uy, pagaling ka po. 😀

11 06 2008
krisjasper

ngayon lng ako nakabalik.. pasensya na kuya… busy kasi… hinahanap ko kasi yung isang betlog ko.. naalala ko tinago ko pala jan sa likod mo… kelan mo isusuli yan? airmail mo na lng…

27 06 2008
b@kekang

naalala q ang aking mahal na kabiyak n nkikipagsapalaran sa mga anghiting arabo sa kuwait..inoperahan xa sa pwet dahil sa isang pigsa (lamang)..sa tindi ng takot ng mtsansingan ng mga anghiting arabong doktor at nurses..d xa pumayag na masaksakn ng pampatulog..ang pobre qng asawa tiniis ang kirot,hapdi at sakit..waaa…

badoodles: @bakekang nyahaha! balita ko nga reypis mga arabo. isa ring dahilan kaya ayaw kong makipagsapalaran sa mainit na siyudad sa bansa ng arabyano. baka pag uwi ko ng pinas utas pwet ko, kasinlaki ng balon ang luwang.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s




%d bloggers like this: